11

ELEVEN

Pagkapasok ko ng Circle High, si Gleigh na ang unang hinanap ko. Ta-tatlong piso nalang ang laman ng bulsa ko, kumukulo pa ang tiyan ko. Hindi ako naghapunan kagabi kaya kailangan ko ng makakain para sa pang-agahan.

I hate this feeling. Mahirap pa ako sa daga.

Natigil ang paghahanap ko kay Gleigh nang malaman kong hindi pala siya papasok. "Absent? The hell. Sa dinami-dami ng petsa sa kalendaryo.. Ba't ngayon pa?!"

Shooot her! Hindi ako manlilimos sa kung kanino man dito.

Halos namomroblema na ako kung paano mabubuhay sa buong araw na 'to na walang pagkain nang bigla pang dumagdag sa trahedyang umaga ko si Alex.

Kahit dumadaloy pa rin sa dugo ko ang kagustuhang makaganti kay Alex, kusang ang katawan ko ang tumatanggi sa ideyang iyon. Baka tuluyan lang akong matuyuan ng dugo dahil hindi lang pera, kundi enerhiya ang paubos na sa'kin.

"Deelan, pwede ba kitang kausapin?"

Hindi ko alam kung anong merong pakulong niluluto si Alex dahil pumasok ito mismo sa klase namin na nakapwesto pa sa unahan habang nakaharap sa lahat na naroong estudyante.

Isang himala na hindi ako sumigaw, o nagwala sa galit sa oras na 'to. At mas kahima-himala pa nang wala akong sinabi na kahit isang salita at pinili kong umupo sa pwesto ko na parang walang naririnig..

...dahil ang totoo, gutom na gutom na ako. At kung bubuka man ang bibig ko, para lang 'yon sa pagkain.

"Ms. Deelan Morgan,"

Napatingin muli ako kay Alex na kagulat gulat ang masyadong kapormalan ng pagtawag nito na parang noong biyernes lang ay binastos ako ng walang'ya.

"I'm sorry sa nagawa ko." Lumuhod pa si Alex na hindi sumagi sa isip ko na magagawa ang bagay na tulad nito. "I'm so sorry kung binastos at nabastos kita. Please, forgive me!"

Napanganga at naintriga ang buong klase sa kasalukuyang ginagawa ni Alex. Halos palibutan kami ng lahat na nakiki-osyoso.

"At bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Saang bato kaba nauntog? Para naman iuntog ko rin doon si Erika."

"I'm so sorry, Deelan. Patawarin mo na ako. Gagawin ko kung anong gusto mo."

Natigilan ako. May konsensya rin pala ang maniac na lalakeng 'to. "Gagawin mo ang gusto ko, kapalit ng kapatawaran ko?" Parang sa isang iglap, nagpadala sa lupa ng anghel na may sungay na sasagot sa urgent needs ko. "Dalhan mo ako ng pagkain, ngayon mismo."

Nagmamadaling umalis naman si Alex na mukhang seryoso nga sa paghingi ng tawad. Pero kung nagkataon lang na may laman ang tiyan ko ngayon, mahirap na bagay ang pagagawin ko sa kanya gaya ng pagpapakamatay.

Bumalik si Alex na dala ang nakakatakam na pagkain. Pero mautak din ang aso na parang may expiration ang sinabing gagawin ang gusto ko.

"So, here's your food. Sana naman nakabawi na ako."

Matapos iabot sa'kin ang pagkain, agad na rin itong umatras para umalis. "Wait," pagpipigil ko kay Alex na hindi pa abswelto sa ginawa sa'kin. "May dapat ka pang gawin..."

"Humingi na ako ng tawad at ginawa ko na ang gusto mo. Wala na akong dapat pang gawin para sa'yo, Deelan."

"Ganyan ba ang humihingi ng tawad? Parang napipilitan ka nga lang. Sabihin mo nga, what was that show all about?"

"Simpleng paghingi ng tawad. 'Yon lang." tuluyan ng tumalikod si Alex at umalis ng classroom.

Hindi basta mawawala ang kasalanan ni Alex sa akin nang dahil lang sa isang sorry at pagkain. Pero hindi ko maitatanggi na dinagdagan niya ng ilang oras ang buhay ko dahil sa pagkain. Problema ko na lang ang susunod pang tanghalian.

Bago ko pa man magalaw ang hulog ng langit na pagkaing nasa harap ko, natigilan ako sa taong nakatayo ngayon sa harapan ko. Mas ikagugulat ko ngayon kung gagawin rin nito ang ginawa ni Alex kanina lang.

"Luluhod ka rin ba sa harapan ko at hihingi ng tawad? Go on.. I'm waiting."

Gaya ng inaasahan ko tumaas ang kilay ni Erika na walang balak gawin ang sinabi ko. "In your dreams." Pinagkrus pa nito ang braso na mukhang balak magpaka-santa ng mukha. "Ano bang palabas ang nasaksihan namin kanina lang? Mukhang hindi na ako magtataka kung anong kapalit ang ipinangako mo kay Alex. Sex?"

Kung kanina tiyan ko ang kumukulo, ngayon parang nalipat bigla sa dugo ko. Mas hindi ko nagustuhan nang nakita ko ang reaksyon ng buong klase na nalason ng malisyosong pamamaratang ni Erika. Kaya sa tindi ng galit ko, walang pagpipigil na hinila ko ang buhok ni Erika.

"Gusto mo ng take two?" habang hawak ng kanang kamay ko ang buhok niya, nakahanda naman mula sa kaliwa kong kamay ang pagtapon ng 'di pa nagagalaw na pagkain sa mismong pagmumukha niya. "Alam mo ba kung saan ko na 'to ipapasok? Sa mismong ilong mo na didiretso sa utak mo ng magkalaman naman."

Ang totoo wala na akong balak ituloy ang gagawin ko at bigla kong naisip kung gaano kahalaga sa'kin ngayon ang pagkaing hawak ko. Pero nang tangka ko ng ilalapag ang pagkain, bigla itong inagaw ni Erika at tinapon sa mismong pagmumukha ko.

"Binabalik ko lang sa'yo ang ginawa mo sa'kin. Gusto kong maramdaman mo ang pakiramdam ng inaapi. Malandi!" Naluluha-luha ang pakakasabing iyon ni Erika na muling kinukuha nag simpatya ng lahat.

Bigla akong naaalibadbaran sa pagmumukha niya at sa kadramahan nito. Sino ang hindi iinit ang ulo kung ang nag-iisang pagkain na bubuhay sayo sa isang araw ay nawala pa? At dahil diyan, World War Four na 'to.

Handang-handa na sana akong gumanti nang, isang eraser ang tumama sa likod ko na kagagawan ng isa sa kaklase ko na dalang-dala sa pag-arte ni Erika.

"Malandi!" pagbabato nito ng salita sa'kin.

At mas ikinagulat ko pa nang nasundan pa ng muling pambabato ng mga chalk na kagagawan na ng halos ng lahat na nakikisali na rin.

"Malandi! Malandi!" sabay-sabay na chant ng mga ito na napapalakas na.

Wala na akong nagawa kundi ang yumuko at harangan ng sarili kong mga kamay ang bawat chalk na binabato sa'kin.

Gusto kong kaawaan ang sarili ko habang pinagtutulungan na walang kalaban-laban sa dami nila. Hindi masakit ang mga maliliit na chalk na tumatama sa'kin, pero ang masakit lang naman ay ang ganitong pinagkakaisahan ako.

Habang tumatagal ang hindi nila pagtigil sa ginagawa sa'kin ng lahat, mas pinanghihinaan ako ng loob. Sa isang iglap nawalan ako ng tapang na lumaban. Kahit gusto ko silang sigawan at ipakita na hindi ako naaapektuhan, hindi ko na magawa 'yon ngayon.

Bigla na lang ako sumuko na tanging pagprotekta na lang sa ulo ko ang tangi kong nagagawa. Hanggang...

Bigla na lang timigil. Bigla't bigla wala na akong nararamdamang pambabato. Ganoon din ang ingay na kaninang nililikha ng lahat.

Nang idinilat ko ang mga mata ko, may isang taong pumapagitna sa mismong unahan ko na siyang nagpatigil sa lahat. Si Nate?

"Gusto niyo bang sabay-sabay tayong pumunta ngayon sa Principal's Office?" Biglang ikinatakot ng bawat estudyanteng nakiisa ang pahayag ni Nate. "Malinaw na bullying ang ginagawa niyong LAHAT!"

"Nagkakatuwaan lang kami, Nate.." pagsingit ng isa.

"Katuwaan? Sa tingin niyo natutuwa pa ba si Deelan?"

Wala ng kahit sino pa ang nakuhang magsalita maliban kay Erika na humakbang pa paunahan at kampanteng nagsalita. "Inunahan ko lang si Deelan sa balak niya sa'kin. Pinagtanggol rin lang ako ng lahat sa pang-aapi niya." Sumabay na rin ang pagsusuporta ng lahat kay Erika habang tahimik lang ako.

Gusto ko ring magsalita at ipagtanggol ang sarili ko, pero mukhang hindi na rin kailangan. Sa unang pagkakataon, may taong gumagawa para ipagtanggol ako. Pero hindi ko lang alam kung pagkatapos nito ay susumbatan rin lang ulit ako ni Nate tulad noong biyernes.

"Really Erika?" sumbat ni Nate na muling ikinatahimik ng lahat. "Sa tingin mo ba hindi mo siya tinulak na magalit sa'yo? Erika, you insulted her. At 'yon ang naging simula kaya humantong sa ganito."

Parang biglang lumambot ang puso ko sa narinig ko. He's really defending me...

Gusto kong mag-isip kung bakit at paanong biglang nangyari ang pagtatanggol at pagpoprotektang ito sa'kin ni Nate. Noong isang araw lang, hindi ako nito pinaniniwalaan at mas pumanig pa ito kay Alex. But he's on my side now.

Biglang natigil ang pag-iisip ko nang hinila ako ni Nate palabas ng classroom habang hawak-hawak ang braso ko.

Nagawa ko lang siyang tanungin nang nakalayo na kami. "Why did you do that?" Hindi ko pa rin makuha kung bakit biglang bumait ng ganito sa'kin si Nate.

"Mali ang ginawa ni Erika at ng buong klase sa'yo."

"What if tama sila at ang iniisip nila sa'kin. Diba 'yon rin naman ang tingin mo sa'kin noong isang araw lang."

"They're all wrong. I was wrong. Sorry if I misjudged you. I'm so sorry."

Sa naririnig ko ngayon kay Nate, nangangahulugan lang na alam na nito ang totoo. May kinalaman ba siya sa paglitaw kanina ni Alex?

"What if hindi ko tanggapin ang sorry mo. Alam mo rin naman na hindi ako believer sa magic word na 'yan. Dahil hindi niyan mababalik ang nangyari. Pero kung gusto mo talagang makabawi, gawin mo na lang ang gusto ko. "

Malaki ang pangangailangan ko sa pagkain. Will I look stupid kung sasabihin kong pagkain ang kapalit ng kapatawaran ko?

"Ganyan kaba talaga sa tuwing may humihingi ng tawad sa'yo? You turn them into slaves.." muling tinignan ako ni Nate na bumalik ang pagiging suplado. Mukhang nasaksihan nito ang ginawa ko kay Alex kanina. "I already said sorry, at wala na akong magagawa kung hindi mo tatanggapin 'yon."

Nilagpasan ako ni Nate na mukhang balak bumalik para sa klase.

Si Nate na lang ang makakatulong sa'yo ngayon Deelan! 'Wag mong pairalin ang pride!

Pinikit ko ang mga mata ko habang naririnig ko pa ang hindi pa napapalayong yabag ng paa ni Nate. Hindi ko na rin pinairal ang kaartehan saka nagsalita. "The truth is.. I need your help, Nate. Wala ngayon si Gleigh at ikaw na lang ang malalapitan ko." Hindi man ganoon kalakas ang pagkakasabi ko, alam kong narinig iyon ni Nate na tumigil sa paglalakad. "I need... money."

Muli ko nalang narinig ulit ang yabag nito papalapit sa kinatatayuan ko. "Ano na naman ba ang nagawa mo this time para gipitin ka ngayon nina tita sa allowance mo?.. Well, I'm sorry, pero hindi ko makikialam sa parusang binigay sa'yo ng sarili mong magulang."

Then he walked away.

Naiwan akong gutom na gutom. Paano na?

11 point ONE

Sunud-sunod na patak ng luha ang bigla ko nalang naramdaman na dumadaloy sa pisngi ko. Hindi ako ganito kahina para umiyak na lang basta, pero marahil dala na rin ito ng matinding gutom kaya ako nagkakaganito. Hindi na nga ako naghapunan kagabi, nalagpasan ko rin ang pagkakataong makakain ng agahan kanina, at hanggang pati ba naman ngayon, hindi rin ako nakapangtanghalian.

Sa ganitong paraan ba ako mamamatay? Sa matinding gutom? Ang babaw naman...

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang hindi ko inakala na meron pa pala ako. Nag-iisa ako ngayon sa isang gilid habang nasa kanya-kanyang klase ang lahat. Hindi ko na nagawang pumasok sa mga sumunod na klase dahil tinulog ko ang matinding pagkulo ng tiyan na nararamdaman ko. Pero nang gumising ako, ganoon pa rin naman... gutom pa rin!

Sinubukan kong hanapin si Sam at Jacobo na tanging taong kilala ko na makakatulong sa kalagayan ko pero hindi ko alam kung sa anong klase sila naroroon. So, it's only Nate? Si Nate na lang talaga ang pag-asa ko... At mukhang kailangan ko ng lumuhod at magpakababa para madugtungan man lang ang buhay ko.

Kinilos ko na ang sarili ko para pumasok sa huling klase ko kung saan naroon din si Nate. I have to do it!

Sa pagpasok ko sa klase ni Mr. Castro, sakto naman na bigla nagkaroon ng essay test. Kaya naman kahit na gustuhin kong magsulat ng kahit isang pangungusap para masalba man lang ang mangyayaring kahihiyan, hindi ko magawa. Hindi na nga gumagana ang utak ko, di pa mapigilan ang panginginig ng kamay ko sa gutom.

Ilang beses ko na gustong kalabitin si Nate para humingi ng kahit barya pambili ng pagkain, pero paano? How will I say it? At nasa kalagitnaan pa kami ng exam ngayon.

Shooot.

Patuloy ang ginawa kong pagtitiis sa pagpatak ng minuto sa klase ni Mr. Castro. Nang igala ni Mr. Castro ang tingin niya sa lahat at biglang huminto sa'kin, naramdaman ko na ang isang bad news. I'm in a big trouble.

"I have here the result of your essay, Ms Morgan." Anunsyo ni Mr. Castro sa buong klase habang ang mata nito ay patuloy na nakatutok sa'kin. "Ms. Deelan Morgan, tanging ang papel mo lang ang na-checkan ko dahil sa'yo lang ang napakadaling bigyan ng puntos."

Sa tinging iyon ni Mr. Castro, alam kong bad news 'yon para sa'kin. Ipinagdarasal ko na lang na huwag na nito ianunsyo pa sa buong klase. Pero mukhang wala itong balak na gawin ang lihim na pinakahihiling ko.

Nakatutok sa'kin ang lahat na mga mata habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Mr. Castro.

"Ms. Morgan.. You are so disappointing! Zero out of twenty points. Failed!" Pinakita pa nito sa lahat ang blankong papel ko. "Wala ka man lang effort na ginawa."

Sunud-sunod na tawanan ang dumagundong sa loob ng classroom. Kailangan ba akong pahiyain ng ganito? This isn't fair! Hindi ako boba, gutom lang talaga ako.

"Alam mo Ms. Morgan, hindi ko alam kung bakit ganyan ang utak mo. I'm sure na hindi 'yan sa Genes... dahil alam ng lahat kung gaano katalino ang kambal mo."

Muling humalagpak ng tawa ang lahat. Pero agad rin namang pinatigil ni Mr. Castro ang lumalalang ingay. "Ayusin mo ang sarili mo Ms. Morgan. Maraming paraan.. study hard."

11 point TWO

"Nate!" tawag ko kay Nate na nakalabas na ng gate pero hindi pa rin ako pinapansin.

"Nate!" bigla ko siyang naagapan bago pa man siya makasakay sa kotse nito.

"What do you want?" sigaw niya na wala sa mood.

I need your help, I'm hungry. "About my studies..." hindi ko alam kung bakit hirap akong sabihin sa kanya kung gaano na kumakalam ang sikmura ko. "Can you help me?.. Like tutorial lesson?" Actually dahilan ko lang 'to. Hinding hindi ako magpapatutor sa kanya kung wala ako sa ganitong sitwasyon... Kailangan ko lang talaga ng ride at makakain at matutuluyan.

"Better ask for others help."

I know, hindi magiging ganoon kadali ang pagpapayag ko sa kanya. "Please?! Kahit ngayong gabi lang?"

"What?!" kumunot ang noo ni Nate na parang napakaimposible ang sinabi ko. "You really believe na madadaan sa isang gabi ang pagtalino mo? I'm sorry but I don't do magics."

"I'm a fast learner. Ngayong gabi lang, promise. After that, hindi na kita kukulitin pa." pagpupumilit ko sa kanya.

"Fast learner? Why don't you apply it while you're in class? You're hopeless.." Umiiling-iling na saad ni Nate saka tumalikod.

Nang akma na itong sasakay, mabilis kong pinigilan ang braso niya. Ang mahinang pagkalas niya sa'kin ay nagdulot ng madaliang pagbagsak ko. Hindi na maitatago pa ang panghihina ko na dahil sa matinding gutom.

"You look pale.." napansin din niya ang pamumutla ko sa gutom. Agad ang pag-aagap ni Nate na itayo ako. "Are you sick?"

Kahit tumanggi ako, mukhang hindi na rin naman makakaila ang namumutla kong itsura. Mukhang kailangan ko na lang talaga sa kanyang sabihin ang pangangailangan ko.

"I need something to eat. Gutom na gutom na ako." Hindi ko na kayang itanggi ang pangangailangan ng katawan ko. "Wala kaba diyang kahit anong pagkain?"

Mukhang nakita naman ni Nate na seryoso ako kaya may kinuha ito sa loob ng sasakyan nito. "Here."

Walang pagdadalawang-isip na hinablot ko ang sandwich mula sa kamay ni Nate.

"Hindi kaba nag-lunch?" pansin ulit nito sa pagiging patay gutom ko na kulang na lang kainin ko pati ang tissue.

"Ikaw ang may kasalanan. Nanghihingi ako sa'yo ng pera pero hindi mo man lang ako binigyan kahit pang-candy man lang." Wala akong pakialam kung nagiging pambata na naman ang mga pangangatwiran ko. "Pakainin mo pa ako. Kulang na kulang 'to para sa kumukulong tiyan ko."

"So you mean, wala ka talagang kahit isang sentimo ng pera diyan?"

Ito ang pinakaiiwasan kong mga tanong na parang lumalabas na isa akong pulubi. "Sinabi ko na kanina diba. Naiwan ko sa bahay."

Kumapa si Nate sa kanyang bulsa saka dinukot ang sariling wallet. "Here." Pag-aabot nito ng pera. "Makakauwi kana siguro sa bahay mo. So, if you don't mind, get out of my car now, dahil ako naman ang uuwi sa'min."

"No." mabilis na tanggi ko. "Sasama ako sa'yo... I'm serious about my studies. Ikaw lang ang nakikita kong makakatulong sa'kin. Please? Ngayon lang talaga, para lang sa mga homeworks..."

Mas dinagdagan ko pa ang pagiging kumbinsido. Hanggang sa napapayag ko rin siya.

I knew it.. He's not that heartless.

Pero mukhang mas dapat ko lang ipagpasalamat ang good acting skills ko.

11 point THREE

"Where's your mom?" tanong ko kay Nate habang may laman ng pagkain ang bibig ko.

"Work." Tipid na sagot nito habang nilalabas pa ang iba pang pagkain mula sa refrigerator.

"How about your Dad?"

"Work." Muling tipid na sagot ni Nate na mukhang naiinis sa presensiya ko sa sarili nitong bahay. Mukhang nagsisisi na siya na pinagbigyan ako sa gusto ko.

"And basty? ..huhulaan ko.. Work?"

Sa halip na matawa sa joke ko, mukhang mas lalong nainis si Nate. Kinuha nito bigla ang kinakain ko at nilipat sa kabilang mesa.

"Simulan na natin 'to ng matapos agad." Unti-unti nitong nilabas ang ilang gamit na kailangan mula sa bag. "Wait here. I'll just go to my room."

Ginawa ko nga ang sinabi ni Nate. Ginala ko ang paningin ko gaya ng pagtingin sa mga pictures na karamihan ay kay Nate at Basty. Mukhang nangangahulugang dalawa lang silang magkapatid.

Babalik na sana ako sa pwesto ko kanina nang nakita ko ang picture ni Cee. Sandali lang. Pero ang sandaling iyon ay humaba pa nang mapansin ko ang piano kung saan nakapatong ang picture ni Cee.

Hindi ko na kailangan pang suriin ang bawat sulok ng instrumentong nasa harapan ko ngayon dahil isang tingin pa lang ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari nito. Ang sunog na bahagi nito na nangingitim pa rin ang nagsisilbing katibayan.

Gusto kong hawakan, at kalibitin ang keyboard. Pero bago ko pa man nagawa 'yon, natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Nate na pasigaw na tinatawag ang pangalan ko. Bumalik din ako agad kay Nate.

"Let's do your homeworks nang makauwi kana agad."

Sinimulan kung buklatin ang notebook ko, pero parang bigla akong nawalan ng gana sa mga hindi ko maintindihang sulat kamay na ako mismo ang gumawa. Biglang lumakbay na lang sa ibang bagay ang isip ko at nabalik sa piano.

"Sa'yo 'yong piano?" di ko na napigilang itanong.

Tinignan ako ni Nate na nagsisimula na namang mainis. "Are you really serious about your homework or what?.."

Hindi ko pinansin ang pangangaral niya at nagpatuloy ako sa kung anong nasa isip ko. "Paano dito napunta 'yong piano? Binigay sa'yo ni Cee?"

"Yeah you're right." Nagpakawala ng buntong hininga si Nate na parang napagod na sa'kin at sa mga itatanong ko pa. "So don't you ever think na ninakaw ko. Ikaw nga 'tong nagtangkang sirain at sunugin ang piano..."

Ako na ngayon ang nagulat. Hindi ako makapaniwala na alam 'yon ni Nate? Ano pa ba ang nasabi sa kanya ni Cee tungkol sa'kin? Ang pagiging masama kong kapatid?

"You can't blame me." Malamig na saad ko na ikinakunot ng noo ni Nate.

Hindi ko alam kung sinabi rin ni Cee ang dahilan. Galit na galit ako noon kay Cee, kaya nagawa kong sirain ang piano niya. Ako ang humiling ng piano noon kay papa na bumili naman agad, pero dahil sa mas mataas ang marka ni Cee, pinili ni papa na ibigay na lang sa kanya 'yon. Pinagbubuti ko naman ang pag-aaral ko. Hindi naman nga ako bumagsak, pangalawa ako kay Cee. Pero wala akong natanggap na kahit ano.

Hindi sa hindi pantay na pagbigay ng material na bagay ako galit kundi sa hindi pantay na pagmamahal at kahit appreciation na nakukuha ko. Dahil doon ako laging talo.

"Bakit ganoon na lang-"

Natigilan si Nate sa sasabihin niya nang may dumating. Pareho kaming napatingin sa pintuan.

"I'm home!" sigaw ni Basty na kararating lang kasama ang yaya na mukhang kalalaro lang sa labas na halatang medyo mababakasan pa ng pawis.

Nang makita ako ni Basty, awtomatiko siyang ngumiti na nasurpresa ng makita ako, o mas dapat sabihing makita niya ang mukha ni Cee.

"Hi Thee!" masayang bati nito na tulad noong una naming pagkikita, niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hello, Basty!" sadyang magaan na talaga ang loob ko sa kanya na hindi ko rin maintindihan o mapaliwanag kung bakit. Ang totoo, masaya rin akong makita siyang muli. Weird, dahil hindi ako ganito sa mga bata.

"Go to your room Basty. Kailangan mong magpalit ng damit." Utos ni Nate sa kapatid na kita ang pagiging responsableng kuya.

Bago umalis si Basty nagpahabol pa 'to ng tanong. "Where'th mom? Dad?"

"Hospital. And don't wait for them. They'll be back tomorrow."

"Hospital? Why? What happened?" inunahan ko pa si Basty sa pagtanong. Nabahala lang ako sa salitang hospital. "Akala ko sabi mo-"

"They're Doctor'th. That'th their job." Sagot naman ni Basty sa'kin na nakakunot ang noo sa'kin. "You forgot Thee?"

Oh. Bago pa man ako makasagot kay Basty, pinaalis na ito ni Nate para magpalit.

"Doctors. So, kayo lang pala dito at ang katulong, everytime na magkasabay na duty ang magulang niyo? Just like today..."

Papayag naman siguro si Nate kung makikitulog muna ako ngayong gabi lang. Ayoko lang muna talagang umuwi.

Nagpatuloy ang pagtitiis ko sa ilang oras na lumipas sa pakikinig sa pagpapaliwanag ni Nate sa mahihirap na lesson lalo na sa math. Nagsimula lang naman akong mahirapan sa math nang bigla na lang nahaluan ang numbers ng letter x y at idagdag pa si z.

Dahil sa kahinaan ko, sa'kin nahirapan si Nate. Nakikain na rin nga ako ng hapunan at muling bumalik sa nakakatamad na aralin. Nang matapos na kami, nagdahilan ako kay Nate na maya-maya na ako uuwi, pero ang totoo, hinihintay ko lang na mas gumabi hanggang sa hindi na ako makauwi.

"Hindi kapa ba uuwi, Dee?" pang limang beses ng tanong ni Nate sa'kin. "Malapit na ba ang sundo mo?"

Gaya ng kanina, nilabas ko ang phone ko. "Nagtext na ako, sandali lang daw. May nangyari kasi sa bahay, kaya hindi pa nakakaalis si papa para sunduin ako."

"Okay." Inaantok na saad ni Nate na nahiga muna sa kabilang sofa at binalik ang panonood sa tv.

Tinitiis lang niya ang antok dahil hinihintay lang niya akong umalis bago tuluyang matulog sa sarili nitong kwarto. Si Basty naman ay kanina pang tulog sa kwarto nito kasama ang katulong.

Ayoko naman sanang magsinungaling kay Nate pero ayoko lang talaga munang umuwi ng bahay. Kapag malaman ni Nate na nagsisinungaling ako, siguradong magagalit siya sa'kin at baka sipain pa ako paalis ng bahay nila.

Nang tignan ko si Nate, tuluyan na siyang nakatulog sa sofa. Pinatay ko ang TV at inalis ko mula sa kamay niya ang remote. Nang muli ko siyang tinignan, parang may kung anong humihila sa'kin palapit sa kanya. Masusi kong pinagmasdan ang mukha niya na masarap pagmasdan na parang hindi nakakasawa.

There's something about him na kakaiba. 'Yong parang pakiramdam na safe at komportable kapag siya ang kasama. Kahit pa masungit siya o ako lang talaga ang pinagsusungitan niya, parang madali lang mawala 'yong nakakainis na bagay na 'yon sa kanya.

Yon kaya ang nagustuhan sa kanya ni Cee? Ganito rin kaya ang pakiramdam niya sa tuwing kasama niya si Nate?

Bago ko pa man ilayo ang mukha ko kay Nate na three inches lang ang agwat namin, bigla siyang nagising.

Para akong napatalon dahil sa gulat na nahuli niya ako sa akto. Agad din ako nagpakanormal. "Tinawagan ako ni papa, hindi na raw siya makakasundo. May emergency sa bahay eh." pagsisinungaling ko.

"Ihahatid na lang kita sa inyo."

"No!" agad na pagpigil ko. "Gabi na rin, kaya pinayagan na ako na dito muna magpalipas ng gabi. Okay lang ba?"

Kumunot muli ang noo ni Nate pero wala rin siyang nagawa. "Okay. Kung 'yon ang sinabi sa'yo ni tito." Tinatamad na saad nito. "Doon ka na lang matulog sa kabilang room, tapat ng kwarto ni Basty." At tuloy-tuloy ng pumasok si Nate sa sarili niyang kwarto.

Nakahinga na rin ako ng maluwag. Sana pala kanina ko pa 'yon naisip na idahilan. Pumasok na rin ako sa kwartong sinabi ni Nate at nahiga sa kama.

11 point FOUR

Kalagitnaan ng gabi, nagising ako. Pinilit ko muling makatulog nang hindi na ako dinalaw pa ng antok. Ilang minuto pa akong nagbali-balikwas sa kama nang maisipan kong lumabas muna ng kwarto.

Nang umagaw sa atensyon ko ang piano, parang biglang nabalik ang kagustuhan kung tumugtog. Naupo ako, at parang nananabik ang mga kamay kong hinaplos ang instrumentong unang pinangarap ko.

Nakapatay lang ang ilaw na hindi ko na kinailangan pang buksan dahil memoryado ko kung saan ang bawat pwesto ng daliri ko sa keyboard. Pumikit ako at sa oras na kinilos ko ang bawat daliri ko, nilipad na ang isip at emosyon ko ng musikang tinutugtog ko. Nakatikom lang ang bibig ko, at hinayaan kong ang bawat nota lang ang naririnig ko.

Ngayon ko na rin lang ito nagawa ang tumugtog. Dahil sa tuwing sinusubukan ko, bumabalik ang matitinding emosyon na naramdaman ko noon. Mga alalang nagpapaalala sa'kin kung gaano ako nakakaawa.

Bago pa man ako matapos, ramdam ko na ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Kaya bigla kong tinigil ang ginagawa ko. Nang buksan ko ang mga mata ko, nasa harapan ko si Nate. Nakabukas na rin ang ilaw kaya parang pakiramdam ko daig ko pa ang nakahubad dahil nakikita ni Nate ng emosyon ko na pilit kong tinatago sa lahat.

Agad kong pinunas ang mga luha ko at agad akong tumayo. "Nagising kaba sa ingay?"

Matapang kong tinignan si Nate, at doon ko nakita na hindi lang pala ako ang basa ang pisngi ng luha. Nagising ko rin ang kung ano mang emosyon niya. Saka ko rin lang narealize kung ano ang dahilan.

"Akala mo si Cee?" tanong ko sa kanya na hindi na nangangailangan pa ng sagot.

Hindi nga sumagot si Nate. Tumalikod siya para bumalik muli sa kwarto niya. Pero bago pa man siya makaalis, muli akong nagsalita.

"Nasabi rin ba sa'yo ni Cee kung bakit ko tinangkang sunugin ang piano niya? O kung bakit masama ang loob ko sa kanya noon?"

Tumigil si Nate sa paghakbang na mukhang interesadong malaman ang dahilan.

"Dahil... inggit na inggit ako sa kanya, noon at hanggang ngayon." Hindi ako makapaniwala na nasasabi ko kay Nate ang ganitong bagay na sa sarili ko lang naaamin.

"Dahil... laging nasa kanya ang atensyon ng lahat. Pakiramdam ko inaagaw niya sa'kin ang kung anong para sa'kin. Siya na lang parati. Tinatanong ko nga sarili ko kung bakit napaka-unfair?.. Pareho naman kaming mukha, ginagaya ko rin lang siya at hindi naman ako kulelat sa klase. Yon nga lang pangalawa ako lagi sa kanya. Runner-up. Always."

"What's wrong with being a runner-up? You're still on top." Komento niya na parang minasama ang paghila ko sa sarili ko pababa.

"Wala 'yon pinagkaiba sa talunan kung 'yon ang pinararamdam ng ibang tao. Ako ang humiling ng piano noon kay papa noon, pero dahil sa mas mataas ang marka ni Cee at valedectorian, pinili ni papa na ibigay na lang sa kanya 'yong bagay na pinakahihiling ko. Humiram hiram na lang daw ako kay Cee."

"Pero hindi pa rin dahilan 'yon para magrebelde ka, para magalit kay Cee o sa pamilya mo."

"Dahil gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko. Alam mo ba nagsinungaling ako sa'yo?"

Kumunot ang noo ni Nate na walang ideya sa tinutukoy ko.

"Wala naman talagang susundo sa'kin dito sa inyo. Hindi ko sila tinawagan o tinext. Ni hindi nila alam na nandito ako ngayon sa bahay niyo."

"What?!" bumalik ang inis sa mga mata ni Nate.

"Dahil bumisita si Kuya Nick at ang asawa't anak niya sa bahay. Sinabi ko lang naman sa kapatid ko ang hindi ko nasabi sa kanya noon tungkol sa taksil niyang asawa na si Catherine. Alam mo kung anong nangyari, ako pa ang napasama. Ako pa 'tong masamang anak, masamang kapatid... At muling nabanggit ang kadakilaan ni Ceeline na hindi ko raw mapapantayan."

Pinahid kong muli ang mga luhang hindi pa kumakawala sa mata ko. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang dinadala kong bigat sa loob kay Nate nang ganoong kadali. At mukhang nag-uumpisa na akong magsisi.

"Bakit ko pa nga naman 'to sinasabi sa'yo.. Alam kong hindi mo 'ko maiintindihan. Sarili ko ngang pamilya hindi ako maintindihan." Sandali akong tumigil para tignan si Nate. "Sana kung ano man ang nasabi ko ngayon kalimutan mo na lang."

Kinilos ko ang sarili kong mga binti at tuluyang pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung magagawa ko pang matulog ngayong gabi matapos ang mga pinagsasabi ko. Alam kong hindi ako ang klase ng tao na binabahagi o ipinapakita ang tunay na nararamdaman ko. Magaling ako sa pagpapanggap na matapang, hindi nasasaktan o apektado man lang. Kaya kahit ako, parang hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kanina lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top