23
TWENTY-THREE
Masarap ang buong tulog ko nang biglang may naramdaman akong may humahaplos sa pisngi ko at biglang nasundan ng halik sa labi ko. Awtomatikong napadilat ako at napasigaw.
"Sino ka?!" tinulak ko siya palayo. "Stay away from me."
Halatang gulat na hindi maintindihan ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Ilang beses bumuka ang bibig niya para magsalita pero muli rin niyang sinara na parang hindi niya makuha kung anong sasabihin. Nang magtangka siyang lumapit sa'kin, umatras ako at hindi ko na napansin na nasa dulo na ako ng kama kaya sunod ko na lang nalaman, nahulog na ako.
Muli siyang nagtangkang lumapit sa'kin, awtomatikong inabot ko ang vase na malapit sa'kin at nang tangkang ihahataw ko na sa kanya, bigla rin niyang naagaw sa'kin. Nanlaban ako pero mas malakas siya at pareho kaming bumagsak sa kama. Napapailaliman niya ako habang hawak ang magkabilang kamay ko.
Muli akong sumigaw.
"Stop screaming like I'm a Rapist!.. It's me."
Nagpupumiglas pa rin ako, pero hindi ko magawang kumuwala. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya sa sinabi niya dahil hindi pa rin siya umaalis sa ibabaw ko. Pero kung tignan niya ako, parang kilala niya ako.
"Get off me.. Hindi kita kilala!"
"Paanong..."
Kitang-kita ko ang naguguluhang ekspresyon niya nang marinig niya ang sinabi ko. Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko na baka napagkakamalan niya akong si...
"I'm not Cee!" Mabilis kong sabi. "Kung iniisip mong si Cee ako, nagkakamali ka. Patay na siya. Kakambal niya ako!"
Sa kabila ng sinabi ko sa kanya at kahit parang medyo nalinawan na rin ang lalaki, hindi pa rin niya ako agad na pinakakawalan na parang nasa kalagitnaan siya ng dilemma.
Hanggang sa bumukas na ang pintuan at pumasok si Gleigh at ang iba na rumispunde sa naging sigaw ko. Para silang natulala sa inabutan nilang posisyon namin ng lalaki.
"Evan, let go of her!"
Saka rin lang niya ako pinakawalan dahil sa utos ni Gleigh.
"Sino siya? Kilala mo ba ang maniac na 'yan?" Mabilis akong dumikit kay Gleigh at nagtanong. "Nakita niyo naman-"
"Hindi 'yon mangyayari kung.." maagap na sagot ng lalaki na ngayon ko rin lang napansin na wala nga naman sa itsura niya ang pagiging maniac o rapist. "Muntik mo ng basagin ang ulo ko ng vase."
"You scared the hell out of me! And You kissed Me." Walang prenong sabi ko na ikinagulat ni Gleigh.
"Sorry about that, Dee.." maagap na sagot ni Gleigh na binigyan ng masamang tingin ang lalake. "Pero... bakit ka kasi napunta dito sa kwarto niya?"
"Gusto ko lang mapag-isa. Tutal bakante naman 'tong kwarto kaya... wait," Bigla akong natigilan, "kwarto niya 'to?!"
Tumango si Gleigh bilang pagkumpirma. "He's my stepbrother. And this is his room." Hindi na hinintay ni Gleigh ang reaksyon ko at bumaling ulit siya sa kapatid. "Let's talk, Evan.. Everybody out, please.."
23 point ONE
"Are you okay, Deelan?" tanong ni Nate na huling dumating nang makalabas na kami ng kwarto. Narinig na lang niya ang nangyari dahil sa mabilis na kwento ni Jacobo na walang pinalagpas na detalye. "Nasaktan ka ba?"
"Si Evan ang muntikang masaktan." Maagap na sagot ni Jacobo na ginagawa na namang katatawanan ang nangyari. "Buti hindi nabasag ang alin man sa vase o ulo ni Evan. Parehong mahal 'yon kung nagkataon."
Wala pa ako sa mood sa biruan dahil ramdam ko pa ang antok ko. Alas sais palang ng umaga at gusto ko pang bumalik sa kama.
"I'll go back to sleep, guys.." pagpapaalam ko.
"Wait.." nakangising tawag sa'kin ni Jacobo na hindi pa tapos sa'kin. "Don't you want to talk about the kiss?"
"What kiss?" tanong ni Nate na wala pang ideya.
"Shut up Jacobo!" At nagmartsa na ako pabalik sa kwarto na mahimbing pang natutulog si Jenna. Mukhang siya lang ang di nagising sa sigaw ko. Having a sweet dream.
Muli kong hiniga ang katawan ko sa kama, at muli nga akong nakatulog. Sa muling paggising ko, alas otso na.
"Good morning, Dee." Bati sa'kin ni Tina na nakaligo na. Wala na rin si Jenna sa kama na mukhang kanina pa bumangon.
"Good morning." Balik na bati ko. Ayoko namang maging snob sa kanya kahit na wala akong masyadong ganang makipagkwentuhan sa kanya o kay Jenna. "Kanina pa ba-"
Dalawang katok mula sa pinto ang nagpatigil sa'kin sa sasabihin ko. Si Tina mismo ang bumukas ng pinto.
"Good Morning Couz,"
Nang narinig ko ang bating 'yon mula kay Tina, hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino ang taong napagbuksan niya. At napansin ko na lang na lumabas si Tina na hindi man lang nagsabi sa'kin na aalis siya.
"I just want to talk to you." Pagsisimula nito bago pa man ako magsalita o magreklamo. "At magsorry na rin sa kung ano mang nangyari."
Sandaling napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang malinaw na nakita na may katangkaran siya at talaga nga namang gwapo. Idagdag pa ang fresh look niya at masarap na amoy na bagong ligo lang.
Madaling kinilatis ko ang mukha niya na napansin kong malayo na ang itsura sa mga nakita kong pictures niya sa bahay. Kaya naman hindi nila ako masisisi kung hindi ko man siya agad nakilala agad at napagkamalan ko pang akyat-bahay, rapist at maniac.
"By the way.. I'm Evan." Inabot nito ang kamay niya sa'kin. "I'm sorry kung napagkamalan kitang ibang tao. So, you're Deelan.. I should have known.."
Biglang naghinala ako sa kung paano niya ako tignan na parang sinusuri lahat ang bawat parte ng katawan ko kung may kulang at sobra. Hindi ko na napigilang sabihin ang laman ng nasa isip ko.
"Kilala mo si Cee? Siya ba ang inakala mong ako?"
Hindi na ako magugulat pa kung tama ako. Hindi ito ang unang pagkakataon na tinignan ako ng ibang tao na parang multo ang nakita nila dahil nasa akin ang mukha ng taong kilala nilang patay na.
Tumango siya. "Hindi ko alam kung bakit inisip kong bumangon siya sa hukay. Nakalimutan kong may kakambal nga pala siya..."
"Pero.. Bakit.. Paanong.. I mean.. Naguguluhan.."
"What?" tanong nito na parang nainip sa sasabihin ko na nagkabuhul-buhol na.
Binuo ko muna ang salita sa utak ko saka muling nagsalita. "Why did you kiss me?" Taas kilay na tanong ko. Kung inakala niyang ako si Cee, bakit niya ako hinalikan.
"You like it?"
"What?!" awtomatikong nag-iba ang pakikitungo ko. Sinasabi ko na nga ba na may pagkapresko at mayabang siya gaya ng dating niya sa paningin ko.
"You responded. You kissed me back." sinadya pa nitong gawing seductive ang boses nito.
Biglang nag-init ang pisngi ko. "I didn't."
"Then why are you blushing?"
"Will you stop!" Hindi ko matagalan ang kayabangan niya. "I thought you're here to apologize?!"
"Ginawa ko na rin naman. Now it's your turn.. Pumasok ka pa rin sa room ko kahit na pinagbawalan kana ni Gleigh."
Mas lalong umakyat sa utak ko ang pagkainis. Wala akong masabi sa pagkapresko niya. "You're.. You're Annoying! Ikaw na ang pinaka... Arrggg."
Hindi ko na siya natagalan kaya kumilos na ako para lumabas. Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto, humarang na siya. Nakangisi.
"Pinaglalaruan lang kita.. Masarap ka kasing inisin. Nakakatuwa lang."
"Pero Hindi ako natutuwa!" Balik ko sa kanya na kulang na lang kalmutin ko siya. "Ang presko mo! Alam mo ba 'yon.."
Tumawa pa ito na parang nagustuhan pa ang sinabi ko.
"May nakapagsabi na rin nyan sa'kin. Malapit na akong maniwala ngayon.. Convince me more.."
Nanggigil na ako sa inis. Bago ko pa siya masagot ulit, bumukas ang pinto at pareho kaming dalawa na napatingin. It's Nate.
"I'm sorry if I interrupted something... kaso kayo na lang ang hinihintay sa baba para kumain."
"Okay." Agad na sagot ko at ginamit ko na ang pagkakataon para makalabas ng kwarto bago pa man mas kumulo ang dugo ko.
Pero bago pa man ulit ako makaalis, kinuha na lang bigla ng lalaki ang kamay ko. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa'yo." Saad nito. "I'm Evan. But just call me E."
Wala akong sinagot sa kanya, kundi sadyang plastik na ngiti. Hindi ko na sinabi ang pangalan ko dahil narinig ko na rin naman kanina na tinawag niya ako ng Dee. So, di na kailangan pa.
23 point TWO
"Upo kana dito, Dee." Yaya ni Gleigh sa mismong tabi niya. "So, mukhang nakapag-usap na kayong dalawa.. Maayos na rin naman siguro ang lahat sa inyo." Tukoy niya sa'min ng stepbrother niya.
Biglang halos lumuwa ang mata ko sa nakita kong nakahandang pagkain sa mesa. "Wow. My favorite." Natatakam na saad ko at mabilis kong sinubo ang pagkain sa bibig ko. "Mmm. Yum. Matagal na 'tong hinahanap ng tiyan ko.. Thanks Gleigh. Galing mo talagang magluto.. Dahil dito, pwede mong hilingin kung ano mang gusto mo! Tutuparin ko."
Tumikhim si Evan na umagaw ng atensyon ko. "Why don't you tell her, Gleigh..."
Napabaling ako kay Gleigh na napapangiti na rin saka nagsalita. "Dee, hindi ako ang nagluto niyan.. Si Evan."
Parang nalaglag ang panga ko sa narinig ko.
Lumabas muli ang nakakaasar na ngiti ni Evan. "So, Paano ba yan, Dee. Tutuparin mo ang anumang hilingin ko!"
Agad na pagtutol sana ang sasabihin ko pero ni hindi ako binigyan ng pagkakataong magsalita ni Jacobo.
"Si Dee ang uri ng tao na ginagawa ang sinabi niya." Gatong nito.
"Oo nga naman. Wala naman mawawala sa'yo, Dee." Pagtutulak din ni Gleigh na sinundan pa ng kaliwa't kanan na segunda ng iba na nakapagparindi ng tenga ko.
"Fine!" iritableng pagpayag ko. "I'm saying yes, just to shut your mouths, okay... Nawawala ang gana kong kumain."
"So, what's your wish, Evan? We want to know... Para naman witness mo kami at masigurado mong tutuparin ni Dee ang anumang hilingin mo."
"Oo nga naman."
Nagsisimula na naman ang kaliwa't kanan na cheering sa magkabilang tenga ko, natigil lang nang magsimulang magsalita si Evan.
"Maybe later... Pag-iisipan ko pa." sinabayan niya ng pagtaas ng dalawang kilay at mapang-asar muling tingin na direkta sa'kin.
Oh Please...
"Take your time." Sarcastikong sagot ko. Tumayo ako bitbit ang sarili kong pinggan palayo sa kanila. "Just don't mind me.." Pumwesto ako sa couch habang nanonood ng T.V.
Hindi pa man tumatagal ang pag-upo ko nang biglang may tumabi sa'kin.
"Don't mind me." Mahinang saad pero naroon pa rin ang pang-aasar ni Evan. Walang dudang dumoble at tumriple pa ang kulit nito kay Jacobo. Idagdag pa ang kayabangan.
"Nag-eenjoy ka talaga na iniinis ako noh? Ganyan ka ba talaga?"
"What if sabihin kong sa'yo lang."
"Bakit?!"
Kumislap ang mata nito. "Cause your single, and I'm single. We can be a perfect couple. I can feel it."
I smirked. "Perfect Couple?! Knock-knock, We just met hours ago.. Ang sabihin mo, malandi ka lang talaga... at nilalapitan ang kung sino lang na babaeng matitipuhan mo."
Umiling-iling si Evan sa mabagal na paraan. "You can confirm it to Gleigh. Or ask my two cousins here..."
"No need. My third eye ako."
Lumingon si Evan sa likod niya at tinawag ang pangalan ni Gleigh, Tina at Jenna. "Can you honestly tell to this girl beside me, kung sino si Evan na kilala niyo.. Am I a player?"
Hindi ako makapaniwala na kailangan pa talaga niyang totohanin ang sinabi niya.
Umiling-iling ang magpinsan bilang sagot. Habang napatayo si Gleigh. "Well, he looks like one.. but he's not. Believe me, he's a one-woman man."
"Sila ang nagsabi niyon." Muling saad ni Evan.
Whatever. Hindi ko na lang siya muling sinagot pa para hindi humaba ang pang-iinis niya sa'kin. Pero mukhang wala talaga siyang balak tumigil.
"Gustung-gusto mo talaga ang luto ko noh." pagsisimula na naman nito na ikinatigil ko ang aktong pagsubo.
"Alam mo.. nawawalan na ako ng gana sa'yo. Kaya, Evan-"
"Call me E.." pagtatama niya sa tawag ko sa kanya.
"Evan..."
"I said, E.."
"Sorry, pero pagmamay-ari ko ang sarili kong bibig, EVAN."
Muling nilabas ni Evan ang npamilyar na sa'kin na ngiti niya. "Okay, If you won't call me E, I'll call you... sugar!"
Nagpakawala ako ng mapaklang tawa. "Yuck. Ang baduy mo, Evan" Tumayo ako para ligpitin ang pinagkainan ko.
"You said something, sugar?"
Arrggg..
_____________________________
pople: Dee and E? mmm.. *kilig*
_____________________________
a0�d��V�A���
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top