Chapter 4
Chapter 4: Mystery Guy
Rosea's Point of View
K I N A B U K A S A N
"Good morning, Rosea," nakangiting sabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos kung sinabi 'yun ay naligo na ako at nagtoothbrush, nagbihis at pagkatapos ay bumaba na ako at kumain.
"Anak, bakit maaga ang gising mo?" Nakangiting tanong ni Mommy Seph.
"Uhm, kasi Mom maaga ang klase namin ngayon at kailangan daw ay hindi malelate," sabi ko kay Mommy Seph.
"Okay," tipid na sagot ni Mom habang nakangiti.
"Mom, asan na pala si Dad?" Tanong ko kay Mommy Seph.
"Anak, maagang umalis ang Daddy Renz mo papunta sa trabaho kasi kailangan siya do'n at baka malate siya pagdating niya do'n kung sasabay siya sa 'ting kumain. Tsaka nagbaon naman ang daddy mo ng pagkain para do"n nalang siya kumain," mahabang sagot ni Mom.
"Okay, Mom. Pwede po bang ikaw ang sasabay sakin papunta sa school?" Tanong ko.
"Pwede naman, anak. Basta bilisan mong kumain dyan at baka malate pa ako papunta sa trabaho," sagot ni Mommy Seph.
Pagkatapos namin kumain ay tumakbo ako papunta sa motor ni Mom at sunod naman si Mom na papunta din dito. Nung nakaangkas na ako ay nagstart ng umandar ang motor ni Mom at tsaka papunta na kami sa school. Ahh... Ang sarap ng hangin... Nang biglang pumasok sa isip koang sinabi ni Lei sa 'kin... sa 'min kahapon. Nung may tumulong sa kanyang lalaki pero hindi siya nagpakilala, Sino naman kaya 'yun... Bakit naman niya tinulungan si Lei at tsaka kilala niya ba si Lei? Hmmm...
Hindi ko naman namalayan na nasa school na pala kami ni Mom at biglang tinawag ako ni Mom pero hindi ko siya sinagot.
"Anak, anak, anak... Hoy, bakit nakatulala ka anak at tsaka ano ba 'yang iniisip mo?" Takang tanong ni Mom.
"Ah, 'yung iniisip ko Mom, wala 'yun Mom at nasa isip ko lang naman 'yun... hehe," sagot ko kay Mom. Napailing at napatawa ng bahagya si mom kaya napapahiya akong ngumiti saka niya ako pinat sa ulo.
"Sige, na anak bumaba ka na diyan at pupunta na ako sa trabaho ko, baka malate ako pagdating ko do'n," sabi ni Mom sa 'kin.
Nung wala na si Mom ay saka ako pumunta doon at saka na-isip ko nung sinabi ni Lei na 'yung lalaki na yun ay tumulong sa kanya.
"Hi, Rosea," bati niya sakin.
"Hi, Lei," bati ko rin sa kanya. "Ah, Lei 'yung nasabi mo kahapon na may lalaking tumulong sa 'yo, sino kaya 'yun?" Usisa ko sa kanya.
"'Di ba sabi ko naman sa 'yo kahapon na hindi ko siya kilala at hindi rin siya nagpakilala," 'yon ang sagot niya.
"Okay, sabi mo eh haha," sabi ko. "Tsaka nga pala bakit ikaw lang mag-isa, asan naman sila Nic at Clark?" Takang tanong ko sa kanya.
"Ujm, nandon na sila sa room naghihintay na sila doon, hindi ako agad nakapagsabi sayo kasi ikaw nag-iisip ka pa sa lalaking 'yun, 'wag mo munang isipin 'yun. Tara na punta na tayo," sabi niya sa 'kin.
At naglakad na kami papunta sa room at sakto naman ay dumating na rin ang prof. namin ngayon, si Ms. Bartolome. Absent ngayon si Prof. Henry kasi meron siyang sakit ngayon.
"Good morning class. I am your teacher for today because your Professor is sick," sabi niya.
"Ako nga pala si Chanel Bartolome but you can call me Ms. Chanel," sabi naman niya ulit. "Magsi-upuan na kayo," aniya.
"Okay, Miss," nakangiting sabi naming lahat.
"Uhm, class nakalimutan ko pala may bago tayong student, transferee siya at mula sa Maxwell University... please come in," dagdag pa niya.
At pumasok naman siya. Wahhh! Ang gwapo niya at matangkad pa!
"Hi, my name is Ezekiel Shaun Vallejo but you can call me, Kiel," pagpapaintroduce niya sa sarili niya.
What?! Isa siyang Vallejo, magkapatid kaya sila ni Clark? Lumingon ako sa likod ko at nagtaka si Clark kung bakit siya nandito.
"Hoy Clark, anong ipinagtataka mo dyan? Kilala mo ba siya?" Takang tanong ko sa kanya.
"Bakit nandito si Kiel? Ujm, Rosea pinsan ko siya. Ngayon lang siya nakapunta dito," sagot naman niya.
"Ah, so pinsan mo siya," sabi ko sa kanya. Napatango tango. Mukha akong tanga haha.
Pagkatapos naman ay lumingon ako kay Lei at nagtataka din siya.
"Hoy Lei, pare-pareho lang kayo ni Clark, ano bang nangyayari sayo?" Takang tanong ko sa kanya.
"'Yun ang lalaking tumulong sa 'kin kahapon," sabi niya sa 'kin na nakakapagpalaglag sa panga ko.
"What?! Siya 'yon?!" Nakangangang bulong ko sa kanya.
"Oo, siya 'yun," maikling bulong niya.
"Pinsan siya ni Clark, Lei," bulong ko sa kanya.
"What?! Pinsan siya ni Clark?!" Nakangangang pagkaklaro niya.
"Oo, siya nga ang pinsan ni Clark, sabi sakin ni Clark kanina lang," sabi ko sa kanya.
Nung natapos siyang magpakilala ay saka siya tumabi samin. Dapat pala doon ako sa likod umupo. Hindi kasi gano'n kagaan ang pakiramdam ko sa kanya eh.
Lei's Point of View
Hindi ako makapaniwala sa aking nadinigsa sinabi ni Rosea sakin. Pinsan siya ni Wayne? Natulala lang ako dahil hindi pa din ako makapaniwala. Ngayon naman lutang na naman ako. Madami akong iniisip ngayon. Pero bumalik lang ako sa reyalidad ng sampalin ako ng mahina ni Rosea.
"Lei, bakit ka ba nakatulala diyan?" Tanong sakin ni Rosea.
"Bakit mo ba ako sinampal, ha?" Inis na tanong ko.
"Sagutin mo muna ang tanong ko, Lei. Bakit ka ba nakatulala diyan?" Ulit na tanong ni Rosea.
"Hindi kasi ako makapaniwala na itong lalaking ito... " itinuro ko 'yung pinsan ni Wayne. "...ay pinsan ni Wayne at siya pa ang tumulong sa 'kin kahapon," bulong ko sa kanya.
"Ako din eh, hindi din ako makapaniwala na siya ang tumulong sa 'yo kahapon. Hindi mo naman kasi sinabi sa 'kin na pinagtitripan ka ni Keiz kahapon," inis na sabi niya.
"Wala akong planong sabihin sa 'yo ang tungkol sa nangyari sa 'kin kahapon kasi natulala ako no'n," bulong ko.
"Okay, basta next time ay magsabi ka na sa 'kin, ah?" aniya.
"Oo, naman. Eh meron pa pala akong tanong," sabi ko.
"Ano naman 'yun?" Tanong niya.
"Bakit mo ba kasi ako sinampal kanina?" Pangungulit ko.
"Ah 'yun, eh kanina ka pa dyan nakatulala eh, at tsaka nagsimula na ang klase natin tulala ka pa naman, so ayon sinampal kita ng mahina, hehe... Sorry," nagpeace-sign siya.
Pero hindi namin alam na nandito si Ms. Bartolome sa harap namin.
"Oh, bakit kayo tumahimik diyan, 'di ba hindi pa naman tapos ang pag-uusap ninyong dalawa. Sige, magkwento pa kayo," sarkastikong sabi ni Ms. Bartolome.
"Sorry Miss, hindi na po mauulit," sabi naming dalawa ni Rosea.
"Oh, sige basta kung hindi pa kayo tapos mag-usap eh, you may leave this room now!" Galit na sabi ni Miss.
"Sorry, Miss," nakayukong sabi ko.
Pero hindi ako pinansin na ni Miss kasi lumakad na siya papunta sa harap ng lahat.
"Anyways, so meron tayong pageant show at kung sino man ang mananalo ay mayroon siyang mataas na marka. Kailangan natin ng candidate, so sino sa inyo ang gustong sumali sa pageant? Raise your hands kung gusto niyong sumali sa pageant," ani Miss.
Nagsipagtaasan naman ang lahat maliban sakin. Hindi ko kasi gustong sumali sa pageant kaya ayon hindi ko itinaas ang aking mga kamay. Eh etong si Rosea gustong sumali.
"Oh, Ms. Dizon why are you not raising your hand, don't you wanna join the pageant? Meron kang mataas na marka kung sasali ka," sabi ni Miss habang nakataas ang kilay.
"Sige na Lei, ikaw nalang ang sasali, susuportahan kita basta sasali ka," pagsusuporta ni Rosea sa 'kin.
Naaawa ako kay Rosea dahil imbes na siya ang gustong sumali, ako ang pinasasali niya sa pageant. Hay...
"Ah, hindi na Rosea, ikaw nalang tutal gusto mo namang sumali, 'di ba? Sige na ikaw nalang, hindi ko gusto 'yong pageant show na 'yan," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Sige na Lei, please sumali ka naman oh," pagpipilit ni Rosea sakin.
"Sige na Lei, susuportahan ka namin, basta sasali ka," sabat naman ni Wayne.
"Sige na, sige na, sasali na ako, okay na ba 'yun?" Naiiritang sabi ko.
"Para ka namang napipilitan, eh," nakangusong sabi niya.
"Pero okay na yun basta sumali ka na sa pageant show, hehe," sabi ni Rosea.
"So, sino pa ang gustong sumali sa pageant, anyone?" Tanong pang muli ni Miss.
"Si Lei nalang po Miss, tutal maganda naman siya," sabi naman ng mgakaklase ko. Ako? Maganda? Weh?
"Okay, So Ms. Dizon, ikaw na ang magiging candidate sa Ms. Pageant sa section na ito, is that okay to you Ms. Dizon?" Tanong ni Ms. Bartolome.
"Okay naman po Miss," napipilitang sabi ko.
"Okay, Ms. Dizon you may sit down now," sabi ni Ms. Bartolome.
Ako naman ngayon hindi ko alam kung bakit sumasali pa ako dito eh... hay... bahala na nga basta meron akong makukuhang mataas na marka at ipapakita ko ito kay Mommy Olivia, hehe...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top