Chapter 9

Chapter 9: Texts

Lei's Point of View

K I N A B U K A S A N

Hay... bakit ang ingay, natutulog ako dito ehh. Pinatay ko 'yung alarm clock ko at dahan-dahang bumangon. Napagod ako kahapon sa pagpraktis namin para sa pageant kaya eto ako ngayon puyat at pagod.

Wala kaming klase ngayon dahil Sabado ngayon kaya pwede akong matulog nalang o tumulong kila mom at dad ngayon. Siyempre walang pasok sa trabaho ngayon sila mom at dad dahil nga Sabado ngayon.

Kung hindi ako kailangan ni Mom, siyempre doon ako ni Dad tumulong.

I picked up my phone and click the messages. Nagulat pa nga ako ng malamang madaming texts si Wayne.

Binuksan ko iyon at pinindot ang messages. Sakto namang merong mga texts si Wayne. Ang rami naman...

20 messages from Wayne

From Wayne:
Hi Lei, nasa bahay ka na ba?

From Wayne:
Kumain ka na ba dyan?

From Wayne:
Oy Lei, hindi ka naman rumereply eh

From Wayne:
Good night Lei, baka natulog ka na dyan kasi hindi ka naman rumereply sa mga texts ko eh.

From Wayne:
Sweet dreams. Bye.

Hindi ko na binasa at tinapos ang pagbasa sa mga iba pang texts ni Wayne kasi ang dami dami, hindi ko kayang ubusin lahat, ang tamad ko kaya magbasa ng mga texts.

Nireplyan ko naman siya para wag na siyang magreply ng tanong ulit sa 'kin.

To Wayne:
Sorry Wayne kung hindi ako nakapagreply sayo, nakatulog kasi ako eh, napagod ako kahapon sa pagpractice para sa pageant.

Sent.

Inilapag ko na ang phone ko at kumuha ng tuwalya at pumasok sa bathroom. Naligo ako doon, alangan naman hindi, anong gamit sa bathroom ko. Duh.

Pagkatapos kong maligo ay nagtoothbrush ako para mapanatilihing maputi at malinis ang aking mga ngipin.

Lumabas na ako ng bathroom at umupo sa upuan malapit sa salamin at naghair dryer para matuyo ng mabilis ang buhok ko.

Pagkatapos kong magpatuyo sa buhok ko ay nagdamit ako ng pambahay, alangan namang damit-pangschool eh kahapon lang naman ang klase namin. Siyempre nagtsinelas ako at lumabas ng kwarto.

Bumaba ako at nadatnan ko sina mom at dad sa kusina. Humigop ng kape si dad habang si mom ay may binabasa sa newspaper. Teka parang may mali, imbes si dad ang dapat magbasa ng newspaper at si mom ay nagkakape, ngayon ay hindi. Tsk. Ang gulo-gulo. Bahala na nga.

Umupo ako sa bakanteng upuan at kumuha ng kanin pagkatapos ay mga pagkain. Mukhang walang gaanong mga pagkain ngayon dito. Simple lang. Pero bahala na, basta meron pa akong makakain dito at hindi ako magugutom.

Nagsimula na akong kumain. Siyempre hindi mawawala 'yung fork and spoon ko habang kumakain ako.

Habang kumakain ako ay biglang nagsalita si dad.

"Anak, kumusta sa school kahapon?" Siyempre ganon na lang uli ang sagot ni dad sa akin parati.

"Ayos lang naman po dad. No problem," 'yun lang naman ang parati kong isinasagot kapag 'yun lang naman ang itinatanong ni dad sa akin.

"Hmm, mabuti naman kung ganoon," sabi niya.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain ko.

Nagsalita naman si Mom. Natatakot tuloy akong bumaling sa kanya dahil sa nangyari

"At kamusta naman sa pageant?" Ibinaba ni mom ang newspaper at humarap sa akin habang nakataas ang kilay.

"Ayos lang naman, Mom," kinakabahan sabi ko.

"Ipanalo mo iyan at doon na kita tatanggapin bilang anak ko," dire diretyong sabi niya.

Sana, baka hindi pala totoo ang mga sinasabi ni mom... nanlumo ako sa sariling naisip.

"Opo, mommy. Promise po mananalo po ako basta nandoon po kayo ni daddy. 'Di ba daddy?" Bumaling ako ng tingin kay daddy.

"Oo naman, anak. Ikaw Olivia, payag ka ba nandoon tayo para sa anak natin?" Tanong ni daddy kay mommy.

"Hindi," maikling sagot ni mommy. Nanlumo ako. Pero nagmakaawa ako kay mommy.

"Mommy, please naman oh, kahit ngayon lang ako nakikiusap sayo mommy. Please!" Nagpuppy eyes ako kay mommy.

"Fine, fine. Sige payag ako pero ngayon lang ka makikiusap sa akin, maliwanag?" Bumuntong hininga si mommy.

"Opo, mommy. Hindi na ito mauulit," sabi ko.

"Oh, siya, sige na pupunta lang ako saglit sa kwarto," sabi ni Mommy.

"Sige po, mommy," sabi ko.

Bumalik na ako sa inuupuan ko at nagpatuloy kumain. Pumasok na si mommy sa kwarto. Sumunod naman si daddy. Mukhang 'yun lang yata ang sasabihin ni daddy sa 'kin ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na ang mga kinakain ko at pumunta sa sink.

Pagkatapos ay lumabas ako na may dalang cellphone at binuksan ko ang phone ko at in-open ang wattpad ko.

Nagbabasa ako ngayon ng magandang story na nabasa ko. TagLish siya. Meron pang paseason-season. Madaming chapters at hindi ko alam kung matatapos ko pa ba 'to sa dami ng chapters nito.

Habang patapos na ako sa pagbasa nitong magandang istoryang ito ay meron akong notification galing sa messages ko. Hay ano ba 'yan? Sino ba ang nagtext sakin? Kung kailan na naenjoy ako sa pagbasa nitong magandang storyang ito saka lang may nagtext? Nakakainis!

Pero pinindot ko rin naman ang notif ko at binasa kung kanino galing ang text na xyun. Si Kiel?! Bakit nagtetext siya sakin?

Binasa ko iyon.

From Kiel:
Hi Lei, pwede ba kitang makausap, kahit saglit lang? Importante kasi ito.

Mukhang importante naman kaya nagreply ako sa kanya.

To Kiel:
Oh, sige. Saan naman tayo mag-uusap?

Sent.

Naghintay ako kung nagtext na ba siya. Sakto nga nagtext siya. So, hinihintay lang pala niya ako magtext.

From Kiel:
Sa bahay ko o di kaya'y sa kotse nalang. Pwede ba?

Okay?

To Kiel:
Pwede naman basta saglit lang ha?

Sent.

From Kiel:
Sige.

To Kiel:
Teka lang magbibihis lang ako.

Sent.

From Kiel:
Sige. Susunduin kita. Magdadala ako ng kotse.

To Kiel:
Bakit naman magdadala ka ng kotse? Wala ka bang motor dyan?

Sent.

From Kiel:
Wala. Kotse lang ang meron ako.

To Kiel:
Ah, okay.

Sent.

Inilapag ko ang phone ko sa lamesa at pumunta sa kwarto. Pagpasok ko sa room ko ay nagbihis lang ako ng jeans at sleeveless at sandals. Pagkatapos kong magbihis ay nagliptint ako at pinaayos ko ang buhok ko at nagdala lang ng sling bag.

Lumabas na ako ng room ko at nagmadaling bumaba. Hindi ko nalang ipinaalam kay mommy at daddy kasi saglit lang naman 'tong usapan namin ni Kiel. Idinala ko ang phone ko at ibinalik ko sa sling bag iyon.

Naghintay ako sa labas ng gate namin. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay naiinip ako sa kahihintay ni Kiel.

Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa messages. Nagtext ako kay Kiel.

To Kiel:
Oy Kiel, naiinip na ako dito kahihintay sayo. Baka niloloko mo lang ako.

Sent.

Nagreply naman kaagad si Kiel.

From Kiel:
Sorry, Lei. Meron kasing emergency eh pero ngayon wala na. Papunta na ako dyan.

To Kiel:
Uhm, alam mo ba kung nasaan ako nakatira kung hindi pa, ay ako ang magsasabi sayo kung saan ang daan papunta sa amin.

Sent.

From Kiel:
Alam ko na kung saan dumaan. Sinabi sa akin ni Wayne.

Huh? Alam ni Wayne kung saan kami nakatira? Bakit hindi ko alam? Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko pero hindi ko na iyon inisip pa baka bumalik 'yung sakit ko sa ulo. Malalagutan ako kay daddy o di kaya'y kay mommy. Mapag-isipan pa akong nag-imbento lang ako ng kwento. Tulad nalang nung araw na 'yun. Hindi na iyon mauulit pa 'no. Nasaktan kasi ako no'n.

To Kiel:
Okay. Sige. Kanina pa kasi ako naghihintay dito eh. Nakakangawit ng maghintay.

Sent.

From Kiel:
Okay. Bye.

To Kiel:
Bye din.

Sent.

Ibinalik ko na ang phone ko sa sling bag ko.

Nakita ko naman agad ang kotse niya.

Nang huminto na ang kotse niya ay bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Sumakay naman ako sa front seat na katabi ko siya. Alangan namang doon ako umupo sa backseat paano kami makakapag-usap ng maayos?

Sumakay na din siya at nagsalita siya.

"Dito nalang tayo mag-usap o doon sa bahay ko nalang?" Tanong niya.

Ay! Ano ba iyan? Sa bahay nalang niya kaya? Sige sa bahay nalang niya.

"Sa bahay niyo nalang para mas mapag usapan natin ang sasbaihin mo sa 'kin at baka kailangan pa ng mga gamit," sagot ko sa tanong niya.

"Sige," tipid na sagot niya.

Pinaandar na niya ang kotse niya at umalis na din kami sa bahay ko.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top