29 ♫
TWENTY-NINE
Back to school.
Matapos ang mahaba-habang bakasyon ng sembreak, balik-eskwela na naman. Tatak na tatak pa rin sa'kin ang nangyaring pagkapanalo ng Cricle Band sa final battle noong isang gabi. Pagkatapos ng gabing 'yon, inumaga kami ng celebrasyon. Bumalik rin ang pamamaos ko dahil sa walang tigil na kasisigaw. Buti na lang wala ng second round ang battle.
"Hanggang ngayon wala ka pa ring boses?" salubong sa'kin ni Gleigh nang marinig niya ang rumaragasang boses ng pagbati ko.
"Gumaling-galing na nga kahit papaano." Mas malala ang boses ko kahapon at noong isang araw na halos walang wala talaga.
"Para kang out of tune radio. Ang sakit sa tenga. Wag kana nga munang magsalita pwede." Pagbibiro ni Gleigh na tinotoo ko dahil kung masakit sa tenga para sa kanyang pakinggan, masakit naman sa lalamunan ko ang pilit na magsalita.
Nang marating namin ang Circle High, panay ang pagbati at pagcongratulate ng bawat makakasalubong naming estudyante. Mukhang lahat-lahat sa kanila ay naroon rin ng gabing 'yon base na rin sa buka ng mga bibig nila na halos ikwento ang buong detalye ng simula hanggang matapos.
Bago kami tuluyang pumasok ni Gleigh sa classroom, pinigilan ko muna siya para may linawin akong bagay. "Gleigh, mamaya nga palang snack at lunch break, hindi ako sasabay sa inyo."
"What? Bakit naman?"
"Ahmm..." Hindi ko napaghandaan ang idadahilan ko. Mukhang bumabalik na naman ang katangahan ko. "Niyaya ako ni... ni Adela. May pag-uusapan lang kami."
"Okay." Agad na sagot ni Gleigh na hindi naman nahalata ang pagsisinungaling ko.
Sinamantala ko na ang pagkakataon. "Pati nga pala mamayang uuwian, hindi ako makakasama sa bahay ni Nate."
Kumunot na ang noo ni Gleigh. "Bakit naman? Birthday ni Nate! Dapat nandoon ka rin."
"Ahmm.. Pi-pinapauwi ako ng maaga ni mama. Dadating kasi sina Kuya Nick, may lakad kaming pamilya." Pagsisinungaling ko para pagtakpan ang totoong dahilan.
Kailangan kong pangatawanan ang paglayo muna kay Nate. Ano naman kung wala ako sa birthday niya? Hindi ko naman 'yon kawalan at mas lalong hindi 'yon kawalan ni Nate. Isa pa, siguradong nandoon si Jenna gaya ng sabi ni Gleigh na pupunta rin daw kasama si Tina. Ayokong makaramdam ng kahit ano. Hindi makakatulong sa ginagawa kong pag-move on. Idagdag pa na galit sa'kin ang mama ni Nate, at hindi na rin maganda ang tingin sa'kin ni Basty, baka makasira lang ako sa okasyon.
"Baka naman pwede kang sumaglit o humabol man lang?!" pangungulit ni Gleigh na inaasahan ko na.
"Okay. Hahabol na lang ako." Muling pagsisinungaling ko para matigil lang ang pangungulit niya. Wala talaga akong balak humabol.
Ngumiti na rin si Gleigh na pinaniwalaan ako. "May gift kana para kay Nate?"
Umiling ako. "Kailangan pa ba 'yon? Ang laki na ni Nate para regaluhan noh."
Tumaas ang kilay ni Gleigh. "Ba't parang biglang ganyan ka kay Nate? Hindi ka naman dating ganyan huh.. Napansin ko simula noong celebration natin after ng final battle, bigla kang tumabang. Wala kana ring masyadong gana maglabas noong isang araw na nagyaya kami. Bumabalik na ba ang dati mong sungay?"
"Ba't ang dami mong sinabi?!.. matapos ang battle, siyempre wala na ako sa mood maglalabas kasama niyo dahil sa boses ko. At tungkol naman sa birthday... Sadyang hindi lang talaga ako mahilig magbigay ng regalo ever since. Maging ang makatanggap ng regalo. Hindi ako ganoon ka-obssessive sa birthdays na parang ordinaryong araw rin lang naman kung iisipin.
Muling tumaas ang kilay ni Gleigh. "Eh ba't nung kay Basty na birthday pumunta ka.. At pambata 'yon.. diba di ka mahilig sa bata? At nakita kong excited ka noong araw na inimbitahan ka ni Nate."
"Hahabol na nga ako diba.. pupunta ako mamaya at excited ako." Sinamahan ko na rin ng pabirong palakpak para hindi lang muli pagdudahan ni Gleigh ang pag-arte ko. "Sadyang wala kayong aasahan na regalo mula sa'kin. Kuripot ako, period."
"Okay! Basta pumunta ka. Ako na lang ang bahala sa ibibigay mong gift kay Nate.."
"What?"
"Bakit? Hindi ako kuripot."
"Whatever."
Naguluhan ako ng biglang tumigil si Gleigh at pinandilatan ako. Bigla siyang lumapit para bumulong. "Palapit na si Nate.. sabay nating batiin." Biglang may dinukot rin siya sa bag niya na dalawang cards, binigay niya sa'kin ang isa. "Ginawa ko 'tong birthday cards.. Ibigay mo 'yang isa kay Nate, sabihin mong galing sayo. Diba ang sweet ko."
"Ew. Hindi ko 'to ginawa at hindi ko 'to ibibigay sa kanya." Binalik ko kay Gleigh ang card pero hindi niya kinuha. "Para kang bata. And Sweet? Nakakadiri kaya. Hindi na uso ang pagbibigay ng b-day cards... ang sagwa!"
Pinandilatan ako lalo ni Gleigh. "Masagwa?! Sweet kaya. Ganito lang talaga ako kasweet, at walang mali sa ganito. Iaabot mo lang naman 'yan kay Nate. Don't worry, sayo 'yan nakapangalan."
"Ew. No way! Ang baduy."
Bumulong muli si Gleigh. "Nandiyan na siya, in the count of one, two, three... Happy Birthday, Nate."
Hindi ako sumabay sa ginawang pagbati ni Gleigh. Bumati ako sa normal na boses. "Happy Birthday."
Kahit naman na iwas na talaga ako kay Nate, kailangan ko rin siyempreng maging normal ang pakikitungo sa kanya ng walang magsabing galit ako o kung ano pa man. Dista-distansya lang. Pasimpleng pag-iwas na hindi niya mararamdaman. Sarili ko lang talaga ang kailangan kong ilayo. Dahil ako ang may problema at hindi siya.
Nakangiti naman si Nate na natuwa naman sa eskandalosang pagsisigaw ni Gleigh. "Thanks." Bumaling siya sa'kin. "Paos ka pa rin?"
Tumango ako. "Kaya huwag na kayong magulat kung hindi ko kayo masyadong kakausapin ngayon." At least may pakinabang ang pamamaos ko. May dahilan ako sa hindi pakikipag-usap kay Nate.
"For you Nate." Nilabas ni Gleigh ang birthday card niya saka siniko ako sa tagiliran na alam ko ang ibig sabihin, pero hindi ko siya sinunod. Wala akong birthday card na inabot kay Nate.
Pumasok na lang ako ng classroom na walang pasabi sa kanila. Hindi na ako masyado pang nagsalita sa sumunod na oras at klase.
29 point ONE
Nang oras na ng lunchbreak, humiwalay na ako kay Gleigh gaya ng sinabi ko sa kanya. Pero dahil sa hindi naman talaga ako makikipag-usap kay Adela, at wala akong ibang maisip na magandang tambayan, natagpuan ko na lang ang sarili kong naghahanap ng mapupwestuhan sa kung saan.
Naglalakad lakad ako nang narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Sa paglingon ko, si Yuri ang patakbong palapit sa'kin.
Huling nakita ko si Yuri noong bago pa ang bakasyon. Nanibago ako sa itsura niya. Ang pagkawala ng salamin niya sa mata ang una kong napansin. "Hmm.. Contacts."
"Nawala ang boses mo.. Anyway Congrats nga pala!" Kinuha niya agad ang iisa kong hawak na aklat at sinabayan ako sa paglalakad. "Sayang, hindi ako nakapanood. But I heard, ang galing mo daw!"
"Thanks. Kumusta na nga pala ang lolo mo? Nakalabas na ba siya sa hospital? Sorry, hindi man lang ako nakadalaw."
Nakilala ko ang lolo ni Yuri noong unang beses na bumisita ako sa bahay nila. Napakabait niya at aliw na aliw sa'kin. Kaya naman parang ngayon ko lang naisip na ang sama ko para hindi man lang dumalaw kahit papaano.
"Okay na siya. Naiintindihan naman kita, masyado kang busy nitong dumaang linggo. Pero," ngumiti si Yuri. "pwede kang bumawi... I mean, after class, pwede ba kitang yayain ulit sa bahay? I'm sure matutuwa si Lolo na makita ka."
"Sure." Walang pag-iisip na sagot ko.
Minsan ko ng sinabi sa sarili ko na ayoko ng mainvolve sa mga lalake ni Cee. Kaya hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang isip ko na pahintuin na si Yuri sa panliligaw sa'kin.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Yuri na halos tungkol lahat sa nangyaring bakasyon. Naputol lang nang kinailangan na naming pumunta sa kanya-kanya naming klase.
Matapos ang huling klase, plano ko sanang umalis ng hindi na nagpapaalam nang tawagin ako ni Nate bago pa man ako makatayo sa kinauupuan ko.
"Deelan, ngayon nga pala sa bahay." Pagpapaalala ni Nate sa'kin. "Hindi ka talaga makakasabay?"
Tumango ako. "Ahm.. Hahabol na lang ako." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "Sige.. mauna na ako sa inyo. Happy Birthday ulit."
29 point TWO
Natuloy nga ang pangalawang pagbisita ko sa bahay ni Yuri. Tulad noong una kong pagbisita, naging maganda at mainit ang pagtanggap muli nila. Ikinatuwa rin ni lolo Ben ang makita ako. Ni hindi ko inakala na magiging madali sa'kin ang mapalapit masyado sa pamilya ni Yuri.
Nang nasa tapat na kami ng bahay namin, bumaba si Yuri para pagbuksan pa ako ng pinto.
"Thank you, Dee. Hindi mo alam kung paano mo napasaya si Lolo Ben sa pagbisita mo kanina."
"Ako nga dapat ang magpasalamat. Ang bait talaga nila sa'kin. Nag-enjoy din ako sa dinner."
Kung may sasaya at bubuti pa sa pamilya ni Yuri, ewan ko na lang. Sila ang pinakamasayang pamilyang nakilala ko. Masaya ako at hindi man lang nabagot kahit man lang sandali.
"Bye Yuri. See you tomorrow." Muling sabi ko bago siya tuluyang makaalis.
Nang papasok na ako ng bahay, si mama ang unang sumalubong sa'kin. "Oh Dee.. ba't ngayon ka lang? Kanina kapa hinihintay ni Nate dito."
"Si Nate?" Agad kong ginala ang paningin ko sa loob at nakita ko nga si Nate. "Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa-"
"Sinusundo kita." sagot ni Nate na nakaupo sa sala habang katabi si papa.
Nabigla ako dahil hindi ko inaasahang susunduin pa talaga ako ni Nate. Tatanggi sana ako at nag-iisip na ako ng idadahilan nang unahan na ako ni mama. "Dee, ano pang tinatayo mo diyan.. magbihis kana sa kwarto mo. Bilis-bilisan mo rin dahil masyadong mahabang oras na ang hinintay sayo ni Nate, birthday pa naman ng tao."
Nang hindi pa ako agad kumilos, si papa naman ang nagsalita. "Kumilos kana Deelan."
"O-okay." Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Pumasok ako sa kwarto ko para magbihis at agad ding bumalik. Ni hindi na ako nag-abalang mag-ayos o magpaganda.
Sa pagbalik ko, nasa kalagitnaan ng pag-uusap sina Nate at magulang ko. Masasabi kong gustung-gusto nga nina mama't papa si Nate. Kaya mukhang hindi nga nakapagtataka na botong-boto sila kay Nate para kay Cee. Natigil ang pag-uusap nila nang mapansin ni mama ang presensiya ko.
"O, lumakad na kayong dalawa. At Nate, mag-ingat sa pagmamaneho."
"Sure, tita. Don't worry. Ako na ang bahala kay Deelan."
Matapos ang maikling paalaman, lumabas na rin kami ng bahay ni Nate at sumakay ng kotse niya. Bigla na lang nabalot ng katahimikan ng kami na lang ang magkasama.
Galit kaya sa'kin si Nate? Nalaman kaya niya mula kay mama na nagsinungaling ako sa naging palusot ko kanina?
Sa itsura ni Nate, hindi ko masabi ang sagot sa tanong ko. Pero alam kong may mali sa kilos niya na parang masyadong seryoso.
Tumikhim ako para linawin ang lalamunan ko. Naisipan kong kailangan ko ring basagin ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. "Hindi mo na sana kinailangan pang sunduin ako sa bahay."
"Kung hindi ako pumunta para sunduin ka, hahabol kapa rin ba?"
Hindi ako nakasagot dahil naipit na ako sa pabalik na tanong niya. Sana pala hindi na lang ako nagsalita. Mukhang galit si Nate dahil nalaman niyang wala talaga akong balak humabol.
"Saan ka nga pala galing?" isa pang tanong ni Nate na pinapasikip na ang dibdib ko. "Akala ko magmamadali ka pauwi sa bahay niyo kaninang uwian? Bakit ka ginabi?"
Shooot.
Muli akong tumikhim bago sumagot. "Tinawagan ako ni mama na hindi na matutuloy yong pagdating ni kuya Nick. Kaya... may pinuntahan lang muna ako. Hindi ko inakalang matatagalan ako. Traffic."
Nang binigyan ako ni Nate ng parang isang tingin na hindi siya naniniwala, kinabahan na ako.
"Ba't kailangan mong magsinungaling, Deelan?"
Wala akong magawa kundi ang manahimik. Habang naapapakagat-labi. Pinagbabayaran ko na ngayon ang pagiging sinungaling ko. Para akong binibitay dahil sa pagiging makasalanan.
Nang hindi ako sumagot muling nagsalita si Nate.
"Okay, Just answer this question.." saad niya na hindi nauubusan ng ibabatong tanong. "Iniiwasan mo ba ako?!"
Oh please! Kung sasabihin ko sa kanya ang totoo na Oo, ano namang palusot ang idudugtong ko? Na dahil sa may gusto ako sa kanya pero pinipilit ko ngayong magmove-on? No way.
"W-why would I do that?" pagtatanggi ko.
"Dahil wala akong ibang makitang dahilan para bigla kang maging ganito. Ni wala kang balak sumunod o humabol gaya ng sabi mo.. Wag mo ng itanggi dahil tinanong ko si Tita at wala siyang sinabing dadating ang kuya mo at may lakad kayo... Na ngangahulugan lang na gumagawa ka lang ng dahilan.."
"Si Yuri ang kasama ko kanina.." pag-aamin ko na tanging alas ko sa pagkakataong ito. "Niyaya niya ulit ako sa bahay nila. Plano ko naman talagang umuwi rin agad.. kaso nakalimutan ko na ang oras.. nalibang na ako."
"Bakit mo kinailangang itago?" biglang nag-iba ang tono ng boses ni Nate. "Bakit wala kang sinabi na siya ang kasama mo hindi 'yong gumagawa ka ng kwento. Dati naman, napag-uusapan nga natin si Yuri.. hindi naman siya isang sikreto kaya hindi kita maintindihan Deelan."
Heto na naman. Nakulong na naman ako sa mga tanong ni Nate. Ba't ba ang galing niya akong hulihin?!
"H-hindi sa ganoon."
Biglang hininto ni Nate ang sasakyan sa gilid ng daan. Hinarap niya ako. "Kung ganoon, Bakit di mo nga sinabi?!"
"Dahil..." napapakagat labi ako, habang halos pilipitin ko na ang daliri't mga kamay ko. Wala akong maisip na dahilan para idugtong.
Nang walang lumabas na salita sa bibig ko, parang biglang nawalan ng pasensiya si Nate at lumabas ng kotse. "Bibigyan kita ng pagkakatong mag-isip ng idadahilan.." sarcastikong saad ni Nate saka sinara ang pinto.
Nakailang-ulit akong buntong hininga saka lumabas rin ako ng kotse para sundan si Nate.
"Nate..." mahinang tawag ko sa kanya na nakatalikod sa'kin. "Nate, birthday mo ngayon.. hindi natin 'to kailangan pag-usapan ngayon. Maraming naghihintay sayo at hinahanap kana. I don't want to ruin your night."
Humarap sa'kin si Nate na galit. "You.Just.Did."
"Wha-"
"Dahil hindi ako babalik sa'min ng ganito! Nakalimutan ko na ngayon na birthday ko, Because of YOU.. Sira na ang gabi ko!"
Bigla akong naguluhan. Ngayon lang ako naging kaconfuse sa mood ni Nate. "You're blaming Me? Anong nagawa ko?.. Dahil kung tungkol 'to sa pagsundo mo.. sana di mo na lang kasi ginawa..."
"Not because of that!" pasigaw na sagot ni Nate. Mukhang nawala na talaga siya ng pasensiya.
"Then what?!"
"Dahil sira na ang mood ko! Bigla mo akong iniiwasan! Nagsinungaling ka! Sinabi mo kay Gleigh na makikipagkita ka kay Adela... pero si Yuri ang kasama mo. Sabi mo rin na hahabol ka sa'min, pero wala ka naman talagang balak! Sabi mo rin na pinauuwi ka ng maaga ni tita, pero ang totoo si Yuri lang pala ang kasama mo!"
Mas lalo akong naguluhan. Hindi ko inakalang masyadong ikakagalit at ikakasira ng mood ni Nate ang pagsisinungaling ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang humingi ng tawad.
"I'm sorry, Nate.. I'm sorry if I lied. I'm sorry.. hindi ko alam na masisira ang mood mo dahil lang sa pagsisinungaling ko."
"Don't you still get it? of why I'm upset as this?! Not just because you lied Deelan!.."
"Then tell me?!" Ako naman ngayon ang napapasigaw dahil wala akong idea sa laman ng utak ni Nate. Nahahawa na rin lang ako sa init ng ulo niya.
"Dahil hindi ko magawang mag-isip ng maayos! Hindi ko magawang magsaya sa espesyal na araw kong 'to.. Dahil punung-puno ako ng selos!
"Selos?!" pag-uulit ko.
"Yes, I am! Ngayon lang ako nagselos ng ganito kabigat! Na parang sa halos na lalakeng madidikit sayo, pinagseselosan ko. Nagselos ako kay Yuri, kay Evan, even kay Sam.. and now again with Yuri!"
"I'm sorry!" sigaw ko sa kabila ng pamamaos ko. "Pero hindi ko naman siguro kasalanan kung kakambal ko si Cee. Hindi ko kasalanan kung kamukhang-kamukha ko siya. At lalong hindi ko kasalanan na nakikita mo siya sa'kin.. na dahilan para magselos ka! Kung sinisisi mo ako dahil doon.. I'm sorry, Okay?!"
Biglang lumambot ang mukha ni Nate nang marinig niya ang sinabi ko. Umiling-iling siya.
"No, Deelan.." humakbang palapit sa'kin si Nate. "It's not what you think. Hindi si Cee o ang mukha niya ang dahilan kung bakit ako nagseselos. It's YOU. Ikaw 'yon."
Hindi ko na magawang makapagsalita. Pinag-aaralan ko ang mukha ni Nate baka sakaling bigla siyang tumawa sabay sabi na isang prank joke lang 'to. Pero walang nagbago sa anyo niya...
Pero hindi pa rin ako naniniwala, o nakukumbinsi kahit kaunti man lang. Imposible.
"Pwede ba Nate.. Minsan mo ng sinabi sa'kin na nagselos ka kay Evan nang lumalapit siya sa'kin dahil sabi mo nakikita mo si Cee sa'kin..."
Hinawakan ni Nate ang makabilang pisngi ko. Parang tumatagos ang titig niya sa buong katawan ko. "Deelan, ikaw 'yon na pinagseselosan ko. Sinabi ko lang 'yon para pagtakpan ang totoong nararamdaman ko. Aaminin ko, maraming beses kong itinanggi sa sarili ko na nagugustuhan na kita. Pero sa maraming beses na 'yon, paulit-ulit ko ring napatunayan na hindi lang kita nagugustuhan.. mas lumalalim pa doon. Hindi ko masabi sayo dahil wala akong balak sabihin.. Hanggang sa natauhan ako nang maalala ko yong nangyari noong lasing ako.. You kissed me, and you said, You love me.."
Naalala niya?
Parang hindi ko magawang makahinga.. Napalunok ako ng ilang beses. Napapanganga ako sa lahat ng narinig ko. I never see this coming. Parang nananaginip lang ako.
Umiling-iling ako na hindi ko pa rin magawang maniwala. "Lahat ng sinabi mo.. Hindi ko kayang paniwalaan, Nate.. Kaya kong joke lang 'to, sabihin mo na ngayon bago pa ako maniwala..."
"No! This is not a joke! Totoo ang sinasabi ko.. and I want you to believe me.."
Gusto kong maniwala, pero parang ang hirap. Dahil parang ang imposible. "Nate, nalilito ka lang. Nakikita mo lang sa'kin si Cee.. Aminin mo na kasi. Huwag mong gawin sa'kin 'to dahil..." Naramdaman ko na lang na nagsisibagsakan na ang mga luha ko. "dahil nasasaktan ako! Dahil tama ka... mahal na kita... Pero ayokong magustuhan mo ako bilang si Cee.. Masakit para sa'kin 'yon.."
Pinunasan ni Nate ang bawat patak ng luhang nilalabas ng mata ko. "Hinding-hindi kita nakita bilang si Cee.. Siguro noong unang beses, Oo. Niyakap pa nga kita diba?! Pero sa mga sumunod na minuto, alam kong ibang-iba ka kay Cee. Kahit kamukha mo siya, ako ang unang taong makapagsasabi ng pagkakaiba niyo bilang tao. Ilang beses ko namang sinabi at pinaramdam sa'yo yon, diba?!"
Sandaling tumigil si Nate para tignan ako sa mata kung naniniwala na ako. "Maniwala ka naman, Deelan!" Halos magmakaawa na ang tono ng boses ni Nate. "The first time I kissed you.. including the second time that we kissed.. It was You, Dee. Sa mga oras na 'yon.. Ikaw 'yong taong iniisip ko, nakikita ko, at hinahalikan ko. Not Cee.. It was all You, Dee!"
"Pero sabi mo..."
"Hindi lang ikaw ang marunong at magaling magsinungaling, Deelan Morgan."
Naramdaman kong parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niyang 'yon. Nagawa ko ng ngumiti. "I d-don't know what to say.."
"Yan lang ba ang masasabi mo? Wala kang masabi? Come'on Deelan.. Bumawi kana man sa dami ng linyang binitawan ko..."
Uminit bigla ang pisngi ko. "H-hindi mo alam kung paano ako nabigla ngayon. Totoong umiiwas ako pagkatapos ng battle night, dahil gusto na kitang kalimutan.. dahil natatakot na ako na mas... mas lumalalim pa ang kung ano mang 'tong nararamdaman ko sayo. Dahil nakatatak na sa utak ko na hinding-hindi mo ako magugustuhan..."
Ngumiti si Nate. "But you're wrong."
Tumango ako. "Lagi naman akong mali. Kaya nga hindi ko alam kung bakit mo ako nagustuhan. Isa akong malaking ekis."
"Well that's what I love about you.. I love every you.. your perfect imperfections. Aaminin ko na simula pa lang, inis na inis na ako sayo.. masyado kang maarte, mayabang, matapang, wala sa lugar, at malandi..."
Sa halip na mainis, natawa ako. That's the cutest thing I heard from him, lalo na ang last word. "At paano mo natanggap ang pagiging malandi ko?"
"Dahil yan ang dahilan kung bakit nagbago ang pagtingin ko sayo. Hinusgahan kita noon kay Alex. Kaya ng malaman ko ang totoo, para akong inusig ng konsensiya ko. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na kita huhusgahan pa."
"Pero ginawa mo ba ulit na husgahan ako?" taas kilay na saad ko. "When I was with E?"
"Can you please stop calling him E. Hindi magandang pakinggan."
Natawa ako na nauwi sa kilig. "Do you want me to call you N?"
"NO! Para ano?.. para mas lalong makita kung gaano kalayo ng N sa D.. di tulad ng D and E?.. Come'on, kalimutan na natin ang alphabets.. Kaya nga mas gusto kitang tinatawag na Deelan kaysa sa Dee."
Napa-Oh ang bibig ko. "Kaya pala, hindi kita naririnig na tinatawag akong Dee.. lagi na lang Deelan."
Nawala bigla ang tawa ko nang maramdaman ko ang malalim na titig sa'kin ni Nate. "What?" sita ko sa kanya.
"Masaya lang ako. You're the best gift na natanggap ko. You're mine now."
Lumukso ang puso ko sa salitang 'yon. Sinong mag-aakala na mangyayari 'to?! Ito ang hindi ko pinakaaasahang bagay na ginusto ko. Pero bigla akong natahimik at napansin din agad 'yon ni Nate.
"Why? Wag mong sabihing it's complicated..."
Napangiti ako sa biro niya pero bigla ring bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ko. "Tungkol sa mama mo.. H-hindi niya ako gusto para sayo. Iniisip niyang bad influence ako sayo.. na wala ako sa kalingkingan ni Cee."
Nababahalang nilapit ni Nate ang mukha niya sa'kin. "Ako ng bahala kay mama. Maiintindihan niya. Kung hindi man, paulit-ulit kong paiintindihin sa kanya... Huwag mo na lang isipin pa 'yon."
Biglang napanatag ang dibdib ko sa sinabi ni Nate. Wala na talaga akong masasabi pa sa kanya. Bigla niyang kinuha ang kamay ko. "Let's go.."
"Where?" tanong ko na parang nakalimot ako kung nasaan kami ngayon.
"Sa bahay. Ipakikilala na kita sa kanila, bilang girlfriend ko."
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
He winked at me. "They have to know, that you're THE ONE.. My Dee One."
The End.
Pa-VOTE po. kung nagustuhan mo lang naman ang munting novella ko :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top