Chapter 44

Chapter 44: Making A Scene

Clark's Point of View

2 months ago . . .

Pagkatapos naming maglunch sa cafeteria ay nagkuwentuhan pa kami about sa mga lovelife namin.

"Ano nang nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ko.

"Eto pa rin, manliligaw pa rin. Nanliligaw pa rin ako nito." Sagot niya at itinuro si Rosea na natatawang kumakagat ng sandwich at saka napailing-iling din. Habang siya naman ay nakanguso na, dahil siguro pinagtatawanan siya ni Rosea.

"So? Ano naman kung nanliligaw ka pa rin?" Tanong ni Rosea pagkatapos kagatin, nguyain, at lunukin ang natitirang sandwich na nasa kamay niya.

"Wala, pero kailan mo ba ako sasagutin, hmm?" Tanong ni Nic pero tanging tawa lang ni Rosea ang naging sagot sa tanong niya.

"Tsk, buti na lang mahal na kita." Pabulong na sabi ni Nic na narinig ko naman pero itong si Rosea ay hindi narinig kaya kumunot ang noo ni Rosea dahil sa pagbulong ni Nic. Na parang may kausap si Nic sa hangin o kaluluwa.

"Anong sinabi mo?" Tanong ni Rosea habang nakakunot noo pa rin hanggang ngayon habang heto naman ako at pinipigilang matawa dahil sa pagkakunot ng noo ni Rosea.

"Wala," sagot ni Nic kaya napasimangot si Rosea dahilan para hindi ko na mapigilang mapatawa.

Tumingin sa'kin si Rosea at binigyan ako ng masamang tingin pero nandoon pa rin ang nakasimangot niyang mukha.

Kaya ang ginawa ni Nic ay kinurot ang kanyang magkabilang pisngi.

"What a cutie." Sabi ni Nic dahilan para mawala ang pagkasimangot ni Rosea at napalitan ng namumulang pisngi. Wews! Ang sweet naman nitong dalawang 'to! Baka hindi ko kaya ang kanilang kasweetan.

"Oh, namumula ka oh!" Para pang natutuwang sabi ni Nic pero alam kung nasayahan siya dahil namumula ang pisngi ng babaeng mahal niya. Ang corny ko naman ng dahil lang sa kanilang dalawa.

"Tse! Oh, ikaw Clark, kamusta naman ang panliligaw mo sa bestfriend ko?" Tanong niya habang hindi pa rin nawawala ang pamumula ng pisngi niya kaya tumingin na rin si Nic sa'kin ng may nakakalokong ngisi.

"Ano nang nangyari sa panliligaw mo, pre? Nabasted ka ba?" Pagkatanong niya sa huling tanong niyang iyon ay tinignan ko siya ng masama. Ang kalokohan talaga nito!

"Hindi ako nabasted! At ayos naman ang panliligaw ko sa kanya. Natutuwa pa nga siya dahil binigyan ko siya ng libro na gusto niya. At yun ang ikinasasaya ko." Sagot ko.

"Mabuti ka pa at binibigyan mo ng kung ano-ano si Lei habang ito namang katabi ko, walang ginagawa, adik sa kiss lang ang ginagawa niya." Sabi ni Rosea at tumingin kay Nic na nakangisi lang na nakatingin din sa kanya.

"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?" Singhal ni Rosea.

"Kiss lang ang ginagawa ko pero sabi mo hindi ka naimpress? Eh, gustong-gusto mo nga palaging ikiss kita-----" hindi na natuloy ang sasabihin dapat ni Nic ng takpan ni Rosea ang bibig niya para patigilin ito sa sasabihin niya.

"Sige, magsalita ka pa! Makakatikim ka talaga sa'kin mamaya, pagkatapos ng klase!" Inis na sabi ni Rosea pero may bahid dun na pagkapahiya sa tinig niya dahilan para matawa ako ng bahagya.

Bigla na lang akong pinukol ng masamang tingin ni Rosea dahilan para matigil ako sa pagtawa. Saglit lang naman 'yon eh!

"Isa ka pa! Sana karmahin kayong dalawa!" Inis na sabi ni Rosea.

Hindi naman namalayan ni Rosea na hindi na ganun kahigpit ang pagkatakip ng bibig ni Nic sa kamay niya kaya hinawakan ni Nic ang kamay ni Rosea at hinalikan siya sa pisngi dahilan para magulat si Rosea, ganun din ako. What the heck?

Maging ng mga taong nakatingin sa'min ngayon ay nagulat din, ang iba naman ay hindi maitago ang kilig na nararamdaman, ang iba naman ang impit ng tili nila, ang iba naiinggit, ang iba tila naman nagseselos, at lastly, ang iba naman ay galit na nakatingin sa mukha ni Rosea.

Mainggit kayo dahil ang sweet nang dalawa.

Nauna akong nakabawi sa gulat at kasunod niyon ay si Rosea na hindi ko namalayan na pinaghahampas na pala niya sa dibdib si Nic na ngayo'y tawa ng tawa habang walang pakialam na pinaghahampas na pala siya ni Rosea.

"Alam mo bang nakakahiya 'yon, ha?!" Inis na may halong tawa na tanong ni Rosea sa kanya.

"HAHAHA! Alam mo Nic, nakakahiya nga ang ginawa mo kay Rosea pero hindi din naman natin mapipigilan ang kakyutan sa babaeng mahal natin na halikan sa pisngi, diba?" Natatawa kong komento kaya halos mamula sa pagkapahiya at inis si Rosea habang patuloy pa rin sa paghahampas siya sa dibdib ni Nic at nakatingin na din sa'kin ng masama.

"Magkakarma talaga kayo! Sigurado ako!" Inis na sabi ni Rosea.

Hinawakan na ni Nic ang mga kamay ni Rosea para patigilin sa paghampas sa kanyang dibdib, at nagtagumpay naman siya pero nandoon pa rin ang masmaang tingin ni Rosea sa'ming dalawa at mahahalata mo sa kanyang mukha na umibabaw talaga ang kanayang pagkapahiya sa ginawang paghalik ni Nic sa kanya.

"Sus! May hiya-hiya pang nararamdaman eh gustong-gusto mo din naman magpahalik eh." Nanunuksong sabi ni Nic sa kanya kaya halos mamayupos sa inis at pagkapahiya na naman ang nararamdaman ni Rosea.

"Manahimik ka!" Inis na sigaw ni Rosea sa kanya.

Hanggang sa nagsimulang bumulong-bulong ang mga tao sa paligid namin na nandito sa cafeteria.

"Ang PDA niyo!"

"Hoy! Bawal ang PDA dito!"

"Public Display of Affection 'yan!"

"Oh my gosh! Nakakakilig ang ginawa niya!"

"Girlfriend kaya ni Oppa Nic ang babaeng 'yan?"

"Nakakainggit kayo!"

"O. M. G! Nakakadiri! Like eww! Bakit hinalikan niya ang nakakadiring 'yan? So disgusting!"

"I totally agree with you, my friend!"

Yan lang naman ang mga sinasabi ng mga nakakakita sa ginawang paghalik ni Nic at Rosea kanina.

Tsk, mga judgemental!

Nagulat kami ng lumapit si Rosea dun sa babae na nagsabi sa kanya ng 'nakakadiri' at buong lakas itong sinampal!

Gulat na gulat kami sa ginawa niya. Hinawakan ng babaeng nagsabi sa kanya na 'nakakadiri' ang kanyang pisngi at pinukol ng masamang tingin si Rosea. Kung mamamatay lang tayo sa tingin ng babaeng 'yon, sigurado akong paglalamayan na si Rosea ngayon.

"Gosh! That girl is making a scene here in the cafeteria!"

"Bakit niya sinampal?! Hindi niya ba alam na isa 'yan sa kaibigan ng Queen B dito na si Keiz Ferrer? Does she have a mind? She's going crazy!"

"Sinampal pa niya talaga si Nalla Salazar?! What the heck was she doing?!"

Mga mukhang ewan na mga sinasabi ng mga babae sa gilid ko.

"Ang kapal naman ng mukha mong sampalin ako! Sino ka para sampalin ako?!" Galit na galit na tanong ng tinawag ng mga babaeng nasa gilid ko na Nalla Salazar.

"What do you think is the reason why do I slap you?" Balik-tanong ni Rosea sa yung Nalla.

"What a pathetic sl*t and a b*tch you are to slap me! Infront of so many people, really?!" -Nalla.

"Mabuti na nga 'yan sayo para naman makatikim ka ng sampal sa isang Tan na katulad ko!" Sigaw ni Rosea kay Nalla.

"Are you sick? Or something in your throat? Bakit nanginginig ang boses mo?" Sarkastikong tumawa si Nalla.

"What? Hindi ka makapagsalita?" Dugtong nung Nalla. Kaya hindi na makapagpigil na taasan siya ng boses ni Rosea. Para siyang bulkan na sasabog na.

"Kapal mo naman no?!" Ani Rosea.

Lumapit na si Nic sa kanya at pilit siyang pinapatahan sa kanyang nag-aalburutong nararamdaman.

"Eh, diba ikaw naman ang dahilan kung bakit tayo nandito sa sitwasyon na 'to diba?! Kaya wag mo 'kong matawag-tawag na sl*t at b*tch dahil hinding-hindi din naman nalalayo sa ugali mo ang ganun!" Nanggagalaiting saad ni Rosea kay Nalla na ngayo'y diring-diri pa rin kay Rosea, ganun na din ang katabi ni Nalla. Mukhang kaibigan niya ito.

"You're so noisy and annoying! Dapat pala hindi ko na lang pinatulan ang langaw na 'to!" Sabi ng babaeng katabi ng Nalla.

Bumaling ng tingin si Rosea sa babae at binigyan ito ng nakamamatay na tingin at dinuro niya ito. Mabuti na lang talaga mas malakas si Nic sa kanya kundi kanina pa nagsampalan at nagsabunutan ang mga ito.

"Isa ka pa! Eh, sino ka ba?! Pakialamera mo no?!" Hindi na talaga papapigil si Rosea.

"Pakialamera? Ako? Eh, kesa naman sayo basura na nga, langaw pa! And, for your information, kaibigan ko itong inaaway-away mo kaya nakisabat na din ako dahil aping-api na 'yong kaibigan ko!" Sabat muli ng babae.

"At siya pa talaga ang aping-api?! Tse! Mga wala kayong modo! Ikaw, MISSB*TCH, wag mo 'kong matawag-tawag na basura at langaw dahil hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo!" Sarkastikong tumawa si Rosea habang masama pa ring nakatingin sa dalawa.

"Did you just call me, Miss B*tch?! For your information again, may pangalan ako! Ako si Ericka Coleen Hernandez!" Anang babaeng si Ericka pala.

"Pakialam ko naman sa pangalan mo?! Ano ka, Queen of B*tch? At ikaw, Nalla whatever, Queen of Sl*t? Ang bagay-bagay ng mga titulo niyo! Makaalis na nga dito!" Ani Rosea at nagwalk-out na.

Sumunod kaming dalawa ni Nic kay Rosea pero narinig pa rin namin ang mga sigaw ng dalawang babaeng iyon na kaibigan pala ni Keiz. Ang liit nga naman ng mundo.

"Hoy, bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw nung Nalla.

"Hoy, duwag! Bumalik ka dito! You'll pay for this!" Sigaw naman nung Ericka.

Pero hindi na namin 'yon pinansin at sa halip ay nahpatuloy sa paglalakad. Para hindi na magkaroon muli ng gulo sa cafeteria, baka bigla nalang bumalik sa Rosea sa cafeteria at harapin ang dalawang iyon, mahirap na.

***

"Ginagalit talaga ako nung dalawang alipores na 'yon ng buwesitang Keiz na 'yon. Wag lang talagang maglandas ang daan namin, gugulpuhin ko talaga 'yong mga 'yon!" Talagang galit na galit si Rosea habang sinasabi niya 'yon.

Nandito kami ngayon sa parke ng eskwelahan at nakaupo si Rosea habang kaming dalawa ni Nic ay siyempre, nakatayo lang.

Pero unang umupo si Nic sa tabi ni Rosea at hinawakan ang kanyang kamay para patahanin.

Tumahan din naman si Rosea pero binigyan si Nic ng masamang tingin.

"Ikaw kasi eh! Pahamak ka!" Inis na saad ni Rosea.

"Hindi ko din naman alam na mangyayari 'yong nangyari kanina sa canteen eh, pero sorry na." Sabi ni Nic.

"Oo na, sorry din. Baka nasaktan kita kanina dun dahil pilit mo akong inaawat mula sa dalawang babaeng 'yon." Nag-aalalang sabi ni Rosea sa kanya.

"Okay lang ako, Rosea. Hindi ako nasaktan kaya wag ka nang mag-alala." Nakangiti iyong sinabi ni Nic kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam ni Rosea.

"So, bakit mo naman kasi siya sinampal kanina?" Tanong ko para malipat naman ang atensyon ni Rosea at Nic sa'kin, dahil baka magmomoment na naman sila, ako dito nakokornihan sa kanilang dalawa.

"Nakakagalit kasi 'yong sinabi niya eh. Sino ba namang hindi magagalit sa sinabi ng isang alipores ng buwesitang iyon na b*tch at sl*t daw ako, nakakasakit na 'yon ah. At tsaka ang OA nila masyado. Halik lang sa pisngi, nag in-OA na. Tsk, sarap sabunutan." Sagot ni Rosea kaya natawa kamkng dalawa.

"Alam mo, minsan kailangan mong magtimpi para hindi ka makagawa ng gulo, lalong-lalo na 'yong nangyari kanina. Pero hindi din ka namin masisisi kung bakit mo 'yon ginawa dahil talagang nakakasakit sila sa mga sinasabi nila sayo." Wika ko.

"Tsk, bahala na nga. Sa susunod basta makikita ko na naman 'yong dalawang mukhang kalawang, sisiguraduhin ko, hindi lang ganun ang nangyari sa cafeteria ang magiging mangyayari sa kanila." Banta ni Rosea.

"Iba ka talaga 'pag galit no?" Ani Nic.

"Tss, whatever." Sabi din naman ni Rosea.

***

"Uh, pre, aalis lang muna ako. Dadalaw lang ako kay Lei, wala pa namang klase eh." Sabi ko.

"Okay, pre. Basta dalian mo lang ah, mag-aala-una na kasi. Baka magstart na ang klase natin. Bye." Sabi ni Nic.

Tumango ako. "Bye," bumaling ako kay Rosea. "Rosea, aalis lang ako, pupuntahan ko ang kaibigan mo. Sige, bye." Sabi ko kaya tumango siya.

***

Pagkarating ko sa ospital ay mabilis akong pumunta sa room ni Lei.

Pagkapasok ko ay nandoon pa rin siya pero ang nakakapagtaka, bakit sa gilid ng kama niya, may mga prutas at bungkos ng bulaklak, sino ang nagdala sa kanya nun? Imposible namang ako dahil kahit din naman ako nagtataka din.

Nakita ko si Lei na nagbabasa ng libro na hindi ko alam kung ano ang title dahil hindi ko pa nakikita ng buo ang nasa harapan ng libro.

Lumapit kao sa kanya at tumikhim kaya tumigil sa pagbabasa si Lei at nag-angat ng tingin sa'kin kaya ngumiti ako.

"Oh, Clarky, ikaw pala 'yan." Nakangiti ding sabi ni Lei.

Umupo ako sa monoblock chair at nagtanong sa kanya kung sino ba ang nagpadala sa kanya ng mga prutas at bungkos ng bulaklak.

"Kay Kiel 'yon. Pinadalhan niya ako." Sabi ni Lei kaya nawala ang ngiti ko.

Kay Kiel? Bakit naman niya dadalhan ng bulaklak at prutas si Lei? May hindi ba ako alam sa nangyayari? Ang alam ko lang, hindi pa napapatawad ni Lei si Kiel kaya imposibleng nagkabati na sila.

"Bakit ka naman niya padadalhan? Nagkabati na ba kayo?" Tanong ko.

"Well, hmm, yes. And he's courting me. Wala din namang mawawala sa'kin kung papayagin ko siyang manligaw sa'kin kaya ayos lang sa'kin." Nakangiting sagot ni Lei.

So, nanliligaw na pala siya kay Lei? Parang merong kakaiba akong nararamdaman pero hindi ko matukoy kung ano.

"Ahh, nanliligaw na pala siya sayo. Isa na din siyang manliligaw mo." Sabi ko.

"Oo, dalawa na kayong manliligaw sa'kin." Sabi niya kaya ngumiti ako sa kanya pero pilit.

"Okay, so pumunta ako rito kung ayos ka lang ba. Pero mukhang sa lagay mong 'yan, ayos ka nga kaya hindi na dapat ako mag-alala masyado sayo." Pag-iiba ko ng usapan.

"Ayos lang ako dito. Medyo nabobored ako pero ayos lang." Sabi niya.

"Bored ka? Sige, ito na lang, hihingi ako sayo ng pabor at kailangan sasang-ayon ka sa pabor ko then mawawala na ang pagkabored mo." Sabi ko.

"Okay, pero ano naman 'yon?" Aniya.

"Uhm, pwedeng manghingi ng halik?" Tanong ko kaya napatawa siya pagkatapos ay namumula na.

"Sira ka din eh no? Halik talaga? Pero sige, sa pisngio sa noo?" Tanong niya.

"Sa eto," pagkasabi ko ay lumapit ako sa kanya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Nagulat siya pero kalaunan, tinugon niha ang halik. She kissed me back.

Pero pinakawalan ko din 'yon.

"Oh, ayan, tapos na ang pabor na hinihingi ko." Sabi ko.

"Halik sa labi talaga? Tsk, iba ka ring klase no?" Natatawa niyang ani.

Sayang nga lang at hindi ako ang first kiss mo kundi yung pinsan ko. Second kiss lang ang sa'kin.

"I love you," biglang sabi ko dahilan para tumigil siya sa pagtawa at napalitan ng kilig na nararamdaman.

"Hoy, ano ka ba? Pinapakilig mo ba ako?" Tanong niya.

"Eh kung sabihin kong, oo? Kikiligin ka pa rin ba?" Natatawa kong tanong.

She just shrug pero hindi pa din nawala ang kilig na naramdaman niya.

"Sabi ko na nga ba't kikiligin ka pa rin." Sabi ko.

"Tse! Bahala ka nga! Lumayas ka na nga!" Pagtataboy niya sa'kin kaya tumawa ako at tumayo.

"Hindi mo ba gusto ang halik ko? Hindi mo ba namimiss ang halik ko?" Tanong ko sa kanya dahilan para mamula siya.

"Umalis ka na nga! Puro ka kalokohan!" Sabi niya.

"Oh, sige." Sabi ko at lumabas na ng kwarto ng tumatawa pa rin.

***

Sa 1 month pa lang ng panliligaw ko kay Lei, naging masaya kaming dalawa pero kapag nandoon si Kiel, si Lei lang ang sasaya at hindi ako.

1 month pa lang, pero pakiramdam ko matatalo ako sa pagmamahal ni Lei. Pakiramdam ko ganun ang mangyayari eh.

Inamin ni Lei sa'kin na may gusto siya sa'kin kaya sumaya ako pero nawala lang din dahil hindi pa din sa pagmamahal.

Pakiramdam ko mas nagiging close silang Lei at Kiel eh pero hindi ako papatalo, mahal ko si Lei at gagawin ko ang lahat para sa ikasasaya niya.

That's how much I love my bestfriend.

***

-Fastforward-

Tinanong ako ni tito kung mahal ko ba talaga si Lei at totoo ba ang panliligaw ko sa kanya. Siyempre naman, mahal ko si Lei at totoo ang panliligaw ko sa kanya.

Nagkaayos na din kami ni Kiel. Wala na akong pagdududa sa kanya. Masaya nga ako dahil nagkaayos kami pero hindi pa din mawawala ang kompetisyon sa'ming dalawa eh.

Lalo na yung sinabi ko sa kanya noong nakaraang linggo.

"May the best man wins, cuz."

Yun ang sinabi ko ng nakaraang linggo.

Si Kiel naman ngayon ang tinanong ni tito.

Sumagot naman si Kiel.

"Opo, totoo pong napamahal ako sa anak niyo. At totoo din po ang panliligaw ko sa kanya. Hindi ako nagsasawang hatiran siya lagi ng pagkain, bulaklak, prutas o kung ano pa man and I'll wait for Lei kung kailan niya ako sasagutin o kung sa isa man sa'min ang sasagutin niya. Irerespeto ko ang kanyang desisyon dahil mahal ko siya." Sagot ni Kiel kaya napangiti ako.

Mahal na pala niya ang bestfriend ko na liniligawan naming pareho.

"Okay, mukha namang sinsero kayo at totoo talaga ang ginagawa niyo para sa anak ko kaya hindi na ako mag-aalala. What do you think, Olivia?" Ani tito.

"Hmm, you," tinuro ni tita si Kiel at binigyan siya ng makahulugang tingin.

"P-Po?" Napalunok si Kiel dahil sa uri ng pagkakatingin sa kanya ni tita.

"Wala naman, oo, sang-ayon ako sayo,  hon." Sabi ni tita kaya naramdaman kong nakahinga ng maluwag si Kiel pero kakaiba sa kilos niya.

Pero ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top