3
THREE
Matapos ang huling klase ko at kakaibang pinagdaanan ko ngayong araw na 'to, ramdam ko ang pagod na hindi ko inaasahang mararanasan ko sa unang araw na pagpasok ko sa Circle High.
Pero sa kabila ng lahat ng nakakapagod na araw, ang hindi ko pinakaaasahan ay ang magugustuhan ko ang kakaibang pangyayaring ito sa buhay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang maging si Cee. Gusto ko ang atensyon na binibigay ng lahat sa kanya na ngayon ay parang pinasang trono sa'kin.
Kanina lang, naliwanagan at naipakalat na sa lahat na walang multo si Cee o kung ano pa man. Malinaw na kambal ako ng taong lubos na hinahangaan nila. Bago rin ako tuluyang umuwi kanina, malinaw kong narinig na Dee na ang tawag ng iba sa'kin at hindi na ang pangalan ni Cee. Masarap sa pakiramdam na kilala na ako ng bawat nakakasalubong ko. At mukhang hindi na ako makakapaghintay pa sa mga susunod pang bukas na papasok ulit ako bilang isang importanteng tao at hindi na muling basta ordinaryong estudyante lang.
"Dee, sana naman bukas, palitan mo na ang itsura mo, 'yong sarili mo ng ayos. 'Yong tunay na ikaw, at hindi 'yong kay Cee." hininto na rin ni Gleigh ang sasakyan niya nang nasa tapat na kami ng bahay namin.
"Let just say na pareho na kami ngayong style ni Cee. It's cool to have sweet and preppy looks pala. I totally like it."
"Pero Dee-"
"Gleigh, kung ang imahe ni Virheng Maria ang inaalala mo, well...sariling imahe ko na ngayon ang hawak ko. Nakita mo naman 'diba, alam na ng lahat na si Dee ako at hindi si Cee. At napatunayan ko naman siguro sa'yo kanina lang na wala akong balak na magpanggap sa kanila bilang si Cee. So, ano pa ang pinoproblema mo?"
"Hindi ko lang makuha kung bakit bigla kang bumalik? at bakit ngayon lang na hindi mo man lang naabutan ang burol? at ngayon sa Circle High kana mag-aaral?"
Hindi ko masisisi si Gleigh sa pagiging mausisa nito. "Bakit, ano bang iniisip mo ngayong rason ko, Gleigh?"
"Bumalik ka dahil wala na si Cee. Wala kanang kahati sa atensyon o kung ano pa man. Kung hindi pa siya namatay, hindi ka pa babalik dito." binigyan ako ng seryosong tingin ni Gleigh saka muling nagsalita. "Ngayon, sabihin mo Dee na mali ang hinala ko na gustong-gusto mo na nasa posisyon niya."
"Well, you're right." pag-aamin ko. Hindi ko na kailangan pang magsinungaling sa kanya. "But that doesn't mean na masaya ako na nawala si Cee. Kahit hindi kami magkasundo, hindi ko naman ipinagdasal na may mangyari sa kanyang masama. But I won't deny na nagugustuhan ko ang panibagong buhay ko ngayon na wala si Cee. At hindi mo naman siguro masisisi kung ganito man ang nararamdaman ko."
Hindi na rin nabigla pa si Gleigh sa naging sagot ko. "Ikaw pa nga rin talaga si Dee na kilala ko. Selfish."
"I know." kumilos na ako para bumaba sa sasakyan ni Gleigh. "So, tomorrow, don't forget to pick me up."
"At bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi mo ako driver."
"Because, I'm selfish. Kapag hindi mo ginawa, I assure you na tuluyang masisira ang imahe ng pinakamamahal mong bessy." Wala akong pakialam kung panggagamit o panggigipit man ang tingin ni Gleigh sa ginagawa ko sa kanya. Ito lang naman ang natatanging tingin kong epektibong panakot ko kay Gleigh para sumunod sa gusto ko.
3 point one
Pagmulat ko pa lang ng mata, dama ko na ang excitement sa muling pagpasok ng Circle High. Maaga akong gumising na hindi na nangangailangan pa ng alarm clock dahil mas nauna akong nagising dito. Mabilis ang naging pagkilos ko dahil mahaba-haba ang oras na igugugol ko sa pag-aayos ng buhok na kailangang ipatuyo muna sa blower bago makulot.
Sa ilang minuto lang, ang mukha muli ni Cee ang nakikita kong kaharap sa salamin. Sinong mag-aakala na darating ang ganitong araw na magugustuhan ko ang ayos ni Cee at mukhang aaraw-arawin ko pa. Wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa ko. Bukod sa napapasaya ko ang sarili ko dahil sa nakukuha kong atensyon, napapasaya ko rin naman ang ibang tao na nangungulila pa rin kay Cee.
Beep.
Beep.Beep.
Isa at dalawa pang busina ang nagpakilos sa'kin para lumayo na sa salamin. Dumating na si Gleigh. Isang ngiti ang pinakawalan ko nang makumpirma ng mata ko na si Gleigh nga ang nasa tapat ng bahay namin na tumupad sa sinabi ko kahapon.
Matapos makapagpaalam kay mama at papa, agad akong sumakay ng sasakyan ni Gleigh na walang pinalalampas na oras. "I'm glad you came, bessy."
Halatang naalibadbaran lang si Gleigh sa dagdag na pagtawag ko ng bessy sa kanya. Ito ang tawagan nila ni Cee bilang mag-bestfriend. At hindi ko mapigilan ang sarili ko na asarin ito ngayon sa ganitong paraan. 'Yon nga lang, parang walang masyadong epekto dahil hindi ito umangal gaya ng madalas nitong gawin sa tuwing kinokopya ko ang galaw at salita ni Cee.
Ilang minuto lang, nasa harap na muli kami ng pinakasasabikan kong Circle High. Gaya ng kahapon, bago pa man ako makababa ng kotse, muling nagpapaalalang boses ni Gleigh ang pumigil sa akto kong paglabas ng pinto.
"Huwag mong kalimutan na kahit kilala ka na nila bilang Dee, hindi mo basta maiaalis na makita nila sa'yo si Cee."
Matapos pumasok sa tenga ko ang sinabing ito ni Gleigh, agad ko namang pinalabas sa kabilang tenga na parang walang narinig.
"By the way, Si Nate... Ano ba siya sa buhay ni Cee?" muling prangkang tanong ko kay Gleigh. Ang totoo hindi ako madaling nakatulog kagabi dahil sa kaka-isip ng bagay na 'to.
Awtomatikong namilog ang mata ni Gleigh sa'kin na hindi nagustuhan ang pag-usisa ko. "Boyfriend siya ni Cee! Huwag mong sabihing type mo si Nate?"
"Well, he's cute...yum!"
Naningkit naman ngayon ang mata ni Gleigh na halos salubong ang kilay. "Malandi ka talaga! Paano mo nasasabi 'yan? Kasasabi ko lang na boyfriend siya ng kapatid mo!"
"More like, Ex-boyfriend. Anyway, what's wrong of liking him?"
"Imposible ka talaga Dee." umiiling iling na saad nito habang hindi ako hinihiwalayan ng tingin. "Stay away from him. Kung hindi mo magagawa, asahan mong lagi akong nasa tabi mo para pigilan ka."
"Ano nga ba aasahan ko sa loyal bestfriend ni Cee." Saad ko habang pinaiikutan siya ng mata. "Well, don't worry, I'll try my best to stay away from him. Pero hindi ko na problema kung si Nate mismo ang lalapit sa'kin huh."
Muling nagpanting ang tenga ni Gleigh na kumakapa ng kung anong bagay na ibabato sa'kin. Kaya bago pa man ako masapol, tumatawa-tawang napatakbo na ako sa loob ng campus na hindi na hinintay pa si Gleigh.
Pero ang totoo, hindi ko maiwasang mainggit kay Cee na may tapat at totoong kaibigan tulad ni Gleigh. Dahil alam kong mahirap 'yon mahanap. Marami rin akong nakilala at naging kaibigan, pero hindi ng isang tunay na kaibigang kilalang-kilala at naiintindihan ako.
3 point TWO
Matapos ang kaliwa't kanan na hi and hello na bati sa bawat madadaanan at makakasalubong ko, narating ko rin ang room na siyang unang pinasukan ko rin kahapon.
Hanggang ngayon damang-dama ko pa rin ang mainit na pagtanggap ng kapwa ko estudyante.
Umupo ako sa eksaktong inupuan ko rin kahapon na sinabing mismong paboritong pwesto ni Cee.
Kakaunti pa lang ang kasama kong kaklase na hindi ko pa kabisado ang mga pangalan. Hindi ko na kinailangan pang lumapit sa kanila dahil sila na mismo ang kusang nakipag-usap sa'kin na parang matagal na kaming magkakakilala. Naputol lang ang pag-uusap namin nang may pumasok na isang babae na mukhang hindi namin kaklase at mukhang ako nga ang sadya.
"Hi Deelan.. I'm Adela." magiliw na pagpapakilala nito. "I don't know kung tamang na ngayon ako lumapit sa'yo dahil bago ka pa lang dito at sinusubukan mo pang mag-adjust...Kaya sorry kung wrong timing man na sinadya kita."
"It's okay." nakangiting sabi ko. Gusto ko ring malaman ang pakay niya.
"Member ako ng Theater. At siguro alam mo rin na ganoon din ang kapatid mo si Ceeline. At months ago nakapagsimula na kaming magplano para sa gaganaping play na mangyayari weeks from now. It's an annual show-"
"At bakit mo 'to sinasabi sa'kin?" pagpuputol ko sa kanya na mukhang nakalimutan na ang pinakapunto ng pagkausap sa'kin.
"Well, si Cee ang may hawak ng leading role na gaganap bilang ugly duckling. But...wala na ngayon si Cee. Isang malaking problema 'yon para sa'min. Pero kahapon lang nang bigla kang lumitaw, bigla na lang naming naisip na-"
"You mean, ako ang papalit sa role ni Cee?" Hindi pa man direktang nasasabi ni Adela ang pakay nito sa'kin, mukhang nakukuha ko na ang gusto nitong mangyari.
"Exactly." kagat-labing saad ni Adela na umaasa sa pagpayag ko.
Naalala ko sa mukha ni Adela ang parehong mukha ni Jacobo nang hilingin nito na ako rin ang maging kapalit ni Cee sa banda.
Napabuntong hininga ako.
"I'm sorry Dee kung binigla man kita ngayon." patuloy ang pangungumbinsi nito. "It's just that, ikaw lang ang makakatulong sa'min. Isa itong malaking event na pinaghahandaan talaga. Nakasalpak na rin ang mukha ni Cee sa mga tinayong billboards bilang advertisement. At ikaw lang ang kamukha niya na pwedeng pumalit, wala ng iba."
Do I have a choice?
3 point Three
Wow. I can't believe this. Ang pangarap kong acting career at spotlight, mangyayari na? Oh. Unbelievable. Well, it's all because of Cee. Hindi ko alam na isang wonderwoman pala ang kapatid ko. Nagagawa niyang pagsabayin ang banda at ang theater?
Wow. Big Time. And now...it's my time to shine!
Ang malalim kong pag-iisip sa malaking break ng career ko ay naputol ng mapansin kong pumasok si Nate sa classroom namin. Parang naramdamn ko na lang na lumapad ang ngiti ko... paano naman kasi, hindi ko magawang hindi isipin na ako rin ang pakay at hanap nito tulad ng naunang si Adela. Baka about sa banda?
Hay, pakiramdam ko napakaimportanteng tao ko.
"Hi Nate." nakangiting bati ko sa kanya. "Anong kailangan mo?" hindi ko alam kung bakit kusang lumambing ang boses ko na parang ginagaya ko lang si Cee. Kung nandito lang si Gleigh, siguradong binato na ako ng mesa.
"Huh?" balik na tanong ni Nate na parang hindi narinig ng malinaw ang sinabi ko.
"Ba't ka nandito?" pag-uulit ko sa mas malinaw na paraan pero hindi nawawala ang lambing ng tono. "Gusto mo akong makausap?"
"Excuse me?" muling tanong nito na may pagkabingi. Pero kung sabagay medyo maingay rin kasi sa classroom.
Para magkaintindihan kami ni Nate, inabot ko na lang kamay niya saka hinila palabas ng classroom.
Flirt, Malandi, Maharot.. natitiyak kong ito mismo ang salitang isisigaw sa'kin ni Gleigh kung nasasaksihan lang niya ang ginagawa ko.
"Ngayon, pwede mo nang sabihin ang gusto mong sabihin sa'kin Nate. Go on..." kahit sino man ang makakakita, malinaw na sasabihing pang-aakit ang ginagawa ko dahil sa kilos, galaw at malamyos na tinig ko. Idagdag pa na hindi ko maalis-alis ang daliri ko sa kwelyo niya na nilalaro-laro sa mapang-akit na paraan.
"I'm sorry... Did I miss out something?" kunot noong tanong n Nate na tinapik paalis ang kamay ko sa kwelyo niya. "Wala akong natatandaang may sinabi akong kakausapin kita."
Ito ang hindi ko pinakaaasahang magiging sagot ni Nate. Medyo napaisip ako ng kaunti bago tuluyang nakapagsalita. "But you're looking for me. Kaya ka pumasok sa classroom namin diba?"
Ngayon ay biglang naramdaman kong may humila ng confidence ko at parang handa na akong mapahiya kung sakaling iba ulit ang maging sagot ni Nate.
Mas sumalubong ang kilay niya pero muli ring bumalik sa normal na pwesto ang bago muling nagsalita.
"Classroom natin." pagtatama ni Nate na nagbigay naman ng agarang hint sa'kin.
Magkaklase kami?
"But..." gusto kong takpan ang bibig ko na wala ng ginawa kundi ang pahiyain ang sarili ko. Pero hindi ko na naman nagawa. "Wala ka kahapon dito. So papaanong?"
"Absent." muling kalmadong sagot ni Nate. "Hindi ko ba pwedeng gawin 'yon?"
Napanganga ako ng isa o dalawang segundo na siyang dahilan kung bakit gusto kong batukan ang sarili ko.
Isang pilit na tawa ang pinakawalan ko. Di ko alam kung masasalba ako nito sa kahihiyan. "Yeah, right. Whatever." at tumalikod na ako bigla at pumasok ng room.
Parang gusto kong sumuot sa kung saang ilalim ng upuan, pero tanging pag-upo lang sa dati kong pwesto ang nagawa ko. Kasunod ko lang na pumasok si Nate na ipinagdarasal ko na sana nakaupo sa pinaka-likuran nang hindi ko makikita...pero lintik lang na ang napakababaw kong hiling ang hindi napagbigyan. Tumigil ito sa mismong kaliwang side na upuang katabi ko.
Kung ganoon, seatmate ko siya? Permanent seat na ba 'to? Duh.
Hindi ko na lang pinansin pa si Nate. Ano naman ngayon kung katabi ko siya? Hindi ko 'yon ikamamatay.
"Dee!"
Napagawi ang direksyon ko taong tumawag sa'kin. Si Gleigh na kakapasok lang.
Awtomatikong lumapit siya na nakataas ang kilay. Una, akala ko patatayuin niya ako para ibalibad palayo kay Nate, pero mukhang iba ang problema niya sa'kin ngayon.
"Ano 'tong narinig ko lang kanina na pumayag kang pumalit sa pwesto ni Cee sa play?"
Maging si Nate ay napatingin sa'kin nang marinig ang sinabi ni Gleigh. Kung tignan nila ako ay parang daig ko pa ang nagnakaw ng itlog sa tindahan.
Bago pa man ako makapagpaliwanag, dumating na ang teacher namin.
"Marami kang dapat ipaliwanag Dee, after this."
3 point FOUR
"So, totoo ba 'yon Dee? Pinuntahan ka ni Adela? At pumayag ka?"
Hindi ko alam kung bakit big issue lagi kay Gleigh ang mga bagay na ganito. Ni hindi ko maigalaw ang nasa harap kong pagkain ngayon dahil tuluyan na akong nawalan ng gana.
"Oo. Oo. Oo." tatlong Oo ang sinagot ko kay Gleigh para sa tatlong sunud-sunod na katanungan nito.
"Alam mo ba kung anong pinapasok mo?"
"Kanina lang, Oo alam ko...pero ngayon lang ng dahil sa ganyang reaksyon mo, mukhang hindi ko na alam. Sabihin mo nga, isang Budul-budol Gang ba ang sinalihan ko?"
Muli, walang reaksyon si Gleigh na hindi man lang natawa.
"Pinaliwanag kasi sa'kin ni Adela na kailangan nila ako. Walang ibang pwedeng pumalit sa role ni Cee kundi ako. I have no choice.."
"No choice?" muling bwelta ni Gleigh na daig pa ang nangangaral na kapatid. "You always have a choice, gaya ng pagtanggi mo sa banda."
"Tungkol pa rin ba 'to kay Cee? Iniisip mo na naman ba na inaagaw ko ang pagkatao ni Cee... Ganoon ba?" unti-unti ko ng nawawala ang pagkokontrol ko sa sarili ko. "Ano bang masama kong subukan ko ang bagay na 'yon. Wala na si Cee at hindi na niya babalikan pa ang role na iniwan niya."
Sa pinaghalong init ng ulo at sama ng loob ko, di ko na natiis na mag-walk out na hindi hinihintay ang kung ano pa mang sasabihin ni Gleigh. Masyado ng masakit ang tenga ko sa nakakarinding boses niya. Mukhang hindi nga talaga siguro kami magkakasundo, gaya ng hindi namin pagkakasundo ni Cee.
Well, mukhang hindi ko naman kailangan si Gleigh...
May lumapit sa'king dalawang babae. At sa tingin ko palang sa kanila, mukhang avid fan pa ang mga ito ni Cee. "Hi, Deelan!"
Isang matamis muling ngiti ng tulad ni Cee ang pinakawalan ko. Ito ang pinakahindi ko ginagawa sa mga taong hindi ko kakilala.
"Hello, Dee na lang."
At nagsimula ang maikling kwentuhan sa napapahabang salaysayan. Hindi ko maiwasang maantok. Wala itong mga bukang-bibig kundi si Cee. At never akong nakaka-relate sa mga kung anong pinagsasasabi nila. Hindi ko alam kung paanong nakakatagal si Cee na makipag-usap sa mga taong tulad nito na parang walang sense ang mga sinasabi.
Patience, Dee.
Ilang ulit ang pagpapaalala ko sa sarili ng salitang pasensiya. Pero gaya lang ng dati, muling nabigo ako.
Tumayo ako ng hindi ko na talaga kinakaya ang boredom. "I'm sorry girls, pero kailangan ko ng umalis." Ni-hindi ko na hinintay ang sasabihin nila nang talikuran ko sila.
Naglakad ng naglakad na lang ako, pero bigla na lang akong nahinto ng wala naman pala akong papupuntahan. Mamaya pa ang susunod kong klase. At wala pa rin akong masyadong alam kung saan pwedeng magandang tumambay, hanggang sa biglang naisip ko ang tanging lugar na alam ko.
Pinuntahan ko ang lugar na pamilyar pa rin sa'kin ang daan. Maya-maya lang nasa harap na ulit ako ng teritoryo ng Circle Band.
Sisilip lang ako, at hindi magpapakita. Lalo na't hindi ko pa gustong makaharap si Nate matapos ang nangyari kanina.
Maingat akong pumasok sa loob at agad na nakapagpwesto sa itaas na upuan na malayo sa nagre-rehearse na banda. Mula sa taas, natatanaw at naririnig ko sila habang tinutugtog ang kanya-kanyang instrumento.
"So, paano ba 'yan...may napili ka na ba, Nate?"
Abot ng pandinig ko ang boses ni Jacobo na bumukas ng usapin matapos ang pagtugtog nila.
"Meron na." sagot naman ni Nate kay Jacobo. "I think okay naman si Sakura. Siya na ang pinakamagaling sa kanila."
Patuloy ang pakikinig ko na mukhang naiintindihan ko na ang pinag-uusapan. Tungkol sa paghahanap nila ng kapalit ni Cee sa banda.
"Then, that's a good news." Komento ni Sam na isa rin sa grupo ng banda.
"Iniisip ko lang, sayang si Dee."
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pangalan ko na si Jacobo ang bumanggit. Mas nilapit ko pa ang tenga ko para sa mas malinaw na pandinig.
"Kung pareho lang sana siya ni Cee, mas okay ang lahat. Di ba Nate?"
Mas naging interesado ako sa pakikinig at sinigurado kong maririnig ko ang komento ni Nate tungkol sa'kin.
"Kahit ang magkakambal may pagkakaiba. Gaya na lang kanina, that girl tried to seduce me. I was so disappointed with her. Parang hindi siya kapatid ni Cee. She's a flirt."
Ba't kailangan niyang sabihin sa iba ang nangyari kanina? At seduce pa talaga ang ginamit niyang salita?
"That's not true!" sigaw ko. Hindi ko na naman napigilan ang bunganga ko sa pagkakataong ito. Pero huli na para magtago at bawiin ang lahat dahil nasa akin na ang tingin nila. Pero hindi ko hahayaang lamunin ako ng panibagong kahihiyan. "I did not Seduce you... I just.. I just.." kinapa ko ang utak ko, nag-isip ng ibang term na pwedeng magsalba sa'kin...pero wala akong makapa. shooot!
Nananatili silang naghihintay sa idudugtong kong salita.
Nagsimulang tumawa si Jacobo na hindi makontrol ang sariling bibig. Napahiya na naman ako. At sa gitna ng pressure sa loob ng utak ko, sa wakas...I find the word.
"Isang malaking misunderstanding ang nangyari... Actually," umalis na ako sa kinatatayuan ko para lumapit sa kanila. Kailangan kong maipaliwanag ang side ko. Pero sa pagbaba ko, I missed one stair, and booom...
Ouch.
Ilang segundo ang pumapatak na walang maririnig na ingay. Nakita ko na lang ang sarili kong repleksyon sa isang salamin na nakadapa...and worst, nakikita ang panty dahil sa bumaliktad kong palda.
Aw.
Sa mismong tapat ko ay tanging ang grupo ng banda na nag-freeze din dahil sa pagkabigla.
Ngayon lang ako naging lampa sa talambuhay ko. Gusto ko ng tumayo. At tumakbo palabas sa ikatlong kahihiyan. Pero paano? Hindi ko magawang tumayo.
Nang sa wakas mahagip ng hangin ang mga lalake, kumilos na rin ito para tulungan ako. Pero hinding hindi ko matatanggap ang tulong nila! lalo na ang tulong ni Nate... pero wala na rin naman akong nagawa.
"Are you okay?" halos sabay-sabay nilang tanong. Pero hindi ko matatanggap ang concern nila dahil hindi nakaligtas sa paningin ko ang pigil na pagtawa ng tatlong lalakeng 'to.
"Do I look okay? I heard my bones cracked...pero nagagawa niyo pa akong pagtawanan!" inis na baling ko sa kanila.
"Maybe that's because you're crispy...yum!" saad ni Jacobo na binigyang diin ang huling salita kasabay ng kindat.
Nagpanting ang mga tenga ko sa eksaktong huling salita ni Jacobo. That's my word. So, kinuwento ni Gleigh ang pagkakalarawan ko kay Nate..?
Pinagpapawisan na ako sa sakit na parang pumipilipit sa paa ko. "Aray ko." Halos gusto ko ng umiyak sa sakit. Ayoko na ring magsalita pa dahil parang mas lalo itong sumasakit.
"Dalhin na lang natin siya sa Clinic."
Ang huling salitang iyon ang muling nagpasalita sa'kin. "No way!" ayoko ng mga bagay na may kinalaman sa doctor, hospital o medication. No way.
"Pero-"
"No. Ayoko." Patuloy na pagtanggi ko.
"So, paano ka namin matutulungan kung hindi ka magpapadala sa clinic?"
"Just leave me alone." Mas mabuting mapag-isa ako kaysa mapaligiran ako ng mga taong lihim na pinagtatawanan ako.
"At kami pa talaga ang pina-aalis mo sa teritoryo namin?" saad ni Sam na halatang naiinis na sa kasungitan ko.
"I DON'T CARE kung sainyo 'to...just leave me alone, Now!" mas tinaasan ko pa ang boses ko para siguradong seseryosohin nila ang sinabi ko.
At gaya ng gusto ko, sumunod nga ang tatlo at tuluyang nawala sa paningin ko.
Nabawasan na ang sakit ng paa ko, pero bumabalik ang di ko matagalang sakit sa tuwing sinusubukan kong igalaw at iapak sa lupa.
"Paano na ako ngayon?" himutok ko sa sarili ko ngayon. Paano ako makakalakad? makakauwi? Ginala ko ang paningin ko at wala na nga ang tatlo sa kahit saang sulok ng silid.
Bigla kong naalala ang nangyaring kalampahan ko kanina. It made me sick. "I really hate this day!" naiiritang sigaw ko, "Ayoko na maging Deelan Morgan!"
"That's the most stupid thing, I heard."
Napabaling ako sa pinanggalingan na boses na 'yon. Si Nate!
Di ako agad nakapagsalita. Nalipat na lang ang tingin ko sa dala nitong maliit na lalagyan. Nang makalapit ito, lumuhod siya sa harapan ko at inabot ang paa ko. Sabay nilagyan ng yelo.
Di ko alam kung bakit, pero matapos ang nakakainis na pangyayari kanina, nagagawa ko pang kiligin ng palihim sa taong halos isumpa ko na kanina lang.
Napatitig ako sa mukha niya. This is so unreal. He is perfect... Perfect skin tone. He has no pores at all. Ang kinis. Hindi Oily. "Yum..."
Awtomatikong tinakpan ko ang sarili kong bibig. I actually said it? Ba't ba walang naimbentong lock o zipper man lang sa mga bibig sa tulad ko?
Napalunok ako ng huminto si Nate sa ginagawa nito at napatingin sa'kin. Malamang narinig niya.
"Yum-Yamang nandito kana rin lang, pwede bang ikaw na lang ang maghatid sa'kin pauwi?"
Buti gumana ang utak ko ngayon. That's too close.
"You have no choice, dahil kasalanan mo rin naman 'to." muli kong saad ng wala akong narinig na pagpayag mula sa kanya.
"My Fault?! Really?" pag-uulit nito na hindi nagustuhan ang huling sinabi ko. "Blame yourself not the person who's trying to help."
Di ako nakakibo. Mukhang ang matibil kong bibig ang kailangan kong sisihin. Di ko na tuloy alam kung paano pa babawiin ang sinabi ko.
Kumilos na si Nate para ibalik ang yelo sa kaninang pinaglalagyan. Tumayo na ito na mukhang balak ng umalis. Nagalit ko yata siya.
Napapikit ako bago sinambit ang salitang napakalimit kong gamitin, "I-I'm s-sorry."
Hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang dalawang salitang iyon. Ni hindi ko matandaan kong kailan ko huling narinig na nilabas 'yon ng sarili kong bibig.
But it works.
Nakita mismo ng mga mata ko na huminto ang pagtangkang pag-alis ni Nate.
Muli akong binalikan ni Nate sa kinauupuan ko. "You know what, kailangan mo pang pagpraktisan ang pagsasabi niyan. Dadalawang salita lang pero kita kung gaano ka nahihirapan na parang chinese word lang ang I'm-sorry."
Ganoon na ba 'ko ka-obvious para mahalata niya na hindi ko madalas gamitin ang salitang I'm sorry? Whatever. Iyon na rin naman ang huling beses na sasabihin ko ang salitang 'yon.
Natigil na rin ang pag-iisip ko nang buhatin ako ni Nate palabas. Yum!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top