1

♪: ONE

Three months had passed. Still, marami pa ring kaibigan at nakakakilala kay Ceeline ang nagdadalamhati. That includes Nate, Cee's boyfriend.

"Nate.." tawag ni Jacobo sa kaibigan na halatang wala na naman sa sarili dahil sa ilang minutong hindi siya kumikibo at mukhang malalim na naman ang iniisip. Mukhang hindi na rin kailangan pang tanungin kung sino, ano at bakit, dahil kahit sino ay makakapagsabi na si Ceeline ang nag-iisang rason.

"Why?" walang halong ngiti sa mga labi ni Nate na di tulad noong dati na laging maaliwalas ang buong awra, masama o maganda man ang uri ng panahon.

"About...our band." Tukoy nito sa banda nila na mahaba na rin ang pahinga dahil sa pagkamatay ni Cee na siyang vocal singer nila. "Malapit na ang MUSICombat... and we were thinking na panahon na siguro para.."

"Let's stop for a while. Take a rest.." Mababasa ang labis na pagdadalamhati sa mga mata ni Nate na hindi pa rin basta-basta maiaalis ng ganoon kadali.

"NO.. Nate!" mariing pagtutol ni Jacobo na hindi nagugustuhan ang ideyang pumapasok sa isipan ng kaibigan. "I know what you feel. Mahirap na wala si Cee...but we need to go on. She's still with us. At siya ang unang-unang matutuwa kung ipagpapatuloy natin 'to."

"How?..I mean, who will replace her spot?" bagaman nabuhayan si Nate sa mga salita ni Jacobo, hindi pa rin basta mawawala ang pag-aalinlangan niya. "How can we solve that problem?"

Hindi siya masisisi ng mga kabanda kung nawawalan man siya ng pag-asa ngayong walang makakapalit sa pwesto ni Ceeline. Bukod sa napakagaling nitong kumanta, iba rin ang charm na meron ito na mapang-akit sa manunuod. Isa ng pruweba dito ay ang dumadami nilang tagahanga sa loob at labas ng school. Halos alam na nga ng mga tao ang buhay nila na para silang mga sikat na celebrities.

"We will hunt for it." Nakangiting saad ni Jacobo na muling nagpapalakas ng loob ni Nate. "Tomorrow, the search is on. You'll pick. It will be your choice. How's that sound, Nate?"

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Kailangan nilang subukan. Kailangan nilang lumaban. This time, it would be for Cee.

1 point ONE

"Cee?"

Isang mahigpit na yakap na ngayon ko lang ulit naramdaman muli kay mama ang sumalubong sa'kin. Hindi ko alam kung dapat kung ikatuwa ang pagtatagpong ito ngayon dahil mukhang hindi ako ang nasa isip ni mama sa muling pagkikita namin matapos ang mahaba-habang taon.

Sinong ina ngayon ang hindi nakakakilala sa sarili niyang anak? Kahit sabihin pang magkamukha kami ng kambal ko, diba dapat ang ina na siyang nagluwal ang unang-unang makakapansin ng kaibahan namin.

Pero alam kong hindi na tama kung paiiralin ko pa ang selos ngayong wala na si Ceeline.

Kukumbinsihin ko na lang ang sarili ko na natural lang na magkamali ang isang inang namatayan ng anak. Kahit tatlong buwan na ang lumipas, siguradong nasa estado pa rin ito kung saan hindi pa tuluyang natatanggap ang biglaang pagkamatay ng paboritong anak.

Di ko siya masisisisi kung isang kawalan para kay mama ang mawalan ng anak na tulad ni Ceeline na laging maipagmamalaki kanino man. Isang matalinong anak na laging nagunguna sa klase, talentado na kaliwa't kanan ang pinagkakaabalahang activities, at kilalang mabuting tao na umani ng maraming kaibigan at maging tagahanga. In other words... Perfect Daughter.

Samantalang ako...ang taong kasalungat ng mabuting anak. Hindi na kailangan pang isa-isahin dahil ang salitang kasalungat ay sapat na para mailarawan ako. Prodigal Daughter sabi nga ng iba.

"Deelan.."

Ang tinig na 'yon ni papa ang nagpatigil pansamantala kay mama sa subsob nitong pagyakap sa'kin. Nagpapasalamat ako na kahit papaano may taong nakakilala sa'kin at sa pangalan ko. Pero di ko alam kung bakit parang mahirap sa'kin tignan ngayon si mama na alam kong may disappointment sa mga mata nito matapos magising sa realidad na hindi mirakyulosang nabuhay si Ceeline.

"Deelan?" mahinang sambit ni mama na parang kinukumpirma pa.

Matapos kong tumango, muli niya akong niyakap. "Ang kapatid mo...si Ceeline...wala na siya." muling saad ni mama na parang gustong isalaysay lahat ang buong nangyari

"Sshhh... it's okay ma. It's okay." pilit kong pagpapakalma sa kanya. Hindi na kailangan pang isalaysay ni mama ang buong nangyari. Kahit ako, nahihirapan akong makinig na isang aksidente ang tumapos ng ganun kadali sa buhay ni Cee. Napakabata pa niya para mawala. At parang nakokonsensiya at nagsisisi na tuloy ako sa pagiging malupit kung kapatid sa kanya.

"Ba't ngayon ka lang umuwi, Deelan?"

May lamig sa boses ni papa sa paraan ng pagkakatanong niya. Kung sabagay may dahilan siyang mag-usisa dahil nagawa kong tiisin na hindi man lang pumunta o sumilip man lang sa burol ng sarili kong kapatid. Isama pa ang pinalipas ko ang tatlong buwan bago umuwi. Mukhang iniisip na ngayon ni papa na wala akong pakialam kay Cee gaya lang ng dati.

"Nahirapan akong asikasuhin ang papers ko sa school." May katotohanan naman kahit papaano ang dinahilan ko kahit alam kong hindi nito kumbinsido si papa.

"Inuna mo pa ang pag-aaral mo sa libing ng sarili mong kapatid? at kailan ka pa nagpahalaga sa pag-aaral?"

Alam kong nagsisimula ng magsilabasan ang hinanakit sa'kin ni papa. Hindi ko na lang pinansin ang pangalawang sumbat nito.

"Kailangan kong unahin Pa. 'Cause I'm going to transfer here. I'm going to stay here, for good." alam kong sapat na rason na ito para matahimik si papa.

Sa muling pagyakap ni mama at makikita ang kontentong ekspresyon ng mukha ni papa, alam ko na kahit papaano napasaya ko sila. Ang hindi ko lang alam, kung hanggang kailan.. dahil alam kong hindi rin tatagal, si Ceeline na ulit ang hahanap-hanapin nila at hindi ako.

1point TWO

Nagising ako kinaumagahan na magaan ang pakiramdam. Madali akongnakatulog at di man lang namahay. Kahit dalawang taon din akong nawala, parang kilala pa rin ng katawan ko ang bahay maging kwartong kinalakihan at kinagisnan ko.

Walang pagbabago sa kwarto ko na siyang kwarto rin ni Cee. Ang dalawang magkatapat na kama at kurtinang tanging naghihiwalay sa'min ay narito pa rin at hindi man lang tinanggal. Kung ako ang nagkataong nanatili at si Ceeline ang nagkataong umalis ng bahay, sigurado akong iniba ko na ang ayos ng kwarto at sinarili pa. Pero hindi iyon ginawa ni Cee. Magkaiba nga kami. Kung ako ang makasarili, siya naman itong mapagbigay. Bagay na hindi ko naiintindihan kay Cee kung paano niya nagagawa o kung saan niya tinatago ang mga sungay niya.

Umagaw ng pansin ko ang ilang pictures ni Cee na ngayon ko lang nakita ang pinagbagong itsura kumpara noong huli ko pa siyang nakita. Mas pumayat o mas dapat sabihing sumexy ito na mas kita na ang hubog ng katawan. Wala ring pagbabago sa ayos ng buhok nito na hindi nakalalabas ng bahay hangga't hindi nakakulot.

Ang ayos ng buhok ang pinakanagpapahiwalay sa matinding pagkakamukha naming magkambal. Kung si Cee ay mas gustong nakalugay at kulot ang buhok. Mas madalas namang nakataas ang buhok ko at kung makikita mang nakalugay, siguradong may kung ano mang kulay ng highlights na hinding-hindi susubukang gawin ni Cee sa sarili.

Matapos maligo, agad na sinuot ko ang uniform ni Cee na sadyang kasya lang sa'kin. Ito ang unang araw ko sa mismong school ni Cee. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Basta ang tanging gusto ko lang mangyari, ay balikan ang buhay na dapat sana kasama ko ang kapatid ko. Kung nagkataong hindi ako umalis at hindi ko piniling manirahan kay lola't lolo, siguradong iisang school ang pinapasukan namin at baka magkaklase pa kami.

Nasa gitna ako ng masusing pagkilatis sa larawan ni Cee nang bumukas bigla ang pinto. Hindi lang ako ang nagulat kundi ang babaeng nagbukas na mukhang mas natakot ng buong akala multo ni si Cee ang nakita.

"I'm not Cee. I'm not a ghost. And I'm her sister." inunahan ko na lang ang paglilinaw. Hindi ko alam ang pakay ng biglaang pagpasok nito. Ang natitiyak ko lang ay kaklase siya ni Cee dahil sa parehong uniform na suot nito.

"Dee? Deelan?"

She knows me. Kinilatis kong mabuti ang babaeng ngayon ko lang napansin na pamilyar nga ang mukha..

"It's me, Gleigh. Kailan ka pa dumating?"

Gleigh. I remember her. Siya ang kababata namin at madalas kong kaaway dahil mas close siya kay Cee. Ang bestfriend ng kakambal ko.

"Bakit mo suot ang uniform ni Cee? At bakit mo siya ginagaya?"

Naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang reaksyon ni Gleigh. Pero ang naging reaksyon niya ay isa lang na kumpirmasyon na tagumpay ang panggagaya ko sa ayos ni Cee.

"Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin nag-iimprove ang utak mo Gleigh. Malamang magkambal kami ni Cee, kaya gayang-gaya ko ang mukha ng kapatid ko."

"Alam mong hindi 'yon ang ibig kong sabihin Dee."

Halatang nainis agad si Gleigh sa paraan ng pagkakasabi ko. Mukhang hanggang ngayon, hindi pa rin kami magkakasundo ng babaeng ito.

"Pareho na tayong school na papasukan ngayon. Masama bang humiram kay Cee ng uniform?"

"Pero bakit mo kailangang mag-ayos na ginagaya ang bawat ayos ni Cee?"

Pinili kong hindi sagutin ang tanong ni Gleigh. "Ikaw? Ba't nandito ka?" pag-iiba ko ng usapan.

"Dahil may kukunin lang akong bagay na hiniram sa'kin ni Cee. Ngayon mo ba balak pumasok sa school?" pagbabalik ni Gleigh sa usapan.

Sa halip na sagutin, diretsong lumabas ako ng kwarto. Kahit si mama at papa ay di mapagkakailang nagulat din sa itsura ko. Wala silang sinabing salita na pagtutol o tanong ng tulad ng kay Gleigh. Pero sa nakita kong reaksyon ng mga mukha nila, natitiyak kong saya ang nabasa ko. Ang alam ko lang na rason ay dahil nakikita nilang muli ang mukha ng pinakamamahal nilang anak na si Ceeline na parang hindi lang nawala. Mukhang ito ang magiging papel ko muna pansamantala ngayon.

___________________________

pople: abangan si Dee sa Circle High!!! Lalo na ang encounter nila ni... hmmm.. Masaya 'to!

See Media (Cee & Dee) ------>

___________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top