Chapter 41

Chapter 41: Forgiven

Lei's Point of View

Habang naglalakad kami ay bigla na lang akong nakaramdam ng hilo at muntik ng bumagsak, mabuti na lang at naaalalayan na ako ni Kiel bago pa ako bumagsak.

"Salamat." Tanging sabi ko.

"Welcome." Sabi niya at inakay niya ako hanggang sa nasa tapat kami para makaakyat patungong rooftop.

Ang haba ng hagdanan kaya talagang mahihirapan kaming akyatin ito lalo pa't nakaalalay sa'kin si Kiel, mabigat pa naman ako baka hindi niya kayanin yung katawan ko.

"Ahh, Kiel, okay na ako, wag mo na lang akong aalalayan, kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko. Baka makonsensya ako sayo dahil talagang mabigat ako.

"Sigurado ka ba? Pwede naman kitang ipiggyback na lang para hindi ka mahirapan. Baka bumalik ang hilo mo." Sabi niya.

"Oo, kaya ko lang ang sarili ko." Sabi ko.

"O-Okay, sige. Basta ikaw muna ang umuna at susunod lang ako sayo baka bumagsak ka na naman. I will make sure that you are safe." Aniya kaya tumango ako at sinimulan nang humakbang at hinawakan ang para mahawakan sa gilid ng hagdan. At tuloy-tuloy na ako sa paghakbang.

Mayamaya lang ay parang may sumakal sa leeg ko kahit wala naman. Hinhingal na ako, hindi ko na kaya!

Narinig ko naman ang patakbong papalapit sa'kin na si Kiel at madali akong inalalayan.

"Sabi ko naman kasi sayong ipiggyback na lang kita. Tingnan mo nga ang sarili mo ngayon, mukha ka nang malalagutan ng hininga. Wag ka nang matigas ang ulo at hayaan mo na lang akong ipiggyback kita." Sabi niya kaya tumango na lang ako ng nag-aalinlangan.

Pumunta siya sa harapan at yumuko para magpantay kaya ang ginawa ko ay lumapit ako sa kanya at kumapit sa kanyang leeg ng medyo para hindi siya masakal at hinawakan niya ang magkabilang likod sa tuhod ko at nagsimula nang humakbang paakyat.

Ang bigat-bigat ko!

Mayamaya lang ay narating na namin ang pinto para sa rooftop. Bumitaw na ako sa pagkapiggyback sa kanya at pinasalmatan siya. Tumango siya at nakita ko pang may namumuong pawis sa kanyang noo. Nahihirapan siya! Naguilty tuloy ako bigla. Bakit ba ang dali ko nang mapagod?

"Sorry dahil ang bigat ko. Nahihirapan ka pang bumuhat sa'kin." Paumanhin ko pero tanging iling lang siya.

"Don't say sorry. Ako naman ang may gusto na magpapiggyback eh. At wag kang maguilty dahil sa sarili ko din naguilty din ako dahil sa pinaakyat kita paparito sa rooftop." Sabi niya.

"Wag ka ding maguilty dahil sigurado naman akong worth it din naman ang pagod at hirap mo." Nakangiting sabi ko.

"Salamat," sabi niya kaya natigilan ako at ipinagtaka ang sinabi niya.

"Bakit ka naman nagt-thank you sa'kin?" Taka kong tanong.

"Dahil sinabihan mo akong worth it ang hirap at pagod ko sa pagparito sa rooftop. At sinigurado mo pa." Sagot niya kaya napatawa ako ng bahagya.

"Nang dahil lang dun? Pero bahala na, walang anuman, Kiel. Pero kailan mo pa buksan ang pinto para makita ko na ang sa labas ng rooftop?" Ani ko.

"Ay, oo nga pala. Teka lang, iblablindfold muna kita." Sabi niya ng nakangiti.

"Ha? Bakit naman? Hoy! Kikidnapin mo ba 'ko?" Sabi ko pero tanging tumawa lang siya.

Napanatag ako dahil sa simpleng pagtawa niya.

Blinaynd-fold niya ako at nagsimula naman akong maglakad dahil pakiramdam kong kailangan ko ng maglakad pero yun pala ay ang pagkakamali ko dahil nauntog ako sa pinto kaya ang nangyari? Malapit na naman akong bumagsak mabuti na lang at nasalo ako ni Kiel.

Nakarinig pa ako ng tawa at bungisngis niya dahilan para mapairap ako sa kwalan dahil hindi naman niya makikita ang pag-irap ko.

"Nakakatawa ka, alam mo ba 'yon? Sasabihan dapat kita na wag munang maglakad, excited mo naman. Wait lang." Sabi niya pagkatayo ko.

"Eh dapat nga sinabihan mo na ako, wag mo akong pagtatawanan dahil nakakairita ka. At hindi pa kita napapatawad kaya wag mo 'kong magtatawanan." Sabi ko kaya naramdaman ko namang tumigil siya sa pagtawa at napabuntong-hininga.

"Sige," yun lang yung sinabi niya at nakarinig naman ako ng pagpihit ng doorknob at yun na ang senyales na pwede na akong lumabas.

Dahan-dahan lang ang paghakbang ko dahil baka madapa ako at pagtawanan pa ako ng lokong ito.

"Buksan mo na ang blindfold." Sabi ko, hindi ko na kailangan magtanong dahil tumigil naman ako sa paglakad at naramdaman ko naman na ganun din siya.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa likuran ko at hinubad na niya ang blindfold.

Medyo blurd pa ang paningin ko pero mayamaya lang ay naaaninag ko na ang paligid at ganun na lang ang gulat ko ng ang ganda ng nasa harap ko.

Isang heartshaped na upuan para sa mga couple at may balloon hearts pa na nakasabit sa magkabilang gilid. At huli ko lang namalayan na tumulo ang luha ko ng walang dahilan. Bakit ba naging emotional ako? Eh, simpleng effort lang itong ginagawa ni Kiel eh. Ewan ko ba, pero parang dpaat ko na siyang patawarin.

Nawala ang galit na nanggagaling sa puso ko, hidni din kumontra ang isip ko kaya dapat ko na siyang patawarin pero mayamaya na dahil busy ako sa pagdadrama ko dito.

"Oh? Bakit ka umiiyak dyan?" Tanong niya at bahagya pang tumawa bago niya iniabot sa'kin na sa tingin ko ay ang panyo niya at tinanggap ko naman iyon.

Yung luha lang ang pinunasan ko dahil nakakahiya din kapag pati din ang sipon ko. Hindi pa naman akin 'to at sa kanya 'tong panyong 'to.

Ibinalik ko din kaagad ko iyon sa kanya at tinanggap din naman niya ang panyo niya.

"Nasurpresa ba kita?" Aniya.

"Ano sa tingin mo?" Balik-tanong ko sa kanya kaya napatawa na naman siya.

"Obvious nga naman. Bakit pa nga ba ako nagtanong?" Aniya at napailing. Ako naman ay napairap sa kawalan.

"Gusto mo na bang umupo?" Tanong niya.

"Oo, pwede ba akong umupo sa heartshaped bench na 'yan?" Tanong ko. Siniguro ko lang para hindi ako mapahiya.

"Ano sa tingin mo?" Panggagaya niya sa tinig ko sa tanong ko kanina kaya natawa ako.

"Oy! Wag mo ngang ginagaya ang boses ko. Mukha kang bading kapag ginagaya mo ang boses mo." Saway ko habang natatawa.

"Eh kung ayaw ko?" Nakakalokong aniya.

"Tch, bahala ka nga." Sabi ko at nagmamartsang lumakad patungo sa heartshaped bench. Narinig ko pa siyang tumatawang mag-isa. Parang baliw! Loko-lokong 'yon! Tinukso pa ako!

Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon lang ang pansin sa view sa harap. Napanganga lang ako sa pagkamangha at ganda. Ang ganda! Ang ganda-ganda!

Habang naaaliw ako sa view na ang ganda-ganda ay naramdaman kong may tumabi sa'kin.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya na parang may galak sa boses at umaasa na hindi ko maintindihan.

"Oo, ang ganda dito. Sobra pa pala sa ganda!" Masayang sagot ko kaya narinig ko siyang tumawa lang ng maikli.

"That's good to hear." Aniya at kasabay nun ang katahimikan.

"So beautiful," mayamaya niya'y sinabi kaya nakangiti din akong tumango.

"Oo nga, ang ganda ng view." Komento ko.

At tumingin sa kanya na sana pala hindi ko na lang ginawa dahil nailang lang ako.

Pagkatingin ko kasi sa kanya ay nagtama ang paningin namin kasabay nun ang pamumula ng pisngi ko.

Ako ba yung tinutukoy niyang maganda?

Napailing na lang ako sa sariling naisip. Baka guni-guni ko lang 'yon. Masama pa naman maghallucinate.

Hindi niya ako sinabihan ng maganda. Itatak ko 'yan... sabi ng isip ko. Tama! Baka nga namamalikmata lang ako sa pagtama ng paningin naming dalawa.

I took a deep sigh and stood up from the heartshaped bench and walk towards the terrace of the hospital. Feeling the gentle breeze of the wind. I love fresh air because it gives my mind at peace.

Nakaramdam na naman ako ng merong nakabi sa'kin kaya tiningnan ko siya.

"Salamat pala dahil dinala mo ako dito. Nakalanghap din ako ng preskong hangin sa labas." Nakangiti kong sabi at humarap sa kanya.

Nakangiti din siyang humarap sa'kin habang nakacross-arms.

"Your welcome, Lei. Para hindi ka na mabored sa kwarto mo." Sabi niya.

"Paano mo naman nalaman na mabobored lang ako sa kwarto ko?" Tanong ko.

"Well, it's obvious naman. Hindi ka pwedeng magpahawak ng selpon mo dahil makaapekto iyon sa utak mo." Sagot niya.

"Hihi, alam ko naman 'yon. Binibiro lang kita." Nakatawa pang sabi ko.

Pero agad ding natigilan dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko basta na lang na hindi ko namalayan na namumula na pala ang pisngi ko... ulit.

"You're so cute." Matamis pa na ngiting sabi niya.

Ayon na naman ang ngiti niyang iyon. Yung ngiti niya dun sa kwarto ko, dun bumilis ang tibok ng puso ko. I know it's corny to say this but I'm starting to feel weird for him. And I'm happy about it. But why would I be happy?

"Sus! B-Bolero!" Kunwaring tawa ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako sa nararamdaman kong kakaiba para sa kanya.

"Hindi ako nambobola. Totoo yun." Sabi niya.

"Tsk! O edi hindi ka nambola." Inis na naman kunwaring sabi ko.

Napatawa naman siya. "Alam mo, first time ko itong ginawa para sa isang babae." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Huh? Wala ka pa bang girlfriend sa ganyang mukha mo? Joke ba 'yan?" Natatawang tanong ko.

"Hindi ako nagbibiro. Totoo talagang ikaw palang ang babaeng nakapagpagawa ko ng ganito." Seryoso niyang sabi pero may ngiti.

"Ah, okay." Sabi ko. Yun lsng yung nasabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin kong iba.

***

"Lei?" Tawag niya sa pangalan ko.

"Hmm?" Tugon ko.

"When will you forgive me?" Tanong niya bigla kaya bumaling ako sa kanya.

"Ugh, I think it's the time." Nakangiti kong sabi.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay ngumiti sa kanya.

"You're now forgiven, Kiel."

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top