Chapter 38

Chapter 38: Yes

Lei's Point of View

'Pwede bang... manligaw sayo?'

'Pwede bang... manligaw sayo?'

'Pwede bang... manligaw sayo?'

'Pwede bang... manligaw sayo?'

Parang tumigil ang lahat, pati na ang pagtibok ng puso ko. Parang ang slow ng paligid. Yun ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pagtanong niya sa'kin na pwede ba siyang manligaw sa'kin.

Sa totoo lang kinakabahan ako dahil first time kong merong mangligaw sa'kin at ang nakakagulat pa ay yung mangliligaw pa lang sa'kin kung sasagytin ko ba ay walang iba kundi ang kababata ko na si Clarky.

At hindi ko maipagkakaila na masaya ako dahil gusto ako ng matalik kong kaibigan.

Nagdududa ako noon na meron siyang nararamdaman para sa'kin pero pinilit kong ipinagsawalang bahala iyon dahil baka guni-guni lang iyon para sa'kin dahil napakaimposible na merong gusto si Clarky sa'kin.

Noon, napansin kong kakaiba na ang pakiramdam ko para sa kanya pero pinilit kong wag pansinin na lang iyon dahil mawawala din naman iyon kung hindi ko talaga papansinin.

Nagtagumpay naman ako ng dahil lang naamnesia ako pero ngayon bumalik na lahat ng alaala ko, thanks to you Clarky...

"Pag-iisipan ko muna, baka bukas malalaman mo ang sagot ko." Maingat na sagot ko, I don't want to feel him like I just rejected him even it is not what I mean't.

"Sige, aasahan ko 'yan bukas. Think it wisely." Nakangiting sabi niya kaya wala sa sarili din akong napangiti. Tumango ako pagkatapos ng pagngiti ko.

"Lalabas muna ako saglit, pagkatapos babalik din ako." sabi niya kaya tumango ako bago siya lumabas.

Pagkalabas niya, dun ako nagpakawala ng buntong-hininga. At ngayon, mag-iisip ako kung sasagutin ko ba siyang magpaligaw sa'kin o hindi.

Hay...

Mag-iisip na nga ako ng bumukas na naman ang pinto ng kwarto na kinalalagyan ko. Akala ko si Clarky 'yon pero si Rosea pala ang ilinuwal niyon.

Nakangiti siyang lumapit sa'kin at saka umupo. May dala siyang basket na ang laman ay prutas. At saan naman siya nakakita ng pera? May pera ba siya o hiniram niya lang kay Tita Seph?

"Kumusta ka na?" Tanong niya.

"Eto, okay na. Medyo nakakagalaw na. Pero sabi ng doktor, hindi pa din ako palalabasin dito dahil hindi pa tapos sila sa mga ginagawa sa'kin." Sagot ko kaya napatango siya.

"Eto oh, namili ako ng prutas. Dahil baka gusto mo ding kumain ng prutas kaya binilhan kita." Sabi niya at tumayo. Kukuha sana siya ng prutas ng nagsalita ako.

"At saan ka naman nakakuha ng pera? Nagnakaw ka ba?" Tanong ko.

Hindi na ako nagulat ng makita ang kanyang gulat na mukha sa huling tinanong ko.

"Anong nagnakaw ang sinasabi mo dyan? Siyempre hindi nohh! Nanghiram lang ako ng pera galing kay mommy. Sira! Ano ako magnanakaw?!" Sabi niya kaya napatawa ako.

"At ikaw na naman ang tumatawa? Ano ba ang problema niyo at tumatawa kayo? Eh, wala ngang nakakatawa sa mga pinagsasabi ko! So, joker na ao ngayon. Mukha na ba akong joker para pagtawanan niyo ang mga pinagsasabi o mga sinasabi ko?" Inis na tanong niya kaya biniro ko siya.

"Oo, mukha ka nang joker. Tingnan mo mukha mo dyan." Sabi ko, nagbibiro at nagpipigil ng tawa.

Pikonin pa naman 'to...

"Tse! Oh, eto saging! Para maging unggoy ka na!" Pikon na sabi niya at walang pasabing iniwan ako sa loob ng kwarto.

Napapailing na lang ako. Ang childish! Kaunting bagay lang, pikon agad. Tch. Hahaha.

So, mukha na akong unggoy? Hihihi.

Bahala na nga, kakain na lang ako ng saging. Gusto ko din naman kasi ng saging kaya walang problema kung kakainin ko ito.

Madami na talaga akong nabasa sa watty, kaya minsan kapag nasa bahay ako at makikita ako ni mama at papa, pinagkamalan nila akong baliw dahil minsan tatawa ako, iiyak, kinikilig, tumitili, at magagalit, at siyempre ang last ay sinasabihan ko ang nasa story na binabasa ko. 

Habang busy ako sa pagkain ng saging ay may naramdaman akong nakatitig sa'kin at mula iyon sa... pintuan ng kwarto kaya tinignan ko ito pero wala akong nakita ng pares na mata kaya nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa pagkain. Baka guni-guni ko lang 'yon.

Pagkatapos kong kumain ay tumingin ako sa kisame at dun tumulala. Ang boring naman kasi eh. Wala akong kausap dito.

Mayamaya nakaramdam ako ng antok kaya humiga ako at dahan-dahang ipinikit ang mata ko.

Pero bago pa 'yon, naramdaman ko na naman yung merong nakatitig sa'kin kanina. Kaya kinabahan na ako.

_____________

Rosea's Point of View

Sinabihan pa ako ng magnanakaw sa kaibigan ko. Tch, edi ako na ang magnanakaw! Kainis!

Dapat hindi ko na lang siya binisita kung alam ko lang na tutuksuhin lang pala niya ako.

Habang naglalakad ako ay biglang meron akong nahagip. Mukha siyang si Kiel. Pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin baka hindi naman siya yun. Epekto lang siguro ito ng pagiging pikon ko.

Nung nasa labas na ako ay meron akong nakitang babae sa peripheral view ko. Mukha siyang si Buwesitang Keiz. Nakita ko pa siyang pumasok sa ospital pero... dahan-dahan?

Ipinikit ko ang mata ko at ipinilig pagkatapos iminulat ko ang mata ko pero wala na kaong nakita na babae. Baka nga namamlikmata lang ako.

Ano bang nangyayari sa'kin at iniisip ko silang dalawa ni Kiel?

Nagpara ako ng taxi dahil meron akong nakitang taxi. Pumasok ako at tinuro ang daan kung saan pauwi sa bahay namin, tumango naman si manong driver at umalis na kami sa ospital.

***

Pagkarating ko sa bahay namin, nakita ko ang isang lalaki na umupo sa labas at mukhang naghihintay. At ngayon ko lang napagtanto na si Nic pala iyon kaya dali-dali akong bumaba at ibinigay ang bayad kay manong at sinabihan ko ng 'keep the change' kaya tumango si manong at nagdrive paalis ng bahay namin.

Mabilis kong pinuntahan si Nic na naghihintay lang sa gate.

Hindi niya ako nakita kaya minabuti kong hindi magpakita sa kanya para sana gulatin siya.

Nagtagumpay naman ako na hindi niya ako makikita. Ngayon, nandito na ako sa kanyang likod, at hinahanap ang tamang tyempo para kalabitin siya.

Nung nakahanap na ako ng tamang tyempo dun ko na siya kinalabit at sumigaw sa kanya ng mumu.

Nakita kong napasigaw siya at nagulantang kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya para hindi marinig ni mommy ang pagsigaw niya. Mabilis naman din magpanic si mommy kapag merong sumigaw.

Nung tumigil na siya sa pagsigaw ay binitawan ko na ang bibig niya pero naroon pa rin ang gulat na bumalatay sa mukha niya. Napatawa ako ng dahil sa reaksyon pa rin sa mukha niya ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko mayamaya nung medyo nakakarecover na siya sa gulat.

"Hinihintay dapat kita pero mukhang nandito ka naman kaya hindi na kao naghintay. At kung ginulat mo ako, gugulatin din kita." Sabi niya at umusbong ang nakakaloko niyang ngisi.

Ano na naman ang plinaplano ng kurimaw na 'to?

Bakit ko siya tinawag na kurimaw? Dahil dyan sa ugali niyang 'yan, mukha talagang kurimaw eh.

"Paano mo naman ako gugulatin kung nandito naman ako sa harap mo?" Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.

"Eto oh," pagkasabi niya nun ay mabilis niya akong nilapitan at mabilis na sinakop ang labi ko.

Siyempre nagulat ako dahil hindi ko inakala na hahalikan niya ako. At dito pa talaga sa tapat ng bahay namin?! Baka makita ako ni mommy!

Napapikit ako ng dahil dun.

Pagkatapos ay humiwalay na siya sa paghalik sa'kin at binigyan pa ako ng  nakakalokong ngisi. Hindi pa din mawala wala eh.

"Bakit mo ginawa 'yon?! Baka makita tayo ni mommy?! Nandito si mommy sa bahay, wala sa trabaho!" Hysterical kong tanong. Baka talaga makita ni mommy eh! Paano na ito kung makita ni mommy?!

"Nagulat ka ba?" Iba ang pumasok sa bunganga imbes na sasagutin niya ang tanong ko.

"Obvious naman diba?! Siyempre, nagulat ako! At saka baka makita tayo ni mommy sa halik na 'yon!" Muntik pa akong sumigaw buti na lang napigilan ko.

"That's for making me shocked." Sabi niya at hindi pa din nawala ang ngisi niya.

"Tabi nga! Umalis ka na nga! Mas lalo mo kaong pinipikon eh! Una, si Lei! Sunod naman ikaw! Sino naman ang susunod? Si Clark? Tch, bumalik ka na lang bukas dito para ihatid ako patungong ospital bukas!" Inis kong sabi at saka siya iniwan sa labas ng bahay.

Tinawag pa niya ako pero hindi ko iyon pinansin at sa halip ay dire-diretsyo sa pagpasok ng bahay.

Nagulat pa nga kao ng makita si mommy sa sala, nanunuod ng kung ano sa tv.

Lumapit ako kay mommy at saka nagmano at humalik sa pisngi niya.

"May narinig akong sumigaw? Naa bay sunog nga nahitabo, dae?" Tanong ni mommy at tumingin sa'kin na parang nagwoworry.

(Translation: Meron bang sunog ang nangyari,'nak?)

"Ah, wala po, at saka wala naman pong sumigaw, mommy eh. Baka guni-guni mo lang iyon." Pagsisinungaling ko.

"You're not good at lying, 'nak. Tell me what happened." Sabi ni mommy kaya napabuntong-hininga ako.

"May hindi kaming pagkaksintinidhan sa kaklase ko mommy para sa project na gagawin namin." Pagdadahilan ko kaya napatango si mommy.

"Ayusin niyo na lang 'yan. Maliit na bagay, pinapalaki niyo pa dahil sa misunderstanding niyo ng kaklase mo." Sabi niya kaya tumango ako.

Hindi naman totoo ang sinasbai ko para kay mommy. Iba ang nangyari sa nangyaring pagsigaw na ginawa namin ni Nic pero hindi ko iyon sinabi kay mommy.

"At tsaka pala, 'nak. May nagdoorbell kanina at sabi daw niya hinahanap ka daw niya 'nak. Sabi niya din na kaklase ka daw niya kaya ipinasok ko siya. Nagpakilala siya sa'in at sabi daw niya na ang pangalan niya ay Nic. Brandominic Tejada. So, she's the son of Mr. & Mrs. Tejada. What a coincidence nga naman. Magkakilala kami ng mga magulang ng kaklase mo." Kwento ni mommy at ngumiti.

"Yeah, kaklase ko po siya mommy." At saka, manliligaw ko rin po mommy.

"Oh, another coincidence na naman. Classmates lang ba kayo or friends na?" Curious na tanong ni mommy kaya napatawa ako ng bahagya. Dinaig pa ni mommy ang teenager eh.

"Friends po, mommy. Dahil yung kaibigan ko na si Lei ay kababata pala ng kaibigan ni Nic. And yung kababata ni Lei mommy ay si Clark Vallejo. Ang liit ng mundo mommy noh." Sagot ko.

"Omo! So, friends na kayo, mas mabuti 'yan. At tsaka, oo 'nak, ang liit nga talaga ng mundo." Sabi ni mommy.

At ngayon, naaaliw ako dahil lang sa pakikipag-usap kay mommy.

Thank you, Lord for giving me this sweet and caring mommy.

____________

Lei's Point of View

|K|I|N|A|B|U|K|A|S|A|N|

Nakapag-isip-isip na kao kung sasagutin ko ba si Clarky o hindi.

At buo na ang desisyon ko.

Hindi na magbabago ang isip ko.

Ngayon, naghihintay na ako kay Clarky.

Wala namang mawawala diba kung pipiliin ko ang mas tama?

Sakto namang pagtingin ko sa pinto ay ang pagbukas niyon at iniluwa niyon si Clarky na nakangiti na ngayon... na may dalang bulaklak?

Umupo siya sa monoblock chair ng katabi ng sa'kin.

"Hello, Lei, kumusta?" Nakangiting bati niya kaya nginitian ko din siya.

Mukhang good mood siya ngayon ah.

"Okay naman." Nakangiting kong sabi.

"So, ready ka na ba na pakinggan ang desisyon ko?" Tanong ko.

"Oo, ready na 'ko." Sabi niya pagkatapos niyang humugot ng hininga.

Mukhang ready na nga siya.

"Okay." Sabi ko.

Nakangiti pa din siya at nakatitig ngayon sa'kin.

"Sige, papayagan kitang maging manliligaw ko." Nakangiting sabi ko.

Then, ang sunod na nangyari? Tumayo siya at sumigaw saka sumuntok-suntok sa ere. Ang saya niya ah.

Pagkatapos ay bumalik siya sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay ko.

"Thank you, Lei. Thank you so much." Sabi niya at hindi talaga niya maitatago ang sayang nararamdaman niya.

"Flowers for you." Sabi niya pagkahawak ko ng flowers na binigay niya para sa'kin.

Aww, ang sweet!

Sana nga tama ang desisyon kong, magpaligaw sa kanya.

Kung manliligaw na siya sa'kin dapat hindi siya susuko kahit pa, may parating pang pagsubok o meron na namang manliligaw sa'kin. I don't want him to surrender.

Don't surrender, Clarky...

✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top