Chapter 59


Chapter 59: Leiane Ashtine Dizon-Ferrer

Lei's Point of View

Pagkatapos ng yakapan namin ay hinawakan ako sa mukha ni mama at pinagpantay ang mga noo namin saka siya nagsimulang umiyak habang nakangiti, ganun rin ako.

Sa wakas nakapiling na rin ako sa tunay kong ina at ipinagpapasalamat ko ang araw na 'to.

Sumulyap lang ako saglit kina mommy at daddy na ngayo'y ngumingiti sa'ming mag-ina kaya napangiti na naman akong muli.

"Anak.... I'm sorry for leaving you behind," panimula ni mommy pero umiling ako.

"No, mom. Wag po kayong humingi ng tawad sa'kin ng dahil lang dyan, nakaraan na po yun, mom. Past is past nga diba? Pinapatawad na nga kayo ng anak niyo eh." Kahit nakangiti man at masayang-masaya, hindi pa rin nawawala yung mga luhang naglalabasan na naman sa mga mata ko.

"Thank you, 'nak for understanding me. Promise, I'll never ever leave you behind again." Naluluhang napangiti si mama habang naggagaralgal ang tinig na sinabi niya iyon sa'kin habang nakahawak siya sa magkabilang kong pisngi at pinaglapat ang noo namin.

"No, mom. Thank you dahil nandito ka na sa tabi ko, hindi mo na 'ko iiwan ulit. At pinagpapasalamat ko sila Mommy Olivia at Daddy Rei dahil hindi ka nila itinago at hindi nila itinago sa'kin ang buo kong pagkatao. Salamat sa inyo at nabuo na ulit ang pagkatao ko na matagal ko nang kinuwestiyon o pinaghahanap dahil parang merong kulang at eto na nga." Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin iyon at naramdaman ko namang napangiti din si mama sa sinasabi ko kani-kanina lang.

This is the best day I've ever had!

Clark's Point of View

Napangiti na lang ako ng sinilip ko kung ano na ang nangyari sa pamilya ni Lei. O mas sabihing mga pamilya niya. Hindi ko nakita yung pagkamuhi sa mga mata niya and infact mas masaya siya at gumagaan yung loob niya. Ngayon na nalaman niya na si Tita Kierra pala ang tunay niyang ina.

Sa totoo din naman, kami din ay nagulat din ng narinig namin sila na nag-uusap at inamin nila Tita Olivia at Tito Rei na si Tita Kierra na ina ni Keiz ay ina din pala ni Lei. Ang liit nga naman ng mundo.

Kaya naman nung sumilip ako at napangiti, nakaramdama naman ako ng presensya ng dalawang taong nasa likod ko kaya naman biglang nawala yung ngiti ko at humarap sa kanila kaya naman nagulat din sila pero kalaunan ay biglang umiwas ng tingin sa'kin na parang wala silang ginawa na  ano sa'kin. Nagmumuni-muni na sila na para bang timang kaya hindi ko napigilang mapabungisngis dahil sa kabaliwan nilang dalawa.

I just snap my finger and the next thing I knew, bigla silang napabalik sa wisyo at diretsyong tumingin sa'kin na parang wala pa ring nangyari kanina na bigla na lang silang sumilip at sumingit sa harapan ko.

"Oh, bakit kayo nakatingin sa'kin ng ganyan? Na parang walang nangyari kanina, ah?" Nanunudyo kong tanong sa kanilang dalawa.

Magkasintahan nga talaga silang dalawa, pareho sila ng mga iniisip. Mukha na nga silang magkapatid eh pero alam ko naman kung bakit close sila at medyo clingy dahil nga magkasintahan sila.

"Wala! Gusto lang talaga namin makisingit para naman makakita kami ng mas malinaw kila Lei, ang tangkad mo kaya." Unang nagsalita si Rosea sa'kin, nagrereklamo.

"Bakit mo ako idadamay dyan? Eh, hindi ko naman ginawa 'yong sinasabi mo ah?" Kontra ni Nic kay Rosea.

Alam ko na kung saan patutunguhan 'to eh. Alam ko na, magbabangayan na naman siguro 'to. Before they could do what they will always wanted to do, inunahan ko na sila para hindi sila mag-ingay baka maistorbo namin sila Lei at ng mga magulang niya. Baka isipin nila Lei na masyado kaming maingay, ayoko naman makarinig na magsalita sila ng ganun sa'min, lalo na sa'kin.

"Hep, hep, hep. Wag na nga kayong magbangayan, maiistorbo lang natin sila kaya dapat mananahimik na tayo." Awat ko sa kanilang dalawa kaya naman nagsisunuran sila na parang slave ko pero hindi nawawala yung titigan nilang dalawa na para bang gusto pa nilang sumbatan yung isa't-isa. Paano nga ba naging magkasintahan 'tong dalawa? Parang mga isip-bata kahit pa meron nang trabaho.

"Good. Kung gusto niyong makisingit at makisilip, sabihan niyo ako at tatabi din naman ako, hindi yung magrereklamo pa at magbabangayan, gets niyo bang dalawa? O baka naman, gusto niyo pang magreklamo?" Ani ko sa kanilang dalawa pero umiling lang sila at pareho nang nanahimik kaya naman napahinga ako ng malalim, para akong magulang nitong dalawang 'to eh. Mukha na akong matanda na sermon ng sermon sa kanilang dalawa kapag nagbabangayan sila.

Maya-maya lang, biglang nagsalita si Rosea kaya naman tumugon ako.

"Pwede ba akong makisilip sa kanila?" Tanong niya kaya naman tumango ako at tumabi para siya naman ang makisilip.

Sumunod din naman si Nic at parang gusto niyang humingi ng tawad kay Rosea dahil sa pagbabangayan nilang dalawa kanina, nakikita ko 'yon sa mga mata niya. Kaya siguro siya lumapit papaalapit kay Rosea.

Nung nakalapit na si Nic kay Rosea, kinalabit niya muna ito kaya naman humarap si Rosea at nakita kong may ngiti sa labi ni Rosea kanina pero nawala lang yun ng humarap siya kay Nic at napairap. Wag na sana kayong magbangayan dyan, parang awa niyo na.

"Uhmm, Rosea---I mean babe, sorry sa pagbabangayan nating dalawa kanina. Imbes na manahimik ako, kinontra pa kita ng tuloy-tuloy kaya sorry na ulit." Humingi ng tawad si Nic kay Rosea. Nakita ko naman sa mukha ni Rosea na parang nawala saglit yung mataray niyang mukha pero saglit lang 'yon at bumalik sa mataray na mukha siya at muling napairap saka nagsalita.

"Mabuti at alam mo ang mali mo. Pero...." bumuntong-hininga muna si Rosea at biglang nawala yung mataray niyang mukha at pasensyosang tinignan si Nic. "Sorry rin dahil kinontra rin kita, kasi naman totoo yung sinasabi ko kanina pero ikaw 'tong kontra din ng kontra, hindi naman dapat 'yon binibig-deal pero sa walang tigil nating bangayan, parang binibig-deal na rin natin 'yon, sorry ulit." Humingi rin ng sorry si Rosea at saka yumakap kay Nic. Yumakap din naman pabalik si Nic kay Rosea. Napangiti na lang ako dahil nagkasundo na naman sila muli, baka mamaya balik na naman sa dati saka naman magbabati ulit, paulit-ulit lang nangyayari sa kanilang dalawa kapag nagbabangayan sila.

Pagkatapos ng yakapan nila ay nagsalita si Rosea.

"Gusto mo din bang makisilip sila Lei? Ikaw na muna." Nakangiti iyon sinabi ni Rosea kay Nic kaya naman tumango si Nic at lumapit sa pinagsisilipan namin.

Actually, nandito kami sa kusina, hinihintay sila Lei. Hindi namin alam na seryoso at importanteng pag-uusapan nila 'yon kaya naman pumunta kami sa kusina para sana paghandaan yung kung ano man ang gagawin namin dito. Nakalimutan namin sablit na nandito rin pala si Shayne, nananahimik na lang pero nung sinabihan ko siyang silipin din, sumunod din naman siya at nagsalit rin naman.

Lei's Point of View

"'Nak, we'll have to go muna, ha? May tumawag kasi sa'kin at sa mommy mo at urgent ito at para naman, makapagbonding kayong mag-ina. Just take your time, 'nak." Nakangiting sabi ni daddy maya-maya kaya naman, ngumiti din ako pabalik saka tumango.

"I will, dad. Don't worry. Gusto ko rin naman makasama din bilang tunay na anak at ina ni mama kahit ngayon lang. Bye dad!" Magiliw kong sabi at saka ganun din sila, nagpaalaman kami bago sila lumabas. Narinig ko pa yung engine ng sasakyan at pinaharurot iyon ni daddy saka umalis na.

Kasabay ng pag-alis nila daddy ay ang pagdating naman ng mga kaibigan ko na may dalang mga merienda at ininomin.

Pagkatapos nilang inilapag 'yon sa mesa ay pumunta sila kay mama para magmano saka sila ngumiti saka umupo din sa katabing sofa.

"Mga kaibigan mo ba 'to, 'nak?" Tanong ni mama sa'kin kaya naman tumango ako at nagsalita.

"Yes, mom. Eto po si Roseanne Tan, but I prefer calling her Rosea," ipinakilala ko kay mama si Rosea na ngayo'y kumaway din kay mama at nakangiting tinignan si mama.

"Kaygandang bata mo naman, hija." Puri ni mama kay Rosea kaya naman tinignan ako ni Rosea at parang sinasabi ng mata niya na gusto niyang maghair flip kaya naman napairap ako ng palihim. Feeler din 'tong isang 'to eh.

"Ahh, hehe... thank you po." Nahihiya niyang sabi. Sus! May pahiya-hiya pang nalalaman eh halos tignan nga ako kanina na meron pang confidence eh.

"Sus! Ang sabihin mo, proud ka lang sa sarili mo na maganda ka." Nagulat nga lang ako----este kami ni Shayne ng sabay kaming nagsabi ng ganun kay Rosea pero kalaunan ay natawa pa kaming sabay parehas.

Pagkatapos nun ay tinignan ko si Rosea na ngayo'y tinignan kami ng masama kaya naman nagpipigil na naman ako ng tawa dahil sa uri ng pagkakatingin niya sa'kin. Parang sinasabi ng mata niya na 'inggit ka lang kasi pinuri ako ng mama mo.'

"At sino naman 'to, 'nak?" Tinuro ni mama si Shayne kaya akma na sanang ipakilala ko kay mama si Shayne nang siya ang nagpakilala sa kanyang sarili. Kaloka nito.

"Hello po, ako po si Shayne Addison Sanders pero Shayne na lang po ang itawag niyo sa'kin. Flight attendant, kaibigan at kasama ko po si Tine kapag meron po kaming schedule sa flight." Nakangiting pakilala ni Shayne kay mama. Siniko ko naman siya kaya napatingin siya sa'kin.

"Inunahan mo 'ko. Muntik na akong mapahiya dyan sa kagagawan mo." Bulong ko sa kanya pero tanging nagpeace-sign at napahagikgik lang siya kaya naman umirap ako at saka umiling-iling sa baliw kong kaibigan.

"Mukhang close kayong dalawa, ah? Matagal na ba kayong magkakaibigan ni Shayne, 'nak?" Tanong ulit ni mama kaya sumagot ako.

"Naging kaibigan ko lang po itong si Shayne, ma dahil sa pagiging friendly at makulit nito saka sa pagiging matakaw niya kapag nakakasama namin siya after ng trabaho." Sagot ko kaya napatawa ng bahagya si mama at nakaramdam ako ng sakit sa tagiliran ko kaya tumingin ako kay Shayne na ngayo'y tinitignan ako ng masama.

"What? Totoo naman ah? Deny ka pa," bulong ko pero tinignan lang talaga niya ako ng masama.

"Really, 'nak? Matakaw? Pero anyways, sino 'tong dalawang nagwagwapuhang lalaki na kaibigan niyo?" Pagkasabi ni mama sa part na nagwagwapuhan ay nagpakilala na agad si Nic pero si Clark ay napapailing na lang, ganun din ang ginawa namin. Feeling gwapo naman nito.

"Hello po, Tita. Ako po si Brandominic Tejada pero you can call me Nic po. It's nice to meet you po, tita." Magiliw na pakilala ni Nic kay mama.

"Tejada? You mean your the unico hijo of Benjamin Tejada, am I right hijo?" Paniniguro ni mama sa magulang ni Nic at tumango si Nic.

"No wonder ganyan itsura mo," ani mama.

Napabungisngis si Clark kaya tumuon ang pansin ni mama sa kanya at sinuri siya mula ulo hanggang paa.

"Ahh, I know you already. Your Wayne Clark Vallejo, the only son of Caitlyn Arch Vallejo and Vaugn Walter Vallejo." Ani mama kaya kumunot ang noo namin kung bakit kilala ni mama itong si Clark pero biglang nawala yung pagkakunot ng noo ko ng marealize kung bakit nakilala niya si Clark. I know why.

"How did you know, Tita?" Nagtatakang tanong ni Clark sa kanya kaya gusto kong tumawa sa mukha niya. Walang alam. Baka nakalimutan na niya siguro yung nangyari 5 years ago.

"Hijo, I saw you 5 years ago nung may nangyaring masama sa mga anak ko. Sinabihan mo pa nga ako na ikaw yung may sala sa lahat kung bakit nahantong yun at ikaw na daw ang bahala. And kung bakit nagkakilala kami ng mga magulang mo? I invested in their company because we had a deal, a private deal that no one else knew." Sagot ni mama kaya naman nawala yung pagkakunot ng noo ni Clark saka napailing-iling dun sa part na sinabi ni mama sa kanya na sinabihan niya si mama about dun sa nangyari 5 years ago kaya gusto naming matawa.

"Pero ano pong sinasabi niyo... ah nevermind, private nga pala." Ani Clark saka umiling.

Ano kaya yung private deal na 'yon?

Third Person's Point of View

All of them was left dumbfounded because of what had Kierra said to them about the private deal. It's private.

Kierra thoughts about it. What if she will tell them? Pero sigurado naman siya na masasaktan lang ang binata kapag sinabi niya ang private deal na iyon.

"Do you really wanna know, hijo?" Tanong ni Kierra sa binata kaya tumingin sa kanya si Clark saka nag-aalinlangan pa bago tumango.

Napabuntong-hininga na lang si Kierra saka nagsalita.

"This will be really hard for you, hijo. Sometimes you gotta learn to accept the fact that you should just accept the sorry, faults, and regrets, okay? Para hindi ka na rin mahirapan at para decided ka na ng hindi na mahihirapan..." bumuga muna ng malalim na hininga si Kierra saka nagpatuloy. "Hijo, nung bata ka pa, nasa orphanage ka pa naman nun diba? Kasama mo pa noon ang anak ko. Hindi ka iniwan nung totoo mong mga magulang infact nakasama mo pa sila nung 5 years old ka pa lang, galing ka sa mayamang pamilya already. Pero nung nasa orphanage ka na and 6 years old ka na, hindi mo na nakasama ang mga magulang mo kasi merong kumuha sayo mula sa mga magulang mo at kung bakit hindi mo na nakita pa ang mga magulang mo ay dahil pinatay sila. Nung merong kumupkop sayo at inalagaan ka nila Walt at Arch ng mabuti, muntik ng malugi ang kompanya ni Walt na nakakatandang kapatid ni Olivia na pinamana sa kanya ng magulang nila, gumawa sila ng paraan para hindi malugi ang kompanya at maibenta at naisipan nila na ako daw ang solusyon sa pamamagitan ng kompanya ko na angat na angat na pero siyempre nung una tumanggi ako pero pinilit nila ako kaya wala akong nagawa kundi tumango na lang dahil naawa na rin ako sa kanila at the same time nagulat dahil bigla na lang nila inamin sa deal namin na ang nagpapatay ng mga magulang mo Clark ay ang bunsong kapatid ng daddy mo na si... Olivia..." napasinghap silang lahat dahil sa sinabi ni Kierra. Nangilid ang luha ni Clark at saka napakuyom ang kamao dahil sa galit at sakit na nararamdaman. Itinakip din ni Lei ang kanyang bibig dahil sa gulat saka nag-uunahang tumulo ang mga luha niya kaya lumapit si Kierra sa kanyang anak saka niyakap siya.

"Sabi nila sa deal namin na dapat walang makakaalam nito pero tumanggi muna ako. Sa mga araw na nakalipas noon, nagpakita sa'kin si Olivia at sabi niya na kung ipapaalam mo sa pulis yung ginawa ko, papatayin daw niya ako kaya tumango na lang ako dahil sa takot, wala akong kalaban-laban nun kaya ako tumango dahil kung mamamatay ako, walang magbabantay sa anak ko na si Keiz. Sorry hijo at ngayon mo lang nalaman. Everything happens for a reason, hijo kaya wag kang magpapalamon sa galit mo. Oo nagalit ako nung una kay Olivia dahil binantaan niya ako noon pero ngayon, hindi na dahil nalaman ko ang reason kung bakit. Keep that in mind, Clark." Pagtatapos ni Kierra saka hinimas-himas niya ang likod ni Lei dahil hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Lei.

Meanwhile, kay Clark, hindi pa nagsisink-in sa kanya ang lahat ng sinasabi ni Kierra pero kalaunan ay napaiyak na lang siya sa nalaman. Pinatay ang totoo niyang mga magulang nung bata pa siya.

Ang sakit dahil yung nagpapatay sa mga magulang niya ay kapatid ng daddy niya na ngayon ay unbiological mother ni Lei. Ang tanging nararamdaman niya ngayon ay galit dahil sa nalaman. Ang liit ng mundo!

Hindi niya alam kung papatawarin niya ba ang tinuturing na din niyang Tita na si Olivia pero nagsink-in na sa kanyang utak yung sinabi ng ina ng babaeng mahal niya na everything happens for a reason at hindi lahat ay kasalanan lang ng isang tao, dapat hindi one-sided at ipaliwanag ang both sides ng istorya para hindi padalos-dalos sa mga desisyon.

After all this years, ngayon ko lang nalaman ang totoo at hindi ko na alam ang mangyayari sa susunod.

***

After 2 months . . .

"'Nak, gusto mo bang ibahin yung apilyedo mo from Dizon to Ferrer? Kasi ipapaasikaso ko na." Nakangiting  suhestyon ni Kierra sa kanyang anak na si Lei.

"Ma naman, hindi ko kayang palitan na lang ng ganun-ganun yung apilyedong Dizon dahil parte na ng buhay ko ang pagiging Dizon. Gusto kong hindi ibahin yung surname ko at dagdagan na lang ng totoo kong surname na Ferrer. Like this ma, 'Leiane Ashtine Dizon-Ferrer'." Ani Lei kaya ngumiti ang kanyang ina saka tumango.

Bigla na lang may tumapik sa magkabilang balikat ni Lei kaya tinignan iyon ni Lei at napangiti. Her parents who was once a parent to her. Olivia and Rei.

Good news lahat ng nangyayari ngayon dahil nung nakaraang buwan pa lamang ay pinatawad ni Clark at Lei si Olivia dahil sa nagawang kasalanan noon. Si Shayne naman ay meron ng boyfriend, at ang crush niya lang noon ay boyfriend na niya ngayon, si Kiel.

It's a long story but they deserve it anyway. Si Nic naman at si Rosea, ayun malapit ng ikasal. Dahil nung nakaraang araw ay nagpropose si Nic kay Rosea sa resto bar na pagmamay-ari niya na dahil sa kanya ipinamana iyon ng kanyang ama.

Madami talagang mga good news ngayon. Pero para kay Lei, parang may kulang pa sa kanya para maging good news. Parang may kulang sa pagkatao niya na kailangan niyang kumpletuhin.

Pagkatapos nang nangyari sa araw na 'yon, sa mga nakalipas na araw...

Isa na siyang ganap na Ferrer base sa kanyang apilyedo dahil naasikaso na ang kanyang birth certificate.

This is me, I'm already Leiane Ashtine Dizon-Ferrer.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top