16

SIXTEEN

Sa kabila ng mga nasabi ni Mrs. Mendez sa'kin noong biyernes at ang bigat na dinulot niyon sa dibdib ko, parang biglang nabura rin lang 'yon nang makausap ko si Nate. Hindi ako lalayo sa kanya kahit 'yon pa ang gusto ng ina niya. Ngayon rin lang ulit ako nakatagpo ng tao na tunay na nakakaintindi sa'kin at nagagawang ipanatag ang kung ano mang alalahanin ko.

Tuloy pa rin ang review namin ni Nate pagkatapos ng huling klase ng hapon. Kaya naman hindi ko na ikinaila pa sa sarili ko na si Nate ang pinakadahilan ng mas masayang awra ko sa araw araw na pumapasok ako. Parang kusang lumulukso ang dugo ko sa tuwing nakikita kong papalapit na ang eksaktong oras na muling magkakasama kami ni Nate na kaming dalawa lang.

Masasabi ko ngayon na hindi lang pag-aaral ang nag-iimprove sa'kin ngayon kundi pati na rin ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Hi, Deelan Morgan!"

Ngayon ko rin lang ulit nakita si Kiesha matapos ang nangyaring pagtatanghal noong isang linggo. Ni hindi ko pa siya nakokompronta tungkol sa ginawa nitong pagsasabotahe sa'kin.

Pero wala na akong balak pang ungkatin sa kanya ang tungkol doon. Wala akong panahon kay Kiesha lalo na't baka naghihintay na sa mga oras na 'to si Nate para sa pagrereview namin.

"Nagmamadali ka naman yata, Dee. Di mo ba ako namiss?" muling sabi nito nang makita niya ang pagtangkang pagbalewala ko. "Can't wait to see Nate?"

Ang huling sinabi niya ang nagpahinto sa'kin. "Ano naman sa'yo 'yon Kiesha?"

Hindi na siya lumapit pa. Nakontento na siya sa kinatatayuan niya habang pinadaanan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Wala naman. Hindi ko lang mapigilang maawa sa'yo."

Mukhang talento na ni Kiesha ang inisin ako. Sadyang napapainit niya ang ulo ko sa tuwing nagsasalita siya. At mukhang alam rin niyang hindi ko kayang hindi siya patulan. Pero hindi sa pagkakataong ito. Mas importante sa'kin si Nate na naghihintay sa'kin.

Hindi ako nagsalita ng kung ano pa man at nagsimulang humakbang paalis. Pero hindi pa rin tumigil sa pagsasalita si Kiesha na mas binilisan ang bawat bitaw para siguraduhing maririnig ko siya habang hindi pa ako tuluyang nakakalayo.

"Nakakaawa ka Dee. You know why? Dahil kamukha mo ang isang taong kakompetensiya mo sa puso ng lalaking nagugustuhan mo. Hindi mo ba naiisip na magaan lang ang loob sa'yo ni Nate dahil si Ceeline ang tanging nakikita niya sa'yo? Hindi ka niya mamahalin bilang Deelan. Poor little Dee!"

Malinaw na narinig ko ng buo ang pang-iinis ni Kiesha na malalaman at talaga namang nakakapagkulo ng dugo. 'Yon nga lang, wala akong balak magpaapekto dahil alam kong mali siya.

Sa lahat ng tao, si Nate ang mas nakakakilala sa isang Deelan Morgan. Para sa kanya, magkahiwalay na tao si Cee at Dee. At hindi siya nalilito tulad ng iba. Tanggap niya rin kung ano ang pagkatao ko hindi tulad ng iba.

16 point ONE

Ten minutes late nang sumulpot ako sa tagpuang lugar namin ni Nate. Naabutan ko siyang tumutugtog ng guitara habang nasa kalagitnaan ng pagkanta.

♫ ♪ ♫ ♪

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections

Ramdam ko ang bawat emosyon niya sa kanta. At nagdudulot ng kakaibang epekto sa'kin ang lamig at ganda ng boses niya. Bawat linya na lumalabas sa bibig niya, gusto kong isipin na sana para sa'kin 'yon.

Natigil ako sa pakikinig nang biglang tumigil si Nate nang napansin niya ang presensiya ko. Gusto ko siyang magpatuloy sa pagkanta, pero mukhang wala na siyang balak. Kaya ako na mismo ang dumugtong sa hindi niya natapos..


♫ ♪ ♫ ♪

Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you..

Kung may gusto man akong sabihin kay Nate, 'yon ay nakatago sa mensahe ng kanta. Hindi ko hiniwalay ang bawat tingin ko sa kanya at ganoon din siya sa'kin, kaya parang nabuhayan ako lalo. May hindi ako maipaliwanag na bagay habang nagtatama ang mga mata namin. Pero nang matapos din ang kanta, biglang nawala rin 'yon. Si Nate ang unang umiwas ng tingin.

"So, shall we start?" agad na saad nito na umupo na sa parating pwesto namin at nilabas ang gamit.

Umupo rin ako sa tabi niya, pero wala pa sa pag-aaral ang isip ko. "Nate, pwede mo ba akong turuang mag-guitara?"

"Deelan," binitiwan ni Nate ang hawak na ballpen at libro saka hinarap ako na seryoso ang mukha. "Pumili ka., anong gusto mong unahin? Guitar Lesson or Review? Decide now..."

Sa isang iglap parang bumalik si Nate sa dating kilala kong Nate na napakseryoso at nagmamasungit.

"Review." nakangiting sagot ko na baka sakaling mahawa siya sa'kin. Pero mukhang mas lalo lang siyang sumeryoso. Sadyang may disiplina lang talaga siya pagdating sa pag-aaral. Bagay na dapat matutunan ko rin mula sa kanya.

"Then focus." Kinuha muli ni Nate ang ballpen pero muli rin niyang binitawan at tumingin sa'kin na malapit ng magsalubong ang dalawang kilay. "Deelan, Can I have a one favor.. If you won't mind.."

Bigla akong napaisip sa sasabihin niya. "Sure. Anything. What is it?"

"P-pwede bang .." biglang nag-alinlangan si Nate. "..wala, just forget it."

"No! it's okay. Just say it.." mas lalo akong naintriga.

"Just forget it.. I think it's rude para sabihin sa'yo so... kalimutan mo na lang."

Umiling-iling ako. "Ayos lang sa'kin, kahit ano pa 'yan. Try me!"

Ayokong palagpasin ang pagkakataong ito. Gusto kong marinig kung ano man ang gusto niyang sabihin. Hindi ko kasi kayang hindi isipin na pwedeng tungkol sa nararamdaman niya. Baka ngaugustuhan na rin niya ako.

"Come'on Nate." pamimilit ko pa. "hindi ko mamasamain kung ano pa man 'yan.. promise."

"Okay..." nagawa ring magbago ang isip ni Nate matapos ang walang tigil na pangungumbinsi ko. "Hindi ko gustong naririnig kang kumakanta.. Pero hindi ko sinasabing masama ang boses mo o kung ano pa man.. Hindi ko rin sinasabi na.. It's just that.. I don't know how to explain it..."

Nagkabuhol-buhol na ang sinabi ni Nate pero malinaw kong naintindihan ang gusto niyang iparating. Naririnig niya sa boses ko ang boses ni Cee. At ang dahilan kung bakit ayaw niya akong marinig kumanta ay dahil pilit niyang kinakalimutan si Cee.. Gusto niyang makalimutan ang nagpapaalala sa kanya kay Cee!

"Okay. I get it. No problem." Nagawa kong sabihin ang salitang iyon na parang cool lang sa'kin ang lahat at di apektado. "Iiwasan ko parating iparinig sa'yo ang golden voice ko." At nagawa ko pang magbiro na may maluwang na ngiti. "Don't worry.. I'm not offended or upset."

Ang totoo parang masaya pa ako. Kung mas maaga niyang makakamove-on kay Cee, mas masaya.

"Then, let's get back to work?"

"Okay."

Ang sagot ko ang naging hudyat sa kay Nate para simulan na niya ang pagpapaliwanag sa mga bagay na hindi ko naiintindihan sa problem solving. Sa muling pagkakataon, muling bumalik na naman ang hindi gumaganang pandinig ko. Parang tanging paningin lang ang meron ako ngayon na siyang nakadikit na sa mukha ni Nate ang bawat tingin ko.

Nang parang biglang nawala ako sa sarili ko, kusang lumapit pa ako kay Nate hanggang sa wala ng espasyo sa pagitan namin na magkadikit na ang tagiliran namin.

Bigla namang tumigil si Nate sa pagpapaliwanag ng dahil sa biglaang pagtabi ko ng ganoon kalapit.

"What's wrong?" tanong ni Nate na umusog palayo sa'kin. Sa boses niya, parang muli na namang may pagkairitable sa tono nito.

Habang nakaharap siya sa'kin at hinihintay ang sagot ko, wala sa sariling dumako ang paningin ko sa labi niya.

I want to kiss him.

Bigla rin akong naalarma sa pinag-iisip ng nahihibang kong utak. Buti na lang may sapat pa akong kontrol sa sarili ko. Hindi ko pa alam kung anong tingin sa'kin ni Nate. Hindi pa ako sigurado kung may nararamdaman na rin siya sa'kin.

Pero sa mahaba-haba na ring araw na nagdaan na magkasama kami parati, ramdam ko ang pagiging konektado namin sa isa't isa. Kakaibang atraksyon na ngayon ko rin lang naramdaman. Sana lang, ganoon din ang nararamdaman ni Nate.. lalo na't kahit papaano alam kong magaan na rin ang loob niya sa'kin.

"Deelan, kung wala ka sa mood para mag-aral, huwag mo na munang pilitin. Sa susunod na lang ulit natin 'to ipagpatuloy."

Sa ekspresyon ng mukha ni Nate, parang tuluyan na nga itong nainis. Ito ang unang pagkakataon na nawalan siya ng pasensiya sa pagtuturo sa'kin.

Bago pa man ako makapagsalita, tumayo na si Nate at isa-isang tinago ang ilang gamit sa loob ng kanyang bag. Hindi ko inakala na seryoso pala talaga siya sa sinabi niya.

"No, Nate. I'm fine. Ipagpatuloy na natin—"

"Bukas na lang ulit, Dee. May naalala rin kasi ako na may importanteng gagawin pa pala ako."

Wala na rin akong ibang nagawa kundi ang mag-ayos ng sariling gamit ko. "Okay. Bukas na lang ulit. Ano nga pala ang importanteng gagawin mo?"

"Ahm.. M-may pinangako lang ako kay Basty. Kaya kailangan kong umuwi ng maaga. Magtatampo 'yon." Sandaling tumigil si Nate bago muling nagsalita. "Hindi rin pala kita mahahatid ngayon pauwi."

"Okay." Agad na sagot ko kahit pa medyo disappointed ako. "Kumusta na pala si Basty? Galit pa ba siya sa'kin?"

"He's fine.. Don't worry about him." Maikling sagot niya na parang ayaw ng pahabain pa ang pag-uusap namin dahil sa pagmamadali niya.

"Kung ganun, pwede ko ba siyang makita?" Guto kong gumawa ng paraan para mas makasama pa si Nate. "Sasama na—"

"I'm sorry Deelan. Sa susunod na lang siguro."

"Okay. Some other time."

Habang kausap at tinititigan ko si Nate hindi ko mapigilang hindi mapansin na parang may biglang nag-iba sa kanya na hindi ko maintindihan. "Are you okay Nate?.. I mean, you look.. idon't know.. May problema ka ba?"

Naguguluhan ako kung nawalan lang talaga siya ng pasensiya sa'kin o sadyang may problema lang talaga siya. Alin man sa dalawa, hindi ko alam, dahil hindi ako ganun kasensetibo pagdating sa pag-alam ng emosyon ng ibang tao.

"Nothing. I'll go now."

Nagmamadaling umalis si Nate na hindi man lang pinansin ang Goodbye-See-you- tomorrow na line ko.

___________________________

Pople: Don't expect too much Deelan! Makiramdam ka naman..

___________________________

����$

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top