Chapter 39
Chapter 39: Kiel's Coming
Clark's Point of View
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon sa isinabi ni Lei kanina. At hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove-on. Pumapayag siyang manligaw ako sa kanya! Yes! At last nakamit ko na ang dapat kong makamit simula pa noon!
"Thank you talaga for accepting as your suitor." nakangiti kong sabi.
"Ano ka ba? Kanina ka pa thank you ng thank you, nakakasawa na ring sabi ako ng sabi ng your welcome o welcome." Sabi niya kaya napakamot ako ng ulo habang nakapout.
"Ang cute mo kapag ganyan ka." Sabi niya habang nakaturo sa nakapout kong mukha.
"Talaga? Edi, ganito na lang ako palagi." Sabi ko at pinanatiling nakapout ang mukha ko.
"Sira! Wag ka ngang magbiro dyan. Sige ka, baka ibawi ko 'yung pagpayag ko sayong manligaw sa'kin." Pananakot niya kaa mabilis pa sa alas kuwatro akong napaayos ng upo kyaa ang nangyari muntik na akong matumba, mabuti na lang at nakahawak ako sa kama niya kung hindi ay masasaktan talaga yung pwet ko. At ayun siya, tumatawa dahil sa pagiging clumsy ko.
"Kanina ang cute mo, ngayon naman ang clumsy mo, bakit ba ganyan ka?" natatawa pa ring aniya.
"Wala lang, 'yun lang talaga kasi ako minsan eh." Sabi ko.
Mayamaya lang ay nagsalita siya about sa school. Tinanong niya sa'kin kung ano na ba ang mga nilampasan niyang homeworks, projects, o kung ano pa man. At ang sinagot ko naman ay hindi ko alam dahil hindi na din naman ako pumupunta sa school.
"Huh? Bakit hindi ka na pumupunta ng school? Wala namang nangyari sayong masama, ah. Pero, teka nga.. kaya ka ba hindi pumupunta na sa school ay ng dahil sa'kin?" tanong niya at nagsimula ng magsalubong ang kanyang kilay.
"Actually, yes. At tsaka, nagpaalam ako kay dad nun na hindi muna ako pupunta ng school dahil kailangan pa kitang aalagaan at makasama." Sagot ko habang napapakamot na naman sa batok.
"Eh? Kaya ko naman na yung sarili ko at tsaka hindi naman ako paralisado para alagaan mo ako parati." Sabi niya pero nagmatigas ako.
"Kahit na," pagpipilit ko.
"Baka hindi ka makakagraduate niyan dahil sa pagiging absent mo." Sabi na niya naman.
"Nakapagpaalam na nga ako ni daddy para hindi nila ako mamarkahan na absent." Wika ko.
"Kaya ko nga ang sarili ko, kaya hindi mo na kailangan pang mag-alaga sa'kin. At tsaka nandito naman sila mommy at daddy para alagaan ako eh. You have nothing to worry about me, Clarky. Ako ang dapat mag-aaalala sayo dahil dyan sa pag-aalaga mo sa'kin dito at sa pagiging absent mo parati sa school. At tsaka wala akong makukuha na lessons kapag hindi ka pumasok sa school dahil ikaw ang magsasabi sa'kin kung ano na ba ang mga lessons nung araw na nangyari ang pagsakit ng ulo ko kaya please lang, wag ka nang umabsent ng dahil sa'kin. Sige ka, babawiin ko na talaga na sinagot kita sa panliligaw mo sa'kin." Banta niya sa'kin kaya napabuntong-hininga muna ako bago tumango kaya napangiti siya sa tinugon ko.
"Good. Extra points yung para sa'kin para sa panliligaw mo sa'kin." Sabi niya na ikinangiti ko.
Pagkatapos ay dahan dahan siyang lumapit sa'kin at ang nangyari? Hinalikan niya ako sa pisngi pero mabilis lang 'yon.
Napahawak ako sa pisngi ng dahil dun at pinakiramdaman 'yong paghalik niya sa pisngi ko. Napakurap-kurap ako nun pagkatapos napangiti at tsaka namula yung tenga ko.
"Uy, namumula siya!" tukso niya bigla sa'kin kaya napabalik ako sa ulirat at tinignan siya ng merong namumulang tenga at yung mata ko nakatingin sa kanya ng masama pero saglit lang iyon dahil mas nangibabaw sa'kin ang hiya at konting kilig lang. Diba kikiligin din naman ang mga lalaki maliban sa babae kaya pwede din akong kiligin.
"Kilig ka naman. Duh, wag mo ngang bigyan ng malisya." Sabi niya bigla kaya nawala yung ngiti ko pero may hiya pa ring nararamdaman at hindi pa din nawala ang pamumula ng tenga ko.
"So anyways, promise me ha na hindi ka na aabsent ulit." Sabi niya kaya tumango na lang ako.
Nawala na din yung pamumula ng tenga ko at yung hiyang nararamdaman ko.
"Not just nod, I need your mouth to speak to confirm." Sabi niya.
"Promise, Lei." Sabi ko na nakangiti kaya nginitian din niya ako.
"Ayan naman pala eh, bakit tango ka lang ng tango, mukha kang baliw." Natatawa niyang sabi na ikinatawa ko rin.
***
"Lei, uuwi na ako. Meron pa kasi akong aasikasuhin sa bahay eh." Paalam ko, sabi ko pa naman kay mommy, saglit lang ako dito pero anong oras na, mahaba din kasi ang pag-uusap namin ni Lei eh kaya ayon nakalimutan ko.
"Sige, baka importante 'yan." Sabi niya.
Tumango lang ako at kinawayan siya bago ako lumabas ng kaniyang kwarto at lumakad na papalabas ng ospital.
Pagdating ko sa parking ay pumasok na ako at pinaandar analg ang kotse at tumakbo papalayo habang may guhit na ngiti sa mga labi. This was the best day of my life!
Pagdating ko sa bahay ay may nakta akong lalaki, kasintangkad ko until I realize who it was. It's my f*cking cousin.
Nawala bigla yung ngiti ko at pinasok ko ang kotse sa garahe pagkatapos ay lumabas at linapitan siya.
"Oh, Clark andyan ka na pala. Ikaw talaga yung ipinunta ko dito eh." Nag-aalinlangan niyang sabi.
Nanatiling walang reaksyon yung mukha ko at tinanong siya.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit mo ako kailangan? May gagawin ka na naman ba?" malamig kong tanong sa kanya.
"Clark naman, wala ka na bang tiwala sa'kin? I'm your cousin so trust me." Sabi niya na halos magmakaawa na. Mukha siyang pulubi na nagmamakaawang bigyan ko siya ng ilang barya.
"I don't have to trust you. Now, you may leave." Sabi ko.
"Wayne Clark Vallejo, oh hindi ka pala Vallejo, ampon ka lang pala." Sabi niya na nakangisi na at dahilan iyon para patigilin ako.
"I know your just adopted by tito and tita. So, hindi kita pinsan. Ako lang ang Vallejo sa'ting dalawa kaya kailangan maniwala ka na sa pinagsasasabi ko ngayon." Sabi niya na bagama't seryoso, nandoon pa rin yung nakaguhit niyang ngisi sa kanyang labi.
"And what's the matter with that? Paano naman kita papaniwalain? Mukha ba akong matatakot sa mga sinasabi mo ngayon?" Tanong ko.
"Tch, you're so unbelievable. What will I do to you para paniwalaan mo ako?" aniya.
"What will you do para paniwalaan kita? It's simple, say sorry to Lei and once your done, dun na kita papaniwalain." Sabi ko na seryoso.
"Yun naman pala eh, bakit ngayon mo pa sinabi 'yan?" Pagmamayabang niya.
"I didn't mean na magmamayabang ka. Just do it, tomorrow. Yung makikita ko talaga yung pagiging sinsero mo sa sorry mo. And, nandoon siya ngayon sa Valzon Hospital. Now, you may leave." Sabi ko at tinalikuran na siya.
"Thanks, cuz! Gagawin ko 'yung sinasabi mo ngayon bukas." Sigaw niya pa kaya itinaas ko ang left hand ko at pumasok na ng bahay.
Ngayon ko lang narealize pagkapasok ko sa bahay yung sinasabi ko kanina. What did I just say to him?! Baka gagawa na naman siya ng masama sa bestfriend ko.
Pero nandoon naman ako bukas kaya okay lang. Para makita ko talaga na sinsero yung ul*l na 'yon sa sorry niya.
"Oh, 'nak. Nandyan ka na pala. Pwede mo ba akong tulungan nitong dinadala ko ngayon?" Tanong ng papalapit sa'kin na si mommy na merong binubuhat na box.
"Nandoon sa taas, buhatin mo lang iyon at didiretsyo ka lang palabas. Nandoon din yung daddy mo, baka sumusunod na 'yon sa'kin." Dugtong pa niya kaya tumango ako pagkatapos kong magmano sa kanya at tumakbo na paakyat sa hagdan.
Pagdating ko, nakita ko naman kaagad yung mga box at si daddy na busy pa sa pagbuhat ng box.
Lumapit ako kay daddy at nagmano pagkatapos ay tinulungan siyang buhatin yung mga ibang box.
"Talagang maaasahan ka ngayon, 'nak ah." Sabi ni daddy kaya ngiti lang ang itinugon ko sa kanya at nagsimula ng buhatin ang box at dahan-dahang bumaba.
"'Nak! Make sure to be safe! Baka madulas ka!" narinig ko pa ang sigaw ni mommy sa baba kaya sumigaw din ako at sinabihan siya.
"Opo, mom!" sabi ko at pinagpatuloy ang pagbaba ng ibinuhat kong box.
Hanggang sa matapos na ang pagbuhat ng mga box papunta sa labas.
And I wonder why mom and dad, carry those heavy boxes outside. Ano na ba ang nangyari?
"Ah, mom?" pansin ko kay mommy na busy na ngayon sa kanyang paperworks.
"Yes, 'nak?" tugon ni mommy.
"Bakit kayo nagbubuhat ng mga boxes papunta sa labas kanina?" tanong ko.
"Ah, yun ba 'nak? Kasi gusto naming magdonate ng daddy mo ng mga gamit sa mga batang nasa bahay-ampunan. Yung bahay-ampunan na tinirhan mo noon. I can't wait to see those oprhans later." Mom answered and then giggled.
"Ah, okay mommy. Pwede din po ba akong pumunta sa bahay-ampunan ninyo mamaya, mom?" tanong ko. Well, I am excited too. It's been a long time since last I saw the orphanage and the near Cafe Shop there.
"Pwede naman, 'nak. Basta tutulungan mo sila mamaya ha. Good boy ka naman." Sabi ni mommy at saka natawa.
Nalukot yung mukha ko sa pagsabi ni mommy ng boy. Hindi naman na ako boy eh, man na ako, may mahal naman din nga ako eh.
"Mom, stop calling me a boy again, I'm a man now." Sabi ko.
"Just kidding, darling. Namiss ko kasi yung boy ka pa eh." Sabi niya.
"Sige na, tatapusin ko na 'to at mamaya, pupunta na tayo ng bahay-ampunan." Sabi ni mommy bigla.
"Sige po, mom." Sabi ko at pumunta paakyat na ng kwarto. Dun muna ako sa terasa para makalanghap ng hangin.
Excited na akong makitang muli yung dahilan kung bakit nagkakilala kami ni Lei at ang dahilan kung bakit naging magkakaibigan kami at nagkagusto ako sa kanya hanggang sa mahal ko na siya.
Excited din akong makagala at makapasok sa Cafe Shop na malapit lang sa bahay-ampunan kung saan doon kami minsan mag-aasaran at mag-aargue.
Namiss ko na din sila Sister Martha at Sister Mary. Matagal na panahon na at mamaya na ako makakapunta ulit sa bahay-ampunan.
***
Pagdating namin sa bahay-ampunan ay sabay kaming bumaba ni mommy at daddy at tsaka binuhat na ang mga boxes na ang laman ng loob niyon ay mga damit at iba pang mga gamit.
Pagkapasok namin sa bahay-ampunan ay napangiti ako. At sa wakas, nakapasok na akong muli sa bahay-ampunan. Meron na siyang mga bagong rooms pero hindi pa rin nalalayo iyon sa dating anyo kung saan nandito pa kami ni Lei tumira.
Meron akong nakitang isang sister at napamilyaran ko siya. At narealize kong si Sister Mary pala iyon!
"Sister Mary!" ani mommy kaya napatingin sa'min si Sister Mary.
Nakangiti siyang lumakad papalapit sa'min.
Tumigil din siya sa paglakad ng nakalapit na siya.
"Oh, nandito na pala kayo, Arch, Walt." Sabi niya attumingin kay mommy, kay daddy, hanggang sa huminto yung paningin niya sa'kin.
"Clark, hijo?" aniya.
Tinrapuhanpa niya yung glasses niya at sinuot na naman muli. Nanlaki ang mata niya at napangiti.
"Ikaw nga! Kamusta ka na, hijo?" Tanong ni sister.
Nagmano ako kay sister at tsaka sinagot yung tanong niya.
"Hello po, sister. Ayos naman po ako sister." Nakangiting sabi ko.
"Mabuti naman at pinili mong sumama sa mga magulang mo. Namiss kita, hijo." sabi niya dahilan para mapangiti ako lalo.
"Namiss din po kita, sister." Nakangiti kong sabi.
"Halina na kayo, para naman makaupo na kayo. Sigurado akong mahirap buhatin yung mga dinadala niyong mga karton ngayon. Salamat pala sa pagbigay ng donasyon sa'min ha." Sabi niya.
"Walang anuman po, sister." Sabay naming sabi nina mommy at daddy.
Pagkapasok namin at pagkatapos ng pagbuhat namin sa mga box ay inilagay lang namin iyon sa gilid at saka umupo kami.
Nakita ko na din ulit si Sister Martha. Pagkakita sa'kin ni sister ay gaya lang din ng mga sinabi ni Sister Mary. Sinagot ko naman ito habang nakangiti.
"'Nak, masaya ka na ba na nakapasok kang muli dito sa tinitirhan mo noon?" tanong ni mommy.
"Yes, mom. I miss this place. At tsaka pwede po ba akong maggala saglit sa Cafe Shop na naroon lang sa tabi?" tanong ko.
"Pwede naman anak, basta saglit lang ha?" ani mommy kaya tumango ako at ngumiti.
Pagdating ko sa Cafe Shop, pumasok ako ng nakangiti at nag-order lang ng frappe pagkatapos ay umupo na sa gilid ng bintana.
I miss this place.
I miss all of this kahit wala si Lei dito kasama ko, masaya pa rin ako at namiss ito.
***
'KINABUKASAN'
Nadatnan ko pa si Kiel sa labas ng bahay pero hindi ko siya pinansin at pumasok na lang sa loob ng sasakyan at tinakbo iyon papalayo. Nakita ko din siyang nakasunod din sa'kin kaya napabuntong-hininga ako at pinagtuunan na lang ng pansin ang dinadaanan ko ngayon.
Pagdating ko sa ospital ay bumaba na ako mula sa kotse at pumasok na ng ospital.
Pumasok ako sa second room at nakita ko si Lei na kinakagat ang apple habang nakahawak na ng selpon.
Kumatok ako para makaagaw ng pansin sa kanya at nagtagumpay naman ako dahil nag-angat siya ng tingin sa'kin at ngumiti.
May binili ako kahapon ng kwintas para sa kanya pero simple lang. Simple siya pero mamahalin.
"Oh, Clark. Naparito ka?" aniya.
"May ibibigay lang kita saglit at pupunta na ako ng school pagkatapos." nakangiting sabi ko kaya tumango siya at nacurious.
"Ano naman ang ibibigay mo sa'kin?" curious niyang tanong.
"Alam mo ba ang kasabihang "curiousity kills."? Kaya wag ka nang macurious dahil ibibigay ko nga ito sayo." Sabi ko.
Inilabas ko ang binili kong kwintas para sa kanya. Silver heart ang pendant na merong kakaunting design.
"Ano 'yan?" tanong niya.
Hindi ako sumagot at ngumiti lang saka lumapit sa kanya at itinabi ang buhok niya para ikabit sa kanya ang binili ko para sa kanyang kwintas.
Pagkatapos ay tinignan ko ang kwintas na suot na niya.
"Bagay sayo." Sabi ko.
Nakita ko pang namula siya pero itinago niya ng pilit iyon at saka nagsalita.
"Thank you." She said that's why I chuckle.
"So, may bisita pa nga tayo ngayon. Wag kang kabahan ha? Nandito lang ako." Sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay kaya kahit nagtataka siya sa sinasabi ko ay tumango siya.
Kasunod ng paghawak niya ng kamay ko ay ang pagpasok ng pinsan ko.
Naramdaman ko namang napakapit siya ng mahigpit sa kamay ko at napasinghap.
"H-Hello, L-Lei?" patanong na sabi ng pinsan ko.
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top