Chapter 1
6 years ago
Nicole's POV
"Good Morning Ma." bungad ko kay mama ng makitang nasa kusina sya at naghahanda ng almusal.
"Good morning din anak." bati nya din sakin "Buti at naka ayos ka na baka biglang dumating sila Danica at Kim. First day nyo pa man din sa college." dagdag nya at umupo na sa harap ko.
kumuha muna ako ng pagkain bago sinagot si mama.
"Opo. nakakahiya naman dun sa dalawa pag ako pa ang maging dahilan ng pagkalate namin. ako na nga lang un sinundo." sabay ngiti ko sa kanya at kumain na.
Di nga nagtagal dumating na sila Danica at Kim. Niyaya pa sila ni mama kumain pero kumain na daw sila kaya naman nakaalis kami agad ng matapos ako. Buti na lang hindi trapik at may sasakyan si Danica kaya naman maaga kami nakarating sa AHC para mahanap pa namin ung Auditorium kung saan gaganapin ang Orientation for Freshmens.
Masyado kasing malaki ang School na to. pang mayaman kasi. Aim High College one of the pristige school sa Manila. it's a private college. Napakamahal ng Tuition Fee dito at kung tatanungin ako ng mga tao kung bakit ako dito nag aaral kahit hindi naman ako mayaman..
Nakapasok ako sa scholarship dahil din sa mga kaibigan ko at kasabwat nila si mama. Inasikaso nila ang mga requirments ko ng wala akong kaalam alam..
Habang ako desididong hindi muna pumasok ng college para magtrabaho kahit part time lang muna at para na din makatulong kay mama. Pero sila na ang gumawa ng paraan para makapag aral ako. Hahahaha.
Natatandaan ko nga sinabi na nila sakin na magtetake kami ng entrance exam sa mismong araw na un. Sinundo nila ko nun at pinagbihis at nagpunta sa school na to.
Kaya naman wala na kong nagawa kung hindi ang ituloy at kumuha ng kursong Marketing Management bukod sa isa to sa pinakamurang course, sabi nila in demant din daw ngayon ang marketing staff. Angarap ko rin makapasok sa Monticlaro Enterprise kung hindi palarin sa Villanueva Corp na lang. Hahahaha
"Dun ata un daan!" sigaw ni Kim dahilan para mawala ung iniisip ko. Naglakad na nga kami papunta dun sa tinuturo nya at hindi naman sya nagkamali dahil dun nga ang daan. "Oh! diba? tama ako! para talaga ako sa school na to ih!" dagdag nya pa na nagyayabang.
Di na lang namin pinansin ni Danica at nagtuloy tuloy sa pagpasok ng Auditorium. Pagpasok namin nakita namin ang iba't ibang estudyante puro sila mayayaman.
Katulad nga ng sabi ko nakapasok ako dito bilang scholar pati na din si Kim, half scholar nga lang sya at ako naman ay full scholar. Samantalang si Danica naman, hindi sya kumuha o nagtake ng exam as scholar kasi kaya naman nilang bayaran ang tuition nya.
Biglang tumuro si Danica sa ibang direction kaya naman nagulat ako at napatingin dun sa tinuro nya.
"Paano mga babaeng putik! Dun na ko sa mga kablockmates ko at kayo hanapin nyo na ang mga blockmates nyo at maupo. byiiie!" kumaway sya at umalis ng tuluyan
Pero bago un sinabi nya na magkita kami mamayang lunch. Buti na lang at sabay ang lunch break naming tatlo. Iba kasi ang course ni Danica, Business Management sya at kami naman ni Kim ay Marketing Management.
Katulad nga ng sinabi ni Dani, hinanap na namin ang Marketing Department at ung Block namin. Di naman kami nabigo dahil malapit lang din sa pinasukan namin ang Department namin. Ung block na lang, habang magtatanong ako, etong kasama ko nang iispot na naman ng gwapo!
"Hoy babae! try mo kayang tulungan ako sa paghahanap ng block natin?! nuh?! Hindi ng hahunting ka ng gwapo!" Inis at taray kong sabi sa kanya ska tinuloy ang paghahanap
"Eh kasi naman ang daming gwapo dito.. kainis!" maarteng sabi nya. Hay naku! talaga to babaeng to! di na mawalan ng gwapo sa paningin...
Ayun! nahanap ko na kaya naman hinila ko na si Kim at sa kasamaan palad muntikan matumba ang bruha. HAHAHAHA!! Buti na lang may isang lalaking nakaharang at nasalo sya..
"Ay! sorry.... po..." utal na sabi ni Kim paano ba naman, gwapo ung nasa tapat nya. hay naku!
"It's okay. Take your seat, the orientation will start in a minute." sabi naman nung gwapong lalaki. Kaya naman nagpasalamat at hinila ko na agad si Kim nakatulala pa kasi ih.
"Nics! Ang gwapo! Huhuhu! Ang gwapo! Bakit mo ko hinila! Pagkakataon ko ng magkalovelife!" Sabi nya habang hila hila ko sya.
"Tumigil ka nga Kimberly! Aral tayo today! Aral! Walang jowa! Okay?! Iiyak iyak ka naman pagsinaktan ka." Sabi ko sa kanya at umirap.
"Malay mo sya na ung forever ko! Waaaah! Hahanapan din kita kaso baka magalit si Kuya Daniel kaya wag na lang. Hahahaha." Asar nya sakin kaya mas nainis ako sa kanya
Ibring up na naman yang asar nila kay Kuya Daniel.
Pagka dating namin sa Block namin. Naupo na kami at hindi nga nagtagal ay nagsimula na ang orientation. Pinakilala lang ung mga Dean at iba pang personnel sa School, nagbigay lang din ng welcome greeting ung pinakamay ari ng school at inacknowledged lang din ung mga scholar like us.
Di ko din naman naintindihan dahil etong katabi ko daldal ng daldal at hindi pa din nakakarecover sa gwapong lalaki kanina hanggang matapos na ang orientation ng wala akong naintindihan.
Pumunta kami sa mga rooms namin para lang mag attendance, hindi na nga nagstay ung mga blockmates namin, oagkamirma nila sa Attendance umaalis na din agad sila kaya walang natitirang estudyante.
Tinext ko na lang si Danica na papunta na kami ng cafeteria dahil wala naman kaming klase. Nagreply naman sya na mag ikot ikot na lang muna kami dahil may introduce kineso sila sa dalawa nilang subject. Grabe! Turo agad. Hahaha. Kaya naman un nga amg ginawa namin. Nag ikot at kinabisado ang school.
"Ang ganda dito! Mukhang pinaganda talaga nuh? Iba talaga ang pang mayamang school! Buti na lang matalino tayo. Hahahaha. Kahit papaano nakapasok tayo dito." Sabi ni Kim na nakahiga sa damuhan dito sa grounds
"Totoo. Thank you ah! Gulat man ako nung araw na un pinursige nyo pa din. Hahaha." Natatawang sabi ko.
"Of course! Hindi pwedeng kami lang! Kaya mo naman eh! Kayang kaya mo. Higit pa nga dun ung nagawa mo!" Sabi nya at tumayo bigla. "Magkano pala ang matatanggap mo sa Allowance mo?" Tanong nya sakin.
Yep! Nakapasok ako sa full scholarship with allowance kaya hindi ako masyadong hirap sa pera dahil may matatanggap ako sa school kada month at magsstart un ngayon. Hehehe. Dahil start na ng klase.
Kung bakit ako nakapasok? Secret! Hahahaha. May jutsu akong ginawa kaya nakapasok ako. Hahahaha. Pero dahil nga nakuha kami bilang scholars may mga kaakibat un na responsibilities...
We need to maintain our grades and GPA. They also required us na sumali sa dalawang Academics Squad, kung saan lalaban sa mga school for academics. Nung nakaraan nagkaroon ng application sa mga Academic Club, nagpasa ako sa Mathematicians Brain and Quizmart at nagexam. Ngayon ko din malalaman kung pasok ba ko o hindi.
Dahil naalala ko! Makapunta nga sa Bulletin Board para tignan un.
"Hm.. hindi ko alam ih. Hindi ko pa naman tinitignan pero sabi sa ngayon ibibigay un. Hehehe. Tignan ko sa school account ko. Nga pala! Sama ka? Punta ako Bulletin board, titignan ko kung nakapasok ako sa MB at Quizmart." Sabi ko sa kanya at tumayo sa pagkaka upo.
"Sureness! Tara!" Sabi nya at tayo.
Naglakad na kami papuntang bulletin board para makita kung pasok ako. Hehehe. Pagdating namin dun madaming tao. Sapagkalaalam ko. Ang nirequired lang nila na sumali ay ung mga full scholars, kasi sabi ni Kim wala naman daw syamg nakuhang email kaya ayun...
Nakipagsiksikan kami at hinanap ung pakay namin. Buti na lang din at magkatabi lang ung announcement ng sinalihan ko kaya nakita ko agad...
"Waaaaaaaah! Ikaw to diba?! Apaka naman po! So proud of you!" Tili ni Kim kaya nakuha nya ung attensyon ng iba.
Sa announcement kasi nakalagay amg ranking ng mga nakapasok at kung sino sino.
Mathematians Brain Ranking
Rank Name Average
1 Ferrer, Denzie Nicole ............. 98.5
Quizmart Ranking
Rank Name Average
1 Ferrer, Denzie Nicole ........... 99.6
And yes! Pasok na pasok ako sa banga! Hahaha. Atleast hindi na ko mahihirapan pang himanap pa ng ibang masasalihan.
"Ang ingay mo naman." Sabi ko kay Kim ng may marinig akong nagbulungan at nakatingin sakin.
"Sya un?! Grabe. Ang talino naman nya tapos maganda pa. Sana all na lang talaga."
"Rank 1. Sa pareho. Deserve maging full scholar."
"Sana ako din full scholar at maganda."
At iba pa! Ayoko talaga ng gantong atensyon. Sana pala late na ko nagpunta. Tsk!
After namin makita ung result, babalik sana kami ng grounds pero nagtext si Danica na papunta na sya ng cafeteria kaya dun na kami dumeretso.
Bulung bulungan pa din ung result dun sa bulletin. Tsk! Buti na lang hindi nila kilala ung pangalan ko. At buti hindi nilalabas ung result ng Scholarship Examination. Tsk!
Walang nakakaalam ng result kundi ako lang at ung dalawang proctor ko na nagpaulit sakin ng exam. Hahahaha. Di ko alam kung bakit ako pinaulit, akala ata nandaya ako.
Pagdating namin ng cafeteria. Umupo na muna kami ni Kim. Ako may baon, sila wala ata. May kaya naman kasi sila Kim at si Danica mayaman naman kaya no need na silang magbaon. Hehehe
Pagdating ni Danica, sabay na silang pumila at bumili ng pagkain.. habang ako nakaupo at inaantay sila, inilabas ko na ung baon kong lunch. Masarap kayang magbaon! Hehehe
Pagkabalik nung dalawa, inayos lang namin ung pagkain namin at kumain na. Habang kumakain naman kami hindi napigilan ni Kim na magkwento about dun sa pogi na nakita namin kanina. Akala ko pa naman nakamove on na sya dyan. Hahahahaha
"Anong kinukwento nyang ni Kim na gwapo? gwapo ba talaga?" Sabi ni Dani habang kumakain.
"Ay gurl! gwapo talaga! sinasabi ko sayo. Sayang lang at hindi namin un kablock, kasi naman andun sya sa side namin!" kilig naman na sabi ni Kim "pero sana malipat, nawa'y pagbigyan ng Diyos!" dagdag nya pa habang may padasal dasal pa kuno.
"Ano namang gagawin mo kung maging kablock natin sya?" Tanong ko sa kanya
"Ano pa ba?! Edi lalandiin! Hahahahaha. Try mo din minsan. Choss!. Hahahahahaha" natatawang sabi
Napailing na lang kami ni Dani at napakibitbalikat. Kahit kailan talaga tong babae na to basta gwapo, spotted agad! walang lusot!
"At ikaw! Kalat na kalat ung pangalan mo!" Bulong nya. Alam naman kasi nilang ayoko ng atensyon. Sanay ako na tahimik at hindi gaano napapansin dahil sila lang naman amg kaibigan ko.
"Hayaan mo na. Hindi naman nila ko kilala, pangalan ko lang." Sabi ko at kain na ulit.
Nagkibit balikat lang naman ung dalawa at kumain na din ulit. Di naman nagtagal ay balik kami sa kaninag gawain namin ni Kim. Punta room para mag attendance tas aalis din agad. Ganto pala ang ginagawa dito sana hindi na lang ako nag uniform. Hahahaha. Choss!
Natapos ang schools at uwian na. Sabay sabay naman ulit kami dahil pinauwi na sila Danica ng prof nila.
Nakauwi na ako dahil wala naman talaga kaming ginawa sa school. Orientation lang at attendance sa klase tas after nun uwi na. Di pa naman nagpakita ung mga Prof namin sabi kasi may orientation din daw sila. Kaya wala pang klase. Sana lagi! choss! Hahahahaha
Wala pa si mama, kaya naman naggitara at kumanta muna ako bago gumawa ng gawaing bahay. Nang matapos ako sa paggigitara inumpisahan ko ng maglinis at magluto ng hapunan..
Sakto ng matapos akong magluto dumating si mama, nagtulong na kaming maghain para makakain na kami.
"Kumusta ang first day anak?" biglang tanung ni mama habang kumakain. Nilunok ko muna ung pagkain at sinagot sya.
"okay naman po. wala naman masyadong ginawa. Orientation lang tas attendance sa mga subject pati po ung sa result ng Academics Squad na sinalihan ko lumabas na at nakapasa po ako. Kayo po kumusta ang trabaho?"
Tumango tango sya at nilunok ung kinakain bago nagsalita ulit.
"Hm.. Okay lang din naman madami lang masyadong ginawa pero katulad ng dati kakayanin... Pero teka! Talaga at nakapasok ka? Ang talino naman talaga ng Anak ko! Alam ko naman aayusin mo ang pag aaral mo at dadami pa ang gagawin mo sa mga susunod na araw at taon, pero dapat mag enjoy ka dyan. Dahil Aim High yan! magandang school at pag nakapagtapos ka madali kang makakapasok sa mga kompanya. At matutupad ang pangarap mo." Nakangiting sabi ni mama at parang proud na proud sya sakin.
Tumango at ngumiti lang din ako. un naman talaga ang balak ko, at mag aapply ako sa pinakamalaking Company dito sa Maynila. Ang Monticlaro Enterprise, madami silang Business at establishments. Resort, Restaurant at Hotel international at local. At syempre ang School namin na AHC. Sabi ko nga kanina pangarap ko un.
Natapos na kaming kumain at ako na rin ang naghugas dahil alam kong pagod si Mama kaya kailangan na nyang magpahinga. Pagkatapos kong maghugas pumasok na din ako sa kwarto ko at humiga. Hindi naman ako agad nakatulog dahil busog ako at bukod dun hindi ako mapakali! Hahahaha
Habang nag iisip naalala ko na tignan ung account ko. Yes! My own account, Aim High ang nagbigay samin nun. Di ko alam kung paano pero may website silang ibinigay samin at dun namin makikita kung may pumasok ng allowance samin tapos pwede namin makuha sa Finance Department ng School ung pera. Basta ibibigay namin ung ID at ung account number namin sa kanila then after nun makukuha na namin ung allowance namin for this month.
So i went to that website and I enter my Student ID number and account name tapos password! Then viola! Andito na ko at nakakagulat dahil may laman na! Hahahaha
Pwede ko ng kunin bukas to. Hehehe. Makakatulong din kay Mama to kahit papaano. Pwedeng ako na amgagbayad ng tubig dito sa bahay.
Ibinaba ko na lang ulit ung phone ko at pumikit. Di na dalaw naman na ko ng antok kaya madali akong nakatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top