Chapter 47


Chapter 47: Bar

Third Person's Point of View

'K i n a b u k a s a n'

LUNES pa lang at medyo nakaramdam ng masamang kutob si Clark pagpakapasok pa lang ng Valzon Academy.

Hindi niya alam kung bakit naging masama ang kutob na nararamdaman niya, basta na lang siya nakaramdam ng ganun paggising pa lang niya.

Pero pinilit niyang ipinagsawalang-bahala iyon dahil baka mawala lang ang masamang kutob na nararamdaman niya at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng school.

Pero nagulat na lang siya ng biglang humarang sa dinadaanan niya si Keiz! Ngumiti sa kanya ito pero may kakaiba sa ngiti nito pero hindi niya mapangalanan kung ano iyon.

"Hey, Clark." Tawag ni Keiz sa kanya.

"Keiz, kung tungkol na naman 'to sa mga binabalak mo, sinasabi ko sayo, wala kang mapapala kaya pwede ba, padaanin mo ako dahil paniguradong nalalate na ako sa klase." Medyo inis na sabi niya pero pinilit niyang magpahinahon para hindi mataasan ng boses si Keiz dahil may respeto pa rin siya nito.

"It's okay, Clark but gusto sana kitang yayain." Ani Keiz.

"Saan naman kung ganon?" Nagpapasensya niyang tanong dahil talagang malalate na siya sa klase!

"Sa bar sana, sana pumayag ka, nakareserba na din kasi ako para sa ating dalawa eh." Sabi ni Keiz, nagmamakaawa.

Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang tumango kaya nakita niya ang kinang sa mga mata nito at walang alinlangan siyang niyakap na mas lalong ikinagulat niya. Gusto sana niyang magreklamo dahil hindi siya basta-basta nagpapayakap pero kumawala na sa yakap si Keiz.

Mas lalong nagpagulat sa kanya ng bigla siyang hinalikan sa pisngi ni Keiz bago bumulong si Keiz sa tenga niya pagkatapos ay naglakad na papalayo.

Ang ibinulong nito sa kanyang tenga ay...

"Thank you for agreeing my offer. 'Wag kang mag-alala at hindi ako gagawa ng masama sayo."

Yun ang ibinulong nito sa kanyang tenga. Pero hindi alam ni Clark na unti na namang bumuhay ang masamang kutob niyang nararamdaman.

Nang muli na siyang humarap sa dinadaanan ay nakita niya si Lei na nakatingin sa kanya habang kasama si Kiel na ngayo'y busy sa pakikipag-usap sa kanya na hindi namamalayan na hindi nakikinig si Lei kay Kiel.

HABANG nakatingin si Lei kay Keiz na hinalikan ang pisngi ni Clark at yinakap pa ito ay parang may kakaiba siyang nararamdaman, parang may dumaang lungkot ang pagkatao niya.

Hindi niya alam kung saan 'yon galing pero kinabahan siya sa kung ano man ang susunod na mangyari.

Bakit naman ako makakaramdam ng lungkot? Baka lang siguro namimiss ko na ang yakap ni Clark at ang kiss sa cheeks bilang kaibigan, hindi bilang manliligaw. Tama, 'yun talaga ang dahilan kung bakit ako naging ganito ngayon!

Kinumbinsi niya ang sarili na ganun ang kanyang dahilan pero sinasabi ng puso niya ay hindi daw iyon ang totoong dahilan.

Mas nagulat siya ng nakita niyang nakatingin na pala si Clark sa kanya kaya nagtama ang tingin nilang dalawa, at siya ang may gulat na mukha habang si Clark naman ay nanatiling kalmado ang ekspresyon pero sa kanyang mga mata kung titingnan ito, parang nababahala si Clark.

Napabalik lang ang atensyon niya ng biglang nagtanong si Kiel sa kanya.

"Why did you choose me, Lei?" Tanong ni Kiel sa kanya.

Napalunok siya dahil sa uri ng pagkakatingin nito sa kanya pero pinilit niyang hindi pansinin iyon at saka sinagot ang tanong ni Kiel.

"How do I say this? I'm not really straightforward of words but this time mukhang magsti-straightfroward na lang ako." Sabi niya at walang pag-alinlangan niyang hinawakan ang kamay ni Kiel kaya napatingin din si Kiel sa magkahawak na nila ngayong kamay bago tumingin ulit sa kanya ng hindi maipaliwanag na nararamdaman na mata.

"I don't know you're not a straightforward girl. Pero pwede namang mamaya mo na lang sasagutin ang tanong ko." Ani Kiel sa kanya.

"No, it's okay. I can answer it right now." Aniya at nagpakawala ng malalim na hininga.

"I... uhm... uhh... I love you? Yeah, I love you, Kiel." Naging mas maluwag na ang hininga ni Lei ng sabihin niya iyon kay Kiel.

"That's your reason? Okay, it's a valid answer. Hahaha." Natatawang ani Kiel kaya walang nagawa si Lei kundi mapairap at sabay na napatawa dahil nakakahawa ang tawa ni Kiel.

"Tch, nang-aasar ka pa. Alam ko naman na deep inside kinikilig ka na!" Ganting panunukso ni niya kay Kiel kaya napatigil sa pagtawa si Kiel sa kanya at pagkatapos ay lumapit si Kiel sa kanya at kinurot ang kanyang magkabilang pisngi.

"Ayan ang napapala sa pagganti ng tukso." Sabi ni Kiel sa kanya kaya napaaray siya pagkatapos kurutin ni Kiel ang kanyang magkabilang pisngi.

"Aray naman eh! Tch, gumaganti lang ako dahil tinutukso mo ako nung una." Ani Lei habang hinihimas niya ang magkabila niyang pisngi.

"Kasalanan mo rin naman." Saad ni Kiel kaya walang nagawa si Lei kundi mapanguso.

"Parang gusto ko pang kurutin ang magkabila mong pisngi eh, gusto mo pa ba?" Panunukso na naman ni Kiel sa kanya kaya mabilis na nawala ang pangunguso ni Lei at inirapan siya.

"Tse, bahala ka na nga dyan." Sabi ni Lei at umuna na siyang lumakad patungo sa room.

TATAWA-TAWA namang sumunod si Kiel kay Lei pero napatigil din ng makita ang pinsan ni Kiel na tumingin sa kanya.

Ngumiti at tinanguan na lang ni Kiel ang kanyang pinsan dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Clark at naglakad na patungo sa room nila.

Clark's Point of View

Pagkatapos akong tanguan at ngitian ni Kiel ay sumunod na din ako pero merong lungkot at selos ang nakabalot sa kalooban ko dahil sa ginawang pagkurot ni Kiel sa pisngi ni Lei. Na parang walang taong nakatingin sa kanilang dalawang nags-sweetan.

Mas mabuti ngang pumayag ako sa pagyaya sa'kin ni Keiz sa bar na sinasabi niya para doon ilabas ang lahat ng sakit, selos, at lungkot na nararamdaman ko sa kalooban ko. And I need someone who'll accompany me, and that's her---Keiz.

Kahit masama ang loob ko sa kanya dahil palagi niyang inaaway si Lei at palagi niyang sinasabi sa mismong pagmumukha ni Lei na inaangkin niya ako at mang-aagaw si Lei, pumayag pa rin ako.

Kahit ngayon lang, gusto ko munang makalimutan ang sakit, at kung ano pa man ang nararamdaman ko at ang masamang loob ko para kay Keiz.

Napabuntong-hininga na lang ako bago ako pumasok sa room habang nakasabit ang bag ko sa isang braso ko habang nakahawak ang ksang kamay ko sa strap ng bag at pumunta sa likod ng upuan ni Lei.

Yeah, right, paano ako makakamove-on eh nasa harap lang siya sa paningin ko and worse, magkaklase pa kami.

"Bro?" Tawag bigla sa'kin ni Nic dahil wala pa naman ang prof. namin.

"Hmm?" Tugon ko at tumingin sa kanya.

"Ano nang nangyari sa inyo ni Kiel? Sino ang nanalo? Sino ang pinili ni Lei?" Sunod-sunod na tanong ni Nic kaya nagulat na lang ako ng biglang sumabat din si Rosea sa usapan namin.

"I agree, what happened about you and Kiel's courting? Who won? Who chose Lei?" Sunod-sunod din na tanong ni Rosea. Para namang inulit lang ni Rosea ang naging tanong ni Nic kanina pero nakaenglish kaya napakunot ang noo ko.

"Inulit mo lang eh. Inenglish mo lang para hindi magmukhang inulit mo pa ang mga tanong ko kay Clark." Ani Nic kaya napairap na lang si Rosea.

"Whatever! Oh, ano na Clark? Ano nang nangyari? Botong-boto pa naman ako sayo." Sabi ni Rosea.

"Oh ngayon naman, nagtatagalog? Ano 'yan language translating?" Tanong ni Nic.

Binigyan siya ng masamang tingin ni Rosea kaya napataas ang magkabilang kamay ni Nic na para bang susuko sa mga pulis.

"Woah, easy lang, babe! Biro lang eh." Ani Nic at iyon ang dahilan kung bakit namula si Rosea sa sinabi niya na 'babe'.

Nagulat ako dahil tinawag na babe ni Nic si Rosea. Sila na ba?

"Kayo na ba?" Hindi mapigilang tanong ko.

Nakita ko pang siniko ni Rosea si Nic sa braso habang namumula pa rin, siguro nahihiya si Rosea aminin, kaya napakamot sa batok si Nic habang nakangiti na nahihiya bago sinagot ang tanong ko.

"O-Oo. Kami na, kahapon niya lang ako sinagot." Nahihiyang sabi ni Nic habang mas lumalalim ang pamumula sa pisngi ni Rosea, umabot pa sa tenga niya!

"Sana all, magjowa." Bigla na lang may sumabat sa usapan namin at halos nagulat ako ng si Lei ang nagmamay-ari sa boses na iyon.

Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin kina Nic at Rosea na ngayo'y nahihiya na talaga.

"Asan na yung kiss niyo?" Nanunudyong tanong ni Lei sa kanilang dalawa na halos mukha ng kamatis ang pisngi ni Rosea dahil sa ginawnag panunudyo ni Lei sa kanya.

"Sira! Nakakahiya 'yon!" Namumulang sabi ni Rosea.

"So, nagkiss na pala kayo? Ayiee! So, kailan pala ang first kiss niyo? Dali, share niyo na, hindi ko ipagkakalat." Kinikilig na ani Lei.

Habang pinagmamasdan ko si Lei ay wala sa sarili akong napangiti. Maganda talaga ang babaeng mahal ko.

"Heh! Eh, kayo? Kayo na ba?" Biglang ganting tanong ni Rosea sa kanya.

Lei cleared her throat before she answered Rosea.

"No, hindi kami. Pinili ko ang nagmamay-ari na ng puso ko, at iyon ay si Kiel." Sa sinasabi ni Lei ngayon, parang unti-unting winawasak na naman ang puso ko.

Parang gusto ko na talagang pumunta sa bar na sinasabi ni Keiz.

Dumukdok na lang ako sa upuan para hindi na makarinig ng mga iba pang sinasabi ni Lei dahil mas lalo lang winawasak ang puso ko habang sinasabi niya kung sino ang mahal niya at ano ang nangyari nung si Kiel ang kanyang pinili kahit pa tanggap ko na iyon.

Third Person's Point of View

"Ano?" Ani Rosea, mukhang gulat sa sinabi ni Lei.

"Yeah, I chose Kiel over my bestfriend." Ani Lei, inulit niya.

"But, why? I mean, mas matagal kayong nagkakasama ni Clark, simula pa pagkabata pero mas pinili mo si Kiel na kaibigan pa ng buwesitang Keiz na 'yon at maliit lang ang pinagsamahan niyo, pero bakit ganun?" Naguguluhang tanong ni Rosea sa kanya kaya napabuntong-hininga siya.

"So, ang sinasabi mo, hindi mo gusto si Kiel para sa'kin instead si Clark, ganun ba ang ibig mong sinabi?" Parang sarkastiko na ang dating sa boses niya kay Rosea.

"No, hindi naman sa ganun, it's just that, hindi lang talaga ako makapaniwala na hindi pinili ang kababata mo, and worse bestfriend mo pa. Pero, tanggap ko ang desisyon mo, kasi 'yun naman diba ang isinusunod sa puso mo?" Ani Rosea.

Tumango si Lei pero hindi niya alam kung bakit, nung tumango siya ay... may pag-aalinlangan pero ipinioig niya lang ang kanyang iniisip sa posibleng dahilan kung bakit siya naggaganun.

Bumaling ang kanyang tingin kay Clark na ngayo'y nakadukdok sa upuan nito.

Parang gusto niyang haplusin ang buhok nito pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niya itong paasahin muli dahil pinili niya si Kiel dahil iyon ang gusto ng puso niya at tinanggap na nito ang kanyang desisyon.

Sorry Clark for hurting you, but my heart wants Kiel and not you. Yun ang nasa isip niya.

***

SA BAR...

PAGKADATING ni Clark sa bar na sinasabi ni Keiz ay nakita na niya agad ito na kumakaway na nakangiti sa kanya kaya pinilit niyang ngumiti bago lumapit kay Keiz na nakasandal sa pinto ng bar.

"Tama nga na dumating ka. Mabuti naman. Halika na." Yaya ni Keiz at hinawakan ang kanyang wrist bago ipinush ni Keiz ang pinto ng bar at pumasok silang dalawa.

Pinaupo ni Keiz siya sa isang nakareserbang upuan, para siguro sa kanilang dalawa... lang. Umupo si Keiz sa tabi niya at binigyan siya nito ng liquor.

Tinanggap naman niya iyon at sumimsim ng kaunti bago inilagay sa table.

Nagtataka siyang tumingin, dahil akala niya ay may kasama ito kaya napansin siya nito bago sumagot.

"Marahil nagtataka kung bakit wala akong kasama, dahil parehong busy ang dalawang kaibigan ko kaya hindi ko sila maiisturbo kahit pa sandali lang. Kaya kita lang ang dalawa ngayon at kung bakit kita niyaya kanina sa school. Mabuti na lang at pumayag ka kundi ay nag-iisa lang akong umiinom dito." Sagot ni Keiz.

"Okay," aniya at kinuha na naman ang ininom niya at nilaghok iyon.

"I don't know your a good drinker. Akala ko first time mo pang uminom pero akala ko lang pala." Natatawang ani Keiz kaya napatawa din isya ng bahagya. Keiz gives him a amused look, marahil siguro ngayon lang nakita ni Keiz ang kanyang tawa.

"First time kung makita ang tawa mo, at ng dahil pa sa'kin." Ani Keiz.

"Nahahawa lang talaga ako sa tawa mo kaya ganun." Saad niya.

"Whatever. Oh, siya, baka gusto mo pang uminom, tawagin mo lang ako o kalabitin." Sabi ni Keiz kaya tumango siya pagkatapos punuin ni Keiz ang kanyang baso.

***

KEIZ IS NOW DRUNK, yes she's drunk dahil marami siyang nainom na beer.

Tumingin siya kay Clark na ngayo'y nakatingin din sa kanya.

Parang gusto niya mahalik ang labi ni Clark kaya naman unti-unti siyang lumalapit sa mukha ni Clark at si Clark naman ay umiwas ng umiwas sa papalapit niyang mukha kaya wala siyang nagawa kundi hawakan si Clark sa batok at mas hinapit papalapit sa kanya at walang pag-aalinlangang hinalikan si Clark sa labi.

God! It feels heaven! Yun ang nasa isip niya.

Pero mabilis na itinulak siya ni Clark dahilan para madissapoint siya kay Clark.

"No, Keiz. Kahit pa, hindi ako pinili ni Lei, it doesn't mean na magpapahalik ako, kahit lalong ikaw pa." Ani Clark kaya galit siyang tumingin kay Clark.

"Palagi na lang si Lei ang iniisip niyo! Hindi niyo lang naman ako pinag-uusapan kung ano ang nararamdaman ko. Palaging akong nag-iisa kapag si Lei ang mga iniisip niyo kahit sarili kong ina, palagi niyang iniisip ang kapatid ko... at iyon ay si Lei! Ang unfair niyo!" Sigaw ni Keiz at nagsimulang tumulo ang luha niya.

HABANG nagulat naman si Clark sa kanyang narinig sa sinabi ni Keiz.

Kapatid niya ang bestfriend ko? May kamag-anak pala si Lei na totoo?

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top