27

TWENTY-SEVEN

Pagmulat ko pa lang ng mata kinaumagahan, bigla na akong kinabahan nang maramdaman kong masakit ang lalamunan ko. Nang sinubukan kong magsalita, nakumpirma ko ang kinatatakutan ko... wala akong masyadong boses.

Bigla akong nagpanic dahil bukas na ang final battle. Hindi ako pwede sa ganitong kondisyon na paos. Siguradong masisigawan ako ni Nate at mahihila ko pababa ang banda.

"Dee, okay ka lang diyan? Ba't parang hindi kana kumikibo diyan?" pansin sa'kin ni Jenna dahil ilang minuto na rin akong nakaupo sa kama na tulala.

Umiling lang ako bilang sagot. Ayokong magsalita dahil baka sakaling bumalik rin agad ang boses ko kung papahingahin ko pa ng mas mahaba.

Nang hindi na ako muling kinulit pa ni Jenna, muli akong napahiga dahil sa malaking problema na dinadala ko. Alam kong kailangang mabalik ang boses ko, pero mukhang kailangan kong unahin kung paano sasabihin sa kanila. Pero ayoko silang biguin.

Kailangan kong gumawa ng paraan. Kung hindi man mababalik ang boses ko, mukhang dapat kong makumbinsi si Sakura.

Mabilis akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Pagkalabas ko ng kwarto, si Gleigh na agad ang hinanap ko pero di ko makita.

"Good morning Dee..." bati ni Sam sa'kin na hindi ko naman magawang batiin pabalik kaya ngiti at tango lang ang nagawa ko. Ayoko munang ipaalam sa kanila ang malaking problema ko hanggang hindi ko pa nakakausap si Sakura na siyang tanging solusyon bukod sa paggaling ng boses ko na hindi ko sigurado kung babalik bukas ng gabi.

Ginala ko pa rin ang paningin ko para hanapin si Gleigh pero hindi ko pa rin siya makita. Hindi ko naman pwedeng tanungin si Sam o kung sino man dahil malalaman nila ang kondisyon ko.

Nang makita ko si Evan na pababa ng hagdan, awtomatikong nakahanap ako ng tagapagsalba. Pero nang lalapit na ako sa kanya, saka ko naman narinig ang tawag sa'kin ni Nate na papasok pa lang galing sa labas.

Shooot.

Kahit napabaling na ako kay Nate at alam niyang narinig ko ang tawag niya, napatakbo pa rin ako kay Evan. Hinablot ko ang braso niya para dalhin sa kwarto.

Bago pa man ibuka ni Evan ang bibig niya para magsalita, inunahan ko na siya. "I need your help. Paos ako! Hindi mo ako pwedeng tanggihan dahil ikaw ang may kasalanan.." Rumaragasa ang boses ko na pumipiyok-piyok habang nagsasalita.

Bahagyang nagulat din si Evan sa binalita ko dahil alam rin naman niyang bukas na ang final battle. Pero kumunot din ang noo niya dahil sa paninisi ko sa kanya. "Me?"

"Yes You! Pinagsisigaw mo ako, at di mo rin ako pinigilang kumain ng dalawang ice cream."

"Hawak ko ba ang sariling bibig mo?" natatawang saad ni Evan pero naglaho rin ng makita niya kung paano ako kaapektado at namomroblema. "Okay. How can I help you?"

"Ipagmaneho mo ako. Pupuntahan natin si Sakura. Siya ang magiging kapalit ko, dahil walang kasiguraduhan na babalik bukas ang maayos kong boses." Sa pagkapaos ko, hindi ko alam kung malinaw pang naiintindihan ni Evan ang pinagsasabi ko. "Ngayon na tayo lalakad.. at huwag muna nating ipaalam sa iba ang kalagayan ng boses ko."

"Okay." Sagot niya na hindi ko man lang naringgan ng pagtutol.

Mabilis kong pinaasikaso ng sarili si Evan bago kami lumabas ng kwarto, sinabihan ko siya na siya na ang bahalang magdahilan sa pag-alis namin dahil sa araw na 'to, naka-mute muna ako.

Nang makababa na kami, at matagumpay na ring nakapagdahilan si Evan, wala na sanang problema nang biglang nilapitan ako ni Nate.

"Pwede muna ba kitang makausap?"

Alam kong sa oras na magsalita ako, lagot na. Napapatingin ako kay Evan para may gawing paraan, pero bago pa man siya umaksyon, bumaling na sa kanya si Nate. "Just a second Evan... sandali lang."

Hinawakan ni Nate ang kamay ko at hinila ako mga mahigit limang hakbang na layo kay Evan. Base sa nakikita kong itsura ng mukha ni Nate, masasabi kong hindi maganda ang gising niya.

"Malinaw na sinabi ko sayo kahapon na mag-uusap pa tayo!" mahina man ang pagkakasabi ni Nate pero parang wala na rin pinagkaiba sa pasigaw dahil sa tono ng boses niya na madidiin ang bitaw.

Napapakagat labi na lang ako habang nasa ibang bagay ang tingin ko.

"Deelan," muling saad ni Nate sa mas mahinang boses na hindi aabot sa pandinig ni Evan. "Hindi mo ba naiisip na pwedeng nilalapitan ka lang ni Evan dahil nakikita niya sa'yo si Ceeline..."

Umiling-iling na lang ako dahil ito na rin lang ang kaya kong isagot.

Mas lumapit pa sa'kin si Nate na hindi nagustuhan ang sagot ko. "I'm just concern Deelan. Pinapaintindi ko lang sayo ang bagay na hindi mo nakikita. Kung pakiramdam mo gusto ka ni Evan that's only because you look like Cee. 'Yon lang yon."

Hindi ko narinig ang bagay na tulad nito mula kay Nate noong si Yuri ang umaaligid sa'kin. Siya pa nga ang nagtutulak mismo sa'kin kay Yuri sa kabila ng ganitong tulad na rason na ibinigay ko sa kanya noon.

"Deelan..." muling tawag ni Nate sa pananahimik ko. Titig na titig siya sa'kin na pilit binabasa ang mukha ko.

Sa kalagitnaan ng tanging mata sa matang titigan namin ni Nate, pumasok na si Evan. "I'm sorry but we have to go, Dee."

Sinamantala ko na ang pagkakataon na makawala sa pag-uusap namin ni Nate. Mabilis akong tumabi kay Evan para iparating kay Nate na tapos na ako sa pakikipag-usap bago pa man ako mabuko.

Bago kami tuluyang umalis ni Evan, sigurado ako na nakita ko na may kung anong pait sa mga mata ni Nate. At hindi ko na kailangan pang hulaan kung para saan 'yon.. Nasasaktan ko si Nate ng hindi sinasadya dahil lang sa kamukha ko si Cee. Para ko na rin lang naman binalik ang sakit na naramdaman niya noong sinaktan siya ni Cee dahil kay Evan.

"You were wrong when you told me yesterday that his not into you." saad sa'kin ni Evan nang makasakay na kami ng kotse paalis.

"He's not. Not with me. But with Cee." Paglilinaw ko. Hindi ko kailangang magbulagbulagan o magpantasya. Ayokong papaniwalain ang sarili ko sa hindi naman totoo.

Sa tatlong oras na biyahe namin naging tahimik ang buong oras na magkasama kami para na rin mapahinga ang boses ko. Sinamahan ko na rin ng tulog para makatulong sa fast recovery ng kondisyon ko.

27 point ONE

"It's okay, Dee. I'm sure maiintindihan ka rin naman nila."

Nakakailang ulit ng sabi sa'kin si Evan ng mga salitang makakapagpagaan sa dibdib ko. Gabi na nang makabalik kami ngayon ng hacienda, pero parang wala pa rin akong lakas ng loob na magpakita sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa bawat isa sa kanila ang masamang balita. Wala akong boses, at hindi ko pa nagawang ibalik si Sakura. Nang puntahan namin siya sa bahay niya, tanging kapatid lang niya ang naabutan namin dahil kasalukuyang nagbabakasyon si Sakura sa Japan at sa isang araw pa nakatakdang makabalik.

Limang minuto pa ang ginugol ko sa pagpapakawala ng buntong hininga bago kami tuluyang pumasok ng bahay. Eksakto namang nakatipon sila sa isang lugar nang maabutan namin, maliban kay Nate.

"Where's Nate?" tanong sa kanila ni Evan na siyang pansamantalang boses ko bago ko sila kausapin ng masinsinan.

"He's out." Sagot ni Sam na nakaramdam ng pagiging seryoso at worried namin ni Evan. "Bakit? May nangyari ba?"

"May sasabihin lang sa inyo si Dee. Makinig muna sana kayo... at intindihin rin niyo sana siya."

Biglang bumaling sa'kin ang bawat mata at atensyon ng lahat. Naghihintay sa sasabihin ko.

Binasag ni Jacobo ang biglaang pagiging seryoso. "Dee, don't tell us manlilibre ka dahil official na kayo ni Evan?"

Sa kabila ng pagbibiro ni Jacobo, hindi ko nagawang tumawa o pumatol ng pabalik na biro dahil nga sa bigat pa rin ng dinadala ko.

Habang naririnig ko silang nagtatawanan, parang mas lalo akong nakonsensya dahil sa masamang balitang babawi sa ngiti nila ngayon.

Ang walang pagbabago sa anyo ko ang naging dahilan para matigil ang pagtawa ng lahat. Pero hindi pa rin si Jacobo, "Wait.. 'wag niyong sabihing nagbreak palang kayo?"

Muling humagikhik ng tawa ang lahat. Hanggang sa 'di ko na nakayanan na ilihim pa sa kanila ang totoo. "I'm sorry guys.. I'm really really sorry.."

Biglang natigilan ang lahat. Kahit hindi ko na sabihin pa, mukhang bigla na rin naman nilang nakuha kung para saan ang pinaghihingi ko ng tawad. Malinaw nilang narinig ang kondisyon ng boses ko.

"I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko iningatan ang boses ko. Hindi ko kayo masisisi kung sisisihin niyo ako."

Nakita ko kung paano bumagsak ang panga ni Jacobo at nawala ang kinang sa mata ni Sam. Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko.

"Sinubukan naming puntahan kanina si Sakura, pero wala na siya. I'm so sorry, wala akong nagawa."

Si Gleigh ang unang lumapit sa'kin at niyakap ako. Sumunod na rin si Sam at Jacobo na hindi ko alam kung paano nila natatago sa'kin ang disappointment. Tanging pagiging maintindihin ang nakita ko sa kanila.

Nasabi ko man sa kanila ang totoo, hindi pa rin nawawala ang problema. Idagdag pa na may isang tao pa akong kailangang harapin... si Nate.

27 point TWO

"Hayaan niyo na lang na ako ang kumausap kay Nate. Gusto kong ako ang magsabi sa kanya."

Lumalalim na ang gabi pero hindi pa rin kami umaalis sa pwesto namin sa sala dahil sama-sama naming hinintay ang pagbalik ni Nate na hindi pa rin dumadating. Nakuha ko man ang pag-unawa ni Sam at Jacobo, hindi ko alam kung ganoon din kay Nate.

"Nandiyan na si Nate!"

Ang anunsyo na 'yon ni Sam na mismong nakatanaw sa pintuan ang nagdulot sa'kin ng muling bigat ng nararamdaman tulad ng kanina.

Sa pagpasok pa lang ni Nate, halatang wala siya sa mood makipag-usap. Nang dire-diretso siyang dumaan at hindi masyadong namansin, humarang sa kanya si Jacobo. "Nate, there's something we need to talk."

"Bukas na lang." walang ganang sagot ni Nate "Makakapaghintay naman siguro 'yan bukas.."

Inamoy-amoy ni Jacobo si Nate. "Amoy alak ka. Nakainom ka?"

Walang sagot na nagpatuloy paakyat papasok ng kwarto si Nate.

Tumayo ako para sundan si Nate, pero pinigilan ako ni Jacobo. "Bukas na lang kaya, Dee?"

Umiling ako. "Hayaan mo na ako. Hindi ako makakatulog nito kung hindi ko masasabi sa kanya."

Nilagpasan ko si Jacobo at dumiretso na rin ako papasok sa parehong kwartong pinasukan ni Nate. Pagkapasok ko, nabungaran ko agad si Nate na papasok palang ng banyo habang topless.

Pansamantalang nawala ang pangamba ko. Oh please...

"Bakit?!" tanong sa'kin agad ni Nate na parang hindi nagustuhan ang presensiya ko.

Hindi agad ako nakapagsalita. Parang umurong agad ang dila ko sa pag-amin kay Nate. Bigla akong naduwag sa pagsasalita dahil sa bigat ng tingin niya sa'kin. Paano pa kapag sinabi ko? Siguradong magagalit siya ng sobra..

Lumapit sa'kin si Nate na naamoy ko ngang amoy alak tulad ng sabi ni Jacobo. Saka ko rin malinaw na nakita sa malapitan ang pamumungay ng mamula-mula niyang mata.

"Sabihin mo na kung may sasabihin ka, dahil may gagawin pa ako." Muling saad ni Nate na wala sa tono niya ang hinihiling kong pagiging maintindihin na kahit man lang sana sa gabing ito.

Muli na naman akong nakonsensya tulad ng naramdaman ko kanina. Lalo na't alam ko kung gaano kaimportante kay Nate ang magaganap na battle. Para ko rin lang naman tinanggal sa kanila ang pagkakataong makuha ang pinakahahangad nila umpisa pa lang. Dahil lang sa pagiging careless ko.

"Kung wala kang sasabihin, Dee, please.. Wala rin ako sa mood ngayon." Binuksan ni Nate ang pinto para bigyan ako ng daan palabas.

Bigla akong naalarma. Wala akong balak umalis na hindi nasasabi kay Nate ang totoo. Pero nang sinimulan kong magsalita, pagbuka palang ng bibig ko, bigla't bigla, naramdaman ko na lang na umaapaw na ang luha sa mga mata ko.

"Wh-why? What's wrong?" biglang nababahalang tanong ni Nate sa biglaan kong pag-iyak. Sinara niya muli ang pinto at lumapit sa'kin.

"S-sorry." Tanging nasabi ko sa pagitan ng iyak.

"For what?" tanong ni Nate na hindi nahalata ang pamamaos ko dahil na rin sa nangingibabaw na iyak ko.

Hindi ako makatingin kay Nate habang napapatitig na lang ako sa sahig. "I'm so sorry. A-alam ko kung gaano kaimportante sayo ang banda at final battle bukas."

Tuluyan an akong napayuko dahil hindi ko gustong makita ang reaksyon sa mukha ni Nate. "I'm so sorry. Sinubukan kong puntahan si Sakura kaninang umaga, pero malabo ring mapalitan niya ako, dahil umalis siya ng bansa. I'm so sorry. Maniwala ka, hindi ko ginusto 'to na mawalan ng boses..."

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tuluyan na akong napaiyak. Hinanda ko na ang sarili ko sa galit o sigaw o mapanising sasabihin ni Nate sa'kin, pero wala akong narinig. Sa halip, nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang yakap niya.

"Ssh... It's okay.. Sshh.." mahinang sabi niya habang paulit-ulit na hinahaplos ang likod ko para patahanin ako. Maya-maya, hinarap niya ako habang hawak ang magkabilang balikat ko.

"So, kaninang umaga lang ang pamamaos mo?"

Tumango ako. "Paggising ko, wala na akong maayos na boses."

"Kaya ka umiiwas sa'kin kaninang umaga? Kaya kayo umalis ni Evan para puntahan si Sakura?"

Muli akong tumango. "Natatakot akong sabihin sayo. Alam kong magagalit ka.." Natigil ako sandali nang niyakap ako muli ni Nate. "Hindi ka galit?"

"No. Naiintindihan ko. Hindi mo naman kasalanan o ginustong mangyari 'yan."

"Pero paano na bukas? Paano na ang battle?"

"Sshh.." muling pagpapatahimik sa'kin ni Nate. "Huwag ka na lang magsalita para bumalik 'yang boses mo. You just need more water and rest. You'll be okay."

Matapos maging malinaw sa'kin na okay na kay Nate ang lahat.. saka rin lang ako natauhan na ang taong kayakap ko ay walang pantaas.

Naramdaman ko na lang ang pag-akyat ng dugo sa pisngi ko.

Mula sa masarap na pakiramdam na kayakap ko si Nate, bigla na lang bumigat ang balikat ko dahilan para mawalan ako ng balanse at pareho kaming bumagsak sa kama. Lahat ng bigat ni Nate ay nasa akin kaya hirap akong makawala. He passed out.

"Nate.." tinapik-tapik ko ang mukha niya para magising siya. Daig ko pa ang naipit ng malaking bato. Isang magandang uri ng bato.

Nang bumalik ang malay ni Nate at gumalaw, sinamantala ko na ang pagkakataon para makawala sa kanya, pero naiwang naipit ang isang braso ko sa ilalim ng balikat niya.

"Nate.." muling tinapik ko ang pisngi niya.

Sa pagmulat niya ng mata, nabigla na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang batok ko at walang ibang ginawa kundi tignan ako ng malalim. Ilang segundo rin na parang hindi ko magawang makahinga habang titig na titig rin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong eksaktong iniisip ni Nate lalo na't lasing siya ngayon at wala sa realidad ang utak niya.

Kahit gusto ko mang isiping ako ang tinititigan ngayon ni Nate, hindi ko pa rin makakaila sa sarili ko na si Cee ang nasa utak niya ngayon. Kahit hindi niya sabihin, sigurado ako.

Pero kahit ganoon, kahit masakit sa'king isiping ganoon nga, parang wala rin sa sariling nilapit ko ang mismong mukha ko kay Nate, at di ko na napigilang halikan siya sa labi. Isang mabilis na halik lang.

Pero ang isa sanang mabilis na halik na tanging gusto ko ay nauwi sa isang matagal at malalim na halik nang sumagot pabalik si Nate.

"I.Love.You.Nate." nasabi ko 'yon ng malinaw sa pagitan ng mga halik. Dala ng hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko. Nalalasahan ko ang halong alak, mint at masarap na tamis sa bibig niya. Until.. it stops. He stops.

Nakapikit ako at takot akong tignan si Nate lalo na ang reaksyon niya. Baka natauhan na siya... baka bigla ng nagising ang utak niya na hindi si Cee kundi ako ang kahalikan niya... baka... I don't know.

Pero para malaman ko, alam kong kailangan kong imulat ang mata ko at matapang na tanggapin ang kung ano mang sasabihin ni Nate. Kahit masakit.

Sa kabadong pagmulat ko ng mata.. nakahinga ako.

Wala siyang malay na mahimbing ng natutulog.

Muli ko siyang pinagmasdan na hindi nagsasawa.

Sa pangalawang pagkakataon, naranasan ko ang halik ni Nate na hindi naman talaga para sa'kin. It was for her..

Kung may narealize man ako matapos ang halik ngayon, 'yon ay... ako ang kailangan ng matauhan. Dahil kung hindi ko gagawin ng mas maaga... ako mas masasaktan. Mas malalim na masasaktan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top