9
NINE
"Let's start!" sigaw ni Mrs. Lee sa lahat bago huminto ang tingin sa'kin. "Are you ready Ms. Morgan?"
"And your 100% perfection?" maagap na dugtong ni Kiesha.
Nagtawanan ang lahat habang mas nangingibabaw ang tawa nina Erika at Kiesha.
"Yes, Mrs. Lee." Seryosong sagot ko habang tinapunan ko ng masamang tingin ang dalawang kontrabida sa buhay ko.
Lumapit sa'kin si Gleigh na sinamahan nga ako sa rehearsal. "First tip," bulong nito, "Don't mind the others, especially sina Erika at Kiesha. Don't get affected. They're just distracting you. At kapag nagpadala ka sa kanila, matatalo ka!"
Right.
Pakiramdam ko bumalik sa normal ang paghinga ko. Malaking tulong si Gleigh. Parang lumakas din ang loob ko, knowing that there's someone behind my back.
"Copy." Nakangiting sagot ko kay Gleigh na bumalik na rin sa bakanteng front seat.
Humarap si Mrs. Lee sa lahat na nakababa na ng stage. "Alright, uunahin muna natin ngayon ang second scene. Go to stage, Kiesha, Alfred, Tina, Leo, and Leah."
Sumunod ang lahat na tinawag na pangalan ni Mrs. Lee. Ikinahinga ko naman ng loob iyon, para makita ko man lang muna kung paano nila ginagawa ang bagay na bihasa na nilang gawin.
I watched them.
Kahit namamahay ng galit ang loob ko kay Kiesha, masasabi kong magaling nga naman talaga ito. Maging sa pagkanta ay hindi na siya nagangailangan ng ghost singer di tulad ng iba.
Hanggang sa pumasok ang sumunod na malamig at magandang boses ng lalaki... that was Nate. Nasa backstage siya bilang ghost singer.
Dama ko ang bawat kanta niya na hindi mapagkakailang may talento nga naman talaga siya pagdating sa musika.
Parang biglang nawala ang inis ko sa kanya na kanina lang ay dumagdag ng sama ng loob ko.
"Won't you say yum, this time?" Bulong ni Gleigh na katabi ko ngayon habang wala pa ako sa linya.
Hindi ko pinansin o sinagot si Gleigh habang patuloy ang seryosong pakikinig ko sa boses ni Nate.
Matapos ang second scene, palakpakan ang naging sagot ng buong cast kasama na ako. Pero ang palakpak ko ay para lang kay Nate at hindi para kay Keisha.
"Mahusay!" sigaw ni Mrs. Lee na pumapalakpak din. "Ngayon palang masasabi kong handa na kayo sa final show." matapos makababa ng mga nasa stage, muling sumigaw si Mrs. Lee. "Now, it's your turn, Ms. Morgan."
Napansin kong ako lang ang tinatawag ni Mrs. Lee gamit ang last name kahit alam naman niya ang eksaktong pangalan ko.
Umakyat na ako ng stage na mas kampante ngayon kumpara noong huling beses na nakatayo ako sa harapan ng lahat. Kaka-check ko palang ng utak ko, at nakumpirma ko namang intact pa rin ang na-save kong data. That's a relief. Mukhang wala namang corruption at virus attack na nangyari. Sana lang magtuluy-tuloy ang delivery ng lines ko.
Then I started...
Hinusayan ko ang bawat bitaw ko ng linya na ilang araw ko ring pinaghirapang memoryahin. Halos mabaliw-baliw ako sa pagkakabisado kung saan banda hihinto at magpapatuloy kasabay ang tamang tindig at ekspresyon ng mukha.
Nang magawa kong matapos ang dapat kong sabihin na walang labis at walang kulang, napapangiti ako sa walang palyang performance ko.
Pero nang pumasok na ang music... bigla akong nataranta dahil hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Hindi ako makasabay sa kumakantang boses na siyang ghost singer ko.
"Ba't di ka makasabay sa boses, Ms. Morgan?" sigaw ni Mrs. Lee na nagpatigil sa musika.
"I'm not familiar with the song, Mrs. Lee."
"That's part of your job na alamin ang kanta. Hindi mo gagamitin ang boses mo, but that doesn't mean na hindi mo na igagalaw 'yang bibig mo. Alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng lypsing."
Ba't niya kailangang idaan ang lahat sa sigaw? May sunog ba?
I bit my tongue. That's the best thing to do kung ayaw kong mauwi ang lahat sa kahihiyan.
"Nasaan na ngayon ang perfection mo, Ms. Morgan?" sumbat ni Mrs. Lee na hindi pa rin tapos sa'kin. "You only gave me 80% today.. Where's the other 20%?"
Nasa bunganga mo, Mrs. Lee. Halos maputol ang dila ko sa kakapigil kong sumagot.
"Ms. Morgan, ayoko sanang sabihin 'to, but I think, this will push you more... You're too far from Cee's acting skills. Ni hindi mo siya matapatan."
Hindi ako makapaniwala sa pangalang kababanggit lang niya. Ba't kailangan na namang ikumpara ako kay Cee?
Tinignan ko ng masama si Mrs. Lee na parang nakaklimutan ko ang posisyon niya bilang mentor.
"Paano ko mapapatunayan ang sarili kong kakayahan kung ang kakayahan ni Cee ang hinahanap niyo?" hindi ko na kayang kagatin pa ang dila ko sa mga oras na'to. "Sana intindihin niyo rin na bihasa na si Cee, samantalang ako nagsisimula pa lang. Nakalimutan niyo rin yata na isa lang akong baguhan na walang alam at bigla na lang ninyo kinaladkad rito para palitan ang pwesto ng kambal ko!" Wala na akong pakialam kung hindi man nila nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ko. "Sabihin niyo nga, paano ko siya matatapatan o mahihigitan kung hindi niyo ako hinahayaan?"
Silence. Walang kahit sinong gustong magbalak na basagin ang katahimikan na laging ako ang pasimuno.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tingin ni Mrs. Lee at nang ibang nakatitig sa'kin. Pero wala na akong balak hintayin pa ang sasabihin nila. Wala na akong pakialam kung naging katawa-tawa man ako sa mga sinabi ko ngayon.
Sa pangalawang pagkakataon, I walked out.
Pero wala na muling pumigil pa sa'kin.
9 point ONE
Patuloy ang paglalakad ko palayo ng Theater.
You did the right thing Dee! Wala akong ibang magawa kundi ang kumbinsihin ang sarili ko na tama lang ang ginawa ko.
Bakit pa kasi ako lumipat dito sa Circle High? Ano bang pumasok sa isip ko? Bakit ko pinipilit na pumalit sa pwesto ni Cee?
Parang gusto ko ng pagsisihan ang desisyon kong sumuot sa pwestong kinalalagyan ko ngayon. Totoong masarap sa pakiramdam na maging si Cee at maranasan ang hindi ko makuha-kuha noon. Pero mukhang sa una lang. Napapatunayan ko na ngayon na hindi rin pala madali. Hanggang ngayon nakikipagkompetensya pa rin ako sa kanya kahit sabihin pang wala na siya.
"Look, brad.."
Natigilan ako sa paglalakad nang harangan ako ng dalawang estudyanteng lalaki na wala sa mga mukha ang pagiging gentlemen.
"She's the wild version of Cee, brad."
Awtomatikong sumalubong ang kilay ko sa narinig ko mula sa mas matangkad na lalaki. Mukhang kalat na nga ang video ko sa lahat. Pero, dahilan ba 'yon para mawala ng ganoon kabilis ang respeto nila sa'kin?
"Ipinanganak ba kayong mga bastos?" wala akong inuurungan kahit sabihin pang malalaking tao ang kaharap ko.
"Hindi naman. Pero lumalabas lang naman ang pagiging bastos namin sa babaeng kabastos-bastos din naman."
Hindi na naging kagulat gulat na biglang uminit ang ulo ko. Nanggigigil na kiniyom ko ang kamao ko at walang pagdadalawang-isip na sinuntok ko ang pagmumukha ng mismong taong naringgan ko ng nakakagigil na salita.
Ouch. Ako ang mas nasaktan sa ginawa ko. Sadyang matigas ang pagmumukha ng lalaki di tulad ng inaasahan ko. Sana pala sinampal ko na lang.
Nakabawi nga ako, pero mukhang hindi naman magiging maganda ang sunod na mangyayari.
"You know what? Kung si Cee ka, hindi ka namin magagawan ng ganito... Pero hindi eh. Iba ka sa kanya..." patuloy ang paglapit sa'kin ng dalawa.
"You know what.." mas lalo kung tinaasan ang boses ko na hindi nagpapakita ng takot. "Matagal ko ng alam yan. At ikaw na ang pang-sampung taong nagsabi niyan sa araw na 'to. Ni hindi mo na dapat pang sabihin dahil nakakarindi na."
Tinawanan lang ng dalawa ang sinabi ko at patuloy na lumapit. Then, they grabbed me.
Pumalag ako, pero masyado silang malakas. Hanggang sa naririnig ko na ang malakas ng kabog ng puso ko. Nagsisimula na akong matakot.
"Hindi niyo ba iniisip ang mangyayari after this?" sa kabila ng kaba, nagagawa ko pang magpakita ng matapang na anyo. "Pwede kayong ma-suspend... or, ma-kick-out!"
Sa halip na matakot, mas lalo pang lumakas ang loob ng dalawa. "Mahirap mangyari 'yon kung anak ako ng principal... Alex Lagdamayo by the way."
Shooot. Kaya naman pala malalakas ang loob!
"So you're the pain in their ass!" alam kung nilalagay ko lang sa hindi magandang sitwasyon ang sarili ko, pero hindi ko masisisi ang bunganga ko. "Blacksheep! Hindi na ako magtataka kung kinaaayawan ka man ng magulang mo! Right?"
Alam kong nagmarka sa lalaking kaharap ko ang mga sinabi ko. Dahil pareho lang nito ang pagkamuhi ko sa mga salitang iyon. Masakit pero totoo. At kahit pilit kang magpakabago, sa huli, may dumi pa ring makikita sa'yo.
Gaya ng inaasahan ko, masyado kong ginalit ang anak ng principal na ngayon ay pinipiga ang braso ko na matindi ang panggigigil. Ramdam ko ang sakit ng unti-unting pagbaon ng mga kuko nito sa balat ko. Nanginginig sa galit.
Kagat labi kong pinipigilang ilabas ang iyak na pumipilit kumawala sa'kin. Hanggang sa ganitong sitwasyon, hindi ko ipapakita kahit kanino man na nahihirapan, nasasaktan, o natatakot ako. Kahit pa sa taong hindi ko kilala.
"Mukhang matigas rin talaga siya, Alex." Sambit ng isa na umiiling-iling sa pagmamatigas ko.
Naramdaman kong mas lalong tumindi ang masamang tingin ni Alex na hindi nagustuhan ang pinapakita kong tapang. Kaya mas inakyat nito ang pananakot o mas dapat sabihing pambabastos... dahil ramdam ko ang unti-unting panghihipo nito habang minamasdan ang reaksyon ko.
Sa puntong ito, parang bigla na ring nawala ang katapangan ko, dahil tanging panic na lang ang nararamdaman ko habang mas lumalakbay ang bastos na kamay ni Alex sa kung saang parte ng katawan ko.
"Get off me. You and your dirty hands!" nakuha ko pang isigaw 'yon pero may halo na ngayong takot at panginginig.
Ikinatuwa ng dalawa ang hinihintay nilang ganitong klaseng reaksyon mula sa'kin. At ang nakakalokong tingin ni Alex ang mas ikinatakot ko pa. Pinilit ko muling kumawala ng ilang beses pero hindi ko magawa. Pero bago ko pa man malabas ang luhang namumuo na sa mata ko, isang knight and shining armor ang hindi ko inaasahang eeksena.
"You better stop it now, Alex!"
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang taong hindi ko inakalang magsasalba sa'kin ngayon.
"Mali ang inaakala mo, Nate!" biglang palusot ni Alex na halatang ikinabahala ang paglitaw ni Nate. "Ang babae na 'to mismo ang nagpakita ng motibo. She's a flirt. Nilalandi niya ako kanina.. kaya binibigay ko lang ang gusto niya."
"What?!" sigaw ko sa mismong pagmumukha ni Alex. Hindi ko inakala na sa kabila ng kayabangan at kabastusan nito, duwag rin pala. "That's not tr—"
"Totoo 'yon Nate." Pagtatanggol pa ng kasama ni Alex na walang pinagkaiba sa kaibigan. "Kakaiba ang babaeng 'yan. Ibang-iba kay Ceeline. Masyadong malandi. Siya mismo ang lumapit kay Alex."
Mabilis kong sinugod ang dalawa at pinagsasampal ko. "Bastards. Kayo ang mga bastos! Nakakadiri kayo. Walang matinong babaeng papatol sa inyo!"
"Bakit? Matino kaba?"
Mas lalong kumulo ang dugo ko sa dalawa. Mabilis ako nakahanap ng malapad na patpat at muling sinugod ko ang dalawa. Hindi man lang dumampi ang kahit na dulo ng patpat sa kanila dahil sa biglang pagharang ni Nate na nasalo ang hampas ko.
"Stop it Deelan!" pagpipigil sa'kin ni Nate na sinamantala ng dalawa na makaalis sa hindi maaabot ng paningin ko. "Lahat na lang ba idadaan mo sa dahas at init ng ulo?"
"Ininsulto at binastos na ako at lahat-lahat...wala pa rin ba akong gagawin?" hindi ko alam kung anong merong klaseng prinsipyo si Nate, maliban na lang kung... "Naniniwala kaba sa mga sinabi nila?"
Sa halip na sumagot, kinuha ni Nate ang hawak-hawak kong patpat at tinapon.
"So hindi ka naniniwala sa'kin? Ganoon ba?" muling pagkompronta ko kay Nate. "Mas naniniwala ka sa mga gagong 'yon? Ako ang babae at ako ang binastos dito..."
"Hindi mangyayari 'yon kung hindi ka... hindi ka—"
"Naglandi?!" dugtong ko sa hindi niya matapos na salita. Ilang segundo akong natahimik dahil hindi ko magawang magsalita sa mas tumripleng sama ng loob ko sa kanya.
"Alam mo Nate? Wala ka ring pinagkaiba kay Alex. Para mo na rin akong binastos!"
Kahit marami pa akong gustong idagdag, pinili ko na lang na tumigil dahil mukhang walang magbabago sa pagtingin sa'kin ni Nate. Nilagpasan ko siya at mabilis na lumabas ng school.
Hindi rin ako nakauwi agad dahil kinailangan ko pang hintayin si Gleigh sa kotse nito para sumabay. Ilang minuto rin lang, dumating na rin ito.
"Dee?" bungad sa'kin ni Gleigh. "Kanina pa kita hinahanap sa loob." Mababakas muli ang concern mula rito na ikinagaan ko naman ng loob. "Okay ka lang?"
Tumango lang ako bilang kasagutan. Kahit alam kong pwedeng pagkatiwalaan si Gleigh, pinili ko na lang manahimik. Hindi pa ako handang maglabas ng mga hinanakit ko sa nangyari kanina. Hindi ako sanay.
"Alam mo Dee? Napabilib mo ako kanina... hindi man sa acting, pero sa pangangatwiran kay Mrs. Lee. Alam mo bang, ikaw lang ang unang nakasagot ng ganoon sa kanya... And you did the right thing. Palaban ka talaga."
Ngumiti ako sa unang positibong komento na narinig ko sa araw na 'to at nanggaling 'yon kay Gleigh. Bagay na nakakapanibago. "Well, kawalan na nila ako."
"Yang kayabangan mo ang babaan mo. Kaya ka napapalaban."
Sa halip na makipagbiruan, sumeryoso ang mukha ko. "Nakikita mo rin ba sa'kin si Cee?" biglang pag-uungkat ko sa usapang naging paksa sa araw na 'to. "..or mas nakikita mo ang kaibahan ko sa kanya?"
"Nakikita ko 'yong totoong ikaw. Yong totoong Dee. 'Yon bang, kahit perfect mo na ang panggagaya mo sa kasingit-singitang anyo ni Cee, palpak ka pa rin pagdating sa tunay na kilos at galaw ng kambal mo. Dahil lumilitaw at lumilitaw ang natural na ikaw...yong pagiging mainitin ng ulo, padalos-dalos at kabobahan."
"Whoa, that's too much. You can stop now..."
"All I'm just saying is, Hindi mo na kailangan mag-ayos na parang si Cee, dahil ikaw si Dee. Ipakita mo sa kanila ang ikaw. At mapapakita mo lang sa kanila 'yon, kung liliko ka ng landas.."
"Saan? Sa dating daan o bagong daan?"
"Kahit anong daan basta hindi ang daang tinahak ni Cee."
"Ayoko rin naman, ayoko pang mamatay."
Tinignan ako ng tingin ni Gleigh na nagsasabing tumahimik ako dahil seryoso siya. Pero kahit anung pagmamaang-maangan ko, naiintindihan ko ang gustong ipaabot ni Gleigh.
9 point TWO
"Nate, mauna na kami." Pagpapaalam nina Sam at Jacobo kay Nate na parang wala pang balak umuwi ng bahay.
Tumango lang si Nate sa dalawa bilang pagpayag sa pagpapaalam ng mga ito. Pinagpatuloy niya ang ginagawang pagtugtog. Habang tumatagal, lalong nawawala ang focus niya sa ginagawa dahil sa kanina pang umuukupa sa isip niya.
Hindi niya magawang isantabi ang nangyari lang kanina. Alam niyang wala siyang dapat ika-konsensya dahil wala siyang ginawang mali.
Anong magagawa ko kung si Alex ang mas pinaniniwalaan ko? Masisisi niya ba ako? Minsan ko na ring napatunayan ang paglalandi niya.
Siguro nga hinusgahan ko siya o hinusgahan siya ng tao, pero hindi niya kami masisisi. Ang video na ang ebidensiya na nagpapakita kung anong klaseng babae siya.
Ba't hindi man lang niya nakuha ang kahit pagiging desenteng babae man lang ni Cee.Mukhang hindi na rin katakataka kung bakit namomroblema ng sobra si tita Rebecca sa kanya.
Bakit ko ba kailangang problemahin ang mga bagay na hindi ko problema? Pero kung nandito pa rin sana si Cee, alam kong hindi niya hahayaang mangyari ang ganito sa sarili niyang kapatid. Pakiramdam ko tuloy, obligasyon ko na ring pangaralan at ayusin ang buhay ng kakambal niya.
Pero hindi ko na kailangan pang gawin 'yon. Kahit gaano pa siya kakonektado sa buhay ni Cee, hindi ko pa ring ugaling makialam sa buhay ng ibang tao.
Kasabay ng pagliligpit ng gamit, tinitgil na rin ni Nate ang napapalalim na pag-iisip. Nauubos lang niya ang oras sa hindi makabuluhang bagay na dapat sana ay ginugugol na niya ngayon sa mga dapat niyang pagkaabalahan. Isa na rito ang pagsusulat ng kanta para sa nalalapit na kompetisyon. Mula ng mawala si Cee, hindi na niya matapos tapos ang nasimulang kanta. Ganoon nga talaga siguro kasaklap kapag ang nag-iisang inspirasyon ang nawala.
Habang naglalakad palabas ng Circle High si Nate, bigla siyang natigilan sa tawanan ng grupo na naririnig niya. Wala na ring masyadong estudyante kaya malinaw niyang narinig ang pamilyar na boses.
"Oo, brad. Totoo ang sinasabi namin. Nailakbay na ni Alex ang mga palad niya sa mismong heavenly body ni Deelan Morgan, 'yong kakambal ni Ceeline. Pero ibang iba siya sa kapatid niya... malandi siya, brad."
Nahuli na lang ni Nate ang sarili niya na nakikinig sa usapan ng grupo ni Alex.
So, totoo nga... Tama lang pala na naniwala ako kay Alex. Kaya wala na dapat akong ika-guilty ngayon.
Tinigilan na ni Nate ang lihim na pakikinig. Kumilos na siya sa paghakbang paalis sa apat na nagtitipon na grupo.
"At matapang. Walang sukong pumapalag para kumawala. Pihikan pa. Nandiri ba naman sa'kin.. akala mo kung sinong santa, eh nakita na rin naman ng lahat sa video kung gaano siya kalandi. Kung hindi lang dumating si Nate...sapilitan ko siyang paaamuhin."
Natigilan si Nate sa paghakbang palayo. Mismong malinaw na narinig ng dalawang tenga niya ang totoong nangyari.
"Pero alam niyo ba ang ikinatutuwa ko sa lahat? Para ko na rin nahawakan at nahipo ang katawan ni Ceeline."
Ang huling pahayag na iyon ni Alex ang mas nagpatindi sa umuusbong na galit ni Nate. Walang pagdadalawang isip na ikinilos ni Nate ang mga paa pabalik sa grupo.
Nang makalapit na siya, walang salitang binigyan niya ng isang suntok si Alex sa mismong pagmumukha nito.
Naputol bigla nag tawanan ng grupo na hindi naman makaganti agad ng makitang si Nate ang gumawa ng bagay na iyon.
"Gusto mo bang mapatalsik ka kasama ang Principal mong ama? Baka hindi mo alam na maraming beses ka na niyang pinagtakpan na hindi naman dapat."
Agad na tumayo si Alex hindi para lumaban kundi para magmakaawa. "Nate, pag-usapan natin 'to."
"Sana naisip mong sabihin 'yan kanina noong kaharap pa natin si Deelan."
Lumuhod pa si Alex na dumudugo ang nguso at walang pakialam kung nagiging katawa-tawa na siya sa harapan ng sariling grupo. "Makikipag-usap ako kay Deelan kung gusto mo. Hihingi ako ng kapatawaran."
"Do it monday morning sa harapan ng maraming tao."
"Gagawin ko. Gagawin ko, Nate.
:
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top