Special Chapter | NicRose Couple
Tw: mention of cheating and depression
A/N: Hello, Chasers! Pasensya na kayo kung hindi ako nakapag update kaagad sa special chapter ng NicRose dahil nilalagnat ako at hindi masyadong gumagamit ng phone pero para sa inyo, kakayanin kung magsulat kung para naman ito sa ikasasaya niyo. OA ko naman masyado, ah basta! Sana mag enjoy kayo sa pagbabasa nito! Salamat sa paghihintay, Chasers! Stay safe and stay healthy! Lovelots! ❤
___________________________________________________________________________________
Special Chapter: Past and Present
Roseanne Tan's Point of View
—Past—
Masaya ako ng tuloy tuloy ng gumagaling si Lei sa mga nakalipas na buwan pero kailangan pa rin ng treatment sa sakit niya sa utak.
Pero kabaliktaran naman ang nangyayari ngayon sa pamilya ko. Mabuti na lang at nandito palagi sa tabi ko si Nic. Pero mapapansin ko rin sa kanya na parang ang lungkot din niya.
"Rosea, pakopya naman dyan. Ang hirap pala nitong Math. Parang gusto ko nang magquit sa pag aaral ng Engineering." Reklamo ng katabi ko pero inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagsasagot ko sa quiz namin.
"Sabi ko nga, ako na lang." Aniya pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Ang snob mo naman, hindi naman ako nang aano sayo, infact gusto ko pa ngang maging kaibigan kita para meron akong makausap kahit dito man lang sa room," ani ng katabi ko pero hindi ko pa rin siya pinapansin at mas pinilit ituon ang buong atensyon ko sa pagsasagot nitong quiz na halos ikadugo ng utak ko. Kailangan ko munang magseryoso ngayon.
"Oy, kausapin mo naman ako, kahit ngayon lang." Pero hindi ko pa rin siya pinansin.
"Hoy, sige na. Kausapin mo naman ako." Hindi ko pa rin pinapansin.
"Please, please, please, kahit ngayon lang naman." Doon na ako tuluyang humarap sa kanya saka sinamaan siya ng tingin. Bago ko pa namalayan at napigilan ang sarili ko ay tumayo na ako at sumigaw.
"Sabi kong 'wag mo 'kong kakausapin eh! Ang kulit kulit mo!" Inis na sigaw ko sa kanya kaya itinaas niya ang kanyang mga kamay sa ere na para bang susuko siya sa mga pulis saka nginisian ako. Loko 'to ah! Plinano niya ba 'to?
"Ms. Tan, bakit sinisigawan mo si Mr. Choi?" Natigilan ako sa sigaw ng proffessor namin at tinignan siya, masama na ang tingin niya sa'kin. Terror proffessor pa naman 'to, lagot ako nito!
Ang g*go naman, nanatili paring nakaplaster ang ngisi sa kanyang labi at makikita mo sa kanyang mata ang tagumpay. Ul*l mo, pre! Kitang nanahimik ako rito para hindi ako papagalitan ni prof. tapos ganito lang ang hahantungan ko rito. Ibang klase!
"Kung wala kang matinong gagawin rito, aba eh lumabas ka rito! Labas! Doon ka sa labas magsasagot niyan, at kapag hindi mo pa 'yan naipapasa sa'kin, wala na akong pakialam sayo. Labas na, dali!" Nanatili pa ring masama ang tingin ni prof. sa'kin, ang mga kaklase ko naman ay nakangisi at nakamasid lang sa'kin, eto namang lokong 'to, wala na akong pakialam! Mabuti pa ngang sundin ko na ang utos ni prof. para mawala na sa paningin ko itong g*gong 'to. Tss.
Kinuha ko na ang bag ko at pasimpling pinukol ng masamang tingin si Marl Choi a.k.a, g*gong ul*l bago lumabas na ng room.
Namalayan ko na lang na pupunta pala ako sa architecture department at may hinahanap. Napangiti na lang ako mula sa bintana ng dumako ang paningin ko kay Nic na seryosong nakikinig sa prof. nila at nagsusulat sa notepad niya. Ganun din ako kanina pero dahil sa g*gong ul*l na 'yon, napalabas ako ng wala sa oras kaya ngayon heto ako, nagmamasid na lang.
Napabuntong hininga na lang ako at saka naglakad na lang papalayo doon at napagpasyahan kong doon na lang ako magsasagot sa quiz ko sa cafeteria. Muntik na nga akong maligaw kung saan ang cafeteria eh. Ibang school na nga pala ito, nasanay din kasi ako sa cafeteria namin nung nag aaral pa ako sa Valzon Academy. And, actually? I hate this school so much because I'm surrounded by plastics, casanovas, bullys, and playboys. Mabuti na lang at dito din si Nic nag aaral. Eto kasi si mommy, pinilit talaga akong mag aral dito kahit hindi ko naman gusto. Hindi k odin kasi matiis si mommy kaya pumayag na lang ako ng pilit. Pero nagbago lang ang pakikitungo ko kay mommy nung nalaman ko ang katotohanan sa pagkatao ko.
Umupo ako at nagsimula ng isinagot ulit ang test paper. Yes, the quiz is difficult pero kaya ko naman. Mabuti at nakapag review ako kahapon kaya makakaya ko talaga itong sagutin lahat.
Habang nagsasagot ako ng quiz ay meron akong nararamdamang parang may lumalapit papalapit sa'kin at yabag ng paa kaya tumigil ako sa pagsasagot at humarap sa taong 'yon. Halos mapasinghap ako sa inis kung sino itong taong 'to. Gusto kong umiwas sa kanya para iwas na ako sa gulo pero siyempre, makulit 'to eh kaya hindi titigilan nito.
"Bakit ka nandirito?" Inis na tanong ko. Nakapamulsa siyang tumingin sa'kin at saka ngumisi. I really really hate it!
"I saw you answering the quiz... alone. Kaya naisipan kong pumunta rito para hindi ka na mag isa." Aniya. He licked his lower lip after that.
"I don't think so. Alam ko na ang mga ginagawa mo at alam kong masasangkot na naman ako kaya pwede ba, lubayan mo nga ako." Nagsisimula na akong magalit sa kanya pero pinipigilan ko lang at baka ako na naman ang sisisihin na ako ang nag eskandalo rito. Haysst! Kainis talaga itong g*gong ul*l na 'to! Sarap tirisin!
"What's wrong if I just wanted to be friends with you? Ganun mo ba ako kaayaw kaya hindi mo din ako gustong kaibiganin?" Tanong niya kaya napairap ako at napacross arms.
"Oo, kaya lumayo ka na sa'kin." Iritang ani ko at tinalikuran siya saka akmang uupo ng nagsalita na naman siya na nakapagpatigil sa'kin sa akmang pag upo.
"The more you want to get rid of me, the more I want to be friends with you. At hindi ako madaling sumuko kaya maghintay ka lang at mapapaamo din kita." Aniya saka narinig ko na lang na nakarinig na ako ng yabag na mga paa papalayo kaya parang nabunutan ako ng tinik at napahinga ng maluwag pero 'yung kaba, hindi ko mapangalanan eh. Parang may binabalak na masama itong g*gong ul*l na 'to. Hindi kaya... no, Rosea, hindi iyon mangyayari okay, hindi.
Sinundan ko pa muna siya ng masamang tingin bago siya nawala sa paningin ko at saka muli nang bumaling sa quiz ko.
Nakahinga na ako ng maluwag ng natapos na ako sa pagsagot ng quiz at saka akmang tatayo na ako ng merong tumakip sa mga mata ko kaya napatigil ako. Sininghot singhot ko pa ang kamay kung sino 'to.
Napangiti na lang ako ng mapagtanto kung sino 'to. Nakarinig pa ako ng tawa sa likod ko kaya mas lalong lumapad ang ngisi ko.
"Sino ka?" Kunwaring tanong ko sa kanya.
Hanggang sa narinig ko na siyang humagalpak ng tawa at pinakawalan na ang mata ko. Tinignan ko siya pagkatapos at kinuha ang bag ko saka hinampas iyon sa kanyang dibdib.
"May patakip takip ka pang nalalaman, Nic ah. Hindi 'yon effective para magulat ako. Ang dali mo kayang marecognize, alam ko na ang pabango mo kaya wag mo nang gagawin 'yon." Natatawa kong usal habang nakatingin na sa kanya. Ipinasok ko na sa loob ang test paper ko pagkatapos.
"Girlfriend talaga kita kasi alam mo na talaga ang pabango ko," aniya kaya namblush ako. Kahit matagal tagal na kaming magkasintahan, I always blush when he says 'girlfriend'. Mukhang bago lang sa pandinig ko iyon gaya nung una ko siyang sinagot.
"Pero teka, bakit ka nandito? Diba dapat nasa loob ka ng engineering department na room? Anong nangyari?" Takang tanong niya kaya napabuntong hininga ako. Naalala ko na naman kasi yung g*gong ul*l na 'yon. Hindi talaga ako tatantanan nun. Akala naman niya gusto kong makipagfriends sa kanya, ang pangit ng ugali gusto kong sikmurain mabuti na lang at hindi ako marunong nun.
Kinuwento ko sa kamya lahat ng nnagyari kanina hanggang sa napadpad na ako rito. Pagkatapos noon ay doon na siya nagreact.
"Gusto mo, bugbugin ko yung loko na 'yon? Sabihin mo lang at gagawin ko talaga. Wala siyang karapatang mangganyan sa girlfriend ko." Aniya habang masama na ang loob na nakatingin sa kung saan saan.
Napangiti ako dahil ang protective niya sa'kin, maaalalahanin pa. Kaya ko 'to sinagot eh, he's a boyfriend material.
Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil 'yon kaya napatingin siya sa'kin at lumamlam ang mata niya habang nakatingin sa'kin. He really has an effect on me.
"Wag na, baka makagawa lang tayo ng gulo dito, ayaw ko nun. Baka masuspend ka o maexpelled kapag nakagawa ka ng masama sa g*gong ul*l na 'yon." Sabi ko. Natawa siya kaya napatingin ako sa kanya.
"G*gong ul*l talaga? Kung sabagay ang g*go nga niya." Aniya kaya napatawa na rin ako.
Lumapit pa siya sa'kin at saka ihinilig niya ang ulo ko sa balikat niya at nilaro laro na niya ang magkahawak naming kamay. Hinalikan pa niya ang noo ko.
"Kamusta quiz niyo? Ayos lang ba?" Pag iiba niya ng usapan saka tinanong iyon.
"Well, ayos naman. Nakaya ko, pero ang hirap talaga. Mabuti na lang at nakapagreview ako kagabi," sagot ko.
"You did great, babe. Baka nga ikaw ang mataas sa kanila eh, tiwala lang sa sarili." Sabi niya kaya tumango ako.
***
Pag uwi ko sa bahay ay sigurado na akong naghihintay na si mom sa'kin. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagdire-diretso na lang sa pag akyat. Ayaw ko pa siyang makausap. Akala ko siya talaga ang mommy ko pero hindi. Sana hindi ko na lang narinig 'yong tawag ni mom.
After kong magbihis ay naisipan kong kumuha ng libro. Pagkaupo ko ay biglang merong kumatok sa pinto ng kwarto kaya napabuntong hininga ako. Si mom iyon.
"'Nak, pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?" Aniya sa labas.
Kahit labag sa kalooban ko na kausapin siya, ginawa ko na lang. Baka last na 'to o ano.
Pinagbuksan ko ng pinto sa mom saka siya pumasok. Nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at nasisisguro kong pagkamiss sa'kin, puno ng emosyon din iyon.
"Ano pong pag uusapan natin?" Diretso ko nang tanong kay mom, ayaw ko nang magpaligoy ligoy pa, gusto ko nang matapos 'to.
"'Nak, look... I... I'm sorry. Sorry dahil hindi ko sinabi sayo ang tot—" pinutol ko ang kung ano pa man ang sasabihin ni mom saka nagsalita.
"'Yon na nga, mommy eh! Hindi mo sinabi sa'kin ang totoo, hinayaan mo lang ako na mabulag sa katotohanan na hindi ikaw ang totoo kong ina. Alam mo mom? Napakamakasarili mo," seryosong sabi ko na halos pasigaw na.
"'Nak please listen. I wanted you to stay out of this problem kaya hindi ko masabi sayo ang totoo, ayaw kong mag isip ka masyado ng ikasasama mo, napakabata mo pa." Aniya, nagpapaitnindi. Pero kahit anong gawing pag intindi niya hindi ko pa din maintindihan kung bakit niya nagawa 'yon.
"Pero tungkol 'to sa totoo kong pagkatao, mom eh. Bakit niyo ipinagkait 'yon sa'kin? Maiintindihan ko naman 'yon eh!" Sabi ko sa kanya. Naramdaman kong nanginit ang gilid ng mata ko. Nagsisimula na akong maiyak.
"Make me understand, please, mom." Halos nagmakaawa na ako kay mom.
"'Nak, I'm so sorry pero it's for your own good, hindi ko muna sasabihin sayo, kailangan kumalma ka muna bago ko sabihin 'yon sayo, it might affect your depression." Aniya pero umiling lang ako at nagsimula na akong lumuha sa harap ni mom.
"Please, mommy, wag niyo namang sabihin sa'kin 'yan. I need an explanation, para maliwanagan na ako! And I don't need your sorry, so please mom! Make me understand!" Pagpipilit ko pa.
Hinawakan ni mommy ang magkabilang braso ko saka niya ako yinakap ng mahigpit. Sinubukan kong magpumiglas pero ayaw.
"You liar! You're not my mom. Please, give me an explanation!" Patuloy ko lang iyon binibigkas habang yakap yakap ako ni mommy. Naramdaman ko na ding yumuyugyog ang balikat ni mommy kaya nasisiguro kong umiiyak na siya.
Brandominic Tejada's Point of View
—Past—
Gusto kong hindi muna umuwi dahil maaabotan ko lang doon sa bahay ay mag aaway sila mommy at daddy. At ang pinagmulan ng away na 'yon ay tungkol sa kung sino ang totoo kong ina at yung kumabit si mom.
Hindi ko pa nga din alam kung sino ang totoong ina ko eh. At 'yon ang ikinagagalit ko. Hindi ko pa sila napatawad dahil doon. Hindi nila sinabi lahat sa'kin tungkol sa buo kong pagkatao at yung kaunting nalalaman ko lang ay hindi ko totoong ina si mom.
Mabuti na lang at nandoon pa rin sa'kin si Rosea, ang girlfriend ko, kaya hindi ko mafeel na mag isa lang ako sa problemang kinakaharap ko, pero hindi ko iyon sinabi sa kanya, nahalata ko din siya na meron din siyang problema, ayaw kong dumagdag pa sa problema niya kaya mas mabuti ng ganun.
Pero aksidente ko na namang narinig ang pinag aawayan nila dad na nakapagpatigil sa'kin sa akmang pagpasok.
"Oo kumabit ako at meron akong anak doon pero ikaw rin diba? Kumabit ka din, kaya ang bunga nun ay si Nic! Ang ina niya ay ang ina ng girlfriend ng anak mo na kinabit mo noon no'ng magkasintahan pa tayo! Alam ko sa simula pa lang na hindi ko anak si Nic dahil unang lumapit ang totoo niyang ina sa 'kin. Meron naman akong karapatang isumbat 'yon diba?" 'Yon 'yong narinig ko sa tinig ni mom sa loob.
Hindi ko maitago ang gulat sa mukha ko dahil sa panibagong katotohaman na naman. At 'yong totoo kong ina, ay walang iba kundi si Tita Seph! Bakit siya pa? Bakit ang ina pa ng babaeng mahal ko? Pwede namang iba diba? Bakit?
"Kumabit ka din, Ben! Kaya wala ka ring karapatan na sumbatin din ako ng ganyan dahil pareho lang tayo! Meron tayong parehong kasalanan! Tapos, paano kung maririnig ito ng anak natin? Ano ang gagawin natin ha? Sabihin na nating hindi ko totoong anak si Nic pero yung turing ko na sa kanya ay anak na rin, mula nung bata pa siya, itinuring ko siyang anak na parang siya yung tunay kong anak na nawalay sa'kin! Tapos, nung nakilala ko ang girlfriend niya, nakakagaan ang pakiramdam kapag malapit siya sa'kin, at mula nun ay narealize ko na, na siya pala yung nawawala kong anak!" Sigaw ng sigaw si mommy pero iba ang tumatak sa isipan ko.
Yung girlfriend ko... yung girlfriend ko, si Rosea... siya ang... totoong anak ni mommy...
Bakit parang pinaglalaruan kami ng mundo?
Hindi ko na kaya pang marinig ang mga sinasabi nila kaya umalis na lang ako roon at pumunta sa kotse ko at mabilis na umalis papalayo roon sa bahay.
Kailangan kong makita ngayon ang girlfriend ko. Siya lang ang kailangan ko ngayon kahit pa siya ang totoo at nawawalang anak ni mommy.
Third Person's Point of View
—Past—
Naisipan pa ring lumabas ni Rosea para magpalamig. Hindi niya kinaya lahat ng nangyayari sa buhay niya o sa mga nalaman sa buong pagkatao niya.
Pagkalabas niya ng bahay ay naramdaman niya na parang basa ang tuktok ng ulo niya kaya umangat siya ng tingin saka napagtanto na kumukulog pala ang langit at saka bumuhos ang malakas na ulan kaya napasinghap siya saka dali daling isinuot ang dala niyang jacket saka walang patumanggang umalis sa bahay nila at tumakbo kung saan siya dadalhin ng paa niya para may masilungan man lang.
Naoita naman kaagad niya ang waiting shed doon sa may eskina kaya lumapit siya doon habang tumatakbo pa rin. Pagkalapit niya ay umupo siya saka doon lang kinuhang muli ang phone niya. Mabuti at hindi iyon nabasa sa ulan.
Naisipan niyang kuhanan ng picture iyong ulan kaya kinuhanan muna niya ng mabuti bago niya iyon ipinost sa IG story niya. May caption doon na, 'the rain already made my day'. Then, isinilid na niya ang phone niya sa loob ng bulsa ng maong shorts niya.
Hinintay pa muna niyang maging mahina ang ulan bago siya magdesisyon na umalis na sa waiting shed at pumunta sa malapit na store. Pumasok siya saka pumili ng burger at C2. Umupo siya at kinain ang burger pagkatapos.
Bigla namang pumasok sa isip niya ang mga tanong na iyon.
'Ano kaya ang mangyayari ngayon sa'kin kung hindi ko narinig 'yong sinabi ni mommy?'
'Magiging masaya pa rin ba ako ngayon kapag hindi ko narinig 'yon?'
'Kung hindi ko narinig 'yon, magbubulag bulagan din ba ako para hindi maisawalat ang katotohanan tungkol sa buo kong pagkatao?'
"Ang unfair ng buhay ko," sabi niya sa kanyang sarili habang meron ng lumandas na luha sa kanang pisngi niya. Pinalis niya iyon at nagpatuloy na lang sa pagkain ng burger.
'Hindi dapat ako umiiyak ngayon, kaya nga ako nagpapalamig diba?'
Meanwhile, Nic is now at the house of her true mom. Hindi ang kanyang totoong ina ang hinahanap niya kundi yung girlfriend niya kaya siya narito.
Pinindot niya ang doorbell at bumukas naman ang pinto. Nagulat naman yung nagbukas, yung totoo niyang ina ang nagbukas niyon.
Pero nakarecover din naman ang kanyang totoong ina saka nagtanong.
"Si Rosea ba ang hanap mo, iho?" Tanong nito.
"Oho, andyan po ba siya?" Tanong din ni Nic.
"Teka lang, iho. Baka nandoon lang 'yon sa kwarto niya, ako na hahanap iho. Pwede kang maupo, iho. Halika." Inakay siya ng kanyang totoong ina papasok. Sakto namang bumihos ang malakas na ulan kaya hindi na siya makatanggi pa.
Umupo siya sa pandalawahang sofa saka ngumiti sa kanya ang ginang bago umakyat ito. Kaya pala sobrang nakakagaan ang loob kapag malapit lang si Nic sa mom ni Rosea dahil totoong ina pala niya 'to. Yung ngiti niya ang nakapagpaaalala sa kanya na totoo niya itong ina.
Habang naghihintay ay kinuha niya ang phone niya at naisipang mag IG. Kumunot ang noo niya ng merong IG story ang girlfriend niya rito kaya pinindot niya iyon. Ang bumungad sa kanya ay malakas na buhos na ulan pero picture lang iyon at ang nakalagay na caption ay, 'the rain already made my day'. Kinabahan siya dahil doon, parehas ng ulan ang nararamdaman ngayon ng gf niya? Bakit hindi ito sinabi iyon sa kanya?
"Iho, wala doon si Rosea sa kwarto niya. Asan na ba yung batang 'yon? Jusko, baka may nangyari na naman sa kanyang masama!" Bigla na lang sumulpot sa harap ni Nic ang ginang saka nagpapanic na lumakad lakad. Marahil nag aalala kay Rosea.
Nalungkot naman si Nic dahil grabe kung mag alala ang ginang kay Rosea kahit pa hindi naman ito totoo niyang anak. Alam ba din ng ginang na totoong anak nito siya? Marahil hindi dahil parang wala lang sa ginang ang presensya niya dito.
"Tita, alam ko na po kung nasaan po ngayon ang anak niyo. Wag na po kayong mag aalala, ako na po ang bahala. Nagpost kasi siya ng story sa IG niya. Sige po, salamat na lang po." Sabi niya saka tumayo na at isinuot ang sweater niya at lumabas.
Ng akma siyang papasok ng kotse niya ay napatigil siya dahil sa sinabi ng ginang.
"Ingat sa daan... anak ko," yun ang sinabi ng ginang bago pumasok ito.
Lumabas na ang tinatagong luha sa mga mata ni Nic saka pumasok sa kotse.
'She just said that, right? She said that I'm her son, right?'
'Hindi lang ba iyon guni guni ko lang? Totoo ba talaga 'yon?'
'I can't believe it.'
Pero iwinaksi na lang niya iyon sa kanyang isip at saka galit na tinignan na ang nasa harap.
"Hindi niya sinabi iyon, hindi dapat ako umasa na ako 'yon at baka namisinterpret ko lang 'yon. Para kay Rosea iyon, siya lang naman diba ang anak niya kaya siya 'yon." Ani Nic saka mahigpit na kumapit sa monabela at pinaandar na iyon saka umalis na ng bahay.
Sa kabilang banda naman ay nandoon pa rin si Rosea pero wala na 'yong burger, pero nandoon pa rin 'yong C2. Lumabas na siya ng store saka pinakiramdaman muna ang panahon. Bigla na lang umihip ang malakas na hangin. It sent shiver to her skin kahit pa nakajacket siya.
Biglang may tumigil na kotse sa harap niya at napangiti siya ng lumabas at kung sino iyon. Si Nic, ang boyfriend niya.
Pero napawi ang ngiti niya ng makita ang mukha nito, parang galit. Hindi niya alam kung saan nanggaling 'yon.
"Teka, anong nangyari sayo, Nic? Bakit ganyan ang hitsura mo? Nakipag away ka ba?" Tanong ng tanong si Rosea pero iba ang sinagot ni Nic.
"Mag usap tayo sa loob ng kotse," seryosong sabi nito kaya napalunok muna siya bago dahan dahang tumango saka sumunod sa kanya para pumasok sa loob.
Bale nasa front seat sila, si Nic ay nasa driver's seat at siya naman ay katabi lang nito.
"What's wrong? Bakit naman masyado kang sery—" pinutol ni Nic ang kung anong maaaring itanong ni Rosea sa kanya.
"My mom is your biological mom while your mom is my biological mom, get it?" Anito which left her dumbfounded.
"What? But how? I mean, why?" Naguguluhang tnaong ni Rosea.
"I don't know either. But one thing's for sure that we were separated when we were just born by our moms." Ani Nic.
"Sinasabi mo bang hindi tayo pwede ha Nic? Ganoon ba ang pinapahiwatig mo?" Ani Rosea habang nagsimula na siyang dumuro duro kay Nic. Si Nic naman ay nafrustrate kay Rosea.
"No, and it's not what you think it is, Rosea." Sagot ni Nic pero mukhang hindi iyon narinig ni Rosea.
"Kung ganoon lang din naman ang ipinapahiwatig mo, mabuti at maghiwalay na lang tayo kung ganoon. It's forbidden right? Kaya magbreak up na tayo," ani Rosea kaya tinignan na siya ng seryoso ni Nic.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, Rosea!" Hindi napigilan ni Nic ang pagsigaw niya kaya tumigil si Rosea pero nangilid ang mga luha nito kaya nagsisi rin siya kaagad.
"I—I'm sorry.. I'm sorry, babe... I didn't mean to shout at you. I'm so d*mn frustrated because of what had happened to us kaya ayaw ko nang mandagdag ka pa, sorry." Ani Nic at lumapit kay Rosea para halikan ng paulit ulit sa noo.
"I'm sorry rin. Hindi ako nakinig sayo, nafrustrate ka pa." Tugon na ni Rosea kaya paulit ulit niyang hinalikan ang noo nito saka niyakap.
Nanatili silang ganoon hanggang sa humiwalay sila sa yakap. Pinalis ni Nic ang mga luha ni Rosea.
"Ano na gagawin natin ngayon, babe? Muntik na tayong magbreak ng dahil lang sa pagkatao natin. Ayaw ko nang mangyari ulit 'yon." Sabi ni Rosea kaya tumingin si Nic sa kanya at hinawi ang buhok nito sa tenga nito.
"I'll make sure na hindi na 'yon mauulit pa. Ayaw kong may away tayo na hindi nasosolusyunan. Mas mabuting puntahan natin sila para maliwanagan tayo. Were in this together." Ani Nic kaya ngumiti sa kanya si Rosea.
"Mabuti nga kung ganoon," anito.
***
Naging masaya naman sila pagkatapos nun dahil naliwanagan sila sa pagpunta nila sa kani kanilang mga magulang. At muling nagkaayos ang mga magulang nila.
Sabi nga nila, 'Walang pagsubok ang hindi kayang pwedeng masolusyunan.' At eto ang nangyari sa mga pamilya nila.
Nag away pang muli sila dahil sa g*gong ul*l na sinasabi ni Rosea dahil namisunderstood iyon ni Nic nung nakita ni Nic na magkasamang naglalakad sila Marl at Rosea, and yes of course, he's blinded by jealousy.
Nagkaclose din naman kaagad sila at wala nang problema.
Roseanne Tan's Point of View
—Present—
Bridal Shower . . .
"Hoy, ano ba ang ginagawa niyo sa'kin? Pakitanggal 'tong blindfold na 'to, wala akong makita!" Reklamo ako ng reklamo pero parang walang naririnig itong mga kasamahan ko. Humahagikgik pa sila kaya gusto kong mapairap.
"Hoy, ano ba? Bakit hindi niyo tatanggalin?" Tanong ko.
"Ako na nga ang magtanggal, kainis kayo." Sabi ko at akmang hahawakan ang blindfold ng pinigilan ako ng isang kamay at nagsalita.
"Wag mo munang tatanggalin 'yan, maghintay ka na lang. Habain mo muna pasensya mo, oks bess?" Ani Lei kaya gusto na talaga niyang mapairap.
"Oo nga, maya na oks?" Sabi din ni Shayne at narinig ko pa ang pag apir nila at paghagikgik. Sarap kutusan ng mga 'to! Basta ba makawala ako rito, patay sila sa'kin!
"Oo na, papahabain ko muna pasensya ko. Ano ba kasi hinihintay niyo?" Tanong kong muli pero pinatahimik na lang nila ako.
Hanggang sa tumigil na kami. Nakarinig ako ng ingay kaya sinabihan ko na sila na pwede na bang tanggalin iyon, at pwede na daw kaya makakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman hindi na.
Pero pagkatanggal ko ng blindfold ay napahiyaw na lang ako sa gulat ng merong nagpasabog ng confetti saka tumawa tawa pa ang mga g*g*.
Napairap na lang ako saka maya maya pa'y tumawa. Ano ba naman 'tong mga kaibigan ko? Bakit mga may sayad sa ulo?
"Here's the cake!" Excited na sabi ni Lei. Parang siya 'yung ikakasal dahil sa pagkaexcited kaysa sa'kin eh.
"Ngieekk, bakit ganyan ang hitsura ng cake?! Ano ba naman kayo!" Inis na may pagkatawang sabi ko.
Iba 'tong cake na 'to eh. Kung ano ano na ang ginagawa nila pati cake dinadamay!
Tumawa lang sila kaya hinampas ko sila ng unan para tumigil na sila kakatawa, nakakademonyo 'yung tawa nila!
At eto pa, meron pang mga lalaki ang nakakalat pero ako, mukhang natamaan na sa ininom kong liquor kaya nakisakay na lang ako sa lalaki. Nagiging maharot na ako! Pero basta, just go with the flow sabi nga nila, para rin maenjoy ko 'tong bridal shower na 'to.
Hanggang sa naknock out na silang Shayne, Suresh at Shanda. Kami na lang ni Lei ang hindi pa pero tipsy na. Pero kaya naman namin ang katawan namin.
"Lei, iuwi mo na nga kaya sila. Tawagin mo mga boyfriend nila, oy!" Sigaw ko na dahil parang wala nang naririnig itong si Lei dahil gumweang gewang na siya.
"Huh? O-Oh sige *hik*." Napailing na lang ako ng makita siyang pagewang gewang na lumapit sa purse niya saka kinuha na ang phone niya.
Pagkatapos niyang tumawag ay ang sunod na nangyari ay sumayaw sayaw pa ang g*g*. Ano ba naman 'to oh?
Maya maya lang ay biglang may kumatok sa room kaya gusto kong tawagin si Lei para siya na yung magbukas pero mukhang hindi na kinaya ng katawan ng g*g* iyon kaya wala akong magawa kundi tumayo. Nahilo pa nga ako eh. Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan kung sino ang kumatok.
Nagulat pa nga ako ng si Nic iyon eh. Siya yung kumatok. At parang hindi naman siya lasing kaya okay lang. Meron siyang kasama, si Clark at si Kiel at yung dalawang piloto.
"Sinasabi ko na nga ba eh, tsk." Ani Clark habang tinatanaw si Lei na knock out na. Lumapit si Clark sa kanya at binuhat pabridal style si Lei saka lumapit sa kanila.
"Kailangan niyo nang iuwi mga girlfriend niyo, knock out lahat eh. Sige, iuuwi ko lang 'to." Ani Clark kaya tumango naman sila.
***
Hanggang sa kami na lang dalawa ang natira. Nagpapakiramdaman sa sarili.
Pero binasag niya ang katahimikan.
"Nag enjoy ka ba?" Tanong niya.
"Oo naman, nagpillow fight kami, nag—ah! Ano ba?" Nagulat at napahiyaw ako ng hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kanila. Muntik na nga kaming maghalikan eh. Tinampal ko naman ang kanyang balikat.
"Kasi kung nag enjoy ka naman, pwede din bang mag enjoy din tayo ngayon?" Aniya kaya namula ako. Mabuti na lang at medyo lasing na ako kaya hindi niya mahalata na nagblush ako. Para na ngang nawala yung pagkatipsy ko dahil sa kanya eh.
"S-Sure," I stuttered that's why he chuckled and suddenly he just crashed his lips unto mine.
Well, I enjoyed kissing him. Hala, landi ko g*go!
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
DECIDED
©Alrights Reserved 2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top