Chapter 5

Chapter 5: The Dream

Lei's Point of View

Pagkatapos ng pagpili kung sino ang magiging candidate ng Ms. Pageant ay bumalik na kami sa aming upuan at si Miss naman ay nagdiscuss na sa harap namin.

-Discuss-

-Quiz-

-Discuss-

-Dismiss-

Nauna na namang lumabas si Rosea at ako dito mukhang sumakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang sumakit. Ah! Bakit ang sakit ng ulo ko!

"Lei... anong nangyari sayo, bakit?" Nag-aalalang sabi ni Wayne.

"Hindi ko alam, Wayne... bigla lang siyang sumakit... Ah! Ang sakit ng ulo ko!"

"Lei, dadalhin kita sa clinic, 'wag kang mag-alala dadalhin na kita sa clinic," natataranta pang sabi niya.

Binuhat ako ni Wayne at lumabas na siya papunta sa clinic. Ako naman dito, ang sakit talaga ng ulo ko. Lintik talaga ng ulo ko! Ah!

Pagdating namin sa clinic ay pinahiga ako ni Clark.

"Nurse, tulungan mo naman ang kaibigan ko... biglang sumakit yung ulo niya," nag-aalalang sabi ni Wayne.

At pinacheck niya 'yung ulo ko. Ako dito nagtitiis lang ako dito kasi ang sakit talaga.

Pagkatapos ay nawalan ako ng malay at hindi na alam ang susunod na nangyari.

Clark's Point of View

Nag-aalala ako kay Lei dahil bigla nalang sumakit yung ulo niya. Ipinatawag ko na din si Nic at Rosea papunta dito.

"Oy, anong nangyari kay Lei? Wayne?" Nag-aalalang tanong ni Rosea.

"Bigla nalang sumakit 'yung ulo niya. Hindi ko alam kung bakit," ani ko.

"Baka 'yung nangyari sa kanya noon, nung naaksidente siya?" Patanong na sabi ni Rosea.

"Sana okay lang si Lei," sabi din ng nag-aalalang si Nic.

Pagkatapos naming mag-usap, pumasok na kami sa clinic, at nandoon si Lei na walang malay. Sana ayos ka lang Lei.

Kung totoo ang sinabi ni Rosea, baka unti-unti nang bumabalik ang alaala niya at makikilala niya na ako bilang bestfriend niya. Pero hindi ako sigurado. Sana bumalik nalang ang alaala mo, Lei.

Tinanong kami ng nurse kung bakit sumakit 'yung ulo ni Lei, ang sabi ko, hindi ko alam dahil bigla nalang sumakit 'yung ulo ni Lei. Sabi naman ni Rosea na baka 'yung nangyari sa kanya noon, noong naaksidente siya. Parehas lang kami ni Nic hindi sigurado kung totoo ba ang sinasabi ni Rosea.

"Huwag kayong mag-alala, ayos lang naman siya pero kailangan niyo siyang bantayan kung sakaling sumakit na naman 'yung ulo niya," nakangiti pang sabi ng nurse.

"Sige po, salamat," paalam namin sa nurse.

Nagmulat ng mga mata si Lei, sinabi niya sa 'kin na bakit ganoon nalang ang sakit ng ulo niya.

"Hindi ko talaga alam, Lei. Sabihin mo nalang samin kung sakaling bumalik 'yung sakit nang ulo mo. Nandito lang kami para sayo, okay?" Sabi ko.

"Salamat, Wayne. " nagulat ako kasi nang walang anu-ano'y niyakap ako ni Lei. Ginantihan ko rin siya nang yakap. Ang sarap pala makayakap nang ganito uli sa iyong matalik na kaibigan.

"Oh, sige na, sige na, tama na 'yan," pabirong saad ko.

"Salamat talaga Wayne dahil nandyan ka parati sa 'kin," mangiyak-ngiyak na pasasalamat niya.

"Tahan na, Lei," sabi ko habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Tumahan na siya sa pag-iyak. At merong umepal sa pagmomoment namin dito. Tsk.

"Oy, anong ginagawa niyo diyan, kayong dalawa ha, baka meron na kayong something diyan? Ayieee!" Nanunuksong ani Rosea.

"Hoy, ikaw Rosea ah. Wag kang ganyan, nagpapasalamat lang naman ako kay Wayne at sa inyo dahil nandyan kayo parati sa 'kin," natatawang kontra ni Lei.

"Oh, kayo ni Nic, baka meron na kayong something din diyan," nanunukso ding ani Lei.

"Wala ah!" defensive lang masyado, Rosea? Nang-blush din naman kaagad siya.

"Weh, eh bakit ka nang-blush diyan?" Tukso pa ni Lei.

"Wala 'to no!" Kontra pang muli ni Rosea habang tinatakpan ang namumula niyang pisngi.

"Oh siya, uuwi na ako. Bye!" Sabi ni Lei.

"Good bye, Lei," nakangiting paalam ko habang kumakaway.

"Good bye din, Lei," sabay na sabi nilang dalawa.

"Good bye din sa inyo," muling paalam niya habang kumakaway siya.

Lei's Point of View

Pagdating ko sa bahay ay nandoon na sila Mom at Dad. Hinalikan ko si Dad at nagmano sa kanya, gano'n din kay Mom. Pero hindi niya ako pinansin. Hay...

"Hi Daddy, ako nga pala ang candidate sa Ms. Pageant sa section namin!" Nakangiti at proud na sabi ko kay Daddy.

"That's good anak. Sasanay ka rin nang mga ganyan," sabat din ni Mommy. Nagulat nga ako eh.

For the first time, nagsalita na din si Mommy, at proud na proud siya sa 'kin. I'm so happy...

"Thanks, Mom. I will try my best to win the Ms. Pageant," determinadong sabi ko kay Mommy.

"But that doesn't mean na very, very proud na ako sayo," sabi ni Mommy. Nagpakawala na lang din ako ng buntong-hininga.

Akala ko pa naman proud na proud na si Mommy sa 'kin.

"Anyways, so dad, kanina pala sumakit 'yung ulo ko," pag-amin ko kay Dad. I'll always be honest to Dad especially my head hurts like hell earlier in the school.

"Ha, bakit sumakit yung ulo mo, anak?" Nag-aalalang tanong ni Dad sa 'kin.

"You're overreacting Rei, eh baka nag-imbento lang siya ng kwento diyan," kontra ni Mommy. Nag-iimbento?

"Olivia, what are you talking about?" Galit na tanong ni Dad.

"Ang sabi ko, baka nag-imbento lang siya ng kwento diyan para mag-alala ka masiyado, katulad ng ganyan," sabi pang muli ni Mommy.

"Hindi po ako nag-iimbento Mommy. Totoo po 'yung sinasabi ko sa inyo," sabat ko na. I thought we're in good terms now, pero akala ko lang pala 'yon. Gusto kong umiyak.

"Ah, so marunong ka na pala sumagot-sagot sa 'kin? Tandaan mo, Lei, wala kang kakampi rito sa bahay. 'Yang daddy mo, he's just pity at you," galit na sabi ni Mommy.

"S-Sorry po, Mommy," mangiyak-ngiyak na sabi ko. Don't say that po...

"Olivia, 'wag mo namang ganunin 'yung bata," inis na sabi ni Daddy.

"Oh, bakit naman niya ako sinasagot-sagutan, ha?" Galit na talaga si Mommy.

Pero hindi siya pinansin ni Daddy at sa halip ay pinatahan niya ako. Si mommy naman ay umalis na din sa hapag-kainan at dumiretso na sa kwarto nila daddy.

"Don't worry anak, ganyan lang talaga ang mommy mo, minsan ang init nang ulo niya. Baka sa trabaho lang 'yun, nakakapagod kasi eh," pagpapagaan ng loob sa 'kin ni Daddy.

"Tahan na anak," muli pang sabi ni Daddy.

At nung tumahan na ako ay dumiretso na ako sa kwarto. Naligo ako at pagkatapos ay nagbihis na din, saka palang ako natulog.

-In the Dream- [Flashback]

Merong dalawang bata na matalik na magkakaibigan, ang isa ay lalaki, ang isa naman ay babae. Palagi silang nag-aasaran, nagkwekwentuhan, at naglalaro sa orphanage. Nang meron nang kumupkop sa batang babae, ipinangako niya sa kaibigan na dadalaw sila dito sa orphanage.

"Clarky, mami-miss talaga kita," malungkot na sabi nung batang babae. Agad naman itong niyakap ng batang lalaki na nagngangalang Clarky.

"Ako rin Lei, mami-miss kita. Mami-miss ko talaga 'yung tawanan at asaran natin. Be happy, okay?" Pilit na ngiting sabi ni Clarky.

"Alam mo mahirap para sa 'kin ito, pero magiging masaya ako kapag dadalawin mo ako dito," biro pa ni Clarky.

"Talagang dadalawin kita dito, pangako 'yan! Babalik ako dito para sa 'yo." Napangiti si Clarky. Yumakap na naman muli si Clarky sa batang babae nga nagngangalang Lei. Hindi mapigilang umiyak si Clarky.

"Pangako mo 'yan Lei, ah?" Sabi ni Clarky kay Lei.

"Pangako, Clarky," nakangiting tugon ni Lei. "Kaya 'wag ka nang umiyak ha, dadalawin naman kita dito eh."

"Sige Lei, basta panghahawakan ko 'yung pangako mo ah?"

"Oo, sige na Clarky. Aalis na ako. I'll miss you very much!" Kumakaway na sabi ni Lei.

Hindi binigo ni Lei ang kaniyang pangako, palagi siyang dumadalaw sa orphanage para makipag-asaran at makipag-kulitan ni Clarky. Pero lahat nang 'yon ay biglang nawala dahil nadisgrasya si Lei. At ang mas malala pa do'n ay nagka amnesia siya at hindi niya maalala si Clarky, ang bestfriend niya sa orphanage.

Pinagalitan ni Olivia si Lei, at ang nangyari naglayas si Lei kaya ayon, nadisgrasya siya.

-End of the Dream- [End of Flashback]

"Clarky!!" Bigla nalang akong napabangon kasi meron akong naalalang pangalan pero hindi ko naman kilala.

Dumating si Dad at nag-aalala siyang tumingin sakin.

"Anak, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Daddy.

"Eh, kasi Daddy napapaginipan ko 'yung meron daw akong naging kaibigan sa orphanage, at ang pangalan niya ay Clarky. Wala po akong naaalala na meron po akong kaibigan noon, at sa orphanage pa," kwento ko.

"Anak, wala 'yun, panaginip lang 'yun anak," mahinahon na sabi ni Daddy. Halatang may gusto pang sabihin si Daddy at halatang hindi siya nagsasabi sa 'kin ng totoo. Pero hindi ko nalang tinanong baka lalo lang akong maguguluhan.

"Sige na anak, matulog kana ha? Nandito lang si Daddy," sabi pa ni Daddy.

At nakatulog na akong muli with that thought running inside my head.

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top