Chapter 45

Soundtrack: Bakit by Carlyn Ocampo (Cover); Theme Song

Chapter 45: Lei's Answer

Kiel's Point of View

Kinabahan ako kanina dahil sa uri ng pagkakatingin ni tita kanina sa'kin. Parang may sinasabi siya sa pamamagitan ng mata pero hindi ko matukoy kung ano 'yon. Binigyan pa nga niya ako ng makahulugang tingin. Parang may alam siya sa gingawa ko pero parang imposible naman iyon dahil walang nakakaalam sa plano namin ni Keiz kundi kaming dalawa lang.

"'Nak, we'll just wait in the backyard. Think and answer wisely, okay? That's what I told you always." Sabi ni tito kay Lei kaya tumango at ngumiti si Lei bago hinalikan sa pisngi si tito.

Sunod naman si tita.

"Think and answer wisely, kung ano man ang magiging desisyon mo, sana hindi 'yan ang magiging kapahamakan mo at baka magsisi ka pa sa huli." Sabi ni tita kay Lei kaya ganun din ang ginawa ni Lei sa ginawa niya kanina kay tito bago sila pumunta sa backyard ng bahay nila.

Kinabahan ako sa sinabi ni tita kanina. Parang may ipinapahiwatig siya sa mga sinasabi niya kay Lei kanina.

Pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon, baka mali lang ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni tita kanina pero kasi, hindi ko maiwasang kabahan eh.

Lei cleared her throat then she tries to say a word.

"Uhmm, okay... let's start this." Pagsisimula niya

"First of all, I'm not sure about my answer but I think that this will be the better for me. Pero hindi ko maipagkakaila na kinakabahan din ako sa maaaring isagot ko. Baka may masaktan ako sa isa sa inyo pero pinatatag ko ang sarili ko para na rin mapanatag na din ang loob ko." Aniya kaya napatango kaming dalawa ni Clark.

"Wag kang mag-alala, Lei. Kung sino man ang pipiliin mo sa aming dalawa, tatanggapin ko. Kung hindi mo ako pipiliin, ayos lang sa'kin basta masaya ka sa naging sagot mo at maging masaya ka sa pinsan ko kahit masakit sa'kin." Wika ni Clark kaya tumingin ako kay Lei na ngayo'y nakatingin kay Clark at ngumiti.

"Thanks for understanding, Clark." Sinserong aniya.

"Ako naman," pagkasabi ko ay nabaling ang tingin ni Lei sa'kin at ngumiti sa'kin. I like that smile of hers but not as much as like Keiz. Mahal ko pa rin si Keiz pero mahalaga na sa'kin si Lei. At ayaw ko siyang saktan, pero paano ko naman gagawin 'yon? Kung ngayon, nandito na kami sa punto na malapit ng maging successful ang plano namin ni Keiz.

"Kung sakali mang pipiliin mo ang pinsan kong si Clark, I would gladly be happy because you deserve him. Kung sakali din namang pipiliin mo ako, sana maging masaya ka pa rin sa'kin sa kabila ng lahat." Sabi ko, binigyan ko na ng clue si Lei sa kung ano ang mangyayari sa kanya kapag pipiliin niya ako, mas mabuti ng sa pinsan ko na lang siya kaysa sa'kin dahil masasaktan lang siya 'pag ako, lalo na kung malaman niya ang totoo behind of what I'm doing right now.

"What do you mean by that, Kiel?" Taka niyang tanong pero tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

"Whatever, anyways, so eto na nga." Bumuga ng malalim na hininga si Lei na para bang naghihintay siya kung sino ang mananalo sa isang kompetisyon.

Sana piliin mo ang pinsan ko, Lei. Ayokong masaktan ka ng dahil lang sa plano na ito. Please, piliin mo ang pinsan ko...

Lei's Point of View

Sigurado na ako sa magiging sagot ko. Sana walang masasaktan sa magiging sagot ko sa isa sa kanilang dalawa.

Bumuga muna ako ng malalim na hininga at inaalala ang mga oras at mahahalagang araw ko sa kanilang dalawa lalo na ang isa na mahal ko na.

~Flashback~

"Lei!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Napangiti ako kung sino iyon.

"Oh, ikaw pala 'yan. Bakit ka nandito?" Tanong ko.

Nandito pa rin kasi ako sa loob ng room, may tinatapos na activity. Last ko na raw itong activity na 'to sa lahat ng namiss ko na mga lessons, subjects, at iba pa simula ng naospital ako nung nakaraang linggo.

Nakalabas na ako sa ospital nung nakaraang linggo lang dahil mabuti na daw ako pero kahit ganun kailangan ko pa rin daw na mag-ingat at magtake ng meds para daw hindi na bumalik ang sakit ng ulo ko.

"Tara na, lunch na tayo." Sabi niya pero umiling ako at pinagtuonan ng pansin ang ginagawa ko. Kailangan kong matapos ito ngayon para wala na akong proproblemahin pa mamaya. Panigurado kasing bukas, meron na naman kaya para hindi ako masyadong mastress, kailanga ko talagang matapos 'to. Masama pa naman daw akong mastress, sabi ng doktor.

"Sige ka, baka magstart na ang klase at dun ka pa lalabas para kum----"

"Ayan! Tapos na ako!" Masaya ko iyong sinabi dahil sa wakas, tapos na ako sa activity na namiss ko nung nasa ospital pa ako.

"Mabuti naman kung ganun. Tara na, kumain ka na. Pumunta talaga ako dito para hindi ka kumain ng mag-isa sa cafeteria. Tiniis ko din yung gutom ko. Nagugutom na talaga ako." Nagulat ako dahil hindi pa siya kumakain!

"Bakit mo naman kasi hindi mo sinabi sa'kin na hindi ka pa pala kumakain? Tingnan mo tuloy, nagugutom na talaga ka ngayon! Halika na nga! Dinamay mo pa talaga ako sa kalokohan mo." Sabi ko.

Pagkatapos kong ipasa ang activity na ginawa ko sa proffessor's table ay hinawakan ko siya sa kamay at hinatak siya palabas.

Habang hinahatak ko pa rin siya ay nadatnan ko si Clark na parang may hinahanap. Nung magtama ang paningin namin ay parang ako ang hinahanap niya at lumapit sa'kin habang tumatakbo pa. Sinabi ni Clark sa'kin pagkalabas ko ng ospital na wag ko na daw siyang tawaging Clarky dahil para pa din daw siyang bata kung tawagin ko siya ng ganun kaya Clark nalang daw ang itatawag ko sa kanya, nakapachoosy ng pangalan! Pinagpawisan siya at parang hindi na makahinga dahil sa sobrang pagtakbo niya papunta rito.

"Oh, bakit ka pinagpapawisan? At bakit ka rin tumatakbo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"May nangyari kasi sa cafeteria. Merong umaway kay Rosea at ang masama pa ron ay isa iyon sa kaibigan ng kaibigan mo." Tinuro niya si Kiel. Wala namang ibang kaibigan si Kiel kundi si Keiz lang kaya paniguradong nandoon din si Keiz! Kailangan kong pigilan si Rosea para hindi na magkagulo. Tinignan pa ng masama ni Clark si Kiel sa magkahawak naming kamay pero hindi ko na iyon masyadong pinagtuonan ng pansin at saka binitawan ang kamay ni Kiel na kanina lang ay hatak-hatak ko at mabilis na tumakbo papuntang cafeteria.

Naramdaman ko namang nakasunod lang sila sa'kin kaya minadali ko nang tumakbo.

Pagkarating ko sa cafeteria na hindi ko din naman namalayan na nandoon na pala sa harapan ko si Clark at mas nagulat pa ako na walang nag-aaway o nangyaring masama dito at sa halip ay pinalibutan ako ng naggagandahang bulaklak.

Mas lalo pa akong nagulat ng kumanta si Clark papalapit sa'kin. Hindi ko maiwasang kiligin pero pilit ko iyong itinago at nagtagumpay naman ako.

He's singing 'Bakit' na sigurado akong cinover lang ni Carlyn Ocampo and may sarili pang tono sa pagkanta si Clark. Natawa ako dahil wala sa tono minsan ang boses ni Clark sa kanta pero hindi iyon ang dahilan para hindi ako mas lalong kiligin. Namumula na din ang pisngi ko.

Pagkatapos ng kanta ay lumapit siya sa'kin at binigyan ako ng teddy bear na ang cute cute tignan kaya mabilis ko itong tinanggap at niyakap ito.

Hindi ko namalayan ang mga tao sa paligid ng cafeteria dahil natuon ang atensyon ko kanina sa kumakanta na si Clark.

Wow, just wow! Plinano niya ito lahat?! Ang galing! And I'm so amazed by his effort!

"Nagulat ka ba?" Tanong niya.

"Oo, akala ko may nangayri talagang masama kay Rosea pero nagulat na lang ako ng iba ang bumungad sa'kin pagkapasok ko dito." Sagot ko.

"Thank you for giving me this cutie teddy bear." Sabi ko sa kanya.

"Your welcome. I'm glad you love my gift for you." He said then wink at me kaya hindi ko mapigilan ang kilig ko.

Pero hindi ko inaasahan na mas lalo akong napahanga sa ginawa ni Kiel kaysa sa kanya.

He's strumming a guitar and hum on his own. I don't know about the tone but it's actually good. He hums again. He's actually good on his guitar. Or I don't know if it is his guitar.

At pagkatapos nun ay napamilyaran ko ang dala-dala niyang maliit na mga libro.

Hanggang sa narealize ko na isa iyon sa nakita kong mga pocketbooks nung nandoon ako sa bahay niya. It got me curious before that's why I like to read it and asked for his permission to borrow his pocketbooks. This is too much but it feels good.

Lumapit siya sa'kin at binigay ang pocketbooks na dala niya at isang maliit na brown box. Napaka elegante niyon tignan.

"It is now yours. No need to give me that back." Sabi ni Kiel.

Nakabawi ako sa gulat at tinignan siya.

"What in the world just happen?" Tanong ko.

"Sorry to frighten you but I've been planning to surprise you. And here it is." Nakangiti niya na iyong sinabi.

"T-Thank you for this wonderful surprise!"

~Flashback~

Yun na yung time na naging mas nadevelop ang nararamdaman ko para sa kanya at ngayon, hindi ko na kaya pang pigilan 'to. I fell inlove with him that's why I felt that this is the time that I will answer him.

"I've decided that... I choose to be with you, Ezekiel Shaun Vallejo."

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top