15

FIFTEEN

Hindi ko inakalang napakaraming bata ang dumalo sa birthday party ni Basty. Kids are everywhere. Medyo huli man kaming dumating ni Nate, naabutan naman namin na hindi pa tapos ang celebrasyon.

Nilapitan namin agad si Basty na masayang nanonood sa show ng clown.

"Happy Birthday Basty!" halos sabay na bati namin ni Nate sa kanya na agad na nagpakarga sa kapatid niya. Superhero ang tema ng party na kitang-kita sa Thor costume nito.

"Hi, Thee. It'th my birthday. I'm glad you're here. I mith you."

Sa mata ni Basty ako si Cee. Hindi ko alam kung dapat akong masaktan sa tingin ng isang batang walang inosente at walang alam. Pero ba't parang biglang nagkaroon ng epekto sa'kin ngayon ang pagtawag niya sa'kin sa pangalan ni Cee...

"Of course it's your birthday. I don't want to miss it." Hinalikan ko si Basty sa pisngi na ikinakilig nito sa murang edad.

"But kuya thaid, you won't be here... you'll watch me up above and won't gonna show up, Thee. But here you are! You are here!"

Hindi ako kundi si Cee ang muling tinutukoy niya. Kaya wala akong biglang maisagot.

"Hey, buddy." Si Nate ang sumingit sa usapan. "Why don't you go back there. Your superhero friends are waiting for Thor."

Nang muling makalayo na sa amin si Basty, saka lang ako nakapagsalita muli. "You were right Nate. Dapat pala sinabi ko nalang sa kanya ang totoo. That I'm not Cee."

Bago pa man muling sumagot si Nate, pareho kaming napabaling sa papalapit niyang ina.

Napansin na niya agad ako. "Oh, Deelan.. Kumain ka muna doon sa loob."

Ngayon ko lang nakilatis ang ina ni Nate na hindi ko nagawa noong una ko siyang nakita. Malambing siyang magsalita na parang hindi marunong magalit. Napakabata rin niyang tignan para isiping kasing edad lang siya ni mama.

Sinuklian ko ng tango si Mrs. Mendez na parang naiilang pa akong tawagin siyang tita. Noong unang pagkikita namin, alam kong nakita niya kung gaano kagaspang ang ugali ko, kaya naman mahirap sa'kin ngayon kung paano kumilos.

At kelan pa ako nagkaroon ng pakialam sa sasabihin o iisipin sa'kin ng ibang tao? Dahil ba sa ina siya ng taong gusto ko na ngayon?

Pinigilan ako ni Nate nang kikilos na sana ako. "Stay here, Deelan. Ako na lang ang kukuha ng pagkain mo."

"Okay." Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi ni Nate, dahil kapalit ng pag-alis niya ay ang pag-iwan niya sa'kin kasama ang ina niya. It would be awkward.

Kung ako pa rin ang dating Deelan, hindi ko siya papansinin. Pero kung hindi na ako ang dating Deelan, mag-eeffort ako na makipag-usap.

"Buti nakapunta ka dito Deelan. You don't know kung gaano ka gustong makita ni Basty sa espesyal na araw niyang ito."

Another one. Hindi ko alam kung anong tingin sa'kin ni Mrs. Mendez sa ginawa kong pagsisinungaling kay Basty.

"Deelan,I'll be frank with you."

Sa pagkakasabi ni Mrs. Mendez, parang nahalata ko ng hindi magiging maganda ang susunod na maririnig ko sa kanya.

"Matagal ko ng kilala ang mama mo, at mabuting kaibigan ko siya. Gusto ko rin si Ceeline at napalapit na siya ng sobra sa pamilya ko. Mabuti siyang bata at wala akong masasabi sa kanya. Kaya nga hindi ako minsan man tumutol sa kanya para sa anak kong si Nate. And you.."

Napalunok ako bigla ng mas sumeryoso ang tingin sa'kin noya sa'kin. Nahahalata ko sa mga tingin niya na hindi niya ako gusto. At mukhang hindi na kataka-taka 'yon lalo na't napagkukwentuhan siya ni Mama tungkol sa kung gaano ako karebeldeng anak noon.

"Deelan," muling pagpapatuloy nito. "Alam naman natin na magkaibang-magkaiba kayong dalawa ni Ceeline kahit na sabihin pang magkambal kayo."

Here we go again.

"Of course." Nagawa ko ring magsalita sa wakas pero napanatili kong kalmado ang sarili ko. "Wala na sigurong sino pa man ang hindi nakakaalam sa bagay na 'yan."

"Pero sana naman, huwag mong gamitin ang nag-iisang pagkakapareho mo kay Ceeline, para guluhin lang ang buhay ng mga anak ko... lalo na si Nate."

Sa lahat na salitang natanggap ko, isa na ito sa mga masasakit. Pero ito ang una sa pagkakataong hindi ako lumaban o nagsalita para ipagtanggol ang sarili ko. Nanahimik lang ako. Ina pa rin siya ni Nate at yokong gumawa ng bagay na mas ikakaayaw pa niya lalo sa'kin.

Bago tuluyang umalis si Mrs. Mendez sa harapan ko, muli pa itong nagpahabol ng salita. "Sana nakuha mo ang gusto kong iparating."

Pagkaalis na pagkaalis ni Mrs. Mendez, parang saka lang nagsulputan ang bigat na dinulot ng mga sinabi niya sa'kin. Parang gusto ko muling magalit kay Ceeline o sa pagkakapareho ng eksaktong mukha namin na parang isang sumpa ang maging kambal niya. Alam kong wala sa alin man sa dalawa ang dapat kong kagalitan, dahil kung meron man, 'yon ay ang sarili ko. Hindi magiging masama ang tingin sa'kin ng ina ni Nate kung umpisa pa lang hindi ko na piniling maging rebeldeng anak.

Bago pa man mamuo ang luha ko, lumapit sa'kin si Basty kaya madali kong tinago ang nararamdaman ko.

"Why Basty?"

Sa halip na sagutin ako, hinila ako ni Basty papunta sa harap ng mga bata. Saka ko rin lang napansin na tapos na pala ang clown sa palabas nito. Ako na ang nasa pwesto nito kanina.

"Thing for me, Thee. Pleath." Makulit na hiling ni Basty na inaabot sa'kin ang isang microphone. "Thing my favorite thong! The one you alwayth thing for me."

The song that Cee used to sing for him? I don't even know.

Yumuko ako para pumantay sa taas ni Basty. "What song?"

Kumunot agad ang noo ni Basty. "You forgot? It'th Butterfly!"

Butterfly? Is that a Nursery song? I have no idea.

"Th-ing now, Thee." Muling hiling ni Basty.

Pakiramdam ko mas mahirap ang sitwasyon ko ngayon kaysa sa sitwasyon ko noon sa theater na si Mrs. Lee ang naninigaw sa'kin.

Paano ko mapagbibigyan si Basty kung hindi ko alam ang kantang sinasabi nito. At sa kaso pa ng mukha niya, mukhang nawawalan na siyang pasensya.

Nag-isip na lang ako ng ibang kantang pambata. Pero iisa lang ang alam ko. "Okay.. I'm going to sing now.."

"Twinkle, Twinkle, Little star. How I wonder what you..."

Kakasimula ko pa lang ng kanta ng sumigaw ng pagtutol si Basty. "No! Not that. I want Butterfly! Butterfly!"

Nagsisimula na akong magpanic sa mabilis na pagbago ng mood ni Basty na malapit ng umiyak.

"I'm sorry, Basty but I don't know that song."

"You know the thong! You know it! It'th our favorite thong!"

Nang tuluyan ng nagsimulang umiyak si Basty, tuluyan na rin akong nataranta dahil di ko alam kung anong gagawin. Ni wala akong ideya kung paano mambola para mapatahan ang isang bata.

"I'm not Cee, Basty. I'm not Cee. Cee's gone. I'm her twin sister." Parang kusa na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon na nagpatahan nga kay Basty, pero mukhang nagpagulo sa utak nito.

Kahit napakabata niya, malawak na ang pang-intindi niya na madaling nakuha ang sinabi ko.

"What are you thaying Thee? You thaid before you're Thee."

Shooot. Hindi ako magaling sa pagpapaliwanag sa bata.

"Cee's in heaven now. I'm just her sister. We have same face because we're twi—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa nakikita kong reaksyon ni Basty na muling naiiyak.

"You lied to me. Liar! Liar!" bigla na lang niyang sigaw sa'kin habang bumubuhos na ang mga luha niya.

Sinubukan kong lumapit kay Basty pero pinagtutulakan niya ako. Hanggang sa lumapit na rin si Mrs. Mendez para kunin at patahanin ang anak.

"What have you done?!" may halong pait ang pagkakabitaw ni Mrs. Mendez ng salitang para na ring nang-aakusa. Hindi rin naman nagtagal ang masamang tingin niya sa'kin nang binalik na nito ang pag-aalala sa sariling anak para patuloy na patahanin.

Pakiramdam ko, daig ko pa ang nahuli sa akto na nang-aabuso ng bata. Gusto kong lumapit muli kay Basty, pero alam kong hindi makakabuti kung gagawin ko pa 'yon lalo na't hindi na maganda ang tingin sa'kin ng ina nito.

I screwed up.

Sa dalawang magkasunod na nangyari ngayon, parang gusto ko na lang umuwi. Nang makita kong papalapit na si Nate, hindi na ako nagdalawang isip na magpaalam sa kanya.

"I'm sorry Nate. I'm so sorry. I'll go now.." matapos kong sabihin ang maikling pagpaalam, patakbo akong dumiretso palabas.

Nang malagpasan ko na ang gate at tuluyan na akong nakalabas sa teritoryo nila, saka rin lang nagsibagsakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigil.

"Deelan,"

Kahit nakatalikod ako, alam kong si Nate ang nasa likod ko ngayon na hindi ko inakalang susunod. Huli na rin para itago pa ang mga luha ko.

"I'm sorry, Nate.. Bigla ko na lang nasabi kay Basty.. Hindi ko alam na... kung anong gagawin ko.. Nataranta nalang ak—"

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko. Ni hindi ko masabi ng diretso at maayos. Tuluyan na lang akong napaiyak na parang bata.

Hindi ko alam kung galit sa'kin si Nate dahil sa napasama ko ang loob ni Basty sa mismong kaarawan nito. Pero nang naramdaman ko ang akbay niya sa balikat ko, gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

"It's okay. Kung inaalala mo si Basty, magiging okay din siya. Huwag mong isipin na kasalanan mo. Dahil hindi kita sinisisi. Walang sino man ang sumisisi sa'yo."

Mali si Nate. Dahil sinisisi ako ng ina niya. Sinisisi pa rin ng tao ang nakaraan ko. At kung ano ako ngayon.

"Hindi ako magaling sa bata. Ni hindi ko alam kung paano magpatawa at magpatahan ng umiiyak na bata. Kahit nga sa sarili kong pamangkin hindi ako naging malapit..." Pinunas ko ang natitirang luha sa mata ko. "Ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko kung gaano ako ka-useless na tao."

"Don't say that..."

"It's true. Wala akong alam sa lahat ng bagay. Ang alam ko lang pahirapan ang mga tao sa paligid ko. Dahil hindi ko matanggap sa sarili ko noon na ako ang may kasalanan sa pagiging miserable ko, kay Ceeline ko binunton ang galit at hinanakit ko."

Mahirap makawala sa kung anong naging ako. Hindi ko mabubura sa lahat ng tao ang pagiging masamang anak ko. Napapagod na rin nga akong ipagtanggol ang sarili ko sa iba lalo na't alam kung may punto sila.

"We are who we are for a lot of reasons, Deelan. Pero hindi natatapos ngayong araw ang kung ano sa tingin mong naging ikaw. Marami pang bukas. You can still do things, Dee. I know you can..."

Sa pangalawang pagkakataon narinig ko muli mismo kay Nate ang salitang kailangan ko. May tiwala siya sa'kin. Naiintindihan niya ako.

Hindi ko na napigilan pang yumakap kay Nate. Nang naramdaman kong tinanggap ng braso niya ang yakap na kailangan ko, biglang parang nawala ang pag-aalinlangan ko sa sarili ko. Pakiramdam ko, espesyal na tao ako... at may taong handang tumanggap sa kung ano ako.

Tanggap ako ni Nate. Hindi niya ako tinitignan bilang si Cee. Parang sinadya lang talaga na makilala ko siya.



----------------------------------------------------------

Pakaingatan ang puso, baka masaktan. Walang happy ending! Walang forever!


Walang-Forever believer,

pople.

----------------------------------------------------------


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top