Chapter 42


Chapter 42: Lei, Can I Court You?

Kiel's Point of View

Buong klase ay bored ako at palaging nakadukdok pero nakikinig naman ako sa dinidiscuss ni Cher habang nakadukdok ako.

Pagkatapos ay tumunog na ang bell kaya madaming nagsigawan.

"Yes! Makakalabas na tayo, nagugutom na ako!"

"Oo nga, mabuti na lang at tumunog na yung bell!"

"Punta na tayong cafeteria!"

Yun lang naman ang mga sigawan ng mga kaklase ko kaya napaismid ako, parang mga isip-bata kung makasigaw. Mga matakaw din.

Nakadukdok pa rin ako hanggang ngayon habang nakikinig sa mga nonsense na mga sinasabi ng mga kaklase ko.

Nakaramdam naman ako ng katahimikan kaya umangat na ako ng tingin at napagtanto kong ako na lang pala ang tao dito. So ibig sabihin nito, umalis na si Clark at mga kasama niya kaya napangiti ako dahil magsisimula na ang plano ni Keiz.

Tumayo ako at nagsimulang naglakad papalayo. I just kept my bag on the room para hindi makahalata sila Clark na wala na ako dito.

Nakapamulsa akong naglakad at tuloy-tuloy lang na naglakad straight. Ang cafeteria kasi ay kailangan mo pang lumiko at bumaba pero hindi ako pumunta doon at saka hindi pa naman ako gutom kaya free akong nakalabas.

Pagdating ko sa gate ay nagsalita si manong guard. Isa din itong makakasira sa plano namin eh. Tsk.

"Ah, Sir Vallejo, lunch time na po ngayon bakit kayo nandito? Nandoon naman po ang cafeteria eh. At tsaka pinagbabawalan pong lumabas ng ganitong oras kahit pa lunch time na." Ani manong guard kaya napaismid ako.

"Manong guard, wala akong pakialam kung pinagbabawalan kaming lumabas at saka pupunta lang ako ng ospital. Ang lapit nga ng ospital eh." Sabi ko.

"Pero, kahit na sir." Pagpipilit ni manong guard.

"I will gonna tell my Mom that you'll be fired if you don't get into my way." I seriously said, nauubusan ng pasensiya.

Mukhang natakot naman si manong guard kaya tumabi siya kaya napangisi ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Takot ka naman pala eh, bakit harang-harang ka pa? Tch, naturingang guard, matatakot naman pala.

Pumasok ako sa kotse ko at nagsimulang pinaandar iyon.

Hindi pa ako papunta patungo sa ospital dahil naghahanap ako ng maliit na bouquet ng bulaklak at tsaka mga prutas. Alam ko namang magugustuhan ni Lei 'to kaya worth it ang pagbayad ko ng ganito. Baka nga mas mataas pa sa worth it ang ginagawa ko dahil baka papatawarin na niya ako... ngayon. Sigurado akong masaya si Keiz nito kapag nalaman niya na pinatawad na ako ni Lei. Ganun din ako, wala akong kahit bahid na pagsisisi sa ginawa ko dahil ang pokus ko ay para kay Keiz. Mahal ko si Keiz kaya susuportahan ko siya sa kahit na anong gawin niya, mapaplano o mapaangkin niya ang pinsan ko.

Hindi ko man aminin, kumirot na naman ang puso ko dahil hindi ako mahal ng taong mahal ko.

Pinilit ko na lang binalewala iyon.

Nakakita naman ako ng flower shop at katabi nito ay fruit section.

Napangiti na lang ako. Mukhang hindi ako namamalas ngayon ah?

Pagkatapos kong bumili ng mga prutas at saka yung bouquet ay mabilis kong ipinasok iyon sa likod ng kotse at pumasok na din ako at pinatakbo na patungo sa Valzon Hospital.

***

Pagdating ko sa ospital at pagkatapos kong kinuha ang dala kong mga prutas sa isang plastic at ang bouquet na bulaklak ay nakangiti akong pumasok.

Huminto muna ako sa nurse na palaging binibisita si Lei at sinabihan siyang gusto kong ipamasyal ang pasyente na palaging binibisita niya with matching nagpapacute para naman tumalab at payagan ako, siyempre nagtagumpay ako dahil nakita ko siyang kinilig at magkakasunod na tumango kaya nalangiti ako at nagwink pa ako bago naglakad na patungong ikalawang room.

How naive of the nurse. Tsk. Sigurado akong madali lang siyang masaktan kapag pinairal niya ang pagiging marupok at martir ng nurse kapag pumasok siya sa isang relasyon. Pero bakit ngab a ako nakikialam sa buhay ng nurse na iyon?

Binalewala ko na lang iyon at saka nagpatuloy sa paglalakad. Medyo nangangalay na ako sa dala kong prutas dahil ang bigat-bigat nito. Mabuti pa 'tong bouquet at magaan pa.

Napatigil ako sa paglalakad dahil muntik ko ng makalimutan kung ano ang ipapasyal ko kay Lei, sa rooftop pala at hindi pa ako nakapaghanda kaya bumalik ako sa may counter para dun ilagay muna ang mga dinala ko at tumango naman ang nurse.

Pagkatapos niyon, ay patakbo akong pumunta ng pinto patungong rooftop. Huli ko lang napagtanto na ang taas pala ng hagdan patungong rooftop. Kaya nga rooftop dahil nasa pinakatuktok iyon. Pero kaya ko 'to, para kay Keiz.

Patakbo akong umakyat ng hagdan. Pero ng nasa gitna na ako ng hagdan ay nakaramdam ako ng pagod pero pinilit kong ipinagsawalang bahala iyon at pinagpatuloy ang pag-akyat ng hagdan pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako tumakbo kundi naglakad na lang dahil baka hingalin ako pagkaabot ko sa rooftop.

***

At sa wakas, narating ko na ang pinakatuktok pero may pinto pa bago ko makita ang rooftop.

Pagkabukas ko ay may nakita na akong heartshaped bench. So may ganun na pala dito? Mukhang rooftop dito sa ospital na 'to ay para sa mga magdadate? Ang swerte ko nga naman, mas ganito ang mga bagay dito, mas romantic.

At dun ko lang nakita ang babaeng mahal ko na nakasandal sa may pinto at parang inip na inip na naghihintay... sa'kin? Naghihintay ba siya sa'kin? Akalain mo nga naman... napangiti na lang ako.

"What's taking you so long? Ugh, I hate waiting pero para sa plano kailangan kitang hintayin. Mamaya ka talaga sa'kin." Naiinis na nagagalit niyang banta sa'kin kaya napatawa ako.

"At ano naman ang gagawin mo sa'kin mamaya?" Nakakaloko kong tanong.

"Edi, siyempre kukutusan kita at pipitikin kita ng pagkalakas-lakas." Inis niyang sagot.

"Kaya mo ba akong nakikitang masaktan sa mga pinagsasabi mo?" Tanong ko, napangisi.

"Tch, whatever. Mabuti na lang talaga at tapos na akong kumain kundi mabibigyan kita ng tigdadalawang pitik at kutos." Sabi niya kaya napasmirk ako.

"Oh, ano pang hinihintay natin? Start na tayo para matapos na tayo dito." Sabi niya kaya tumango ako at nagsimula ng magbuhat ng kakailanganin.

***

Pagkatapos ang lahat ng ginagawa namin ay napangisi at sumaya ang mukha ni Keiz kaya napangiti din ako. Her smile is astonish as ever.

"Great job sa'ting dalawa!" Aniya at parang akma siyang makipag-apir sa'kin ng tumigil siya at napatikhim pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa ginawa namin ngayon lang. Simple lang siya pero maganda ang kinalabasan.

"Are you done eating, Kiel?" Tanong niya kaya umiling ako bilang sagot.

"You should eat because it might damage your health! Geez!" Inis niyang sabi, para siyang nag-aalala.

"Concern?" Biro ko.

Tumingin siya sa'kin at tinignan ako ng masama.

"Anong concern sinasabi mo dyan? Kailangan mo lang kumain, yun lang! Duh! Wag mong bigyan ng malisya." Sabi niya.

"Eh bakit ka namumula?" Tanong ko na may halong pang-aasar at itinuro ang pisngi niya.

"Whatever you're saying. Makaalis na nga! Badtrip!" Sabi niya at nagmamartsang pumasok sa pinto kaya ako ngayon ay natatawa na napapailing sa inakto niya.

What a cutie.

***

Pagkatapos ng paghahanda sa rooftop ay tumatakbo akong bumaba at pagdating ko na sa baba ay naglalakad akong pumunta sa counter para kuhanin ang mga prutas at bouquet of flowers.

Pagkatapos ay pumunta na patungo sa ikalawang kwarto na kung saan ay nandoon si Lei.

Huminga muna ako ng malalim bago pinagbuksan ang pinto kahit nahihirapan akong buksan iyon dahil sa bitbit ko ngayon.

Pagkapasok ko ay nag-angat ng tingin sa'kin si Lei at ganun na lang ang gulat niya ng makitang ako ang pumasok. Mukha ba akong multo sa lagay kong 'to?

Ngumiti lang ako at naglakad palapit sa kanya.

"Bakit ka naman ba nandito?" Halatang may inis sa tanong niya.

At siyempre may part sa'kin na nakakainis din. Obvious naman na binisita ko siya, ano pa ba ang kailangan kong gagawin? Pero kinalma ko ang sarili ko.

"Bilang pasasalamat sa pagbigay ng chance mo sa'kin." Nakangiti kong sabi sabay binigyan siya ng bouquet ng bulaklak at inilagay sa mesa ang dala kong prutas.

"Salamat." Sabi niya pagkatapos ko siyang bigyan ng dinala ko.

"Kamusta ka na dito?" Tanong ko.

"Ayos lang naman. At tsaka bakit ka ba nandito na naman?" Aniya.

Diretso ko siyang sinagot. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

"Gusto mo bang pumunta tayo sa rooftop? Nasabi ko na sa nurse ang pagpunta natin sa rooftop. Makakalakad ka naman pero aalalayan na lang kita baka sakaling magcollapse ka." Sagot ko.

Sana naman pumayag siya. Sayang lang kapag hindi siya pumayag.

"Sige, matagal na kasi akong hindi na nakakakita sa labas." Sabi niya kaya napangiti ako.

Our plan is working.

***

"You're now forgiven, Kiel." Sabi niya na siyang nagpagulat sa'kin.

P-Pinatawad na niya ako?

Hanggang sa unti-unti akong nakarekober dahilan para mapasigaw ako.

"Yes! Salamat, Lei! Salamat dahil pinatawad mo na ako! Ang saya-saya ko ngayon!" Hindi ko napigilang sigaw ko kaya narinig ko siyang tumawa.

"Shut up, Kiel. You're so funny when you do that." Tatawa-tawa niyang komento.

"I just can't believe that you actually forgive me. Thank you so much, Lei. Promise, I will never do what I've done before." Nakangiti kong sabi.

The plan is working all over. Thanks to my love.

"It's no big deal but you're welcome. Umupo ka na nga, mukha ka nang baliw." Sabi niya kaya bumalik ako sa pagkakaupo.

Pagkaupo ko ay pasimple akong bumuga ng hininga at inikot ko ang isa kong kamay patungo sa kaniyang balikat. Lakas makatsansing kahit plano lang ito pero I like the feeling kapag si Keiz ang inakbayan ko in this romantic scene. Sayang nga lang dahil si Lei ang unang babaeng ginawan ko ng ganito pero para kay Keiz ang bawat ginagawa ko at hindi para sa katabi ko ngsyon.

Ang inaasahan ko pa naman ay ihahawi ni Lei yung kamay ko na nakapatong sa kanyang balikat pero nagulat ako ng hindi niya iyon ihinawi. Sapagkat, mas ginanahan siya sa pagkakaakbay ko sa kanya.

Matagal na katahimikan ang namutawi sa'min pero ako ang bumasag sa katahimikan niyon.

"Lei?" Tawag ko sa kanya habang nakaakbay pa ako sa kanya.

"Hmm?" Tugon niya.

This is it!

Bumuga ako ng malalim na hininga at sa pagkakataon na 'to ay hinawakan ko na ang kamay niya. Wala akong malisya dun pero para sa kanya ay mukhang meron.

"May itatanong ako sa'yo." Seryoso kong sambit.

Kita ko sa kanyang mukha na kinakabahan siya. Mabuti naman at kinakabahan ka dahil kakabahan ka na talaga.

"W-What are you going to ask?" Tanong niya na may halong kaba.

"Lei, can I court you?"

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top