25
TWENTY-FIVE
"Kung iniisip mo na may gagawin ako na labag sa gusto mo, nagkakamali ka. Hindi ako ganung klase ng lalake, Dee."
Napanatag naman ako kahit papaano dahil sa sinabi ni Evan.
"Pero..." dagdag pa nito. "Siyempre ibang usapan na kung ginusto mo o ikaw mismo ang lumapit.."
Tangkang kukunin ko sana ang mismong vase na dapat sana ipampupokpok ko sa ulo niya noong isang araw, nang biglang tinaas ni Evan ang dalawang kamay ng pagsuko. "I'm just kidding.." sinundan ng malakas na tawa nito. "Relax..."
"Subukan mo lang kahit ang magbiro.. Di ako magdadalawang isip na ihataw 'to sa bungo mo!"
"Calm down.. At kung matutulog kana, diyan kana sa kama.. sa lapag na lang ako." Inayos nito ang sarili niyang kama, at ganun na rin ang para sa hihigaan niya.
"Bakit pa kasi ito pa ang hiniling mo? Dahil kung inaakala mong magagawa mo ang kung ano mang masamang plano mo, nagkakamali ka!"
Muling tumawa si Evan. "Masamang plano?! Binibigyan lang kita ng pagkakataon na makilala ako, nang hindi mo na ako husgahan pa."
Humiga na ako sa kama at nagbalot ng kumot. "O Sige. Pagbibigyan kitang magkuwento tungkol sa sariili mo... Or sa namagitan sa inyong dalawa ni Cee. Baka sakaling mabago mo ang pananaw ko sa'yo."
Humiga na rin si Evan sa baba. "Tungkol na lang sa bagay na di mo alam tungkol kay Cee."
"Like?" walang-ganang tanong ko.
"Gaya ng.. alam niya ang hilig mo sa musika, na magaling ka magpiano, kumanta, at maging ang pagsusulat mo ng kanta. Akala mo ba hindi niya 'yon alam."
Bigla akong naging interesado. Pero hindi ko alam kung maniniwala. "Sa tingin mo maniniwala ako sa gawa-gawa mong kwento? Hindi alam ni Cee na-"
"Alam niya." putol ni Evan na sigurado sa binitawan niyang salita. "Iisa ang kwarto niyo. At kahit na hindi kayo nagpapansinan, aware siya sa mga nangyayari sa'yo. Gaya ng madalas mong pagsusulat ng kanta tuwing madaling araw na iniisip niyang paborito mong oras sa pagsusulat... At ang patago mong pagkanta at pagtugtog ng piano sa tuwing ikaw na lang ang mag-isa."
Hindi ko magawang makapagbigay ng reaksyon. Unti-unti na akong naniniwala. Walang sinong nakakaalam ng sinabing detalye ni Evan. Palihim lahat ang ginagawa ko noon.
"Alam mo rin ba na paborito niya ang paborito mong pagkain. Kaya hindi naging mahirap kaninang umaga na hulaan kung anong ipagluluto ko para sa'yo."
"Wha-"
"Mas lalo ka siguro hindi maniniwala kapag sinabi ko sa'yo na hinahangaan ka ni Cee. Ikaw ang naging inspirasyon niya sa musika. Gusto niya maging tulad mo na matapang at malakas ang loob na nasasabi at nagagawa ang kung ano mang gustuhin mo..."
"Imposible 'yan." Napapataas ang dalawang kamay ko habang umiiling. "Paano niya gugustuhing maging ako?? Nasa kanya ang atensyon ng lahat, siya ang mabuting anak, the perfect daughter."
"That's the exact reason why. Masyado siyang nagpakaperpekto sa mata ng magulang niyo at ibang tao. Takot siyang magkamali o madisappoint sa kung anong tingin sa kanya... Na parang wala na siyang karapatang gumawa ng kahit isang kapalpakan. Hanggang sa napansin na lang niya na sunud-sunuran siya sa kung anong gusto ng magulang niyo para sa kanya.. Na nasasakal na siya."
"Nasasakal?.. Paano siya masasakal?"
"Pressure. High Expectations. Bagay na hindi mo naramdaman, Dee."
"Yeah right." Sarkastikong sagot ko.
"It was hard for her... Lahat ng bagay na ginagawa niya.. labag sa loob niya. Lahat ginagawa lang niya para mapasaya ang tao sa paligid niya. Ang pag-maintain ng high grades, Theater, Banda, and even boyfriend.."
"Boyfriend?" parang gusto kong sampalin si Evan. "Ang sabihin mo, hindi mo lang matanggap na si Nate ang pinili niya sa huli."
"If that's what you think.. Pero nagsasabi lang ako ng totoo. Gusto niya si Nate, Oo. Pero hindi ganoon kalalim na nagawa niyang mabaling sa'kin."
Naalibadbaran na naman ako sa kanya na walang sinasabi. Yabang.
"What I mean is..." pagpapatuloy nito. "Nang naging sigurado na siyang wala na talaga siyang nararamdaman kay Nate, nahirapan siyang kumawala. Dahil na naman sa sariling kahinaan niya.. Ayaw niyang masaktan si Nate at ayaw niyang madisappoint ang magulang niyo na botong-boto kay Nate."
"Kaya niloko niya si Nate, ganoon?! Kaya nagkaroon kayong dalawa ng lihim na relasyon?! At pumayag ka naman." Hindi ko pa rin matanggap na nagawa nila ang bagay na 'yon kay Nate. "Sana sinabi na lang niya ang totoo kay Nate. Sana sinaktan na lang niya."
"Ginawa nga niya.." maagap na sagot ni Evan. "Nang dumating ang araw na 'yon.. Hindi pumayag si Nate na pakawalan na lang si Cee. At hindi ko alam kung paano siya nagmakaawa o kung ano ang sinabi niya kay Cee para makumbinsi siya. Sunod na lang nangyari, she's breaking up with me."
"Good thing she did.."
Hindi naapektuhan si Evan sa sinabi ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "But you know what she told me nang nangyari ang pakikipaghiwalay niya sa'kin.."
"What? Enlighten me.." muling pagiging sarcastiko ko.
"She said..." sinigurado ni Evan na nakatingin at nakikinig ako sa kanya bago niya sabihin ang parang napakaimportanteng bagay na dapat kong pakinggan. "Of course she was sorry.. Pero hindi sana mangyayari ang bagay na hindi niya gustong mangyari kung... nakuha niya ang katapangan mo. Na kung tulad lang sana siya sa'yo.. maipaglalaban niya ang kung ano mang gustuhin niya. Hindi sana siya matatakot, makokonsensiya o panghihinaan man lang ng loob na sumugal sa napakaraming bagay na pinalagpas niya.. Hindi sana siya naging mahina kung may tapang at lakas ng loob rin siya tulad ng sa'yo, Dee.."
Hindi ko alam kung bakit at paanong bigla na lang may bumagsak na luha mula sa mata ko. Bigla kong naramdaman mula sa bawat linyang sinabi ni Evan ang naramdaman noon ni Cee.
Bigla ko na rin lang naramdaman ang pagpunas ni Evan sa mga luha ko gamit ang kamay niya.
Muli siyang nagsalita na nakuha na ang emosyon ko. "Ilang beses ka niya noong nilapitan... tinangkang kausapin... maging malapit sa'yo... para mapaglabasan ng nararamdaman niya... para masandalan ka..."
"But I pushed her away." Pagdudugtong ko. Bigla akong nakaramdam ng guilty. "Ilang beses kong ginawa 'yon.. Dahil inis na inis ako sa kanya. Dahil naiinggit ako sa kung anong meron siya.." nagpakawala ako ng mapait na ngiti. "Pero kinaiinggitan niya rin pala ako. Siguro kung pinagbigyan ko siyang lumapit at maging malapit sa'kin.. siguro..."
"You'll be the best twin sister in the world." pag-aagap ni Evan para pangitiin ako.
Hindi ako makapaniwala na ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'to. Ngayong huli na dahil wala na si Cee. Hindi ko na...
I sobbed. Nagpakawala ako hindi lang ng luha kundi pati iyak at hagulgol. Ngayon ko lang nakita ang masamang epekto ng pagiging selfish ko. Paano ko nagawang magalit ng ganoon kalalim at katagal sa kambal ko na walang ginawang masama.
Nang parang naubos na rin ang luha ko at napagod na ako sa pag-iyak, nagawa ko ng kumalas mula sa pagkasubsob sa dibdib ni Evan.
"Thanks." tanging nasabi ko ng humiwalay ako sa kanya. Napansin ko na lang mula sa wallclock na alas tres y media na ng umaga. "I think we need to sleep. Malapit ng lumabas si haring araw."
Tumango si Evan bilang pagsang-ayon. Umalis na rin siya ng kama at bumalik sa pwesto niya. "Night, Dee." Sabay ng pagsara nito sa lampshade.
"Morning, E." pagtatama ko. "Sweet dreams."
Pinagpapasalamat ko ang lahat ng natuklasan ko ngayon. Muli't muli, parang nabunutan ako ng tinik. Masarap sa pakiramdam na ganito kagaan ang loob ko... at dahil 'yon kay Evan. Sinong mag-aakala na mali pala talaga ang naging tingin ko sa kanya. Nagawa ni Cee na pagkatiwalaan siya. Ang tanging taong nakaramay at nagpagsabihan ni Cee ng malalim na bagay na naging daan ngayon para malinawan ako ng sobra. Na para bang hindi lang basta nagkataon ang lahat.. kundi parang sinadya talaga na maranasan ko ang lahat ng naranasan ko simula ng bumalik ako. Binigyan ako ng pagkakataon na makilala ko pa si Cee at maging ang sarili ko.
"Dee?"
Minulat ko ang mata ko ng marinig ko ang tawag ni Evan. "Hmm?"
"Tomorrow, I'll show you something.." pahabol na sabi ni Evan habang hindi pa sila parehong nakaidlip. "May kailangan ka pang malaman."
"Tomorrow?.. you mean bukas o mamaya dahil umaga na?"
"Ah sorry.. Mamaya, pagkagising natin."
Napabangon ako at sumilip kay Evan kahit na hindi ko siya nakikita dahil sa dilim. "E?"
"Mmm?"
"Pwede bang ngayon na lang? Show it to me.. Now."
25 point ONE
Nang mapapayag ko rin si Evan, pinagbigyan nga niya ako agad-agad. Pareho kaming bumangon at lumabas ng kwarto. Dahil sa hindi ko alam kung anong eksaktong ipapakita niya sa'kin at kung saan man 'yon, wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Hindi naman kami lumabas ng bahay gaya ng akala ko. Napansin ko na lang na sa basement ng bahay kami papunta. May sariling susi si Evan sa naka-lock na pinto.
"It's a secret place.." pagbibigay impormasyon niya sa'kin sa mahinang boses kahit na sabihing tulog na ang lahat at walang sino mang nakakakita o nakakarinig sa'min.
Bigla akong naexcite sa sinabi ni Evan na parang hindi na ako makapaghintay na makita ang kung ano mang dapat niyang ipapakita sa'kin.
Nang nabuksan na rin ang pinto, hindi ko agad nakita ang loob dahil madilim. Hinawakan ni Evan ang kamay ko, para maalalayan ako sa pagbaba ng hagdan. Nang tuluyan na kaming makababa, saka lang na switch-on ang ilaw at...
"Wow." Tanging nasabi ko. Punung-puno ang lugar ng ibat-ibang paintings na naging dahilan para magkakulay at magmukhang may exhibit sa kwarto. Agaw pansin din ang pulang loveseat na nakapwesto sa gitna sa tapat ng flat screen TV. Isang romantic room na sa paningin pa lang ay nakakarelax na.
"What do you think?" tanong ni Evan na sinara ang nakanganga ko pa ring bibig.
"Ang ganda na parang ang sarap tambayan. It's Breathtaking!" Walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ko. "Sinong nagdesign nito?"
"Cee and I." Nilibot ni Evan ang mata sa mga painting na parang may hinahanap.. "Kaming dalawa ang nagtulong para ganito ang kalabasan nito.."
Whoah..
"Secret place huh?.. Sort of a hideout.." may kaunting paninita pa rin sa paraan ng pagkakasabi ko. Sa'kin lang kasi, mali pa rin ang ginawang panloloko kay Nate.
"Come'on Dee.. Sinabi ko na rin naman sa'yo na-"
"Okay. I know. Wala na akong sinabi..." Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga paintings. "You love collecting paintings? O sadyang eto ang naisip niyong magandang design para sa room na 'to?"
Masarap sa matang tinignan ko ang bawat obra na talaga namang kakaiba ang mga dating. Kahit hindi ako magaling sa ganitong klaseng larangan, sapat na ang nakikita ng mga mata ko para sabihing hindi lang ito basta pangkaraniwan.
"Si Cee ang gumawa ng lahat ng 'yan.. She loves painting.. Her talent."
Napalingon agad ako kay Evan. "Painting?.. Hindi ko alam ang bagay na 'yon."
"Well, wala naman talagang nakakaalam na kahit sino tungkol sa bagay na 'yon. Lahat na nagawa niyang painting, dito lang naman nakatago. Mas gusto niyang nakapribado."
Kung ganun, si Evan lang talaga ang may pinakamalalim na nalalaman tungkol kay Cee. Ni walang alam si Nate sa mga ganitong hilig ni Cee.
Ngayon ay parang gusto kong makosensiya sa nagawa ng sarili kong kapatid kay Nate. Alam kong magiging masakit kay Nate kung malalaman niya 'to. Pekeng pagmamahal ang natanggap niya mula kay Cee. He doesn't deserve it.
Inagaw ni Evan ang atensyon ko para ipakita ang hawak niyang painting. Wala akong masabi sa ganda pagkakapinta. "Eto ang pinakapaborito niyang painting sa lahat ng nagawa niya."
"Wow. She painted herself... Beautiful." Kuhang-kuha ang mata, ilong, hugis ng mukha.. lahat. May kinang din sa mga mata na parang nangungusap at puno ng emosyon.
"Hindi 'to si Cee. Guess who?"
Hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi ni Evan. Pero kung natagalan man ako sa pagsagot, 'yon ay dahil sa parang hinaplos ang puso ko sa ibig sabihin ng painting. "That's Me?"
"Lucky Guess." Pagbibiro ni Evan. Inabot niya sa'kin ang painting. "You should keep this. Matagal niya 'yang gustong ibigay sa'yo na regalo sana niya sa mga nagdaan niyong birthdays. Hindi nga lang niya nabibigay dahil lagi kang galit sa kanya."
Kung may role man ngayon si Evan sa buhay ko, 'yon ay ang konsensyahin ako dahil pinapaalala lang naman niya kung gaano ako kasamang kapatid kay Cee. At gumagana naman dahil malaki na ngayon ang pagsisisi ko.
"Thanks, E." naluluha na naman ang mata ko, pero hindi ko na hinayaan pang tumulo at mauwi sa iyak o hagulgol. Napangiti na lang ako.
"Welcome." Sagot ni Evan na hinila ako para iupo sa loveseat. Hanggang sa sinet-up niya sandali ang T.V. at muling bumalik sa tabi ko para maupo.
Bago ko pa man itanong kung anong panonoorin namin, bigla ng nagsimula ang palabas at ang mukha ni Cee ang una kong nakita. Isang compilation ng mga videos ni Cee na kumakanta, nagpipinta, at iba pang activities na karamihan ay ang mga performance niya sa school.
Tahimik lang akong nanood habang nakasanday sa balikat ni Evan. Si Evan madalas magsalita na pinapaliwanag kung kelan nangyari at kung saan at kung para saan ang bawat kuha.
Habang pinakikinggan ko si Evan, bigla kong naisip kung gaano talaga kalalim ang pagsasamahan nila ni Cee. Naging malaki nga talaga siyang parte sa buhay ng kapatid ko. At masasabi kong totoong minahal niya si Cee at ganoon din si Cee sa kanya.
"You know what, kulang na lang sa'tin ngayon dito.. cookies. You like that too, diba?!"
"How did you..." Bigla rin akong natigilan dahil mukhang hindi ko na kailangan pang tanungin kung bakit o kung kanino niya nalaman. "Favorite nga pala ni Cee ang favorite ko."
"Yon ang madalas naming kainin dito habang nanonood ng movies. Dahil cookies lang ang kinakain niya, ako ang taga-kain ng cream.."
Nanlaki ang mata ko habang matawa-tawa. "Really? Pati ba naman pala sa paraan ng pagpapak ng cookies, ginagaya niya ako?"
Tumango si Evan. "Gusto iyang maging perfect twin sister mo. She's a perfectionist... what do you expect."
Pero gusto ko ang nalaman ko. Pakiramdam ko, number one fan ko si Cee... At hindi na tulad ng dati na number one kakompetensya ko.
"Thank you, Evan.." sumandal ako ulit sa balikat niya. Pakiramdam ko si Cee lang ang katabi ko dahil siya ang pinakamalapit na tao sa kanya.
"Ilang ulit mo bang sasabihin 'yan?"
"Hanggang sa magsawa ako. Malaki ang pagpapasalamat ko sa'yo dahil Una: Naliwanagan ako dahil sa mga kinuwento mo. Nakilala kong lubusan si Cee na iba sa pagkakakilala ko. Pangalawa: Dahil dumaan ka sa buhay ng kapatid ko at hindi mo siya pinabayaan o sinaktan."
"Dahil ako ang sinaktan niya ng iwan niya ako." muling pabirong sabi ni Evan na hindi pa rin nawawala ang kalokohan. "So, siguro naman nagbago na ang tingin mo sa'kin ngayon..?"
"Oo na.. Nagkamali na ako. Hindi ka na masamang tao sa paningin ko o player o kung ano pa man. Binabawi ko na ang lahat ng panghuhusga ko. Mabuting tao ka, mapagkakatiwalaan, maaasahan, at-"
"Hinay-hinay lang Dee.. baka mahulog ka sa'kin."
Sandali akong natigilan sa sinabi ni Evan. "Nope. You know why?.. Ayoko ng mainvolve sa mga lalake ni Cee."
Alam ko na ngayon na hindi talaga magandang ideya ang mahulog sa kahit kanino kina Yuri, Nate o Evan man... Dahil kung ano man ang nakikita nila sa'kin, parte pa rin niyon si Cee.
I�躍?��
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top