20

TWENTY

"Early Bird?"

"Yeah. And you're late! Almost One hour na ako dito." sagot ko kay Nate at Jacobo na kararating rin lang na hindi sumunod sa eksaktong napag-usapang oras.

Ang bahay ni Gleigh ang napag-usapang tagpuan para sa magagananp na out of town ng grupo. Si Gleigh mismo ang nagplano at nagpumilit sa ideyang hindi lang para sulitin ang bakasyon ngayong sembreak kundi para na rin magrelax bago ang nalalapit na championship ng MUSICombat sa papalapit ng araw.

"No, Dee. Ikaw lang talaga 'tong advance! Hindi ka marunong sumunod sa Filipino time." Sagot ni Jacobo na hindi nauubusan ng rason. "Where's my Babe?"

"You know what, Jaco-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis akong tinalikuran ni Jacobo na umakyat na ng hagdan at pumasok sa kwarto ni Gleigh.

Muli ko na lang sinara ang bibig ko at binaling kay Nate. "Talk about manners!" nanlalaking matang sabi ko. "Where's Sam? and Sakura?"

"Sam is on his way. Si Sakura? I don't know." Binaba ni Nate ang dala niyang bag, saka muling nagsalita. "How about Yuri?"

Maraming nangyari sa sumunod at lumipas na buwan. Nasundan pa ng ilang paglabas namin ni Yuri matapos ang nangyaring unang date namin. Alam na rin ng lahat na nanliligaw sa'kin ngayon si Yuri, kaya madalas na rin siyang kasama sa grupo at maging sa mangyayaring lakad ngayon.

"May nangyaring emergency sa kanila. Hindi siya makakasabay pero susunod na lang daw siya."

"So, sinagot mo na ba siya?" Lumapit at umupo sa tabi ko si Nate na may mapanuksong tingin. "I heard, dinala ka ni Yuri sa bahay nila kahapon at pinakilala sa pamilya niya."

Si Gleigh pa lang nasasabihan ko sa bagay na 'yon... At hindi na nakakapagtaka kung bakit biglang lumipad ang balita.

Matapos ang pagkakaayos namin ni Nate noong nakaraang buwan, muli kaming naging malapit sa isa't isa na tulad ng dati. Pero ang pinagkaiba lang ngayon, mas alam ko na kung saan ako lulugar. Nakatatak na sa utak ko na hanggang pagkakaibigan lang dapat ang maramdaman ko para sa kanya.

"They're great! Ang babait nila." pagkukwento ko at dinetalye ko ang buong pangyayari at halos wala akong pinalagpas. Walang ibang ginawa si Nate kundi ang nakinig.

"..Non-stop ang usapan namin. Nakakatuwa sila. Lalo na 'yong mga kapatid niya... They're one big happy family. I like them."

"I can see that." Komento ni Nate na nabigyan ko rin ng pagkakataon na magsalita. "Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.. Sinagot mo na siya?"

"Not yet." Agad na sagot ko. Hindi mahirap sa'kin ang magkwento kay Nate ng kahit ano dahil magaling siya sa pakikinig at pagpapayo. Kaya ang mga ganitong bagay na pagbabahagi sa kanya ay naging normal na rin sa'kin at nakakasanayan ko na.

"At kelan mo balak?" muling tanong ni Nate. "He's a nice guy. At hindi ko alam kung bakit pinapatagal mo pa ang bagay na 'yon."

Si Nate ang pumapangalawa na boto kay Yuri para sa'kin. Si Gleigh lang naman ang nagunguna na mas makulit sa pagpipilit sa'kin.

"Yon na nga ang problema. He's a NICE guy! I don't know if I'm good enough for him. He's perfect, and I'm just.. I always feel like, hindi ako karapatdapat sa kanya."

"Not again Deelan!" maagap na saad ni Nate na pinandidilatan ako.

Kay Nate ko lang kasi napapakita ang mababang tiwala sa sarili ko. Kapag nasa harap ako ng ibang tao, yabang at tapang ang ipinapakita ko na isang malaking kasinungalingan. Puno pa rin ako ng insecurities. Madalas na si Nate ang gumagamot noon sa pamamagitan ng mga nakakapagpalakas ng loob na mga salitang galing sa kanya.

Hinawakan ni Nate ang magkabilang pisngi ko na madalas na nitong gawin sa'kin. Pinipilit kong tanggalin ang malisya sa tuwing may namumuo sa isip ko. Kaibigan lang siya. Wala ng iba!

"Believe me, you're good enough.. Actually, better than anyone! Yon ang nakikita ko, at dapat lang na ganoon ka rin sa sarili mo."

That's so sweet.

"It's just that.." muli kong paglalabas ng alinlangan. "You think, he likes me? I mean.. ME as Deelan."

"What kind of question was that? Of course he does. Hindi ka niya liligawan kung hindi. Ano bang nangyayari sa'yo Deelan?"

Hindi ko makakailang madaling magustuhan si Yuri. Gaya nga ng sinabi ko, He's perfect! Mabait, matalino, maalaga, masaya ang pamilya... Lahat na nasa kanya. I like him.. Pero parang hindi pa ganoon kalalim. Hindi ko sa kanya makita ang tulad ng nararamdaman ko kay Nate.

"He's not like you.." bigla ko na lang nalabas na hindi ko iniisip ang napakawalan kong salita.

"What?!" Kunot noong sabi ni Nate na halatang nalito. "Not like Me? What do you mean?"

Para akong nataranta ng maisip ko kung gaano kamali ang nasabi ko. "I mean.." mabilis kong hinalukay ang utak ko. "Pakiramdam ko, hindi niya ako nakikita bilang ako.. tulad ng kung paano mo ako tignan bilang Deelan." Huminga ako sandali saka nagpatuloy. "Minsan kasi.. parang si Ceeline ang tingin niya sa'kin."

Damn Good Liar! Magaling lang talaga ako sa pagsisinungaling. Sandata ko na 'to sa tuwing naiipit ako.

Nakita ko kung paano naniwala si Nate sa bawat sinabi ko. "So you're thinking na nagustuhan ka niya dahil nakikita niya sa'yo si Ceeline? At hindi dahil ikaw si Deelan?"

"Exactly!"

"Are you sure? I mean.. paano kung mali ka?"

"Maybe. Pero paano ko mapapaliwanag 'yong kung paano niya ako tratuhin na parang para sa kanya kilalang kilala niya ako, pero ang pagkakakilala niya sa'kin ay bilang Ceeline. Like yesterday, ilang beses niya akong natawag na Cee. Not once, not twice but three times!.."

Another Lie.

Bigla akong naguilty. Hindi naman talaga ganoon si Yuri sa'kin. Naiinis na lang ako sa sarili ko kailangan pa talagang mag-imbento ng kung ano para lang makumbinsi si Nate at mapagtakpan ang dumulas na salita sa bibig ko.

"Gusto mong kausapin ko si Yuri? I'll talk to him in a nice way to-"

"NO!" agad na na sigaw ko kay Nate. "Huwag na Nate. Hindi na kailangan. Please, 'wag mo na siyang kausapin. Ako ng bahala."

20 point ONE

"Wow.. Hindi ko alam na may ganito kayong kalaking lupain, Gleigh!" Hindi ko na napigilang sumigaw nang marating namin ang destinasyon namin. Dinala lang naman kami ni Gleigh sa hacienda nila na talagang may kalayuan rin nga naman.

Isang napakapayapang lugar na parang paraiso sa paningin ko. Ang malamig na ihip ng hangin, magandang tanawin, saktong init ng araw ay sadyang parang bumubulong sa'kin na isa 'tong perpektong lugar para sa sulit na bakasyon.

Hindi na ito ang unang beses na pumunta sina Jacobo, Nate at Sam, kaya kaming dalawa lang ni Sakura ang wala pang masyadong alam sa pasikot-sikot sa lugar.

Nang nagsibabaan na ng kanya-kanyang gamit, kay Sakura ang pinakamarami na parang hindi limang araw kundi buwan na mamamalagi. Si Nate ang tangi niyang nilapitan para magpatulong sa gamit niya. Mukhang sinadya niyang damihan ang dala niya para magkaroon siya ng dahilan na mapalapit kay Nate.

"Balak bang manirahan dito ni Sakura? Pati yata appliances nila sa bahay, dinala na rin niya." Di ko mapigilang hindi pansinin si Sakura na nagawa pang magpaalalay kay Nate paakyat ng hagdan.

"Ba't ba umiinit na naman ang dugo mo kay Sakura?" Bulong ni Sam sa'kin na mukhang napansin ang mas pangingibabaw ng inis sa boses ko kaysa sa pagbibiro. "Selos?"

Awtomatikong napabaling ako kay Sam. "What?! At bakit naman ako mag-"

"Okay. Sabi mo eh." Maagap na sagot ni Sam na may panunukso pero tinigilan na rin ako.

Kahit tinutukso niya ako sa kung anong alam niya, di naman ako nababahala na sabihin niya 'yon kay Nate. Sadyang madalas na rin kasi niyang ginagawa ito para asarin lang talaga ako. Bagay na madalas nilang gawin nina Jacobo at Gleigh.

Nang iginala ko ang tingin ko sa loob ng bahay, napako ang tingin ko sa mga nakalinyang pictures. Ganun din si Sakura na bago rin sa lugar.

"Sino 'to? Kapatid ni Gleigh?."

Napabaling ako kay Sakura na nakadikit ang mata sa pare-parehong mukha ng lalake sa bawat picture simula bata hanggang magbinata.

Napakunot ang noo ko. "Hindi ko pa siya nakikita." Kapitbahay namin noon si Gleigh, at wala akong natatandaan na may kapatid siyang lalake.

"That's my stepbrother." Maiksing paliwanag ni Gleigh. "Hindi mo pa talaga siya nakikita, Dee. Tumira siya sa bahay namin noong umalis ka naman at nanirahan ka sa lolo't lola mo."

"What's his name?" tanong ulit ni Sakura na biglang naging interesado.

"Evan." Sagot ni Gleigh. "Sa kanila 'tong hacienda, siya ang tagapagmana. Nag-iisang anak siya ng stepdad ko. Kaya 'wag na kayong magtaka kung sa kanya halos lahat ang nakikita niyong pictures."

"Anong klaseng kapatid naman siya sa'yo? Mabait ba siya?"

Patuloy ang pag-interview ni Sakura kay Gleigh, kaya nauna na akong umakyat ng hagdan pataas para tignan ang mga kwarto. Apat lahat ang kwarto, kaya awtomatiko ko ng naisip na kung mauuna akong pumili, makakapagsolo ako ng isang kwarto na walang kahati. Isa-isa kong tinignan ang lahat, at nagustuhan ang pinakahuli kong nakita na sinarili ko na agad.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at inayos ko na ang mga gamit ko palabas ng bag. Nahinto lang ako sa ginagawa ko nang pumasok si Gleigh.

"Walang pwedeng gumamit ng room na 'to, Dee. Labas!" Nakapamewang na saad ni Gleigh. "At paano ka nakapasok dito? Naka-lock 'to huh.."

"Makakapasok ba ako kung hindi naka-lock. Teka, ba't hindi pwede..? Huwag mong sabihing si Sakura ang magiging kasama ko sa kwarto??"

"Ganun na nga. Hindi mo 'yon ikamamatay. Kaya Labas na!"

"Pero.."

"Walang pero-pero!" wala sa mukha ni Gleigh ang pagpayag. "Lumabas kana ng kwartong 'to.. at paki-lock na lang."

Si Sakura ang kasama ko sa kwarto?! Hindi ko ngayon ikamamatay, pero ako naman ang makakapatay! Arggg..

Mabigat sa loob ko na muling binalik ang mga gamit ko sa bag. Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kung saan naroon si Sakura.

Kaming dalawa ni Sakura ang magkasama na hindi ko alam kung matatagalan ko sa loob ng ilang araw, habang sa katabing kwarto namin ay sina Jacobo at Gleigh, at sa tapat naman namin ay ang kina Sam at Nate.

"Dee, Sa tingin mo alin ang mas magugustuhan ni Nate..." Pinakita ni Sakura ang hawak niyang dalawang swimsuit. "This one or this one?"

Ilang minuto ko pa lang nakakasama sa loob ng kwarto si Sakura pero parang sasabog na ang tenga ko sa paulit ulit na Nate, Nate, Nate na laman ng bibig niya. Wala na ba siyang ibang alam na salita sa vocabularyo niya?

"Dee? Did you just hear me?"

"Pwede ba Sak!" Madalas kong pinaiikli sa Sak ang tawag ko sa kanya lalo na kapag inis na inis na ako sa kanya. At mukhang ikinatutuwa naman niya 'yon kapag nagagawa niyang painitin ang ulo ko. Nito lang huling buwan, naging madalas ang pakikipagkompetensiya sa'kin ni Sakura pagdating kay Nate. Alam kasi niya kung gaano na kami kalapit ni Nate sa isa't isa. Kaya parang pinagseselosan niya ako, kahit hindi naman sila.

"Sana si Nate na lang ang ka-roomate ko. Ano kaya kung makipagpalit ka kay Nate? I'm sure papayag siya. What do you think?"

Napabuntong hininga ako para ikalma ang sarili ko. Alam kong sinasadya niyang inisin ako ngayon, pero pipilitin kong hindi maging violente.

Muli kong siyang hinarap na nagpapakahinahon. "Labas muna ako, Sak. Sumakit lang ang ulo ko."

Bago pa man muling magsalita ulit si Sakura, patakbo ko ng pinuntahan ang pintuan saka lumabas na hindi na pinakinggan pa ang huling sinabi niya.

Napabuntong hininga ulit ako para muling pakalmahin ang sarili ko. Eksakto rin ang pagbukas ng pinto ng tapat naming kwarto.

"You look pissed." puna ni Sam sa'kin na pinagtatawanan pa ako. "Mukhang hindi ko na kailangan pang itanong kung bakit." Hindi nawawala ang mapang-asar na ngiti nito. "Gusto mong makipagpalit sa'kin?"

Niluwangan pa talaga ni Sam ang pinto para iwelcome ako. Pumasok ako. Bago ko pa man itanong kung nasaan si Nate, agad ng nabasa ni Sam ang nasa isip ko.

"There." Turo nito sa bathroom na mariringan ng maingay na patak ng tubig. "Want to peek?"

"I'm not a pervert!"

Kinuha ko ang bukas na chips sa ibabaw ng maliit na mesa saka kinain. "Pwede bang dito na lang ako mamayang gabi sa inyo. Kahit sa sahig na lang ako." Pagbibiro ko na parang gusto kong totohanin. "Wala lang talaga akong tiwala sa sarili ko na makasama si Sak. Baka maisipan kong takpan siya ng unan habang natutulog. You know me, may pagkadevil-ish ako. Baka magising na lang kayo bukas, wala na ang vocalist niyo."

Tinawanan lang ni Sam ang sinabi ko. Sa lahat, mukhang siya lang talaga ang nakakakita ng lihim na pagkainis ko kay Sakura.

"Hindi ka ba pinayagan ni Gleigh sa bakanteng kwarto?"

"Hindi. Pero magagamit ko 'yon kapag di ko na kinaya ang panggigigil ko kay Sak."

"Paano?.. Huwag kang umasang makukumbinsi mo si Gleigh dahil pinayagan lang si Gleigh ng kapatid niya na gamitin natin ito huwag lang ang kwarto ng kapatid niya."

Sasagot pa sana ako nang biglang nakalimutan ko ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto ng banyo at niluwa si Nate. Ang mala-adonis na si Nate!

He's half naked dahil tanging puting tuwalya lang ang bumabalot sa pambaba niya. Parang gusto kong mapanganga. He looks hot!

Mabilis kong binawi ang tingin ko bago pa man niya mapansin ang paglalaway ko.

Bago pa man magsalita ang sino man sa dalawa, inunahan ko na. "I'll go now. Bye!"

20 point TWO

"Nate, hold me please."

Naiirita ako sa kaartehan ng boses ni Sakura na napaka-obvious na nagpapakaflirt kay Nate. Hindi ko lang alam kung alam ni Nate ang bagay na 'yon o sadyang gusto niya ring nasa tabi niya si Sakura.

Ipinagdarasal ko na lang na sana mahulog na lang si Sakura na nahihirapan pa ring makaangkas ng kabayo. Kung pinag-iisipan ko man siya ng masama 'yon ay dahil halatang sinasadya nito na magpakaarte para samantalahin ang pagkakataon. Halatang enjoy siyang hawak-hawak siya ni Nate na inaalalayan siyang hindi mahulog.

"Hold on Dee... Don't worry, I won't let you fall." Ang mapang-asar na boses ni Sam ang nagdistract sa'kin mula sa masamang titig ko kay Sakura. Mukhang hindi ko na rin kailangan pang magpaliwanag pa sa kanya dahil alam na alam na ni Sam kung bakit nakamamatay na naman ang tingin ko.

"Shut up, Sam!" Baling ko sa kanya. Nang makita kong nakahanda ang dalawang kamay niya na gagawin kong hagdan para makaangkas nang kabayo, parang bihasang kinilos ko ang katawan ko at sa isang iglap lang, walang kahirap-hirap na sakay na ako ng kabayo.

"Ano bang mahirap sa pag-angkas sa kabayo? Pareho tayong first timer Sak pero ba't parang ang tagal-tagal mo naman..." Di ko na napigilang sabihan si Sakura.

Awtomatikong tinignan niya ako na mukhang nabasa ang hindi magandang tono ko na siya at si Sam lang yata ang nakakahalata.

"Come'on Dee. Alam kong hindi mo 'to first time. Expert ka na sa pag-angkas diba?"

Narinig ko ang pagbungis-ngis ni Sam na binigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ni Sakura. Hindi ko alam kung ganoon din ang epekto kay Nate, pero mukhang wala itong masyadong narinig dahil may kausap ito sa phone. Si Gleigh at Jacobo naman ay medyo malayo na sa'min kaya nakaligtaan na nila ang nangyayaring drama.

"I'll shoot her!" nanggigil na saad ko kay Sam na tanging taong kakampi ko sana, pero pinagtatawanan din ako. "And You. I'll shoot you first."

Pinilit ni Sam na tumigil sa pagtawa. "Tandaan mo Dee, unang mapikon, siya ang talo. Kaya huwag kang magpaapekto."

Alam kong may punto siya roon. Sinasadya ni Sakura na inisin ako dahil alam niyang kahinaan ko ang maiksing pasensiya.

Sa halip na gumanti ng sagot kay Sakura, kinimkim ko na lang ang galit ko. Nang makita kong muling bumalik si Nate sa kanina niyang pwesto ng pag-alalay kay Sakura, hindi sinadsadyang nabaling ang inis ko sa kabayo na nalakasan ko ng sipa. Sunod na lang na nalaman ko, tumatakbo na ang kabayo habang sakay ako.

Napapasigaw na lang ako sa takot na baka tumilapon ako ano mang oras. Ramdam ko ang bilis at malalaking hakbang ng kabayo na halos lumipad ako sa ere sa bawat lundag.

"Kumapit ka lang Dee!"

Natatarantang sinunod ko na lang ang narinig kong sigaw ni Sam. May mga sunud-sunod pa akong narinig na sigaw na nag-uutos kung paano patitigilin ang kabayo pero hindi ko na magawang gawin dahil sa sobrang takot. Patuloy lang ang pagsigaw ko, habang dinadala ako ng kabayo palayo sa kung saang hindi ko kabisadong direksyon.

"Please, Stop! Stop.." sigaw ko sa kabayo na baka sakaling maintindihan ako, pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo.

Alam ko na ako na rin lang ang makakatulong sa sarili ko, kaya kung gusto ko pang mabuhay, kailangan kong lakasan ang loob ko.

Sa gitna ng iyak, sigaw at takot ko, matapang na sinunod ko ang kaninang narinig ko. Hinigpitan ko pa ang hawak sa tali at buong lakas na hinila ko.

Mula sa pagkakapikit, minulat ko ang mata ko nang tumigil nga ang kabayo sa pagtakbo. Mabibigat ang bawat paghingal ko habang natatakot pa akong gumalaw sa pag-aalalang baka biglang magbago ang isip ng kabayo at muli pang tumakbo.

Pero nang bigla ko naman naisip na pagkakataon ko na rin na tumakas sa kamatayan, dahan-dahan at maingat na kumilos ako pababa ng kabayo.

Muling sunud-sunod ang paghinga ko nang ligtas na nagawa kong makababa na hindi nahulog o nagalusan man lang. Napahandusay ako sa damo dahil ramdam ko pa ang pangangatog ng tuhod ko na meron pa ring takot.

Bago ko pa man maisipan o mamroblema kung paano makakabalik sa pinanggalingan ko, narinig ko na ang yabag ng kabayong papalapit sa kinaroroonan ko.

"Deelan,"

Halos hindi pa rin ako makapagsalita nang makita ako ni Nate. Mabilis siyang bumaba mula sa kabayo at nag-aalalang nilapitan ako.

"Are you okay?!" Parang doctor na chineck niya ang bawat parte ng katawan ko para tignan kung may sugat ako. "Nahulog ka ba?"

"I'm fine. Hindi ako nahulog o nasaktan." Nagawa ko ring sabihin. Bigla na rin lang nawala ang takot ko at masamang alaala ng nangyari kanina dahil napalitan na ng kung anong saya habang nakikita ko ang sobrang pag-aalala ni Nate.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinakaba!" Dahan-dahan akong tinayo ni Nate na sobra ang pag-aalalay sa'kin. Nakasuporta siya sa likod ko habang hawak ang magkabilang braso ko. Ang pagtama ng balat ko sa balat ni Nate ay sapat na para mabuhayan at mawala ang pangmamanhid ko.

Nang biglang pumasok sa isip ko kung paano makakabalik sa lugar kanina na hindi maglalakad dahil sa napakalayong distansya, bigla akong napabaling kay Nate. "Wag mong sabihing sasakay ulit ako sa kabayo pabalik.."

"You have no choice, Deelan." Agad na sagot ni Nate pero walang pananakot sa salitang iyon. "But don't worry, I'm here."

Ang huling dalawang salitang sinabi ni Nate ang nagpalambot ng puso ko. Ang sarap pakinggan na parang gusto kong hilingin na ulit-ulitin niya.

Dahan-dahang muling umakyat ako sa isang kabayo na siyang dala ni Nate. Maingat niya pa rin akong inalalayan hanggang sa makaakyat ako. Sumunod na rin siya na ramdam kong wala na ulit na mangyayaring masama lalo na't nasa likod ko lang siya.

Walang makakapaglarawan sa lukso ng puso ko sa oras na halos magkadikit na kami ni Nate. Nahihirapan akong huminga ng maayos habang nararamdaman ko ang nakalapat na dibdib ni Nate sa likod ko, at ang kamay niya sa kamay ko habang minamaniobra namin ang kabayo.

Walang ideya si Nate kung gaano namumula ang mukha ko. Ikipinagpapasalamat ko na lang na hindi niya nakikita ang reakasyon ko.

"Natatakot ka pa ba? Nanlalamig pa rin ang kamay mo.."

Kung alam lang niya na iba na ang dahilan ng panlalamig ng kamay ko. "Hindi na masyado, pero pwede bang pakibagalan pa ang takbo natin?"

Sinunod naman ni Nate ang gusto ko na sanay na sanay na sa pangangabayo. Gusto kong habaan pa ang oras na kasama siya, malayo sa nakakakinis na si Sakura.

"Kailan ka natuto nito?" tanong ko para bumukas ng usapan.

"Dito rin lang. Simula ng unang beses na dinala kami dito ni Gleigh. Madalas kami dito tuwing summer."

Biglang pumasok sa isip ko na sa mga una at sumunod na beses na pumunta sila rito, kasama pa nila noon si Ceeline. "So, ito ang unang beses na..." nag-alinlangan pa ako kung itutuloy ko ang sasabihin, pero tinuloy ko rin, "na hindi niyo kasama si Cee dito."

Hindi ko alam kung tama ba ang banggitin ko si Cee. Ang totoo, nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na pwedeng naaalala o namimiss ni Nate si Cee sa ganitong pagkakataon.

Inaasahan ko na hindi sasagot o mananahimik na lang si Nate sa sinabi ko, kaya bahagyang nagulat ako nang narinig ko siyang nagsalita. "Hindi ito ang unang beses. Actually, sa ilang beses na sumama siya, lagi lang siyang napipilitan."

Gumaan bigla ang loob ko. Sa kung paano magsalita ngayon si Nate tungkol kay Cee, masasabi kong wala na 'yong dating lungkot at pangungulila.

"Napipilitan?" muling tanong ko.

"Marami kasi siyang excuses na marami siyang aasikasuhin, gagawin o minsan naman dahil wala siyang hilig sa ganito. Takot nga siya sa kabayo..."

"Takot sa kabayo?" para akong sirang plaka na inuulit ang ilan sa sinasabi ni Nate. "You mean.. hindi niya sinubukan 'to? Hindi niyo sinubukan 'tong magkasama?.. Ang sumakay ng kabayo?"

"Hindi kahit isang beses."

Hindi ko napigilang tumawa. Parang bigla lang akong nasiyahan nang malaman kong may sarili kami ngayong romantic moment ni Nate na hindi niya naranasan kay Cee. Na para bang walang dahilan si Nate para magkumpara.

Well, hindi naman masamang managinip. Alam kong wala lang 'to kay Nate, at mukhang tanging ako lang ang nag-iisip ng kung ano. Pero ngayon lang naman. Maya-maya lang alam kong magigising din naman ako sa realidad. Hahayaan ko lang muna ang sarili kong managinip sa kung anong meron kami ngayon ni Nate.

"Ba't ka tumatawa?" Biglang tanong ni Nate sa reaksyon ko.

Pakiramdam ko tuloy nahuli niya ako na binabastos ang sarili kong kambal. "Naisip ko lang na... magkaiba talaga kami ni Cee. Para kaming lumaki sa magkaibang mundo."

"At sino namang nagsabi na magkapareho kayo? 'Yang pagiging opposite niyo ang nagpapatunay na magkaibang indibidwal kayo. Walang nagsabi na kailangan niyong gayahin ang isa't isa dahil sa magkamukha o magkambal kayo."

Napangiti ako sa sinabi ni Nate. Sa tuwing naririnig ko ang ganitong bagay sa kanya, parang nagkakaroon ulit ako ng pag-asa na...

Stop it Dee!

n

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top