Chapter 6

Chapter 6: The Plan

Kiel's Point of View

Ang saya ko ngayong araw. Pinagplanuhan kasi ni Keiz kung paano niya mapapabagsak si Lei at maangkin niya 'yung pinsan ko. At sabi niya na ako ang taong makakatulong sa kanya sa pagbagsak ni Lei. Plano niya na painlove-in ko si Lei. Siyempre masaya naman ako kay Keiz. Crush ko siya... Natotorpe lang talaga ako. Nagselos ako nung una niyang sinabi na meron siyang gusto kay Clark, pero ngayon hindi na kasi hindi naman kami itinadhana ni Keiz at maging masaya nalang ako para sa kanya.

Klase namin ngayon, mukhang biyernes na bukas.... naligo muna ako, nagtoothbrush, nagdamit at pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.

Mukhang walang katao-tao dito, wala kasi sila daddy at mommy, palaging busy sa trabaho at hindi nila alam na meron silang anak na naghihintay sa kanilang paglapit sa kanya. Ako nalang mag-isa sa hapag-kainan ngayon. Buti nalang at dumating si Yaya Lisa para pagdalhan ako ng gatas na maiinom.

"Yaya Lisa, hali na po kayo, sabayin mo akong kumain dito," nakangiting saad ko kay yaya.

"'Wag na hijo, may kailangan pa kasi akong gagawin ngayon. Sa susunod nalang, ha?" Tanggi kaagad ni yaya.

"Sige nalang po. Hindi ko naman kayo mapipilit, eh," sabi ko, pilit na lang akong ngumiti.

Umalis din naman kaagad si Yaya Lisa. Katahimikan na naman ang nangingibabaw. Hay, kaumay naman.

Pagkatapos kung kumain ay papunta na ako sa eskwelahan namin. Tinawagan ko si Clark kung pwede ba siyang makausap saglit.... Pero hindi naman sinasagot ni Clark yung tawag ko. Tch...

Pagdating ko sa school ay ipinark ko muna 'yung kotse ko at pagkatapos ay pumasok na ako.

Nagtitilian ang mga babae sa 'kin, kasi daw sabi nila gwapo daw ako. Hindi ko lang naman sila pinapansin kasi hindi naman sila ang pakay ko. 'Yung pakay ko ay si Lei. Hehe...

Pagkapasok ko palang sa room ay nadatnan ko sila Lei, Clark at mga kaibigan nila na nag-uusap. Siyempre ako lang dire-diretso lang ako sa paglalakad at umupo sa tabi ni Lei. Wala akong planong makipag-usap sa kanila. Ang ingay nga naman nila. Tss...

"Oy, nandyan na pala si Kiel. Hindi ko napansin ang pagdating mo," saad ng kaibigan ni Lei.

"Bro, kamusta?" Ani Clark nang lingunin niya ako.

"Ayos naman, Clark. Tinawagan kita kanina nung nagmaneho pa ako pero hindi mo naman sinasagot," bored na sabi ko.

"Sorry, bro. Naka-off kasi 'yung phone ko eh," sabi niya sa 'kin.

"Tss," 'yun na lang ang nasabi ko.

"Pakilala naman kami sa pinsan mo, Clark," nakangiting sabi nang kaibigan nila.

"Bro, pakilala ka naman sa kanila," sabi niya.

Kahit wala akong planong magpakilala sa kanila eh wala naman akong choice.

"Hi, I'm Ezekiel Shaun Vallejo. But you can call me Kiel," walang ganang pagpapakilala ko sa kanila.

"Hi, ako nga pala si Roseanne Tan. You can call me Rosea," makangiting pagpapakilala niya.

"Hi, ako nga pala si Brandominic Tejada, Clark's bestfriend. You can call me Nic," pagpapakilala niya din. Hindi ko din naman alam na may bestfriend pala itong si Clark. Hindi din naman kami close ng pinsan ko.

"Hi, I'm Leiane Ashtine Dizon. You can call me Lei," pagpapakilala niya halatang naiilang siya sakin kasi ako 'yung tumulong sa kanya nung isang araw palang yata 'yon.

Matapos non ay sakto namang dumating si prof.-eh? Sino kaya siya?

"Hello class, Sorry kung ngayon lang ako dumating. Meron kasi akong lagnat kahapon," bungad na sabi nung pumasok dito.

"Oh, I forgot, meron pala tayong bagong student. Who is he?" Dagdag na tanong niya.

Itinuro naman ako sa mga kaklase ko. Nilingon naman ako ni Prof. I stood up and began to introduce myself.

"Hello sir, I'm Ezekiel Shaun Vallejo, but you can call me Kiel, sir," pagpapakilala ko.

"Hello Mr. Vallejo, I'm Professor Henry Sy. It's nice to meet you." Nakipaghandshake ako sa kaniya.

"Pleased to meet you too Sir," peke na ngiting sabi ko.

"You may take your sit," sabi ni prof.

Sumunod naman ako. Pagkatapos ay pumunta na sa harap si Prof. at tinanong niya ang kaklase ko na sino daw ang candidate sa Ms. Pageant. Ang sabi naman ng kaklase ko na si Lei daw ang candidate ng Ms. Pageant. Wala naman daw problema si Sir, basta lang daw pagbutihin ni Lei ang pageant.

Pagkatapos ay nagdiscuss na si Sir at English na naman...

Ang boring naman nito. Puro nalang English, English, English... Wala bang ibang subject na pwede pagdiscussan dito sa school na ito? Tss.

-English-

-Quiz-

-Dismiss-

Hmm... at last natapos na rin 'yung English na 'yun. Tsk!

Ako naman rito, tinulungan ko si Lei sa pagliligpit ng gamit niya. Pero imbes na tulungan siya, hindi naman niya kailangan ng tulong 'ko' daw. Tch, edi sige, kung 'yan nag gusto niya.

Pagkatapos ay lumabas na siya, ako rin naman. Sinundan ko siya hanggang sa canteen. Hindi ako makakapayag na mabigo ako sa plano namin ni Keiz na ito.

Mukhang mag-isa lang yata si Lei. Ang swerte ko nga naman... makakapagsolo na din kami.

Lumapit ako kay Lei, halatang nagulat siya dahil nandito ako sa tabi niya.

"Oy, Lei mukhang mag-isa ka lang yata dyan?" Tanong ko.

"Ah, hindi 'no umorder lang si Rosea ng pagkain namin. Hihintayin ko rin sila Clark at Nic para sabay-sabay na kaming kumain," nakangiting sabi niya pero mahahalata sa kanya na kabado siya sa 'kin.

"Mukhang matatagalan pa naman sila. Mind if I join you?" Tanong ko.

Matagal bago siya nakasagot. "S-Sure. Have a seat."

"Thanks," sabi ko.

Tumitig lang ako sa kanya habang siya ay tila may hinihintay... Mukhang nararamdaman niya yata ang pagtitig ko sa kanya kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya at doon ako tumingin sa dinadaanan.

Sumubo na ako ng pagkain dito. Nagugutom na kasi ako katititig kay Lei.

Si Lei naman biglang tumingin sakin.

"Kiel," tawag niya.

"Hmm?" Tugon ko.

"Ikaw ba 'yung taong tumulong sa 'kin nung pinagtitripan ako nila Keiz? Ah, by the way, do you know Keiz?" Tanong niya.

Oo naman magkakilala kami ni Keiz, crush ko siya... hindi ko iyon isinatinig sa kaniya... matagal bago ako nakasagot. "Oo, naman. Yes, I was the one who help you one day ago," nakangiting sabi ko.

"..." Pero walang lumabas na salita sa kanyang bibig. Mukhang napipi siya. Hahahaha.

Hindi ko man lang namalayan na naubos na pala 'yung pagkain ko.

"Ah, Lei. By the way, I have to go now. See you later," pagpapaalam ko sa kaniya.

"Sige, bye. See 'ya," paalam din niya.

Naglalakad ako ng biglang may humila sa damit ko. Akala ko naman kung sino, si Keiz lang pala.

"Kamusta na ang plano natin?" Tanong niya.

"Okay lang naman. Walang problema," sabi ko.

"Good. So I gotta go now," sabi niya, a devilish smile plastered on her lips.

"Okay, see 'ya," usal ko.

Kung ako lang sana ang pipiliin mo sigurado akong mas matutuwa ka pa dahil nandyan naman ako para sayo. I love you, Keiz.

Basta ko nalang pinunasan yung luha ko at lumakad na papalayo at sumakay sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon but I need to drink.

So I went to the bar and order a drink. I just want to feel calm and think.

Inabot ko naman ang bayad sa waiter. I just want to be alone now.

Lumaghok ako ng isang baso. Pinanood ko 'yung mga magbestfriends at 'yung mga couples. I hope I could be like them too. But it's to impossible.

Lumaghok ako ng pangalawang baso. Sorry Clark but I have to do this for Keiz because I love her yet she loves you.. I don't know about Lei, hindi ko alam kung kanino siya maiinlove. But I will try my best to make her fall inlove with me.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top