Chapter 54
Chapter 54: There's Only One That Must Survive
Lei's Point of View
Parang naging slow motion sa pagitan naming dalawa, as in literal sa paligid. Parang nabingi ako.
Hanggang sa unti-unti ng bumabalik sa dati ang kilos at namalayan ko na lang na bumagsak kaming dalawa pareho sa semento at naliligo sa mga sarili naming dugo. Nasa gitna namin ang pinag-aagawan namin kanina na baril.
Napalingon ako habang habol habol ko ang hininga dahil parang nawawalan na ako ng hangin at ang sakit sakit sa parte ng tiyan ko dahil doon ako tinamaan at binalingan ng tingin si Keiz na ngayo'y bumulwak bulwak ng dugo sa bibig at nakangiting tumingin sa'kin, hindi ko alam ng dahil sa ngiting iyon parang wala na akong maramdamang poot at galit sa kanya samantalang kanina ay halos yun na 'yong nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit nahawa ako sa ngiti niya, parang ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya.
Ng may nanginginig na kamay ay dahan-dahang inilapit ni Keiz ang kanyang sarili sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
And for the last time, her smile is not like those smiles I can see in her everyday but this time, her smile is genuine.
"I-I'm s-sorry, L-Lei. R-Regrets a-are a-always i-in t-the e-end, a-alam k-ko 'y-yun k-kaya p-pinags-sisisihan k-ko n-na i-ito. S-Sorry i-is n-not e-enough b-but I-I'm s-sorry a-again f-for a-all t-that I-I h-have d-done t-to y-you. S-Sana p-patawarin m-mo a-ako." Nahihirapan niyang sabi pero umiling ako at ngumiti din sa kanya. A genuine smile too. Merong lumandas na luha sa mata niya kaya nahawa na rin pati ako.
"Pina... pata... wad... na... ki... ta..., K-Keiz." Bagama't nahihirapan man ako iyong sabihin, nakangiti pa rin akong sinabi iyon sa kanya at sinsero.
"L-Lei, k-kung m-mamamatay m-man a-ako n-ngayong a-araw, s-sana b-bantayin m-mo s-si m-mama, h-hindi l-lang p-para s-sa'kin k-kundi p-para s-sayo r-rin." Aniya kaya naman medyo naguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin doon sa huling sinabi niya?
"A-Anong i-ibig m-mong s-sabihin?" Naguguluhan kong tanong, nahihirapan pa rin.
"Anak ko!/Lei!" Bigla na lang lumapit sa'kin ang mga kaibigan ko pati na rin sina mommy at daddy tapos hinawakan ni Clark ang ulo ko at hinawakan nina mommy at daddy yung magkabila kong kamay. Nandoon sa magkabilang gilid sila Nic at Rosea sa'kin.
"Jusko, anak ko! Lumaban ka, anak! Please, lumaban ka!" Umiiyak na sigaw ni mommy sa'kin. Ngayon ko lang nakita na ganito si mommy... ng dahil lang sa'kin.
"R-Rei, we need to take Lei to the hospital, n-now! C-Call an e-emergency, please!" Bumaling si mommy kay daddy na ngayo'y nag-aalala at naiiyak na nakatingin sa'kin pero napabaling ng tingin kay mommy dahil nagsalita siya.
Parang namanhid na yung buo kong katawan at parang gusto ko nang pumikit, nanlalabo na yung mga mata ko at hinihingal na ako, parang kinakapos na ako ng hininga.
I guess, this is going to be my end.
Sumigaw pa sila ng sumigaw sa'kin pero wala na doon ang pansin ko dahil talagang kinakapos na ako ng hininga.
Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay at pumikit ay narinig ko pang sumigaw ang ina ni Keiz sa kanya pero hindi ko na narinig ang mga idinugtong niya dahil talagang hindi ko na kaya.
"Anak ko, Keiz! W-Wag ka munang pumikit please! K-Kailangan ka pa namin ng kapatid mo! W-Wag niyong iiwan si mommy, please, anak. W-Wag..."
Kiel's Point of View
Kasalanan ko 'to! Dapat hindi ko na yun itinuloy! Dapat tumigil na ako! Masyado na nga yata kasi akong nahulog kay Keiz kaya hindi na ako nakapag-isip ng tama at palaging sinusunod at sinasang-ayonan yung mga utos at plano ni Keiz. Tama nga ang sabi ng iba na nasa huli talaga ang pagsisisi.
Nagsisisi na ako na nagawa ko yun sa mahalagang tao na naging dahilan upang mapabalik ako sa kung sino ang totoong ako. Meron siyang naitulong sa'kin pero wala akong utang na loob sa kanya dahil hindi ko sinabi kay Keiz na titigil na ako sa plano na 'to.
At ngayon mas lalo pa tuloy akong nagsisisi sa kanilang dalawang parehas na mahalaga sa buhay ko.
Pumunta ako kay Keiz na ngayo'y umuubo-ubo na ng dugo. Lumapit ako sa kanya at tumulo ang luha sa mata ko ng ganito na ang kinahihinatnan ng kanyang ginawa. Hinawakan ko ang kamay at ang likod niya.
Humahagulhol ngayon si tita sa sinapit ng kanyang anak at wala din akong nagawa para patahanin siya. Akmang ibababa ko si Keiz ng maramdaman ko na kahit nanginginig ang kanyang mga kamay, pinilit niya pa ring inabot ang kamay ko at nagtagumpay naman siya.
"W-Wag k-kang u-umiyak, K-Kiel. H-Hindi k-ko a-alam k-kung p-paano k-ko 't-to s-sasabihin s-sayo p-pero g-gusto k-kong m-malaman m-mo n-na... n-ngayon k-ko l-lang n-narealize n-na..." napadaing na lang siya dahil nahihirapan na talaga siyang magsalita at kinakapos na din siya ng hininga kaya napaiyak ako lalo pero pinilit kong magpakatatag at nagsalita.
"S-Shh, wag ka nang m-magsalita. N-Nahihirapan ako pag nakikita kitang g-ganyan." Garalgal ngunit mahina kong isinabi iyon sa kanya pero nagsalita muli siya kahit nahihirapan.
"N-Na i-ikaw n-na p-pala a-ang m-mahal k-ko n-ng h-hindi k-ko n-namamalayan." Aniya kaya ako na ngayon ang nagpahigpit ng paghawak sa kanyang kamay.
Nagulat ako sa kanyang inamin pero hindi ipinahalata iyon.
"A-At k-kung s-sakaling m-mamamatay m-man a-ako n-ngayon, i-ikaw n-na a-ang b-bahala k-kay m-mommy, h-ha?" Aniya kaya umiling ako.
"H-Hindi ka pa pwedeng mamamatay, K-Keiz. A-Ayoko, hindi... p-pwede." Nagcrack ang boses ko pagkasabi ko sa huling salita.
Tumulo ng tumulo ang luha ko ng dahil doon at yumuko na lang dahil hindi ko na kaya ang ganyang makita siyang naliligo sa sariling dugo at ganyan ang kanyang sinapit lalo na ang kapag nahihirapan siyang magsasalita. Pero bigla na lang hinawakan ni Keiz ang pisngi ko at iniharap sa kanya.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang puno ng pagmamahal sa'kin at binigyan ako ng isang ngiti... ngiting namamaalam, at hindi ko nagustuhan iyon.
"P-Please l-listen, K-Kiel. F-For m-me." Aniya pero umiling ako at nakarinig ng sirena na papalapit sa'min kaya nagkaroon ako ng katiting na pag-asa. Napangiti ako ng dahil dun at napalingon doon pero nawala lang din iyong ngiting iyon saglit dahil wala na ang kamay ni Keiz sa pisngi ko kaya napabalik ang tingin ko sa kanya at nakita siyang nakapikit na.
H-Hindi... h-hindi 'to pwedeng m-mangyari... N-No!
"Anak ko!" Humahagulhol ng malakas si tita at hinawakan ang ulo ni Keiz at nagsasabi ng kung ano-ano.
"P-Please, wag ka namang magbiro ng ganyan, anak!" Sinubukang tapikin ni tita si Keiz pero walang saysay iyon dahil hindi na talaga gumigising si Keiz.
P-Please...
I covered my mouth to stifle my sobs. Mas lumamang ang pagsisisi kong nararamdaman ngayon.
Bigla na lang may bumuhat kay Keiz pati na rin kay Lei at inilagay sila sa stretcher. Tapos ipinasok sila sa tigdalawang ambulansya.
"Prepare for CPR," yun lang yung narinig ko sa doktor ng nakarating na kami sa ospital sa eskwelahan namin at pumunta na sila sa emergency room, gusto sanang pumasok si tita sa loob pero hindi daw pwede sabi ng nurse pero nagpumilit si tita kaya pinigilan ko na siya sa akmang pagpasok niya at isinara na ng nurse ang emergency room.
Nabigla ako ng hinablot na tita ang magkabila kong kamay at hinarap niya ako saka niya ako walang pag-aalinlangang sinampal kaya napatagilid ako at agad bumalatay ang sakit at hapdi sa pisngi ko. Naramdaman ko namang tumulo na naman yung mga luha ko.
"Look what you have done!" Nanggagalaiting sigaw ni tita sa'kin at saka sinampal akong muli. I deserve this.
"Hindi sana mangyayari ito sa mga anak ko kung hindi ka lang pumayag sa mga sinasabi ng anak kong si Keiz! It's all your fault!" Aniya at umiyak ng umiyak.
"Y-You... deserve t-that," pumiyok ang boses ni tita at napatakip siya sa kanyang bibig at doon nagsimulang humihikbi kaya napaiyak na lang akong muli.
Yes, I deserve this sh*t. Kasalanan ko kung bakit nasa alanganin ngayon ang buhay ng mga anak ni tita.
Bigla na lang lumapit sa'kin sila Tita Olivia, Clark, Nic, at Rosea. Sinampal ako ng malakas ni tita at bigla na lang din siyang napaiyak, parehas silang sinabi sa'kin na kasalanan ko lahat 'yun at deserve ko rin ang ginawa nila sa'kin.
Sumunod si Clark at walang pag-aalinlangan akong sinuntok kaya napasalampak ako sa sahig. Marami na ngayong taong nakatingin sa'min.
"Ang akala ko nagbago ka na kaya ako nakipag-ayos sayo, pero t*ng*na, hindi pala! Wala kang kwentang pinsan!" Akmang susuntukin ako ni Clark ng pinigilan siya ni Nic at lumapit din sa'kin si Rosea.
"Tumayo ka," seryoso ngunit may bahid na pagtitimpi ang kanyang boses kaya tumayo ako kahit nanghihina na.
"Eto para kay Lei!" Aniya at sinampal ako ng pagkakalakas kaya napaupo na naman ako sa sahig.
I deserve this. I deserve this. I deserve this. Patuloy kong sinasabi iyon sa isip ko dahil tama naman iyon.
"You deserve that, anyway." Aniya at mabilis akong linampasan at inaalo niya ngayon si Tita Olivia.
Binigyan muna ako ng mga masasamang tingin nila Nic at Clark bago sila sumunod kay Rosea.
Napatayo na lang ako ng lumapit din sa'kin si Tito Rei.
"Umalis ka na, ako na ang bahala rito." Seryoso niya iyon sinabi kaya napalunok ako at tumango bago ako tumalikod sa pinanggagalingan nila.
Kahit pa man nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa panghihina at sakit na nararamdaman sa mga tinatanggap nila sa'kin.
Clark's Point of View
Pagkatapos kong suntukin si Kiel ay binigyan ko pa siya ng isang masamang-masamang tingin bago ako sumunod kay Rosea.
Naramdaman ko na lang na tumabi din sa'kin si Nic. Napalingon akong muli kay Kiel na ngayo'y lumakad na paalis ng ospital.
Mabuting umalis ka, ikaw ang may kasalanan dito.
Gustong-gusto ko pa siyang suntukin dahil hindi pa iyon sapat pero pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya linampasan ko na lang siya.
Habang naghihintay kami sa operasyon ay napapikit ako at hiniling kay Lord na sana walang mangyayaring masama kay Lei o kahit pa man din kay Keiz.
Pagkatapos kong humiling ay bigla na lang lumabas si Doktora Chavez.
Napatayo kaming lahat sa kanya at tinanggal muna niya ang mask.
Lumapit si Tito sa kanya at nagtanong.
"Ano nang nangyari sa kanila, dok?" Tanong niya.
"I'm sorry to say this but, there's only one that must survive in this operation. Ms. Dizon is having again a brain tumor but she's stable now while Ms. Ferrer is in a critical state, and yeah, there's a life support for her, hindi kinaya niya ang operasyon dahil 'yong tama ng baril ay nasa puso nito. I'm sorry again pero hindi talaga niya kaya, gusto niyo bang ipatanggal ang life support para hindi na siya mahirapan o hindi na nahihirapan na siya masyado, you choose Mrs. Ferrer." Mahabang litanya ni doktora.
Bumalik na naman ang brain tumor ni Lei. At hindi na kinaya ng katawan ni Keiz ang operasyon kaya imposible pa siyang mabuhay muli.
Napapikit na lang si Tita Kierra dahil sigurado akong hindi niya alam kung ano ang kanyang pipiliin at desisyon. Mahirap para sa kanya ito.
Nagulat nga lang kami ng nakapagdesisyon na siya at hindi namin inaasahan ang kanyang sasabihin kahit napakasakit para sa kanyang sabihin iyon.
"I'll c-choose the f-first one, d-dok." Aniya at napaupo dahil nanghihina na siya.
Malungkot na tumingin ang doktora kay tita.
"I'm so sorry, Mrs. Ferrer. Okay then," ani doktora.
"B-But, can we see my daughter, f-first?" Nagsimulang maggaralgal ang tinig ni tita. Tumango si doktora at pinapapasok kaming lahat sa loob. Sumusunod lang kaming lahat kay Tita Kierra.
Nakita din namin kaagad silang dalawa na magkatabi.
Dali-daling lumapit si Tita Kierra kay Keiz at napatakip na naman sa bibig dahil nakita niya ang kalagayan ng kanyang anak, madaming nakakabit na tubo si Keiz at merong life support din na nakakabit at merong pantakip sa ilong at bibig.
Habang si Lei naman ay may benda sa braso at meron ding pantakip sa ilong at bibig, may malaking band-aid din siya sa gilid ng noo niya.
Naiiyak ako sa sinapit ng babaeng mahal ko.
Tumingin ako pabalik kay tita na hinahawakan ang kamay ni Keiz at hinaplos haplos ang buhok ni Keiz.
Naririnig namin ang mga sinasabi niya.
"A-Anak, kahit mahirap para s-sa'kin 'to na pakawalan k-ka, k-kailangan mo na ding m-magpahinga para hindi ka na m-mahihirapan pa. I love you, a-anak..." napahikbi namang muli si titw at hinahalik-halikan ni tita ang noo ni Keiz bago niya pakawalan si Keiz.
Pumunta ang doktor kay Keiz at tinanggal na ang life support na nakakabit sa kanya. Naging mabilis na ang paghinga ni Keiz hanggang sa tumigil na ito at hindi na muling huminga pa.
Humahagulhol na ngayon si tita habang nakatingin ngayon sa wala ng buhay na si Keiz. Malungkot din akong napatingin sa kanya, ganun din sila Nic at Rosea.
"Keizhianna Kieth Ferrer, time of death. 6:35 p.m." sabi ng doktor habang nakatingin sa relo. At pagkatapos nun ay hinawakan ang puting kumot at itinaas iyon sa mukha ni Keiz.
Kahit masakit para sa isang taong mawalan ng mahal sa buhay, kailangan mo pa ring magdesisyon kung ano ang mas bubuti sa kalagayan niya, yun ang piliin mo, yun ang idesisyon mo...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top