Chapter 56

Soundtrack: 'Dina Babalik by This Band

Chapter 56: Meet And Greet

Lei's Point of View

"Okay, okay. Dito na lang natin pag-usapan para din naman maliwanagan ako sa nangyari noon." Napabuntong-hininga ako.

"Let's clear what's running inside our minds. I'll go first." Tumikhim pa muna siya dahil may naramdaman siyang pagbara ng lalamunan niya at napansin ko 'yon. Umiwas na lang ako ng tingin saglit.

"Lei, totoong hindi kita minahal noon dahil ang buo kong atensyon ay na kay Keiz dahil siya lang ang mahal ko. Kahit ngayon pa rin eh, mahal ko pa rin siya kahit nasa langit na siya." Sa pagbigkas niya ng mga salitang,' totoong hindi kita minahal noon' ay napapikit na lang ako sa sakit. Bumalik na naman ang yung sakit na nararamdaman ko nung sinaktan niya ako.

"Pero hindi ko ginusto na saktan ka kahit pa palagi kong sinusunod yung mga sinasabi ni Keiz dahil mahal ko siya. Naging mahalaga ka na sa'kin sa mga nakalipas na mga buwan nun kaya kahit gusto ko nang tumigil, takot ako na baka magalit siya sa'kin at gagawa na siya ng sarili niyang hakbang na higit pa siguro sa paggawa niya ng masama sayo kaya wala akong magawa para patigilin si Keiz----" naputol siya sa kanyang sinasabi nang nagsalita ako.

"Ang duwag mo... ang tanga mo rin..." sabi ko na nagpatahimik sa kanya at yumuko. Nakayuko na din ako ngayon dahil hindi ko na kayang tingnan siya ng diretsyo at para matago ang lumalabas na mga luha sa mata ko.

"I know Lei, I know. It's just that I'm so inlove with Keiz to the point that other people was involve in our plans, or I must say that it's Keiz's plans. And yeah, nagtatanga-tangahan ako para sa kanya kasi mahal ko siya eh..." nagsimulang magcrack yung boses niya nun.

Pinilit kong mag-angat ng tingin sa kanya kahit pa nasasaktan pa rin ako sa kanyang mga sinasabi na mahal na mahal niya si Keiz.

Bakit ba madali akong mauto sa mga pinagsasabi niya, nila? Ang tanga ko rin dahil naniniwala ako kaagad kay Kiel, ayan tuloy nasaktan ako sa huli.

Bakit ba padalos-dalos ako sa mga naging desisyon ko?

"K-Kung mahalaga ako sa buhay mo nun, dapat mong itigil iyon, pero anong ginawa mo? H-Hindi mo siya pinigilan at sa halip ay sinaktan mo rin ako, yun ba yung meron ng halaga sa buhay mo, ha? S-Sige, sabihin mo..." naggagaralgal na tanong ko sa kanya dahil naguguluhan ako.

Mahalaga ako sa buhay niya? Sinong niloloko niya?

"Lei... nagsisisi na talaga ako sa lahat, lahat-lahat nagsisisi ako. Nagsisisi ako na hindi ko pinigilan si Keiz sa mga plano niya na naging dahilan ng... p-pagkamatay n-niya." Aniya kaya meron na namang tumulo na luha sa mata ko, ganun din siya.

"H-Huli na 'yang pagsisisi mo na 'yan. H-Hindi mo na maibabalik ang dati nating samahan. I-I have learned from my mistake." Umiling ako ng umiling.

"Lei... I'm sorry... again. I know I don't deserve your forgiveness but I want to say sorry to you. For everything that I've done." Sabi niya.

"Sige nga, papaano kita papaniwalaan ulit dyan sa sorry-sorry mo na 'yan kung sa huli ganun pa din yung mangyayari? Ano ka ba naman Kiel? Ayoko nang masaktan pa ng dahil sayo, hindi ko alam kung papaano kita papaniwalaan kahit ilang taon na yung mga nakalipas, hindi pa din nawawala ang sakit na pinaramdam mo sa'kin nun. Pinaglalaruan mo ang damdamin ko kahit nagmahal lang naman ako ng totoo sayo. Pinili kita kasi yun ang gusto ng puso ko, yun ang ikakasasaya ko, pero hindi eh. Hindi ko man maitatanggi na masaya akong kapiling ka pero hindi ko inaasahan na sasaktan mo lang pala ang damdamin ko sa huli. Pinagloloko mo lang ako. Kahit pa moved-on na ako sayo, hindi kopa rin kayang makalimutan yung nangyaring naganap nun. I suffered brain tumor, and trauma because of what Keiz have done to me kaya hindi ko yun nakalimutan. Sorry to say this but you don't deserve my forgiveness and what will happen after this. I-I have to go inside..." yun lang yung nasabi ko sa kanya bago ako pumasok sa loob.

Natuyo lahat ng luha ko ng hindi ko namamalayan kaya para hindi halata yung tuyo kong mga luha ay pinunasan ko 'yon at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakita ko si Shayne na nag-aalalang tumingin sa'kin at saka ako linapitan, ganun din ang ibang mga kaibigan niya sa'kin.

"Are you okay? I'm sorry, Tine. I was just so curious about between you and Cap. Sorry talaga." Aniya at yinakap ako.

"No, it's okay. I'm fine, don't worry about me. Pero make sure next time na wag mo na 'kong tatanungin ng ganun ka personal, ha?" Sabi ko sa kanya kaya naramdaman kong tumango siya bago niya hiniwalay ang yakap.

"Itutuloy pa ba natin yung truth or dare, guys?" Anang tinig ng isa sa kaibigan ni Shayne na si Suresh kaya napatingin kami sa kanya. Nagpeace sign pa siya sa'min kaya tinignan ko ang kambal niya na si Shanda na handa ng mambatok sa kanya at napatingin sa kanya ng masama kaya bago pa mabatukan si Suresh sa kanyang kambal ay tumakbo na siya kaya hinabol ni Shanda si Suresh ngayon para mambatok!

"Sa tingin mo, makakapaglaro pa tayo niyan sa nangyari kanina ni Cap. Vallejo at FA Dizon? Tuleg ka ba, ha? Halika nga dito, babatukan talaga kita!" Sigaw ni Shanda kay Suresh habang naghahabulan silang dalawa.

Nagpipigil lang kami ng tawa hanggang sa merong pumasok na nagpatigil sa'ming lahat, literal as in lahat kami napatigil!

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at tiningnan si Shayne na ngayo'y nakatingin sa'kin nag-aalala. Nginitian ko naman siya ng pilit para naman maibsan yung pag-aalala niya sa'kin at saka nagsalita.

"Okay lang, don't worry about me, kaya ko naman." Sabi ko sa kanya.

"Pero kung iiwasan mo siya ngayon, okay lang din sa'kin Tine. Kahit wala ka na sa paglalaro namin ng truth or dare." Aniya pero umiling ako.

"Kung talagang nakamove-on na ako, hindi ko na siya iiwasan pa kaya let's continue our game. Okay?" Ani ko kaya napabuntong-hininga siya saka ngumiti sa'kin at tumango bago niya ako inakay pabalik sa pagkakaupo sa pwesto ko kanina sa laro.

"Okay, spin the bottle, Tine!" Excited na ani ni Suresh kaya napailing muna ako bago ko sinunod ang sinabi niya.

Tumapat iyon kay Harold, isa sa mga naging kaibigang piloto ni Shayne.  Ngumiti kami ni Shayne nang pagkalaki-laki at parang pareho kami ng iniisip na maaaring itanong namin sa kanya habang ang isang piloto naman na si Caleb at yung kambal ay inosente lang na nakatingin sa'min, wala din naman kasi silang ideya sa iniisip namin ni Shayne eh.

"Parang mahahot-seat na ako sa ganyang uri ng pagkakangiti niyo, ah?" Kinakabahan niyang sabi kaya tumango kami, o mas sabihing ako.

"Truth or dare? Ang magrereklamo, alam niyo na..." ani Shayne kaya mas lalong pinigilan ko ang matawa.

"Dare na lang." Ani Harold kaya mas lalong lumaki yung ngiti ko.

"Okay, kung 'yan ang pinili mo, ikiss mo si FA Suresh Natividad sa pisngi. Kaya mo ba yun?" Dare ko sa kanya kaya natigilan siya at saka saglit na namutla kaya gusto ko nang pakawalan yung tawa ko eh pero pinigilan ko na naman para hindi masira yung pagkakataon.

May gusto kasi si Harold ni Suresh kaya ganun na lang kung matigilan si Harold. Ayaw pa kasing umamin, ang torpe-torpe nito.

Si Suresh naman ay nakita kung namumula ang pisngi at nung nagtama ang tingin namin ay binigyan niya ako ng masamang tingin na parang ako ang may kasalanan kung bakit siya namula. Totoo din naman, hahaha.

"S-Sigurado ka ba dyan, FA Dizon? Baka pwedeng iba na lang?" Kinakabahang tanong ni Harold sa'kin pero umiling lang ako at ipinakita sa kanya ang sandamakmak na sili kaya napalunok siya at walang nagawa kundi sundin yung dare ko.

Lumapit siya kay Suresh, yumuko siya at dahan-dahang hinalikan sa pisngi si Suresh kaya para na ngayong pulang kamatis ang pisngi ni Suresh dahil dun sa halik sa pisngi. Pagkatapos nun ay mabilis na bumalik sa Harold sa pwesto niya at hinawakan na niya ang bote habang si Suresh naman hanggang ngayon pulang-pula pa rin.

Kinantyawan namin silang dalawa kaya namula na rin sa tenga si Harold at nakayuko na ngayon habang si Suresh naman ay itinago ang mukha sa likod ng kambal niyang si Shanda. Binatukan naman ni Shanda si Suresh kaya napabalik ang mukha ni Suresh sa pwesto niya. Tatawa-tawa namang tinignan ni Shanda ang mukha ng kambal niya.

"Alam niyo guys, 'yang kambal kong si Suresh may gusto din kay Har---hmm." Hindi namin narinig kung ano ang pangalan ng nagustuhan ni Suresh dahil tinakpan na ni Suresh ang bibig ni Shanda.

Binitawan naman ni Suresh ang bibig ni Shanda dahil tumigil na din naman sa pagsasalita si Shanda at parang magrereklamo na.

"Mamaya ka sa'kin, Shanda." Ani Suresh kaya napatawa kami.

Saglit kong nakalimutan si Kiel kahit nandito siya dahil sa mga ito.

"Oh, next na!" Nalipat ang atensyon namin kay Harold ng sumigaw siya nun at ispinin na yung bote.

Tumapat iyon kay Shayne kaya binigyan ko siya ng nanunuksong tingin pero inirapan niya lang ako kaya napatawa ako ng bahagya.

"Truth or dare?" Tanong ni Harold sa kanya at sumagot din naman siya kaagad.

"Dare," prenteng sagot niya.

"Okay, eto. Uhmm... tawagin mo nga kaya yung crush mo. Kung hindi, ikaw pa naman ang nagsabi na ang magrereklamo ay papakainin ng sili so gawin mo na." Dare ni Harold sa kanya at nag-apir silang dalawa ni Caleb.

Namula si Shayne pero sinunod naman ang dare ni Harold. Kinuha niya ang phone niya at meron nang tinawagan.

Nagulat nga lang kami ng biglang tumunog ang phone ni... Kiel. She have a crush on Kiel? Paanong hindi ko nalaman yun sa kanya?

"Like... what the heck, Shayne? You have a crush on Cap. Vallejo? Really?" Tanong na nanunuksong Suresh sa kanya kaya namumula na masyado ang pisngi ni Shayne.

Tumawa sila at kinantyawan kaya sumabay na rin ako kahit hindi pa rin ako makapaniwala na crush niya ang ex ko.

***

|K|I|N|A|B|U|K|A|S|A|N|

Nandito na kami sa Pinas at excited na si Shayne na mameet yung mga kaibigan ko at para makipaggreet siya sa kanila kaya napailing na lang ako sa kanya dahil kapag excited siya, dadamayin niya ako pero wlaa akong magawa kundi ang magpadamay na lang sa kanya. Baka batukan pa ako nito eh.

Pagkababa ng mga passengers ay sunod kaming bumabang mga FA, sunod din ang piloto.

Habang hatak-hatak ko ang maleta ko ay naramdaman kong tumingin sa'kin si Kiel pero hindi ko na siya pinansin at sa halip ay itinuon ang pansin sa mabigat kong maleta.

Pero ganun na lang ang gulat ko ng bigla na lang niyang kinuha ang maleta kong hatak-hatak kanina at siya at ang naghatak niyon ng walang kahirap-hirap.

Napairap na lang ako at saka nagsalita sa kanya.

"Ako na, Kiel. Kaya ko na 'to." Sabi ko sa kanya.

"Hindi, ako na. Mukhang nabibigatan ka na eh." Aniya pero umiling ako at pinilit na ipagsiksikan yung sinasabi kong 'ako na lang' pero sadyang matigas ang ulo eh. Sabi pa niya na 'mabibigatan ka lang'. Anong akala niya sa'kin walang lakas? At talagang tinutulungan niya ako kahit pa sinabi ko na kagabi doon pa sa Korea na wag na siyang gagawa nang kung ano-ano sa'kin dahil kahit nagiging mabait siya sa'kin, hindi ko pa rin siya kayang patawarin at desisyon ko 'to. Hindi din naman kasi ako marupok, matigas kaya ang ulo ko, pero minsan lang.

"Wala ka nang pakialam dun, Kiel kaya pwede ba ibalik mo sa'kin ang maleta ko." Inis kong saad sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad, ganun din ako at humarap siya sa'kin saka napabuntong-hininga.

Binitawan na rin niya sa wakas yung maleta ko kaya kinuha ko na yung maleta ko kahit nabibigatan pa rin sa laki nito.

"Lei, kahit hindi mo ako kayang patawarin, papatunayan ko na dapat mo na akong paniniwalaan ulit at patatawarin. And sorry for my hardheaded mind." Ngumiti pa siya sa'kin pero ako hindi ko magawang ngumiti. Ano namang nakakangiti doon? Ngingiti na ba ako dahil tinulungan niya ako? Ngingiti na ba ako dahil papatunayan niya ang sarili niyang paniwalaan ko siya? Mukha pa namang hindi ko na kaya pang paniwalaan siya sa nagawa niya sa'kin noon.

"Bahala ka nga dyan." Sabi ko at hinatak na ang maleta ko sabay naglakad patungo kay Shayne na ngayo'y nakanguso na sa direksyon ko.

Pagkalapit ko sa kanya ay kinurot niya ang tagiliran ko kaya naman napaiwas ako sa kanya.

"Bakit ka ba nangkukurot? At, bakit ganyan 'yang mukha mo?" Tanong ko sa kanya habang nagpipigil ng tawa. Nakakatawa naman kasi yung mukha niyang nakanguso, akala mo naman ikyukyut niya 'yan.

"Really, Tine? May gana ka pang magtanong niyan, samantalang kahapon ng gabi ko lang inamin yung sa laro? Ano ka ba, manhid?" Aniya habang nakanguso pa rin kaya napatawa ako ng bahagya.

"Teka... nagseselos ka ba, Shayne?" Natatawa kong tanong.

"Oo, dahil ex mo 'yun, diba?" straight to the point niyang sagot.

"Wag ka nang magselos. At saka kahit ex ko pa yun, nakamoved-on naman na ako, diba? Sinabi ko naman yun sayo, diba?" Sabi ko sa kanya kaya nawala na yung pagkakanguso niya at tsaka ngumiti sa'kin.

"Sure ka na moved-on ka na kay Cap. ah? Para meron na akong chance sa kanya, hehe." Aniya kaya napatawa na naman ako ng bahagya.

"Oo naman, at saka wag ka nang umasa na masusuklian 'yang pagkakagusto mo kay Kiel dahil meron pang nagmamay-ari ng puso niya kahit pa patay na ang nagmamay-ari." Sagot ko pero umingos lang siya.

"Edi, mas may tsansa pa ako na masuklian yung nararamdaman ko sa kanya dahil nga sabi mo patay na ang nagmamay-ari ng puso niya kahit ngayon. Mas pagbutihin ko kung ano ang gagawin ko sa kanya para masuklian niya ito." Tinuro niya ang puso niya pagkasabi niya nun at saka ngumiti sa'kin kaya ngumiti rin ako.

"Tara na? Lalabas na tayo, may naghihintay sa'tin sa labas." Sabi ko sa kanya kaya tumango siya sa'kin at hinawakan ang braso ko para sabay kaming maglakad.

Pagkalabas namin sa airport ay nagulat si Shayne ng biglang meron yumakap sa'kin dahilan para mapabitaw siya sa pagkakahawak niya sa braso ko.

Si Rosea pala yung yumakap sa'kin kaya yumakap ako pabalik sa kanya.

"Lei! I missed you!" Sabi ni Rosea pagkayakap niya sa'kin kaya sumagot ako.

"I missed you too, Rosea." Sagot ko pabalik sa kanya.

Humiwalay siya sa yakap at sunod naman na yumakap sa'kin ay si Nic wearing his uniform. Tinapik-tapik pa niya yung likod niya.

"Namiss kita, Lei." Sabi niya.

"Namiss din kita, Nic." Sabi ko bago siya humiwalay sa yakap.

At ang huling yumakap sa'kin ay yung matagal ko nang namiss ng sobra. Ang CEO na ngayon ng kompanya na pinamana sa kanya ni Tito Walt, si Clark.

"I missed you so much, Lei, my childhood bestfriend." Aniya at mas hinigpitan ang yakap sa'kin.

"I missed you so much too, Clark." Sabi ko at pagkatapos nun ay humiwalay na din siya sa yakap.

Para kasing kakapusin na ako ng hininga pag hindi pa siya hihiwalay sa yakap eh.

"Lei," tawag sa'kin ni Rosea kaya tumingin ako sa kanya.

"Hmm?" Tugon ko.

"Sino siya?" Tanong ni Rosea at tinuro si Shayne na ngayo'y umiwas-iwas ng tingin kaya pati din sila Clark at Nic ay napatingin sa kanya.

Napatawa na lang ako ng bahagya kay Shayne dahil iiwas-iwas siya ng tingin sa'min.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang wrist niya at saka hinatak siya papalapit sa mga kaibigan ko saka bumulong sa tenga niya.

"Sabi mo excited ka na, bakit ngayon parang hindi na?" Natatawa kong bulong na tanong sa kanya.

"Mukha kasing mga mayayaman eh. Ang rangya tingnan ng mga kaibigan mo, plus ang rangya din ng uniform." Bulong din niya pabalik.

"Mayaman ka rin naman ah? Yung daddy mo nga half-American nga eh. Sanders pa nga surname mo." Bulong ko.

"Tss, oo na, mayaman din ako pero kasi tinablan ako ng kahihiyan eh." Sabi niya kaya napahagikgik ako.

"Ahh, Lei? Ano na? Hindi mo ba siya ipapakilala sa'min?" Singit ni Rosea sa'ming dalawang nagbubulongan.

"Mukha kayong mga timang dyan na nagbubulongan saka napahagikgik." Sabat din ni Nic kaya nairapan siya ni Rosea.

"Kesa naman sayo na kurimaw kung makapagkilos." Ani Rosea kaya napahawak na lang sa sentido si Nic.

"Sabi ko nga, hindi na lang ako sasabat." Ani Nic kaya napatawa ako.

"Pakilala ka na, Shayne." Bulong ko.

"Oo na." Aniya.

"Hello, I'm Shayne Addison Sanders but you can call me Shayne. Flight Attendant. Kaibigan din ako ng kaibigan niyo na si Lei but I prefer calling her Tine." Aniya kaya inabotan siya ng kamay ni Rosea kaagad.

"Hello, I'm Engr. Roseanne Tan but you can call me Rosea. Friends na tayo!" Excited na sabi ni Rosea kaya naman napangiti si Shayne saka nakipagkamay kay Rosea.

Sunod kay Rosea ay si Nic saka nagpakilala din si Nic then sunod si Clark, ganun din siya nakipagkamay kay Shayne. Magaan na parehas ng pakiramdam ni Shayne sa kanila kaya naman napangiti ako.

"Oh, tapos na meet and greet natin. Kain na muna tayo, pwede? 5:00 p.m. na oh." Tinignan pa ni Rosea yung relo niya kaya napatawa kami sa kanya.

"Halika na, babe." Ani Nic kay Rosea kaya nagpaakay na si Rosea kay Nic sa sasakyan ni Nic.

Kami naman ni Shayne ay nagpaakay kay Clark. Umuna si Shayne at sunod naman ako. Bago na yung kotse ni Clark at hindi na yung nasa highschool pa lang kami kaya napangiti ako.

Natupad na talaga yung pangarap namin.

At saka meron ng isang tao na naging parte ng buhay ko, at yun ay si Shayne.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top