24
TWENTY-FOUR
"WHAT?!"
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa bibig ni Gleigh. Gusto kong isiping niloloko lang niya ako, pero wala sa mukha niya ang pagbibiro.
"Seriously?.. So, It's Evan?!.." nakakapang-ilang ulit ko ng pagkumpirma kay Gleigh. "Nagustuhan ni Cee si Evan? That Evan over Nate?"
Kaya pala.. Kaya pala ganoon na lang kung makatingin sa'kin nang unang makita niya ako. Kaya niya ako hinalikan.
Nakaka-ilang ulit na rin ang pagtango ni Gleigh sa katanungan ko. "Oo nga. Ba't parang hirap kang paniwalaan 'yon?"
Umikot ang mata ko bilang unang sagot. "Hello? It's JUST Evan! Ni wala akong nakikitang espesyal sa kanya. Di hamak naman na..."
"Siyempre nasa kay Nate kang side kaya ganyan ka maka-react. At 'wag mong i-ja-JUST lang si Evan, dahil malakas ang charm niya. Baka makita mo na lang ang sarili mong nahuhulog na rin sa kanya."
"ME?" dinuro ko pa ang sarili ko. "Never. Kita mo naman kung gaano ako kainis sa kanya. Kumbaga, male counterpart siya ni Sakura pagdating sa level ng pagpapainit ng dugo ko. Mas higit pa nga, actually. Umaapaw. Kaya, NEVER.."
"Never say never.. Never say Never! Ohhhh." Birit ni Gleigh ng kanta. "Oh Never say Never..."
Hindi kaya napilitan lang si Cee? Or Evan blackmailed her. Posible 'yon, dahil hindi pa rin talaga ako kumbinsido na ipagpapalit lang ni Cee si Evan kay Nate. Ano ba ang nakita niya sa kanya? Well, goodlooks, check.. pero ganun din naman si Nate. Kung pagdating naman sa personality, kabaitan, at lahat lahat na, nasa kay Nate 'yon, bagay na wala kay Evan na mayabang at napakapresko.
Matapos kong malaman ang rebelasyong ito mula kay Gleigh, hindi na talaga ako matahimik sa kaiisip.
"Saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni Gleigh nang bigla ko siyang tinalikuran.
"I need to talk to him!" At lumabas na nga ako ng kwarto para hanapin at makausap si Evan.
Parang ang tanging gusto kong gawin ay sigawan at sitahin siya. Masyado lang talaga akong apektado na hindi ko kayang palagpasin ang nalaman ko. Ang hangganan kong inis kay Evan ay parang may tinaas pa dahil ngayon.
Natigil ang paghahanap ko sa bahay nang makita ko si Evan sa labas habang nakahiga sa hammock kasama ang iba na sina Sam, Jacobo, Jenna at Nate.
Sandali kong pinagmasdan sila, partikyular na si Nate at Evan kung may tension pa ba sa pagitan nila dahil nga sa minsan na silang naging magkaribal. Pero parang maayos naman sila dahil nagagawa nga nilang magsama ngayon na parang walang nangyari.
"Excuse me.." agad na sabi ko sa kanila nang makalapit ako. Nasa gitna sila ng pag-uusap na si Evan ang nangunguna sa pagkuwento. Dumako ang tingin ko sa kanya. Di na talaga ako makapaghintay na makausap siya.
"Pwede ba kitang makausap, Evan?"
"Sugar?" awtomatikong sagot ni Evan na napuna agad ang tawag ko sa kanya.
Napabuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko sa nagsisimula na namang inis. "Evan..."
"Sugar?" muling makulit na sabi nito na walang balak sumuko.
Ramdam ko ang pabalik-balik na tingin sa'min ng iba. Alam kong unti-unti ng nagkakaroon sa kanila ng malisya ang pag-SUGAR sa'kin ni Evan.
Ako na mismo ang sumuko. "Can I talk to you, E?"
Ngumiti naman ito na parang ninamnam ang pagkapanalo. "Sure."
Nang tumayo na si Evan, nauna na akong umalis para sumunod na lang ito. Hindi ko rin gusto pang marinig ang pang-aasar na napansin kong may laman ang mga tingin.
"So? Ba't mo ako gustong makausap?" Tanong ni Evan nang makalayo kami sa grupo pero abot-tanaw pa rin kami. "Don't tell me, nahuhulog kana sa'kin?"
"Pweda ba... Hindi mangyayari 'yon, Evan."
"Sugar?" pagpapaalala nito.
"Okay...E!" nanggigil na sabi ko. "Nasusuka na ako pagtinatawag mo akong sugar."
Halakhak lang ang sinukli sa'kin ni Evan.
"Gusto kitang makausap dahil..." pagsisimula ko. "Nalaman ko lang naman kung anong naging relasyon mo noon kay Cee..."
Sumeryoso na rin ang mukha niya. "And..?"
"Kung nakikita mo siya sa'kin dahil eksaktong magkamukha kami, sinasabi ko sa'yo na magising kana! Dahil hindi ako si Cee. Kaya tigilan mo na ang pagpapa-cute mo sa'kin gaya ng pang-aasar, pang-iinis, o kung ano pa mang style mo para mahulog ako sa'yo dahil hindi 'yon mangyayari. Never!"
"Never say never. Baka kainin mo ang sinabi mo."
"You're so annoying!" napapasigaw na ako habang napapatawa lang siya ng malakas sa epekto ng pang-aasar niya sa'kin.
Kinalma ko ulit ang sarili ko. Bumuntong hininga ng paulit-ulit habang tuloy pa rin ang tawa ni Evan. Tawang-tawa siya sa kung paano ako mawalan ng kontrol sa sarili ko dahil sa kanya.
Nakikita ko rin na napapatingin na sa direksyon namin ang grupo.
"Ikaw lang ang nakapagpatawa sa'kin ng ganoon kalakas at kahaba.. Alam mo ba 'yon?" Nasabi 'yon ni Evan sa pagitan ng mga tawa.
"At ikaw ang nagpa-init ng ulo ko ng ganito sagad sa boiling-point. Na-break mo ang record na nagawa sa'kin ni Sakura, Kiesha at Cee, alam mo ba 'yon?!"
Humina na rin ang tawa ni Evan na nauwi na sa isang ngiti. "That's Great!" lumapit siya sa'kin kaya napahakbang din ako paatras. "Sana noon pa kita nakilala..."
"Para hindi ka naging kabit, ganoon?" mabigat na saad ko na ikinatahimik bigla ni Evan na parang nasagasaan ng sinabi ko.
Ikinatuwa ko na napatahimik ko siya. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. "Alam mo E.. Hindi ako makapaniwala na pinatulan ka ni Cee. Dahil ang yabang at ang presko mo. Kung ikukumpara kita kay Nate, walang wala ka. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ng dahil lang sa isang tulad mo, hinayaan ni Cee na masaktan niya si Nate. Pero kung ano mang naging katangahan ni Cee, masaya akong nauntog rin ang ulo niya at natauhan para balikan niya si Nate at iwan ka.."
Bigla akong natigilan sa kalagitnaan pa lang ng speech ko nang muling humakbang palapit sa'kin si Evan. Tinutumbasan ko rin ng hakbang paatras ang bawat paglapit niya.
"You want to know why?" tanong niya gamit ang mahina at husky na boses. "You want to know kung bakit niya nagawang bumaling sa'kin?"
"Dahil napilitan si Cee..." hindi nagpapatalong sagot ko na parang may alam ako sa likod na mga nangyari sa kanila. "Dahil hindi mo siya tinantanan at wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ka?"
Umiiling-iling si Evan na muli na namang humakbang. Naramdaman ko na lang na wala na akong maatrasan dahil sa malaking punong kahoy na ang nasa likod ko.
"Dahil..." kumindat si Evan at mukha na lang niya ang tanging lumalapit sa'kin. "Ako ang mas nakakakilala sa kanya.. Marami akong alam, na hindi alam ng iba tungkol sa kanya.. Nasasabi niya sa'kin ang lahat na hindi niya nasasabi kay Nate o kay Gleigh.."
Sa napakalapit na distansya ng mukha namin ni Evan, nalalanghap ko na ang preskong hininga niya na nagiging dahilan para magsitayuan ang balahibo ko.
"You really think na paniniwalaan ko ang sinabi mo?" sagot ko sa mahinang boses. "You used your charm and expertise on her..."
Ngumiti siya sa paraang nang-aakit. "So you think, I'm an expert with oozing charm?!"
"Sorry to disappoint you E..." tinapatan ko rin ang ngiti niya. "But it won't work on me.."
"Then let me try.." sinadya niyang ibulong sa tenga ko ang apat na salitang iyon na nagdulot ng pag-init ng pisngi ko.
Walang dudang namumula na ang pisngi ko lalo na nang kumimpirma ang pagkakatitig sa'kin ni Evan na parang nasiyahan ng makita ang pagbabago sa kulay ng mukha ko.
"I think it's working.." muling saad nito na dahang-dahang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko..
Napapalunok na lang ako. Gusto ko siyang itulak pero saka ko lang napansin na mahigpit niyang hawak ang kamay ko. Pwede akong pumalag at umiwas, pero parang nawala ang lakas ng katawan ko..
"Excuse Me,"
Awtomatikong humiwalay ang mukha ni Evan sa mukha ko dahil sa biglaang pagsulpot ng isang tao. Nate.
Parang bigla akong nakaramdam ng matinding hiya kahit hindi naman dapat. Hindi ako naglalandi o kung ano pa man pero parang ganoon ang nararamdaman ko sa mga tingin ni Nate.
"Bakit?" tanong ko kay Nate. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang tignan siya ng diretso sa mata.
"Magpapractice pa tayo, Dee. Kailangan natin magdouble time."
"Pero akala ko mamaya pang—"
"Ngayon na.." putol sa'kin ni Nate na parang nawalan ng pasensya. "Double time nga diba."
Napadako ang tingin ko kay Evan na biglang umakbay ng braso sa balikat ko. Sinubukan kong alisin, pero pilit niyang binabalik. Hindi ako nagpatalo at muli kong inalis ang braso niya sa balikat ko. Pero nang sasagot na sana ako kay Nate, nakatalikod na siya habang pabalik na sa loob ng bahay.
24 point ONE
"That's it! Tingin ko may babaguhin pa tayong konting-konti.." Anunsyo ni Nate na puno na ng pawis. "Pero bukas na lang ulit."
Medyo pagod pero masarap sa pakiramdam na hinilata ko ang sarili kong katawan sa couch. Buong hapon din naming ginamit ang oras para sa practice. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na mapabilang sa banda na pinangarap ko na noong bata pa ako.
Isang baso ng tubig ang tumambad sa harapan ng mukha ko. Nauna kong kinuha at ininom bago nagpasalamat. Hindi ko inasahan na si Evan na naman. Pero wala siyang siyang sinabi na kahit ano. Seryoso rin ang mukha niya na walang halong kalokohan.
Tinatamad na napa-upo ako habang walang pangungulit na ginawa si Evan.
"What?!" Hindi ko alam kung ano ang pakulo ni Evan sa biglaang pagiging seryoso niya na nakatitig lang sa'kin. Nanibago ako bigla.
"You're really great. Very talented." seryoso pa ring saad ni Evan. "Tama nga si Cee... magaling ka! At 'yong gawa mong kanta, that's beautiful."
Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Nakukwento ako sa kanya ni Cee?
Nang tatanungin ko sana si Evan, saka naman ito tumayo. Susundan ko sana siya nang nakita kong nakatingin mismo sa'kin si Nate na parang binabasa kung anong meron sa'min ni Evan.
Kailangan ko bang ipaliwanag kay Nate?
Wala naman sigurong masama kung ikaklaro ko sa kanya na wala 'yong nakita niya sa'min ni Evan kanina.
Nilapitan ko agad si Nate na nasa isang tabi hawak ang isang guitara. "Nate, Ahm.."
"Bakit?" tanong nito.
"Ahmm.." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Ngayon rin lang ako naging ka-awkward ng ganito kay Nate. Siguro dahil na rin sa hindi na kami masyadong nag-uusap ng tulad noong dati. "Pwede bang turuan mo akong mag-guitara?" Segway ko.
"May gusto ka bang sabihin, Deelan?" diretsong tanong ni Nate na mukhang nabasa ang nasa utak ko.
Umupo ako sa tabi niya. "About..."
Dapat ba akong magpaliwanag sa kanya? Pero gusto ko lang naman linawin sa kanya. Ayoko lang na isipin niya na...
"It's about what you saw, kanina.." nasabi ko rin kay Nate.
"Uhuh?" walang masaydong reaksyon na sagot niya.
"Si E mismo ang lumalapit sa.. sa'kin at—"
"Nagpapaliwanag kaba sa'kin?" tanong agad ni Nate sa hindi ko pa natatapos na pahayag.
Para akong nanlamig sa pagkakatanong niya. Idagdag pa na parang kulang na lang pagtawanan niya ako.
Wala akong masabing sagot.
"Wala kang dapat ipaliwanag sa'kin Deelan. Wala naman sigurong masama kung lumapit sa'yo si Evan o magustuhan ka niya. Hindi mo kailangan magpaliwanag sa'kin o sa kahit sinong nakakita sa inyo kanina. Walang masama doon. At walang masama kung magustuhan mo rin siya."
Nalungkot ako ng sobra sa loob loob ko pero hindi ko pwedeng ipakita. Para akong sinampal, kinurot, tinusok... basta na lang akong nasaktan.
Nagkamali ako sa pag-aalala na dapat may ipaliwanag ako sa kanya. Nasaktan lang ako sa katotohanang ni hindi siya apektado sa'kin o sa'min ni Evan.
"O-kay.." Pilit kong nilabas ang ngiti ko na parang wala lang.
Wala na akong ibang makuhang sabihin kaya, natanong ko ang kung ano na lang na dumaan sa isip ko. "Kumusta kayo ni Jenna?"
Di ko alam kung paano 'yon lumabas sa bibig ko. The last time I checked, napaso na ako sa salitang 'yon.
Bago pa man makasagot si Nate, lumapit si Jenna sa'min na may dalang pagkain sa isang platito.
Ako ang una niyang pinansin. "Nagluto nga pala ako Dee ng snack... Kumuha kana roon. Masarap."
Tumango ako. At ngumiti. "Okay.. Mamaya na siguro."
Nananatiling nakatingin sa'kin si Jenna na may gusto pang sabihin. "Dee, diyan kasi ang pwesto ko kanina, So, if you don't mind.."
"Ah." Napatayo ako agad. "Sorry."
Bago ko pa man makita kung magsusubuan man ang dalawa ng pagkain o hindi, umalis na ako na hindi na muling bumaling sa kanila.
Ayoko ng magpaapekto. Hinding-hindi na.
24 point TWO
Matapos kaming kumain ng hapunan, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa couch na nakaharap sa TV pero walang kahit ano sa palabas ang pumapasok sa isip ko. Natutulala na lang ako ng panibagong gumugulo sa isip ko na nangyari kanina.
I miss Nate. I miss our one-on-one talks at closeness namin na nawawala na ngayon. Kahit nakikita at nakakasama ko siya araw-araw, pakiramdam ko may kulang pa rin.
"Hey,"
Natigil ang malalim na pag-iisip ko dahil sa panggugulo ni Sam sa buhok ko. "Ano ba?!"
"Tulala ka! Bakit?"
Di ko inakalang na pansin niya dahil nakatutok ang mata ko sa palabas. "How did you..."
"Sabihin mo nga kung anong tumatakbo diyan sa big fat head mo Dee... Torn between two lovers?"
"There's no lovers, Sam. That's the problem.. Wala ako kahit isa."
"Hindi 'yon ang napapansin ko." Makahulugang saad ni Sam na ikinabaling ko sa kanya. "Is there something between you and your E?"
"Shut up!" pagpapatigil ko sa kanya na may pagbabanta gamit ang tingin.
"Pero nakita namin kayo na parang..."
"Just shut your mouth, Sam! Wala akong dapat ipagpaliwanag.."
Muli tuloy sumagi sa isip ko si Nate at ang eksaktong sinabi niya sa'kin.
"Come'on Dee. Pwede akong makatulong.. You want a heartcheck?"
Umiling ako.
"We can start from Evan.. I mean your E.."
Sa pagbanggit ni Sam ng pangalan ni Evan, ay saka naman ang pagsulpot nito.
"Speaking of the devil.." mahinang bulong ko kay Sam na hindi ko inaasahang maririnig pa niya.
"So, you're talking about me?!" sita ni Evan.
"At inamin mo din na isa ka ngang devil..." totoong tawa ang pinakawalan ko. Napahaba ang halakhak ko na mas napalakas pa na umagaw sa atensyon ng iba.
Hindi ko inakala na makakatawa pa ako ng ganito bago magtapos ang araw at sa kabila ng kaninang lungkot na nararamdaman ko.
Mukhang mabisang distraction si Evan. Kahit pa pang-iinis ang gawin nito sa'kin, nadidistract pa rin ako. At surpresa na lang ngayon na napatawa niya ako.
"Nakalimutan mo na yata Deelan Morgan na may sungay ka rin.." singit ni Sam na nilaglag talaga ako. "Devil-ish. Ilang beses mo na ring pinagtangkaan ang buhay ni Sakura, remember?"
Si Evan naman ang tumawa na binabawian ako. "Then, I'm not alone in hell, Dee. Happy life in Hell.. Lalo na't naisip ko na kung anong One Wish na tutuparin ni Dee."
"What is it?"
"Simple." Lumabas ang mala-demonyo ngang ngiti ni Evan. "Sa'kin kang kwarto matutulog, mamaya."
"What-the-Hell... E!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top