Chapter 53
Chapter 53: Near Death
Lei's Point of View
"Tulong po! Tulungan niyo po ako! Iligtas niyo po ako!" Sigaw ako ng sigaw dahil papalapit na yung mga pulis sa'min pero ang nakakagulat ay pinagbabaril na mismo ni Keiz ang mga pulis! Hindi ko alam na marunong palang siyang magbabaril! Natatakot na ako! Baka may kung ano siyang gagawin sa'king masama!
"Manahimik ka nga! Walang magagawa 'yang pasigaw-sigaw mo dyan! Pasasabugin ko 'yang bungo mo, hindi mo naman siguro gustong mangyari 'yun diba? Kaya sumunod ka na lang sa'kin! Ang tigas talaga ng ulo mo, no?" Galit na sigaw ni Keiz sa'kin pagkatapos niyang pagbabarilin ang mga pulis na lumalapit sa'min at itinutok niya ang baril sa gilid ng noo ko.
Muli na namang may mga pulis na lumalapit sa'min kaya nakahanap ako ng magandang tyempo para kunin ang baril na hawak-hawak ni Keiz.
Nag-aagawan na kami ngayon sa baril. I make sure that the direction of the gun is not on my body or any other parts of my body at ganun din ang kanyang ginawa.
Napahinto na lang kaming dalawa ng meron na namang tumutunog na mga sasakyan papalapit dito sa labas.
"Boys, dali na! Greg, ikaw ang magdradrive tutal ikaw naman ang leader ng gang-gang niyo dyan!" Sigaw ni Keiz ni Greg na sinasabi kong leader kanina ng mga gag*.
Ginamit nila ang van na ginamit din nila sa pagkidnap sa'kin at unang pumasok ang mga gag*, sunod ay ako at meron pa ring nakatutok na baril sa'kin pero hindi pa rin ako kumikilos.
"Pasok na! Ang tigas ng ulo mo! Gusto mo bang mamatay ngayon, ha?" Ani Keiz sa likod ko kaya umiling ako.
"Yun naman pala eh, pumasok ka na! Dami-daming ebas nito!" Aniya. Kailangan pa talagang sumigaw? Nasa harap niya lang ako no, naririndi na ako sa mga sigaw niya kaya para manahimik siya ay sumunod na lang ako sa kanya.
Pumasok ako sa passenger seat ng van sa gitna at tumabi sa'kin si Keiz at itinutok niya pa rin sa'kin ang baril na hawak niya.
"Oh, anong itinitingin-tingin mo dyan?" Aniya pero umiling lang ako at bumaling na lang sa bintana at namalisbis ang mga luha sa mata ko.
"Greg, alis na tayo! Bilisan mo! Hindi mo naman siguro gustong makulong sa kulungan diba?" Napaharap na lang ako dahil sa usap nilang dalawa na sigaw ng sigaw si Keiz. Hindi kaya manuyo ang lalamunan niya kakasigaw?
Umiling si Greg. "Oh, yun naman pala, alis na tayo! Tss, ibang klase! Mga b*b*, leche!" Galit na galit na sigaw ni Keiz.
Eh, kung filteran ko nga kaya yung bibig niya para matigil 'yang kakasigaw niya, naririndi na talaga ako. Duh!
Naramdaman ko namang kumilos yung sasakyan at umalis na. Narinig ko naman yung sirena sa sasakyan ng mga pulis, sumusunod yung mga pulis sa'min!
Nagulat na lang ako ng bigla na lang nilang in-open yung bintana ng kktse at meron silang dala-dalang baril! Lumingon sila sa likod at pinaputukan nila iyon. Napatakip na lang ako sa tenga ko at nagsilabasan ang mga luha sa mata ko.
"Mga p*ste kayo! Mga b*b*, amp*ta, walang silbi, bigla na lang mamamatay!" Malulutong na mga mura ang inabot ko mula kay Keiz dahil nasa tabi lang niya ako. At siyempre dahil tumigil na ang pagpapaputok, naririnig ko ang mga malulutong niyang mga mura. Saan niya ba natutunan 'yon?
Napairap na lang ako ng palihim sa kanya at bumitaw na sa pagkakatakip ng tenga at saka tumingin sa harapan. Nasa may manibela na pala si Keiz, sa harapan ko! Nakita ko naman yung Greg na nakahandusay na ngayon sa ilalim ng front seat.
Tumingin din ako sa likod at ganun din ang sinapit nila, sila Lorde at Sean lang nang nakikilala ko at patay na rin sila. Si Keiz lang yung nakasurvive? Paano niya nagawa yun?
Stop this nonsense, Lei. Walang time ngayon sa pagiging palabiro, its serious mode time...
Napabaling na lang ako sa harapan ng biglang tumigil ang sasakyan. Kaya pala tumigil ang sasakyan dahil kinorner na ito.
Bumalik si Keiz sa tabi ko at itinutok niya sa'kin ang ngayo'y hawak-hawak pa rin niya kaninang baril sa gilid ng noo ko.
"Labas!" Aniya kaya takot akong sumunod, baka mapatay niya ako ng wala sa oras.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at dahan-dahang lumabas. Nakasunod lang sa'kin si Keiz.
Nagulat pa nga ako ng ang kasama ng mga pulis ay ang pamilya ko at kaibigan ko, pamilya din nila. Familiar yung isang babae, hindi ko alam kung sino lang yun pero medyo may pagkakahawig sila sa itsura ni Keiz. Napamilyaran ko rin ang ibang features sa mukha ng babaeng yun at sa iba pang parte ng katawan niya pero hindi ko din alam kung saan o kailan ko nakita iyon.
Umiiyak siya ngayon. Pati na din ang mga kaibigan ko at... ang dahilan kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito. Bigla na lang bumadha ang galit na nararamdaman ko pagkakita ko palang sa kanya. Parang gusto ko nang lumaban kay Keiz pero bago pa ako makalaban ay nakaramdam na naman ako ng malamig na bagay na nakatutok muli sa gilid ng noo ko.
"Punta tayo dito kung ayaw mo pang mamatay," aniya kaya napalunok na lang ako at dahan-dahang tumango.
Ang sasakyan na ginamit namin ay nasa gilid ng daan na katabi ang dagat, nasa gitna kami ng tulay.
"Anak, wag! Nagmamakaawa ako sayo!" Ani nung babaeng napamilyaran ko kanina lang.
"No, mommy! This girl needs to die! And I do believe in happy endings! My ending will be on Clark's side! Siya lang naman ang dahilan kung bakit hindi pa nasusuklian ni Clark ang nararamdaman ko para sa kanya eh! Kaya dapat siyang mamamatay!" Ani Keiz. Nagulat ako sa kanyang inamin. So, dahil lang ito sa bestfriend ko? This b*tch is so pathetic and insecure. Almost insane.
"Hindi. Ko. Inaagaw. Ang. Bestfriend. Ko. Sayo. Sadyang. Hindi. Ka. Lang. Talaga. Niya. Mahal. Dahil. Dyan. Sa. Ugali. Mo." Inisa-isa ko ang salitang lumalabas sa bibig ko at binigyang-diin iyon para maliwanagan siya sa kanyang ginagawa ngayon pero sadyang makitid ang utak niya at tinignan lang ako ng isang nakamamatay na tingin.
"You don't know what I've been through para lang mapansin ako ni Clark, and don't judge my feelings for him. He's mine and not yours! Kaya wag mong aagawin siya, dapat ka talagang mamatay p*ste ka!" Aniya at idiniin pa lalo ang baril sa gilid ng noo ko kaya napasigaw ang mga kaibigan ko, nagmumula ang matinis na tinig na iyon kay Rosea, napasigaw din sila mom at dad, pati na rin ang mga parents ng mga kaibigan ko, yung babae naman ay halos lumuhod na sa pagkakaiyak. Inalalayan naman yun ng taong ayaw kong makita, si Kiel.
***
"Ibaba mo na ang baril mo, Ms. Ferrer! Pag-uusapan natin 'to sa presinto!" Sabi ng isang pulis na sa tingin ko ay ang leader.
"Sa tingin niyo, mauuto niyo ako? Pwes, nagkakamali kayo!" Ani Keiz.
"Anak! Please, just let go of her! Mag-uusap muna tayo!" Sabi nung babae.
Nasa gilid na kami ng tulay. Maraming puois ang nakapalibot sa'min at sabi sila ng sabi na sumuko na si Keiz pero hindi nakinig si Keiz at sa halip ay mas nilalapit pa ako at siya sa bingit ng kamatayan.
Akmang lalapit yung babae na ina ni Keiz sa direksyon namin pero umaatras din si Keiz kaya napasigaw na lang ang ina ni Keiz.
"Wag! Please, anak! Wag mo siyang papatayin!" Sigaw ng ina ni Keiz pero umiling si Keiz at naramadaman ko na lang na humihikbi na siya habang nakatutok pa rin sa'kin ang baril. Napapikit na lang ako dahil wala na akong pag-asa na magbago ang isip ni Keiz. Pagkapikit ko ay nagtuloy tuloy ang pagdaloy ng mga luha ko.
Akala ko natuyo na lahat ng mga luha ko pero sadyang ang tigas ng ulo nitong mga luhang 'to.
I think this is my end...
3rd Person's Point of View
Malapit na si Keiz at Lei sa railings ng tulay. Ang mga pulis ay hindi na alam ang gagawin. Nagkakagulo na ang lahat. Hinohostage ni Keiz si Lei.
Umiiyak na ang ina ng dalawa at sigaw ng sigaw na wag ituloy ang binabalak ni Keiz sa kapatid niya.
Clark, on the other hand is furious yet worried of what might happens to his love.
Furious because of Keiz and worried because of Lei. He doesn't know what to do but his mind says that you should stop them.
Hindi naman niya namalayan na humahakbang na pala siya papunta sa direksyon ni Keiz at Lei at doon naikuyom ang kamao.
This is the only choice I have and I have to do this to stop Keiz what will she do to Lei. At ngayon palang, pagsisisihin ko na ito dahil wala na talagang pagpipilian.
"Clark..." nagulat si Kierra sa kanya pero hinawakan niya ang balikat nito.
"Tita, you should just go back there. I'll take care of this, okay?" Pagpapagaan ng loob ni Clark kay Kierra.
"Pero, baka mapaano ka din iho." Nag-aalalang sabi nito pero umiling si Clark and give her an reassuring smile.
"You don't have to worry about me, tita. Because I'm the one of the cause of this mess. Let me take care of this po, tita. And if something bad will happen today, don't feel regret and sorry." Sabi ni Clark kaya tumango na lang ito.
Pumunta na si Clark sa direksyon ni Keiz at mas lalong umaatras sa Keiz at kung hahakbang pa siya ng isa, mahuhulog silang siya at madamay si Lei.
Naramdaman naman ni Clark sa sarili niya na nanginginig ang mga kamay at tuhod niya dahil nakita niya ang pinakamamahal niya na umiiyak pero pinilit niyang itago ang panginginig nito at humahakbang papalapit sa kanila.
"Don't go near, or else you'll regret of what will happen to her," sabi ni Keiz pero patuloy pa rin sa paglapit si Clark sa kanila.
"Sabi ng wag kang lalapit eh!" Ani Keiz at hinakbang niya ang kanyang isang paa para umatras...
"Ahh!" Sigaw pareho nila Lei at Keiz.
Napakapit ng mahigpit si Lei sa railings ng tulay at si Keiz naman ay muntik ng makawala sa pagkakapit ng railings at mahulog patungo sa malalim na dagat pero nahawakan ni Lei si Keiz kaya napatingin si Keiz kay Lei.
Walang halong pagsisisi ang nasa mukha ni Lei na hinawakan niya ang kamay ni Keiz. Nawala saglit ang galit na mukha ni Keiz dahil nakatingin si Keiz sa mga mata ni Lei. Nakalimutan muna niya ang nangyayari ngayon at namamagirang hostage nilang dalawa. Sa sandaling iyon ay parang gustong magbago ng isip si Keiz sa ginagawa niyang paghohostage ni Lei at iisipin niya na kapatid silang dalawa.
Pero nung sumigaw si Clark ay napabalik siya sa ulirat at bumalik ang galit ng mukha ni Keiz kay Lei.
"Dapat kang mamatay!" Sigaw ni Keiz at hinigpitan niya ang pagkakapit sa kamay ni Lei kaya napaaray sa sakit si Lei. Nasa pagkakapit na si Keiz sa railings ng tulay at may binabalak na naman kay Lei ng masama.
Lumapit siya kay Lei na ngayo'y namimilipit pa rin sa sakit dahil sa ginawa niya sa kamay na pinagkakapitan niya kanina kay Lei.
Buti nga sayo!
Pagkalapit niya ay hinawakan niya ang kamay ni Lei at hinigpitan ang kapit ng kamay ni Lei kaya napangiwi na naman si Lei.
Kailangan niyang mahulog para mamamatay na siya!
Pero sadyang hindi umaayon sa binabalak niya ang kanyang ginawa dahil may kamay na humawak sa isang kamay ni Lei kaya napaangat siya ng tingin at nakita niya si Clark.
Dapat ako ang nililigtas mo, Clark!
Nagtagumpay naman si Clark sa pagligtas kay Lei kaya hinawakan niya ang libreng kamay ni Lei para maligtas rin siya at nagtagumpay naman siya.
Pagkatapak niyang muli sa highway ay wala siyang pinag-aksayang panahon at kinuha ang baril na hawak-hawak niya kanina at hinawakan naman niya ang kamay ni Lei pero bago pa 'yon mangyari ay hinawakan na din ni Lei ang kamay ni Keiz na may hawak-hawak na baril.
Nag-aagawan na naman silang muli sa baril. Nakaputok naman sila kaya napasigaw si Lei pero patuloy pa rin sa pag-agaw sa baril.
"Akin na 'yan!" Sigaw ni Keiz.
"Hindi!" Sigaw ni Lei.
Hanggang sa may umalingawngaw ng dalawang putok na baril na nanggaling pa mismo sa pinag-aagawan nilang baril...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top