21
TWENTY-ONE
"Oh..."
Hindi ko masara ang bibig ko sa unang reaksyon ko nang lumabas ako ng banyo.
Hindi ako mapaniwala na si Sakura ang nakikita kong napaka-hot.. and sexy, wearing only white longsleeve na hinayaang nakabukas lang ang unang tatlong butones sa taas na parang sinadya niyang ipakita ang lumuluwang cleavage niya. Idagdag pa ang mahaba at maputing binti niya.
"Matutulog ka ba o magsho-shoot para sa men's cover magazine?" sabat ko sa kanya na parang hindi kama kundi photoshoot ang pupuntahan.
Ngayon ko lang siya nakita na ganito kung manamit na parang lahat na lang gustong ipakita. Para akong nanliit bigla sa sarli ko. Walang sinabi ang katawan ko sa bawat kurba ng katawan niya.
"Ganito lang talaga ako matulog. Mas kumportable ako sa ganito, kaysa sa ganyan.."
Kung tignan ni Sakura ang pajama ko parang isang makalumang pananamit ang suot ko.
"Pero hindi pa naman tayo matutulog. Naghihintay na siguro sila sa baba para sa..."
"Okay. Let's go!"
Bigla akong natigilan. "Ganyan kana? Hindi kaba lalamigin sa labas?"
Ano bang nasa isip niya? Balak ba niyang mang-akit ngayong gabi? Dahil kung 'yon ang plano niya, di malayong magtagumpay siya. Sino ba naman ang hindi titingin sa kanya?
"Hindi naman siguro. Sanay ako sa lamig." Muling tumingin sa salamin si Sakura at naglagay pa ng cream sa mukha. "Mauna kana Dee sa baba. Sunod na lang ako.
Kahit di kana lang sumunod. "Okay."
Lumabas na ako kung saan naroon sila. Kahit na nakapajama at may patong pa akong sleeve na pantaas, ramdam ko pa rin ang lamig nang makahakbang ako sa labas.
"Nasaan si Sakura?" tanong ni Gleigh nang makalapit ako sa kanila.
Lahat sila nakasquat sa damo na pinatungan ng malaki at makapal na tela. Sa tabi ni Nate ako pumwesto.
Bago pa man ako makasagot sa tanong ni Gleigh, bigla na ring sumulpot si Sakura na papalapit na sa'min. "There she is.."
Nang makita ko kung paano si Sakura tignan ng mga lalake kabilang na si Nate, bigla akong nakaramdam ng inggit at selos. Narinig ko ring mahinang napa-wow si Sam.
"Excuse me,"
Bigla akong napatingala kay Sakura na ako pala ang sinasabihan nang makalapit na siya.
"Pwede bang umusog ka, Dee. Thanks." Ni hindi na niya hinintay ang sagot ko at umupo na agad sa gitna namin ni Nate.
Mabigat sa loob kong umusog para bigyan siya ng mas maluwang na space.
Ang kaninang magandang mood ko ay bigla na lang nawala na parang hinigop lang ng napakadali ng babaeng kinaiinisan ko.
"Cheer-up, Dee." Bulong sa'kin ni Sam na katabi ko sa kanan. Siya ang unang nakapansin ng biglaang pagtahimik ko. Hindi na kasi ako nakikisali sa usapan dahil naaalibadbaran lang ako sa kaartehan ni Sakura.
"Kung di mo na siya matagalan, palit na lang tayo. She's hot!"
"Isa ka pa!" balik na sagot ko sa kanya na sadyang hininaan ko para hindi marinig ni Sakura na siya mismo ang pinag-uusapan namin. "Nagpakita lang ng balat, naging interesado kana.."
"Sinasabi ko lang ang totoo. She's..."
"Hot." Maagap na dugtong ko. Ilang beses ba niyang sasabihin ang salitang nakakapaso na sa pandinig ko. Biglang sumeryoso ang mukha ko nang biglang gusto kong may itanong. "But Sam, you think... I mean, kayong lalake..." Nag-alinlangan ako.
Hindi ko man matapos-tapos ang gusto kong iparating, mukhang nakuha naman ni Sam ang ibig kong sabihin. Tinignan niya ako ng seryoso saka nagsalita. "Ka. Pero hindi nangangkasabi ko lang that she's hot, pero hindi nangangahulugan na agad na papatol ang mga lalake. Yong iba siguro, oo.. pero 'yong matinong lalake, hindi."
Para akong nabuhayan sa sinabi ni Sam. "You mean.."
"Yes. Hindi lang sarili ko ang tinutukoy ko. Kasama doon si.." Lumapit pa sa'kin si Sam para bumulong. "..si Nate!"
Napangiti ako at parang biglang nawala ang pag-aalala ko. Matagal ng kaibigan ni Sam si Nate, kaya kung ano man ang sinabi niya, paniniwalaan ko.
"Excuse me,"
Pareho kaming napatingin ni Sam kay Gleigh na siyang umagaw ng atensyon namin. Saka rin lang namin napansin na hindi lang si Gleigh kundi ang apat na pares ng mata ay nasa aming dalawa.
"Bakit?" Kung may nakaligtaan man kami sa pinag-uusapan nila, pareho naming hindi alam ni Sam.
"We're one group you know..." sagot ni Nate. "Mas maganda siguro kung sasali kayo sa usapan namin dito."
Sa pagkakasabi ni Nate, parang napakabigat ng kasalanang nagawa namin. Daig pa naming dalawa ni Sam ang nahuli sa gitna ng klase na nagtsi-tsismisan.
Wala rin kaming nagawa ni Sam kundi ang sumali nga sa usapan nila. Pero halos sa lahat ng oras, tango lang ang nagagawa ko dahil puno lagi ng pagkain ang bibig ko.
Maya-maya, napansin ko na lang si Sakura na panay ang yakap sa sarili niya na mukhang nilalamig. Naniwala ako sa kanya kanina nang sinabi niya sa'kin na sanay siya sa lamig, pero bigla kong nakuha ngayon kung anong pinaka-intensyon niya kung bakit hindi man lang siya nagdala ng kahit anong extrang pamatong na panlamig. Kasalukuyang na kay Jacobo ang atensyon ni Nate, kaya hindi pa niya napapansin ang pag-aarte ni Sakura sa panlalamig. Kaya bago pa man siya mapansin ni Nate, ako na mismo ang naghubad ng sarili kong cardigan sweater.
"Here, Sak. You're freezing." Pag-aabot ko sa kanya ng sweater. Kitang-kita ko sa mukha niya kung paanong hindi niya nagustuhan ang offer ko.
"No, I'm fine, Dee.. You don't need to—"
"Oh Come'on. You're not. You're freezing." Pagpipilit ko hanggang sa wala na ring nagawa si Sakura kundi tanggapin ang alok ko.
Lihim akong natuwa sa reaksyon niya na hindi nakuha ang atensyon ni Nate gaya ng gusto niya. Kabisado ko na ngayon si Sakura na may mga simpleng taktika para magpacute at mapalapit kay Nate.
Kaso mukhang ako naman ang maninigas sa lamig dahil nawalan ako ng panangga sa lamig.
"Are you cold, Dee?" tanong sa'kin ni Nate nang mapansin ako. Bago pa man ako makasagot o si Sakura, lumapit na si Nate sa'kin at sinuot sa'kin ang red jacket niya. Pumwesto na rin siya sa tabi ko, kaya siya naman ngayon ang napapagitnaan namin ni Sakura.
"Very clever, Dee. One point." Mahinang bulong ni Sam na hindi ko alam kung umabot din sa pandinig ni Nate. Pero kung narinig man niya, mukhang hindi naman niya maiintindihan kung para saan 'yon.
Binigyan ko ng mapagbantang tingin si Sam, mouthing the word "Shut up."
Bigla na namang bumalik ang saya ko nang nasa tabi ko na si Nate na siya lang pala ang kailangan para mawala ang negative vibes na nakukuha ko kay Sakura.
Sa mga sumunod pang sandali, halatang mas naging kapansin-pansin ang parang pang-aakit na ginagawa ni Sakura kay Nate. Madalas itong sumanday, humaplos at yumakap kay Nate. Sa halip na mainis ako, mas natutuwa pa ako sa nasasaksihan ko, dahil halatang umiiwas si Nate.
"Sige na Nate-Nate, tikman mo 'to.." pangalawang beses ng nangungulit si Sakura sa pagpipilit na subuan si Nate. Dala na rin siguro ng kaunting alak na nainom niya.
Gusto ko sanang pagsabihan si Sakura, pero muli ko na lang sinara ang bibig ko nang naunahan na ako ni Nate.
"Can you stop it, Sakura." Madiin ang bawat pagkakasabi ni Nate na minsan lang naming makita na mapuno ng ganito. Mahinahon at hindi sumisigaw si Nate pero mapapansin ang inis sa boses niya. "Lahat ng ginagawa mo, tigilan mo na. Wala kang mapapala."
Whoah.
Walang umimik na kahit sino sa'min sa eksenang nangyayari. Maging ako nagugulat sa biglaang pagkainis ni Nate. Matagal-tagal na ring nagpapapansin si Sakura, pero ngayon lang siya nasupalpal ng ganito ni Nate.
"Fine." Sagot ni Sakura pero tinatago niya ang pagkapahiya. Lumayo-layo siya ng kaunti kay Nate at parang walang nangyaring nagbukas ng usapan. "Gusto kong puntahan natin bukas 'yong sinasabi ni Gleigh na waterfalls... Hindi pa ako nakakakita niyon, ever. Hanggang beach and pool lang ako..."
Gusto kong matawa, pero pinipigilan ko. Hindi ko alam kung maaawa o matatawa ako kay Sakura. Pero alam kung dapat hindi ko siya pagtawanan dahil minsan na rin ako nasuot sa sitwasyon niya. Nang malaman ni Nate na may gusto ako sa kanya, iniwasan rin niya ako. Kaya ngayon ko lang parang narealize na tama lang pala ang naging desisyon ko. Hindi kami magiging magkaibigan ng ganito ni Nate, kung pinagpilitan ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Muling bumalik sa magandang alon ang takbo ng gabi nang dumating ang ilang inimbitahang kaibigan ni Gleigh na nakatira rin lang malapit sa hacienda.
"Guys, meet my friends.. Chris, Tina, and Jenna. Actually, pamangkin sila ni Tito Max, my stepdad. So, treat them nice."
Sabay-sabay silang nag hi-hello sa pagpapakilala ni Gleigh sa kanila. Maya-maya rin lang, komportable na ang naging pakikisama nila sa'min at kami sa kanila. Nagulat na rin lang ako, nang parang napakadaling nakalimutan ni Sakura si Nate dahil halatang attracted siya kay Chris at hindi na sila mapaghiwalay sa isang tabi.
Hindi rin ako bulag para hindi makita ang madalas na pagpapapansin ni Jenna kay Nate. Si Jenna na ngayon ang pumalit sa pwesto ni Sakura na kulang na lang kumapit na parang tuko kay Nate.
Nang magrequest ng music ang iba, nagkasundo ang lahat na lumipat saloob ng bahay para doon ipagpatuloy ang kaisyahan.
21 point ONE
"Where's Nate?"
Narinig ko na lang na hinahanap sa'kin ni Jenna si Nate.
"Hindi ko alam. Maybe upstairs." sagot ko naman at ikinasurpresa ko nang makita ko siyang paakyat nga ng hagdan. "Saan ka pupunta?" Paraang striktong magulang ang paraan ng pagkakasabi ko.
"Upstairs. Tatawagin ko lang si Nate. He's missing the fun."
Sasagutin ko sana si Jenna nang sumingit si Gleigh. "Let her, Dee. Hayaan mong kulitin niya si Nate."
Wala akong nagawa kundi ang tignan si Jenna na umakyat pataas. Bigla ulit akong nakaramdam ng selos, kahit malakas ang pakiramdam kong hindi rin siya papansinin ni Nate tulad ng nangyari kanina kay Sakura.
"Mukhang may rejection na naman na magaganap ngayon." saad ko kay Gleigh na alam ang tinutukoy ko.
Tinawanan ako ni Gleigh sa sinabi ko. "Parang hindi ka dumaan sa rejection ni Nate. Pero buti na lang natigil ang kahibangan mo.. At buti na lang nabaling ang tingin mo kay Yuri."
Gumanti rin ako ng tawa para sakyan si Gleigh. Wala siyang ideya na hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko kay Nate. Pinaniwala ko siya na kinikilig ako kay Yuri sa tuwing pinag-uusapan namin siya. Pero alam kong tama si Gleigh sa sinabi lang niya. Kung naghabol rin ako kay Nate na tulad ng kay Sakura at kay Jenna... paulit-ulit lang akong makakatanggap ng rejection. Masisira ko ang magandang samahan namin ni Nate.
"Si Yuri nga pala? Tinawagan mo ba siya kung makakasunod pa siya dito?"
Saka ko rin lang naalala na nakalimutan ko na si Yuri sa buong maghapon. Hindi ko na nagawang magreply sa last message na natanggap ko sa kanya kanina. Nang kinapa ko ang phone ko sa bulsa, naalala kong naiwan ko nga pala sa labas.
"Wait.. 'yong phone ko, babalikan ko lang sa labas."
Patakbo akong lumabas sa mismong lugar namin kanina, at di ko inaasahang makikita ko roon si Nate na nakahiga habang pinagmamasdan ang buwan.
"Nate," napabaling siya sa direksyon ko. "Nakikipaglaro kaba ng hide and seek kay Jenna? Kanina lang hinahanap ka niya sa loob."
"I just need some fresh air. And, yes.. pinagtataguan ko na rin siya. Don't tell me you're helping her na hanapin ako.."
Ginala ko ang tingin ko para hanapin ang phone ko, at mabilis ko namang nakita na nasa may paanan ni Nate.
"Hindi ko siya tinutulungan. I'm just here to get my phone." Lumapit ako sa kanya para kunin ang phone. "And I'm not going to tell her that you're here."
Tatayo na sana ako para umalis, nang bumangon paupo si Nate at hinawakan ang braso ko para pigilan akong tumayo.
Nagtatakang tinignan ko siya kung bakit, nang mapansin kong hindi siya sa'kin nakatingin. Lumingon ako sa likuran ko at natanaw kong palabas na nang pinto si Jenna na mukhang nakita na rin ang kanina pa niyang hinahanap na tao.
"Itatago pa ba kita sa kanya? Mukhang nakita kana ni Jenna." panunukso ko kay Nate.
Sa halip na sagutin ako, bigla na lang niya akong inakbayan sa balikat at mabilis na hinila ako pahiga. Parehong lumapat ang likod namin sa malambot na damo habang ang braso niya ang naging unan ko.
"Sshh.." mahinang bulong ni Nate sa tenga ko na parang nagdulot ng kakaibang chill sa buong katawan ko. "Hindi mo ako matatago sa kanya, pero makakatulong ka para tigilan na niya ako."
Sa kabila ng malaking distraction na nararamdaman ko sa ganitong napakalapit at kakaibang pinapadama sa'kin ni Nate, malinaw ko pa ring naintindihan ang biglaang flirty moves na ginagawa niya. Yon ay para maparating kay Jenna na hindi talaga sa kanya interesado si Nate.
Pinagdadasal ko na sana tumagal at humaba pa ang sandaling madalas kong hinahangad na mangyari ang ganito. Another romantic moment..
Not again Dee!
Kabilang bahagi ng utak ko ay nagpipigil sa'kin na madala sa sitwasyon namin ngayon. Kahit na hindi nawawala ang pagpapaalala ko sa sarili ko, nadadala pa rin ako kahit papaano.
Sa gitna ng unti-unti ko ng pagkalulong sa paglanghap ng kakaibang amoy ni Nate, bigla ko na lang naramdaman ang unti-unting paglayo niya.
"Wala na si Jenna. She believes it." saad ni Nate na wala na rin ang pagbulong.
Biglang naputol ang nagsisimula palang pagpantasya ko. Pero wala akong magagawa. Hanggang kaibigan lang talaga ako. Wala ng iba. Stick to it Deelan.
"Yeah. Thanks to me!" saad ko na pumipilit na ngumiti. Kumilos ako para umupo.
Nakaharap pa rin ako kay Nate. "Ba't ba pinipigilan mo ang sarili mong mahulog sa iba?" Seryoso at direktang tanong ko sa kanya.
Nanatiling nakahiga si Nate. "Ganun ba ang nakikita mo?"
Wala akong ibang mabasa sa mukha niya kundi blanko.
Tumango ako. "You just did. Two times in a row." Tukoy ko sa ginawa niya kay Sakura at Jenna. Kulang na lang idagdag ko pa ang sarili ko. "You're brushing them away. Hindi mo hinahayaan na mapalapit ang sarili mo sa kanila."
Hindi sumagot si Nate. Wala akong makuhang kahit ano sa ekspresyon ng mukha niya.
"Come'on Nate.. Still because of Cee?"
Ang sinabi kong 'yon ang nagpalingon kay Nate sa'kin. Pero wala paring lumabas na kahit na ano sa bibig niya.
"Tell me what you feel, or of what you think, Nate." pagpapatuloy ko. Gusto kong tulungang buksan ang isip niya. "Mahirap ba sayo na buksan ang puso mo sa iba dahil... dahil iniisip mo na parang pinagtataksilan mo si Cee? Na baka hindi pa tama ang panahon? Na parang napakadali para magmahal ka ulit ng iba? Na parang unfair kay Cee, dahil malalim ang pinagsamahan niyo para kalimutan mo na lang siya ng basta?"
Unti-unting nawala ang blankong ekspresyon sa mukha ni Nate na parang naging susi ang mga salitang sinabi ko.
"You know what Nate.. I have an idea!"
Biglang nawala ang seryosong mukha ko at napalitan ng ngiti dahil sa ideyang pumasok sa isip ko.
"What?" tanong ni Nate na naiintriga sa iniisip ko. Bumangon na rin siya para umupo.
Hinila ko ang tali ng buhok ko at hinayaang nakalugay. "Imagine that I'm Cee!"
"What?!"
"Kung ano mang sasabihin ko, isipin mong si Cee ang nagsasalita. Sabihin na lang natin na mensaheniya para sa'yo." "Isipin mong siya ang kaharap mo for just a minute at hindi ako. Well, hindi ka naman mahihirapang gawin 'yon dahil magkamukha kami."
"Are you out of your mind?!"
"No, not yet. Not until Cee takes over my body." Pagbibiro ko. "Iisipin mo lang na sasapian ako ni Cee. Are you ready?"
Sinuklian lang ako ng isang tawa ni Nate. Hinintay kong humupaang tawa niya bago ako muling nagsalita.
"Now, you're ready?" makulit na saad ko. Kahit natatawa rin ako, seryoso akong gawin ang ideya ko.
Bago pa man muling tumawa si Nate, hinawakan ko na ang magkabilang pisngi niya at hindi pinakawalan. "Focus. Isipin mong ako si Cee." Medyo nanginginig pa rin ang pisngi ni Nate dahil sa pagpipigil niyang tumawa. "Look me in the eyes, Nate. Makinig ka sa'kin.. It's me, Cee. Babe,"
"Wait! We don't call each other by that name.." natatawang pagtatama ni Nate.
"Honey? Hon?"
"Just my name."
"Okay, Nate." Muling sumeryoso ang boses ko, pero hindi pa rin si Nate.
Mas hinawakan ko pa ang pisngi niya na parang hindi ko na gustong bitawan pa. Pinisil ko siya. "Focus, Nate." Pagpapaalala ko sa kanya. Para kay Nate, para lang kaming naglalaro.
Muli akong umayos ng upo. "Nate, it's me Cee.." natatawa-tawa ako dahil sa nahahawa na rin ako kay Nate. Pero pinagbutihan ko ang sumunod na linya na pinipilit kong maging kapani-paniwala.
Ginaya ko ang malambing na tono ng boses ni Cee at hindi ko inalis ang tingin kay Nate. "Nate, Mahal kita alam mo 'yan..."
Nakuha ko ang atensyon ni Nate sa sinabi ko na tumigil na rin sa pagtawa. Diretso na rin siyang nakatitig sa'kin at handang makinig sa susunod ko pang sasabihin.
"I want you to be happy. And if loving someone is what would make you happy.. I'll let you, Nate. You don't have to feel guilty 'cause there's nothing to be guilty about. You're a nice guy, and you just deserve someone that would make you feel special. Find her.. I know, she's been waiting for someone like you.."
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga bagay na pinagsasabi ko, pero habang tinititigan ko si Nate, kusa na lang nagsilabasan ang mga salitang 'yon sa bibig ko.
"I'm setting you free, Nate.." pagpapatuloy ko habang wala pa ring kibo si Nate na tinititigan rin lang ako. "And you need to do that too. Set yourself free.. I love you..."
Naramdaman kong kumabog ang dibdib ko sa huling linyang sinabi ko. Hindi ko alam kung pinangangatawanan ko pa ang pag-arte o sadyang nadadala na ako sa emosyon ko. Pero alin man sa dalawa hindi ko na alam, lalo na't hindi na ako makapag-isip ng maayos nang biglang dahan-dahang palapit ng palapit ang mukha ni Nate sa mukha ko.
Sunod ko na lang na nalaman, magkadikit na ang kapwa labi namin.
Awtomatikong pumikit ang sarili kong mga mata at dinama ang malambot na labi ni Nate. Warm and sweet, that's how I describe the kissing moment. Nagdulot 'yon ng electric shock sa buong katawan ko na ibang-iba sa mga naging unang halik na naranasan ko.
Parang nag-freeze ang buong katawan ko nang biglang huminto si Nate sa ginagawa niya at parang natauhang lumayo bigla sa mukha ko.
"I'm sorry." Naalarmang saad ni Nate na inaalala ang reaksyon ko. "I'm so sorry.. I was.."
"Carried away." maagap na dugtong ko sa kanya. Pilit kong ipinakita na wala lang sa'kin ang nangyari. "Naiintindihan ko. Nadala ka lang dahil akala mo si Cee ako. Don't worry wala lang sa'kin 'yon. I'm a good actress, kaya hindi kita masisisi kong nadala ka."
Nawala bigla ang pag-aalala ni Nate dahil sa nakita niyang reaksyon ko. "Yeah right. Not to mention na isa kang carbon copy of her."
Sa ilang taon na hindi ako natuwa sa pagiging kamukhang kamukha ni Cee, mukhang kanina ko lang nagamit ang magandang advintahe ng pagiging kakambal niya.
I must admit, He's a good kisser! A damn good one..
21 point TWO
"Gleigh, Gleigh.." mahinang tawag ko kay Gleigh para hindi magising si Sakura. Kami na ngayong tatlo ang magkakasama sa isang kwarto. Habang si Jacobo ay lumipat kina Sam at Nate. Sina Tina, Jenna at Chris naman ang nagsama-sama sa kabilang kwarto.
Kinailangan kong tapik-tapikin si Gleigh para magising. May pagkamantika rin kasi siya kung matulog.
"Mmmm?" nagising na rin si Gleigh sa wakas pero hirap pang magmulat ng mata. "Bakit Dee?"
"I have something to tell you!" Hindi ko magagawang mapakali hangga't hiindi ko nailalabas ang bagay na dahilan kung bakit hindi ako makatulog.
"Mmm?" tanging sagot ulit nito.
Muli kong tinignan si Sakura para siguraduhing hindi siya gising o maririnig ang sasabihin ko.
"Gleigh," bulong ko muli. "We kissed. Nate, Kissed me."
Hindi agad kumibo o nagsalita si Gleigh. Pero matapos ang limang segundo.. biglang napabalikwas si Gleigh na mukhang kapo-proseso lang ng utak. "What?!"
"Sshh. It's no what you think." Agad na depensa ko. "Let me explain."
"Explain it clearly!" utos ni Gleigh na hindi na mababakasan ng antok.
"Nadala lang siya. Hinayaan ko siyang isipin niya na ako si Cee."
Kumunot ang noo si Gleigh na parang walang naiintindihan. "I said, explain it clearly! From the top!"
Ginawa ko nga ang hiniling ni Gleigh. Sinimulan ko sa pinaka-una na tungkol sa pag-iwas ni Nate kay Jenna hanggang sa kissing part. "..so ganoon, parang wala na lang nangyari. Pareho naming nilinaw na, wala lang 'yon. Na-carried away lang siya... At naiintindihan ko 'yon."
"Carried Away?" Nakataas ang kilay ni Gleigh habang suot ang isang mapanuksong ngiti.
"Bakit?"
"Siya lang ba o pati ikaw?"
Natahimik ako. Dahil Oo. Nadala rin ako.
"Oh Shit!" agad na sambit ni Gleigh sa naging reaksyon ko. "Don't tell me.. No, You. Tell. Me."
Wala akong nagawa kundi ang umamin. "Yeah.. you're right. I still like him."
"And Yuri?"
"He's a nice guy. Pero hindi ko sa kanya nararamdaman ang kilig na nararamdaman ko kay Nate.
"But... Paano 'yong—"
"Pinipilit ko lang ang sarili kong kiligin kay Yuri. Kung anong nakikita mo, wala 'yon."
"Ang sama mo.." walang pait o galit o kung ano man sa boses ni Gleigh. "Paano na si Yuri?"
Alam kong boto si Gleigh kay Yuri, kaya hindi na ako nagugulat kung may kaunting disappointment man sa boses niya.
"I guess. I have to talk to him. Ayoko rin naman namang paasahin siya sa wala."
Totoong gusto ko ang pamilya ni Yuri. Gusto ko rin siya, pero walang halong espesyal na emosyon.
"Hindi ba pwedeng pilitin mo na lang ang sarili mong mabaling kay Yuri 'yang nararamdaman mo?.. Kasi, parang wala ka ring aasahan kay Nate. Hindi siya interesado sa kahit na kanino."
"I know. Wala akong balak magtapat kay Nate kung 'yan ang iniisip mo. Ayoko lang maging unfair kay Yuri."
Nang mapansin kong walang kibo si Gleigh, tinapik ko siya. "Bakit?"
Niyakap ako bigla ni Gleigh. "Congrats Dee! You just reach the maturity level. Nagbago ka na talaga. Nawala na ang sungay mo!"
Hindi ko alam kung matutuwa o maiinsulto. Pero alam ko ang ibig sabihin ni Gleigh. Ramdam ko rin ang malaking pagbabago sa sarili ko. Ni hindi ko nga inakala na magiging malapit kami ng ganito ni Gleigh.
"Paano naman di mawawala ang sungay ko, hindi ako tinatantanan ng isang makulit na anghel diyan."
22 point THREE
Alas dos na ng umaga pero tuluy-tuloy pa rin ang naging pag-uusap namin ni Gleigh na biglang napunta kay Nate.
"Siguro mahihirapan si Nate na humanap ng babaeng papantay kay Ceeline. Kaya rin siguro siya..."
"Ano bang sinasabi mo diyan, Dee?" Agad na reaksyon ni Gleigh.
"Dahil ibang-iba si Cee. She's perfect.. I mean, almost perfect. Halos walang masasabi sa kanya. Parang sinalo lang naman niya ang magagandang genes at tinira sa'kin 'yong mga masasama."
"Nakakatawa ka Deelan! Alam mo ba 'yon?!" Halos panlakihan ako ng mata ni Gleigh. "Hindi mo pa talaga kilala ang kambal mo... at maging ang sarili mo."
"Ano?!" I gave her a puzzled look.
"Hindi perfect si Cee.. Maging ang relationship nila ni Nate. Ilang beses silang nag-on and off.."
"What? Really?" Gulat na reaksyon ko. "B-bakit?"
"Dahil Gaga rin si Cee. Hindi niya alam kung sino ang gusto niya. Nahirapan siyang timbangin ang puso niya."
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko na hindi makapaniwala. "Wait.. What?! Nagloko si Cee?!"
Kagat-labing napatango si Gleigh.
Wala ng mas lalaki pa sa pamimilog ng mata at bibig ko sa gulat. Parang napaka-imposible para sa'kin na paniwalaan ang naririnig ko.
Nagawa ni Cee na lokohin si Nate?.. Si Nate na wala ka ng mahihiling pa.. dahil nasa kanya na ang lahat at hanap ng isang babae.
"S-sigurado kaba talaga?" hindi pa rin ako makapaniwala. "Parang ang hirap lang paniwalaan.. Simula pa pagkabata, takot si Cee na gumawa ng mali o kung ano mang kalokohan kahit sa simple o napakaliit na bagay.. Kaya paanong?"
Umiiling-iling si Gleigh. "I don't know.. Sadyang nabaling 'yong puso niya sa iba.. bagay na hindi na rin niya siguro napigilan."
"Ano pa ba ang mali kay Nate para magawa niyang mabaling ang atensyon niya sa iba?"
Tumango naman si Gleigh. "That's true. Masyadong mahal ni Nate si Cee kaya nagawa niyang palagpasin ang kung ano mang nagawa ni Cee."
"You mean.. nalaman ni Nate? Anong nangyari after?" Muling pag-uusisa ko.
"Nagkaayos rin sila sa huli.. Sabihin na lang natin na si Nate pa ang sumalba ng relasyon nila. Nag-usap sila ng masinsinan, tinanggap niya ang pagkakamali ni Cee at bumalik sa ayos ang lahat."
Muling wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyari noong mga panahong iyon sa kanila, pero hindi ko mapigilang isiping tanga si Cee para magawa niya 'yon kay Nate.
Napalalim ang pag-iisip ko kaya't nang bumaling ako ulit kay Gleigh, mahimbing na siyang natutulog na nakatalukbong ng kumot mula ulo hanggang paa.
BBĻ6ϩ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top