Chapter 49

Tw: mention of cheating

Chapter 49: Biological Mother And Not

Rosea's Point of View

Nandito kami ngayon ni Nic sa ice cream store malapit sa eskwelahan namin. Ang sabi daw niya, para daw mainsan ang nararamdaman kong inis para sa kanya.

Tss, hindi talaga 'yan ang kailangan ko para maibsan 'yang inis ko sayo! Hindi ako marupok! Period!

Habang naghihintay ako sa kanya ay kinuha ko muna ang phone ko at pumunta sa Twitter. Late ko lang nalaman na madami akong followers. Madalang din kasi akong gumamit nitong app na 'to eh.

May nakita akong story na nanggaling pa mismo ni Kiel kaya nacucurious akong tiningnan iyon.

Nagulat ako and at the same time kinilig sa picture at sa isang video. Si Lei na napahiran ng ice cream sa pisngi at si Kiel naman na nakakapit sa phone niya habang hinalikan naman ni Lei ang pisngi ni Kiel. May ice cream din sa ilong ni Kiel. Parang dot.

Saan naman 'tong ice cream store na 'to? Makapagtweet nga.

@roseannearered:

Hoy! Saan kayo bumili ng ice cream? Malapit lang ba dito? Saan kayo na ice cream store?

Tweet sent.

Nagreply din naman kaagad si Kiel pero hindi siya ang nagreply pabalik sa'kin kundi si Lei gamit ang acc. ni Kiel.

@kielthemall:

Bumili kami sa 7/11! Hindi mo ba nakita ang logo kanina? Pinicturan namin 'yon. Si Lei pala 'to. Naghihintay lang ako kay Kiel dahil nandun pa siya sa cr.

@roseannearered:

Punta kami dyan ha? Pwede ba?

Tweet sent.

@kielthemall:

'Wag na! Baka manira pa kayo ng moment namin dito, baka masira rin ang mood ko katulad ng nararamdaman mo ngayon kay Nic.

Natatawa ko na lang 'yong inilingan dahil nagbibiro lang ako. Oo, maninira talaga ako, dahil ang lakas pa ng boses ko! Annoying nga diba?

@roseannearered:

Biro lang! Ito naman oh, hindi na mabiro! Tama ka nga dahil talagang magiging epal lang ako dyan.

Tweet sent.

@kielthemall:

Tch, hindi nakakatawa 'yang biro mo! Sige na! Babye na!

Paniguradong natatawa na din 'yon sa kalokohan ko.

Ibinalik ko lang ang phone ko dahil nandito na rin si Nic, dala-dala ang dalawang ice cream na apa lang din. Ibinigay niya sa'kin ang isang ice cream at akmang tatanggapin ko ng hablutin niya pabalik ang ice cream habang may nakaguhit na ngisi sa kanyang labi kaya napairap ako.

Bakit ko nga ba naging boyfriend 'to?

"Sabihin mo munang 'I love you, baby'." Aniya kaya inis ko na siyang tinignan.

"Ayoko nga, hindi pa naiibsan ang inis na nararamdaman ko sayo!" Sabi ko.

"Okay, walang ice cream sayo." Natatawa niyang saad kaya naman wala akong choice kung hindi makamura ng marami sa isip ko at sinabihan siya ng sinabi niya kanina na susundin ko naman.

"I love you, baby!" Pilit kong sabi.

"Parang pilit eh." Loko-loko niyang ani kaya pinilit kong kumalma at malambing na sinabi iyon. Nagtagumpay naman ako.

"I love you, baby." Mas malambing ng saad ko kaya napangiti siya ng malaki at ibinigay na sa'kin ang ice cream kaya tinanggap ko iyon pero kasama ang mukha niya sa paglapit sa'kin.

"Alam ko na ang ganyang moves mo, patsansing ka pa eh. Wala ka muna ngayon." Ani ko. Now, it's my turn to laugh because of how his face changes to a pouty cute baby. Mukha siyang puppy na nanghihingi ng pagkain.

Natatawa akong lumapit sa kanya at pinatakan siya ng halik sa... labi. Kaya naman nawala ang malungkot niyang mukha sa'kin at ngumiti sa'kin.

Bumalik ako sa inuupuan ko at dun ipinagpatuloy kumain ng ice cream flavored cookies and cream. Siya naman ay ice cream flavoted coffee crumble.

Masaya kaming kumain ng ice cream hanggang sa merong tumunog na bell sa pintuan ng ice cream store, senyales na merong customer. Pagkalingon ko sa pintuan ay napasinghap ako sa galit kung sino iyon.

Nagtataka naman akong tinignan ni Nic at lumingon din. Gaya ko, napasinghap din siya.

Ang buwesita! Together with her alipores! Yung nakaaway ko nun!

Mukhang nakakaramdam din itong tinawag noon na si Ericka dahil tumingin din siya sa'kin at binigyan ako ng mala-insultong ngisi. Kinalabit pa niya yung tinatawag na Nalla sa Lion King---este Nalla pala kaya napatingin din yung Nalla sa direksyon namin at gaya nung Erickang 'yon, binigyan din niya kami ng mala-insultong ngisi.

Lumapit silang dalawa sa buwesitang 'yon at may ibinulong at pagkatapos ay tumingin si Keiz sa'min. Mas malawak na ngayon ang ngisi niya kumpara sa dalawa. Malademonyong ngisi na.

"Rosea, labas na tayo." Ani Nic kaya tumango ako dahil mukhang magiging masama na ang susunod na mangyayari.

Kinuha ko ang bag ko together with my phone at humawak sa braso ni Nic ng mahigpit dahil lalampasin pa namin ang tatlong buwesitang iyon.

"Huwag kang gagawa ng masama ah." Sabi ni Nic kaya tumango ako.

Nung nasa may pintuan na kami at akma ng lalabas ng biglang humarang sa dinadaanan ko si Nalla at si Ericka sa pintuan kaya hindi kami makalabas.

"Oh, akala niyo ba makakalabas kayo dito? Hindi din namin inexpect na nandito din pala kayo. What a small world nga naman." Ani Nalla kaya wala akong magawa kundi nagmumura na sa isip.

"May atraso ka pa sa'min, diba? Might as well dito na lang natin tapusin ang atraso mo sa'min. With a simple... slap!" Pagkasabi ni Ericka at Nalla iyon ay binigyan nila ako ng mag-asawang sampal dahilan para masubsob ako sa sahig dahil sa lakas ng impact nun.

Napahawak ako sa pisngi ko at dali-dali ding lumapit si Nic sa'kin at pinagpantay ang tingin namin. Merong nakaguhit na nag-aalalang tingin si Nic sa'kin.

"Oh, nandito ka rin pala, friend of my Clark!" Kasunod nun ay tumawa si Keiz kaya sinundan din iyon ng tawa nila Nalla at Ericka. Nakakarindi ang mga tawa nila! Parang mga demonyong nakawala sa hawla!

"My friend will never be yours, Keiz." Ani Nic at lumapit kay Keiz.

"What did you just say?!" Nanggagalaiting tinanong iyon ni Keiz.

"Why? Why are you so affected by my words?" Nic said and scoffed

"Argghh! Pareha kayong mga kaibigan ni Lei, mga walang modo! Eto ang sayo!" Ani Keiz at akmang sasampalin niya si Nic ng hinawakan ng mahigpit ni Nic si Keiz kaya hindi natuloy ang akmang pagsampal ni Keiz kay Nic. Dahilan para mapaaray si Keiz dahil sa higpit ng pagkakapit ni Nic sa wrist ni Keiz.

At itinulak si Keiz papalayo.

Bumangon ako sa pagkakasubsob sa sahig at binigyan ng isang masamang-masamang tingin ang tatlo.

"Kung gusto niyo ng away, 'wag dito! Nakakahiya 'yang mga ginagawa niyo! Mga immature ang mga utak!" Sigaw ko.

"Huh! Kesa naman sayo, na walang ibang ginawa kundi unang mang-aaway!" Sabat naman nung Nalla'ng leon.

Pinilit kong kumalma dahil hindi kung makawala sa hawla ang natitirang pasensya ko, makakalibing talaga ako ng buhay patungong ospital.

"Baby, let's get out of here. Before you could do something that'll make a scene here. Masamang mag-away dito, lalo pa't store ito at madaming customers." Ani Nic kaya tumango ako at hinawakan ang kamay niya.

Pagkalabas namin ng store at bumili ng bagong ice cream ay naramdaman kong sumusunod sila at parang may kung anong parang bola ang bumato aa likod ng ulo ko. Wala na, nakawala na.

Mabilis ang pangyayari. Nasa mismong pagmumukha na ni Keiz ang hawak-hawak ko lang naman na ice cream kanina.

She was stunned and I wanted to laugh at her reaction because she look like she wanted to explode.

Humarap ako kay Nic na ngayo'y gulat din sa ginawa kong pagbato ng ice cream sa mukha ng buwesitang 'yon.

"Halika na, babe. Let's go, we're wasting our time here. Let's go back to school." Nakangiti ko iyong sinabi na parang walang nangyayaring away.

Bumaling ng tingin si Nic sa'kin at tumango.

"O-Okay, let's go." Aniya at hinawakan ang kamay ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

"You b*tch! Argghh! Ang lagkit ko na! You'll gonna pay for this! Eww! What's this?!" Sigaw pa ng buwesita.

Pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil nababagay lang sa kanya. Nakagraduation-uniform pa naman 'yon. Bahala siyang siya'y maglaba diyan.

Narinig ko namang tumawa si Nic kaya napabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Oh? Anong itinatawa-tawa mo dyan, kurimaw?" Napataas ang isang kilay ko pagkatanong.

"Bakit mo ba ginawa 'yon? Ang epic ng hitsura ni Keiz!" Parang aliw na aliw pa siya ah.

"Well, she deserves it anyway. Bakit naman kasi niya ako binabangga, ayan tuloy nabiktima sa'kin." Natatawa ko ring saad.

"That's my baby." Proud niyang sabi at saka ginulo ang buhok ko pagkatapos ay inakbayan ako.

"Masyado ka nang clingy ah!" Ani ko.

"Gusto mo rin naman." Tukso niya kaya inirapan ko siya at palihim na ngumiti.

Sabay kaming bumalik sa school.

***

"Hatid kita mamaya ah!" Aniya kaya tumango ako.

"Sure. Kailangan presentable tayo pagdating sa bahay nila tito." Sabi ko kaya tumango siya.

"Sigurado akong ikaw ang magiging pinakamagandang rosas na makikita ko ngayong gabi." Wika niya kaya naman palihim akong kinilig.

"Ang corny mo! Ang baduy mong tignan!" Sabi ko para maitago ang kilig na nararamdaman ko.

"Tss, kinilig ka din naman!" Ganti niya kaya kinurot ko ang tagiliran niya.

"Aray! Biro lang naman eh! Sige, ito na lang, oh!" Natatawa niyang sabi at saka lumapit sa'kin para halikan ang noo ko kaya hindi ko napigilang mamula at makawala ang kilig na nararamdaman ko.

Nang matapos niyang halikan ang noo ko ay tinuro niya ako habang tumatawa.

"Oh, tignan mo! Sabi na eh, kinilig ka!" Panunukso niya kaya hinampas ko siya muli pero nakailag siya at hinawakan ang wrist ko saka hinigit niya ako papalapit sa kanya.

Magkadikit na 'yong katawan namin!

"Isang hampas, isang halik sa labi." Seryoso na niya iyong sinabi kaya napatigil ako sa akmang pagpiglas ko.

"Eh kung ayaw kong sumunod? Anong gagawin mo sa'kin, ha?" Matapang kong tanong, nanghahamon.

"Hindi talaga ako magdadalawang-isip na halikan kita dito mismo, sa labas. Public pa naman dito." Aniya kaya namula ako at humiwalay na sa kanya dahil nakakaramdam ako ng init na hindi ko matukoy kung ano at hindi ko 'yon nagustuhan.

"U-Uuna na ako. B-Bye! S-See you later!" Utal-utal kong saad at kinawayan siya kaya tumango siya at bumalik ang ngiti sa labi niya at kumaway din siya sa'kin. Pagkatapos ay naglakad na ako papalayo at pumunta kay mama na ngayo'y nakangiti din sa'kin.

Pumunta ako kay mama na may ngiti din sa labi. Excited ako mamayang gabi! Pero at the same time ay kinakabahan. Parang may masamang mangyayari mamaya.

"Oh, dear! Give your mom a hug! C'mon!" Masayang sabi ni mommy kaya yumakap ako sa kanya and feel the warmth of her embrace pero nararamdaman kong ang higpit ng yakap niya na para bang hindi niya kaya akong makawala sa kanyang tabi. She feels longing.

Pagkatapos nun ay ngumiti siya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko. Hinimas-himas niya ang buhok ko.

"Mommy, bakit?" Nagtataka kong tanong.

"H-Huh? W-Wala naman, a-anak. You're just so beautiful to my eyes. And I want to hug you more." Nakangiti iyong sinabi ni mommy pero parang may lungkot sa tinig niya pero baka guni-guni ko lang 'yon?

"Thank you, mom. I love you mommy. Your the best mommy in my eyes." Sabi ko at yinakap muli si mommy kaya yinakap din niya ako pabalik.

"Anak, Rosea, palagi mong tatandaan na hindi masamang magpatawad sa taong nakasakit sayo o may kasalanan sayo. Tawad lang ang kailangan para maging mapayapa na ang nasa kaloob-looban mo. Tandaan mo 'yan, 'nak, ha?" Aniya kaya kahit nagtataka ako ay tumango ako sa kanya habang nakayakap pa rin kami.

Pagkatapos nang yakapan ay nagsalitang muli si mommy.

"Let's go." Aniya kaya nakangiti akong tumango at umangkas na ng motor si mama, sunod ay ako bago kami tumakbo papalayo.

***

7:45 p.m.

I wore a black dress with so many roses on it. And I buckled my thin light brown belt then my high heels red sandals. It looks good and fit on me so I have no problem about it.

Pagkatapos ko kasing mag make-up sa sarili ay isinuot ko na iyon ng mabilis dahil naeexcite na talaga akong pumunta sa bahay nila Lei.

Nakabun ang buhok ko pero may strands sa magkabilang gilid. Meron din akong kwintas na bigay ni Nic. And I have a black sling bag with a small circle gold on the center of it and my mommy just bought it yesterday before the grad.

Ngayong ready na ako ay kinuha ko ang phone ko mula sling bag ko at ikinontact si Nic. Sumagot din naman siya kaagad.

"Hello, babe. Asan ka na?" Tanong ko.

[Teka lang, baby. May emergency lang pero malapit na ako sa inyo.] Sabi niya at halata sa boses niya ang pagod at garalgal kaya kumunot ang noo ko.

"Okay ka lang ba? May nangyari ba dyan sa emergency mo?" Tanong ko, may halo ng pag-aalala.

Baka may nangyaring masama dyan at baka mapahamak siya!

[Oo, baby. Okay lang ako. Sige na, ako na ang tatawag sayo 'pag nariyan na ako.] Sabi niya kaya naman napahinga ako ng maluwag.

Wala namang nangyari sa kanya kaya nakampante ako.

"Oh, sige. Bye, babe. I love you." Sabi ko.

"I love you," and I ended the call.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka ngumiti.

Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba at hinanap si mommy na ngayo'y may kinakausap sa telepono sa kusina kaya nacurious ako sa kung ano at sino ang kinausap niya.

"No, I don't want Rosea involve in this. Hinding-hindi mo siya mababawi sa'kin. Kahit pa hindi niya ako totoong ina, mahal ko ang anak ko." Aniya kaya nagulat ako sa narinig at napatakip sa bibig. Merong lumandas na luha sa kanang mata ko at walang atubiling lumayo sa kusina at lumabas ng bahay.

Sakto namang nagring ang selpon ko kaya sinagot ko iyon. Paniguradong si Nic ito. Kailangan ko ng karamay ngayon. Pero, halata naman sa boses ni Nic na pagod at garalgal iyon kaya I will keep this as a secret to myself. Walang ibang nakakaalam, kahit pa si mommy pa iyon o ang hindi ko totoong ina.

[Tingin ka sa kaliwa mo.] Aniya kaya tumingin ako sa kaliwa at meron akong nakitang black na kotse di kalayuan sa bahay namin.

Mula roon ay lumabas siya sa kotse habang nakatapat ang selpon sa tenga niya.

Pinatay niya ang tawag at lumapit siya sa'kin kaya lumapit din ako sa kanya at sinalubong siya ng yakap.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na lang ako.

Mukhang naramdaman niya iyon kasi pinapatahan niya ako.

"Shh, tahan na. It's okay, I'm here." Pang-aalo niya sa'kin.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa tumahan na ako. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at gamit ang hinlalaki niya, pinunasan niya ang natitira pang luha sa'kin.

"Hey, what's wrong? Tell me, I'll listen." Aniya pero umiling lang ako.

I don't want to add up his problems. It's my problem and not his problem.

"Okay, I understand. But if you're ready, I'll listen to you." Sabi niya kaya tumango ako.

"Let's go?" Patanong niyang sabi kaya tumango ako.

____________

Nic's Point of View

My mother is not actually my biological mother as said by my father. At ang hindi ko totoong ina ay kabit ng ama ng girlfriend ko.

So, asan ang totoo kong ina? Bakit nangabit si mommy noong kahit magkasintahan lamang sila ni daddy.?

Umiyak ako at humarap nila na nag-aaway sa harap ko.

"Sino ang totoo kong ina?" Tanong ko na nakapagpatigil sa kanilang dalawa sa akmang pagsigaw.

"'Nak..." ani mommy.

"'Wag mo 'kong matawag-tawag na anak dahil narinig ko sa mismong bibig ni daddy na hindi ikaw ang totoo kong ina!" Pagkasigaw ko nun ay tumulo ang luha ko.

"Nic, son, go outside now." Sabat ni daddy kaya tumingin ako kay daddy at umiling bago tumingin sa harap.

"Dad, Mom, bakit niyo itinago sa'kin 'to? At narinig ko pa na you have an affair with the father of my girlfriend, mom? Ano 'to?" Umiiyak kong tanong.

"Brandominic Tejada! Go outside! Usapang pangmatanda ito! Hindi ka na dapat pang makialam!" Galit na sigaw ni daddy.

"Ben, please! 'Wag mong sigawan ang bata!" Umiiyak na ding sigaw ni mommy.

"'Wag mo 'kong sigawan! Pinaniwala mo 'kong mahal mo 'ko at wala nang iba! Tapos ngayon, malalaman ko lang sa pamamagitan ni Renz na hindi ako ang totoo mong minahal kahit no'ng magkasintahan pa lamang tayo, and you cheated behind my back when we're just a couple? Are you even so fair?!" Galit na galit na sigaw ni dad.

"Ben, please, don't do this." Pagmamakaawa ni mommy kaya hindi ko na kaya at tumalikod na ako para lumabas ng bahay.

Hindi ko na kaya ang mga nadidinig ko.

Bigla na lang nagring ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

My Baby Rose calling...

Ipinahid ko muna ang luha ko at tumikhim ng ilang beses para sakali mang pumiyok at maggaralgal ang boses ko. Ayokong mag-alala siya. Ayokong mag-alala ang baby ko.

Sinagot ko iyon at itinapat sa tenga ko.

Nagtagumpay naman ako na hindi pumiyok ang boses ko pero 'yung garalgal, mas napansin iyon ni Rosea.

Why life is so complicated and unfair?

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top