8
EIGHT
It's Friday.
Pagpasok ko palang ngayong umaga, ramdam ko na ang ibang ihip ng hangin. Hindi ko maintindihan, pero alam kong may kakaiba sa bawat tingin ng bawat estudyanteng makakasalubong ko.
Anong meron? Wala akong marinig na hi Dee, hello Dee at good morning greetings. Parang bigla silang pinutulan ng dila ng makita ako. Nawala na 'yong pagiging fanatic nila samantalang kahapon at noong nakaraang araw lang ay parang kulang na lang latagan nila ako ng red carpet na parang napakaimportanteng tao ko. Kaya hindi ko maintindihan kung anong nangyari ngayon.
Whatever. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa classroom ko habang dinededma ang weirdo kong mga schoolmates. Stunning lang siguro ang beauty ko ngayong araw na'to.
Pero sa pagpasok ko sa sarili kong klase, di ko akalaing ganoon ding tingin ang matatanggap ko sa sarili kong mga classmates.
"What's happening?" tanong ko sa lahat dahil naiintriga na ako. I waited for their answers, pero wala man lang nagsalita. "Hello?"
Sinagot nila ako ng nakakainsultong tawa na alam kong makahulugan na dapat kong ikabahala. Parang may kinalaman sa'kin. Kung ano man 'yon, I want to know!
I looked for Gleigh, pero wala pa siya. Kung wala akong ibang matinong mapagtatanungan, maghahanap ako ng makakasagot sa kanina pang bumabagabag sa pag-iisip ko. Lumabas ako ng classroom at pinuntahan ang banda.
Nang pumasok ako, nakita ko silang nakatitig sa isang cellphone na parang may pinapanood. Dahil nakatalikod sila sa'kin, hindi nila agad napansin ang presensiya ko. Tahimik rin lang akong nagmasid sa pinapanood nila.
Napalunok ako sa nakita ng dalawang mata ko. That was me!
Mas lumapit pa ako sa tatlo at biglaan ko na lang na hinablot ang cellphone na si Jacobo mismo ang may hawak.
"Shooot!" tanging nasabi ko habang mas malinaw na pinapanood ang video. It's me... dancing, drinking, and kissing some random guys. "I'm a... bitch!"
Natutulala ako sa mga nangyayari. Wala akong naaalala na may ginawa akong ganito... because I was drunk. Who's behind this?
Tinignan ko ng malalim si Jacobo. "Saan mo nakuha ang video na 'to?" Tanging kay Jacobo lang nakatutok ang mata ko. Hindi ko gustong makita ang reaksyon ni Nate dahil alam kong mas bumaba ang tingin niya sa'kin.
"I don't know. Wala akong kinalaman diyan." Umiiling-iling pang sagot ni Jacobo na parang natakot sa paraan ng pagkakatitig ko. "It's all over the youtube. Pinasa rin lang yan sa'kin. Kalat na dito sa school."
Bakit ko pa nga ba tinatanong kong sino, alam ko rin naman ang sagot.
"Si Erika!" nanginginig na sambit ko. Nilasing niya ako, saka kinunan ng video. At hindi na ako magtataka kung kasabawat rin dito si Kiesha. They planned this.
Makakapatay ako ng tao ngayon. "I'm going to kill them both!"
Halos lumipad na ako papunta sa dalawang pinakamamahal kong kaaway nang pigilan ako ni Nate. "You need to stop."
"I won't! Hindi ko palalampasin 'to. Hindi ko sila uurungan." Nagtatagis ang mga ngipin ko sa galit.
"And what will happen after? Sa tingin mo mabubura sa isip ng bawat taong nakapanood nito ang nakita nila? Do you really think masusolusyunan 'to ng pagsugod mo sa kung sinong taong may gawa nito?"
Ang matinding galit na nararamdaman ko ay hindi magagawang magpaawat at mapapakumbinsi ng ganoon kadali ng ilang salita ni Nate, kahit sabihin pang may punto siya.
"At anong gagawin ko? Uupo na lang habang pinagtatawanan? Iiyak? No way! Pagbabayarin ko sila!"
Muli akong pinigilan ni Nate sa tangka kong pag-alis. "Sa tingin mo ba, sila lang ang may kasalanan sa nangyari? Ba't di mo rin sisihin ang sarili mo, Deelan? Sabihin mo nga, inutusan ka ba nilang gawin ang mga bagay na 'yon? Ang sumayaw na parang prostitute.. Lumaklak ng alak? At makipaghalikan sa kung sino lang?.. Base sa video, nag-enjoy ka!"
Natigilan ako. Walang maisagot.
"Diba?" pagpapatuloy ni Nate, "In the first place, hindi 'to mangyayari sayo kung nagtino ka! Kaya malas mo lang dahil nakuhanan kanila ng video."
But I was drunk. At plinano nila 'yon. Gusto kong sagutin si Nate na biktima pa rin ako.. pero parang ang hirap. Bakit pa ako mag-aabalang ipaliwanag o ipagtanggol ang sarili ko kung hindi rin naman ako maiintindihan ni Nate. Para sa kanya, masamang babae ako.
Nabasag ang maikling katahimikan sa pagdating ni Gleigh. "Did you saw the video na—" natigilan ito nang makita ako. "Dee,"
"We saw it." Sagot ko sa naputol na tanong nito.
Lumapit sa'kin si Gleigh na may pag-aalala. "Huwag ka munang pumasok kung ayaw mo... You can stay here if you want."
"Why would I do that?" walang kaemo-emosyon na saad ko. "Hindi ko rin naman mabubura ang nangyari." Binigyan ko ng masamang tingin si Nate. "Just like what Nate had said, I deserve it." Sarkastikong saad ko..
8 point ONE
Hindi naging maganda ang pagpasok ko sa una at huling klase. Kahit nakatalikod ako, naririnig ko ang bulung-bulungan at tawanan na alam kong tungkol sa'kin. Sa isang iglap, nawala ang respeto nila sa'kin. Ano ba ang akala nila? Walang imperpektong tao? Kailangan ba, mahinhin ang lahat ng galaw? Walang pagkakamali?
Stop thinking Dee! Kailan ka pa naging sensitive sa iniisip sa'yo ng ibang tao? Bakit mo kailangang maging affected?
"Will you stop?" mataray na saad ko sa malalanding babaeng nasa likod ko. Tapos na ang pagpapanggap ko ngayon bilang isang sweet person. "I'm right here, can't you see? Dinig na dinig ko ang pinagchichismisan niyo..."
"We know that you're there. Kaya ka nga namin pinag-uusapan eh."
Kung may pinakamahirap man na bagay na baguhin sa sarili ko, iyon ay ang pagkontrol ng sariling galit. Napakaiksi ng pasensya ko, kaya alam kong ilang segundo lang sasabog at sasabog rin ako lalo na't hindi ko pa nalalabas ang malaking galit ko kay Erika at Kiesha.
"Hindi niyo magugustuhan ang mangyayari sainyo kapag di niyo pa tinakpan ang mga bibig niyo." That's a warning. At isa pang maling salita mula sa kanila, tiyak na mapupunit ko ang mga pagmumukha ng mga 'to.
"Alam mo, Deelan Morgan? Sa ginagawa mong 'yan lalo lang kami nagdududa kung kapatid ka nga ba ni Ceeline. Dahil kung anong binait ni Cee siyang sinama ng ugali mo. Sabihin mo nga, nagpaplastic surgery ka ba para lang gayahin ang mukha ni Cee?"
You're Dead! Damn it!
Binagsak ko na ang bag at kung ano pa mang mga bagay na sagabal sa gagawin kong pananabunot sa mga babae sa likuran ko, nang muli't muli may pumigil sa'kin. Gleigh again. "Calm down Dee. Huwag mo silang patulan kung ayaw mong ma-kick-out!"
"Hindi ako natatakot na ma-kick-out, basta lang makaganti ako sa mga babaeng 'to. Tig-sasampung kalmot lang sa mga mukha nila, masaya na ako."
Ang mga babae na mismo ang umatras nang marinig kung paano kaseryoso ang pagkakasabi ko.
Nang hindi ko na sila naabot ng paningin ko, saka rin lang ako nakahinga ng maluwag. "Kung wala lang pumipigil sa'kin sa araw na'to, I'm sure, anim na tao na ang napatay ko!"
"At bilangguan ang hantong mo!" dugtong ni Gleigh na bahagyang ikinatawa ko.
"Sinusundan mo ba ako? At ba't ba lagi mo na lang akong pinipigilan?"
"Dahil alam kong magsisilabasan na ang sungay mo. At nangangailangan ka ng anghel na gagabay sa'yo, Deelan Morgan! Matauhan ka nga!"
That made me smile again. "At kailan pa nagkaroon ng angel ang isang evil monster?!"
Ba't pag kay Gleigh nanggaling, hindi ako apektado... samantalang kanina, kumulo hanggang langit ang dugo ko.
"How's you're script going?"
Naramdaman ko ulit ang concern muli kay Gleigh. "Mahirap." Alam kong hindi ko na kailangan pang magkunwari kay Gleigh. "Mahirap para sa taong tulad ko na hindi kasing talino ni Cee. Nakakasira ng ulo!"
"Akala mo bang hindi rin naman 'yan naging madali para kay Cee? Minsan kasi, hindi lang talino ang kailangan.. tiyaga rin Dee."
That's a good advice from Gleigh. Mukhang kakailanganin ko ang tulong niya. "Eh paano 'yan.. kahit tiyaga, wala rin sa pagkatao ko.."
"At least, mas madaling makuha 'yon, kaysa sa talino na tiyak na aabutin ang dekadang taon bago mo makuha."
Napatawa na naman ako. Ganoon ba talaga ako ka-boba?
"But you know what?" putol ni Gleigh sa tawa ko. "I'm here if you need help. I can teach you some strategies na nalaman ko kay Cee,"
I smiled. Ngayon lang naging ganito kagaan ang pakiramdam ko kay Gleigh. At least sigurado ako kay Gleigh na wala siyang hidden camera na handang ilabas sa oras na lumalabas ang kabaliwan ko. Kahit alam kong nasa kay Cee ang loyalty nito, alam ko naman na hindi niya magagawang gawin ang ginawang pagtatraydor sa'kin ni Erika.
Tumayo ako na hindi pa sinasagot ang alok ni Gleigh. "Let's go?"
"Saan?" nagtatakang tanong ni Gleigh sa'kin.
"Sa Theater para sa reahearsal. Diba dapat lang na kasama kita whenever I need your tips and advices."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top