12

: TWELVE

Nang magising ako kinaumagahan, parang balik na naman ako ulit sa sarili ko. Wala na ‘yong mg bagay na naramdaman ko kagabi na parang nabura na lang lahat. Inisip ko na lang na panaginip ang nangyari.

Makapal pa rin ang mukha ko na nakikain ng agahan sa hindi ko sariling pamamahay. Nakisabay na rin ako kay Nate papasok ng school para makalibre. Wala pa ring nababago sa pagiging pulubi ko dahil mukhang manlilimos na naman ako mamaya. Sana lang pumasok na si Gleigh, pero kung hindi man, mukhang magiging madali na lang sa’kin ngayon ang makiusap kay Nate dahil alam naman niya ang kondisyon ko.

Napansin ko lang na matapos ang nangyari kagabi, wala pa rin namang nababago sa pakikitungo ni Nate namay pagkamasungit pa rin. Pero pinagpapasalamat ko na rin na hindi siya nagalit sa pagsisinungaling o panloloko ko sa kanya.

Dahil nakagawian na ni Nate ang maagang pagpasok dahil parang ang banda na ang first period nito, napasunod na rin lang ako sa kanya. Naroon na rin si Jacobo.

“Magkasama kayo?” puna agad ni Jacobo sa sabay naming pagpasok. “Getting close?”

“No. Nagkataon lang.” maagap na sagot ni Nate na pumwesto agad sa tabi ni Jacobo saka sinuot ang guitara.

“Papasok na ba ngayon si Gleigh, Jacobo?” tanong ko bago nila simulan ang pagtugtog.

“Mukhang hindi pa. Pero magaling na rin siya. Kaunting sinat na lang.”

Napabuntong hininga na lang ako.

Maya-maya lang my pumasok rin na isng babae na hindi ko kilala. Naka-ponytail ang bukok, kasing tangkad ko,slim at singkit ang mata na parang may halong Japanese na lahi.

“Hi, Sakura!” Bati ni Nate at Jacobo sa babae na sa pangalan pa lang ay mukhang tama nga ako sa hinala.

Ngumiti ang babae at bumati rin pabalik. Bago siya dumiretso sa center stage tumigil muna siya sa tapat ko. “Hi, Dee. I’m Sakura. Pareho tayong klase sa Literature.”

Mukhang hindi ko na kailangan pang magtaka kung bakit niya ako agad kilala. Sikat lang naman ako sa bawat klaseng pinapasukan ko dahil sa laging inaanunsyo ang pagiging bagsak ko sa nakukuha kong pagsusulit.

Nang dumiretso na si Sakura papunta sa unahan at pumwesto na rin sa tapat ng microphone, saka ko na rin lang nalaman kung sino siya. Siya ang bagong papalit sa puwesto ni Cee sa banda.

Nang magsimula na silang magpraktis, nakinig na rin lang ako sa kantang A Thousand Miles na medyo iniba nila ng konti ang arrangement sa original version. And it really works dahil magandang pakinggan at mas nagkabuhay. Pero alam kung may kulang pa,dahil wala si Sam, bakante ang isang tutog ng instrument.

Wala pa man sila sa chorus part, bigla silang tumigil. Napansin ko na lang na nakatingin sa’kin si Nate. “Dee,” tawag nito.

“Bakit?

“Wala pa kasi si Sam, pwede bang ikaw munang pumalit sa pwesto ko.”

Naintindihan ko agad ang gustong sabihin ni Nate. Ako ang muna pansamantalang magpa-piano dahil wala pa si Sam at malinaw na hindi rin kumpleto ang perpektong musika ng kanta.

Hindi ko alam kung papayag ako sa gusto ni Nate. Pero bigla ko na lang nakita ang sarili ko na humakbang palapit sa kanila at pumwesto sa kaninang posisyon ni Nate habang nasa kabila naman ito para sa guitar. Si Jacobo ang drummer, at halatang nasurpresa ito na marunong din pala ako. “Morgan ka nga pala. Hindi ka man biniyayaan ng boses, nasa dugo mo pa rin ang musika.” Komento nito.

Nang nagsimula na ang kanta at nagsimula na rin ang pagtugtog ko, parang kakaibang enerhiya ang naramdaman ko. Masarap ang pakiramdam na parang tanging kalayaan at kasiyahan lang ang pumupuno sa pagkatao ko. Hindi ako makapaniwala na nangyayari sa’kin ngayon ang pinapangarap ko lang noong bata pa ako. Sumusunod sa ritmo ang bawat galaw ng katawan ko na natural na lang lumalabas. 

12 point ONE

Matapos ang sunud-sunod na klase ko sa umaga, muling bumalik ang pinoproblema ko. Lunch.

Kailangan kong hanapin ngayon si Nate para magpalibre o mangutang para sa tanghalian. Sa Cafeteria na ako unang pumunta at doon ko na rin nga nakita ang taong hinahanap ko. Kasama niya ang dalawang hindi ko kilalang lalake, si Jacobo, Sam at Sakura, kaya parang nakaramdam na lang ako ng hiya. Paano ako manlilimos kay Nate ngayong napapalibutan siya ng kasama niya. Nakakahiyang malaman nila.

Sa halip na pumunta, pinili ko na lang na umatras. Pero sa oras naman ng pagtalikod ko, saka naman tinawag ang pangalan ko niJacobo.Kaya wala rin akong nagawa kundi ang lumapit sa kanila.

“Subukan mong ma-late muli, Sam. Maaagaw na sa’yo ni Dee ang pwesto mo sa banda.” Pagbibiro ni Jacobo sa kaibigan.

Nagpatuloy ang kwentuhan sa sumunod na minuto. Hanggang sa napansin ako ni Sakura. “Dee, ba’t di kapa kumuha ng pagkain mo?.”

“Oo Dee. Hindi kapa kumakain diba.” Dagdag ni Sam.

Shooot. Ba’t kailangan pang ianunsyo. 

“Ahmm. Mamaya na lang.” simpleng sagot ko. Ipinagdarasal ko na lang na huwag na lang nila akong pansinin o pilitin pa.

“Baka maubusan ka ng pagkain.”

“Wag niyo na lang ako alalahanin. Kakain rin lang ako kung kelan ko gusto.” Hindi ko na napigilan ang magtaray para hindi na sila mamilit pa.

Tumigil na nga sila nang mapansin ang pagbago ko ng mood. Pero siya rin namang pagtayo ni Nate at umalis ng walang sinasabi.

Nagulat na lang ako ng bumalik siya makalipas ang ilang sandali at may dalang tray ng pagkain.

“Kumain kana.” Saad ni Nate nang ilapag ang pagkain sa harapan ko.

Wala akong nasabi agad. Gusto kong magpasalamat pero walang lumabas na salita sa labi ko. Hindi pa rin ako sanay na sinasabi ang magic words. Nang tinignan ko si Nate, nakatalikod na siya paalis ng cafeteria.

Naiwan ako kasama ang mga nag-uusisang tanong particular na si Jacobo at Sakura.

“What was that?” pinangunahan ni Jacobo ang pang-iintriga. “Getting closer?”

Hindi ko pinansin anf sinabi ni Jacobo. Mali sila ng iniisip. At wala akong balak sabihin na ginawa ito ni Nate dahil siya lang ang nakakaalam na mahirap pa ako sa daga ngayon.

“Is there something between the both of you?” prankang tanong ni Sakura sa’kin. Halatang may disappointment sa mata nito. I can tell, may gusto siya kay Nate.

“Wala.” Sinubo ko na lang ang pagkaing nasa harapan ko.

“Then, bakit?..”

“Kayo lang ang gumagawa ng malisya.” Muling depensa ko.

“You can’t blame us. Ngayon lang ulit nangyari ‘to na may pinagsilbihan si Nate na babae.” Nakisali na rin si Sam.

“Well,” di naman masama kung gagawa ako ng dahilan. “Dahil nakikita niya sa’kin si Cee. That’s all. I assure you, wala talaga.”

Parang umaliwalas ang mukha ni Sakura sa sinabi ko. “Okay. Paniniwalaan na lang kita diyan.”

“So, you like Nate?” bwelta ko sa kanya na ikinamula ng pisngi nito.

Blushing.

“Confirmed.” Ako mismo ang sumagot.

12 point TWO

Nang matapos ko ang lunch ko na sponsored by Nate, parang hindi ako makatayo sa busog. Naubos ko ang lahat ng pagkain at walang itinira dahil masyado lang talaga akong gutom gawa ng hindi ko pagsnack kaninang snackbreak.

Hindi ko pa man masyadong gusto si Sakura, siya ang naiwan kong kasama matapos maunang umalis sina Jacobo. Bago tuluyang pumunta sa klase, dumaan muna kami sa CR.

Mas lalo pang nadagdagan ang hindi ko pagkagusto kay Sakura, nang mag-umisa siya ng pagkuwento kung gaano niya kagusto si Nate noon pa man. Ilang ulit na si Nate ang naging bukang-bibig nito na ikinapagod ng tenga ko. Kaya matapos magretouch, at ito naman ang umihi, sinamantala ko na ang pagkakataon na iwan ito na hindi nagpapaalam sa kanya.

“Dee..”

Napalingon ako nang may tumawag sa’kin sa hallway. Si Adela.

Ngayon ko rin lang ulit siyang nakita matapos nangyari noong isang araw sa theater.

“Hi, Adela.” Bati ko sa kanya.

“Kanina pang umaga pa kita hinahanap.”

“Why?”

Ngumiti muna si Adela bago sumagot. “Pinababalik kana ni Mrs. Lee sa Theater.”

“What?!” gulat na tanong ko. Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa. “Pinaglalaruan mo ba ako?” Kung aalalahanin ko ang eksaktong sinabi ni Mrs. Lee, parang mahirap naman yatang paniwalaan.

“You heard it right. ‘Cause like what I said before, we really need you. You’re the perfect replacement for Cee’s spot. At kahit ano pang kapalpakan ang nagawa mo, ikaw talaga ang kailangan sa role. Three weeks na lang ang natitira sa’tin, before the event. Gusto kang makita ni Mrs. Lee. Let’s Go?”

___________________________

pople: Abangan ang PLAY!!!! Eto na ‘yon.. Ano ang mangyayari sa performance ni Dee?! Paano kung may sabotage na mangyari?..  tsk tsk tsk! Shooot!

___________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top