10
TEN
Sunday.
Tanghali na ako nagising. At sa pagmulat ko ng mata, isang batang babae ang hindi ko inaasahang bubungad sa harapan ko.
"Hi, tita Cee."
Ilang ulit ba akong tatawagin ng mga bata sa maling pangalan?
Gaya rin lang ng nangyari sa unang pagkikita namin ni Basty, inilayo ko ang sarili ko sa bata at malaking pag-iiwas sa yakap nito.
Hindi ko na kailangan pang tanungin ang sarili ko kung sino ang batang babae na mukhang nasa anim na taong gulang ang tantiya ko.
"I'm not Cee. Bu't I'm your tita." Parang hindi bata ang kausap ko sa paraan ng pagpapakilala ko. Hindi na ako magtataka kung hindi ako kilala ng sarili kong pamangkin dahil ganoon din ako sa kanya na hindi ko alam ang kahit unang letra ng pangalan. "Your dad is here?"
"Yes. Down with mom and lola."
Bumangon din ako agad na hindi pinansin ang nagtatakang mukha ng bata. Wala akong talento sa pagpapaliwanag ng mga komplikadong sitwasyon sa mga bata. Nang huling beses kong ginawa 'yon, nauwi lang sa pagkainis sa'kin ni Nate.
Lumapit agad ako kay Kuya Nick at sa asawa niyang si Catherine na pansamantalang natigil ang pakikipagkwentuhan kay mama. "Kuya, hindi ko alam na darating kayo."
"Madalas naman talaga kaming dumadalaw dito. Ikaw lang naman ang hindi. Buti naisipan mong bumisita."
Walang kadating-dating ang unang bati sa'kin ng nakakatanda kong kapatid matapos ang ilang taon di kami nagkikita. Pero naiintindihan ko naman 'yon dahil hindi naman talaga kami naging ganoon kalapit sa isa't isa ni Kuya. Mas malapit sila ni Cee simula pagkabata. "Hindi lang ito bisita. Sa Circle High na ako nag-aaral ngayon."
"Ba't ngayon lang Deelan?" singit ni Catherine na hindi ko gusto ang pagiging mausisa na parang akala mo ay nagmamalasakit. Kahit kailan, hindi ko nagustuhan ang ugali ng hipag kong plastik.
"Bakit? Dapat ba bukas? Or sa makalawa? Dapat pala tinawagan at tinanong muna kita bago ako umuwi dito." Hindi ko matago ang pagiging sarkastiko.
"Bakit ganyan kana magsalita Deelan? Ano ba ang nagawa ko sa'yo?"
Pinaaalala lang sa'kin ni Catherine ang pagmumukha ni Erika at Kiesha. "Pati ba naman dito sa bahay, may isa ring batikang artista. Ba't di mo subukang magtheatro Catherine."
"What's this Deelan?" suway ni Kuya na hindi na nagugustuhan ang makahulugan kong salita.
"Sinasabi ko lang na may potential si Catherine sa theater." Ni minsan hindi ko tinawag na ate ang hipag ko. At hindi mangyayari 'yon. "Nasabi ko lang 'yon kasi, kasali ako sa school. Nasa akin ang leading role." Hindi ko alam kung pagtatakip o pagyayabang ang ginawa ko, pero alin man sa dalawa, mukhang huli na ng maalala kong wala na pala sa'kin ang role na 'yon.
"Really, Dee? Ba't ngayon mo lang nasabi 'yan sa amin? I'm happy for you." halatang masaya si mama sa narinig na balita mula sa'kin. Pero hindi ko magawang isipin na masaya lang si mama, dahil sa wakas may nagawang tama ang kanyang masamang anak.
"But that's Cee's role right?" muling pang-iinis ni Catherine sa kabila ng matamis na ngiti nito. "Hindi ba dapat, hindi mo na lang tinanggap. Kasi diba..."
"That's okay. Wala namang masama roon." Singit ni mama na hindi ko inaasahan. "Isa pa, alam naman nating lahat na maiintindihan 'to ni Cee. Alam kong masaya si Cee na si Dee ang naging kapalit niya sa iniwan niyang role."
"Kung ganoon, dapat lang siguro na icelebrate natin 'to." Ngayon, sigurado na akong pagyayabang na ang ginagawa ko para lang inisin si Catherine. Kung alam lang ni mama na walang dapat ipagdiwang na kahit ano.
"No." nangungunang di pagsang-ayon ni Kuya. "Paano mo naiisip na magcelebrate, ni wala pang isang taon ng mamatay si Cee."
Natahimik agad ako. Kailangan bang magpakalugmok? Tinignan ko si mama na baka sakaling sang-ayon sa sinabi ko. "Oo nga naman Dee. May point si Nick."
"Minsan kasi Deelan, tignan mo muna ang sitwasyon." Muling singit ni Catherine na hindi nawawalan ng sasabihin na hindi maganda. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang makita ni kuya o ni mama ang hindi magandang pakikitungo ng bruhildang babae sa'kin.
"Pwede ba Catherine, minsan naman piliin mo naman ang sasabihin mo. At kung pwede bawasan mo ang pagiging all-knowing mo. Hindi ka matalino para gawin 'yon, nagmamagaling lang.."
"DEELAN!" sigaw ni kuya na halatang tuluyan ng nagalit. "Hanggang ngayon ba naman, ganyan ka pa rin makitungo?"
Hindi agad ako mapapatigil sa ganoong klaseng panunuway ni kuya. Hindi ko matatanggap na hanggang ngayon mas kinakampihan niya ang asawa niya. Panahon na siguro para sabihin ko ang hindi ko nasabi sa kanya ilang taon na ang nakakaraan. "Yang babaeng yan na asawa mo kuya, dapat hindi mo siya ipinagtatanggol. Alam mo kung bakit mainit ang dugo ko sa kanya?"
"Dahil simula pa lang kay Cee na ako naging malapit." Si Catherine ang biglang sumingit na wala sa hulog ang mga sagot. Paraan niya para mapasama ako at hindi maungkat ang alam niyang katotohanan na sasabihin ko. "Pero, Dee.. pinilit ko namang pakisamahan ka. Ikaw lang itong matigas. But I know it's not too late."
Kung nabenta kay mama at kuya ang pag-arte ni Catherine, sa'kin hindi.
"Come on, Catherine.. It's too late." Mapait na saad ko sa babaeng hindi nararapat tawaging hipag. "Too late.. simula ng nadiskobre ko na pinagtaksilan mo si Kuya Nick. At hindi na ako magtataka kung ganoon pa rin hanggang ngayon."
"My Gosh, Dee, saan mo nakukuha ang mga ideyang 'yan!" painosenteng saad ni Catherine. Inaasahan ko na rin naman na itatanggi niya ito, kaya nga hindi ko sinubukang sabihin kay Kuya noon.
"What's this Deelan?" muling sigaw ni Kuya na parang mas galit pa sa'kin kaysa sa sarili niyang asawa na nagtaksil sa kanya. "Wala ka na ba talagang sasabihing maganda kundi paninira na lang?"
"I'm not lying Kuya. I'm not a liar. Alam ko kung anong nakita ko noon. Kinompronta ko nga noon si Catherine kasama ang lalaki niya pero pinagbantaan lang niya ako na huwag kong sasabihin sa'yo."
"Really? Not a liar?" mabilis na sumbat sa'kin ni kuya. "Ilang beses ka na naming nahuling nagsisinungaling noon Deelan. Once a liar, always a liar. At isa pa, huwag kang magpanggap na parang si Cee ka ngayon. Dahil napakalayo mo sa kanya."
Hindi na ako kumibo. Ano pa nga ba ang silbi ng pagsasalita ko kung hindi naman ako paniniwalaan.
Mas napatigil ang lahat sa pagsulpot ng anak ni Kuya Nick na kanina lang sumalubong sa'kin. "What's going on Dad? Why are you shouting?"
Si mama na ang unang patakbong lumapit sa apo nito. "Nothing Sabrina.. Let's go to my room may ipapakita ako sa'yo."
"But I want to chit-chat with tita Cee." Pagpapalag ni Sabrina na patakbong pumunta sa'kin.
Sa paglapit ni Sabrina sa'kin, agad namang naalarma ang mag-asawa at maagap na nilayo sa'kin.
Ano ako, may nakakahawang sakit?
"Baby, She's not your tita Cee." Mabilis na paliwanag ni Kuya Nick na agad ring dinugtungan ni Catherine.
"Stay away from her, Sab. She's not a good example."
What? "Hindi niyo na kailangan pang pagsabihan na lumayo sa'kin ang bata. Dahil ako mismo ang lalayo sa kanya. At ikaw Catherine," kulang na lang duruan ko ng kamay ang bruha. "Mas hindi ka magandang ehemplo sa anak mo at sa kahit na sa kaninong ina." Ayoko ng pahabain ang alitan namin dahil hindi ko na rin kinakaya ang nangyayari. Bago ako tuluyan pumunta sa kwarto ko, hindi ko kayang umalis na hindi bumibitiw ng linya kay Catherine. "Ang linis mo Catherine! Ang linis linis mo!"
10 point ONE
Simula nang pumasok ako ng kwarto ko kanina, hindi na ako muling lumabas sa lungga ko. Kahit na mamatay ako sa gutom, hindi ako lalabas para makita ang pagmumukha ng mag-asawa o kahit si mama na alam kong pagagalitan rin lang ako. Nagpapasalamat na lang ako na wala si papa kanina dahil kung hindi, alam kong hindi lang isang sampal ang aabutin ko. Pero alam kong nakarating na rin ang nangyari kanina sa kanya. At hindi na kataka-takang walang papanig sa kampo ko.
Nang sumunod na oras, sunud-sunod na katok ang kumalampag sa pintuan ng kwarto ko. Una si mama, at sumunod ang galit na katok ni papa.
Mapagod na sila, pero hindi ko sila pagbubuksan.
Nang mapagod at tumigil sa pagkatok at pagtawag sa'kin, saka na rin lang ako nakatulog. At halos ilang oras rin ang naging tulog ko dahil maaga akong nagising.
Naging mabilis ang pag-aayos ko sa sarili. Inagahan ko na rin ang pag-alis ko bago pa magkasalubong ang landas namin ni papa. Madalas ko ng gawin ang ganito noon, kaya alam kong hindi nila ikababahala ang biglaang pagkawala ko ngayon. Babalik rin naman ako matapos ang ilang araw.
I'm out of money. Tanging pamasahe na lang ang laman ng wallet ko.
Wala ako ngayong kaibigang malalapitan di tulad noon. Gleigh is the only choice I have.. Tutulungan naman siguro niya ako.
__________________________
Up next: May madidiscover si Nate kay Dee! Unti-unti ng makikilala ni Nate ang isang Deelan Morgan!
__________________________
♪pople
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top