14

FOURTEEN

"Di mo alam kung ilang tao ang pinaiyak mo kagabi, Dee. Kasali na ako." Bungad ni Gleigh sa'kin pagkasakay na pagkasakay ko pa lang sa kotse nito.

"Di ko rin nga na mangyayari 'yon. Bigla na lang ako nagkalakas ng loob na kumanta kahit hindi ko alam kung anong kalalabasan. Well, thanks to Kiesha and Erika."

"Wag ka ngang pahumble, di ako sanay na ganyan ka, at lalong di bagay sa'yo." Tahasang sabi ni Gleigh, pero sandali itong nahinto para may linawing bagay. "Kiesha at Erika? Ano naman ang ginawa nila?"

Wala pa akong napagkukwentuhan tungkol sa planong pagsasabotahe ng dalawang kontrabida sa buhay ko. Nakalimutan ko na sila at ngayon ko rin lang sila naalala at ang atraso nila.

"Alam kong may kinalaman sila nang magkaroon ng problema. Plano nilang pahiyain ako. At nakita ko kung paano silang dalawa magtinginan."

Awtomatikong nanggigil sa inis si Gleigh na mukhang mas apektado na ngayon kaysa sa'kin. "Mga demonyitang 'yon!"

"Gleigh, okay lang 'yon. Mas masarap isipin na ang plano pa nila ang naging dahilan para maipakita ko ang sarili kong kakayahan."

"You're right. Sigurado akong pinagsisisihan na nila ang ginawa nila. Para ka lang nilang binigyan ng ticket to stardom."

Stardom.

Di ko na napigilan pa ang ngumiti. Pakiramdam ko nasa right timing lang ang lahat na nangyayari. Hanggang ngayon, umaapaw pa rin ang kasiyahan ko. Kaninang umaga lang, ramdam na ramdam ko ang pagiging anak na may tunay na magulang na nagtatanong kung kumusta na ang pag-aaral at kalagayan ko. Umaayon na ang lahat sa ayos. Sana kasama na roon si Nate. Ang taong magbibigay kulay sa magiging love life ko.

"Hello... Earth to Dee!"

Hindi ko namalayan na napalayo na pala ang pag-iisip ko at wala na akong ideya sa kung ano at saan na ang pinag-uusapan namin ni Gleigh.

"Ba't parang sobra naman sa luwang ang mga ngiti mong 'yan?" mapang-intrigang tanong ni Gleigh.

"I'm just happy." Awtomatkong sagot ko.

Gusto ko man sabihing si Nate ang dahilan, pero pipiliin ko na lang na 'wag munang sarilinin. Baka kasi tumutol lang siya sa kung ano mang pausbong na nararamdaman ko.

Hindi na rin naman siya nagtanong pa o nangintriga na mukhang naniwala naman agad sa sinabi ko. Ilang sandali lang nang nasa Circle High na kami at sa pagpasok ko palang halata na iba na ang tingin nila sa'kin kung ikukumpara sa nagdaang linggo. Sa isang iglap, nabura sa isip nila ang pagiging malanding babae ko.

Parang gulong lang, ang dating nasa ilalim ay pumaibabaw na naman.

14 point ONE

"Anong meron?"

Muntikan na akong mapatalon sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Gleigh habang abala ako sa pag-aayos ng sarili ko sa harapan ng salamin. Tapos na ang huling klase at oras na para makita ko si Nate gaya ng usapan namin.

"Nothing." Kibit balikat ko matapos kong binalik agad sa loob ng locker ang dalawang sandata ko. Perfume at lipgloss.

"Really?" mas lalong nagsuspetsa ang mga mata ni Gleigh sa naging sagot ko. "May pinapagandahan ka? May date ka? Sino?"

"Wala nga. What's wrong with this?" pagtuturo ko sa mukha ko na may kaunting bahid ng pampaganda. "I'm a girl. It's normal. Mas magulat ka kung si Jacobo ang makita mong ganito."

Hindi natawa si Gleigh sa biro ko. Mas sumeryoso lang ang mukha niya. "Dee, narinig ko na nagpatulong ka kay Nate para sa studies mo—"

"And what's wrong with that too?" agad na putol ko sa kanya. "Wala naman sigurong masama kung may gagawin ako para mapataas naman ang grades ko diba?"

"I know." Tumahimik na muli si Gleigh pero alam ko na sa mga tingin nito, may hindi siya gusto sa nangyayari.

Hindi ko siya masisisi kung hindi man magandang ideya sa kanya ang mapalapit ako kay Nate. Alam ko naman na nasa kay Cee pa rin ang loyalty niya. Pero pinagpapasalamat ko na rin na hindi siya tumutol o nagsalita ng kung ano man dahil siguradong hindi rin naman ako makikinig.

Matapos kong magpaalam kay Gleigh, dumiretso na ako kay Nate na nauna na sa'kin at kasalukuyang naghihintay.

"Sorry, ako pa talaga ang nahuli, Sorry." Agad na sabi ko.

Ngumiti si Nate na napapansin kong hindi na maramot sa'kin ngayon sa pagbibigay ng ngiti. Napangiti na rin ako.

"Wow. You just used two SORRYs in one sentence. You're improving. Not to mention na hindi kana nauutal o napipilitan."

Mas lalong lumuwang pa ang ngiti ko. "Pwede na PO ba tayong magsimula?"

"I like your attitude today. You just impressed me."

Kinilig ako bigla.

Para akong lumutang sa sinabing iyon ni Nate. Naramdaman ko na lang na nag-init ang pisngi ko. Di ko alam kung paano ko itatago ang pamumula ko nang mapansin kong hindi naman pala kailangan dahil hindi siya nakatingin sa'kin. Nakatutok ang mga mata nito sa librong kasalukuyan na nitong binubuklat.

Umupo na rin lang ako sa tabi niya at sinadya kong iklian ang distansiya na nakapagitan sa'ming dalawa.

Hindi ko alam kung sa buong pagpapaliwanag ni Nate sa mga mahihirap na equation ay may nasagap akong kahit isa. Hindi ako makapagfocus sa lagay ko. Sa tuwing aksidenteng sasagi ang balat ko sa balat niya, nawawala ang konsentrasyon ko sa sinasabi niya. Kaya naman natapos ang oras na wala akong naintindihan kahit isa.

"Clear na ba sa'yo ang lahat Deelan?.. Dee?"

Kinurap ko ang mata ko ng ilang ulit. "Huh?"

Natigil ang pagligpit ni Nate ng gamit. "Nakinig kaba?"

"Oo naman." Positibong sagot ko kahit wala akong nasalo kahit isa. "Where are we?"

"We're done." Kunot-noong sabi ni Nate na nahuli lang naman ako na hindi talaga nakinig.

Napanganga ako sa pagkapahiya. "Oh."

Sa nakikita ko ngayon kay Nate, mukhang nawala na ang magandang impression niya sa'kin. "Deelan, are you serious about this? 'Cause it looks like you're not—"

"I am." Pag-aagap ko. "I'm sorry. Hindi lang talaga ako sanay na nag-aaral kaya nag-aadjust pa ako. I mean.. di ko makontrol na lumipad ang utak ko kung saan. Nakatutok naman ako sa umpisa, pero bigla't bigla, lumilipad lang talaga."

Alam kong, nadissapoint ko si Nate dahil parang pinakita ko na ring wala akong interes o hindi na ganoong kadeterminado, kaya naman hindi ko inaasahan ng ngumiti si Nate.

"Bakit?" wala akong ideya kung para saan ang ngiting niyang 'yon.

"Di mo makontrol na lumipad ang utak mo kung saan?" parang hindi makapaniwalang saad nito. Pero walang bahid na pang-iinsulto o disappointment sa tono ng boses niya.

"Bakit? Hindi ba 'yon nangyayari sa'yo Nate? Kahit sa gitna ng klase, hindi ba nangyayaring nawawala ang focus mo at namamalayan mo na lang na iba an ang laman ng isip mo gaya ng pagkain, artista o kung ano pa man?"

Umiling si Nate. "No."

"Well, I think that's a gift. At isa ako sa hindi nabiyayaan. Wala akong pinagkaiba sa may ADHD or Dyslexia."

Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Nate na parang nag-eenjoy na nakausap ako.

"Mukhang malapit na akong maniwala." Muling sagot ni Nate habang pinagpapatuloy na niyang ligpitin ang mga gamit.

"Na may ADHD or Dyslexia ako?"

"Na gifted ako."

Sabay kaming tumawa ng malakas. Bawat halakhak ko ay ramdam ko ang pagiging espesyal ng araw na 'to. Bukod sa ngayon rin lang ako ulit tumawa ng ganito, ngayon rin lang ako nahulog ng ganito sa isang lalaki.

I really like him.

14 point TWO

Sa sumunod pang araw na nakasama ko si Nate sa pag-aaral, mas naging masaya at makahulugan ang araw ko. Hindi ko makakailang nawawala pa rin ang focus ko minsan dahil sa kanya mismo ako nadidistract. Pero masasabi ko naman kahit papaano na may napupulot naman akong impormasyon mula kay Nate at sa matiyagang pagpapaliwanag niya. Mas lalo rin nadaragdagan ang paghanga ko sa galing niya.

"Where's Nate?" tanong ko kay Jacobo na siya pa lang na kasama namin ngayon ni Gleigh sa isang table. Hindi ko mapigil na tumingin kada segundo sa entrance ng cafeteria sa paglitaw ni Nate.

"Kasama ni Sam. Susunod na rin 'yon." Sagot ni Jacobo na napansin kong nakikipagpalitan ng tingin kay Gleigh na mukhang hindi ko na dapat pang hulaan kung para saan.

"What?!" sita ko sa kanila para tumigil na sila at ginawa rin nga nila.

Nang magsimula si Jacobo sa pagkukwento tungkol sa banda at preperasyong ginagawa nila para sa nalalapit na battle of the band, may biglang pumasok sa isip ko.

"Jacobo," pagpuputol ko sa kasalukuyang sinasabi nito. Pati si Gleigh ay napadako na rin ng tingin sa'kin para sa sasabihin ko. "Naisip ko lang, 'yong pangungulit mo sa'kin noon na sumali sa banda—"

"Dee!" putol agad ni Gleigh na halatang hindi sang-ayon sa hindi ko pa natatapos na pahayag. "Alam mo naman siguro na hindi na bakante ang posisyon dahil si Sakura na ang pumalit."

Bigla rin akong natahimik. Sa sinabi ni Gleigh parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko, pero nabago ulit 'yon sa naging reaksyon ni Jacobo na maluwang na nakangiti.

"Babe, walang masama sa gusto ni Dee." Kulang na lang pumalakpak si Jacobo sa saya. "Isa pa, kung ang makakabuti sa banda ang pagsali ni Dee, walang magiging problema."

"Paano si Sakura?" muling tutol ni Gleigh. "Isipin niyo na lang kung anong mararamdaman ng tao kung basta na lang aalisin para palitan."

"Ano ka ba, Gleigh!" hindi ko na napigilang sitahin siya. "Kay Sakura kaba talaga nag-aalala? O may iba pa?" makahulugan ang binitiwan ko, dahilan para magkaroon ng tensyon sa pagitan namin.

Sa dumaang araw kasi, alam kong nahahalata ni Gleigh ang mas pakikipaglapit ko kay Nate. Bagay na umpisa pa lang pinaalalahanan na niya ako na hindi dapat.

Inabot ni Gleigh ang kamay kong nakapatong sa mesa pero agad ko ring binawi. Tinignan niya ako, "Dee naman..."

Hindi ko kayang gayahin ang pagiging mahinahon at malambing ni Gleigh. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa harapan saka nagsalita. "Sabihin mo na kasi Gleigh na mas inaalala mo pa rin si Cee. Dahil inaagaw ko sa kanya si Nate! At dahil loyal bestfriend ka niya, pakiramdam mo may dapat kang gawin para ilayo ako sa pinakamamahal niya. Gleigh, Ang babaw mo... Ang babaw ng dahilan mo!"

Hindi na nakakagulat pa kung nasa mesa na namin nakatingin ang lahat dahil sa lakas ng boses ko. Sadyang hindi ko lang talaga makontrol ang sarili ko tuwing naiinis o nagagalit ako.

Nang muli kong ibalik kay Gleigh ang tingin ko, direktang nakatingin rin siya sa'kin pero wala akong makita na may hinanakit siya sa sinabi ko. "Yon ba talaga ang tingin mo sa'kin, Dee? Mababaw?"

"Ano sa tingin mo ang mas bababaw pa roon?"

Kahit si Jacobo ay napapabaling baling na lang tingin sa'ming dalawa. Hindi na rin nito alam kung paano kami susuwayin.

"Malalim 'yong dahilan ko Dee. Dahil kung may inaalala man ako, ikaw 'yon. Ayoko lang na masaktan ka."

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa naririnig ko sa kanya. "At paano naman mangyayari 'yon?"

"Dahil nilalagay mo na naman ang sarili mo sa posisyong pinakaayaw mo. Ang maging kakompetensiya si Cee."

Hindi ako agad nakapagsalita. Tinamaan ako sa sinabi ni Gleigh. Ang maging kakompetensiya si Cee sa puso ni Nate.

Para akong sinampal ng mga salitang nanggaling sa kanya. Pero wala akong balak magpaapekto. Hindi.

Sa halip na matauhan o makumbinsi, mas lalong lumaki ang inis ko kay Gleigh.

"Patay na ang kakambal ko. Ako ngayon ang buhay. Sa ayaw at gusto mo o ni Nate o ng ibang tao... wala na siya!"

Tumayo ako at lumabas sa Cafeteria.

Hindi niya alam ang eksaktong tinatakbo ng isip o nararamdaman ni Nate. Paano kong possible ngang magustuhan rin niya ako? Sa lahat ng tao, si Nate lang ang tumingin sa'kin bilang si Deelan Morgan. Umpisa pa lang alam na niya na hindi ako si Cee at malayo ako na maging si Cee. Sa kabila ng pagiging magkakamabal namin, magkaibang tao kami... at alam ko, ganun ang tingin ni Nate.

14 point THREE

Matapos ang nangyari kanina sa naging sagutan namin ni Gleigh, hindi na kami muling nagpansinan pa sa gitna ng klase. Wala rin akong narinig na kung ano kay Nate na mukhang hindi naman nakuwentuhan ni Jacobo sa kung anong nangyari.

Habang nakatalikod ang History teacher namin, napabaling ako kay Nate na kinalabit ako. Wala siyang ideya kung anong kuryente ang dinudulot sa'kin ng simpleng tapik niya.

"Sorry, pero hindi ako pwede mamaya."

Bigla akong nagpanic sa sinabi ni Nate. Di ko mapigilang isipin na may alam na siya sa nangyari kanina kaya bigla na lang siyang umatras ngayon.

"Bakit?" tanong ko na hinahanda ko na rin ang sarili ko sa magiging sagot niya.

Sinigurado muna ni Nate na hindi pa nakaharap ang teacher namin bago muling sumagot. "Basty's Birthday."

Awtomatikong lumuwang ang ngiti ko dahil sa mali ang akala ko. "Wow. Really?"

"Yeah. May birthday party siya sa bahay. You want to come? 'Yon ay kung mahilig ka sa kiddie party."

"Of course. Mahilig ako diyan." Ni minsan hindi ko pa nakahiligan ang pambatang birthday party. Pero handa akong baguhin 'yon ngayon.

Nang muling humarap ang guro namin, natigil na rin ang pag-uusap namin ni Nate. Nasa harapan na muli ang atensyon naming lahat, pero di ko parin mapigilang mapangiti. Hanggang sa napansin ko na lang na tinititigan pala ako ni Gleigh. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at hindi na siya pinansin pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top