Chapter 50
Chapter 50: A Hard One Slap
Lei's Point of View
"Babe, hey. Where are you going?" Nagtataka kong tanong kay Kiel kasi parang iba ang tinatahak niyang daan.
Pagkalabas kasi namin ng 7/11 ay pumara siya ng taxi para sa'min. Akala ko sasabay siya sa'kin pero mukhang hindi.
"Baby, just listen to me for now. May kailangan lang akong pupuntahan. Ingat ka ah. Bye. I love you." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.
Akmang aalis na siya sa taxi nang pinigilan ko ang kanyang braso dahilan para mapatingin siya sa'kin.
"Lei, sige na. May pupuntahan lang ako." Sabi niya sa'kin kaya sumagot ako at bumuntong-hininga.
"Pwede ka namang sumabay sa'kin eh. May pupuntahan? Meron ka bang dalang sasakyan?" Sunod-sunod kong tanong.
"O-Oo. Sige na. Bitawan mo na ako, importante 'to." Aniya kaya wala akong nagawa kundi bumuntong-hininga at pinakawalan ang kanyang braso kaya numiti siya sa'kin at this time hinalikan niya uli ako sa labi pero mabilis lang saka umalis na.
Ako na ang nagsira ng pinto ng taxi at tinanong si manong kung magkano, mura naman daw at sinabihan siya papunta sa bahay.
Bakit ganun ang reaksyon mo, Kiel? May nagawa ba akong masama sayo? Iba na kasi ang kinikilos mo, nag-aalala na ako sayo....
Bumuntong-hininga na lang ako at tumingin na lang sa bintana. Napansin kong madilim ang langit. Uulan siguro ngayon.
***
Pagkarating ko sa bahay ay bumaba ako at pinasalamatan si manong saka ibinigay sa kanya ang bayad bago ako pumasok ng gate.
Pagkapasok pa lang ng gate ay meron ng mga tables everywhere. Nagtaka pa ako nung una pero nawala din ng may mapagtanto, muntik ko ng makalimutan ang gaganaping party celebration para sa'kin!
Pumasok ako sa loob ng bahay at naghahanda na ang mga kasamabahay namin sa pagkain.
Tinignan ko yung orasan ko at napawang ang labi.
6:00 p.m.
6 na pala at hindi ko man lang namalayan! Busy kasi kami sa ice cream date namin ni Kiel kaya nakalimutan ko na yung oras.
"Nandito na po pala kayo, Ma'am Lei." Napansin kaagad ako ni Yaya Linda at lumapit siya sa'kin at saka inabot niya sa'kin ang isang mamahaling dress na sigurado akong para sa'kin.
"Suotin niyo po 'yan mamayang 7:00 po, sabi po kasi ng daddy niyo na ibigay ko raw po sa inyo para makapaghanda ka pa po." Nakangiting sabi niya sa'kin kaya tumango ako at matunog na ngumiti sa kanya.
"Salamat po, Yaya Linda. At magmula ngayon, 'wag na po kayong tumawag sa'kin ng Ma'am Lei kundi hija o Lei na lang po at saka 'wag na po niyong sasabihin ang po at opo 'pag kakausapin niyo po ako." Nakangiting sabi ko.
"Ay, Ma'am Lei 'wag na po. Nakakahiya naman po sa inyo. Yaya niyo lang po ako, hindi kauri niyo." Nahihiya siyang tumingin sa'kin kaya umiling ako para sabihin na parehas lang tayong tao.
"Sige na po, 'ya. Okay lang sa'kin, mas komportable po ako kung ganun ang itawag niyo sa'kin. At saka, parehas po tayong tao, walang basehan kung anong uri tayong tao o antas." Nakangiting sabi ko kaya tumango na lang siya at hinawakan ang pisngi ko.
"Napakabait mo namang bata ka. Alam mo, napakaswerte ko talaga na ikaw ang pinagsisilbihan ko, ang ganda mo na nga, ang ganda pa ng ugali." Aniya.
"Yaya, hindi naman po ako kagandahan pero po kung ipagpapilit niyo pong maganda ako, thank you po." Sabi ko.
"Haha, oh sige na Lei. Punta mo na ako sa kusina. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka, ha?" Aniya kaya tumango ako bago siya pumunta sa kusina.
Akmang paakyat na ako ng hagdan ng tinawag ako ni daddy kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti. Nakangiti din siyang lumapit sa'kin.
Pagkalapit niya ay ginawaran ko siya ng halik sa pisngi saka nagmano.
"Nandito ka na pala, 'nak. Sa'n ka ba galing?" Tanong ni daddy sa'kin kaya sumagot ako.
"Ah, sorry po dad dahil hindi na po ako nakapagpaalam sayo. Pumunta po kasi kami ni Kiel sa 7/11 para bumili ng ice cream." Sagot ko.
"Ah, wala naman dapat pala kaong ipag-alala eh dahil nandyan ang boyfriend mo. Hinatid ka ba niya?" Tanong ni daddy.
Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot.
"Hindi po, actually po may pupuntahan daw siya at importante daw kaya wala akong nagawa kundi sinang-ayonan siya. Pero, siya naman ang nagbayad ng taxi sa'kin para makauwi na po ako." Nakangiti kong sabi pero may parte ng panghihinayang ang puso ko. Bakit naman kasi ganun kaimportante ang pupuntahan ni Kiel? May itinatago ba siya sa'kin? Pero, imposible naman dahil may tiwala ako sa kanya at ganun din siya sa'kin kaya wala naman siguro siyang ililihim.
"'Nak, mukhang malalim ang iniisip mo. Mind to tell me what's inside on your mind. Baka sakaling matulungan kita para man lang mawala 'yang mga iniisip mo." Aniya pero umiling lang ako at ngumiti.
"No, dad but thanks. Punta muna ako ng room ko para makapaghanda na sa susuotin ko mamaya." Sabi ko para maiba naman ang usapan. I don't feel comfortable talking those things inside my mind.
"Oo nga pala noh! Sige 'nak, maghanda ka na." Aniya kaya napabungisngis na lang ako at nagpaalam muli kay daddy na pumunta ng kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay hindi muna ako naghanda at sa halip ay pabagsak na humiga sa kama ko at tinignan ang natanggap kong certificates at medals para sa'kin. It's so overwhelming and I feel so proud of myself. Nakita ko pa sa mga mata ni mommy kanina na proud din siya sa'kin, na humahanga din siya sa katalinuhan ko o kung ano pa man na magaling ako kaya ipinagpasalamat ko iyon.
"Sobrang proud ko sayo, self. Sana ganito pa rin ako sa mga susunod na taon." Sabi ko sa sarili ko.
Hinawakan ko ang malaki kong medal na natanggap ko ngayong araw. Sobrang saya ang nararamdaman kasi finally, nakatapos na ako ng highschool and start na ako sa college life ko.
Hanggang sa makatulog ako ng dahil sa pagod.
***
Nagising na lang ako ng merong yumuyugyog sa'kin kaya napabangon ako ng di-oras at inis na tinignan kung sino ang nagpagising sa'kin. Gusto ko pang matulog!
"Oh, señorita, gising na. 7:45 na!" Sigaw ni Rosea sa'kin kaya napatingin ako sa alarm clock ko at nanlalaki ang mga matang nakatingin dito. Oo nga! Alas otso magsisimula ang party!
"May pa-inis-inis na tumingin pang nalalaman. Tch." Inismiran niya ako kaya napairap ako.
"Bakit ka ba nandito? At saka paano ka napunta rito?" Pag-iiba ko ng usapan bago ako bumangon ng matiwasay at tumakip ako sa bibig ko para humikab.
"Ngayon lang ako dumating. Si Yaya Linda yata ang gigising sayo pero ako na ang nagsabi sa kanya na ako na ang gigising sayo dahil hindi mo naman siguro maririnig ang tinig ni Yaya." Sagot niya.
"So, inamin mo rin na mukha kang uwak kapag nagsasalita ka?" Biro ko at hinubad ang toga sa ulo ko at inilapag sa kama ko saka yung grad. uniform.
Naka school uniform pa rin ako ngayon dahil tamad ako kanina sa paghubad ng damit ko. Gusto ko munang mag-enjoy at magmoment sa pagiging valedictorian ko.
"Tss, oo na! Uwak na ako kung iyan ang gusto mong pangbiro sa'kin." Inis niyang sabi pero nagtaka ako ng merong bahid na lungkot at sakit ang kanyang tinig.
Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga kaya napabuntong-hininga din ako at lumapit sa kanya. May problema 'to, hindi lang sinasabi sa'kin.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.
"I know you're lying so stop lying on me. I know you very well, bess. You can speak it up to me, makikinig ako." Sabi ko sa kanya.
Imbes na sumagot siya ay napansin kong may namumuong luha sa gilid ng magkabila niyang mata kaya natataranta ko iyong pinunasan at pinaupo siya sa kama ko, tumabi ako sa kanya at inalo siya.
"Kasi naman eh... h-hindi ko na kayang m-marinig lahat ng kasinungalingan sa paligid s-sa'kin... h-hirap na hirap na ako k-kung ano ang papaniwalaan ko o h-hindi." Sabi niya kaya inalo ko siya ng inalo.
"Anong ibig mong sabihin dyan sa kasinungalingang mga naririnig mo sa paligid mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa kanya kaya ngayon na yung tamang panahon para sabihin niya ang mga nangyayari sa buhay niya.
"B-Bess... I-I... I a-am not m-my mother's t-true daughter..." nagulat ako sa kanyang pag-amin.
"What? Paano nangyari 'yon?" Tanong ko sa kanya.
"H-Hindi ko alam, bess. Pero ang t-totoo kong ina ang k-kausap ni mommy sa t-telepono na aksidente kong n-narinig." Sabi niya at itinakip niya ang kanyang mukha sa mga kamay niya.
"Do you know... who is your... true mother, bess?" Tanong ko sa kanya, nahihirapang isabi sa kanya dahil baka iiyak na naman siya.
Umiling siya kaya nagpakawala na naman ako ng buntong-hininga.
"Asan na si Tito Renz? Baka alam niya kung sino ang totoo mong ina." Ani ko pero umiling siya.
"Hindi ko pa siya kayang harapin, bess. Ayoko muna, hindi pa ako handang makita siya." Aniya kaya nanlumo ako at tinignan siya na umiiyak ngayon sa harap ko.
I feel so sad about her. Bakit nangyayari ito sa kaibigan ko, wala naman siyang ginawang masama para ganito ang mangyayari sa kanya ngayon?
"Shh, tahan na. Next time na lang natin ito pag-uusapan. Dapat masaya tayo ngayon dahil graduate na tayo." Pinilit kong ngumiti sa harap niya.
Relate din ako sa kanya dahil adopted lang akong anak nila daddy at mommy. Patay na ang ama ko at hindi ko alam kung sino ang nanay ko at only child lang din ba ako, hindi ko din alam kung ano ang totoo kong apilyedo. Basta sigurado na ako na ito ang totoo kong pangalan.
"Sorry dahil nagdrama ako dito sa room mo at sa harap mo. Dapat hindi ko na lang sinabi iyon sayo. Masaya ka na dapat ngayon." Sabi niya kaya napatawa na ako, napatawa din siya.
"Masaya pa din naman ako dahil sinabi mo ang buong pagkatao mo." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Lumapit siya sa'in at yumakap kaya yumakap din ako pabalik sa kanya.
"Thank you, bess. I love you." Sabi niya kaya sumagot din ako.
"Welcome, bess. I love you too," nakangiti kong sabi.
"Oh, siya, tama na ang drama. Kailangan mo nang maghanda. 7:50 na. Dalian mo na!" Humiwalay na siya sa yakapan namin at nagsabi ng ganun kaya napatawa ako sa sudden change of mood niya.
"Anong itinatawa-tawa mo pa dyan? Maghanda ka na! Jusko, inuna pa ang tawa. Lalabas muna ako then papasok ako sunod para tignan kung handa ka na ba." Sabi niya kaya tumango bago siya lumabas.
***
Nakapaghanda na ako sa red dress that perfectly suits me at kaunting make-up at saka nagperfume pero hindi pa din ako nagsuot ng bigay din sa'kin ni daddy na stiletto sandals na kulay black.
Sanay naman na ako sa mga high heels na sandals kaya kaya ko 'tong isuot.
Pagkatapos kong isuot ang stiletto ko ay pumunta ako sa salamin at tinignan ang kabuoan ng sarili ko. Napabuntong-hininga ako at saka ngumiti.
Sana masaya pa din ngayon ang party na gaganapin. Dahil hindi ko na talaga kaya kapag malulungkot na naman ako at meron ng sakit, tama na yung nangyari kanina sa pagsabi ni Rosea sa mga problema niya at mga naririnig niya...
Pagkatapos ko lahat ng ayos para sa sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto.
Mula dito sa taas ay kita na ang mga tao sa baba. Ang iba ay mga kakilala siguro nila mom at dad at ang iba naman ay mga estudyante ng Valzon Academy.
Ang raming inimbita ni daddy. Pero ayos lang sa'kin, baka may bago din akong friends dito.
"Anak, dito ka lang muna at kapag tinawag na kita ay bababa ka na ng hagdan." Biglang sumulpot si daddy mula sa likuran kaya naman napaharap ako sa kanya at muntik ng mapahawak sa dibdib ko dahil sa gulat saka tumawa. Tumawa din si daddy.
"Nagulat ba kita, 'nak? Oh, sige na. Maghanda ka na, ah? Bababa na ako." Aniya kaya tumango ako at ngumiti kay daddy bago siya bumaba.
Nakisalamuha muna siya sa mga bisita at mga kakilala niya siguro bago kunin niya ang atensyon ng lahat sa pamamagitan ng pagtikhim sa microphone na ngayo'y hawak-hawak na niya.
Pati din ako nakinig din kay daddy ng magsalita siya.
"Calling the attention of all of you. I would like too see all of you, the valedictorian of Valzon Academy.... my one and only daughter, Lei Ashtine Dizon!" Anunsyo ni daddy kasabay ng pagbaab ko ng hagdan ng dahan-dahan.
Nagpalakpakan ang mga tao habang nakatingin sa'kin ng may paghanga at ngiti.
Mukha ko na tuloy itong debut birthday ko na sa susunod pa na buwan ang birthday ko.
Nakangiti ko silang tinignan kahit na naiilang na ako sa kanila dahil sa uri ng pagkakatingin nila sa'kin, ay hindi pala, pagkakatitig nila sa'kin.
Pagkababa ko ay pumunta ako daddy kaya inalalayan niya ako para makatabi ako sa kanya at pinaupo na parang 18th birthday ko nga.
"This is my daughter. A valedictorian of our school. So, if you plan to be like her, just do it because you'll deserve it in the future. Thank you, you can now enjoy! Cheers!" Ani daddy at itinaas ang hawak na glass kaya itinaas din ng mga adults ang hawak nilang glass at sinipsip iyon.
Lumapit sa'kin si daddy at nagsalita siya.
"Feel free to enjoy, daughter. Tawagin mo na lang ako 'pag may kailangan ka, ha?" Aniya kaya tumango ako at ngumiti kay daddy.
"I will dad." Sabi ko at tumalikod na siya para maglakad patungo kay mommy na ngayo'y nakikisalamuha rin sa mga kakilala nila.
This is going to be the best night ever, or that was what I thought...
Bigla na lang kasing dumilim ang paligid at nararamdaman ko na may tao sa likuran ko at bigla na lang lumiwanag ulit.
Pagkalingon ko ay napangiti ako sa kung sino ang nasa likuran ko, si Kiel.
"Hello, babe, bakit ngayon ka lang dumating? Kamusta ang pinuntahan mo?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti pero nawala lang 'yon ng makitang balosa siya at may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Ano kaya 'yon?
"L-Lei! M-May dapat kang m-malaman!" Sumigaw si Rosea mula sa kung saan at lumapit siya sa'kin.
Pagkalingon ko naman sa likuran ko ay wala na doon si Kiel kaya bumalik na lang ang tingin ko kay Rosea na para na ding nababalisa.
"Anong sasabihin mo?" Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pagkatanong ko niyon.
"M-May... M-May pinaplano si Keiz sayo at kasabwat niya si Kiel nung una pa lang ng klase! P-Plinano nila lahat ng 'to! Yung panliligaw niya sayo, y-yung para mapasagot ka niya, at m-mapamahal ka n-niya!" Nagpatuloy sa pagsasabi si Rosea ng ganun pero hindi ko na kaya pang marinig iyon.
Kaya pala ganun na lang kabalisa si Kiel kanina, kaya pala bigla na lang siyang umalis sa likuran ko dahil papalapit na si Rosea sa dureksyon ko pagkasigaw ni Rosea ng ganun.
Wala sa sarili akong napatayo kaya napatigil din si Rosea sa pagsasalita.
"L-Lei... a-anong gagawin m-mo?" Tanong niya sa'kin ng may pag-alala.
"Kailangan kong makita si Kiel. Kailangan ko siyang makita at ipaliwanag ang mga sinasabi mo sa'kin." Sabi ko at saka galit na tinignan kung nasaan na si Kiel ngayon.
Hanggang sa makita ko siya sa may madilim na paligid. Galit na akong pumunta doon patungo sa kanya at hindi naman niya ako nakikita dahil nasa madilim na kami ng parte.
Sumunod naman sa'kin si Rosea dahil nararamdaman ko 'yon mula sa likuran ko.
At nung nakalapit na ako ng tuluyan ay doon na napalingon si Kiel sa'kin at sinubukan pang ngumiti pero sinampal ko siya ng isa pero napakalakas na sampal bago pa man siya makapagsalita.
Ngingiti-ngiti ka pa, niloko mo lang ako!
Nanggagalaiti ko na siyang tinignan.
"Akala ko totoo mo 'kong minahal pero kasabwat mo pala sa plano iyong Keiz na 'yon. Niloko mo 'ko! Pinaniwala mo 'kong mahal mo 'ko! Akala ko totoo 'yung efforts mo para mapasagot kita! Pero... pero... h-hindi pala." I broke and my vision got blurry because of what I'm feeling right now. Galit, sakit, at kung ano pa ang nararamdaman ko sa kanyang hinanakit na ngayon na noon ay merong pagmamahal.
"L-Lei.. I'm sorry. P-Pinagsisihan ko na 'yon." Sabi niya pero umiling ako dahil hindi ko na siya kayang paniwalaan.
"Enough with your excuses! From now on, we're broke up." Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako sa kanya, pati na din kay Rosea at nagsimulang palayo.
Lumabas ako sa likod ng bahay ng pintuan at doon ako lumabas ng bahay.
Masyado ng masakit! Hindi ko na kaya!
Nung nakalabas na ako ay merong van ang tumigil sa mismong harap ko at bigla na lang lumabas ang dalawang lalaking nakatakip ang parehong mukha at ang isang lalaki ay may hawak na panyo.
Akma na 'kong tumakbo pero naunahan na ako ng lalaking walang hawak at ang isang lalaki ay lumapit sa'kin para itakip ang panyo na dala niya sa ilong at bibig ko.
And everything went black.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top