Chapter 37
Chapter 37: Pwedeng Manligaw?
Clark's Point of View
Sa makalipas na araw, ang buong iniisip ko ngayon ay si Lei at yung pag-amin ko ng nararamdaman sa kanya.
Nung sinabi niyang papalabasin ako ay nanlumo ako nun. Hindi ko talaga ineexpect na ganun ang sasabihin niya sa'kin. I didn't say that she has the same feelings for me, but I did not expect her to say that to me.
Pero malay mo naman diba na shock lang siya or gusto niya lang muna mag-isip or hindi pa niya nasink-in sa kanyang utak ang ginawa ko pag-amin sa kanya? Aishh! Bahala na nga. Kung hindi niya kayang tanggapin ang ginawa kong pag-amin sa kanya, okay lang sa'kin kahit masakit sa parte ko.
At naisip ko na imposibleng merong magkagusto sa isa sa'ming dalawa dahil close friends kami, or should I mean bestfriends.
Ipinilig ko na lang yung ulo ko dahil sa mga masasama kong iniisip. Hindi dapat ganito ang mga iniisip ko, posible naman diba na magkagusto din siya sa'kin?
Pero pano kung hi-----
"Pre, may ipis!" Sigaw ng pinakamagaling kong kaibigan na walang iba kundi si Nic. Pestee! Nag-iisip ako dito at siya makikiepal sa pag-iisip ko?! Pesteeeeeeeee talagaaaaa!
"Anong ipis sinasabi mo dyan ha? At saka wag kang epal sa mga iniisip ko! Kaya kung pwede ba kung hindi mo gustong makapagbakasyon sa ospital, wag kang makikiepal! Ipis mo mukha mo!" Iritadong sabi ko.
Akala ko tatahimik na siya pero akala ko lang yun pala, dahil ang kurimaw tumatawa ng pagkalakas-lakas! Buang!
(Translation: Baliw!)
At saka nandito kami ngayon sa pamamahay namin. Nandito sa kwarto ko, nag-uusap daw pero eto ako lumalayag ang isip ko. Epal din 'tong kurimaw na 'to.
"Hoy! Manahimik ka nga! Nakakarindi yung tawa mo!" Saway ko sa kanya.
Napatigil naman siya sa pagtawa pero meron namang nanunuksong ngiti ang nakaukit sa mukha niya. Kurimaw nga talaga!
"Ano 'yang iniisip mo, ha?" Tanong niya pero may bahid na tukso.
"Wala, at tsaka pwede ba wag mo 'kong tuksuhin, eh kung ikaw kaya ang tuksuhin ko, magiging masaya ka ba kapag tinukso kita? Diba hindi kaya wag mo 'kong tuksuhin dahil gagawin ko din 'yang ginagawa mo." Banta ko. Wala ako sa mood makipag-asaran dahil ang tanging iniisip ko na ay si Lei.
Kamusta na kaya siya dun sa ospital? O kung nakalabas na ba siya?
"Okiee." Sabi niya at halata namang nagpipigil matawa at manukso sa'kin na naman.
"At bakit ba nakikiepal ka sa mga iniisip ko?" Tanong ko ulit, baka nakalimutan niya yung tanong ko kanina.
Ayoko ng istorbohin ako, pero etong kaibigan kong kurimaw mapapaistorbo naman ako kaya walang choice kundi makisakay na lang kesa naman umabot kami sa puntong magsuntukan.
"Kanina pa ako nagsasalita ng dapat sasabihin ko sayo pero parang lumalayag isip mo." Sabi niya kaya napatango ako.
"Ano namang sasabihin mo? Wag mong sabihing magdadaldal ka na naman sa'kin. Kung magdadaldal ka lang, inuubos mo lang 'yang laway mo dahil hinding-hindi ako makikinig sayo." Sabi ko sa bored na tono.
"Hindi ako magdadaldal. At saka, importante 'to sa'kin kaya makinig ka na lang." Nahalata ko naman na parang seryoso siya kaya napaseryoso na lang ako at nakinig sa kanya.
"Pwede patulong? I want to surprise her a date at hindi ko alam kung pano kaya please naman tumulong ka naman." Sabi niya sa nagmamakaawa na boses.
Aww, kawawa naman. Sige na nga, pagbibigyan kita.
"Sige na nga." Sabi ko.
"Ay, napipilitan lang?" Aniya na kunwari na nanlumo.
Kurimaw! Isa pa! Kurimaw! 'Yan ang magandang itawag sa kanya! Lokong 'to! Dinamay pa ako sa effort-effort daw niya.
Binatukan ko siya ng mahina kaya napaaray siya. OA naman nito, mahina naman 'yon! Ang sabihin niya, kurimaw lang talaga siya!
"Tutulungan kita! At saka wag kang OA! Mahina lang kitang binatukan hindi malakas o kung gusto mo ilakas ko para manahimik ka na lang!" Inis na sabi ko.
"Joke lang. Pero sure ka ba talagang tutulungan mo ako? Hindi ka pa kasi nakakapasok sa ipinasok ko ngayon eh." Sabi niya.
"Tutulungan kita dahil kaibigan kita. Eh kung gusto mo nga na hindi kita tutulungan, balak ko talagang tanggapin ng buong puso." I said in a sarcastic way.
"Tch, oo na. Naniniwala akong tutulungan mo ako." Aniya.
"So when do we need to start?" Tanong niya.
"Aba malay ko, sayong problema 'yan eh. Hindi sa'kin." Sarkastiko kong sabi.
"Tutulungan mo ba 'ko o hindi?" Tanong niya, may bahid na ng inis.
"Oo nga, tutulungan kita pero hindi ko sinabing ako ang mag-isip. Kurimaw na 'to." Sabi ko. Yung huli kong sinabi ay ibinulong ko na lang sa hangin baka kasi magalit siya, kurimaw nga talaga ito eh.
"Anong sabi mo?" Aniya pero tanging umiling na lang ako kaya napatawa siya ng mahina at umiling-iling na parang nakakatawa ang tinugon ko sa kanyang tinanong.
Isa pa, kurimaw nga talaga siya!
At nagsalita siya ng mga lugar kung saan daw niya ipaplano ang kanyang surpresa para kay Rosea. Ang corny niya!
Hanggang sa matapos na siya sa kasasalita at tumingin sa'kin.
"So, saan tayo magpaplano para sa surpresa ko para kay Rosea, pre?" Tanong niya.
"Hindi ba pwedeng simple lang 'yang pagsusurpresa mo sa kanya? Dun na lang kaya tayo sa school magpaplano para sa pagsusurpresa mo para sa kanya? Ano sa tingin mo?" Suhestyon ko. Ang sosyalin kasi ng mga sinasabi niyang mga lugar pangsurpresa para sa kanyang liniligawan eh. Mas gusto ko yung simple lang, gaya ng sa school. Tutal, isa naman si daddy sa owner ng Valzon Academy eh. The name of Valzon comes from the surname of my father Vallejo and the surname of Tito Rei which is Dizon. So it is Valzon.
"Oo nga 'no? Bakit ngayon ko lang narealize 'yon? Ang mahal-mahal nga naman ng mga sinasabi kong mga lugar, don na lang tayo sa school." Sabi niya.
"Minsan kasi kailangan mong mag-isip muna ng mabuti bago magpadalos-dalos sa mga sinasabi mo." Sabi ko.
"Sorry." Ani na lang niya.
"So, kailan tayo magpaplano?" Tanong ko.
"Pwedeng pag lumabas na si Ash." Sabi niya.
Naalala ko na naman si Lei. Haharapin ko na kaya siyang muli? Pero, kinakabahan kasi ako 'pag nakaharap ko na siya eh.
"Okay," yun na lang yung nasabi ko.
"At saka nga pala, bakit hindi ka na bumabalik dun sa ospital? May nangyari ba sa inyo ni Ash?" Tanong niya. Wala nang halong biro, seryoso siya.
"Kasi naman, umamin na ako sa nararamdaman ko para sa kanya, at siyempre hindi ko naman din inaasahan na sasabihin niya sa'kin na papalabasin niya ako. Nanlumo ako ng dahil dun. Tingin mo ano kaya yung dahilan niya?" Ani ko.
"Baka nasa state of shock lang siya pre or hindi pa din sumink-in sa utak niya ang ginawang pag-amin mo sa kanya?" Patanong na aniya kaya napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad ko.
"Eh, hindi ka naman sigurado sa mga sinasabi mo eh." Sabi ko.
"Pre, malay mo naman, iba ang iniisip ni Ash sa ginawa mong pag-amin sa kanya." Sabi niya.
"Paano mo naman nasabi? At teka nga, may nalalaman ka ba sa kanya?" Tanong ko.
"W-Wala. Aish! Pwede mo naman siyang bisitahin eh. Harapin mo siya para masagot 'yang katanungan mo! Wag ako, mukhang ako pa si Ash eh." Sabi niya sa inis na tono.
Bumuntong-hininga ako at saka sinang-ayonan ang kanyang sinabi.
"Diba, bestfriend mo naman siya or should I say kababata mo pa? Kaya, wag kang mag-alala baka nga naguguluhan pa nga siya eh. Try mo na lang." Sabi niya.
"Sana nga." Sabi ko.
"So, balik na tayo sa pagsusurpresa kay Rosea, pre." Sabi niya sa excited na tono kaya tumango na lang ako.
***
/K/I/N/A/B/U/K/A/S/A/N/
Napabangon ako sa lakas ng tunog ng alarm ko. I'd just set the alarm for me to wake up. Ngayon ako nagplano na bisitahin si Lei sa ospital. Handa din naamn na ako.
I've prepared my thing and walk towards the comfort room.
After I took a bath, I was already ready. I was already prepared.
Pagkababa ko ay nakita ko si mommy na nagluluto ng breakfast. Ang sarap ng amoy!
Kaya pumunta ako sa kusina at binackhug si mommy. Medyo nagulat si mommy pero kalaunan ay ngumiti.
"Mom, ano 'yang niluluto mo?" Tanong ko.
"Just carbonara, 'nak. Nagugutom ka na ba? Sige, ipaghahanda na kita, meron na akong naluto. Upo ka na dyan." Sabi niya kaya tumango ako at sinunod ang sinabi ni mommy.
Mayamaya lang ay handa na lahat ang pagkain kaya natatakam na ako. Mukha na akong asong ul*l dito na naglalaway.
"Kain ka na 'nak. Tatawagin ko lang ang daddy mo, baka busy na 'yon ulit." Sabi niya at lumakad para umakyat ng kwarto nila.
Nagsimula na akong kumain. Nanuot sa lalamunan ko ang lasa ng carbonara, ang sarap! Parang gusto ko pa!
Habang takam na takam akong kumakain, bigla na lang tumunog yung phone ko. Sino naman kaya 'to?
I picked up the phone without even knowing who the caller is.
"Hey, sino 'to?" Ani ko.
[Clark, balita ko nandoon sa ospital si Lei, anong nangyayari sa kanya?] Boses ng ul*l kong pinsan na si Kiel.
May balak pa siyang tumawag at kumustahin si Lei pagkatapos ng ginawa niya? Huh! Ul*l mo, bro.
"It's none on your business." Sabi ko sa malamig na tono.
[Please, Clark, kailangan ko na talagang malaman kung ano nang nangyari kay Lei, I'm worried also. Isantabi mo na muna 'yang galit mo sa'kin.] Sabi niya.
"At saka ano, pupuntahan mo siya sa ospital para lang ipakita mo sa kanya na peke lang 'yang pag-aalala mo sa kanya?" Inis na tanong ko. Nagdududa ako sa kanya.
[Clark naman, tinatanong ko lang naman kung ano na ang nangyari sa kanya dun at hindi 'to peke 'tong nararamdaman ko. I am true to my words.] Sabi niya in a sincere way.
Ewan ko pero parang peke siya kahit sincere siya eh.
"Hmm, okay. Maayos naman yung kalagayan niya. That's all you need to know because it's our problem, friends. So f*ck off!" I hissed and ended the call.
Badtrip ang ul*l na 'yon eh.
Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko dahil lang sa ul*l na 'yon.
"Nawala na tuloy 'yong pagkakatakam ko sa niluluto ni mommy. Makaalis na nga muna." Sabi ko sa sarili ko.
Tumayo ako at hinayaan ang plato ko na marami pa ring pagkain at kanin.
Dahil lang sa badtrip ako. Tch...
Naabutan ako ni mommy kaya nagtataka siyang tumingin sa'kin.
"'Nak, tapos ka na bang kumain? At saan ka naman pupunta?" Tanong niya.
"Bibisitahin ko lang po si Lei, ma." Sabi ko.
"Oo nga pala, ano nang balita sa kaklase mo or should I say bestfriend mo?" Tanong sa'kin ni mama.
"Okay na po ang kalagayan niya, mom. And, guess what, bumalik na ang lahat ng alaala niya pati na yung pagkakaibigan namin." Sabi ko. Bumalik na naman yung sigla ko dahil lang sa naalala na ako sa wakas ng kaibigan ko.
Not just a bestfriend but my love also... I said to myself.
"I'm so happy for you, 'nak. At saka, ipasabi sa kanya na ipakamusta siya na galing sa'kin." Nakangiting sabi ni mom kaya tumango ako.
Hinalikan ko ang pisngi niya at nagmano bago ako lumabas ng bahay.
Then, I drove away using the car of my dad to the ospital.
***
Nandito na ako sa ospital. Pagkapasok ko ay diretso lang ako sa paglalakad patungo sa kwarto ni Lei.
Huminga ako ng malalim pagkarating ko sa tapat ng pinto ng kwarto niya at pinihit ang doorknob para makapasok ng dahan-dahan.
Pagpasok ko, nagulat ako ng magtama ang paningin namin ni Lei.
Napalunok na lang ako ng di-oras.
***
At last nasabi ko na ang dapat kong sasabihin.
Ngayong okay na kasi kami, tinanong ko siya kung pwede bang manligaw ako sa kanya, and I respect her decision if she'll reject me. I understand kahit masakit to be rejected.
"Pag-iisipan ko muna. Baka bukas malalaman mo na." Sabi niya kaya tumango na lang ako.
Naalala ko naman yung first day ng school namin. Yung sinabi niyang pag-iisipan daw niya na gusto kong makipagfriends sa kanya. And it's my way para makaalala na siya ulit nun. Hindi naman din nagtagal at unti-unti na niya kaming nakakaalala nun. At ngayon, I'm successful.
Happy it is...
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top