Chapter 8
Chapter 8: Decision
Keiz's Point of View
K I N A B U K A S A N
Akala ko pa naman makakalimutan ko 'yung mga sinasabi ni Mommy sa 'kin pero hindi pala.
Hay... Ano ba naman 'yan? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ipagpatuloy ko ba ito o hindi 'tong gagawin ko? Nalilito na ako!
Kung ipagpatuloy ko itong gagawin ko ay masasaktan ko 'yung kapatid ko.
Kung hindi ko ito ipagpatuloy ay hindi ko din maaangkin si Clark.
Mamaya ko nalang iyan iisipin. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako at naglakad papunta sa school namin. Habang naglalakad ako ay nagring bigla 'yung cellphone ko. Kinuha ko iyon at si Kiel ang tumatawag. Sinagot ko naman iyon.
"Oh, bakit?" Tanong ko.
[Pwede ba kitang makausap saglit?] Tanong niya.
"Pwede naman. Nasaan ka pala? Pupuntahan kita," sabi ko.
[Hindi na. Teka asan ka nga pala?] Tanong niya.
"Uhm, malapit na sa school. Naglalakad lang ako dito," sabi ko.
[Ha? Bakit ka naglalakad lang diyan? Teka pupuntahan na kita.] Sabi niya.
Ibinaba na niya ang linya at ipinasok ko na ang cellphone ko sa bag. Maya-maya pa ay dumating na siya.
"Sakay na," sabi niya.
Sumakay naman ako at doon ako umupo sa passenger's seat. Mas komportable ako doon.
"So, bakit mo gustong makipag-usap sa 'kin?" Tanong ko.
"Pwede bang hindi ko nalang itutuloy itong ginagawa natin?" Biglang tanong niya.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga sinasabi ni Mommy kahapon.
Itutuloy ko pa ba ito o hindi? 'Yun ang nasa isip ko.
"Pwede pa ba Keiz?" Sabi niya.
Nakapagdesisyon na ako.
Gusto kong ituloy 'yung plano ko. Maangkin ko lang si Clark. Dapat hindi ito makakaabot kay Mommy kundi malalagutan ako no'n.
"No. Hindi pwede. Kailangan natin itong itutuloy. Mahal ko si Clark at gagawin ko ang lahat mapapasaakin lang siya," desididong sabi ko.
"O-Okay, if you say so," nag-aalinlangang sabi niya.
"Sige na. Baka malate tayo kung puro lang naman tayo daldal ng daldal," sabi ko.
Pinaharurot na niya ang kotse at pumunta na din sa school.
Pagdating namin do'n ay ipinark muna 'yung kotse ni Kiel at lumabas siya para pagbuksan ako.
Bumaba na ako ng kotse at pumasok na sa school. Sabay kami ni Kiel na naglalakad papasok sa school. Hindi ko nalang siya pinansin baka mahalata nina Lei at Clark na magkasabwat kami at mabuking 'yung plano ko.
Hindi na ako nag abala pang lumapit kay Clark kasi sigurado akong hindi niya ako palalapitin. Tch.
Bago pa ako makapasok sa room ay nakita ko sina Clark at Lei at ang mga kaibigan nila na nag-uusap lang naman pero ako, hindi ko talaga mapigilan na magselos sa kapatid ko kasi maswerte siya dahil gusto siya ni Clark pero siya hindi niya alam na ang lalaking parati niyang kasama ay nagkagusto sa kanya. Napakamanhid talaga ng kapatid ko at hindi niya alam na meron siyang kapatid.
Wala akong planong sabihin sa kanya ang totoo baka lalo lang siyang maguguluhan. Alam ko kasi na naaksidente siya noon at nagka-amnesia. Siyempre si Mommy nung nalaman niya na naaksidente 'yung 'kapatid ko' ay iyak siya ng iyak. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kapag may mangyaring masama sa kapatid ko.
Bakit ba sabi ng sabi ako ng 'kapatid ko' eh Lei naman palagi ang tawag ko sa kanya noon? Siguro nung nalaman ko na kapatid ko siya, 'yun siguro ang dahilan.
Eh? Bakit ba ako nagkwento eh nagselos lang naman ako kanina? Tch... bahala na nga.
Oh, I almost forgot na ako 'yung candidate sa section namin. Malapit na kasi ang Ms. Pageant. Ako lang naman kasi ang nagvolunteer kasi ako lang naman ang marunong sa mga pageants. Siyempre ang mga kaibigan ko din ay nahihiya sila baka magkamali sila sa stage at mas lalong mapahiya. Tsk. Tsk. Tsk. Ang mga kaibigan ko talaga.
Pumasok na ako sa room at umupo na din. Wala naman akong gagawin dito kaya nagcellphone muna ako dahil wala pa naman 'yung Professor namin, baka nalate lang 'yun siguro.
So in-on ko yung phone ko at in-open ko ang facebook lite. Pagka-open ko palang ay sabog na notifications ko. Ang dami nang mga notifications. Hindi na kasi ako nakapag facebook simula nung balik na ang eskwela kaya ayon na nga sabog notifications ko. Hindi ko nalang pinansin 'yung ibang notifs kasi hindi naman 'yun importante. Binuksan ko 'yung isang notification. Sigurado akong si Clark 'yun. Pagkabukas ko sa notification ay biglang tumambad sa 'kin 'yung mga pictures ni Lei kasama si Clark. Ang sweet nila. Hay, dream on girl, hinding-hindi yan matutupad 'yang mga sinasabi mo kasi hindi ka naman gusto ni Clark. Ako ang nasasaktan sa mga iniisip ko.
Selos na naman ako. Hindi ko talaga mapigilan 'yung nararamdaman ko. Kusa lang iyong nararamdaman.
Walang friend request na naman.
I'm bored, ibinalik ko nalang ang phone ko sa bag kasi eksakto lang naman ang dating ng prof. namin.
"Good morning, class. Sorry kung ngayon lang ako dumating. May emergency kasi sa bahay," sabi ni Prof.
"Okay lang 'yun, prof," sabi naming lahat.
"So anyways, malapit na ang pageant show. Sigurado ka bang kaya mo Keiz?" Sabi ni Prof.
"Opo, prof. Kayang kaya ko. Ako pa," sabi ko, nagmamalaki.
"Baka lang kasi hindi mo kaya kasi papalitan ko nalang ng iba," sabi ni prof.
Nagthumbs-up lang ako kay prof. senyales na kaya ko 'yung pageant.
Nagsimula na ang klase namin. Mukhang Science ngayon.
Nakinig nalang ako kay Prof.
-Discuss-
-Discuss-
-Quiz-
"Uhm, class I forgot. Give me your home work," sabi ni Prof.
Patay.. Nakalimutan ko pala na meron kaming homework. Nakatulog ako ng maaga.
Bumalik lang ako sa reyalidad ng biglang sumigaw si prof.
"Ms. Ferrer, bakit ka nakatulala dyan? Asan na 'yung homework?" Tanong ni prof.
"Ah, prof..." paano ko ba ito sasabihin.
"Ano?" Naghihintay sa sasabihin ko.
"Ah, hindi ako nakapaghomework, kagabi, prof. Sorry po," pahina ng pahina kong sabi.
"Ano?!" Bulyaw ni prof. "Bakit hindi ka nakapaghomework, Ms. Ferrer? Ano ang dahilan kung bakit hindi ka nakapaghomework?!" Galit na tanong ni prof.
"Ah, prof. Nakatulog kasi ako ng maaga kagabi dahil sa matinding pagod. Naglinis pa kasi kami ni Mommy kahapon at gabi na din natapos at nakalimutan ko 'yung homework," pagdadahilan ko.
"Wala kang puntos sa 'kin ngayon dahil hindi ka nakapaghomework. Importante 'yan," sabi ni Prof.
"Sige po, prof. hinding-hindi na po mauulit," sabi ko.
"Siguraduhin mo lang," aniya.
"Opo, prof," maikling sabi ko.
Tumalikod na si prof. at naglakad patungo sa harapan.
"Class, dismiss. Wala munang homework ngayon," sabi ni Prof.
Lumabas na ako at naglakad patungong canteen.
This is all because of you, Lei.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top