6
SIX
Isang parusa ang pumasok sa ganitong kalagayan. Ramdam ko pa rin ang bahagyang pagkahilo at pananakit ng ulo. Mas mabuti-buti sana ang pakiramdam ko kung nakahiga lang ako sa bahay habang hinihintay na mawala ang ganitong parusa ng alak.
Alanganin ang oras ng pagpasok ko sa school. Hindi ko na sinubukan pang pumasok sa klase ko dahil late na rin naman ako. Gagamitin ko na lang ang ilang sandaling ito para makapagpahinga sandali. Hindi ko nga lang nagawa ang plano ko dahil sa paghilab ng tiyan ko na alam kong malapit na akong masuka. Pinuntahan ko ang pinakamalapit na comfort room at doon inalabas ang pinilit kong kinain na agahan kanina.
Napaupo pa ako sa bowl nang hindi ko na kinaya ang kakaibang timpla ng katawan ko. Ilang minuto akong nakapikit na parang gusto ko na lang itulog ang sama ng pakiramdam ko.
Dalawang boses ng babaeng nag-uusap sa loob rin mismo ng lugar na kinaroroonan ko ang gumambala sa pagpapahinga ko. Naagaw ang atensyon ko ng pamilyar na boses.
"Hindi siya pumasok ngayong araw. Hindi na siguro kinaya." tumatawa-tawang saad ng babae. I'm so sure that's Erika. "Nilasing ko siya kagabi, pero hindi ko inakalang hindi pala siya mapapatumba ng basta ng alak. Pero atleast, successful ako sa misyon ko dahil hindi siya nakapasok ngayon.:
Is she talking about me?!
"Hanggang kailan ba 'yan magtatagal na pagyaya mo kay Dee? Hindi kana tuloy namin nakakasama dahil sa misyon mong 'yan." saad ng kausap nito na hindi ko kilala ang boses.
"Until... mawala siya sa theater. Mamayang gabi nga, yayayain ko siya ulit. Para siguradong hindi na niya magagawa pang pag-aralan ang mga lines niya."
Muling tawanan ang tumambad sa pandinig ko. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa kanila. Humanda ka Erika!
Tumayo ako at lumabas ng cubicle para harapin si Erika pero wala na ito. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero kahit sa ganitong kalagayan ay di ko kayang gawin.
Mananagot ang mananagot! Humanda siya!
Eksaktong breaktime na, kaya alam ko kung saan ngayon hahanapin si Erika. Cafeteria!
Kung kanina hindi ko magawang lumakad ng diretso, ngayon ay parang hinigop ko ang buo kong lakas na ngayon rin lang lumabas sa nakatagong lungga.
Lumiwanag na ang kaninang nandidilim kong paningin. Parang tracking device na mabilis kong nahanap ang taong kinakukulo ko ng dugo ngayon. Kasalukuyansiyang kumakain kasama ang isang grupo na mukhang walang isang taong kabilang sa theater.
Kinuha ko ang chocolate icecream na nakalapag sa pinakamalapit na mesa. Wala akong pakialam kung sino ang may-aring pinagkunan ko, ang tanging pakialam ko lang ay ang taong pagbibigyan ko nito.
Malalaking hakbang ang ginawa ko dahil nangangati na ang paa ko na maabot ang kinaroroonan ni Erika. Nang makalapit ako sa kanya, walang pasabi at mabilis kong naipasok ang malamig na icecream sa loob ng damit niya. "Gutom pa yata ang malusog mong dibdib, Erika."
Isang nanyayanig na tili ang pinakawalan ni Erika na umagaw ng pansin ng lahat. Nang makita ni Erika na ako ang gumawa nito sa kanya, mukhang agad niyang nakuha ang pinagmumulan ng malaking pagbabago ko sa pakikitungo sa kanya.
"Surprise, surprise!" demonyitang saad ko.
"Dee, hindi ko alam kung bakit nagawa mo 'to. Pero wala akong nagawang masama sa'yo." halos mangiyak-ngiyak siya.
Una, inisip ko na napakahina naman palang kalaban ni Erika para umiyak mismo sa harapan ko na parang bata. Pero nang mapansin ko kung gaano karaming tao na ngayon ang nakikinig sa'min, doon ko lang narealize na isang pag-arte ang ginagawa nito para makuha ang simpatya ng tao.
Mas lalong uminit nag ulo ko sa kaplastikan na pinapakita niya, hanggang sa hindi ko na matagalan ang panginginig ng sarili kong kamay. Kinuha ko ang puno pa ring baso na nasa mismong table nila at walang awa ulit na binuhos kay Erika. "Ito ang nakukuha ng mga taong kinakalaban ako ng patalikod, hinaharap ko kayo ng walang takot. Sana gayahin mo ako!"
Sa halip na sumagot, lalo lang tinuloy ni Erika ang pagkuha ng simpatya ng tao. Umiiyak lang siya na parang isa akong nakakatakot na kriminal.
"Ano ba ang problema mo?" pagtatanggol ng isang kaibigan ni Erika na hindi nagawa ng makialam.
"Huwag mo siyang ipagtanggol dahil alam kong kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. She just need to stop acting like an innocent girl, 'cause she's not!" masama ang pagtitig ko sa kaibigan nitong nagtatangkang magpakabayani, "So back off!"
Binalik ko ang tingin ko kay Erika. Hindi basta mapapalitan ng awa ang galit ko sa kanya matapos niya akong tirahin patalikod. Kung akala niya tulad ako ni Cee na palalampasin ang ganitong pagkakataon, malaki ang pagkakamali niya.
Kumuha ako ulit ng kahit anong pagkaing madadampot sa mesa nila... and this time, a red hot sauce!
Nasa tangkang ibubuhos ko na ang sauce sa mismong mukha ni Erika nang isang kamay ang pumigil sa braso ko. Ang pakialamerang si Gleigh.
"Stop this Dee!" mariing saad niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Gleigh. Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa lalagyan ng sauce at pinilit kong ikinakawala ang kamay ko sa paninigil niya.
"Jacobo, kunin mo na si Dee." utos ni Gleigh kay Jacobo na nasa likuran ko pala. Bago pa man ako makapalag, nabuhat na ako ni Jacobo na parang walang kahirap-hirap para dito.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nagsisisigaw at nagpapalag na ibaba ako. Binaba rin nga niya ako pero sa lugar na hindi ko gusto ngayong mapunta. Naroon din si Nate at Sam na walang ideya sa nangyayaring biglaang pagsulpot namin at sa ganito pang akto.
"Bakit niyo ba ako pinigilan?!" sigaw ko sa dalawa tungkol sa pangingialam nila. "I'm not yet done with that girl. I will kill her!"
"Paano mo nagawa ang bagay na 'yon sa kanya? Di mo na ba kayang itago ang sungay mo ngayon?" naninigaw ring balik sa'kin ni Gleigh. Pakiramdam ko daig ko pa ang batang pinapagalitan ng magulang. Isa na namang masamang tupa ang tingin sa'kin ng lahat. At wala na akong pakialam kung ganoon na din ang tingin sa'kin ni Nate. Wala ako sa kondisyon ngayon para magpakabait, 'cause deep inside nanggigil pa rin ako sa galit kay Erika.
"Dahil hindi ako si Cee!" Tuluyan na akong nawalan ng kontrol sa pagsasalita. "Hindi ako kasing bait tulad ni Cee na hahayaan na lang ang isang tao na tapakan ako. Lumalaban ako at walang inaatrasan. So if you'll excuse me, I need to go back with my unfinished fight." Sinigurado kong matapang ang pagkakasabi ko.
Paalis na ako nang muling magsalita si Gleigh. "Go On... pumunta ka sa arena mo. Pero bago ka man pumunta sa laban mo kay Erika, pag-aralan mo muna ang idadahilan mo sa magulang mo. I'm sure pinatatawag na sila ngayon dahil sa nangyaring panunugod mo kanina."
Natigilan ako sa bagay na iyon na hindi man lang pumasok sa isip ko.
Shooot! I'm dead.
6 point ONE
Mas lalong lumiit ang tingin ni Nate kay Dee. Hindi pa man tumatagal, nakikita na niya ang malaking pagkakaiba nito kay Cee.
She's unbelievable.
Hindi magawang makalimutan ni Nate ang nangyari noong isang araw sa plagiarism na ginawa nito sa tula ni Cee. Nahalata na niya agad ang bagay na 'yon sa unang pagbanggit pa lang ng title at naging matibay na ibedensiya ang bawat eksaktong lines na kabisado rin niya.
Ngayon, mukhang hindi na kailangan pa ni Nate na kumbinsihin ang sarili niya na hindi muling nagbalik si Cee. Mukha lang nila ang magkapareho at wala ng iba.
She's too far from Cee.
Hindi pa man tumatagal ang pagkakakilala niya kay Dee, mukhang hindi na nangangailangan ng mas maraming araw, linggo at buwan para hindi makita kung anong totoong kulay ng kambal ni Cee.
Dee is the exact opposite of Cee.
Hindi nito nagagawa ang nagagawa ni Cee habang ang nagagawa naman ni Dee ang mga bagay na hinding-hindi gagawin ni Cee.
Cee won't flirt or seduce some guy she barely met.
Marunong siyang pumili ng sasabihin. Kumikilos siya ng naaayon at dapat.
Cee won't start nor end a fight. Kaibigan at hindi kaaway ang turing niya sa lahat.
Dee is... none of the above.
6 point TWO
Hindi ko magawang makapagsalita pagkalabas ng Principal's Office. Maswerteng hindi ako nasuspende at tanging community service lang ang nakuha kong parusa na alam kong hindi ko kailangang gawin. Ang tanging ikinapoproblema ko lang naman ngayon ay si mama.
"I can't believe this, Deelan!" walang pakialam si mama kung may ilang estudyante mang nakaririnig sa hindi na makapaghintay na pagsumbat nito. "Ni minsan hindi 'to nagawa sa'kin ni Ceeline. Ngayon lang ako napatawag sa principal's office, Deelan!"
Malaki ang pagpipigil kong sumagot. Dahil kung ibubuka ko lang ang bibig ko, alam kong mauuwi lang sa pagtatalo namin. Ayoko lang na ma-grounded.
"You know what, Deelan...you disappointed me again!"
I know. I know. Lahat ng tao unti-unti kong nadi-dissapoint. But I'm not going to say sorry for that...not even to her. Hindi sila madidisapoint ng sobra kung iiwasan nilang ikumpara ang bawat galaw at kilos ko kay Cee. Kambal niya ako, at hindi clone.
Masama ang loob ko. Sa sunud-sunod na araw, nakikita at naririnig ko ang disappointment na hindi ko gustong marinig at makita nino man. Ganoon talaga siguro kahirap pantayan si Cee. Ang mabait, matalino, talentado at magaling na si Cee.
"Pagbibigyan pa kita ngayon Dee. Hindi ko 'to sasabihin sa papa mo. But this would be the last time na pagtatakpan kita."
Muli, wala akong sinagot kay mama. Wala kaming imikan sa kotse.
Wala na akong narinig muli sa kanya sa mga sumunod pang sandali. Muli na rin lang ako napasalita nang mapansin kong ibang bahay ang hinintuan ng sasakyan.
"Kaninong bahay 'to, ma?" tanong ko habang inaalis ko ang seatbelt.
"My friend's house. Saglit lang tayo dito. May kukunin lang ako sa kanya." Sagot niya na halatang malamig pa rin ang boses na hindi basta naaalis ang galit dahil lang sa lumipas na sandali.
Sumunod ako kay mama na papasok na ng bahay. Hindi ko kilala kung sinong pamilya ang binibisita namin na kaibigan niya.
Pagpasok namin, isang maliit na bata ang sumalubong sa'min. Sa halip na patakbong pumunta kay mama, nagulat na lang ako nang lumiko ito sa direksyon ko at lumundag pa para yakapin ako.
"I mi-th you, ate!" sigaw ng batang lalaki na hindi mabigkas ng maayos ang letrang S.
I don't remember na may kilala akong ganitong bata. Sa huling pagkakatandda ko, hindi ako mahilig sa bata. So, I drop him off.
Nabigla ito sa ginawa ko pero muling inulit ang ginawa nitong pagyakap. "I mith you, Thee!"
Mali man ang pagkakabanggit nito sa pangalan, malinaw ko namang narinig na si Cee ang tinutukoy nito.
"Shooo!" pagtataboy ko dito na parang aso. "I'm not Thee. So, get off." Panggagaya ko sa pagbigkas ng S nito.
"Dee!" suway agad ni mama sa'kin na malinaw na hindi nagustuhan ang inaasal ko. "Hi, Basty." Baling ni mama sa batang lalaki at binigyan ng halik.
Nang inalis ko ang tingin ko kay mama at sa bata, saka ko rin lang napansin ang babaeng kasunod lang ni Basty na lumapit sa'min. Mukhang ina ito ng bata dahil sa pagkakapareho nito sa mata ni Basty.
"So, you're Dee!" bati nito sa'kin na mukhang natutulala. Hindi ko na kailangan pang magtaka sa bagay na 'to dahil siguradong si Cee na naman ang nakikita nito sa'kin. "Parang si Cee lang ang kaharap ko. Kaya di mo rin masisisi si Basty."
Hindi man lang ako ngumiti. Pagod na akong magpakaplastik matapos ang mga nangyari sa araw ko.
Napansin ni mama ang pagkawalang galang ko sa harap ng kaibigan niya. "I'm sorry, Cecil kung ganyan man ang pakikitungo ng anak ko sa'yo. Galing pa lang kaming Principal's Office kanina lang."
Hindi ko alam kung gaano ka-close si mama sa kaibigan niyang si Cecil para banggitin dito na walang kahirap hirap ang kahihiyang ginawa ng anak kiya. Hindi kasi si mama ang klase ng tao na open pag-usapan ang bagay na ikinahihiya niya.
Sunod ng ikinuwento ni mama ang mga nangyari sa'kin sa school na hindi ko na rin gustong pakinggan sa kung paanong nasasali ang pagkukumpara nito sa'kin kay Cee.
Lumayo ako sa pag-uusap nila at ginala ko nalang ang sarili ko sa bahay na parang isang turista lang. Gusto ko ang style ng bahay na sinadyang pinagmukhang vintage.
"Hi Thee!"
Napapasimangot ako habang tinitignan ang nakakainis na batang bumuntot sa'kin.
"What?!" iritableng sagot ko kay Basty. Sadyang wala akong pasensya pagdating sa bata kahit sabihin pang napaka-cute nito.
"You haven't kith me yet." Saad nito na hindi nakaligtas sa'kin ang –th nito.
"You know what Bas-thy," panggagaya ko sa kung paano siya magsalita, "hindi ako pumapatol sa bata. That'th child abu-th! Gu-tho mo ba akong mapunta tha jail?"
"NO!" sigaw ni Basty na parang nabahala sa pagbanggit ko ng salitang jail. "You're not a bad per-thon. They can't bring you to jail."
"Basty..I'm a bad person.Swear."
"I would talk to the poli-th, I won't let them touch you."
Gusto kong matawa sa itsura ni Basty na paniwalang-paniwala. Mukhang hindi naman masama kung makakapagpaiyak ako ng bata ngayon.
"They will, because I'm a bad person. I murdered five or more children."
"No. you're lying Thee." Ngumiti si Basty na lumapit sa'kin at yumakap muli. "I mi-th you tho much, Thee. I thought you're gone becau-th Mama th-aid you're ethaying in heaven and won't come back anymore. But here you are..you're back Thee. Tho, how'th you're trip?"
Hindi ako makapagsalita. Smart kid. "What trip?"
"Your trip from heaven.. How wa-th it?"
I laughed. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako nakabawi ng tawa.
"How old are you?" di ko mapigilang itanong.
"Four going five. Why?"
I kneeled infront of Basty. "Because... I think, I want to marry you Bas-thy!"
"No!"
"Why?" tanong ko, pouting like a child.
"Becau-th, you're my brother'th girlfriend. I need to Thacrifi-th!"
Sacrifice? Napatawa ulit ako ng mas malakas. He's so cute. He's an old kiddo.
"And who is your brother? I'd like to meet him." Pagbibiro ko. Hindi ko inakalang tuluyan akong mag-eenjoy sa company ng batang 'to.
"You forgot hi-th name? How could you?"
Halos sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Add points pa ang expression ng mukha niya na bentang-benta sa'kin.
Napahinto lang ako sa pagtawa nang may sumigaw sa kwartong katapat lang namin. "Basty, what's that noise?"
I froze. I know that voice.
"Thee ith here, kuya!" balik na sigaw ni Basty.
Bago ko pa man itanong kay Basty ang gusto kong ikumpirma dito, hinila na nito ang damit ko papasok ng kwarto.
Muli akong hindi nakakibo. I'm right, it's Nate.
First time ko siyang makitang nakapambahay lang habang medyo magulo ang buhok niya. Pero hindi nababawasan ang dating niya na parang tulad lang sa school na fresh at cool.
Gusto ko rin ang ayos ng kwarto niya na malamig sa mata kung tignan. Halata ang pagiging mas mahilig niya sa music kaysa sa sport patunay na ang tatlong guitarang naka-display.
"Bakit ka nandito, Dee?" tanong agad ni Nate na nabigla sa paglitaw ko sa hindi ko inakalang bahay pala niya.
Sumingit si Basty. "That'th Thee...not Dee, kuya."
"She's not Cee, Basty. We told you she's in heaven now. That girl is not Cee."
"No, kuya. The's infront of uth. Are you blind?"
I don't know how to react. Hindi ko maialis kay Basty ang tingin ko na kitang-kita na naguguluhan sa isang napakalaking impormasyon na mukhang hindi pa kayang i-absorb ng utak nito na ganoon kadali.
"Thee's back..it's Thee." Pagpupumilit ni Basty na siguradong-sigurado sa sinasabi. "As-thk her, to prove you I'm right."
Kung kanina gustong-gusto kong paiyakin ang batang 'to, ngayon ay parang hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo na alam kong ikalulungkot nito.
"Tell him, Dee." Utos ni Nate sa'kin. "Tell him now.."
Nag-alinlangan ako. "Mukhang hindi ito ang tamang oras, Nate. He's too young para maintindihan.."
"Shut up, Dee. Just tell him the truth."
Panandaliang natahimik ako sa paninigaw ni Nate.
I kneeled down sa harap ni Basty. Hindi ako mahilig sa bata, at hindi ko alam kung paanong biglang nabago ni Basty ang bagay na 'to sa'kin. "Basty...it's me..Cee."
Hindi na ako muling nagulat nang itinayo ako bigla ni Nate. "What are you saying? Just tell him the truth...He's a smart kid."
Iniwas ko ang tingin ko sa galit na mata ni Nate. Binaling ko ang sarili ko kay Basty na nakayakap muli sa'kin. And for the first time, I extended my arms on him.. Am I hugging a child? seriously?
Ilang segundo lang, kumalas sa pagkayakap sa'kin si Basty dahil si Nate mismo ang naghiwalay. Hinarap nito sa kanya ang sariling kapatid. "Why don't you go to mom right now... I heard her calling your name." pagkasabi nito ni Nate, sumunod nga rin agad si Basty na hindi mahirap kausap.
Pagkaalis na pagkaalis ni Basty, hinarap ako ni Nate. "Alam mo bang pinaniniwalaan na niya ang sinabi mo, at kahit pa sabihin ko sa kanya ang totoo, ako ang lalabas na sinungaling. Kaya Dee, I want you to tell him the truth now..."
"Para saan pa? maiintindihan rin niya ang lahat kapag nasa tamang edad at pag-iisip na siya. Ba't ba ang exaggerated mo?"
"At anong gagawin mo ngayon habang wala pa siya sa edad na hinihintay mo, magpapanggap sa kanya bilang Cee? You're not even good at it." Namewang si Nate sa harapan ko. "Basty will look for you, tomorrow, next day, next week..constantly!"
"Then there's no problem, magpapakita ako sa kanya."
"But it's not you that he's asking for...it's Cee. It will always be Cee."
Parang isang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabing 'yon ni Nate.
It's Cee.. it will always be Cee.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top