Chapter 60


Last Chapter

Chapter 60: Meant to Be

Clark's Point of View

Napangiti na lang ako dahil sa kanya habang nakikipagngitian sa mga magulang niya. What a wonderful sight to see her smiles and laughters everyday. How I love this woman so much. Kahit nanliligaw pa ako sa kanya, wala lang 'yon sa'kin kasi ang importante ay mahal ko siya at ginagawa ko ang lahat ng tama para sa kanya, kahit pa wala pang kasiguraduhan na sasagutin niya ako at masusuklian niya ang nararamdaman ko para sa kanya, masaya pa rin ako atleast I tried again to court her, to be in her life and her heart.

After what I have discovered and knew about my parents, after some months I  learned to forgave Tita Olivia of what she did to my parents before. Lei forgave Tita Olivia too. Because I can see on Tita Olivia that she'd regretted what she have done before to my parents and what she did to Tita Kierra. Minsan wala namang masama kung magpatawad, basta magbabago lang ang pinapatawad mo. Kung magpapatawad ka man o humingi ng tawad dapat may buo ka ng desisyon para sa sarili mo. I decided to forgave Tita Olivia not because I pity her, but I can see she regretted at nagbabago na siya. Past is past, let's move on to the present and to the future.

"Inlove na inlove kahit manliligaw pa rin, ah?" Bigla na lang merong umakbay sa'kin saka tinatanong ako ng nanunudyo. Panira ng moment talaga itong si Nic.

"Ewan ko sayo," sabi ko saka binatukan siya at iniwan na lang siya doon at lumapit kay Lei na ngayo'y katatapos lang na makipag-usap kay Tito Rei at Tita Olivia. Si Tita Kierra naman ay may dala-dalang papeles sa isang tabi at napansin ko sa dala-dala niyang papeles na birth certificate? Birth certificate 'to ni Lei. Ipapaasikaso ba ni Tita ang apilyedo ni Lei?

"Hey," tawag ko kay Lei kaya tumingin siya sa'kin saka nginitian ako.

"Oh, Clark. Ikaw pala 'yan. Pwede mo ba akong tulungang dalhin yung mga box patungo sa kotse ni dad? Pupunta kasi kami ngayon sa bahay-ampunan para mamigay kami ng pangangailangan sa mga bata. Tutal, doon din naman tayo nakatira noon. Gusto mo bang sumama?" Aniya kaya tumango ako.

"Sure, no problem. Sasama ako, namiss ko din sila Sister Martha at Sister Mary eh. Matagal ko na din silang hindi nakita magmula nung bumisita kami saglit nila dad at mom at mamigay ng donasyon sa orphanage." Sagot ko.

"Namiss ko din sila, oh sige na. Buhat ka na dyan." Aniya. Nilipat niya ang usapan sa pagbubuhat ng karton kaya napailing-iling na lang ako saka binuhat na ang isang box.

"At ikaw din Nic, magbuhat ka rin nito. Mukhang wala ka nang ginagawa eh!" Pasigaw na sabi ni Lei kay Nic kaya lumapit si Nic sa pwesto namin saka binuhat niya yung isang karton din.

At saka na kami pumunta sa kotse ni Tito Rei habang buhat buhat ang karton na dala namin.

Pagkatapos nang araw na 'yon ay puno kami ng kasiyahan at galak sa isa't-isa habang nandoon pa rin kami sa orphanage. Nakikipagsayawan kami sa mga bata at nakikipaglaro rin. Nakakatuwang tignan ang mga bata. Lalong-lalo na ang kalaro at kasayaw ng mga bata. Ang babaeng mahal ko. My love for her is not limited but there's a lot of thick walls to pass through it. Madaming mga hadlang ang pagmamahal ko sa kanya, buti na lang nakaya ko.

Makalipas ng mga ilang araw, nalaman ko rin na iniba na ang apilyedo niya pero hindi gaanong iniba kundi dinagdagan lang. Yun ang ibinalita niya sa'min.

Leiane Ashtine Dizon-Ferrer.

Well, it suits her.

Lei's Point of View

"Rise and shine, sweetie!" Boses iyon ni mama kaya nagising ako. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko bago siya nginitian saka niyakap.

"Good morning, mom." Bati ko kay mama kaya ganun din siya habang nanatili pa rin kaming magkayakap.

"Good morning too, sweetie. Maligo ka na habang maaga pa. Papasok ka pa sa trabaho mo, monday pa naman ngayon. Ipinaghanda na din kita ng pagkain." Aniya kaya tumango ako at ginawaran siya ng halik sa pisngi pagkatapos kong yumakap sa kanya.

"I will, mom. Excited lang, ma? Parang first time kong pumunta ng trabaho dahil dyan sa excited mong mukha, ma." Pabiro kong saad.

"Just don't mind me, sweetie. Ang mahalaga maligo ka na para makapaghanda ka pa ng maayos." Aniya.

"Okay, mom. If that's what you said." Sabi ko saka kinuha yung tuwalya ko at pumasok na sa banyo.

Narinig ko pang sumigaw si mama bago siya lumabas ng kwarto. I never thought that mom has this kind of attitude, parang teenager lang.

"Hintayin kita sa baba, 'nak!" Yun yung sigaw niya.

Habang nakababad ako sa bath tub, bigla na lang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari 5 years ago. Yung pangkikidnap sa'kin ng sarili kong kapatid.

Napabuntong-hininga na lang ako. Nalungkot ako kasi hindi ko alam na siya pala ang kapatid ko. Nalungkot ako na hindi ko man lang nasabi sa kanya na kapag magkakapatid ako, bibigyan ko siya ng puno ng pagmamahal. Huli na ang lahat ng malaman ko na kapatid ko pala siya and it hurts. Hindi ko man lang nakita si Keiz hindi bilang kaaway kundi bilang kapatid ko. Bilang tunay kong kapatid.

Keiz, just remember that I love you as your sibling, as your ate. Sana masaya ka dyan...

***

"On behalf of AirFlight airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!" Sabi ng piloto namin ngayon na si Harvin. Mabuti na lang at hindi si Kiel yung piloto sa schedule ngayon. Hindi naman sa hindi ko pa rin siya napapatawad, it's just that masyado na siyang nagiging makulit sa'kin bilang kaibigan, parang bumabawi ganun.

Ngumiti kami sa mga pasaherong lumalabas at sinasabihan sila.

"Enjoy your stay." Sabi ako ng sabi habang nakangiti pa rin ako sa mga pasahero hanggang sa wala ng pasaherong bumababa na.

Nandito kasi kami ngayon sa Japan, then ang next schedule namin ay bukas pa papuntang Vietnam, then sa ibang bansa pa bago babalik sa Pinas. Sana hindi pangit ang araw sa schedule namin. Mabuti na lang kasama ko pa rin si Shayne kundi ako na lang talaga mag-isa rito. Hindi kasi si Suresh at Shanda yung kasama namin dito, sa ibang eroplano sila ngayon. Wala akong kakilala dito kung wala si Shayne, mukhang mga bago pa naman 'to.

"Hello, what's your name? I'm Hyacinth Yna Zamora. Nice to meet you." Merong lumapit sa'kin na FA kaya gulat akong napatingin sa kanya pero kalaunan ay napangiti saka inabutan ko din siya kamay.

"I'm Leiane Ashtine Dizon-Ferrer. Nice to meet you too." Pakikipagkamay ko sa kanya.

"Oh, do you now have a husband? Your surname is obvious, I think?" Gusto ko na lang mapairap pero pinigilan ko dahil ayaw ko namang masira yung araw ko na may ganitong flight attendant na bago na judgemental pala.

"I'm single. It's just my family surname." Sabi ko sa kanya.

"Oh, I'm sorry. I misunderstand you. But why is your surname so long?" Tanong niya. Ano kami nito? Magkakaibigan ba kami eh nagpapakilala lang naman kami rito eh. Close ba kami nito para sabihin ko sa kanya ang tungkol sa'kin?

Kitang-kita ko sa kanya na parang may hinahanap siya sa'kin at saka ipanghuhusga na naman niya. I hate people like this FA infront of me. Kebago-bago, walang respeto sa ganitong uri ng FA.

"Why do you keep asking me? We're not that close, and sorry to say this but it's too personal to answer and... it's none of your business. So step aside, okay?" Parang nagulat pa siya sa sinabi ko at dahan-dahang tumabi sa dinadaanan na parang hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi ko. Hindi siya makapagsalita sa sinabi ko kaya napasmirk ako, don't mess with me, girl. Your just new to this airlines, you don't anything about me.

Habang pababa na kami ni Shayne ay nakarinig ako ng tinig ng Yna na 'yon. Kahit gusto ko siyang sampalin, pinigilan ko parachuwag gumawa ng eskandalo, baka sisantehin ako eh.

"You b*tch," yun yung narinig ko mula sa kanya pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

Nung nasa baba na kmai ni Shayne ay dun na siya nagsalita. Parang pipi lang kanina, Shayne?

"Woah! That was an epic fight! Parang nagdedebate. Paano mo nagawa 'yon, Tine? Ang galing mo ah." Aniya pero umiling lang ako saka ngumiti.

"Ang bastos kasi ng bunganga. Saka pakialamera. Alam ko na ang ganyang uri ng tao, judgemental and they're just pretending to be nice. Pero obviously, wag ako ang kakalabanin dahil alam ko na talaga ang mga ganyan." Sagot ko.

"Totoo. Parang nararamdaman ko kasi sa babae na parang hinuhusga niya yung apilyedo mo. Wala namang umaano sa kanya pero siya nga talaga ay masyadong judgemental, hindi nakapagdesisyon sa kanyang isip kung ano ang sasabihin niya." Aniya kaya tumango ako.

"Anyway, let's not talk about that anymore. Magbobook-in pa tayo ng mapapagpahingahin natin. I'm tired during the flight." Sabi ko kaya umagree siya saka kami sabay na humahanap ng mapapahingahan.

Mapapasabak ako sa paggamit ng lengguwaheng hapon nito kapag nakahanap na kami ng papahingahan. Mabuti na lang at marunong na ako sa mga lengguwahe kaya hindi na ako masyadong mahihirapan.

Kiel's Point of View

"Cabin crew, please take your seats for landing." Sabi ko dahil lalanding na kami.

Maya-maya lang ay nasa baba na kami ng airport dito sa Japan. Dito rin naman siguro lalanding nag iba pang eroplano na galing si AirFlight.

"On behalf of AirFlight airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice stay!" Sabi ko through speaker para marinig ng mga pasahero at ng cabin crew.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako sa eroplano. Dito muna kami magsastay sa Japan dahil bukas pa ang schedule namin papuntang Myanmar saka sa ibang bansa rin bago babalik sa Pilipinas.

***

"Cap. Vallejo. Gusto mo bang sumama sa'min kahit saglit lang?" Tanong ni Caleb sa'kin. Nagyayaya na naman ito. Sino ba ako para tumanggi? Kahit pa napagod ako ay gusto ko rin namang mag enjoy kahit saglit lang naman.

"Sure." Yun lang yung sinabi ko.

Pagkatapos kung magbihis ng komportable kong susuotin kapag lalabas ako ay pumunta ako kay Caleb na ngayo'y kasama na ngayon si Suresh at Shanda.

Nang makita nila ako ay ngumiti sila.

"Let's go, guys." Sabi ni Caleb kaya tumango kami sa kanya at saka lumabas na rin kami sa room na pinagstay-han namin.

Pero sa pagkalabas namin ay nagulat kami ng magkatapat kami ngayon nila Lei! Kasama lang niya ay sina Shayne at Harvin. Pero kalaunan naman ay napangiti.

Bumaling ang tingin ko kay Shayne at lumapit sa kanya saka yinakap siya. Namiss ko yung girlfriend kong ito.

"Nandito din pala kayo, love. I missed you." Sabi ko pagkatapos ng yakapan namin saka nginitian siya.

"Hindi ko din inaasahan na magkakasalubong tayo rito. I missed you too." Aniya at ngumiti.

"Ehem," merong tumikhim kaya tumingin kami sa tumikhim. Si Lei pala. Oo nga pala, bawal PDA dito.

Masaya ako dahil ayos na kami ni Lei, napatawad na niya ako sa nagawa ko noon. At hindi ko din inaakala na makikita ko pa rin pala ang pagmamahal sa isang tao. At yun ay si Shayne, ng dahil sa kanya ay nakamove-on ako kay Keiz at napamahal sa kanya. Pero kahit nakamove-on na ako kay Keiz, hindi pa rin nawawala ang natitira ko na lang na pagmamahal sa kanya.

"Asan ba kayo pupunta, pwede ba kaming sumabay? Tutal, nagkasalubong din naman tayo eh." Tanong ni Lei kaya tumango si Caleb.

"Oo naman," ani Caleb kaya halos tumalon sa saya si Shayne at Lei. Napangiti na lang din ako, mas matahal kami ngayong magkakasama dahil dito kay Caleb, mabuti na lang at hindi ako tumanggi.

Pagkatapos ay sabay kaming naglakad papalabas.

Habang hinawakan ko ang kamay ni Shayne ay napaisip ako. Noon, nababaliw ako sa pagmamahal ko kay Keiz, ngayon ay meron ng limitasyon. Kaya nung dumating si Shayne sa buhay ko, wala na akong ibang hihilingin pa kundi siya na nagmamahal sa'kin at magmamahal din sa kanya.

I love you, Shayne Addison Sanders. From your boyfriend, Ezekiel Shaun Vallejo.

Clark's Point of View

Wednesday . . .

"Ericka?" Tawag ko sa secretary ko kaya mabilis na lumapit sa'kin si Ericka.

"Yes, sir?" Tugon niya.

"What type of flowers does a girl like?" Tanong ko sa kanya. Siyempre nagulat siya nung una pero kalaunan ay sumagot.

"Para ba 'yan sa nililigawan mo, Sir?" Tanong niya kaya tumango ako.

Pagkatingin ko sa kanyang direksyon, parang kinikilig siya na ewan. Sometimes, this girl is so weird. Nung nasa highschool pa lang kami grabe kung makipag-away ni Rosea at makapanlait kay Lei pero ngayon, parang kinikilig pa.

"Ericka?" Tawag ko sa pansin niya kaya tumigil siya saka tumikhim bago sumagot ng maayos.

"Well, I would like to prefer roses sir. The white and carnation pink ones." Aniya kaya tumango ako.

"Okay, you can go back to work now." Sabi ko.

"Sino po ba 'yang nililigawan niyo, Sir?" Tanong na naman niya ulit.

"She's my first and last love. And she's Leiane Ashtine Dizon-Ferrer." Sabi ko sa kanya kaya halos lumuwa yung mata niya dahil sa sinabi ko.

"Si Flight Attendant Dizon ba 'yan, Sir? Yun ba yung kaibigan ng inaaway namin ni Nalla sa canteen noong highschool?" Aniya kaya tumango ako.

"Wow, so matagal mo na pala siyang mahal, sir. Kaya pala ganun na lang kung kumilos yung kaibigan ko na si Keiz. Sir, sigurado akong sasagutin ka niya sa mga sinuggest kong bulaklak at siyempre kailangan ng lugar na romantic din. Yun lang sir." Aniya saka bumalik na sa pwesto niya.

Naisip ko rin naman 'yon. Hmm, it's not bad after all. Marunong din palang makisama itong si Ericka. Noon, puro away at panlalait ang inaatupag, ngayon naman ay trabaho na ang inaatupag at mas mature na. Magbabago nga talaga ang mga tao.

"Thanks, Ericka." Sabi ko kaya lumingon siya sa'kin.

"No problem, Sir." Aniya saka bumalik sa tinratrabaho ang mata.

***

Ngayon babalik si Lei kaya ako naghahanda ng ipagwewelcome back sa kanya by just giving this flowers to her and a gift na sigurado kaong magugustuhan niya. Yayayain ko rin siya sa lugar na alam kong magugustuhan din niya.

Nic, Rosea, and me are now waiting at the airport where Lei's been working on, AirFlight Airlines. And I don't know why I had this feeling na kinakabahan ako. Siguro dahil ito sa kanya, siya lang naman ang nakakakapagpakaba sa'kin eh. Malakas ang tama ko sa kanya.

"Hoy, okay ka lang?" Nagtanong na si Rosea sa'kin kaya tinignan ko siya saka sumagot.

"I'm quite nervous." Pag-amin ko.

Parang gusto nilang matawa sa sinabi ko pero pinigilan lang nila.

"Bakit ka naman nenerbyosin? Kaibigan ko lang 'yan, kababata mo lang 'yan kaya wala kang dapat ipagpakaba. Chill lang. Stay calm--- oh ayun na pala siya eh kasama si Shayne at yung pinsan mo, may kasama din silang tigdadalawang FA at piloto." Bigla na lang tinuro ni Rosea ang direksyon kung nasaan na sila Lei, Shayne, Kiel, at apat na kasama nila ngayon kaya tinignan ko rin sila, ganun din si Nic.

Nung makita nila kami ay saktong nagtama ang tingin namin ni Lei kaya naman napatigil muna ako habang nakatingin sa kanya nang nginitian niya ako. Nakakalusaw yung mga mata at ngiti niya.

Kumaway siya sa'min kaya kinawayan din namin siya hanggang sa makalapit sila sa'min.

"Lei, bagong friends na naman ba 'to?" Unang nagsalita si Rosea. Tumawa naman muna si Lei bago sumagot.

"Actually, friends sila ni Shayne pero naging friends ko na din sila dahil magkakasama naman rin kami sa trabaho." Aniya kaya napatango-tango kaming tatlo.

"So... ano na? Tara?" Yaya ni Nic.

"Ay, oo nga pala, punta na tayo sa isang resort. Nagpareserve na kamk kaya wala nang problema, unless... hindi niyo gustong sumama at mag-enjoy muna?" Ani Rosea kaya naman nagsitaasan nang mga kamay si Lei at Shayne. Muntik na ngang matawa si Kiel sa kakulitan ng kanyang girlfriend eh. Yes, ayos na din kami ng pinsan ko. And I never really thought na magkakaayos pa kami. Thanks to Lei, she enlightens me about my cousin at yun ang nakapagpabago ng desisyon ko para sa pinsan ko. She's worth loving and fighting for.

"Kayong mga kaibigan ni Shayne at Lei, gusto niyo bang sumama. Wait, ano nga pala ang mga pangalan niyo?" Tanong ni Rosea sa apat.

Oo nga, hindi pa nila sinasabi ang kanilang mga pangalan.

"Ahh, ako nga pala si Suresh at siya naman ay si Shanda, kakambal ko." Unang nagpakilala ang isa sa kambal kaya napatango kami.

"Ako naman si Harvin." Sabi nung medyo may kakisigan na lalaki.

"Ako naman si Caleb." Ani nung isang lalaking katabi nung isa sa kambal. Hindi ko pa kabisado yung kambal kaya mahirap kung sino ang sino ang sasabihin namin.

"Medyo nakakalito kayong magkakambal." Sabi ni Rosea kaya nagtawanan kami at sumang-ayon kami.

"Don't worry, makakabisado niyo rin kami by just watching our attitudes." Sagot ng isa sa kambal na hindi ko sure kung yung Suresh ba or Shanda.

"Oh, sige na. Mamaya na ang daldalan, ang importante makarating na tayo sa sinasabi kong beach resort." Ani Rosea kaya tumango kami.

Ako ang nagsabi sa kanila na magsastay kami sa isang beach resort dyan lang sa malapit dahil sigurado akong ito ang magugustuhan ni Lei.

***

"Saan mo ba ako dadalhin, Clark?" Aniya habang hila-hila ko siya papalayo sa mga kaibigan namin. At para walang istorbo.

Hanggang sa makarating kami sa sinasabi kong lugar. Hindi naman gaanong romantic pero atleast effort ko naman.

"Woah, m-magsastar-gazing tayo?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala.

"Yup, sana magustuhan mo." Sabi ko.

Tinignan niya ako at bigla niya akong nginitian.

"Thank you for this, Clark. Nagustuhan ko. Surprise ba 'to?" Aniya kaya nahihiya akong tumango.

"Kung surprise 'to, na surprise talaga ako. Hindi ako makapaniwala na magsastar-gazing tayo." Aniya kaya napangiti ako.

"Sigurado naman akong magugustuhan mo 'to eh." Sabi ko.

"Uhmm, can I try this?" Tinuro niya ang katabi niyang telescope kaya tuamngo ako.

"Sure, kaya nga tayo nandito dahil gusto kong magstar-gazing tayo." Sabi ko kaya ang inaasahan ko ay sasabihan niya ako ng 'thank you' pero sa halip ay nagulat ako sa kanyang ginawa na kalaunan naman ay nakapagpangiti sa'kin. Yinakap niya ako. Her embrace gives me some tingling sensation and what if I say this... love?

Kinalas na niya ang kanyang pagkakayakap sa'kin saka siya tumatakbong pumunta sa telescope at sinimulang gamitin 'yon.

"Look, Clark. Merong shooting star!" Sabi niya kaya lumapit ako sa kanya.

"Where? Where is it?" Tanong ko sa kanya habang ginagamit ko na ang telescope.

"Wala naman eh," sabi ko kaya napasimangot siya.

"Wag na nga lang." Aniya kaya napatawa ako. Masyadong cute.

Pagkatapos ng pagsastar-gazing namin ay umupo kaming pareho. Merong blanket ang inuupuan namin kaya wala nang problema.

Nasa likod ng blanket yung ibibigay ko sa kanya at nagbibigay lang ako ng tamang tyempo para ibigay 'to sa kanya.

Nang nakahanap ako ng tamang tyempo at nung nakatingin na siya sa'kin ay inilabas ko na ang ibibigay sa kanya. Una na yung bulaklak.

"This is for you, Lei." Sabi ko sa kanya.

I don't know if it's just my hallucination but I think I saw her cheeks reddened at my sudden action.

"Uhmm, t-thank you." Aniya kaya ngumiti ako.

"May ibibigay pa ako sayo." Sabi ko kaya nagtanong siya.

"Ano naman 'yon?" Tanong niya.

"Eto," pagkasabi ko ay inilabas ko na ito.

"C-Clark..." aniya habang nakatulala pa rin sa inilabas ko.

"This is not just a simple friendship bracelet but a special bracelet for you. Merong nakaukit din na pangalan nating dalawa pero mas nangingibabaw ang pangalan mo. Try to look it and use it." Sabi ko.

Ibinigay ko na sa kanya ito. Natulala pa siya saglit bago niya dahan-dahan isinuot ito.

"It looks good on me. It perfectly fits. I don't know what to say..." aniya kaya umiling ako.

"You don't have to say anything. Your smile is enough for me than thanking me." Sabi ko.

Ngumiti siya sa'kin ng pagkatamis-tamis. I can take myself but to smile too. Nakakahawa yung ngiti niya, parang nakalutang na ako sa ere.

"I think you deserve this. Your efforts, your patience, your understanding, all of your works on me. Deserve mo ang sasabihin ko." Aniya. I'm seriously dumbfounded.

"Clark," hinawakan niya ang isang kamay ko bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Your worth it for me, sabi ko sa sarili ko nung mga nakaraang araw na dapat ko nang ilabas ang puso ko at magmahal ulit kaya ito na ngayon. Natakot lang siguro ako kaya naabutan yung panliligaw mo sa'kin ng taon. And this is my final decision... yes, sinasagot na kita. I am now officially your girlfriend," pagkasabi niya nun ay parang tumigil saglit yung mundo ko at saglit natulala.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatayo na pala ako at ipinagsisigaw iyon.

"Yes, sinagot na ako! Sinagot na ako ng babaeng mahal ko!" Sumusuntok pa ako sa ere. Tinampal naman ako ni Lei at nakita ko siyang natatawa na sa akin kaya bumalik na lang ako sa pagkakaupo.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya ng puno ng pagmamahal.

"You don't know how much happy I am right now. May karapatan na ako sayo bilang boyfriend mo. Salamat dahil sinagot mo 'ko." Sabi ko.

"No, ako dapat ang nagpapasalamat sayo dahil hinintay mo pa rin ako sa kabila ng lahat. Salamat sayo." Aniya kaya nginitian ko siya.

"Your worth the wait, Lei." Sabi ko at naramdaman ko na napangiti siya sa akin.

"I love you FA Leiane Ashtine Dizon-Ferrer." Napatawa siya sa sinabi ko pero ngumiti ulit.

"I love you, Mr. Wayne Clark Vallejo. The CEO that loves me so much." Aniya.

Napangiti ako at dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

Lumapit ako sa kanyang mukha at sinalubong ang kanyang mga mata. Pagkatapos nun ay hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi.

In the middle of the night, with so much bright stars, we showed our love for each other with a gentle yet sweet kiss.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

A/N: Wait for the epilogue. Stay tuned, Chasers! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top