Chapter 52
A/N: Huhuu, namiss ko ang PoV ni Clark kaya para mawala ang pagkamiss ko sa kanya, itong kalahati ng chapter na 'to ay para sa kanyang PoV then sunod na yung PoV ni Lei. Skl hehehe...
Chapter 52: Doble-Dobleng Sakit
Clark's Point of View
Sinubukan kong hanapin si Lei sa mga kumpol ng tao, baka nakikisalamuha lang siya pero pagdating ko doon, ay wala siya kaya napagpasiyahan ko nang umakyat na lang at pumunta patungo sa kwarto niya. Pero wala din siya doon kaya nagsimula na akong mag-alala.
Asan na ba siya? Pinapahanap na siya ni Tito.
Mabilis akong bumaba para sana hanapin ang mga kaibigan ko pati na din yung pinsan ko pero napakunot ang noo ko ng biglang may sumigaw ng 'Lei'. Tinig iyon ni Rosea, ah? Ibig bang sabihin niyon ay nandoon kanina si Lei?
Wala na akong inaksaya pang oras at mabilis na pinuntahan si Rosea pero pagkarating ko kay Rosea ay gusto ko na talagang magwala dahil hindi ko pa rin nakikita si Lei at napakunot ang noo ko ng namumula ang ilong ni Rosea at parang kakagaling lang siya sa pag-iyak.
"Rosea, asan si Lei?" Tanong ko sa kanya ng diretsyo. Naghihintay na panigurado si tito sa'kin dahil sabi niya kanina na hanapin ko raw si Lei dahil ipapakilala raw niya si Lei sa mga kakilala at kaibigan ni tito.
"Y-Yun na nga eh, h-hindi ko alam kung saan na yun n-nagpunta! K-Kasalanan 'to lahat ng p-pinsan mo!" Sabi niya at bigla na lang umiyak.
Kinakabahan na ako dahil pati na rin si Rosea hindi na din alam kung nasaan na si Lei. Bigla na lang ding sumulpot si Nic sa gilid ko.
Gusto sana niyang ngumiti sa'kin pero napatingin siya kay Rosea na umiiyak kaya napalitan ng pag-aalala ang mukha niya at mabilisang nilapitan si Rosea.
Sakto din namang kadadating din ni Kiel kaya naman ng nasa harap na namin siya ay walang atubili kong sinikmuraan siya kaya napadapa siya sa sahig.
Siya ang may kasalanan kung bakit nawawala si Lei ayon sa pagkakasabi ni Rosea kanina kaya siya dapat ang sinisisi.
"Clark? Anong nangyayari dito? Bakit mo siya sinikmuraan?" Naguguluhang tanong ni Nic sa'kin. Hindi niya pa alam kaya mas mabuti pang ipapasagot ko yung mga tanong niya kay Rosea.
Bigla na lang din kasi tumahan si Rosea pero namamaga din ang kanyang mga mata ng dahil sapag-iyak niya at sinagot ang mga tanong ni Nic.
"N-Nic, may plano s-sila nung una ng b-bwesitang Keiz na yun n-na mapahulog ang k-kalooban ni Lei kay K-Kiel, p-plano nilang lahat 'to, simula nung u-unang araw palang ng k-klase. A-Aksidente ko lang narinig ito nung n-nagcecelebrate tayo sa pagkapanalo ni L-Lei sa pageant. B-Binantaan pa nga niya ako n-noon eh. P-Plano niya..." tinuro ni Rosea si Kiel na ngayo'y hindi pa rin tumatayo at nagsalitang muli. Pagkatapos ikwento lahat ni Rosea iyon ay pati si Nic ay hindi na din nakapagpigil at linapitan si Kiel para suntukin.
Parang nag-aalab na ngayon sa galit ang kaloob-looban ko, plinano nila lahat ng 'to? Para ano? Para mapaangkin ako ni Keiz? Nababaliw na ba 'yong babaeng iyon? Nireject ko na siya, sinabi ko na sa kanya na hindi ko siya gusto at si Lei lang ang gusto ko, sinabihan ko na siya na wag siyang gagawa ng masama kay Lei, at siyempre kapatid niya si Lei, at ngayon gusto pa rin niyang mapaangkin niya ako?
"Bakit mo ginawa 'yon?!" Sigaw na tanong ni Nic kay Kiel na ngayo'y nakasalampak pa rin. Kinwelyuhan naman iyon ni Nic.
"Bakit ka ba pumayag?!" Muling sigaw ni Nic sa kanya kaya pati ang mga tao napapatingin na din sa'min at ng dahil sa sigaw na 'yon ay papalapit na ngayon sa'min sila Tita Olivia, Tito Rei, Mom, Dad, at pati na din yung babaeng nasa ospital din nung nakaraang mga buwan nung naghihintay kami sa paggising ni Lei noon, saka sila Tita Charis at Tito Chris.
"What's happening here?" Maotoridad na boses iyon ni daddy kaya napabitaw si Nic sa pagkwelyo ni Kiel at umayos ng tayo.
"And, where's my daughter?" Tanong ni Tito Rei sa'min. Ang unang sumagot ay si Rosea na ngayo'y nagsunod-sunoran na ang mga luhang dumalot sa pisngi niya kaya inalo siya ni Nic.
"Kasi po tito, nawawala po si Lei, at ang isa sa dahilan ng pagkawala niya po ay... s-siya," Tinuro ni Rosea si Kiel na ngayo'y tumutulo na rin ang mga luha sa mata niya pababa sa pisngi at makikita sa mata niya ang labis na pagsisisi.
Regret your face! You assh*le!
"And they broke up, ngayon lang. At tumakbo na papalayo si Lei nun kaya hinanap ko siya at hindi ko na siya nakita pang muli. Kasalanan 'to lahat ni Kiel, t-tito." Sabi ni Rosea habang patuloy na pinapahid ang mga luha sa mata niya.
"At bakit naman magiging kasalanan ito ng anak ko? Let's hear first my son his explanation. Baka sinisisi niyo lang siya sa pagkawala ng anak ninyo Rei at Olivia." Nakataas na kilay na ani Tita Charis.
"Yes, Rei. Kailangan nating pakinggan ang eksplanasyon ng anak ko." Sabat naman ni Tito Chris.
Saka tumingin lahat kay Kiel na ngayo'y makikita mo sa kanyang mukha ang kaba. Dapat ka nang kabahan! Sa dami ng naging kasalanan mo sa bestfriend ko, ganito pa rin pala ang igaganti mo, and Keiz, akala ko nang dahil sa pumayag ako makipag bar sayo ay titigil ka na sa mga pinaggagawa mo sa kapatid mo pero akala ko lang pala 'yon. Kapag may nangyaring masama kay Lei, sisiguraduhin kong wala ka nang takas pa sa'kin.
"Dad... Mom... I'm sorry," yun lang ang nasabi ni Kiel at nagtuloy-tuloy na siyang umiling ng umiling. Puno ng sakit at pagsisisi ang makikita mo sa kanya.
"Bakit ka ba nagsosorry, anak? So, may kasalanan ka sa pagkawala ng anak nila Rei at Olivia?" Ani Tita Charis at tumango si Kiel kaya napasinghap silang lahat. Pero kakaiba talaga si Tita at pinapanigan niya pa rin ang naka niya. Hindi ko siya masisisi dahil anak niya 'yan, totoong anak niya 'yan.
"Pero kung meron man kang ginawang masama, diba dapat may kasama ka rin? Hindi lang ikaw ang may kasalanan dito, 'nak. Sino ang kasabwat mo?" Tanong ni Tita sa kanya.
Nag-angat ng tingin si Kiel sa'min at mayamaya pa'y tumingin siya sa babaeng nagngangalang Kierra Ferrer, mommy ni Keiz.
Binigyan din naman siya ng naguguluhang tingin ng mommy ni Keiz dahil sa uri ng pagkakatingin ni Kiel sa kanya.
May kinalaman ba dito si Keiz? Posible, dahil siya lang naman ang gagawa ng lahat ng ito kay Lei.
"Mom... si K-Keiz po ang kasabwat ko..." ani Kiel kaya napakuyom ang kamao ko at nakikita ko sa gilid ng paningin ko ang mama ni Keiz na ngayo'y napatakip ng bibig.
Napasinghap silang lahat sa nangyari. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Rosea at patuloy pa ring inaalo ni Nic siya.
Unting lumapit si Tita Olivia kay Kiel at sinampal si Kiel.
"Bakit niyo ginaganito ang anak ko?" Nagulat kami sa pagsampal ni Tita kay Kiel. Umiiyak na ngayon si Kiel.
Madami ng taong napapatingin sa'min at unti-unti silang lumalapit sa'min. Ng dahil lang kay Kiel ay nasira ang party.
Si Tito Rei ay bumalik sa pinagganapan ng party at narinig ko pa siyang mag-announce.
"I'm sorry to say this, but, the party is over. You can go home now," maotoridad na ani tito kaya nagsipagtanguhan ang mga bisita.
Saka sila isa-isang lumabas, ganun din ang mga estudyante ng Valzon. Nagtataka man sila pero mas pinili na lang nilang umuwi dahil sa maotoridad na boses ni tito. Natakot pa nga nag mga estudyante sa kanya.
Pagkatapos nun ay bumalik na si tito sa'min.
"Sorry po tita, nagsisisi na po ako," ani Kiel kaya umiling si Tita Olivia.
Lumapit naman sila Tita Charis at Tita Chris kay Kiel at pilit pinapaharap sa kanila para makapagtanong sila ng maayos sa kanya. Napailing na lang din ako.
Gusto kong bulyawan si Keiz pero wala siya rito at hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.
Sakto namang nagring ang phone ko kaya napatingin silang lahat sa'kin at yung mama bi Keiz ang nagsabi sa'kin ng sagutin ko ang tawag, baka sakaling siya iyon kaya napabuntong-hininga ako at pilit pinapahinahon ang sarili dahil baka mabulyawan ko na ang tumatawag, baka mali lang pala na siya ito.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumawag at napapikit na lang ako sa inis kung sino ang tumawag. Si Keiz!
Sinagot ko ang tawag, nagbabaka sakali na si Lei ang tumatawag at hindi siya pero sa kasamaang palad, hindi siya ang tumatawag kundi ang nagmamay-ari ng tumatawag sa'kin.
Pero hindi ko na talaga kaya pang pigilan kaya ngayon nabulyawan ko siya.
"Anong ginawa mo sa bestfriend ko, Keiz?!"
Matagal bago siya nakasagot.
[Don't worry, nakatali lang siya ngayon doon kasama ang mga boys ko.] Aniya at nasisigurado kong nakangiti siya ngayon. Masaya siya, sigurado ako. Hindi niya ba alam na kapatid niya 'yan? Siya pa nga nag nagsabi sa'kin sa bar na si Lei ang kapatid niya tapos ngayon, kinidnap niya, baliw na ba siya?
"Pag may nangyari kay Lei, sisiguraduhin kong pati ikaw hindi na din makakalabas sa kulungan! Tandaan mo 'yan, Keiz!" Sigaw ko sa kanya.
Nagulat na lang ako ng merong humablot sa phone ko at mas lalong nagulat nang mama ni Keiz ang humablot niyon at saka sinabihan si Keiz.
"Keiz! Tama na 'yang ginagawa mo! Hindi na 'yan makatarungan!" Ani mommy ni Keiz.
Nagsalitang muli ang mama ni Keiz kaya napabalik ako sa ulirat.
"Keiz, anak, wag mong sasaktan ang ate mo! Nakikiusap ako sa iyo, 'nak! Nagmamakaawa ako sa 'yo, 'nak!"
Siguro nagulat din si Keiz sa kabilang linya dahil matagal bago siya nakasagot. Hindi ko din naman inaasahan na hahablutin nang Kierra ang phone ko.
At siyempre nagulat din si Nic at Rosea dahil hindi pa nila alam na adopted lang si Lei at ang kapatid niya ay si Keiz. Sino ba namang mag-aakala na kapatid pala sila, na mortal na kaaway pa ni Keiz si Lei?
[No, mom! Dapat siyang mamatay! At hindi ko kailanman siya itinuring na kapatid! And I have to end this call!] Sigaw ni Keiz sa kanyang ina at pinatay na ang tawag.
Lumapit ako sa ina ni Keiz at kinuha ang phone ko at kasabay nun ay ang pagbagsak ng luha sa mata ng ina niya.
Nagugulat pa rin na nakatingin si Nic at Rosea sa ina ni Keiz o ang totoo ding ina ni Lei.
"Hindi 'to pwede," ani Kierra o sabihin a lang nating Tita Kierra.
"Tita, alam ko po kung nasaan si Keiz po at kung saan niya dinala si Lei." Napatingin kaming lahat kay Kiel nang sabihin niya 'yon.
"Saan?" Tanong ni Tita Kierra kay Kiel.
At sinabi na ni Kiel kung nasaan na posible ngayon si Keiz kasama si Lei.
Wag kang mag-alala, Lei at malapit na kami dyan...
Lei's Point of View
Napasigaw na lang ako ng merong dala-dalang baseball bat ang Lorde na 'yon, papalapit na siya sa'kin.
Sinubukan kong magpumiglas pero ang higpit ng pagkakatali sa'kin!
Nang lumapit siya sa'kin ay walang ano-ano'y hinampas niya iyon sa tuhod ko kaya napasigaw ako sa sakit. Nagsunod-sunod iyon kaya napayuko na lang ako sa sakit at tumulo na namang muli ang luha sa mata ko.
"Sean, ikaw naman sunod," ani leader nila kaya naramdaman kong may papalapit na yabag ng paa sa direksyon ko.
Sinubukan kong iangat ang tingin ko at nagtagumpay naman ako saka linabanan siya.
Nang makalapit siya ay akmang hahawakan niya ang braso ko pero tinadyakan ko ang ano niya kaya napaaray siya sa sakit. Buti nga sayo! Ang bastos mo!
Napaaray na naman ako sa sakit ng biglang may nanghampas na naman sa'kin si likod! Tinignan ko iyon at si Lorde iyon!
Humarap siya sa'kin at akmang hahampasin na naman ako sa baseball bat na dala-dala niya ng tinadyakan at sinipa ko siya sa ano niya, katulad ng nung Sean-manyak na 'yun!
"Aba, gaga ka ah!" Napasigaw na lang din siya sakit at ngayon pareho na silang dalawang nakahiga sa sahig.
Lumapit ang leader sa'kin at sinampal ako ng pagkalakas-lakas kaya napatigilid na naman ang mukha ko. Ang sakit-sakit na!!!
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pintuan at lumapit sa'kin si Keiz.
"Boys! Ipatayo niyo 'yan. May pupuntahan tayo kasama siya!" Utos na pasigaw ni Keiz sa mga gag*.
Sinunod naman nila ang utos ni Keiz at ipinatayo ako pero muli din akong napaupo ng nanginginig ang magkabilang tuhod ko. Hindi ko na talaga kaya!
Lumapit sa'kin si Keiz at sinampal ako.
"Tumayo ka na!" Sigaw niya.
Tumayo naman ako ng may naginginig na tuhod.
Merong humawak sa'kin sa magkabilang braso ko.
Pinilit ko na namang pumiglas at nagtagumpay naman ako. Tinadyakan at sinipa ko sila at tumakbo ng mabilis pero napatigil lang ng meron akong naramdamang may nakatutuok na kung ano sa likod ng ulo ko.
Alam ko 'yun! Isang baril!
"Tingin mo makakatakas ka? Hindi! Kaya kung ayaw mo pang paglamayan ka ngayon, sumunod ka muna sa'kin! May pupuntahan tayo!" Ani Keiz kaya napapikit na lang ako.
Sumunod na lang ako sa kanya kasi sumusunod din siya habang nakatutok pa rin sa likod ng ulo ko ang baril na hawak-hawak niya. Hinawakan niya naman ang braso ko.
Saan ba matatapos 'to?
Pagkalabas namin ay nagulat na lang kami ng biglang may umingay na parang sa mga pulis. Pulis? May mga pulis? Biglang may pag-asang lumukob sa buong pagkatao ko.
"Boys! Halina kayo! Kailangan na nating umalis dito! Kailangan nating tumakas! Dali! Bilisan niyo!" Sigaw ng sigaw si Keiz sa mga lalaki niya.
At ako naman ito biglang nawala ang natitirang pag-asa dahil sa isipin na makakatakas kami sa mga pulis.
Nandoon din ba ang pamilya at mga kaibigan ko? Sana nga.
Lord, kung meron mang mangyaring masama sa'kin, sana wag niyo silang pababayaan, lalong-lalo na ang nag-iisa kong tunay na kaibigan ko, simula pa nung bata pa ako.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top