Chapter 48


Chapter 48: Graduation Day

Lei's Point of View

7 months later . . .

"'Nak, gragraduate ka na ng highschool, and I'm so proud of you because you did a great job! Alam kong madami kang pinagdadaanan as a higgschool student, but here you are now, you're becoming a college student. May napili ka na bang kurso 'nak?" Ani daddy kaya ngumiti ako at tumango.

"Gusto kong kuning kurso ay Tourism, dad." Sagot ko kaya nakangiting nagtanong ulit si daddy sa'kin.

"Why is it so?" Tanong niya.

"Gusto kong maging FA, dad. I want to travel kahit pa nasa plane lang ako and learn many more languages. Especially, gusto kong pumunta ng South Korea dahil gusto kong makita ang mga idols ko. Simula nung highschool student pa ako, pangarap ko talagang pumunta sa South Korea." Nakangiti kong sagot.

"Sa tingin mo dad, makakapasa kaya ako bilang FA?" Dugtong kong tanong kay daddy.

"Oo naman, siyempre. Dahil 'yun naman ang gusto mong maging, diba? Kaya sigurado akong matutupad ang pangarap mo at makakapasa ka. Suportado kita, anak. At ganun kita kamahal." Nakangiti iyong sinabi ni daddy sa'kin kaya walang atubili kong iniyakap si daddy.

"Thanks, dad. You're the best daddy for me." Naiiyak at masaya kong sabi kay daddy.

"No, thank you, my daughter. Your precious to me kaya ko ginagawa lahat para sayo." Ani daddy.

"Daddy, pinapaiyak mo lang naman ako eh." Natatawa kong saad kaya napatawa din si daddy habang nanatili pa rin kaming magkayakap dalawa.

Nandito kami ngayon sa terasa ng bahay namin at bigla na lang tumabi si daddy sa'kin kanina kaya ngayon, napunta kami sa ganito dahil sa gragraduate na ako at nagtatanong siya kung ano ang gusto kong kunin na kurso ko pagkagraduate ko.

***

Graduation Day . . .

Kinakabahan talaga ako sa totoo lang dahil hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na hindi ako tatawagin sa stage kung meron ba akong award o kahit ano kaya naman I prayed to Him.

As I slowly prayed for Him, nagulat na lang ako hindi dahil lungkot ako, kundi dahil sa saya dahil hindi ko aakalain na tatawagin ako. Ng dahil sa matinding kaba ko, wala akong tiwala sa sarili ko kaya ganun na lang ako kasaya ngayon. Para sa iba, mababaw lang itong saya ko, pero para sa'kin talagang masayang-masaya ako ngayon. OA na kung OA, pero yun talaga ang nararamdaman ko ngayon eh. Huhuu...

"First in the list of honors, with high honor, goes to... Leiane Ashtine Dizon! Congratulations to you! Please come on here on stage! A round of applause please!" Anang emcee at pumalakpak ang mga tao sa paligid habang nakatingin sa'kin ng may paghanga pagkalakad ko papunta ng stage habang hawak-hawak ang toga at certificate na nakalukot sa kamay ko. Muntik ng malaglag ang toga ko dahil ang luwag ng pagkakasuot! Hindi sukat sa ulo ko! Pero tiniis ko na lang.

Pagkaakyat ko ng stage ay binigyan na naman ako ng certificate at isinabit ang malaking medal sa leeg ko. Pagkatapos ay nakipagshake hands ako sa mga co-owners at co-staffs ng eskwelahan, especially daddy and Tito Walt.

Nung turn ko na para makipag hand shake kay daddy ay bumulong sa'kin si daddy na nakapagpangiti sa'kin.

"I'm so proud of you, anak." Yun ang ibinulong ni daddy sa'kin.

Pagkatapos kong makipaghand shake kay daddy ay sumunod naman ang daddy ni Clark at bumati din ng congratulations sa'kin kaya nagpasalamat ako kay tito at nakipag hand shake na.

Pagkatapos kong ipaghand shake lahat ay tumabi ang emcee para bigyan ako ng daan patungo doon para makapagsabi ako ng speech. Ngumiti din ako pabalik sa emcee bago ko kinuha ang mikropono at itinapat iyon sa bibig ko at nagsimulang magsalita. I'm nervous.

"Hello, Valzoans!" Panimula ko, puno ng enerhiya ang tinig ko. Kaya naman ay bumati din ang mga estudyante sa'kin ng puno din ng enerhiya kaya napatawa ako.

"First of all, gusto kong pasalamatan ang lahat ng tao dito, especially to the over-all owner of this school, my daddy. Dilton Rei Dizon. Salamat daddy dahil hindi mo ako pinabayaan, kahit pa nga matigas ang ulo ko minsan at hindi ko sinusunod ang utos niyo ni mommy, nandyan ka pa rin. Thank you for making me feel that you are proud of me. I love you always, dad." Habang sinasabi ko iyon ay nag-iinit ang sulok ng mga mata ko, marahil ay papalapit na akong umiyak.

Bumaling ako kay daddy na ngayo'y nakangiti sa'kin. He also mouthed me 'I love you too, my daughter' kaya hindi na ako nakapigil ng unting dumaloy ang luha sa mata ko. Muli akong bumaling sa harap.

"Ang OA ko naman, masyado kong nafifeel ang pag-eemote ko. Nakakahiya sa inyo! Pinaiyak kasi ako eh!" Natatawa kong saad kaya tumawa din ang mga tao, especially ang halakhak ng mga students dito.

"Second, to all Valzoans, you deserve to be graduated and be proud from your parents and guardians. Balang araw, magiging successful din kayo kaya ipagpatuloy niyo ang pag-aaral ng mabuti, kung hindi naman, dasal lang ang kailangan para maliwanagan ang utak niyo, it's your choice, hindi namin kayo mapipigilan ang kung ano man ang magiging desisyon mo sa buhay, pero sana wag kayong magsisisi sa huli dahil sa 'yon lang ang pinili mo para sa sarili mo. But as I said, you deserve it, Valzoans! Fly high! Be proud of ourselves!" Pagpapatuloy ko.

"Third, thank you to my friends who never leave me by my side. Sana maging successful din kayo in the near future. Ipagdasal niyo na walang hahadlang sa mga pangarap niyo. Salamat talaga sa inyo, Rosea, Nic, at Clark." Sinsero kong sabi sa mga kaibigan ko na namataan ko pang umiiyak si Rosea habang nakangiti, meron bang ganoon? Si Nic na pinapatahan ang kanyang kasintahan habang natatawa, habang si Clark naman ay nakatingin sa'kin at nakangiti na para bang ang kanyang ngiti ang nagsasabing 'proud ako sayo, Lei' at 'you deserve it'.

"And lastly, thank you, babe. I will never regret loving you, Ezekiel Shaun Vallejo, sana walang makakasira sa'tin. Thank you dahil ipinaramdam mo sa'kin na hindi mo ako iiwan at kailanman ay mahal mo ako. I will cherish it." Sabi ko at nagtama ang paningin namin ni Kiel na ngayo'y nakangiti sa'kin, parang may kakaiba sa ngiti niya pero hindi ko na 'yon pinansin, baka guni-guni ko lang 'yon.

"That's all! Thank you dahil nag-aksaya lang kayo ng oras para makinig sa walang kwenta kong speech, char! Joke lang! Wag kayong ano! Sige, ibaba ko na 'tong mikropono. Until next!" Sigaw ko bago ibinaba ang mikropono at nagpasalamat sa emcee at ang mga tao sa stage bago ako bumaba ng stage at naglakad patungo sa upuan ko.

Nasa tabi ko lang si Rosea at ang nasa tabi naman ni Rosea ay si Nic then si Clark sa kaliwa. Sa kanan ko naman ay si Kiel.

Humilig ako sa balikat ni Kiel at hinawakan ang kamay niya at nilaro laro iyon. Ang sarap pala sa pakiramdam na may boyfriend ka na. Naramdaman ko naman na hinawakan din pabalik ni Kiel ang kamay ko kaya napangiti ako.

"Nakakaumay na 'yang ganyan ninyo, oy! Try niyo ng bago, katulad lang namin ng mahal ko!" Ani Rosea sa tabi ko kaya napabaling ang tingin ko sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin at gumanti. Natawa naman ang tatlong lalaki sa'ming dalawa na nagbabangayan kung ano ang bagong gagawin para sweet.

"Kadiri naman ng endearment niyo, mahal daw? Mahal na parang pera." Natatawa kong sabi.

"Buang ka! Tse, bahala ka nga!" Ani Rosea, mahihimigan sa boses niya ang pagkatalo sa bangayan namin kaya napangiti ako. Nanalo ako!

(Trans: Baliw ka!)

Mayamaya lang ay itinawag na din ng emcee ang mga pangalan ni Rosea, Nic, Clark, at si Kiel. Kaya pumalakpak ako sa sobrang pagkaproud sa mga kaibigan ko at siyempre para sa boyfriend ko.

Muntik pa nga akong sumigaw kay Kiel ng I love you so much, babe, you deserve it, at siyempre proud na proud ako sayo, may kiss ka sa'kin mamaya pero nakakahiya kaya pumalakpak na lang ako.

Third Person's Point of View

After the awarding ceremony . . .

Napatigil sa pagkwekuwentuhan ang magkakaibigan at lovers dahil merong tumikhim na nanggaling sa mic kaya napatingin silang magkakaibigan at lovers roon.

Nakita nila ang ama ni Lei na seryosong nakatingin sa lahat ng mga tao at napansin nila na tumahimik na pala ang lahat ng mga tao roon dahil sa simpleng pagtikhim lang ng ama ni Lei. Hawak nito ang mic habang nakatingin.

Itinapat ang mic sa bibig nito at nagsalita.

"Attention, Valzoans! After this event, I would like to invite you to our house tonight to celebrate the valedictorian of our school, my daughter. So, wear your formal attire because there will be a lot of people who will be attending to our house tonight. The time would be 8:00 p.m. That's all, thank you!" Announce ng ama ni Lei sa lahat ng tao na naroon kaya napasigaw ang mga tao sa saya dahil magkakaroon na naman ng celebration, at sa mansion pa ng mga Dizon!

"Anong susuotin niyo ngayong gabi?" Tanong ni Rosea bigla kaya napatingin sila Lei, Clark, Nic, at Kiel sa kanya saka napatawa kaya nalukot ang mukha ni Rosea dahil tumawa ang mga ito.

"Hoy! Ano bang nakakatawa? Nagtatanong lang naman ako eh!" Inis na ani ni Rosea kaya si Lei na ang sumagot sa tanong niya.

"Sinabi na ni daddy kung ano ang susuotin natin, nagtatanong ka pa? Ibang klase ka rin eh no?" Nagpipigil-tawang saad ni Lei kaya namula si Rosea sa hiya.

"Tse! Nagtatanong lang naman eh, wala namang masamang magtanong diba?" Napairap na lang si Rosea kaya tumawa na naman sila, at mas nangingibabaw pa ang tawa ng boyfriend niya kaya napairap muna siya bago kinurot sa tagiliran si Nic kaya napaaray si Nic.

"Huh! 'Kala mo ah! Bahala ka nga dyan, aalis na ako!" Ani Rosea at tumayo na at handa ng umalis na dahil mahigpit na ang kapit nito sa kanyang tote bag pero bago pa 'yon ay hinawakan na si Rosea sa braso nito at akmang aangal na siya ng bigla siyang ihinarap ni Nic at walang-pag-aalinlangang hinalikan sa harap nilang lahat!

Kinikilig si Lei sa kanila, habang si Clark naman ay napailing dahil sa ginagawa nilang dalawa, si Kiel naman ay napatawa nalang ng bahagya at umiwas ng tingin dahil sa awkward na nararamdaman.

Pagkatapos ng halikan nila ay para ng kamatis ang pisngi ni Rosea dahil sa hiya at sa kilig.

"Ayiee! Nakita ko na rin sa wakas ang halik niyo! Pero mali pa rin 'yong paghahalik niyo rito dahil PDA!" Kinikilig na natatawang ani Lei kaya mas lalong namula si Rosea.

"B-Bakit mo ba ginawa 'yon, ha?" Inis na anang Rosea kaya napatawa muna si Nic bago sumagot.

"Para patigilan kita sa pag-alis mo." Sagot ni Nic kaya naman nakatanggap siya ng isang masamang tingin ni Rosea.

"Pero kahit na! Nakakahiya 'yon!" Muntik nang makamura si Rosea dahil sa inis na!

"So, ikinakahiya mo ang boyfriend mo? Ganun ba 'yon?" Hindi napigilang tanong ni Nic sa kanya.

"Hindi naman sa ganun, pero kasi PDA kasi 'yon eh! Aishh! Whatever! Wala na akong masabi!" Inis na ani Rosea kaya napatawa na naman si Nic.

"'Wag ka nang mainis, babe. Oh, sige eto na lang oh, pupunta na lang tayo ng ice cream store, ipagbibili kita ng ice cream, gusto mo ba nun?" Pagsusuyo ni Nic kay Rosea.

"Ano ako bata? Pero, pwede na rin." Sa wakas tumawa na din si Rosea at hinawakan ang kanyang braso para makapagsimula na silang maglakad papalayo.

"Sana all," ani Lei kaya napabaling ang tingin ng dalawang lalaki sa kanya.

"Gusto mo ba ng ganun, baby?" Tanong ni Kiel kay Lei kaya napabuntong-hininga si Lei bago tumango kaya ginulo ni Kiel ang buhok ni Lei at ngumiti saka tumango.

HINDI ako nagsisisi na pinili kita, Kiel. Pero sana, 'wag mo akong sasaktan dahil sigurado akong hindi ko 'yon kakayanin...

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top