26

TWENTY-SIX

Alas otso na ng umaga nang magising ng halos sabay-sabay ang lahat at ang agahan ang unang takbuhan. Si Nate na siyang huling humabol sa agahan ang agad na nakapansin na si Dee at Evan ang tanging kulang sa lahat.

"Si Deelan?" Tanong ni Nate sa katabi niyang si Jenna. "Tulog pa?"

"I don't know. Wala siya sa kwarto namin kagabi, hanggang paggising ko. Diba Tina?"

Tumango naman si Tina bilang pagsang-ayon. Bumaling siya kay Gleigh. "Sa room niyo ba siya natulog?"

Umiling-iling naman si Gleigh na hindi makapagsalita dahil sa kakasubo pa lang niya ng pagkain sa bibig.

"Kung ganun saan natulog si Deelan?" Kunot-noong tanong muli ni Nate. "At nasaan siya ngayon?"

Tumawa ng malakas si Sam na naging dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat. Sa lahat na nasa mesa siya lang ang tanging nakakaalam sa naging usapan kagabi. "She's in Hell."

"What do you mean, Sam? Alam mo ba talaga?"

Muling tumawa si Sam na ikinaubos ng pasensya ni Nate. "Just tell us, Sam.."

"Tinupad lang naman ni Dee ang kahilingan ni Evan. So relax guys, hindi nawawala si Deelan Morgan."

"Anong hiniling ni Evan?"

"At bakit hindi namin alam?"

"Ano nga, Sam?! Huwag mong sabihing pinauwi ni Evan si Dee."

Tinaas ni Sam ang dalawang kamay simbolo ng pagsuko sa sunud-sunod na tanong sa kanya. "Relax! Nasa kwarto lang naman ni Evan natulog si Dee, dahil 'yon ang naging kahilingan ng mahal na hari."

Iba't iba ang naging reaksyon ng lahat. Pero si Jacobo ang nangunguna sa tawa. "That explains why kaya wala pa sila dito.. I can't wait to tease Dee.."

Halos masasaya ang reaksyon ng lahat maliban kay Gleigh at Nate na tanging hindi gusto ang ideya.

"Why you didn't tell us, Sam?" Sita rin agad ni Nate. "Hindi naman yata maganda ang naging kondisyon ni Evan.. That's out of the line!"

Tumayo si Gleigh. "Kakausapin ko si Evan. I'm sure napilitan rin lang si Dee at walang nagawa."

Mabilis na pinigilan ni Jacobo si Gleigh na hinablot ang braso niya. "Hayaan mo na. Hintayin na lang natin na lumabas."

"Oo nga naman Gleigh.." singit ni Jenna. "Besides, baka natutulog pa sila."

"I agree." Kinikilig na pagsang-ayon din ni Tina. "Huwag muna nating isturbohin.."

Walang ngang nagawa si Gleigh kundi ang pumayag sa kaliwa't kanan na pangungumbinsi nila. Mataas na ang tirik ng araw pero wala pa ring anino ni Evan at Dee na lumabas mula sa kwarto.

"Gleigh, I think you need to check Deelan upstairs... Now." Utos ni Nate na panay ang tingin sa sarili niyang wristwatch. "Magsisimula ng magpractice maya-maya lang.."

Naunang magreact si Jacobo na nagsisimula na namang ngumisi. "I-move na lang natin mamaya 'yong practice. Baka wala rin sa mood si Dee, you know... baka pinuyat talaga ni Evan."

"Pwede ba Jacobo!" agad na sagot ni Nate na biglang nagbago ang timpla. "Banda ang pinag-uusapan natin dito. Nakakalimutan mo na ba kung gaano kahalaga sa'tin 'to?!"

"Nate, Hindi ko naman sinasabi na i-cancel natin ang practice.. and sinasabi ko lang i-move natin ng—"

"Kahit na!" putol ni Nate na hindi na walang balak magbago ng isip. Muli siyang bumaling kay Gleigh. "Go upstairs."

Tumango rin si Gleigh. "Isa pa Jacobo, baka nagpatayan na ang dalawa. Alam mo naman ang dugo ni Dee, mabilis umakyat sa utak."

"Hindi 'yon nagpapatayan.. Baka nga bumubuo ng buhay.." birong pahabol pa ni Jacobo habang paakyat na si Gleigh sa kwarto ni Evan. Si Sam lang ang tanging tumawa sa biro ni Jacobo.

Natigil rin lang agad ang tawa ni Sam at Jacobo nang bumalik muli si Gleigh. "Guys, wala si Evan at Dee sa kwarto."

26 point ONE

Nagising ako sa dalawang magkasunod na tapik sa balikat ko. "Hmm?" Inaantok na sagot ko.

Ramdam ko ang pananakit ng batok ko dahil hindi nga pala ako sa kama nakatulog. Wala rin akong ideya kung anong oras na. Ni hindi nasisilayan ng kahit anong sikat ng araw ang basement kaya hindi ko alam kung gabi pa rin o umaga na.

"Dee," panggigising ulit sa'kin ni Evan. "Kung gusto mo pang matulog, mabuti siguro kung lumipat kana lang sa kwarto sa taas."

Sa kabila ng katamaran ng katawan ko dahil sa antok, nagawa ko pa ring bumangon, dahil wala akong ibang gusto kundi ang makapag-unat ng katawan sa kama.

Di ko nakalimutang bitbitin ang painting na mismong gawa para sa'kin ni Cee.

Nang makalabas na kami ng basement, saka ko rin lang nalaman na mataas na ang sikat ng araw. Pareho kaming natigilan ni Evan nang biglang parang gulat ang mga tao nang makita kami.

"Why?" tanong ko sa kanila na nahihikab pa. "May nangyari ba?"

"Why don't you ask yourself?" balik sa'kin agad ni Nate na mukhang hindi maganda ang gising. "Where have you been?"

"At saan kayo natulog?" dadag na tanong ni Jacobo pero di tulad ni Nate, maluwang ang ngiti nito na may panunukso na hindi na bago sa kanya.

Napapatingin ako kay Evan dahil hindi ko alam kung tama bang sabihin ko ang secret place nila ni Cee.

"Sa.. sa labas. Nag-jogging." Sagot ni Evan.

"Anong oras kayo bumangon? At parang hindi naman namin kayo nakitang pumasok sa pintuan galing labas?" pang-uusisa rin ni Gleigh na mabilis na napadako ang atensyon sa hawak kong nakabalot na painting. "Ano 'yang hawak mo..?"

Mas lalong wala akong balak na sabihin ang tungkol sa painting. Alam kong mas lalong lalalim ang pang-uusisa nila na hahantong sa pagkakaungkat.

"Ba't ba ang dami niyong tanong?.. Akyat muna nga ako.." Hindi ko na hinintay pang muli na may panibagong katanungan o pang-uusisa na lumabas mula sa bibig ng kahit kanino sa kanila. Mabilis sana akong hahakbang paakyat ng hagdan nang humarang bigla si Nate.

"I know, hindi ganun kaimportante sa'yo ang banda.. Pero, Deelan, sana kahit papaano isipin mo naman na kailangan ka rin naming maging seryoso dito dahil ikaw rin lang ang maaasahan namin.. dahil wala kaming choice kundi ikaw... kaya pakiusap lang!"

Tuluyan ng nawala ang antok ko sa nakakagising na pangaral na ni Nate. Hindi ko alam kung papaanong naging iresponsable agad ako sa paningin niya. "Sino naman nagsabi na hindi ako seryoso? Na hindi rin sa'kin importante ang banda?"

"Sayo na mismo nanggagaling 'yon. Ni wala kang commitment.. Kanina pa dapat tayo nagsisimula sa practice.. pero dahil sa pagiging walang pakialam mo, nasasayang ang bawat oras na makakatulong sana para—"

"Okay.. I'm sorry.." Pagpapakumbaba ko bago pa humaba ang sagutan namin. Iintindihin ko na lang ang biglaang pagiging masungit ni Nate kahit hindi ko maintindihan. Unang beses na sandaling na-late ako sa practice, pero parang nabura na bigla ang ipinakita kong pagmamalasakit sa banda nitong nakaraang araw. "Hindi na mauulit... Sorry."

Umiiling-iling na lang si Nate na wala ng ibang sinabi at umupo sa malayo habang inayos ang timbre ng guitara.

"It's okay, Dee.." singit ni Sam na hindi ko makitaan ng galit o disappointment sa'kin tulad ng kay Nate. "Naiintindihan ka naman namin. Pagpasensyahan mo na si Nate, sadyang hindi maganda ang timpla kanina pang umaga. At mukhang stress rin lang sa nalalapit na battle.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi naman ako ganoon kamaramdamin para dibdibin ang mga sinabi sa'kin ni Nate.

26 point TWO

"Dee!"

Bahagya akong napalundag sa panggugulat ng tao sa likod ko. Muntik ko pang mabitiwan ang hawak kong baso, buti na lang nasalo ko sa oras. Nang humarap ako, hindi na ako nagulat na si Gleigh ang taong 'yon. Inaasahan ko na rin naman talagang iko-corner niya ako para usisain. Hindi lang ako naging handa sa panggugulat niya.

"Bakit ba?!" hindi ko alam kung bakit ko pa tinanong, alam ko na rin naman ang sasabihin niya.

"Ano ba talaga kasi ang nangyari sa'yo? Sa inyo ni Evan? Saan kayo galing kanina? At bakit—"

Tinaas ko ang isang kamay ko na sumesenyas ng pagtigil. "Walang nangyari! Natulog lang ako sa kwarto kasama si Evan gaya ng hiling niya na kailangan kong tuparin. We just talked the whole night all about Cee. Umaga na kami nakatulog at tanghali na kami nagising. End of the story."

Naka-Oh ang bibig ni Gleigh na tumatango-tango.

"Kung may nagawa man akong mali, 'yon ay ang makalimot sa oras. Pero hindi ko naman sinadya na sobrahan ang tulog at mawalan ng pakialam sa banda."

Napanguso si Gleigh bago nagsalita. "Alam mo, naninibago rin ako kay Nate ngayong araw na 'to. Pakiramdam ko tuloy... Hindi ako sigurado, pero hindi kaya..." Biglang siyang tumigil sa alanganin pero pinagpatuloy din. "Nagseselos?"

"Selos? Paano?.."

Sa sinabi ni Gleigh, parang binigyan niya ako ng isang palaisipan. Sigurado akong hindi... pero bakit parang gusto kong isipin na Oo.

Umiling-iling si Gleigh. "Well, Baka mali lang ako. Pero maiba tayo," Mula sa magulong mukha biglang nagbago sa maaliwalas na ekspresyon ang mukha niya. "Is there a chance that you and Evan.. you know... magkatuluyan?"

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" agad na sita ko sa kanya.

Hanggang kelan ba ako masasangkot sa mga lalake ni Cee? Nakakalimot na ba si Gleigh sa bagay na 'yon?

Biglang kinikilig na ngumiti si Gleigh. "Wala namang masama kung magkagustuhan kayo. Hindi ako tututol. Baka ipagtulakan pa nga kita. Lalo na't napansin ko kanina lang na bagay pala kayo..."

"Tigilan mo nga ako Gleigh."

Hindi man lang ako pinakinggan ni Gleigh na muli pang tinulak ang ideya niya. "Isa pa, hindi na mainitin ang ulo mo sa kanya kumpara kahapon. Nakilala mo na totoong Evan noh? Sinasabi ko naman kasi sa'yo, hindi siya 'yong taong inaakala mo."

Napatawa ako. "Yeah, you're right. He's nice. Marami akong nalaman, actually." Naglabas ako ng makahulugang ngiti. Walang ideya si Gleigh sa mga nalaman ko kagabi na tungkol kay Cee.

Napatili si Gleigh na masyadong ninamnam at ginawang makahulugan ang sinabi ko. "Like what?!"

"Like.." Bigla akong natigilan nang mapansin ko si Nate na hindi ko alam kung kanina pa niyang narinig ang pag-uusap namin.

"Excuse me," pasintabi ni Nate na dumaan sa'min para kumuha ng inumin.

"Like what, Dee? Ano pang nalaman mo kay Evan?!" pangungulit pa rin ni Gleigh na walang balak tumigil o pumreno ng salita.

"Oh, Please.. Gleigh! Tigilan mo na nga ako." Hindi ko alam kung bakit bigla akong nag-aalinlangang sumagot dahil lang sa presensiya ni Nate.

Pasimpleng sinenyasan ko si Gleigh na umalis muna para iwan kaming dalawa lang ni Nate. Nakatanggap siya ng dalawang beses na masamang tingin mula sa'kin bago siya sumunod sa gusto ko.

Nang tuluyan na siyang umalis, bumaling ako kay Nate. Tumikhim na rin ako para makuha ang atensyon niya. "Tungkol sa.. nangyari kanina. Nate, gusto ko lang linawin na.. seryoso ako sa banda. At hindi ko naman sinadya na..."

"Gaya ng sinabi ko kanina, wala kaming mapagpipilian kundi ikaw, Deelan.. Kaya wala rin kaming magagawa kundi ang palagpasin 'yon. Kaya ang pakiusap ko na lang sa'yo.. Focus! Lumayo ka muna sa distraction.. Magagawa mo naman siguro 'yon kahit ilang araw lang."

"Distraction?! I'm not even distracted.." Wala akong ideya sa sinasabi ni Nate. Pwera na lang kung si Evan ang tinutukoy niya.

"Of course you're not." Sarcastikong sagot niya na may matabang na ngiti. "Cause you're enjoying it. So, How was it?"

Naptitig ako kay Nate na mabilis na lang na nag-iba ang timpla. Parang gusto ko tuloy maniwala sa lumalarong utak ko na nagseselos siya. Posible ba 'yon? Paano kung Oo?

"It's not what you think, Nate..." Hindi na ako mapakali sa pilit na umuukupang tanong sa isip ko. Sa isang iglap nilabas ng bibig ko ang tanong ko na naghahanap ng kasagutan. "A-are you?.. Are you jealous?.."

Hindi ko alam kung paano ko 'yon napalabas sa bibig ko sa normal na boses na walang dudang umabot sa pandinig ni Nate. Sadyang desperada lang akong malaman at ito ang tanging paraan na alam ko.

Gusto kong magsisi at parusahan ang sarili kong bibig sa oras na nakita ko ang reaksyon ni Nate.

"WHAT?! Iniisip motalagang nagseselos ako sa inyo?!.."

Para akong kumuha ng kutsilyo na panaksak sa sarili kong dibdib. Ito na yata ang pinakasakit na salitang narinig ko kay Nate so far.

"Pero siguro nga tama ka, nagseselos ako..."

Wala akong maisagot sa narinig ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Malaking pagpipigil ko sa sarili kong yakapin siya at sabihin kung gaano lumulukso ang dugo ko sa tuwa dahil sa sinabi niya. Pero buti na lang hindi ko ginawa...

"You know why, Dee? It's because you're with Evan! At para ko na ring nakikita si Cee kasama si Evan."

Nagseselos si Nate hindi dahil sa'kin.. .but because of Cee. Ano pa ba ang mas sasakit pa doon?

Humakbang palapit sa'kin si Nate na nakitaan ko ng concern sa'kin. "Dee, may hindi ka pa alam kay Evan. Kung ano mang paglapit na ginagawa niya sa'yo... 'yon ay dahil nakikita lang niya sa'yo si Cee."

Iniwasan ko ang titig ni Nate dahil parang napapaso na ako sa pagtingin sa kanya.

"Alam ko na ang tungkol kay Evan..." pag-aamin ko.

Umiling-iling si Nate. "No... Ipapaliwanag ko sa'yo. Not just about Evan..."

"Alam ko na." pag-uulit ko. "Alam ko na ang tungkol kay Evan at Cee. I know the whole story."

Hindi ko na siguro kailangan pang sabihin ang buong detalyeng alam ko. Sa lahat ng mga nalaman ko tungkol sa naging relasyon ni Cee at Evan, hindi ko mapigilang hindi isipin si Nate at ang mararamdaman nito saka-sakali na sabihin ko sa kanya ang masakit na katotohanan na hindi talaga siya minahal ng kambal ko.

"Alam mo?!" Si Nate na ngayon ang nagulat. "So he told you?"

Tumango ako pero biglang natigil ang komprontasyong nagaganap sa'ming dalawa ni Nate sa pagsulpot ni Jenna. "Nate, can you help me? umalis kasi sina Jacobo at Sam. Sandali lang naman, please.."

Bumaling sa'kin si Nate. "Sandali lang, Deelan. Mag-uusap pa tayo pagbalik ko. Don't go anywhere."

Matapos akong iwanan ni Nate, di ko mapigilang makaramdam ng sakit. Pakiramdam ko nakatanggap ako ng dalawang beses na rejection mula sa kanya. Hanggang kailan ba niya pipiliin o uunahin ang iba bago ako? Maging kay Jenna wala akong laban.

26 point THREE

Hindi ko sinunod ang sinabi ni Nate na huwag akong pumunta sa kung saan. Nakita ko na lang ang sarili ko sa labas ng bahay na naglalakad-lakad. Kahit papaano, nawawala ang gumugulo sa isip ko dahil sa tanawing nakikita ko. Wala akong ibang makita kundi mga puno, ibon, lawa na mapayapang tignan.

Parang bigla akong nagkaroon ng inspirasyong magsulat ng kanta. Umupo ako sa damo saka binunot ang phone ko, dahil wala akong dalang kahit anong masusulatan.

Isang busina ang nagpatayo sa'kin mula sa komportableng pagkakaupo ko. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig kay Evan na napaka-hot tignan sa sporty-look niya habang nakaangkas sa motorsiklo niya.

"What are you doing here? Alone?" tanong nito.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. "Aalis ka? Saan ka pupunta?" Bigla akong naging interesado kung aalis man siya. Bigla ko na lang naisip na gusto kong sumama para makalayo at malibang kahit ilang sandali man lang. "Pwede ba akong sumama?"

Ngumiti si Evan na halatang nagustuhan ang sinabi ko. "Sure. Get on." Inabot niya sa'kin ang isang extra helmet na kinuha ko lang pero wala akong balak suotin.

Nag-alinlangan akong sumakay dahil parang bigla akong natakot. Hindi ako matatakutin, pero dahil ito ang unang beses na makakasakay ako sa isang motorsiklo parang biglang aksidente ang pumasok sa isip ko. Naisip ko bigla ang nangyari sa'kin sa kabayo noong isang araw.

"Scared to death?" pansin sa'kin ni Evan na nahalata ang kawalan ko ng tiwala sa kanyang pagmamaneho. "Don't worry, Dee.. I wouldn't let anything happen to you. I'm not a clumsy driver.."

Napanatag ako kahit papaano sa sinabi niyang 'yon. Umangkas ako sa likod ni Evan na naging hudyat niya para paandarin ang sarili niyang motorsiklo. He grabbed my wrists and wrapped them around his middle. "There's nothing to hold on, but me. Don't let go."

Nang sinimulan na niyang paharurutin ang motorsiklo, mas lalong humigpit ang kapit ko sa kanya na kulang na lang mapunit ang leather jacket niya. Ilang metro palang ang natatakbo namin nang napapasigaw na ako sa bilis na parang nasa karera.

"EVAN! You're forgetting that I'm with you! Balak mo ba akong patayin?!.." Panay ang ayos ko sa buhok ko na segu-segundong humaharang sa mukha ko.

"Relax Sugar!" pabalik na sigaw rin sa'kin ni Evan para marinig ko. "Just trust me and enjoy the ride. Feel it."

Bigla't parang sinunod ko na rin lang ang sinabi ni Evan. Pinikit ko ang mata ko at dinama ko ang hangin na humampas sa mukha ko. Bigla ko ring inisip na bumitaw sa pagkakakapit kay Evan to spread my arms, pero bigla niya akong pinigilan gamit ang isang kamay niya na bumitaw sa manibela. "Don't do it. Ikaw ang papatay sa sarili mo. Wala ka talagang takot noh..."

Natauhan din ako sa sinabi niya. Sa bilis ng pagpapatakbo ni Evan, di nga malayong mahulog ako kapag tinuloy ko ang balak ko. Pero hindi pa rin ako nagpapigil at tanging isang kamay na lang ang binitaw ko. "I just want to feel it, gaya ng sinabi mo."

"Okay." Pumayag din si Evan sa gusto ko. "Just one arm. Okay?!"

"Okay." Nakangiting sagot ko. Nararamdaman ko na unti-unti ko ng nagugustuhan ang mabilis na takbo at parang mas gusto ko pa ngang mas may ibilis pa.

"Wow, Ang sarap sa pakiramdam!" sambit ko na narinig ni Evan at ikinalingon niya sa'kin.

"Why don't you scream.. Mas masarap 'yon sa pakiramdam. Do it.." utos niya.

And so I did. Nagpakawala ako ng malakas na tili at sigaw na hindi ko inakalang napakasarap gawin. Hindi lang isang beses, kundi bawat minuto.

Matapos ang higit kumulang na fifteen minutes, nasa downtown na kami. Dumaan kami sa isang hardware para may kunin na siyang pinakapakay niya. Limang minuto rin lang matapos dumaan doon, huminto kami sa isang ministore dahil sa pangungulit ko kay Evan na bumili ng ice cream.

Umupo kami sa pinakasulok na pwesto saka kumain ng ice cream na parang bata.

"Bakit?!" tanong ni Evan nang mapansin niya ang pagkakatitig ko sa kanya. "Don't tell me, may dumi ako sa bibig at balak mong punasan, gaya ng nakikita mo sa romantic movies."

Tumawa ako. "Kung meron ka mang dumi sa mukha, wala akong balak punasan kung pwede mo namang gawin 'yon. At hindi ako nanonood ng romantic movies."

"Then tell me, what's on your mind?" tinaas-taas ni Evan ng dalawang beses ang dalawang kilay niya. "Nahuhulog kana ba sa'kin?"

Tumawa ako. "Yan ba ang iniisip mong iniisip ko?"

"Well, Yes. But I'm hoping No." sumeryoso bigla si Evan na napapabayaan ng matunaw ang ice cream niya. "I want to be honest with you Dee. I like you."

Ngumiti ako na ako naman ang nanunukso. "Ikaw pala ang nahuhulog sa'kin. Mahirap yan, E.."

Umiling-iling si Evan. "The thing is... Itong nararamdaman kong attraction para sa'yo... I think it's just because, I see her in you. Pakiramdam ko binuhay mo siya.. At sinasabi ko 'to para hindi maging unfair sa'yo."

Wala akong naramdaman na galit o sakit dahil sa sinabi niya sa'kin. Nagustuhan ko ang pag-amin at pagiging totoo niya.

"Naiintindihan ko. Hindi lang ikaw ang nakaramdam niyan sa'kin. Halos lahat naman ganoon din.."

"How about Nate?"

Natigil ang ginagawa kong pagdila sa ice cream. "Nate..?" Bigla kong naalala ang naging pag-uusap namin kanina. Inamin niya na nakikita niya sa'kin si Cee.. at 'yon ang dahilan kung bakit siya nagseselos.

"Paano ka ba pakitunguhan o tratuhin ni Nate?.. Don't tell me hindi niya nakikita sa'yo si Cee..."

Natauhan ako bigla sa sinabi ni Evan. Paano ko nga naman naisip noon na hindi sa'kin makikita ni Nate si Cee... Na siya ang tanging taong tinitignan ako bilang si Dee.

"Isang bagay lang ang sigurado ko.. kahit nakikita man niya sa'kin si Cee.. hindi siya attracted sa'kin. And I'm so sure of that." Hindi ko na natago ang lungkot sa boses ko. Hinihiling ko na lang na sana hindi napansin ni Evan 'yon.. pero ng tignan ko siya, direkta siyang nakatitig sa'kin.

"You like him?"

Hindi ko na gusto ang inaabot ng pag-uusap namin. Nagpakawala ako ng tawa dahil ayokong seryosohin ang tanong niya. "Kanino ba ako mas dapat magkagusto? Sa'yo o sa kanya?"

"Piece of advice, wala dapat kahit kanino sa'min."

Kahit sa pabirong paraan binato sa'kin ni Evan ang salitang 'yon, alam kong makahulugan 'yon. Bagay na hindi na kailangan pang tanungin kung bakit...

Nakatatlo pa akong kain ng ice cream at gusto ko pang magpang-apat nang inawat na ako ni Evan dahil sa nangingitim na ang mga ulap na nagbabadya ng malakas na ulan.

Limang minuto na lang at aabot na kami sa bahay, nang biglang bumagsak na nga ang malakas na ulan. Kaysa sa tumigil, nagpatuloy na lang kami sa pag-uwi kahit na naligo na kami sa ulan.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top