Chapter 7

Chapter 7: A Mother's Secret

Keiz's Point of View

Ugh! Nakakainis 'yung babae na 'yun. Ano ba ang dahilan bakit gusto mapalapit ni Clark si Lei? Eh andito naman ako. Bakit naman kasi hindi ako ang pinili ni Clark? I am pretty, smart and a sexy body.

Pumunta ako sa school. Pagdating ko don ay nakita ko si Kiel na naglalakad paparito.

Hinila ko siya. Siyempre nagulat siya. Pero mabilis ding nakarecover 'yung mukha niya kasi alam niya na ako 'yun.

"Kamusta naman ang plano natin?" Tanong ko.

"Okay lang naman. Walang problema," sabi niya.

"Good. So I gotta go now," sabi ko, nakangisi na.

"Okay, see 'ya," sabi niya.

Pinanood ko siyang maglakad papalayo at pumunta sa kotse niya.

Pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad. At nakita ko silang Lei, Clark, at mga kaibigan nila na nag-uusap at nagtatawanan.

Aba! Mukhang masaya sila, ah? Ano kayang meron?

Lumapit ako sa kanila. Nagulat sila siyempre kasi hindi naman ako lalapit dito kung walang dahilan. Pero ngayon, wala akong dahilan kong bakit ako nandito. Gusto kong mag-usisa sa kanila.

"Anong ginagawa mo rito, Keiz?" Iritang tanong ni Lei.

"Wala naman. Gusto ko lang naman makasama si Clark," ani ko.

"Ano ba, Keiz? Naintindihan mo ba, ha? Hindi kita kailangan. Kaya 'wag mo akong lapitan," halatang naiinis na si Clark sa 'kin pero hindi ko 'yon pinansin.

"'Wag ka namang magalit sa 'kin. Gusto lang naman kitang makasama eh, wala naman akong ginagawang masama," nakangiting sabi ko.

"Hindi mo talaga ako maiintindihan, 'no? Halika nga dito," galit na sabi niya.

Hinila niya ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Ah! Bitiwan mo nga ako," sabi ko.

Binitiwan nga niya 'yung braso ko.

"Ano na naman ba ito, Keiz?! Ano bang gusto mong gawin, ha?!" Sigaw niya sa 'kin.

"Well, meron talaga akong gagawin kay Lei. Pero 'wag kang mag-alala hindi ko naman siya sasaktan," sabi ko at nginitian siya.

"What?! Ano ba ang ginawa sayo ni Lei? Wala naman siyang ginagawa sayo. Ikaw lang naman 'tong gusto makipag-away sa kanya, hindi siya," iritang aniya.

"Wala kang alam, Clark," biglang seryosong usal ko.

"Then tell me, so I know what is the reason why are you doing this to Lei. Tell me and I will understand you," mahinahon na sabi niya.

"Because I love you, Clark," pag-amin ko. Nagulat siya.

"What?!" Bulyaw niya.

"Mahal kita, Clark. Matagal na akong may gusto sayo. Hindi ko lang sinabi sayo kasi nakita ko kayong palaging magkasama ni Lei at nagseselos ako ng dahil do'n, Clark," lakas ng loob na sabi ko.

"Sapat na ba 'yon na dahilan kung bakit gusto mong makipag-away kay Lei, ha? Ang babaw ng dahilan mo!" Pigil na pigil na tumaas ang boses niya sa 'kin.

"At meron pa talaga kang gagawin sa kanya. I can't believe this sh*t is happening!" Napahilamos siya sa kanyang mukha.

Meron pa akong madaming dahilan pero hindi ko pwedeng sabihin sayo, Clark. I'm sorry.

"Oo, 'yun ang dahilan kung bakit gusto kong laitin siya at makipag-away sa kanya," sabi ko.

"Wala kang dapat gawin kay Lei. Naintindihan mo ba, Keiz? Dahil kung hindi, baka ano na ang magawa ko sayo," banta niya sa 'kin.

"Hindi mo na ako mapipigilan, Clark. Nakapagdesisyon na ako na gusto kung ipagpatuloy itong gagawin ko sa kanya at maging akin ka," sabi ko.

"Hinding-hindi ako magiging sayo. Dahil dyan sa ugali mo. Ang pangit ng ugali mo. Maganda ka naman pero hindi ko talaga gusto 'yang ugali mo. Ang sama mo!" Aniya.

"Clark, please wag ka namang magsabi ng ganyan," pagmamakaawa ko.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Usal ko pa.

"Totoo naman talaga eh. Ang sama ng ugali mo. Hindi ako 'yung tipo ng lalaki na kapag maganda ang babae ay gusto ko na iyon. Hindi ako 'yun, Keiz," aniya.

"I will stop doing anything from Lei but please I want you to be mine!" Desperadang sabi ko.

"I will never be yours. Never!" 'Yan ang huling sinabi niya.

"Clark, please 'wag ka namang ganyan oh. Please gagawin ko ang lahat, maging akin ka lang," pagmamakaawa ko pa ulit.

Pero tinalikuran niya lang ako. Lumakad na siya papalayo. I begged for him thrice pero hindi niya ako pinakinggan at sa halip ay tumalikod na papalayo. Gusto ko pa sana siyang habulin pero masyado akong nasasaktan dahil sa mga sinasabi niya.

Umiyak ako ng umiyak. Ako lang mag-isa doon. Walang katao-tao. Ang lahat ng mga estudyante ay nandoon sa canteen.

Pinatahan ko ang sarili ko. Pinahid ko 'yung mga luha ko at naglakad ako papalayo sa lugar na 'yon.

Hindi ako makakapayag na hindi ka magiging akin, Clark. Akin ka lang. Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang.

Umupo ako do'n sa bakanteng upuan sa canteen at kumain doon ng mag-isa. Pero nagpasalamat ako kasi dumating 'yung mga kaibigan ko. Tinabihan nila ako. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito sila.

"What happened to you, Keiz?" Nag-aalalang tanong ni Nalla ng makita niya ako.

"Wait, are you crying?" Tanong din ni Ericka sa 'kin.

"Wala lang 'to guys. Sige na kumain na tayo," 'yon lang ang sinabi ko.

Pero mukhang hindi sila kumbinsido pero imbes na magsalita sila ulit ay nanahimik na lang sila. Gusto ko 'yung gano'n na kaibigan. They knew that I need privacy.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad kami ng sabay papunta sa room namin. Hindi kami magkaklase ni Clark. Malayo din ang room nila sa 'min.

Pumasok na kami at sakto naman ang dating ng prof. namin.

Nakinig nalang ako sa mga sinasabi ni prof. kahit wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya.

-Science Discussion-

-Quiz-

-Homework-

-Dismiss-

Dumaan ang mga iba't-ibang mga prof's. namin pero ako tulala pa din.

Hanggang sa matapos ang klase namin. Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Clark. Malinaw parin ang kanyang mga sinabi sa 'kin.

Tumayo ako at nagliligpit ng mga gamit. Pagkatapos ay lumabas na ako at dumiretso sa bahay.

Hindi ko pinansin si Mommy at sa halip ay dumiretso sa kwarto. Hinubad ko 'yung sapatos at medyas ko at napahiga sa kama.

Nakakainis talaga 'yung babae na 'yun. Pati si Clark inagaw niya sa 'kin. Argh!

Ang dami kong iniisip hanggang sa may bumukas ang pinto at pumasok si Mommy.

"Mommy, bakit po kayo nandito?" Tanong ko.

"Anak, nandito ako kasi mukhang hindi ka masaya ngayon, tell me what's your problem," sabi ni Mommy.

"Eh kasi Mom, ang babae na 'yun ay nakakainis. Inagaw niya 'yung gusto ko," maktol ko.

"Sino ba 'yang babae na 'yan, 'nak?" Tanong ni Mom.

"Si Lei, po. Nakakainis kasi 'yung babae na 'yun," inis na sabi ko.

Natigilan si Mom.

"Bakit po, Mommy?" Tanong ko.

Matagal bago nakasagot si Mom. "Uhm, anak may sasabihin ako sa 'yong importante. Makinig ka sa 'kin," sabi ni Mom kaya nakinig ako.

"Okay, Mommy," sabi ko. Handa akong makinig kung anong gustong sabihin ni Mom sa 'kin.

"Ah, anak... uhm, paano ko ba ito sisimulan..." sabi ni Mom.

"'Yung babaeng tinawag mong Lei kanina ay 'yun 'yung..." binitin ni Mom 'yung sasabihin niya sa 'kin.

"Ano po si Lei, Mom?" Curious na tanong ko.

"Si Lei ang nawawala mong kapatid, Keiz. Siya 'yung matanda mong kapatid," pag-amin ni Mom.

Nagulat ako. Hindi ako makapaniwala. Siya 'yung kapatid ko?

Hindi! Hindi 'yan totoo!

"What?!" Gulat na tanong ko.

"Siya 'yung nawawala mo nang kapatid, Keiz, anak," pag-uulit niya.

"Siya 'yung nawawalang kapatid ko, Mom?" Paninigurado ko.

"Oo, si Lei 'yung nawawala mo nang kapatid," ani Mom.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi sa 'kin ito, Mom?" Tanong ko.

"Naghihintay lang naman ako ng tamang panahon, anak. Pasensya na kong ngayon lang ako nakapagsabi sayo ito. Dapat sikreto lang natin ito anak, ha? 'Wag mo itong ipagsasabi sa kahit na sino, kahut pa sa mga kaibigan mo," wika niya.

"Mom, eh siya 'yung kinaiinisan kong babae sa school. Siya 'yung dahilan kung bakit hindi ako gusto nang mahal ko, si Clark."

"Ano?! Siya 'yun?" Nagulat si Mommy.

"Oo, mommy. Siya 'yung tinutukoy ko sayong babae na kinaiinisan ko. Gusto kong ibawi sa kanya si Clark," pagkaklaro ko.

"Keiz, nakipag-away ka ba sa kanya?" Tanong ni Mom, halatang seryoso na.

Paano ko ba sasabihin ito kay Mom? Hindi naman ako magsisinungaling kasi palagi akong honest kapag si Mommy na 'yung kausap ko. Paano ba ito?

Matagal bago ako nakasagot. "O-Opo, mommy." Napalunok ako.

"Ano ba naman 'yan, Keiz! Bakit ka ba nakipag-away sa kaniya? Kapatid mo 'yon eh!" Sigaw ni Mommy.

"M-Mommy, ginawa ko lang 'yun kasi gusto kong maagaw ko sa kanya si Clark eh," kontra ko pa.

"'Wag kayong mag-away nang dahil lang sa lalaki dahil magsisisi ka lang sa huli," ani Mom.

Umiiyak na ako ngayon. Napansin ni mommy 'yun kaya agad akong niyakap ni Mommy at pinatahan.

"Tahan na, anak," sabi ni Mommy.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa tumahan na ako.

"Anak, 'wag mong aawayin si Lei dahil kapatid mo iyon. Naintindihan mo ba, anak?" Aniya.

"Opo, Mommy. Good night Mommy. I love you," sabi ko.

"Good night din, anak. I love you too," hinalikan ako sa pisngi ni mom.

Lumabas na din naman si mom pagkatapos.

Ako naman dito ay madami na namang iisipin.

Dapat ko bang ipagpatuloy itong gagawin ko o hindi? Paano ba ito? Tsk.

Nakatulugan ko 'yung madaming iniisip.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top