19
NINETEEN
Natapos din ang exam noong nakaraang linggo. Hindi siya ganoon kadali pero hindi rin naman naging masyadong mahirap. Wala akong ideya kung anong pwedeng maging resulta. Kailangan pang palipasin ang ilang mga araw bago malaman ang pinakahihintay ng lahat na ranking list.
May kung anong kaba akong hindi maalis-alis kanina pa. Parang natakot lang kasi ako na baka walang nangyari sa dibdiban kong pag-aaral nitong nakaraang linggo. Ngayon lang ako naging ganito kadeterminado na makapasa. Dati wala akong pakialam kahit nasa dulo pa ang pangalan ko sa listahan. Ngayon lang ako nagkaroon ng pakialam. Ngayon lang.
"Dee, naka-post na ang result!"
Bago pa man ako makapagbigay ng reaksyon, hinila na ako ni Gleigh palabas.
Sa dami ng estudyanteng nakapaligid sa board wall na hinahanap din ang sarili nilang pangalan, nagawa ni Gleigh na makasingit palapit habang hila-hila ako.
Sunod ko na lang na nalaman, pareho na kaming nakatayo sa mismong harapan ng ranking list. Una, hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap ng pangalan ko, kung sa baba ba o sa taas. Pero nagsimula na lang ako sa baba.
Nang Brillantes ang makita ko sa pinakahuling pangalan, parang nabunutan na ako ng tinik kahit papaano. At least.
Ipinagpatuloy ko ang pagsaliksik ko sa Morgan na pangalan mula sa ibaba, hanggang sa naputol ang konsentrasyon ko sa sigaw ni Gleigh.
"Yes. I'm thirty three!" tinatapik-tapik pa ako ni Gleigh. "Look, 33 out of 201. Hallelujah!.. ikaw?"
"Wait.. magsisimula akong maghanap muli, dahil ang gulo mo." Magsisimula na sana ako ulit sa pinakababa nang mahagip sa mata ko ang Top 1. Acosta, Yuri. Alam kong wala akong dapat ikataka dahil base sa ilang araw na pagtuturo niya sa'kin, talaga namang magaling siya. Hindi ko lang inakala siya pala ang nangunguna. Hindi ko siya kaklase sa kahit anong subject kaya wala akong ideya. Nakakalula naman talaga ang average niya. "Wow."
Napatingin sa'kin si Gleigh. "Alam mo bang sila lang ni Ceeline ang nagpapalitan sa tronong 'yan. Ngayon, kanyang-kanya na. Maghintay ka lang dahil baka i-share niya sa'yo ang trono." natatawang saad ni Gleigh na may halong panunukso sa'kin.
"Tumigil ka nga! Hindi ko pa nga mahanap ang pangalan ko. Uulit na naman tuloy ako sa pinakababa! Ang hirap yumuko."
"Ikaw na lang ang magsimula sa taas, ako na sa baba." Alok ni Gleigh, at agad na nagsimula habang maingay na binubulong ang Morgan sa paghahanap.
Sinimulan ko na rin sa taas na pakiramdam ko masyado akong ambisyosa para mapabilang sa mga maituturing na matatalino. Napahinto ako ng makita ko sa Top Five si Mendez, Nathan.
Hindi na rin 'yon nakakagulat dahil magaling rin talaga si Nate. Mukhang nakakahiya sa Top 1 at Top 5 kung mapabilang sa bottom list ang taong pinagtiyagaan nilang turuan.
Nang ipinagpatuloy ko ang paghahanap, muling tumigil ang daliri ko na mismong nakaturo sa Morgan, Deelan T.
Top 40?
"Fourty?!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Gleigh," Ako naman ang tumapik ngayon sa kanya. "I'm Top Fourty!"
I can't believe this!
"Whoah Dee! Nangopya ka ba during exam?!"
Hindi ko man lang pinansin ang sinabi ni Gleigh at niyakap ko na lang siya sa sobrang tuwa.
19 point ONE
"Congratulations Top Forty!"
Matawa-tawa ako sa exaggerated na bungad ni Jacobo ng saluhan namin sila ni Gleigh sa dating table sa cafeteria na ilang araw ko ng hindi natatambayan.
"Buti naman naisipan mong Magbalik Loob sa Cafeteria, Dee." Pagsisimula na naman ni Jacobo sa pagbibiro.
"Ang Cafeteria ang nagbalik loob sa'kin!" ganting biro ko na may ibang kahulugan.
"And that's because of Me!" Anunsyo agad ni Gleigh. "Ako ang daan ng Balikan ng Loob. You have to thank me for that, Dee.. And please lang, huwag mong sundin ang literal na kahulugan ng Balikan ng loob!"
Parehong tumawa si Gleigh at Jacobo na ginagawang katatawanan ang nangyaring issue sa'min ni Nate.
"No. I won't." seryosong sagot ko sa biro ni Gleigh.
Walang magandang madudulot ang pagkakagusto ko kay Nate. Lalo na't alam ko na ngayon na malabong mangyari ang bagay na inakala ko noon na pwedeng maging posible.
"Here he comes.. your prince.." nanunuksong saad ni Jacobo na nasa entrance ang mga mata.
Dahil nakatalikod ako sa entrance at ang magkatabing sina Jacobo at Gleigh ang mas nakakatanaw sa kung sino ang pumapasok, hindi ko alam kung sadyang inaasar nila ako.
Kung si Nate man ang tinutukoy nila, wala akong balak patulan ang paglalaro ng dalawa sa'kin. Mas pinili ko na lang na hindi magpaapekto at ipinagpatuloy ko ang pagsubo.
"Hi, Dee..."
Natigilan ako sa pagnguya nang alam ko sa boses pa lang na si Yuri ang bumati. Hinarap ko siya.
"Hi, Top One!" balik na bati ko. "Congratulations!"
"Same to you, Dee. I told you, you won't fail. Top Forty is a big leap."
Ngayon naman, mukhang naramdaman ko na ako naman ngayon ang may namumulang pisngi. Sinasabayan pa ng nahuhuli kong palitan ng tingin ni Gleigh at Jacobo na makikitang nanunukso pa rin sa non-verbal na paraan. Si Yuri na lang ang mas pinagtuunan ko ng pansin.
"Well, that's because of you. Thank you. Actually, kanina ko pa gustong hanapin ka... para pasalamatan ka."
Maluwang at matamis na ngiti ang sinukli ni Yuri. "Well, nagpaplano rin ako na i-settle ang bagay na 'yan."
Tumikhim si Jacobo at sumegunda naman si Gleigh saka nagsalita. "Yuri, why don't you sit here with us.. para marinig naman namin ang settlement na 'yan bilang witness ninyo. At pwede mo rin kaming librehin bilang celebration mo na rin sa pagiging top one mo."
Pinandilatan ko si Gleigh dahil sa nasosobrahan na ang kasutilan nito, pero mukhang wala siyang balak magpaawat. Narinig ko na lang na pumayag si Yuri at pumunta na ng counter.
"What was that Gleigh?!" agad na sita ko sa kanya nang tumalikod na palayo si Yuri.
"Relax. Okay lang 'yon. Mabait si Yuri, at hindi rin siya basta basta mauubusan ng yaman kung 'yan ang inaalala mo. Isa pa, gusto rin naming marinig tungkol sa settlement.. Sana date!"
Babatuhin ko sana ng plastic na basong walang laman si Gleigh at Jacobo nang...
"Hi, Dee." Bati ni Sam habang nasa likod niya si Nate. "Long time No See, Dee. Nagsawa kana ba sa Library?"
May halong kindat si Sam na may kung ano rin pang-aasar na tulad ng sa dalawa. Mukhang pinagtsi-tsismisan ako ng tatlong 'to kapag wala ako.
"Actually, dala niya ang Library, Sam!" Muling singit ni Jacobo na hindi pa rin tumitigil at tinuro pa si Yuri na siyang tinutukoy nito. "Nakalimutan na ni Dee ang Cafeteria."
Nagpalitan ng tingin ang tatlo saka nagtawanan ng sabay-sabay maliban sa'ming dalawa ni Nate.
"What's happening?" walang ideyang tanong ni Nate na umupo sa tabi ko habang si Sam ay nasa tabi ni Jacobo. Ang nag-iisang bakanteng upuan na nasa kanan ko ay nangangahulugan lang na natitirang upuan para kay Yuri.
Sa halip na sagutin si Nate, nagtawanan ulit ang tatlo. "Just don't mind them, Nate. Kanina pa silang ganyan, at hinawaan lang naman nila si Sam. Wag ka na lang magtanong para hindi ka rin mahawa."
Sumunod naman si Nate sa babala ko na hindi na nga nagtanong. Nagtawanan na lang ulit ang tatlo, at hindi na pinansin pa ni Nate. Nagbukas na lang siya ng usapan na mapag-uusapan namin.
"Kumusta ang pakiramdam na mapunta ka sa top forty?"
"Great! Isang malaking achievement para sa isang estudyanteng madalas na nasa pinakadulo ng listahan at nakatanggap ng ilang zero sa quizzes! Talo ko lang naman ang nararamdamang saya ng isang top five!"
"Hindi na ako tututol diyan."
Nakabalik na rin si Yuri sa table namin na tinotoo ang panglilibre sa daming pagkaing dala nito.
Bago pa man magtanong sina Nate at Sam sa umaapaw na pagkain sa harapan namin, si Gleigh na ang nagpaliwanag na para 'yon sa celebrasyon. Masayang kwentuhan ang nangyari sa gitna ng salu-salo. Muling nabalik ako sa hot seat nang muling bumuka ang bibig ni Gleigh hindi para sa pagkain kundi para sa panunukso.
"Anyway, Yuri..." sa halip na kay Yuri, sa'kin nakatingin si Gleigh saka nagpatuloy sa sasabihin, "about the settlement?"
"Gleigh!" mabilis na sita ko sa kanya na ako ang nalalagay sa kahihiyan.
"What settlement?" naiintriga namang tanong ni Sam, at ganun din ang pinapakitang reaksyon ni Nate.
"Nothing! Labas na kayo roon!" Pagmamataray ko, pero parang wala man lang na pumansin sa babala ko.
Patuloy ang pagsingit ni Gleigh at pinaliwanag ang kwento sa likod ng settlement.
"How about a Date?!" Biglang suggestion ni Gleigh na kinikilig-kilig.
"Gleigh," kaunti na lang malapit na akong magsawa sa kasusuway sa kanya. "Please.. shut your mouth for just a minute." Bumaling ako kay Yuri na hindi ko alam kung ano na ngayon ang iniisip. "Yuri, I'm sorry.. Just don't mind her..."
Di mapigilang ngumiti ni Yuri. "Actually, Dee. I have same thought as Gleigh.. A date would be fine."
Di agad ako nakapagsalita, hindi dahil sa sinabi ni Yuri, kundi dahil sa mga pares ng mga matang nakatutok na ngayon sa'kin at naghihintay rin ng sagot ko.
Wala na rin akong ibang nasagot kundi, "Sure."
19 point TWO
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama nang makauwi rin ako sa bahay. Muling nagsibalikan sa utak ko ang nangyari kanina sa school.
Date with Yuri...
Mabilis akong napapayag hindi dahil sa nahihiya akong tumanggi, kundi dahil sa ayokong palagpasin ang pagkakataong, makawala sa nararamdamn ko kay Nate. I just want to get over him.
Kaya lang naman siguro ako nahulog kay Nate ay dahil sa naramdaman ko ang atensyon at 'yong tiwalang lagi kong hinahanap sa ibang tao.
Kung hahayaan ko rin ang sarili ko na mapalapit kay Yuri, di malayong mabaling sa kanya ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Nate.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top