Chapter 57

Chapter 57: Realization

Lei's Point of View

Pagkatapos naming kumain sa isang restaurant ay dumiretso na kami pauwi.

Habang umaandar na ang sasakyan gusto kong mapairap na lang dahil ang ingay ng mga katabi ko, parang noon pa magkakakilala at magkakaibigan kung makapagdaldal eh. Respeto naman sa mga hindi gustong makarinig ng kahit na ano mang ingay, katulad ko. Dapat pala hindi ko na lang pinayagan si Rosea na dito na lang siya sasakay edi sana tahimik dito ngayon.

"Manahimik nga kayo dyan. Kitang hindi ko gusto ng ingay eh." Inis na sabi ko sa kanilang dalawa at saka napairap.

"Ang sabihin mo, hindi ka talaga makakarelate kaya ka ganyan ngayon o..." pinabitin ni Rosea ang kanyang sasabihin kaya tiningnan ko siya. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi kaya alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya sinamaan k osiya ng tingin para tumahimik pero matigas ang ulo nitong babaeng 'to eh.

"O, ano?" Tanong ni Shayne sa kanya kaya pati rin si Shayne nasamaan ko ng tingin.

"O, meron kang dalaw ngayon, noh?" Napahalakhak na lang si Shayne kay Rosea ng sinagot ni Rosea ang tnaong ni Shayne kaya binigyan ko sila ng nakakamatay na tingin kasabay ng biglang pagpreno ni Clark at pagstop ng sasakyan kaya ayun, napauntog ang ulo nilang dalawa parehas sa kanilang ulo kaya ngayon ako na naman ang napatawa sa kanila.

Hindi kasi nagsiseat-belt eh, inuna pa muna yung pagdaldal kesa sak anilang safety. Mabuti na lang nakaseatbelt na ako kaya hindi ako nauntog.

"Aray! Bakit ka ba tumigil, Clark?" Naiinis na tanong ni Rosea kay Clark habang napapadaing pa rin sa pagkakauntog ng ulo niya sa ulo ni Shayne.

"Isang sabi mo pa dun sa sinabi mo kanina, papalabasin talaga kita." Banta ni Clark kaya napanguso si Rosea.l saka tumingin ng masama sa'kin.

"Sana all, ipinagtatanggol si Tine!" Napahagikgik si Shayne pagkarapos niyang sabihin 'yon kaya nawala yung pagkakanguso ni Rosea at nakisabay kay Shayne.

"Mga baliw, leche! Clark, papabain mo na nga 'yang si Rosea para maging tahimik na dito. Dapat pala hindi ako pumayag na dito ka na lang sasakay, makikipagdaldalan ka lang pala." Inis kong sabi.

Kaya ang nangyari, nanahimik bigla si Rosea pati na si Shayne kaya napangisi ako ng palihim. Ayan naman pala eh, dapat pala isinumbong ko na lang kay Clark hahaha.

Napapailing na lang si Clark sa aming tatlo at saka pinaandar na uli ang sasakyan saka pinatakbo na papaalis.

"Mananahimik naman pala eh, bakit ang tigas ng ulo mong babae ka?" Ani ko kay Rosea kaya naman napairap siya saka tumingin na lang sa bintana para tumahimik na.

Bumalik kami sa pagkatahimik. Nakakabingi ang katahimikan pero hindi naman ako nagsisisi na pinatahimik ko silang dalawa kaya naman para hindi ako mabingi ng tuluyan sa katahimikan ay kinuha ko ang maleta ko at in-open ang bulsa saka kinuha yung headset ko at isinuot iyon sa tenga ko saka ikinonnect sa phone ko saka nagpamusic ng naging paborito ko na ring kanta pero naging dahilan ng sakit na nadaraanan ko.

Now playing: Bakit by Carlyn Ocampo (Cover)

Ikaw... ang nagbibigay

Ligaya sa akin, sa aking damdamin

Dala'y ngiti sa puso ko

Kapag ika'y kasama ko

Sa tuwing... ika'y nakikita

Biglang sumasaya, lungkot ay nawawala

Nagtatanong ang puso ko

Ano kaya ito....

Bigla na lang merong humablot sa isang pares ng headset ko at pagkatingin ko ay si Shayne iyon kaya hinayaan ko na lang siyang kunin ang isang pares ng headset para mapakinggan din niya yung pinapatugtog ko.

"Makikirinig lang sa pinapatugtog mo, okay lang ba, Tine?" Aniya kaya tumango ako. Ngumiti naman siya sa'kin saka isinuot na ang pares ng headset saka ko ipinagpatuloy ang pinapatugtog ko.

"Hindi ko alam na gusto mo pala nitong kantang 'to, Tine. Favorite din ko 'tong kantang 'to eh, pati na din ang nagkanta nito kahit pa cover lang ito." Nakangiti niyang sabi sa'kin kaya nakingiti din ako at saka tumango.

Bakit hanap hanap kita

Bakit hindi nagsasawa

Sa puso ko'y laging ikaw

Laging nais na matanaw

"Bakit hindi nagbabago, mayroong ka ba sa puso ko..." nakikanta na rin ako ng mahina lang dahil naghahum lang ako.

"Anong nadarama, ikaw na nga kaya, mahal... ko...." pagpapatuloy din ni Shayne at sa paraan din ng paghahum yung pagkanta niya.

Hanggang sa hindi ko namalayan na napapatulog na pala ako nitong kantang 'to.

***

Napagising na lang ako ng may yumuyugyog sa'kin kaya naman napaungol ako at saka kinusot yung mga mata ko saka napahikab habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko at saka tumingin kung sino yung yumuyogyog sa'kin.

"Nandito na tayo, Lei." Ani Rosea. So, siya pala yung yumuyogyog sa'kin.

"Bababa ka o hindi? Sabihin mo lang, aba kanina pa ako naghihintay sayong magising ka eh." Nagrereklamo na niyang sabi kaya naman bumaba na lang ako at saka hinubad na yung headset ko saka pinatay na yung kanta na iba na pala ang music.

Nauna palang bumaba sa Shayne kaya ako na lang mag-isa sa sasakyan. Mabuti na lang at ginising ako ni Rosea kung hindi, dito na lang talaga ako matutulog ngayong gabi sa sasakyan ni Clark. Nakakahiya naman kung ganun.

"Halika na nga." Aniya at hinatak ako kaya wala akong nagawa kundi magpahatak na lang sa kanya. Parang hindi head engineer kung umasta ah.

Pagkapasok pa lang namin ay puro dilim ang nakikita ko kaya napakunot ang noo ko. Bakit ang dilim ng condo ni Clark? Oo kay Clark ito, dahil sabi daw niya na dito daw muna kami pagpapahingahin sa condo niya since kailangan pang bumyahe patungo sa inupahan kong apartment na kapartner ko din si Shayne at saka malalim na ang gabi kaya sabi niya na dito na lang daw. Walang ako nagawa kundi pumayag na lang kahit nakakahiya.

Magtatanong na sana ako ni Rosea ng biglang lumiwanag at napaatras ako ng biglang merong nagpaputok ng confetti saka pagkatapos nun ay nagulat pa ako ng marami ng bumati sa'kin. Pati na nga si Shayne na bumati pa nga kahit kasasabay pa nga niya sa'kin. Meron pang marshmallow sa bibig kaya umiwas na lang ang tingin ko at itinuon ang pansin sa nakasulat sa pader. Meron pang balloon na nakasabit na para bang birthday ko pero ang pagbati pala ng pagwelcome yun sa'kin. Daming efforts, ah.

"Welcome back, Lei!!!" Sabay nilang sigaw kaya naman napaigtad ako pero kalaunan ay napangiti dahil sa pagbati nila. Sigurado ngang namimiss na nila ako kaya naman lumaki ang ngiti ko and at the same time naiiyak na.

"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" Nanunukso nilang sabi kaya sinamaan ko sila ng tingin pero pabiro kaya tinawanan nila ako.

"Mga sira kayo, ginulat niyo ako. Pero thank you." Natatawa kong sabi sa kanila.

"Ano ka ba, kung hindi ka nagulat, hindi ka masusurprise. Thank you din kasi bumalik ka na din!" Ani Rosea at saka siya lumapit sa'kin.

"Bukas na lang natin itutuloy 'to dahil talagang matutulog na ako at saka magbibihis pa ako. Pwede ba?" Sabi ko kaya tumango naman siya at ngumiti.

"Hoy! Bukas na lang daw natin 'to itutuloy para makatulog na tayo!" Sigaw ni Rosea sa mga kaibigan namin kaya naman nagsipagtanguhan sila.

"Mabuti naman kung ganun, babe. Napagod kaya tayo sa'ting mga trabaho." Sabat ni Nic.

"Manahimik ka kurimaw, at saka wag ka ngang maging sweet dito, may mga single pa dito baka magkatuluyan." Sigurado kaong pinaparinig niya akong single pa din simula nung nagbreak-up kami ni Kiel kaya pinitik ko ang noo niya kaya naman napadaing siya.

"Bagay na bagay kayo talaga noh? Punta na ako sa kabilang room. Bye. Shayne, halika na! Sama ka na sa'kin, bukas na nga 'yang marshmallow." Sigaw ko habang hindi man nililingon sila habang tuloy-tuloy lang sa paglalakad patungo sa kabilang room or guest room sa condo ni Clark.

Naramdaman ko namang merong sumunod sa'kin kaya tinignan ko 'yon at nakangusong mukha ni Shayne ang bumungad sa'kin habang nakatingin sa'kin.

"Bukas na nga yung pagkain mo ng marshmallow, meron pa nyan bukas, magtiwala ka sa'kin." Natatawa kong sabi sa kanya pero nanstiling nakanguso yung mukha niya.

"Eh, gusto ko pa eh, anong magagawa mo? Pero, oo nga, meron pa nyan bukas kaya sinunod na lang kita." Aniya at napalitan ang nakanguso niyang mukha sa dati.

"Pagod tayong pareho kaya bukas na lang." Sabi ko kaya tumango siya at saka isinabit niya ang kamay niya sa braso ko saka kami naglakad ng sabay patungo sa guest room.

***

Nakahiga na ako ngayon pero kahit ipikit ko yung mga mata ko, hindi talaga ako dinalawan ng antok kaya naman ay kinuha ko na lang ang phone ko at in-open yung IG ko. Nagscroll-scroll lang ako ng biglang merong notif na nagpop-up. Chinat ako ni Clark dito si IG kaya naman ay chinat ko din siya habang nakakunot-noo.

Tinignan ko ang message niya.

@wcvallejo: hindi ka pa ba matutulog? Alas 9:00 na oh.

@ashtinedizon: hindi ako makatulog kaya ako active dito sa IG.

@wcvallejo: gusto mo bang puntahan kita dyan?

@ashtinedizon: wag na, chat na lang tayo.

@wcvallejo: oh, sige.

@ashtinedizon: anong pag-uusapan natin?

@wcvallejo: Lei, kailan mo ako sasagutin?

Nabigla ako sa biglang pagtanong niya sa'kin ng ganun. Matagal na siyang nanliligaw ulit sa'kin at kailanman hindi ko pa siya nasasagot dahil natakot pa akong magmahal ulit mula nung nangyari sa'min ni Kiel noon.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka nagtype saka isinend sa kanya.

@ashtinedizon: hindi ko pa alam, Clark. Sorry, pero natatakot pa akong magmahal ulit, sana maintindihan mo 'yun.

@wcvallejo: I understand, Lei. Pero kahit ganun, maghihintay pa rin ako sayong sagot, maghihintay pa rin ako sayo. Ganun kita kamahal.

@ashtinedizon: thank you for your patience, Clark. Kung handa na akong magmahal ulit, sasagutin na kita, pangako 'yan.

@wcvallejo: hindi mo kailangang mangako sa'kin ng ganyan, Lei. Ang totoong pagmamahal ay hindi kailangan ng pangako na hindi din naman matutupad minsan, ang totoong pagmamahal ay lalabas lang sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon. Sige, out na ako. Bye. Goodnight, Lei. I love you.

@ashtinedizon: sorry, Clark. Bye, goodnight din.

Bigla na lang nawala yung active sign ni Clark kaya napabuntong-hininga ako.

Ipinatong ko ang phone ko sa dibdib ko at saka tumitig sa kisame saka magkakasunod-sunod na bumuntong-hininga.

Nagulat nga pang ako ng biglang nagsalita si Shayne. Akala ko tulog na siya pero hindi pa pala.

"Narinig ko yung pagbubuntong-hininga mo. Mind to tell me what's your problem?" Aniya saka bumangon sa kama niya at lumapit sa'king kama saka tumabi sa'kin.

"Kasi naman, kung ang isang tao ay matagal nang nanliligaw sayo at hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot sa taong mahal niya saka naman nagtanong siya sa mahal niya na kailan daw siya sasagutin, sa kabilang banda naman ang mahal niya ay meron nang ex na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaget-over sa hinanakit at pati yung nanliligaw sa kanya ay nadadamay na at saka sinagot niya ang tanong ng manliligaw niya na hindi pa siya kayang magmahal ulit dahil natatakot siya sa posibleng mangyari, anong gagawin mo kung ipagpalagay mo ang sarili mo dun sa dalawa?" Tanong ko sa kanya saka napabuntong-hininga at pumikit sandali. Nafrafrustrate ako.

"Kung totoong nagmamahal sa kanya ang manliligaw niya ay hihintayin pa rin niya siya dahil ganun niya kamahal ang nililigawan niya kahit pa nasasakitan siya sa pagsabi ng nililigawan niya na hindi pa siya kayang magmahal ulit dahil sa natatakot siya sa posibleng mangyari. Kung talagang mahal niya ang kanyang nililigawan, maghihintay 'yan hanggang sa mapamahal na rin ang kanyang nililigawan sa kanya dahil sa kanyang totoong pagmamahal. Teka, ba't mo natanong 'yan? Ikaw ba yung nililigawan?" Sagot na may kasunod na tanong kaya naman tumango ako.

"Hay nako, Tine. Kaya walang sumubok sayong manligaw dahil ganyan ka mag-isip eh. Natatakot ka sa posibleng mangyari kapag sinagot mo na ang nanliligaw sayo. Minsan din Tine, pakiramdaman mo rin yung puso mo na gusto ulit magmahal at saka sundin mo 'yun, wala namang mawawala sayo kung magmahal ka lang ulit eh. Sabi mo nga moved-on ka na sa ex mo kaya panindigan mo 'yang moved-on moved-on mo na 'yan, hindi yung paaasahin mo yung nanliligaw sayo. Sino ba yung nanliligaw sayo?" Advice naman niya na meron pang kasamang tanong.

"Si Clark, Shayne." Sagot ko sa kanya kaya natutop ang kanyang bibig at OA na tinignan ako----este gulat na tinignan ako.

"Mahal ka ng bestfriend mo? Really? I can't believe it! Complicated 'yang mga ganyang love story base sa napapanuod ko sa telenovelas at asianovelas, alam mo yun diba?" Aniya.

"Aadvice-an mo ako o magkwekwento na lang tayo?" Tanong ko sa kanya kaya naman tumigil na siya.

"Yun lang yung advice ko, Tine. Sana marealize mo na pwede ka pang magmahal ulit ng walang takot at pangamba sa posibleng mangyari, okay? Sige, babalik na ako sa kama para matulog. Good night, sana marealize mo para naman hindi na kawawa ang manliligaw mo." Aniya saka bumalik na sa kanyang kama at humiga na saka tumalikod sa direksyon ko para siguro matulog.

Humiga na lang ako ulit at tinitigan namang muli yung kisame.

'Sana marealize mo na pwede ka pang magmahal ulit ng walang takot at pangamba sa posibleng mangyari.'

'Sana marealize mo para naman hindi na kawawa ang manliligaw mo.'

Sa mga naging advice sa'kin ni Shayne, dalawa lang ang tumatak sa'kin. Ang marealize at ang magmahal ulit.

Narealize ko na wala namang patutunguhan itong takot at pangamba ko sa posibleng mangyari kapag nagmahal ako ulit kaya nagdesisyon ako na kalimutan na lang lahat yung nangyari noon at ituon ang atensyon ngayon at sa hinaharap. Sana tama na ngayon ang magiging desisyon ko.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top