Epilogue
Epilogue: Decided
Lei's Point of View
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na pinanatili yung labi namin na magkadikit sa isa't isa. Pero napakasarap sa pakiramdam na magmamahal na naman akong muli. Ang tinitibok na lang ngayon ng puso ko ay walang iba kundi ang naging kababata ko, naging bestfriend, at ngayon naging boyfriend ko na, si Clark. Now, I can finally say that I have totally moved on from Kiel, my friend's boyfriend.
Who would have thought that we, bestfriends, can turn into lovers?
Pinakawalan na ni Clark ang labi ko pero inilapat niya ang noo niya sa'kin at pinanatili niya akong ganun sa kanya. We stared at each others eyes lovingly.
"I never would have thought that this girl in front of me... is now my girlfriend. Do you think I was dreaming?" Tanong niya which left me chuckling.
"No, you're not. You're not dreaming, Clark. And I never thought that this is just a dream." Sabi ko kaya napangiti siya.
"I love you," aniya. Hindi ko man aminin pero kinilig lang ako sa simpleng pag-i love you niya. Kiniliti yung puso ko kaya napatibok ito ng malakas.
"Ilang ulit mo na 'yang sinasabi sa'kin. Hindi ka ba nagsasawa?" Pabiro kong sabi para hindi niya mahalata na kinikilig ako.
Pero mukhang hindi niya nahalata na nagbibiro lang ako dahil sumeryoso siya.
"Hindi ako magsasawang sabihin sayo ang tatlong salita na 'yon sayo kasi matagal ko na 'tong kinikimkim nung mga panahong hindi mo pa ako nahahalatang mahal kita at sa kilos ko. Your worth loving for, Lei. And that's the least I could do aside my actions for you. Gusto ko pa ngang ipagsigawan sa mundo na mahal kita, na girlfriend kita, at maswerte ako sayo. Ganun kita kamahal, Lei. Kaya wag mo 'kong tatanungin kung nagsasawa ako sa kakasabi ng tatlong salita na 'yon. Get it?" Aniya habang seryoso pa rin na nakatingin siya sa'kin.
Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Mas lalo ko lang nararamdaman ang kilig ko. At hindi ko na mapigilang mamula.
"Ano ka ba? Biro lang 'yon noh? Grabe naman 'to, naniwala kaagad." Sabi ko habang may patawa-tawa pa para mawala ang namumula ko na ngayong pisngi, nararamdaman ko 'yon dahil biglang nag-init yung pisngi ko.
"That's not a joke. Pero teka, namumula ka ba?" Hiniwalay niya muna niya ang noo niya sa'kin saka hinawakan ang chin ko saka ihinarap sa kanya. Nakayuko kasi ako para mawala yung namumula kong pisngi. Nahalata niya!
"Hindi noh! Hindi ako namumula!" Mukha nang defensive yung boses ko kaya narinig kong tumawa siya.
"Your funny but so cute when your cheeks got reddened. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mahal kita." Aniya saka napailing-iling at tumingin na sa harap habang nakatingin sa maliwanag na buwan sa tubig-dagat.
Namula na naman ako. Bakit ganun yung mga banat niya? Nakakainis!
Hinimas-himas ko pa muna yung pisngi ko para siguraduhin na hindi na yun nag-iinit saka humarap na rin.
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya kaya naramdaman ko naman na nakapulupot na yung isang braso niya sa bewang ko habang nakatingin na rin kami sa kalangitan na punong-puno ng bituin.
"Do you think that those one of the stars is my sister, love?" Tanong ko habang nakatingin sa mga stars pero mas nakatuon ang pansin ko sa malaking star na 'yon.
"Maybe. If ever she's one of that, she'll definitely watching you from afar." Sabi niya kaya ngumiti ako.
Keiz, kapatid ko, if ever your one of that stars, especially that one big star that I'm watching to, always remember that I love you. Kahit marami kang nagawa sa'king masama, kahit ginagawan mo ako ng masamang balak, hindi pa rin 'yon mapapantayan ang pagmamahal ko bilang kapatid mo, bilang ate mo. I love you, kapatid ko.
"And, I heard that you've said 'love'? Is that your endearment on me? Hmm?" Aniya kaya sumagot ako.
"Yes, got a problem with that?" I said as I was grinning. I felt that he was stunned by my unexpected answer but later on, he just chuckle and shook his head.
"Well then, I'll call you the same endearment as yours." Sabi niya at naramdaman kong nakapatong na ang kanyang ulo sa'kin.
This is the most sweet scenery I've never thought I would experience.
***
Bumalik na kami sa mga kaibigan namin dahil sigurado akong magtataka sila sa'min kung bakit kami matagal nakabalik.
Pero pagkadating namin doon ay kumunot ang noo ko dahil lahat sila parang mga timang na tinitignan nila kaming dalawa. Binigyan nila kami ng nanunukso at malisyosong tingin. Napairap na lang ako at napabuntong-hininga ng palihim dahil mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari nila ngayon sa'min.
"Hey guys," tawag ni Clark sa kanilang lahat kaya mas lumapad ang kanilang mga ngisi. Tss.
Before I could utter a word, starting from Rosea, Shayne, Suresh and Shanda, they answered.
"Alam na namin ang ginagawa niyo kaya kayo natagalan na bumalik dito." Nanatili pa rin silang nakangisi sa'min na parang timang.
"At... nalaman namin na.... magkasintahan na kayo! Congrats, Lei and Clark. You deserved each other!" Sabi nila saka walang alinlangang tumakbo papalapit sa'min dalawa at saka yumakap sa'min.
Nawala yung pagkainis ko dahil sa mga yakap nila. Lumapit na din ang mga lalaki, sa pangunguna ni Kiel patungo ni Harvin at Caleb saka napailing-iling na yumakap sa'min. Dahil siguro 'to sa mga kapares nila kaya sila umiling-iling. Eh, paanong hindi makailing-iling kung ganito ang kilos ng mga babae na parang mga isip-bata?
"Hoy, hindi na ako makahinga." Reklamo ko na dahil mas hinihigpit na nila ang pagkakayakap sa'ming dalawa. Ang OA nila sa totoo lang.
"Sorry, hindi kasi namin inaasahan na sasagutin mo na pala siya, sinekreto mo pa." Sabi ni Rosea kaya tumango si Shayne pagkatapos nilang humiwalay sa yakap.
"May dahilan ba kayo kung bakit hindi ko sinabi sa inyo na sasagutin ko na siya?" Ganting tanong ko.
"Oo, dahil kaibigan mo kami. Specially sa'kin na bestfriend mo." Sabi niya na nagkukunwaring nagtatampo.
"Sus, hindi mo ako madadala sa ganyan, Rosea." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Sabi ko nga hindi." Aniya kaya napatawa kaming lahat sa kanya.
"At ano na susunod nito? Tutunganga lang ba tayo rito o pwede na ba tayong bumalik na sa pwesto natin?" Tanong ni Shayne sa'min kaya napatawa kaming muli.
"Oo na, pwede na kayong umupong muli." Sabi ko.
"Anong ginagawa niyo habang wala kami?" Tanong ko sa kanila.
"Habang busy kayong naglalampungan doon ay naglaro lang kami ng palaging linalaro natin kapag hindi tayo busy, yung truth or dare." Sumagot naman si Shayne kaya pabiro ko siyang tinignan ng masama.
"Naglalampungan talaga ha? Anyways, pwede ba kaming sumali?" Tanong ko. Tumango naman siya.
"Simulan nating muli ang laro." Sabi ni Rosea habang nakaakbay si Nic sa kanya.
"Ang sweet niyong dalawang tignan ah?" Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Oh, eh, ano naman? Masama bang maging sweet kami madalas?" Kontra ni Rosea.
"Woah! Easy naman, babe. Anong nakain mo?" Parang nagugulat na sabi ni Nic sa kasintahan.
Tinignan naman ni Rosea si Nic saka sumagot.
"Ahh, so hindi mo gusto na magiging sweet ako? Sabihin mo lang at buong puso ko namang tutuparin." Aniya kay Nic kaya pabiro namang kinurot ni Nic ang pisngi ni Rosea saka mas umakbay pa ng mahigpit si Nic sa kanya.
"Ano ka ba naman? Siyempre, gusto ko magiging sweet ka sa'kin. Kaya tuloy mo na ang laro, babe." Ani Nic habang tumawa-tawa pa kaya kami napahagikgik lahat. Parang mga isip-bata 'tong dalawang 'to. Wag lang sana nila maisipang magbangayan at paghahampasin ko na talaga sila ng kung ano ang mahahawakan ko.
"Tama na ang lampungan. Tuon na tayo sa laro." Sabat na ni Kiel kaya nagsipagsunuran na kami.
"Sino magsispin una ng bote?" Tanong ni Clark.
"Ako na uuna," presinta ko at hinawakan na ang bote, ready na sa pagspin nito.
Once that I've spin the bottle, we waited for it and it stop from the direction of Harvin.
"Hmm, Harvin, truth or dare?" Tanong ko sa kanya.
"Truth," sagot niya kaya nakaisip na ako kung ano ang itatanong ko. Torpe ito kaya hindi namin alam kung kailan siya aamin kay Suresh na may gusto siya nito kaya mabuting dito na lang gagawin ang pag-amin.
"Sure ka ha? Eto ang tanong na dapat sasagutin mo talaga kahit pa hindi pa oras o panahon. Sino... ang nagugustuhan mo?" Diretso ng tanong ko kaya napalunok siya. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko.
Kumantyaw naman sila Caleb, Kiel, Nic, Clark, Rosea, Shayne, Shanda at Suresh sa kanya. Napansin kong namumula na ang tenga ni Harvin, marahil siguro nahihiya na.
"Kailangan pa ba talagang sagutin, Lei?" Aniya kaya tumango ako.
"Kung hindi mo talaga sasagutin, you'll face the consequences." Sabi ko kaya napalunok siyang muli at mas lalong namula yung tenga niya.
"Sagutin mo na kaya, dre." Sabi pa ni Caleb sa kanya kaya napabuntong-hininga na lang siya saka walang nagawa kundi unti-unting sumagot na nagpatahimik kay Suresh.
"Si Suresh Natividad yung nagugustuhan ko." Pagkasabi niya non ay yumuko siya at tinignan ko si Suresh na ngayon ay namumula na parang kamatis yung pisngi niya.
Kinantyawan namin sila ulit kaya sigurado akong mas nahiya pa sila lalo. Hindi na magawang sumabay si Suresh sa pagkantyaw sa'min dahil siya naman ang gusto ni Harvin. Sana sila ang endgame.
"Ayownnn! Nakapag-amin na rin sa wakas. Ang torpe torpe mo naman kasi Harvin eh." Kantyaw ko na kay Harvin.
"Pinaamin niyo 'ko ng wala sa oras," sabi niya habang nakayuko pa kaya tumawa lang kami ng tumawa.
"Torpe mo din naman kasi eh kaya ito na lang ang naisipan naming paraan para makaamin ka na. Baka maunahan ka pa." Ani Caleb sa kanya.
Pagkatapos ng kantyawan ay spinin na ni Harvin yung bote at tumama iyon... sa'kin.
Nakangiti na ngayon si Harvin sa'kin.
"Lei... truth or dare?" Tanong niya sa'kin.
"Dare," sagot ko.
"Dare ang pinili mo kaya eto ang gagawin mo. Kumanta ka ng gusto mong kanta sa taong gusto mong idedicate. Ano, game?" Aniya kaya tumango ako saka ngumiti.
Tumayo ako saka pinagpag yung dress ko saka lumabas saglit para kuhanin ang gitara ko mula sa tent namin skaa bumalik na sa kanila dala dala na ang gitara.
Umupo ako saka itinapat na ang string sa gitara ko ang mga daliri ko. Saka nagsimula na akong kumanta. This was my favorite song ever since and I'm going to dedicate this to the two people who makes my life happy throughout the years even if sometimes, it hurts.
Bakit by Rachel Ann Go
Ikaw... ang nagbibigay
Ligaya sa akin
Sa aking damdamin
Dala'y ngiti sa puso ko
Kapag ika'y kasama ko
Ngumiti ako saka tumingin kay Clark na ngayon ay nakatitig lang sa'kin. Tapos ay tumingin din ako kay Kiel na ngayo'y tumingin din sa'kin saka nginitian niya ako.
Sa t'wing... ika'y nakikita
Biglang sumasaya
Lungkot ay nawawala
Nagtatanong ang puso ko
Ano kaya ito
Paborito ko itong kantang ito dahil nakakarelate din ito sa buhay pag-ibig ko. Dalawang taong nagbigay kulay sa mundo ko.
Akala ko nga noon nung pinili ko si Kiel ay siya na talaga, pero iba 'tong tadhana na 'to eh. I guess I was really not meant to be with Kiel. Nung pinili ko kasi siya kahit gusto ng isip ko siya, yung puso ko naman ay nag-aalinlangan pa. Pero nagpatalo ang puso ko kaya ang isip ko ang panalo.
Nung magkasama kami at kami na noon, minsan lang ako naging masaya dahil kahit anong pilit ng puso kong ituon si Kiel, iba ang hinahanap niya eh.
At ito na siguro yung gusto ng puso ko ngayon. Magmahal ng totoo, yun ang gusto ng puso ko. Sinunod ko kung ano ang gusto niya at eto ako ngayon, feeling contented and at peace because whenever I see Clark by my side, my heart pounds faster from its normal pace.
I feel decided now that I answered him. My heart was decided, and it decided that my true love is him, Clark. Desidido na talaga ako na siya na.
Bakit hanap hanap kita
Bakit hindi nagsasawa
Sa puso ko'y laging ikaw
Laging nais na matanaw
Bakit hindi nagbabago
Mayro'ng kaba sa puso ko
Ano'ng nadarama
Ikaw na nga kaya, mahal ko
Hanggang sa matapos ang kanta ay ganun pa rin ako. Ninanamnam ang pinapahiwatig ng kanta. Nakangiti kong tinapos ang kanta.
"Ang ganda ng boses mo, Lei." Ani Harvin habang namamanghang nakatingin sa'kin. Sumang-ayon naman ang iba at inakbayan naman ako ni Clark.
"Proud boyfriend here," sabi niya kaya napatawa ako. He pinched my nose softly after that.
"Pero bakit parang may pinaghuhugutan ka sa kanta? Parang may pinapahiwatig ka, sino iyon?" Tanong niya.
Umiling lang ako saka sumagot.
"Secret. It's private." Sabi ko kaya nagreklamo sila. Napatawa na lang ako ulit.
Pagkatapos nun ay patuloy pa rin kami sa paglaro pero tumigil lang din ng nakaramdam na ng antok. We finished the game at the time of 9:00 p.m. so yeah, we're going definitely to our tents.
Pagkapasok ko sa tent ko ay ang pagpasok din ni Clark kaya gulat akong napatingin sa kanya.
"Why are you here? Ginulat mo ako, love." Sabi ko kaya nagsmirk siya.
"Pwede bang tumabi, love?" Tanong niya.
"Kasya ba ang dalawang tao rito?" Tanong ko din pabalik.
"Let's see," pagkasabi niya nun ay hinigit niya ako pahiga kaya kaming dalawa na ngayon ay nakahiga na na nagkaharap patagilid habang gulat pa rin ako.
"Kasya naman tayo kaya walang problema," sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tss, matutulog na nga lang ako," sabi ko na nairita saka akmang bumaling sa kanan ng higitin na naman niya ang braso ko para mapaharap na naman sa kanya saka hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. I can smell his minty breath.
"Wag ka nang mainis, gusto lang naman kitang makasama, kahit sa pagtulog man lang." Malambing na sabi niya sa'kin. I have to roll my eyes on him para hindi niya makita ang pamumula ko saka nagsalita.
"Alam mo, ang korni mo. Matulog na nga lang tayo," sabi ko kaya napatawa siya ng bahagya saka yinakap ako.
"Masyado ka nang clingy sa'kin ah," sabi ko. Hinintay ko na magsalita siya pero hindi. Tinignan ko siya saglit at napailing-iling na lang ng tulog na pala siya. Ang bilis naman makatulog nito.
Natulog na lang din ako habang ginawang unan ang kanyang braso habang nakangiti. Masyadong maraming nangyari ngayong araw kaya kailangan ko rin ng pahinga.
***
4 month after . . .
"Welcome to Seoul, South Korea. Please enjoy your stay in here." Sabi ng flight attendant ng kami na ang nasa linya ng mga pasahero. Ako naman ngayon ang pasahero dahil sinabihan ko ang may-ari ng AirFlight Airlines na magbabakasyon lang muna ako dahil pinilit ako ng mga kaibigan ko na magbakasyon naman ako para makapagpahinga ng maayos at wala akong magawa kundi sumang-ayon na lang. Mabuti na lang at pumayag ang may-ari.
Pagkababa naman namin ay sinuot ko na ang scarf dahil malamig na ngayon ang klima dito sa Korea. December na din kasi kaya paniguradong magsnosnow na.
"Saranghae, Korea!" Sigaw ng nasa likod ko kaya tinignan namin siya, si Rosea 'yon kaya naman napailing-iling na lang kami saka nagpatuloy sa paglalakad. Tinotopak na naman siguro 'to.
"I already booked a hotel for us and our friends, love. Don't worry." Sabi ni Clark habang nakahawak siya sa kamay ko.
"Okay, at saan naman 'yon?" Tanong ko.
Sumagot din naman siya kung saan kaya tumango ako. Malapit lang pala dito eh kaya wala nang problema kung magcocommute lang kami.
Pagkapasok namin sa hotel ay binati pa kami ng staffs ng pina hangeul kaya binati din namin sila ng pina hangeul kahit nahihirapan pa ang mga kasama namin sa pagsasalit nun.
Nasa 2nd floor ang mga rooms na pinabooked ni Clark at magkatabitabi lang. Room 301 kami at sila Rosea at Nic naman ay Room 302, si Kiel at si Shayne ay Room 303, sila Suresh, Harvin, Shanda, at Caleb ay sa Room 304. Yung mga rooms ay hindi lang iisa ang kama kaya walang problema.
Ako na ang nagbukas ng pinto kasi ako ang may dala ng susi saka pumasok na. Namangha ako sa loob dahil ang ganda. 2 beds ang nandoon saka may sarili pang mga lamp at mga cabinets kaya mas nakakadagdag iyon sa ganda ng room.
"Ang ganda dito," wala sa sariling usal ko at naramdaman ko naman na binackhug niya ako. He rests his chin on my shoulder.
"Panigurado namang gusto mo rito eh, at saka Korea dito eh kaya alam ko talaga na magugustuhan mo." Sabi niya kaya napangiti.
"Alam na alam mo talaga noh?" Usal ko.
"Hmmm, girlfriend kita eh kaya alam ko lahat ng gusto mo," sabi niya.
Bumitaw na siya sa pagkakaback hug sa'kin kaya malaya na akong lumapit sa maleta at nilabas ang mga damit ko at mga bagay at saka inilagay sa cabinet na naroon sa tapat.
Pagkatapos ng pag-aayos ay napahiga na lang ako sa kama dahil sa pagod. Hinubad ko na din ang scarf at sapatos ko saka yung sweater ko.
Dala na siguro ng pagod kaya nakatulog na naman akong muli.
***
Napagising na lang ako dahil may yumuyugyog sa'kin. Bumangon ako saka kinusot ang mata.
"Mabuti naman at gising ka na. Bilis na, magbihis ka na. May pupuntahan tayo, may fireworks na mangyayari ngayong 7:30 p.m." ani Rosea kaya tumango na lang ako.
"Anong oras na ba?" Tanong ko.
"5:00 p.m. na, Lei." Aniya kaya tumango ako. Pero kalaunan ay dilat na dialt na ang mga mata ko saka tinignan ang relo kong suot suot na ngayon.
Ganun na pala ako katagal natulog? Grabeng pagod naman kung ganoon.
"Ano pang tinutunganga mo dyan? Bilisan mo na dyan. We can't miss this moment." Aniya. Kahit naguguluhan ako ay sinunod ko pa rin ang sinasabi niya.
Meron pang damit ang nakalagay sa loob ng banyo kaya kumunot ang noo ko. Binili ba nila 'to? At saka dapat si Clark ang gigising sa'kin dahil nasa iisang room kami.
Ang weird.
Really, really weird.
***
Pagkalabas naman naming dalawa ni Rosea galing sa taxi ay naguluhan na naman ako ng may nag-abot sa'kin ng bulaklak hanggang sa nagsunod-sunod na ito. Tinatanggap ko naman ito dahil baka mapahiya lang ang nag-aabot sa'kin ng bulaklak.
Tinanong ko na si Rosea pagkatapos mag-abot ang mga tao sa'kin ng mga bulaklak dahil naweiweirduhan na ako sa paligid.
"Akala ko ba merong fireworks na mangyayari. 7:28 na at wala pa rin. Niloloko niyo ba 'ko?" Tanong ko.
Umiling lang siya saka nginitian lang ako which left me dumbfounded.
What in the world is happening right now?
I looked around and there I saw Clark. Nakangiti siya sa'kin habang naglakad siya papalapit sa'kin kasabay ng paglabas ng fireworks.
So, hindi nila ako niloloko pero bakit nandito siya? Bakit ganyan ang mga ngiti nila? Bakit ang daming toang nakatingin sa'min? Bakit nag-abot ang mga tao sa'kin ng mga bulaklak?
Pagkalapit niya sa'kin ay nagulat na lang ako nang lumuhod siya at merong kinuha sa kanyang bulsa kaya napatingin ako doon. Napaluha na lang ako ng mapagtanto kung ano iyon. Isang maliit na box ang kinuha niya. Hindi naman ako tanga kung ano ang nasa loob niyon.
Plinano nilang lahat 'to? Ican't believe that this day is happening!
Habang hawak ko pa rin nag mga bulaklak na binigay sa'kin ng mga tao dito sa Korea ay napatakip ang isa kong kamay aa bibig ko.
"Leiane Ashtine Dizon-Ferrer, will you marry me?" Tanong niya habang nakangiti.
Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtango ko. Nakarinig ako ng impit na mga tili at mga hiyawan ng mga tao sa paligid at ng mga kaibigan ko.
Tumayo si Clark at lumapit sa'kin saka dahan-dahan na isinilid ang singsing sa middle finger ko.
After that he hugs me and I hug him back too.
Doon ako umiyak sa kanyang balikat. Naramdaman siguro niya iyon dahil humiwalay siya saka hinawakan ang mukha ko para pahiran ang mga luha ko.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya habang nakangiti pa rin sa'kin.
"Plinano niyo ba 'to?" Hindi ko siangot ang tanong niya at sa halip ay tinanong siya.
"Hmm, yes. Mahirap suyuin ang mga tao dito. Mabuti na lang at sinabihan ko sila na maggaganito kaya perfect ang kinalabasan." Aniya.
"I am surprised but at the same time happy." Sabi ko.
"Pero bakit ka umiiyak?" Aniya kaya napatawa ako.
"Tears of joy," sagot ko.
Muli kaming nagyakap at sa pagkakataong ito ay hindi na ako umiyak at sa halip ay nagsalita. Bigla na lang din kasing bumuka ang bibig ko para magsabi ng ganito, ang puso ko ang nagsasabi na dapat sabihin ko na kaya siguro ito na.
"I decided to stay and be with you forever, my Clarky. Saranghae namja-chingu." I just said that with all of my heart habang nakatingin na sa kanya.
"You mean 'I love you, boyfriend'?" Tumango naman ako kaya naman ay napangiti siya at puno ng pagmamahal 'yong mga mata niyang nakatingin sa'kin, gano'n din ako sa kanya.
"Mahal na mahal na mahal kita kahit na mangyari man ang hangganan ng mundo," pagkasabi niya nu nay hinapit niya ang bewang ko at hinalikan sa labi. Mabilis na lumingkis ang braso ko sa leeg niya saka napapikit.
Naghiyawan naman ang nga tao sa paligid sa pangunguna ng mga kaibigan ko pero ipinagsawalang bahala ko lang iyon at tinuon ang pansin sa lalaking mahal ko... na fiancé ko na.
This is Leiane Ashtine Dizon-Ferrer, officially decided to become a Vallejo.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
T H E E N D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top