2
TWO
"Dee, mag-isip-isip ka nga bago ka tuluyang pumasok ngayon."
Nasa tapat na kami ng Circle High. At hanggang ngayon patuloy pa rin ang pagpipigil sa'kin ni Gleigh.
"Nakapag-isip na ako. Papasok pa rin ako." Bumaba na ako sa kotse ni Gleigh at dire-diretsong pumasok sa napakalaking campus.
Sa unang pagpasok ko pa lang, napansin ko ang gulat na gulat na anyo ng bawat estudyanteng nakakasalubong ko. Bago pa man ako magtanong kung anong nangyayari, si Gleigh na humahabol mula sa likod ko ang sumagot na parang nabasa ang question mark sa isip ko.
"Dahil, iniisip nilang bumangon sa hukay si Cee. Kaya pilit kong sinasabi sayo kanina pa na huwag ka muna ngayon pumasok sa ganyang ayos na parang talaga si Cee."
"Well, malalaman rin naman nilang kambal ako ng inaakala nilang tao. Kaya wala kang dapat ikaproblema."
"Ang sa'kin lang naman, respetuhin mo naman si Cee. Hindi mo siya kailangang gayahin mula ulo hanggang paa. Sa ginagawa mong yan, sinisira mo ang magandang imahe ng kapatid mo."
"Wala akong sinisirang imahe."
"Sa ngayon wala, pero di tatagal, oo. Kilala kita Dee, at magkaibang magkaiba kayo ni Cee. Bawat maling gagawin mo, madudumihan ang pangalan ni Cee."
"Ba't kung magsalita ka parang napakaimportanteng tao naman ng kambal ko." Hindi ko maintindihan ang pagiging over-protective ni Gleigh sa sinasabing imahe ni Cee.
"Bat di mo tignan kung gaano na karami ang taong nakapaligid sayo ngayon?"
Nang igala ko nga ang paningin ko tulad ng sinabi ni Gleigh, dumoble o parang tumriple pa ang mga estudyanteng nakatingin sa'kin. Lahat ay hindi makapaniwala. Sa kabila ng gulat na anyo ng mga ito, halong saya at aliwalas ng mukha ang makikita sa kanila.
Tumabi ulit sa'kin si Geigh saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Higit sa iniisip mo si Cee. Sikat siyang tao sa loob at labas ng campus. Hinahangaan ng marami. Kung ordinaryo lang sanang estudyante si Cee, hindi kita ngayon pagkakaabalahang pagsabihan."
Gusto kong mahiya ngayon kay Gleigh na siyang mas nakakakilala kay Cee kumpara sa'kin na kadugo. Ni wala akong ka-ide-ideya na daig pa ni Cee ang isang celebrity gaya ng sinasabi sa'kin ni Gleigh. Pero sa nakikita ko nga na halos nagsisiluha ang bawat nakakakita sakin ngayon ay sapat na para maniwala.
"Babe, anong nangyayari dito?"
Isang nagtatanong na lalaki ang lumapit kay Gleigh na mukhang kasintahan nito. Rockista ang looks na may dala pang guitara sa halip sanang isang bag.
Bago pa man sagutin ni Gleigh ang tanong ng lalaki, napansin na niya ako. Tulad lang ng ibang estudyante ang naging reaksyon nito. "Cee?"
"No. Hindi siya si Cee." maagap na sagot ni Gleigh. Hinarap din nito ang ibang estudyante na mukhang naghihintay ng paliwanag. "You're all wrong if you're thinking that this girl standing here beside me is Ceeline Morgan. Para sa kaalaman niyo, Cee has a twin sister... and that's her, Deelan Morgan."
Kasabay ng kaliwa't kanan na bulungan ng mga nakapaligid na estudyante ay ang paglapit sa'kin ng boyfriend ni Gleigh.
"You're Cee's twin sister?!" halatang nasurpresa ulit ito sa panibagong rebelasyong narinig. "Hindi ko alam na may kambal si Cee."
Hindi ko na alam kung kanino ko na igagala ang atensyon ko nang biglang parang nagkakaroon na ng komusyon sa unti-unti na ngayong pagpipilit na lumapit sa'kin ng iba. Si Gleigh ang nangungunang humarang sa pamamagitang ng dalawang braso niya.
Sa kabila ng lumalakas na ingay at gulo na dinulot ko, nagawang bumulong ni Gleigh sa lalaking katabi niya na ilayo muna ako.
Pinilit kong palakihin ang bawat hakbang ko para mapantayan ang bilis ng pagtakbo ng estrangherong lalaki na hindi ko pa alam ang pangalan. Hinihingal na huminto ako ng hindi ko na talaga kinakaya ang pagod.
"Babe, wait." tawag ko sa kanya na ikinahinto naman nito na mukhang napatawa sa pagsambit ko ng babe. Malay ko ba kung 'yon ang pangalan niya gaya ng tinawag sa kanya ni Gleigh.
"I'm Jacobo. And try not to call me Babe. Mahirap na."
Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya sa kabila ng hindi pa rin mapatid patid na paghihingal ko. "Deelan Morgan. Just call me Dee."
"I really can't believe na may kakambal talaga si Cee. Wala man lang kasi siyang nabanggit tungkol sa'yo." tumigil si Jacobo na parang may biglang ideyang pumasok sa isip nito. "Wait, kaya mo bang gawin ang mga nagagawa ng kambal mo?"
Hinintay kong bumalik sa normal ang paghinga ko bago sumagot. "Huh? What do you mean?"
Hindi na ito muling nagsalita pa at nakangiting hinila na lang ako papasok sa kung saang building na hindi ako pamilyar.
two point 1
Nangangalahating oras pa lang nang magsimula ang audition para sa bagong vocalist ng Circle Band. Sa maikling oras na napakarami na ang sumalang, wala pa ring napipili si Nate. Magaganda naman ang boses ng bawat naglakas ng loob na palitan ang pwesto ni Cee, pero wala sa kanila ang humigit o kahit man lang pumantay sa galing nito.
Habang humahaba ang oras lalong hindi napapakali si Nate. Halos hindi na rin niya pinatatapos ang bawat kumakanta at kina-cut niya ng mas maaga.
"Okay naman 'yon, Nate. Ba't di mo muna hinayaang dumating man lang sa chorus." Komento ni Sam na kabilang rin sa banda.
"Walang emosyon ang pagkanta niya." Sagot naman ni Nate na alam ang ginagawa niya.
"Pero pwede pa naman nating maayos 'yon. Ang importante may boses."
"Sam, lahat ng sumali rito may mga boses. Emosyon ang hinahanap ko ngayon tulad ng kay—"
"Cee." Dugtong ni Sam sa hindi matapos na pahayag ni Nate. "Alam ko, Nate. Pero pinapaalalahanan lang kita na huwag mong masyadong taasan ang standard mo. Isipin mo na lang na mahirap makahanap ng tulad ni Cee kung iyon ang hinahanap mo. Nag-iisa lang siya."
Isang totoo at magandang papuri iyon kay Cee, pero sa pagkakataong ito, isa iyong nakakapanghinayang at malaking kawalan para sa banda nila. Wala na siya. 'Yon yong pakiramdam na kulang na ang grupo na kahit sinong taong pumilit na pumuno sa pagkukulang na 'yon ay tiyak na mahihirapang gawin.
"Next!" sigaw ni Nate para sa susunod pang susubok.
two point 2
"Nasaan na ba tayo? Saan mo ba ako dadalhin?" makailang ulit ko ng tanong kay Jacobo na sa wakas ay hinarap na rin ako para sagutin.
"Nandito na tayo." Nakaturo si Jacobo sa nakasarang pinto na may nakasulat na Welcome to Circle Band.
"At anong gagawin ko diyan? Huwag mong sabihing magtatago? Kailangan pa ba talaga? Duh, ilang minuto na lang magsisimula na ang klase ko." Hindi ako makapaniwala na ang magtatakbo at magtago ang mangyayari sa'kin sa unang araw ko sa Circle High na 'to.
"Don't worry, aabot ka sa klase mo. Sandali lang 'to." Nang buksan ni Jacobo ang pinto, sinundan ko na lang siya.
Ang ilang taong nakalinya sa upuan ang unang umagaw ng pansin ko. May mga nametag ito na mukhang nasa gitna ng parang audition kung hindi ako nagkakamali. May dadalawang tao rin sa unahan na nakaharap sa stage na mukhang tagakilatis sa bawat sumasalang na estudyante.
"So anong gagawin natin dito?" naiinip ko ng tanong dahil nananatiling misteryo sa'kin ang pagkapadpad sa lugar na 'to.
"Madalas dito si Cee sa lugar na 'to. Ito ang teritoryo ng banda namin."
Biglang naging interesado ako sa pahayag na 'yon ni Jacobo. "Really? Banda? So, matagal na siyang kumakanta?"
Kunot noo ang unang naging sagot ni Jacobo sa narinig na reaksyon ko. "Di mo alam ang tungkol sa banda? At wala kang ideya kung gaano kagaling ang kapatid mo?"
"Wala akong alam sa banda niyo. Hindi kami nakatira sa iisang bahay ni Cee para malaman ko ang lahat ng kilos niya twenty-four-seven." Parang bigla akong nahiya sa pagiging walang alam ko sa bagay na may kinalaman sa kapatid ko. "But of course... Alam ko na may boses siya. When we were young, we used to do that kind of stuff." Pagkukuwento ko ng masalba naman ang pagiging walang-alam ko bilang kapatid.
Actually, isang beses lang 'yon nangyari nang sabay kaming kumanta dahil napilitan rin lang ako matapos takutin ni mama na hindi niya ako bibilhan ng gusto kong manika kung hindi ako susunod. We were seven or eight years old... hindi ko na masyadong matandaan.
"Kumakanta kayo ni Cee?" Lumuwang ang ngiti ni Jacobo sa nabanggit ko na parang napaka-interesting para dito. "Kung ganoon, kasing galing mo rin lang si Cee kumanta..."
Nagulat na lang ako ng muling hilahin niya ako ako papunta sa unahan. Hindi man lang niya kinumpirma mula sa'kin kong tama ang sariling assumption. Bago pa man ako makatanggi, nasa unahan na ako sa mismong stage at kaharap ang nakatayong microphone.
"What's this Jacobo?" nagpapanic na tanong ko na dinig na dinig ng lahat dahil sa nakatapat na microphone sa mismong bibig ko.
Nang igala ko ang paningin ko, muling parehong ekspresyon na nakita ko sa mga estudyanteng kanina ang nakikita ko ngayon. Parang nakakita rin sila ng multo.
"I don't sing." Muling saad ko habang ang mata ko ay nasa kay Jacobo para iparating na mali ito ng akala.
"Kumanta ka na lang, please..." panghihikayat nito habang pinandidilatan ako ng mga mata.
"I can't. Hindi ako—" tinapos ko na lang ang pakikipagmatigasan kay Jacobo. Nilayo ko ang sarili ko sa microphone at humakbang para umalis sa stage.
Pababa na sana ako nang sinalubong ako ng isang lalaki na hindi inaalis ang tingin sa'kin.
Nang magtama ang mata namin, parang bigla kong naramdaman ang bigat ng dinadala nito. Kung si Cee man ang tingin niya sa'kin, nangangahulugan lang iyon na espesyal ang tingin ng taong ito sa kapatid ko. May kislap sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag na parang pinaghalu-halong pananabik, lungkot, pag-asa o kung ano pa mang matitinding damdamin.
Walang namuong salita sa bibig ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa taong nasa harapan ko. Parang tulad ng kay mama na hirap akong basagin ang katotohanan na hindi ang totoong Cee ang nakikita nila.
Nang makalapit ang lalaki, isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko mula dito na parang takot akong pakawalan. Hindi ko alam pero nang mga sandaling iyon, hinayaan ko lang siya. Hindi ako nagtangkang kumawala o nagtangkang itulak ang lalaki. Hindi ko man siya kilala pero naramdaman ko ang pangungulila niya.
Kasabay ng mga sandaling ito, ay ang natahimik rin na mga tao sa paligid. Natutulala na lang sila sa mga nangyayari.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nasa braso ng lalaking hinayaan kong lumapit ng sobra. Pero sa oras na bumitaw siya mula sa mahigpit na pagkakayakap, parang bigla akong nabitin na hindi ko maintindihan. Masyado akong naging komportable sa kanya sa napakaikling minuto.
Nang muling nagtama ang mata namin, sa isang iglap wala na ang kaninang pananabik na nakita ko mula rito.
"Hindi ka si Cee." Walang pag-aalangang saad nito na siguradong sigurado sa binitiwang salita.
Parang ako naman ngayon ang nasurpresa sa sinabi niya. Hindi ko lang inakala na mabilis nitong makikilala na hindi ako si Cee 'di tulad ng iba na kailangan pang paliwanagan.
Lumapit sa amin si Jacobo, "Tama ka, Nate. Hindi nga siya si Cee."
Nagsimulang magkagulo ulit ang kaunting tao na kasama nila sa kinaroroonan nang marinig nitong hindi ako si Cee. Kaliwa't kanan ang tanong ng lahat na nagnanais na masagot ang mga hinala.
Kumilos agad si Jacobo at dalawa pang tao para palabasin muna ang ilang taong naroroon. Pansamantalang hininto rin muna ang audisyong nangyayari.
Matapos makalabas ang kaninang ilang tao, tanging grupo na lang ng banda ang nakapaligid sa'kin ngayon na parang ako naman ang idadaan sa paglilitis.
"Kung ganoon ikaw si Dee? Tama ba ako?" pagbubukas na tanong ng lalaking nagngangalang Nate. Kalmado ang boses nito na parang walang nangyaring eksena sa pagitan naming dalawa kanina. Hindi ko rin alam kung paano nito nalaman ang pangalan ko gayong hindi ko narinig na binanggit iyon ni Jacobo.
"Paano mo nalaman?" hindi ko napigilang itanong dito. Wala rin akong natatandaang nakilala ko ang lalaking ito noon.
"Minsang nabanggit ni Cee sa'kin na may kakambal siya."
Mas lalo akong naghinala sa koneksyon nito kay Cee dahil mukhang ito lang ang tanging miyembro ng banda ang nakakaalam sa pangalan at pagiging kambal ko. Hindi na ako magtataka pa, kung malalaman ko man na may relasyon ito at si Cee.
"Wait." Singit ni Jacobo na mas nakatutok ang mata sa'kin. "Bago kayo mag-usap o kung ano pa man, may importanteng bagay akong gustong itanong na hindi makakapaghintay... Pwede bang ikaw na ang maging kapalit ni Cee sa banda? Dahil naniniwala ako na ikaw ang anghel na pinadala ni Cee para magresolba ng problemang iniwan niya."
Lahat ng mata ay napunta sa'kin na naghihintay ng isasagot ko. At sa itsura nila, mukhang pare-pareho itong nagdarasal na ako na sana ang kasagutan sa problema nila.
"Sorry to disappoint you guys but... I don't really sing." Ang huling mga salitang sinabi ko ay malinaw na bad news para sa kanila.
Hinawakan ni Jacobo ang dalawang balikat ko na umaasang nagsisinungaling lang ako. "Pero sinabi mo lang kanina na—"
"I said we sang together. Pero hindi nangangahulugang—"
"Pero identical twin sister kayo. Siguradong magkapareho rin ang boses niyo sa pagkanta," walang pagsuko sa mukha ni Jacobo na parang unang taong hindi makakatanggap ng katotohanan. "..kaya kung magaling si Cee kumanta, 'diba dapat ikaw rin?"
"Oo, identical, but that doesn't mean that we're exactly the same. Maybe physical, yes... pero, talents, skills, personalities... I don't think so."
Halata ang pagsuko sa anyo ng grupo, pero hindi pa rin ang mukha ni Jacobo na may kakulitan. "Are you sure?.. kahit man lang kaunting bagay sa pagkanta? Wala ba talaga? Ba't di mo na lang kami hayaang marinig ang boses mo. What if—"
"Jacobo, stop." Pagpapahinto ni Nate na halatang naririndi na sa kaibigan. "Para mas maintindihan mo, hindi siya si Cee. At hindi niya kayang gawin ang nagagawa ni Cee. So, Enough."
Sa sinabing 'yon ni Nate, hindi ko maintindihan kung bakit parang nasaktan ako sa binitiwan niyang pahayag. Siguro dahil sa matagal-tagal ko ng hindi naririnig mula sa bibig ng ibang tao ang ganitong klaseng pagkumpara sa'ming dalawa ni Cee.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top