7

SEVEN

Matapos ang huling klase ko ng hapon, dumiretso na ako sa theater para sa rehearsal. Alam kong dapat na akong kabahan ngayon pa lang dahil kakaunti lang na lines ang nakabisado ko. But I'm not going to back-out. Napasubo ko na ang sarili ko nang bitiwan ko ang panghahamon ko kay Kiesha. Goodluck to me.

Nagbuntong hininga ako bago tuluyang pumasok sa loob. Marami na silang naghihintay na hindi ko alam kung kumpleto na. I spotted, Kiesha at Adela na nandoon na rin...and Erika, na muling nagpapainit ng dugo ko.

Calm down, Dee. You need to calm yourself! Control.

I breathe in, and breathe out. Kalma.

Natuto na ako matapos ang nangyari kahapon. Kahit imposible, kailangan kong matutunang kontrolin ang galit ko. Gagayahin ko ang tactique ni Erika... magbait-baitan kapag may ibang taong nakakakita.

Itago ang sungay!

Lumakad ako nang mas kalmado palapit sa grupo. Nahalata kong umiba ang ihip ng hangin ngayon. Hindi na ako dapat magtaka kung dahil 'to sa nangyari kahapon. Ang katahimikan sa pagdating ko ay nangangahulugan lang na nasa kay Erika ang simpatya ng karamihan.

Habang iwas ang ilang grupo sa'kin, si Adela lang ang lumapit na normal lang tulad ng dati. "Dee, kabisado mo na ba ang linya mo?"

"Yuh." Sinabayan ko pa ng pagtango para magmukhang kumbinsido. "Sinu-sino pa ba ang hinihintay natin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ayan na pala sila..."

Napatingin ako sa paparating na ilang tao na tinutukoy ni Adela. What the?

"Is that Nate? And Sam?" Hindi ko mapigilang hindi mapanganga. Matapos ang engkwentro namin ni Nate kahapon, masusundan ulit ngayon ang pagpapakitang-gilas ko ng kahihiyan.

Ba't ba kailangang nandito si Nate? Ba't ba kailangan pa niyang masaksihan ang mangyayari mamaya?

"Anong role ni Nate?" tanong ko kay Adela. Hindi ko sila nakita noong huling meeting namin dito sa theater.

"Wala silang role sa play. They won't act. They will just sing behind the curtain. Ghost singer."

"What? May halo ba 'tong musical play?"

"Yeah. Hindi ko ba nasabi sa'yo?"

Umiling iling ako bilang kasagutan. Hindi naman ako nababahala kung meron din naman palang ghost singer.

"Oh, I'm sorry about that. Pero marunong ka naman kumanta just like Cee right?"

"I don't sing." Ramdam ko ang tingin ng lahat sa narinig nilang sagot ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang mabigla.

Hindi nakapagsalita agad si Adela na sinamantala ni Kiesha ang pagkakataon na sumingit. "What?! You can't sing?!" lumagapak sa tawa si Kiesha na parang nagdiriwang na sa maagap na pagkapanalo. "What a shame! Then, why are you here? You're not supposed to be here, my dear."

"Pero, may Ghost singer naman ah!" maagap na kambyo ko. "That's their job, not ours."

Muling tumawa si Kiesha. "Mukhang hindi mo alam ang pinasukan mo, Deelan Morgan." Nangingiti pa 'to. "Yes, we do have ghost singers, but not for the leading role. Nagagawa 'yon ni Cee... At idagdag mo na rin ako."

Tinignan ako ng lahat na parang kaawa-awa. Pero hindi ko hahayaang magtagal ang ganoong tingin nila sa'kin. "Pero, wala namang pinagkaiba 'yon diba?! What's wrong kung gagamit ako ng ghost singer gaya ng iba? As far as I know, ang pag-arte pa rin naman ang main-thing ng play na 'to.. At wala naman sigurong problema kung hindi malalaman ng audience at tayo-tayo rin lang ang nakakaalam. What do you think, Adela?"

Parang kandilang unti-unting nauubos ang kumpyansang ipinapakita ko sa lahat ngayon, dahil nananatiling tahimik si Adela na parang nagulo ang pag-iisip.

"Yes, I think that's fine."

Napatingin ako at ang lahat sa back stage kung saan naroon ang isang may edad na babaeng sumagot sa tanong ko. Lumapit muna siya bago muling nagsalita.

"Hi, Ms. Deelan Morgan. I'm sorry kung ngayon lang ako makapagpapasalamat sa pagtanggap mo sa role na iniwan ng kapatid mo. I was sick, kaya hindi ako nakasipot sa dapat first meeting natin. Well, ako nga pala ang humahawak nitong Theater."

Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa na tulad ng iba, amazed sa pagkakapareho namin ni Cee. Ilan pa bang tao sa mundo ang hindi pa nakakakita ng kambal?

"But, Mrs. Lee—"

"Kiesha, I said it's fine. Walang problema kung kukuha tayo ng ghost singer for her. What important is...we have Cee's face here."

Hindi ko alam kung dapat bang matuwa sa sinabi ni Mrs. Lee. 'Yon lang naman ang tingin sa'kin ng lahat...replacement dahil nasa akin ang mukha ni Cee. Pero duh, mukha ko rin 'to. Pagmamay-ari ko at hindi ni Cee.

"So, I think we have to start now! Everybody!!" sigaw ni Mrs. Lee na tanda ng pagsisimula ng rehearsal. "Ms. Morgan, go to the stage, now!"

Kahit tatatlong lines ang natatanging alam ko, nagawa kong pumunta sa stage. Pahihiyain mo ba talaga ang sarili mo, Dee?

Bahala na si satanas.

"Okay, Start with your first line Ms. Morgan." Muling sigaw ni Mrs. Lee.

Silence. Mahabang katahimikan ang nangyari nang walang lumabas na line sa bibig ko.

What is my line again?

My head is blank...totally blank.

Tatatlo na nga lang na lines ang memoryado ko, nawala pa? Anong size ba ng utak ko para hindi magkasya ang kakaunting lines? Dee think! Think, come'on..

Wala munang nagsalita na kahit isa habang hinihintay ang sasabihin ko. But then again, I gave them nothing.

Unti-unti na akong pinagpapawisan sa paghahalukay ng linya sa utak ko. Pero blangko talaga. Blank as a white sheet!

"Ms. Morgan?" tanong ni Mrs. Lee. "You're line please."

I'm trying...

But still nothing.

"I'm done." Mahinang bulong ko sa sarili na napalakas at umabot sa pandinig ng lahat. Sumunod ang tawanan.

"I think hindi lang ghost singer ang kailangan niya. She needs a ghost actress too." Saad ni Kiesha na kinahalakhak pa ng lahat.

"Go on, Ms. Morgan...we are waiting." Muling anunsyo ni Mrs. Lee na tanging seryoso sa lahat.

"But, Mrs. Lee..." muling sabat ni Kiesha na higit na nasisiyahan sa lahat. "Dee said she's done. She's done with her imaginary lines. Actually she executed it well... 'yon nga lang only in my imagination."

Muling tawanan ang namuhay sa bawat sulok ng theater.

What will I do now? Think Dee...

"Mrs. Lee," napalakas na tawag ko. Pinilit kong lamunin ang kabang nararamdaman ko. Wala akong balak na magmukhang kawawa.

"I can't do it right now..." taas noong pagpapatuloy ko. "but if you will give me another chance, just a second chance Mrs. Lee... I'll give you what you're asking for.. perfection Mrs. Lee. Perfection! I'll give you that."

Long Silence.

Naghihintay ang lahat sa kasagutan ni Mrs. Lee. Sa tingin palang niya, alam kong may pagka-estrikto siya. Kaya hindi ko alam kung nagawa ko ba siyang kumbinsihin sa ganoong klaseng pambobola.

"So you're saying Ms. Morgan na kami pa dapat ang mag-adjust para sa'yo? You want us to give you more time to practice your script na dapat sana ginawa mo na? Ganoon ba 'yon, Ms. Morgan?

"Yes, Mrs. Lee." Matapang na sagot ko. Binigyan ko rin ng masama at matapang na tingin si Erika para iparating rito na hindi pa ako talo. "I wouldn't be here on this embarrassing situation kung walang taong nangsabotahe sa'kin."

"I don't want to hear that kind of excuse Ms. Morgan." Sabat sa'kin ng malaking boses ni Mrs. Lee na agarang nagpatahimik sa'kin.

Silence. Ramdam rin ng lahat ang kakaibang temperatura sa loob ng theater. Walang nangahas na maghulog ng karayom.

Does this mean, I'm out? Maghihintay pa ba ako ng panibagong anunsyo mula sa sasabihin ni Mrs. Lee?

Para akong mabibingi sa napakahabang katahimikan. Ni hindi ko alam kung tatayo ako sa kinaroroonan ko o aalis na lang.

But it looks like I'm Out. So, ano pa ba ang ginagawa ko dito?

Head's up Dee. You don't have to look like a failure.

Taas noo akong bumaba ng stage. Aalis ako ng theater na hindi nagmumukhang luhaan o talunan. Patuloy akong naglakad kahit tanging yabag ko lang ang maririnig sa buong kinaroroonan namin.

Kaunti na lang malapit na ako sa exit, palayo sa kahihiyan. Pero bago man ako makalabas muli akong napahinto sa tawag ni Mrs. Lee. "See you this Friday Ms. Morgan. Same time. I want you to deliver your line, perfectly. It will be your last chance. Don't fail me."

Napangiti ako sa hindi ko inaasahang pahabol ni Mrs. Lee. So, I'm still in!

"I won't fail you, Mrs. Lee." Sagot ko agad na nananatiling nakatalikod sa lahat.

I walked out smiling.

7 point ONE

Naging malaking motivation sa'kin ang nangyaring kalahating kahihiyan sa'kin kahapon. Magiging buo sana ang kahihiyang iyon kung hindi ko napapayag si Mrs. Lee.

Pero kung ano mang trahedya ang nangyari sa'kin kahapon, ipinagpapasalamat ko na lang na nagamit ko iyon ngayon para itulak ang sarili ko sa mas lalong madibdiban na pagmemorize ng lines. Alam ko na extra effort ang dapat kong ibuhos sa bagay na ito dahil sadyang mahina ang utak ko pagdating sa usapang intelektwal.

"Hi, Deelan Morgan!"

Natigil ang pagmememorya ko ng linya sa pambubulabog ng mga taong nagpapakulo ng dugo ko. Magkasama pa sila. Full force?

"I knew it.. magkakampi nga kayong dalawa." Hindi ko hahayaang mawala ang kontrol sa sarili ko ngayon. Dahil kapag pinatulan ko si Erika at Kiesha sa marahas na paraan, tiyak na mapapasipa na ako sa Circle High nito. "You planned it together."

"Ano bang sinasabi mo?"pagmamaangmaangan ni Erika na kuhang-kuha muli ang maamong mukha sa isang kidlat.

"Nakalimutan kong mga theater actress nga pala kayo." Mataray kong saad. "Well, mali ang napili niyong kalabanin. Hindi niyo pa ako kilala. Kaya kung inaakala niyong magiging madali ang tapakan ako, nagkakamali kayo."

"Bakit? Bubuhusan mo kami ng tubig? Paliliguan ng ice cream?" mapanghamon na saad ni Erika. "Go on, Dee. We dare you!"

Kahit gaano pa ako nanginginig na gawin ang bagay na hinihingi nito,hindi ko hahayaan 'yon ngayon. "Para ano? Para makuha niyo ang simpatya ng tao at ako ang magmukhang evil witch? No way..."

Sabay na tumawa ng malakas ang dalawa. "So, gumagana naman pala ang utak mo. Mukhang binahagian ka naman pala ng kamabal mo ng kahit 1% na intelehente. At napakatanga ko para isipin ko noon na isa kang threat...eh kahit pala sa pag-arte mga 2%, at singing voice 0%. So hindi na ako magtataka kung ang 97 percent na laman ng utak mo ay.. katangahan!"

Gustung-gusto ko ng ihampas ang palad ko sa magkabilang pisngi ni Kiesha. Pero kiniyom ko na lang ang bawat daliri ko sa pagpipigil. Hindi ako magpapadala sa bawat salita nila. Pero hindi ko alam kung hanggang kelan tatagal ang pagpipigil kong 'to.

"You know what? You missed out something.. I have 100% beauty... and I'm ready to use it." Tinalikuran ko sila at nagpahabol ng huling salita. "I want to know how yummy your boyfriends are.. tignan natin kung hindi sila maghabol sa kagandahan ko na malaki ang nilamang sa inyo."

Bago ako tuluyang makaalis, nagmadali silang pigilan ako. Sa nakita kong reaksyon nila, alam kong nagantihan ko na sila.

Mahigpit akong hinawakan sa braso ni Kiesha na nanggigigil sa binitiwan kong salita. "Bitch! Subukan mo lang Dee, at magkakaroon ng world war three."

"Then let the world war three begins!"

Mas lalong humigpit ang paghawak ni Kiesha na tinulungan pa ni Erika sa pamimiga sa braso ko. "Ouch!" malakas na sigaw ko na aabot sa pandinig ng ibang taong nakakakita. "Ano bang ginawa ko sa inyo Kiesha at Erika? Ba't nyo ako sinasaktan.. Hindi ko kasalanan kung ako ang pinili sa theater pero kung gusto niyo talaga, handa naman akong magpaubaya.."

Binitiwan din agad ako ng dalawa ng mapansin nila ang ginagawa kong pag-arte.

Nang sila na mismo ang bumitaw sa'kin, nagpakawala ako ng mala-anghel na ngiti.

"Nakalimutan niyo yata, hindi lang kayo ang actress sa theater. Nasa akin ang leading role... extra lang kayo."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top