Chapter 40

Soundtrack: Always You by Astro

Chapter 40: Sorry

Lei's Point of View

Napangiti ako sa kwintas na ibinili na Clarky para sa'kin. Talagang nag-effort siyang bumili ng ganito ka mamahalin na kwintas ah. Dagdag points ko iyon para sa kanya dahil nag-effort siyang bumili ng kwintas kahi mamahalin pa. Simple lang ang kwintas pero parang ang eleganteng tignan.

"So, may bisita pa nga tayo ngayon. Wag kang kabahan ha? Nandito lang ako." Sabi niya pagkatapos kong mamula sa puri niya kanina. Hinawakan pa niya ang kamay ko kaya taka akong napatingin sa kanya peo kahit nagtataka ako tumango ako at hinawakan din ang kamay niya.

Kasunod niyon ay may bumukas sa pinto at iniluwal niyon ang hindi ko inaasahang magiging bisita ko ngayon. Hindi ko naman namalayan na nakakapit na ako ng mahigpit sa kamay ni Clarky dahil sa gulat, kaba, galit, at inis. Ayaw ko siyang makitang muli kaya nga iniiwasan ko siya sa school!

Mas lumapit pa siya kaya hindi ko na mapigilan na kumapit ng mahigpit na mahigpit sa kamay ni Clark dahil sa kaba at napastiff. Pero bakit nga ba ako kinakabahan?

"H-Hello, L-Lei?" patanong niyang bati sa'kin!

Pilit kong pinakalma ang buong sistema ko para hindi siya masigawan o kung ano man ang maaari kong gawin sa kanya 'pag nagkataon. At nagtagumpay naman ako bago ako magsalita.

"Bakit ka nandito... K-Kiel?" tanong ko.

"Uhh... uhmm... g-gusto ko l-lang m-makipag-usap sayo kahit saglit l-lang?" patanong na naman niyang sabi kaya napatingin ako ka Clarky.

Tumango naman siya senyales na pwede ko siyang payagang makipag-usap sa'kin.

Bumaling ako ng tingin kay Kiel at napabuntong-hiningang tumango.

"Pero, kailangan nandito pa rin si Clarky." Sabi ko.

"Huh? Clarky? Akala ko ba Wayne yung tawag mo sa kanya?" tanong niya na parang walang nangyaring bigat na pakiramdam dito sa loob ng kwarto.

"She remembers everything now. And just do now what you will going to do 'cause it pisses me off." seryoso bagama't may galit sa tinig ni Clarky.

"Okay," sabi ni Kiel at saka tumikhim bago nagsabi sa kung ano man ang kanyang sasabihin.

"First of all Lei, hindi ko talagang sinadya kang halikan, nadala lang ako sa nararamdaman ko at para matahimik ka sa kakadaldal mo sa room ko. Second, nung tinangka kitang halikan sa locker na kung saan walang tao, hindi ko din iyon sinasadya dahil parehas lang din ang dahilan kung bakit kita ginanun kaya gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko sayo nun. Lei, I'm sorry. So sorry. Hindi ko na talaga uulitin, talagang nadala lang ako sa nararamdaman kaya patawad ulit, Lei. I regretted everything that I had did to you." Patawad niya ng buong puso, sinsero at halos muntik na siyang lumuhod sa harapan ko! Mabuti na lang at pinigilan ko.

"Hindi ko alam kung papaano kita patatawarin pero bibigyan kita ng chance para mapatunayan ko na totoo 'yang paghingi mo ng tawad." Mahinahong sabi ko.

Swerte siya dahil hindi ako masamang tao at pinayagan siyang bigyan ko siya ng chance para patunayan niya ang kanyang sinasabi at tawad niya.

"Sige, hindi ko sasayangin ang chance na binigay mo sa'kin para lang mapatawad mo ako. Sorry talaga." Sabi niya at akmang lalapit sa'kin ng pigilan ko siya dahilan para mapahinto siya.

"I understand why you don't want to. Papaalam lang sana ako. See you." Sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti at ng dahil dun, may kakaiba akong nararamdaman. Ang weird eh hindi ko mapangalanan dahil lang sa genuine smile na 'yon. Ang gwapo pala niya kapag nakangiti ng ganun, sa school kasi palagi siyang seryoso at walang panahong sasaya siya.

Tumango lang ako at ganun din si Clarky bago siya nakangiting lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ni Kiel sa kwarto ay tumingin sa Clarky sa'kin at ako naman ay napabuntong-hininga at nakahinga na nang maluwang dahil nagsorry na siya sa ginawa niyang paghalik sa'kin. He is my first ever first kiss kaya ganun na lang ang galit ko sa kanya. Hindi siya ang dapat maging first kiss ko, kundi yung taong mahal ko.

"Sigurado ka bang bibigyan o siya ng chance?" Tanong niya sa'kin, halatang nag-aalinlangan siyang itanong iyon.

"Oo, para naman mapatunayan ko na hindi siya sinungaling sa kanyang sorry." Sagot ko sa kanya.

"Hindi mo ba siya pinaghihinalaan sa mga ikinikilos niya? Kasi ako, ganun yung nararamdaman ko ngayon eh." Sabi niya sa'kin at umiling lang ako bilang sagot.

"Bakit naman ako maghihinala sa kanya? Wala namang kahina-hinala sa mga ikinikilos niya." Sabi ko at binigyan siya ng paninigurado na ngiti.

"Pero, Lei, baka..." aniya pero pinatigil ko siya.

"Masamang mangbintang ng kung ano at hindi pa tayo sigurado kung totoo 'yang hinala mo sa kanya. Ako ng bahala, kaya ko ang sarili ko." Sabi ko.

Bumuntong-hininga siya at saka dahan-dahang tumango. Halata sa kanyang mukha na hindi siya sang-ayon sa sinasabi ko pero pinilit niya pa ring suportahan ako sa desisyon ko.

Sana nga tama lang ang desisyon ko na bigyan siya ng chance. Chance para mapatunayan.

___________

Kiel's Point of View

Pagkalabas ko ng kwarto ni Lei ay patakbo akong lumabas ng ospital para sabihin ko kay Keiz ang nagawa ko sa ospital. Nandoon lang siya sa loob ng kotse ko. At narinig din niya ang pag-uusap namin ni Clark at nirecord pa.

Pagkalabas ko ng ospital ay pumasok na ako sa kotse at ang bungad ni Keiz sa'kin? Tanong.

"Ano nang pinag-uusapan niyo sa kwarto ng kapatid ko?" tanong niya.

"Nagsorry ako sa kanya at ipinakita sa kanya ang pagiging sinsero ko sa pagsabi ng lintik na sorry na 'yon. Pero kahit ganun ako kasinsero, mukhang pinagdududahan pa niya ako dahil nandun yung pesteng pinsan ko, and you know what? Nakahawak pa yung kamay ni Lei sa kamay nung peste kong pinsan." Pagkwekwento ko.

Kita ko naman sa kanyang mukha na nagagalit.

"Argghh! Yung babaeng yun talaga! Inaagaw sa'kin ang dapat ng sa akin! Geez! I hated the fact that she's my sister!" Naiirita niyang sabi.

"Wag ka ngang magalit muna dyan, hindi pa ako tapos sa pagkukuwento. So, ayun nga, binigyan ako ng chance ni Lei para patunayan ko ang sarili ko sa lintik na sorry na 'yon. Kahit labag sa kalooban ko na sundin siya, sinunod ko na lang para hindi masira yung plano natin sa kanya. And I will start that chance, later. Done saying." Sabi ko.

Nawala naman kaagad ang galit niya at bigla na lang siyang nakaisip ng ideya kung ano ang gagawin ko sa chance na binigay sa'kin ni Lei kanina. Sabi ko nga, gagawin ko lang yung chance na binigay niya sa'kin mamaya.

"Eto ang plano natin. First, dapat hindi pa nakakarating si Clark sa ospital, dahil siyempre klase naman ngayon. Lunes na. Second, papasok ka sa kwarto ng kapatid ko at bibigyan mo siya ng bulaklak at tsaka dalhan mo siya ng prutas o di kaya'y para sa lunch, lunch natin gagawin yung chance ha? Then, lastly, sasabihin mo sa kanya na lumabas kayo at umakyat ng rooftop at pagmasdan ang magandang mga tanawin pati ang makalanghap ng preskong hangin para mas romantic. Baka, patatawarin ka na niya nun. Gets mo ba?" aniya at wala akong pag-aalinlangan na tumango.

"Good! That's all I can help to that chance of yours to my sister. Now, can we go back to school?" aniya.

Pero wala akong ginawa at sinunod at nanatili lang na nakatingin sa kanya. Naghihintay ng papuri o thank you man lang dahil tinulungan ko siya para kay Clark pero walang ganun. Bigo ako.

Hindi ko naman namalayan na nakatingin din pala siya sa'kin kaya nailang ako. Awkward! Ganun din siya at tumingin na lang sa bintana.

"A-Ano pa ba ang g-ginagawa natin dito? A-Alis na tayo!" kunwaring inis na sabi niya kaya tukango na lang ako at pinaandar na ang kotse at tsaka tumakbo na papalayo ang sasakyan at patungo na sa school namin. Hindi naman kalayuan ang ospital at school dahil magkatabi lang sila.

***

Pagkastop ko sa sasakyan ay mabilis akong bumaba at bubuksan na sana ang pinto pero pinigilan niya ako at siya na daw ang bubukas. Tutulungan ko sana siyang aalalayan pero tumanggi na naman siya at sinabi niyang kaya daw niya ang sarili niya kaya bagsak ang balikat akong naglakad na lang papasok sa school.

Sigurado akong hindi siya sasabay sa'king maglakad kaya ako na ang unang pumasok kaysa naman umasa pa akong sabayin niya ako.

I will never get the chance to be loved by her so I don't want to get false hopes because of her. She will never feel the same way for me, ever. Even if I will get hurt, I'll support her and be with her through her ups and downs... and that's m promise to myself.

Pagkapasok ko ay nandoon na ang cher namin, nagtuturo na. At imbes na batiin siya at magsorry, linampasan ko na lang siya at padabog na inilagay ang bag ko sa upuan ko at dumukdok sa armrest. Wala akong panahon para makinig.

"Aba'y bastos kang bata ka ah! Halika nga rito, Mister IDONTKNOW! Sagutin mo ang tanong ko!" sigaw ng bungangera naming cher. Si Cher Chanel Bartolome. Pangalan pa lang, alam ng bungangera ito at palaging mainit ang ulo.

Pinilit kong mag-angat ng tingin kahit nabobordan ako at pinilit na tumayo.

"Yes, cher?" Parang walang nangyari sa pagitan namin ni Cher Chanel na tanong ko.

Cher yung tawag ko sa kanya dahil gusto ko lang.

"Aba! Bastos ka nga talaga! Sige kwekwestiyunin kita at sisiguraduhin mong tama ang sagot mo. Naiintindihan mo ba, Mister IDONTKNOW?!" Galit niyang tanong at ipinakibit balikat ko na lang iyon.

"Ah, cher. Meron akong apelyido at pangalan. Vallejo ang apelyido ko at Ezekiel Shaun yung pangalan ko, Kiel yung palayaw nila sa'kin." Sabi ko. Nakakairita kasi pag sasabihin niya ang apelyido ko na may IDONTKNOW pa. Tsk!

Nadinig ko naman na ma tumatawa sa harap pero nasa gilid ko kaya bored akong tumingin sa kanya. Nagulat pa ako kung sino ang tumawa pero nakarekober din at bumalik sa dati kong ekspresyon, ang pagiging bored. Bakit ako nagulat? Yung bestfriend ni Lei na si Rosea at yung bestfriend ng peste kong pinsan na si Nic nakatingin sa'kin. Si Rosea tumatawa ng palihim dahil baka marinig ni cher at si Nic na nakangisi lang na nakatingin sa'kin.

Anong nakakatawa?

"Tse! Wala akong pake kung ano ang pangalan at apelyido mo. Maganda sana ang pangalan pero ang bastos ng ugali! Dali, sagutin mo ito! What is effective questioning?!" galit na ani cher.

It's an easy question.

"Effective questioning is not always made to elicit "correct answer", but to discover what you as students are thinking so as to advance your learning. The art of questioning varies depending on the type of answer you are looking for. Effective question strategies capture students' attention, foster student involvement, and facilitate a positive, active learning envrironment. That's my answer Cher, what do you want to ask and I'm willing to answer it." Bored kong sagot sa tanong ni cher.

Tumingin muna ako saglit sa mga kaklase ko bago tumingin muli sa harap. Nakanganga silang lahat, hindi makapaniwala.

Si cher ang unang nakabawi at nagsalita.

"A-Ahh, you may n-now take a s-seat, M-Mister V-Vallejo. That's all I wanna a-ask." Utal-utal na sabi ni cher kaya bumalik ako sa pagkadukdok sa armrest ng upuan. Pero bago pa 'yon ay tumingin ako saglit kina Rosea at Nic, sila rin mga naknganga na nakatingin sa'kin pa rin hanggang ngayon kaya napangisi ako ng hindi ko namalayan bago ako tuluyang dumukdok.

Gagawa pa naman ako mamaya sa plano ni Keiz para sa chance na binigay sa'kin ni Lei kaya mahaba-haba talaga ang araw na 'to para sa'kin.

__________

Clark's Point of View

Pagkarating ko ng school ay wala ng estudyante na pakalat-kalat kaya sigurado akong nagsimula na ang klase, and obviously, I'm late already. Mabuti na lang pinapapasok ako ni Manong Guard dahil nga sa ako nag naka sa isa sa co-owners ng school na 'to.

Ngumiti at kumaway lang ako kay manong guard kaya ganun din si manong guard bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungo sa room namin.

Habang papalapit na ako sa room ay narinig ko na ang sigaw ng substitute teacher namin, si Ms. Chanel Bartolome. Pero bakit naman siya nagsusumigaw?

Lumapit pa ako para marinig ang sinisigawan ni Ms. Chanel. Hanggang sa narinig ko na nga kung bakit nagsusumigaw si Ms. Chanel.

Ng dahil lang sa pinsan ko.

Tinanong pa ni Ms. Chanel si Kiel about Effective Questioning at sinagot naman 'yon ni Kiel in a complete way pagkatapos hindi ko naman namalayan na nasa harap na pala ako sa pinto at handa nang pumasok.

Napatingin naman sa'kin si Ms. Chanel at sinabihan niya akong pumasok na, tumango lang ako at pumunta na sa inuupuan ko. Mabuti na lang at hindi ako pinagalitan ni Ms. Chanel at mapagbuntungan sa galit niya kay Kiel.

"Class, get one whole sheet of pad paper and copy those that I write on the board and after that you may now take your lunch." Sabi pagkaraan ng ilang hours ni Ms. Chanel.

"Yes, sa wakas makakalunch na tayo. Nagugutom na talaga ako."

"Yehey!"

"Yipee!"

Mga sinasabi ng mga kaklase ko except nilang Rosea, Nic, at Kiel na ngayo'y nakadukdok pa rin. Pero alam kong nakikinig lang siya.

Pagkatapos ng pagcopy namin ay halos magtakbuhan na ang kaklase nain sa paglabas ng room para makakain na. Ang iba nagrereklamo na dahil mabagal daw ang mga kaklase namin sa paglabas ng room.

Lumapit sa'kin sila Nic at Rosea habang si Kiel naman ay nanatiling nakadukdok sa mesa.

"Clark, labas na tayo. Nagugutom na kami oh." Sabi ni Nic kaya tumango ako.

Iniligpit ko yung mga natitirang gamit ko sa armrest ng upuan ko sa bag ko at sabay na kaming lumabas ng room patungo sa cafeteria.

___________

Lei's Point of View

Pagkatapos akong icheck ng isang nurse na babae ay sinabihan niya ako na okay na daw ako at next week na daw ako makakalabas at kailangan daw kumain ako ng mga prutas para maging malakas ako lalo na ang mga veggies kaya walang pag-aalinlangan akong tumango bago siya lumabas.

Lunch na kaya kinuha ko ang biniling pagkain ni daddy sa'kin at sinimulang kainin iyon. At siyempre para hindi ako makaramdam ng pag-iisa ay naisipan kong magpamusic ng Kpop music, yung Astro.

Always You by Astro yung pinamusic ko.

Nakisabay din ako sa kanta pagkatapos kong nguya ng pagkain.

Pagkatapos ng Always You ng Astro ay pinamusic ko ang Bakit (Cover) ni Carlyn Ocampo at pinakinggan ang kantang iyon.

Habang pinakikinggan ko ang kanta ay feeling ko, natamaan ako? Bakit naman ako tatamaan?

Doon sa part na chorus na ng kanta ako parang tinamaan ako.

Pero nung natapos na ang Bakit na cover ni Carlyn Ocampo ay nawala lang ang pakiramdam ko na iyon.

Weird!

Pagkatapos kong kumain ng lunch ay ang pagbukas ng pinto. Akala ko nurse na naman iyon pero hindi ko inaasahan ang pumasok sa kwarto ko.

Ezekiel Shaun Vallejo, bakit ka nandito?

"Bakit ka naman ba nandito?" inis na tanong ko.

"Bilang pasasalamat sa pagbigay ng chance mo sa'kin." Sabi niya ng nakangiti at binigyan ako ng bulaklak at prutas.

Tinanggap ko naman iyon para hindi siya mapahiya.

"Salamat." Tanging sabi ko.

"Kamusta ka na dito?" Tanong niya.

"Ayos lang naman. At tsaka bakit ka ba nandito na naman?" tanong ko.

"Gusto mo bang pumunta tayo sa rooftop? Nasabi ko na sa nurse ang pagpunta natin sa rooftop. Makakalakad ka naman pero aalalayan na lang kita baka sakaling magcollapse ka." Sabi niya.

"Sige, matagal na kasi akong hindi na nakakakita sa labas." Sabi ko.

Bumangon ako ng dahan-dahan at pagkatapos ay hinawakan yung gallon para sa dextrose ko, hindi ko alam kung ano ang pangalan niyon.

At sabay kaming lumabas ng kwarto ko.

Eto na ba ang ginagawa niya para mapatunayan niya ang kanyang pagsorry sa'kin? Sana nga...

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top